skip to main |
skip to sidebar
"gawa ka na din... mas maganda kesa sa ________ at sa ________. makes life easier!", they told me. "they" refers to a few friends who are my contacts in YM and multiply. hindi ko alam kung paano nasabing mas madaling i-maintain at i-update, gayong tulad ng friendster at multiply, hindi mo naman lahat yun maia-update nang basta-basta tititig ka lang sa monitor.
maaaring pilosopo ako, pero sa nakikita kong ka-user friendly-han ng mga social networking sites ngayon, talagang may umaangal pa na merong hindi simple sa mga 'to.
pero sa lingid na kaalaman ng lahat, bago pa naging IN ang FaceBook (FB) sa pilipinas (o kahit sa metro manila na lang), e meron talaga akong account dito. isang taon na ang nakalipas nang gumawa ako ng account dito, dahil sa kagustuhang masagutan ang riddle ni tim tang, na ang mga hints at forum e makikita ko lang via FB. pero hindi ko inupdate o ginamit for social connections. in short, dummy account lang ang ginawa ko. dumi.
pero ngayon, marami na ang nangungulit at nagmamakaawang mag-FB na din ako, kaya heto... after 375 days, in-update ko din ang FB account ko!
kaya kung may facebook account kayo DATI pa, at kung trip niyo akong i-add as friend, search niyo na lang: peso de guzman
at kung ayaw niyong maniwala na DATI pa akong may FB account, heto ang ebidensya:

heto ang close-up, tignang mabuti ang 1st date of update ko.... :D :

sa ngayon, hindi ko masabing mas simple ang facebook kesa sa multiply, at mas simple ang multiply kesa sa friendster, at mas simple ang friendster kesa sa pangangarap na sana kaibigan mo si ganito at si ganyan. habang buhay pa ang isang social networking site, patuloy lang itong mag-a-upgrade para sa mas user-friendly na sistema. at sa pagpapatuloy ng kumpitensiya ng mga 'di-mabilang na social networking sites, mahirap sabihing ang isa e mahirap gamitin kung ikaw mismo e may active account pa dito.
ang tanging paraan lang e "Delete/Cancel/Ban/Remove/Vanish/Trash/Eradicate/Make Disappear My _______ Account".
lingid sa kaalaman ng lahat, wala pa rin akong friendster.
--peso--
quiapo-quiapo-quiapoquia-poquia-pokya. pokyang buhay.
nito lang uli, pista na naman ng quiapo. as usual, nagkaroon uli ng prusisyon ng nazareno. ito 'yung pagdiriwang kung saan dinadagsa ng milyon-milyong mamamanata at debotante ang "banal" na estatwa ng nazaareno - pinuprusisyon, pinaparada, pinagkakaguluhan. at hindi tulad noong ultra tragedy na once na nga lang naganap e nagkamatayan pa, ibahin mo ang quiapo - taon-taon meron pero kadalasan e injury lang ang inaabot ng mga tao. dala kaya 'yun ng "kabanalan" ng pagdiriwang?
pero kung may kapangyarihan lang ako, let's say ako ang kardinal, hindi ko na hihintaying matulad sa ultra ang quiapo. ako mismo, ipapatigil ko na ang pagpuprusisyon ng nazareno taon-taon. alam kong magagalit ang marami sa akin. ipapa-assassinate na nila ako kung kakayanin. pagkaitan mo ba naman ang milyong tao ng habit nila, sinong 'di magagalit? yung mga tindera nga lang na inagawan ng MMDA ng paninda 'di ba? paano pa kaya ang milyong mamamanata na inagawan mo ng pananampalataya?
o huwad na pananampalataya?
********** ********** **********
maraming hindi nakakaintindi ng pagdiriwang na 'yun, lalong-lao na siyempre yung mga hindi katoliko at yung mga hindi sumasama sa prusisyon. pero sa tingin ko, malaking porsyento din ng mga nakikiparada sa quiapo ang hindi nakakaintindi ng ibig sabihin ng "pananampalataya". siyempre i-exclude na natin ang mga snatchers na nakijoin lang sa party.
wow... i sound like a preacher, as if alam ko kung ano ang "faith".
marami ang nagke-claim na dahil umano sa pagsama nila taon-taon sa prusisyon, gumaling ang karamdaman nila at ang karamdaman ng mga mahal nila sa buhay. marami ang nagsasabing diumano dahil sa panyong ipinahid sa poong nazareno, nalutas ang mga suliranin nila sa pilipinas at guminhawa ang kanilang pamumuhay. hindi ko masisisi ang tao... pero nalulungkot ako sa lumalabas na kakitiran ng tao sa pag-iisip.
parang walang nakakapuna na noong sinimulan nilang pagkaguluhan ang nazareno, e on-going pa ang misa ni archbishop. in effect, nagkaramusahan na. partee time! nadelay ang misa. just for the event to happen, the people really had to take the holy mass for granted. sino nga bang taong gumaling ang cancer dahil sa panyong ipinahid sa nazareno ang makikinig pa sa misa ng simbahan kung linggo-linggo siya dating nagsisimba pero hindi naman siya gumagaling? the fact is, kung ano ang nakikita ng tao't nasasaksihan, 'yun ang paniniwalaan. wala nga namang taong mamamatay na ang sa kalagitnaan ng misa e biglang sisigaw ng "MAGALING NA AKO! WOOHOOO!!!", so paano nga ba paniniwalaan ang isang pananampalatayang "naririnig" mo lang?
ano nga ba ang turo ng simbahan, at ano nga ba ang turo ng Bibliya? nagma-match kaya sila? tinuturo nga ba ng simbahan ang LAHAT ng nasa bibliya? if so, bakit may mga nagpapatayan pa rin para lang mahawakan ang mga diyus-diyosan? o ang tao na ang makulit at sila na rin ang gumagawa ng sarili nilang version ng Bible sa isip nila? bakit nagkakaiba ang pananampalataya at paniniwala ng bawat tao, at ano ang pinagkaiba ng "pananampalataya" sa "paniniwala"?
kung ako ang Diyos, hindi kaya ako malulungkot sa milyon-milyong taong nagkakagulo sa iisang rebulto, samantalang AKO na malugod na ikinukwento ni father sa kanila bilang isang mabuting AMA e iniisnab lang nila? if God was standing somewhere there in manila last friday, i supposed it was like He was watching a philippine version of "the ten commandments", wherein the people BELIEVED into something they crave for that won't really strengthen their FAITH and bring their salvation.
********** ********** **********
in the end, hindi maiiwasang ang isang mambabasang tulad mo, ay sasabihin sa aking "kanya-kanyang paniniwala lang 'yan, walang pakialamanan". dun pa lang talo na ako.
pero sa mundong wala nang makakaisip ng mga bagay na kapareho ng naiisip ko, ang pagkakanya-kanya sa paniniwala ay kapareho lang din ng pagpapatayan ng mga tao.
--peso--
i just had my confession this morning. yep, kumpisal. requirement (daw) kasi para makumpilan, which is requirement naman para makasal sa simbahan. pero wala namang log nung mga pangalan ng mga nagpakumpisal ngayong araw, ibig sabihin pwedeng makumpilan sa susunod na sabado ang kahit sinong bayad at rehistrado kahit hindi talaga nagpakumpisal. physically not compulsary, but spiritually required.
kumpil, kumpisal, kasal. nakakautal.
from 8 to 11 am ang sked ng kumpisal. quarter to 10 na yata kami nakarating sa simbahan. abot pa rin. maginhawa nga dahil dumating kami sa simabahan na wala na talagang pila ng mga nagpapakumpisal. ayon kasi kay "sister" na nag-aasikaso ng mga magpapakumpisal, tatlong pari daw ang naandun kaninang umaga, at dagsa talaga ang mga nagpakumpisal. pero since wala nang gaanong dumating para isuko ang kani-kaniyang kasalanan, nag-siesta na muna siguro yung dalawang pari.
since wala ngang pila, binigyan kami ng instruction ni sister. pag nakita ko daw na tumayo na si ate na siyang kasalukuyang kausap ni father, agad na daw akong sumunod. ok, no problem.
nung isang gabi pa ako nagmumuni-muni kung ano o ano-ano nga ba ang mga ikukumpisal ko. alam kong marami akong kasalanan, pero parang isa sa mga ito e wala akong maalala. palagi kong naiimagine ang sitwasyon ko na kaharap na ng pari pero wala namang masabi. pipilitin ko kaya ang utak ko na hagilapin ang mga tamang katawagan sa mga kasalanang nagawa ko? o matiis kayang maghihintay si father kakahintay sa kasalanang sasabihin ko? ako kaya ang unang susuko at sasabihing "hindi na lang po ako magpapakumpil padre!"? o siya kaya ang unang susuko at sasabihing "totoy gusto mong marinig na lang ang mga kasalanan ko?"
gayunpaman, iniisip ko, habang hinihintay ang turn ko, kung ano nga ba ang mga aaminin ko. hindi ko alam kung bukod sa pagso-sorry sa nagawan ko ng kasalanan, hindi pa kaya sapat na aminin sa Kanya ang anumang pagkakasala oras na marealize kong nagawa ko ang mga 'to. kanino ba talaga dapat nangungumpisal?
hanggang sa nakita kong tumayo na si ate. edi tumayo na din ako, para makasunod na.
pagkaupo ko, binati ko siya ng "magandang umaga po, father". binati naman niya ako ng "sa ngalan ng Ama, ng Anak...". edi nag-krus din ako. humingi ako ng pagbebendisyon dahil sa nagkasala ako. sinabi kong ang una kong pangungumpisal e noong 1997 pa. totoo 'yun! 11 years after! 'yung nanay ko nga huling nangumpisal nung ikinasal sila nung 1983 at hanggang ngayon e hindi pa uli nangungumpisal.
tapos, isinalaysay ko na 'yung kasalanan ko. hindi ko inenumerate dahil isa lang naman ang idinulog ko. iyon ay tungkol sa ____________________ ko na _______________. ipinaliwanag ko sa kanya na dahil ________________________ ako, _________________ at ___________________. mahaba ang pagsasalaysay ko, pero paikot-ikot lang. gayunpaman, aminado ako sa kasalanan kong iyon.
tinanong ako ni father kung ano pa daw ang mga kasalanan ko. nung naramdaman niyang hindi na ako umiimik, dahil wala na akong ibang maalala, sinimulan na niya akong payuhan. nakinig naman ako sa payo niya, at naintindihan ko naman. nakuha ko ang point niya na _______________ ako pero hindi talaga ______________________. at kahit na __________________ ay ___________________ pa rin ako. _________________________________________.
matapos ng pagpapayo, pinagdasal na niya ako ng tatlong Aba Ginoong Maria. habang nagdadasal ako e sumunod namang nangumpisal ang dalawa kong kapatid na magpapakumpil din sa darating na sabado.
********** ********** **********
habang naglalakad pauwi. naalala ko ang mga pangyayari habang nag-uusap kami ni padre. naalala ko din 'yung unang confession ko noong 1997. hindi ko maiwasang maikumpara. grade 3 ako noon, 1st communion. at dahil tatanggap ng bagong sakramento, kelangang mangumpisal muna.
medyo natatawa ako kapag pinaghahambing ko ang dalawang kumpisalang nangyari. kanina kasi, isa lang talaga ang dinulog kong kasalanan, dahil hindi ko lubos maisip na sabihin ang iba kong kasalanan (dala marahil na naka-focus lang ang isip ko sa kasalanang inihayag). tapos nung na-sense na ni father na wala na akong masasabi, pinayuhan na niya ako at saka hinatulan.
noong unang kumpisal ko, hindi ako nag-oral recitation kay father, sa halip ay nag-enumerate ako. sa pagkakaalala ko, wala na din akong mahugot sa isipan ko noon kung ano-ano pang mga kasalanan ang nagawa ko, kaya nananahimik na rin ako. kaso si father pinipilit akong magsalita pa. "sige pa...sige pa", ika nito. hanggang sa nagsabi na lang ako ng mga kasalanang nagawa ko din naman pero less likely na dapat kong ikumpisal dahil para sa akin e hindi naman ganun kabigat na dalahin para sa akin.
sa pagkakatanda ko, nung saktong makalima na ako, biglaang sinabi ni father na "ok. dasalin mo yung act of confession, three glory be's, etc...". wala nang anoman. wala nang paliwanagan. wala nang payuhan, unlike nung kaninang confession ko. nung nakalima ako, kumaripas si padre at dagliang sinabi ang script niya! medyo natawa ako nung naalala ko ang pangyayaring yun. hindi ko imbento ang eksenang 'yun. hindi kaya pagod si padre ung oras na yun? pero bakit hinintay niyang makalima talaga ako ng kasalanan? wala naman akong maalalang binigyan kami ng instruction ng advisor namin na tulad ng, "sit with the priest, talk to him, and give him with not more or less than five sins."
********** ********** **********
sandali lang natapos kumpisalan. nangumpisal ba ako dahil requirement ang kumpisal sa kumpil, na requirement sa kasal, na requirement para ma-extend ang lahi namin? o dahil isinasamo ko talaga sa Kanya ang mga naging kasalanan ko?
aaminin kong hindi ako marunong mangumpisal. marunong lang akong umamin sa kasalanan ko. balang-araw, gusto kong tanungin ang Diyos kung alin nga ba sa dalawa ang mas preferred niyang makita sa tao.
"just say 10 hail mary's, 21 glory be's, 13 our father's, and a hundred amen."
~ eraserheads, 'butterscotch'
--peso--