20081231

PRESENT!

so let's do things chronologically (though 'di ko na totally maalala 'yung mga dates kung kailan). this would be my last post...for the year, and let's start with a box of chocolate.

when i said "a box of chocolate", that doesn't count Forrest Gump.

********** ********** **********

mallows outside

this is a box of Choco Mallows. unfortunately, wala na 'yang laman. mabuti nga't naiuwi ko pa 'yan dito sa tulong ng isang kaibigan. at kahit kahon na lang, buong-buo ko pa rin 'yang maitatago. i got it on november21 from our company's first kris kringle having the category "SOMETHING SOFT AND CUDDLY".

si mam love ang nagbigay sa akin niyan. i wasn't listening into her speech kung bakit food ang binigay niya sa akin, something like naiwan niya yata sa bahay 'yung talagang gift para sa akin or nakalimutang bumili. ewan. Chocho Mallows ang ibinigay niya sa akin dahil "mallows" ang tawag nila sa akin.

let's take a peek inside.


mallows inside

so ayan yung mga palara nung anim na mallows. bilang isang mapagpahalagang tao (naks), kahit palara itinabi ko na rin. sa alim, may sulat. eto 'yun sa malapitan:


a note on mallows from mallows

mahaba ang kwento kung sino sila creampuff at mallows, kung bakit nag-exist sila, at kung nasan na sila ngayon. to cut the naration short, naghati sila mallows at creampuff sa kahon ng choco mallows na yan.

there was a funny story about that letter. umaga nang lunes nang pinapak ni creampuff 'yang tatlong nalalabing sikulate. dumating ang ka-opisina niyang si macmac. "uy sarap niyan...penge naman," sabi nito. "sige kuha ka dun," sagot ni creampuff sabay turo sa kahon ng choco mallows.

nang makita ni macmac ang note ni mallows about sa choco mallows, agad nitong binitiwan ang kahon at sabay patakbong pumasok sa loob. natawa na lang si creampuff sa pangyayari.

natawa din ako.


********** ********** **********

a nolookean paperbag!

nung november28, ginanap ang 2nd kris kringle namin. "SOMETHING LONG AND HARD" ang category. ang nakabunot sa akin, si rose. at ang binigay niya sa akin - dalawang Hersheys chocolates! sarap nun... long and hard pa. :p

unfortunately, wala na rin yung Hersheys, at hindi ko naitabi ang mga palara this time. mabuti na lang ang ganda nung paperbag na kinalagyan nito. hindi ko alam, pero sa tingin ko siya ang gumawa nito.

after niyang maibigay sa akin 'to, wala siyang tigil kaka-sorry sa akin. hindi daw siya kasi nakabili ng something na maitatago ko. ok lang naman yun, sabi ko. since yung mismong paperbag na rin naman, cute na at pwede ko ring itago.


********** ********** **********

jazz front
jazz right
jazz back
jazz left

sometime early december, magkasma kami ni mimitaba sa trinoma. gumawi kami sa may booksale kung saan may mga tambak din na old stock stuffed toys na binebenta. i happened to pass by that place the days before. kaya nung una ko siyang niyaya dun, itinuro ko sa kanya kung anuanong mga stuffed toys ang naku-cute-an ako.

isa mga itinuro ko ay ang itim na osong ang retrato ay nasa taas. agad din namang na-cute-an si mimitaba. ang taba-taba daw kasi nito, bochog na bochog pa. at nang walang anuano'y bigla na lang siyang dumukot ng limangdaang piso sa wallet niya, sabay binili ang nasabing oso. nanghinayang ako dahil gusto ko ding bilhin ang osong iyon, nga lang, hindi pa dumadating ang allowance ko sa opisina kaya wala pa akong pera noon.

nung umalis na kami sa nasbing tambakan ng mga stuffed toys, pinahawak ni mimitaba sa akin sandali yung supot na kinalalagyan nung itim na oso. sabay sinabi niya sa akin, "o ingatan mo 'yan ha...".

siyempre nasurpresa ako, talagang clueless akong ibibgay pala niya sa akin 'yun. inamin niyang na-cute-an siya nung makita niyo yun, at ako daw ang unang naisip niya pagkakita niya sa oso. kamukha ko daw kasi kapag nakatalikod - mataba, bochog, kuba, bilog. lokong mimitaba. :p

we named the black bear "jazz" after the itchyworm's chubby drummer.


********** ********** **********

oh it's mellow!


ito naman si "mellow", ang isa ko na namang munting oso. para tuloy akong babaeng mahilig sa mga stuffed toys. :p

hindi dahil "mallows" ang tawag nila sa akin kaya mellow ang pinangalan ko sa kanya. kundi dahil ang nagbigay sa akin niyan ay ang new staff sa office na si mam eloi, her nickname for "melody". kapag kasi may nagbibigay sa akin ng stuffed toys na walang pangalan, ipinapangalan ko sila base sa pangalan ng nagbigay.

nakuha ko si mellow nung ikatlong kris kringle namin noon december05, "SOMETHING CUTE AND REMARKABLE". amazing dahil P50 lang talaga ang presyuhan namin sa kris kringle, pero talagang bear cuddler ang binigay sa akin. kaya kahit naka-dalawang chocolates ako nung unang turns, naka-bear cuddler naman ako ngayon. :D


********** ********** **********

jwalker

malinaw naman 'di ba? oo, nung december12, sa ikaapat na kris kringle namin, "SOMETHING GREEN AND SEXY", ang nakuha ko e 3-piece pack j-walker underwaer galing kay sir ryan. kelangan mo pa bang makita kung totoong mga undies nga ang natanggap ko???

jwalking

o ayan...as requested! straight from the pack...lukot-lukot pa! isang dilaw, isang asul, isang brown. parang bandila ko 'yang iwawagayway sa bintana namin pagsapit ng bagong taon. siguro na-sense ni sir ryan na nagsa-side-B na ako s mga panloob ko... hay salamat!!! :D


********** ********** **********

hickory!

pagkareceive ko ng underwear, kinabukasan naman ay idinaos ang exchange gift namin sa school. hindi na namin nakuhang magdaos ng party dahil busy pa ang karamihan sa kanya-kanyang internship sites and part-time jobs.

ang nakabunot sa akin ay si icor. nalaman kong ang tindi pala ng hirap at effort ni icor paghahanap ng ireregalo sa akin. ang nakasulat kasi sa wishlist ko - stuffed toy na pusa. e ang una daw niyang nabili na - stuffed toy na oso, na tinahian daw niya ng damit na may nakasulat na "i am a cat" (something like that). nung narinig ko 'yung kwento na 'yun, hiyang-hiya talaga ako kay icor, sabi ko hindi na sana siya nag-abala nang husto. e kaso daw nung nabasa niya yung mail ko sa groups na naglalahad kung gaano ko talaga na-miss 'yung mga pusa ko, talagang ginalugad daw niya ang sm megamall sa paghahanap ng stuffed toy na pusa.

that's very touching. maski naman ako di ko din akalaing mahirap pala maghanap ng stuffed toy na pusa, since palagi akong nakakakita noon.

kasama nung stuffed toy, which i named "hickory", ay ang sulat na confidential ang laman. hehe.


********** ********** **********

the beatles live at budokan 1966

december15, magka-chat kami ni venz. sinabi niyang may pinabibigay daw para sa akin si sir nomer (one of xmind's big boss). nabasa daw kasi niya 'yung wishlist ko for xmas party exchange gift. ng tinanong ko si venz kung anong pinabibigay, "beatles 1966 concert cd", ang sabi niya sa akin. siyempre shocked din ako, knowing sir nomer to be a beatlemaniac, hindi ko naman inasaahang may ganung balita para sa akin. pero dineadmo ko muna.

the next day, maaga akong dumating sa office. nung nasa desk ko na ako, lumapit sa akin si venz, sabay abot sa akin ng Beatles 1966 Live at Budokan DVD!!! natuwa ako sa balita sa akin ni venz nung araw bago iyon, pero lalo na nung makita ko 'yung DVD! totoo pala ang balita. maagang xmas present yun galing kay sir nomer. kung pirata man 'yung DVD, wala na akong paki dahil BOOTLEG ang kopyang ito. imagine, 1966 concert, pero full-colored ang coverage!

kaya kahit hindi na ako makatanggap ng "magical mystery tour" album ng the beatles sa exchange gift, bawi-bawi naman ako sa bootleg na 'to. :D


********** ********** **********

let it be

december20 nung ginanap ang xmas party namin sa opisina. ito na rin ang nagsilbing selebrasyon para sa last day ng internship namin sa office. as usual, sa xmas party, merong exchange gift. ang wishlist ko ay "magical mystery tour" album ng the beatles. alam kong may kamahalan ito - php595 (php300 lang ang pricing namin), pero 'yun e wish lang naman. isang pagbabaka-sakali. tsaka nilagyan ko naman ng 2nd option - kahit anong beatles stuff na lang kung hindi nila mabili 'yung album dahil nga sa presyo nito.

alam ko nang tshirt ang ibibigay sa akin, pero hindi ko alam na let it be from top40. ayus! nalaman kong tshirt dahil pinatanongnung nakabunot sa akin kay venz kung ano daw ang size ko sa tshirt. hehe...wala nang thrill di ba. pero masaya ako't tinanong ako habang maaga kesa naman mnasurpresa ako sa regalong tshirt na hindi pala magkakasya sa akin. :D

si mam abby ang nagbigay sa akin niyan, kabarkada siya ni venz. sinuot ko yan nung pasko, para mabasbasan na rin since umattend kami ng mass noon. kaya ayan 'yung picture - straight from hanger. lukot pa! :D

album ng the beatles. alam kong may kamahalan ito - php595 (php300 lang ang pricing namin)


********** ********** **********

loveeduvee bonet surprise


kahapon, nagtrip uli kami ni mimitaba sa SM north edsa. gusto ko din kasi siyang ipasyal sa bagong renovated na SM Annex. sinabi ko kasi sa kanyang hanggang 5th floor iyon, at alam kong gusto niya iyong akyatin.

pero bago 'yun, binigay na niya sa akin 'yung gift niya sa akin. pahabol siguro sa pasko. nung binuksan ko, wala sa hinagap kong bonet ang ibibigay niya sa akin. kasi naman, ayaw na ayaw niya akong pagsuutin ng bonet, pero yun pa rin ang binigay niya sa akin - dahil daw gusto ko! kunsintidor si mimitaba.

so ayun, half-night kami magkasama sa 4th floor ng annex, nakaupo sa couch, solo ang mundo, habang suot ko ang bonet na bigay niya.

pag-uwi ko sa bahay, na-schock sila sa bago kong bonet. hindi dahil bago ito, kundi dahil mukha daw akong clown kapag suot ko 'to. xD


********** ********** **********


mababaw lang naman akong tao. simple lang para sa akin ang buhay. kaya ganun talaga kung pahalaghahan ang mga regalong ibinigay sa akin, which is DAPAT naman talagang gawin ng kahit na sino.

dahil sa kabila ng lahat ng mga materyal na bagay na nakita mo sa itaas, kung ikukumpara ko ang buong taon ko sa malamig na pasko ng mga pulubing walang matuluyan kundi kalsada, masasabi kong i really have to be contented with what i got. :D (taglish, duh!)




this had been a fruitful '08... see you on the ranch of the ox!




--peso--

20081222

mission 1-2-3



ang sulating ito ay naglalahad ng tatlong matagumpay kong misyon kahapon, ikadalawampu't dalawa ng Disyembre ng kasalukuyang taon.

nagpunta ako kahapon sa RJUR (Ramon Jacinto Underground Radio), para sa isang radio event. isinama ko si mimitaba dahil wala akong ibang maisama at isa pa e gusto rin naman niyang makalabas upang makalaya naman siya kahit papaano sa pag-aalaga ng pamangkin niya. first time ko (o namin) sa lugar na 'yun. madali lang naman hanapin ang address, along makati ave. lang naman. konting lakad lang mula sa gusaling pinag-OJT-han ko.


sabi ko nga, hindi naman ako kasali sa event sa himpilan na 'yun. meron kasing carolling ang mga banda sa station. tapos pwede magdonate 'yung mga listeners ng kahit ano - libro, canned goods, damit, DVD, etc - tapos bibigyan sila ng RJUR ng damit as token of appreciation in return. pero hindi yun ang pakay ko. hindi 'yun ang misyon ko, kundi ang mga sumusunod:


********** ********** **********

mission 1: the purplechickens


2003 nung nilabas ng the purplechickens 1st album nila na "Here's Plan B". HS totoy pa ako nun kaya wala akong malay kung saan makakabili nun. hanggang sa nag-college ako, nilabas na ng manox mula sa nabanggit na album ang isang single nila na pinamagatang A Break In A Prayer. kasunod nito, ay inilabas naman nila ang Dream Systems. matagal ko nang narinig sa Jack Daniels CD 'yung kanta nilang Pickle, pero sa dalawang kantang naunang binanggit ako nagkaroon ng interes sa nasabing banda.

hanggang sa nabalitaan ko na released na pala ang 2nd album nila - Girls, Et Cetera. sa groups nila, may listahan ng ilang Odyssey outlets kung saan mabibili ang album. kaso masyado na yata akong huli sa balita nung nakita kong released na 'yung album. 'yun e dahil ginalugad ko ang ilang Odyssey outlets nationwide, pero wala akong makitang Girls, Et Cetera.


sa sobrang desperado ko, kinailangan ko na sila mismong kontakin. since contact ko naman na sila sa multiply nung naghahanap ako nung album, tinanong ko kung saan ako makakabili nung hinahanap ko. malugod naman nila akong sinagot, hanggang sa humaba ang talakayan at mapag-alaman kong ang isang napakagandang pagkakataon para makabili nung album nila e sa isang gig nila sa makati, December 22, dun nga sa nabanggit na himpilan ng radyo.

isang linggo din kaming magka-txt ni sir aldus (vocalist nung banda) para sa arrangement nung pagkikita namin. hanggang sa dumating ang kahapon, at iyon na nga!

yesterday was a successful day... i got the purplechickens' album for PHP200, autographed! and together with the album were some picures and few moments of laughing and thanking each other. the band was nice and accommodating, they even invited me to come onto the release of aldus' 2nd book by January 28th on saguijo.

and though i'm not the type of the fan who's used to attending gigs, i can ensure them i'm the type of the listener they can primarily count if they seek for the OPM indie-scene support.


autogrpahed: the purplechickens - girls, et cetera


********** ********** **********

mission 2: the camerawalls

nung nakita ko yung poster nung RJUR carolling event sa multiply ng manox, dun ko din nakita na may iba pa pala akong misyon bukod sa purplechickens. nakita ko din doon ang isang bandang nagrelease din kelan lang ng debut album nila - the camerawalls.

for everybody's knowledge, ang camerawalls ay ang bagong banda ni Clem Castro ng Orange & Lemons, matapos siyang pagkaisahan at sibakin ng tatlo pang miyembro nito, na bumuo naman ng reviving-band na Kenyo. :p

5pm ang schedule ng CW sa station. galing kami ni mimitaba noon sa landmark para kumain, bago kami tumuloy sa istasyon nang 4:45 nang hapon. dumating kami sa station na nagsa-soundcheck na ang CW. at dahil dala ko ang album nila na Pocket Guide To The Otherworld, kelangan ko pa silang hintayin hanggang 6pm para makapagpapirma ako.

and so hinintay nga namin sila, at hindi naman nagtagal nang natupad ang pangarap kong magpapirma at magpapicture kasama nila. and as clementine signs my albun:

ako: ako nga pala si peso
clem: oh, nice to meet you, peso. sounds familiar.
ako: hehe... nagka-chat na tayo e. not once, but twice.
clem: (ngisi) so saan ka nakakuha nitong album?
ako: quezon ave. tower records


napag-alaman ko din base sa usapan namin na rare na pala itong kopya ko ng album nila. sabi ni clem, meron na lang daw siyang 80 copies left, and he's not anymore planning to distribute them in M1/TR outlets. problema daw kasi, hindi daw dinidisplay nung stores yung album nila. ayon naman sa nasabing stores, hindi nila maidisplay basta dahil since hindi ito naka-crystal case, madaling mananakaw ng mga passers-by.

and so, the camerawalls is planning to re-release another version of the album, now in crystal case, with a totally different album packaging. that would be nice, though i forgot to ask about when would it be released. siguradong bibili ako nun, para maitago ko na tong karton kong kopya. isa pa, mas mura ang release nun panigurado.

kahit na manox talaga ang ipinunta ko sa araw at lugar na iyon, this sub-mission is another success for me. :D


autogrpahed: the camerawalls - pocket guide to the other world


********** ********** **********

mission 3: the itchyworms!

bukod sa purplechickens at camerawalls, hindi ko din inasahang makikita ko sa listahan ng mangangaroling ang Itchyworms. may pirma naman na ang lahat ng itchyworms record ko, pero may misyon pa rin ako sa kanila. simple lang - nagpa-burn kasi si kuya jugs (vocalist) ng album ng electrico nung minsang magkausap kami sa gig nila sa sm fairview.

may nakakatuwa pa ngang kwento. nung naglalakad na kami ni mimitaba patungong RJUR, may bumubuntot sa aming lalaking naka-mohawk na gupit. pamilyar ang mukha ni kuya. nung nandun na kami ni mimitaba sa gusaling pupuntahan namin, nasurpresa kami dahil doon din pala pupunta si kuya mohawk-mukhang-manok. totoong pamilyar ang mukha niya dahil nakikita ko siya sa ilang gigs ng itchyworms na napuntahan ko na. at hindi naman ako nagkamali. nung tinanong ko si kuya jugs kung ano ang pangalan ni kuya mohawk-mukhang-manok, "sammy" daw. siya daw 'yung sumasayaw sa video ng Freak Out Baby. so naalala ko na, kaya pala pamilyar ang mukhang 'yun.

ang nakakatawa pa, bago kami magbuntutan sa paglalakad papuntang RJUR, nakasabay namin siya sa jeep papuntang makati ave galing MRT buendia station! :D

so binigay ko na nga kay kuya jugs yung dalawang electrico albums na niburn ko nung umagang iyon. at bago sila umalis, pinapirmahan na rin ni mimitaba yung kopya niya ng 1st album ng itchyworms - Little Monsters Under Your Bed. "Uy! Classic!", bulalas ni kuya kelvin. matagal na kasi yung album na 'yun - 2nd yr HS pa kami. sinabi ko sa worms na may nagregalo kay mimitaba nun, 2 years ago, at nakalimutan lang dalhin nung sm fairview gig.

natapos ang tanghali, at umalis ang worms nang walang gaanong picture-an na naganap. nakalimutan ko ding itanong yung tungkol sa guitar 911 business ni kuya jugs, dahil plano naming ipagawa yung gitara namin ni kuya. nakalimutan ko ding humingi ng plectrum bilang remembrance.

gayunpaman, masaya ako sa dalawang bagay na natanggap ko mula sa kanila:

1) habang nag-e-air sila live, binati daw nila kami ni mimitaba. though, di namin narinig, since nasa labas kami nung studio habang nagrerecord sila. sayang, pero nakakatuwa. :D

2) binigyan ako ni kuy jugs ng regalo... kung ano yun - SIKRETO!


me & sammy, the freak-out baby boy in his mohawk-mukhang-manok outfit. :D



hehehehe...



click here for more RJUR mission pics. :D



--peso--

20081215

tarrific



ANG ALAMAT NG MAHIWAGANG TARIPA





KAHAPON

discussion:

"epektibo na pong itinaas ang pamasahe sa mga pampublikong jeepney simula ngayong araw ng lunes. mula po sa P7.50 ay gagawin nang P8.00 ang minimum fare na katumbas ng unang apat na kilometro, at karagdagang P1.25 naman sa bawat susunod na kilometro. (blah blah blah yadah yadah yadah...echeche bureche.)"


dramatization:

pasahero: manong bayad po o...
(inabot ni 'manong' driver 'yung bayad)
manong driver: kanino ho itong P7.50?? utsu na ho tayo ngayon, utsu na!
pasahero: wala pa ho kayong taripa a...asan ho 'yung taripa?
manong driver: etu pu taripa o. utsu na hu...utsu na!
(inabot ni pasahero yung taripa)
pasahero: parang siroks lang 'to ah... totoo ba to?
manong driver: utsu na hu...utsu...


********* ********* ********* ********* *********


KANINA

discussion:

"epektibo na pong ibinaba ang pamasahe sa mga pampublikong jeepney simula ngayong araw ng lunes. mula po sa P8.50 ay gagawin nang P7.50 ang minimum fare na katumbas ng unang apat na kilometro, at karagdagang P1.25 naman sa bawat susunod na kilometro. (blah blah blah yadah yadah yadah...echeche bureche.)"


dramatization:

pasahero: manong bayad po o...
(inabot ni 'manong' driver 'yung bayad)
manong driver: ilan ho itong baynte?
pasahero: isa lang po...diyan lang.
(inabot ni pasahero yung sukli. binilang.)
pasahero: kulang pa ho ito... P7.50 na lang ang minimum a.
manong driver: wala pa ho tayong taripa, ano? kukuha pa lang po tayo.




ANG ALAMAT NG MAHIWAGANG TARIPA.

BOW.






--peso--

20081122

yawning over night

bakit ako andito ngayon?

kadalasan pagkatapos ng laro nasa bahay na ako e. pero pinili kong magpalipas ng gabi dito sa opisina... tama, nag-overnight ako ngayon sa opisina. bukas (mamaya) na ako uuwi. mga alas-sais. kung overnight nga 'to, hindi ko alam. parang wala akong balak matulog.

as usual, 8-10 pm ang laro. siguradong aabutin na naman ako ng sibsib sa daan. kaya nung isang araw pa lang, plinano ko nang dito na lang magpagabi... mas ligtas ako dito.


********* ********* *********

tuesday, around 7am. munoz area, congressional avenue, quezon city.

tipikal sa munoz ang maraming pasaherong nagsisibabaan sa bus na papahinto, na papalitan naman ng lupon ng mga pasaherong ang dami e doble ng mga kasisibaba lang. at sa ganoong eksena, tipikal din ang pangyayaring dukutan ng kung ano-ano ng kung sino-sino. pero ito yata ang unang pagkakataon na nakakita ako ng biktima ng mga sindikato...sa malapitan (bukod sa TV).

nasa likod na upuan ng bus kami ni kuya, pa-MRT. hinto sa munoz, baba ng pasahero, sakay ng pasahero. itong si ate, gumawi agad sa likod para makaupo. nakatabi niya ang kuya ko. kung nandun ka nakaupo o nakatayo malapit sa amin, wala ka nang ibang maririnig na salita bukod sa "shit!". galing yun sa bibig ni ate.

kinapa niya ang bulsa sa labas ng bag niya (plain pocket, no buttons, no zippers, no locks. open pocket). doon daw niya nilagay ang cellphone niya e. binuksan ang bag, baka sakaling andun, wala. nanghiram ng cellphone sa katabi, kung pwede daw maki-misscall or makitxt... sa pagitan ng mga aksiyon niya, wala kang maririnig kundi "shit!".

bumaba kami ni kuya, habang ako e iniisip ko kung gaano katanga yung babae. madali lang naman hindi mawalan ng cellphone e. kaya nga siya nag-bag e para ilagay sa LOOB ang mga gamit niya. kung anong papel nung open pocket sa labas ng bag niya, malamang, sa pananaw ko, e lalagyanan ng asin para sa balot.

isang malaking katangahan na doon mo ilagay ang mahahalagang bagay mo.

no wonder.


********* ********* *********

same day. around 8pm. buendia bus station, going north bound.

sakay ako ng bus, deretso pa-novaliches. nung nasa guadalupe na, lumipat sa unahang upuan, malapit sa akin, 'yung isang pasaherong nbakaupo sa bandang likod. kinausap niya yung kunduktor, hindi ko alam kung tungkol saan. hangng sa napansin ko na lang na wakwak na pala ang bulsa niya. holy shit, gang rape ba 'to?

hanggang sa nalaman kong nabiktima pala siya ng apat na kalalakihan. di daw niya naramdaman yung "gaan" nung kamay nung mga salarin. alam niyang apat yung magkakasabwat, since sabay-sabay silang nagsisakay, at sabay-sabay ding nagsibaba. di ko lang naulinigan kay kuyang biktima kung nakuha ba ang cellphone niya.

nalaman ko ding pwede pala akong mapagbintangang "kasabwat" nung apat na snatchers. sa buendia DIN pala sumakay yung apat, kasunod ko lang. biglang naalala ko 'yung mga pangyayari nung sumakay ako ng bus na 'yun:

pagsakay ko, upo agad ako sa gawing unahan. nakita kong pinara nung isa sa apat na magkakasamang kalalakihan 'yung bus na kinasaskyan ko na. habang 'yung isa, nagsabi ng "BULL'S EYE!"

fishy.


********* ********* *********

the next day. 10:30pm, MRT, cubao station.

kasama ko si officemate mac. nagkwento siya:

"nung last friday, nung hindi ako naglaro. alas-dose na ako umalis ng office. nagbus na ako, antok na ako nun..."

"nakatulog ako pare. nagising ako sa novaliches na ako. sa may paliko na, kung saan man yun. e diba sa west ave lang ako? ang layo ko na, hindi ko alam 'yung lugar na 'yun..."

"tapos, kinapa ko 'yung bulsa ko. naglaglagan 'yung mga coins ko sa bulsa. tapos, nakita kong nakatagos na 'yung daliri ko sa bulsa... pucha wala na 'yung cellphone ko!"

"pero may pera pa ako sa wallet. nakakapagtaka nga e, hawak ko 'yung wallet ko habang tulog ako. e andun yung seldo ko, kaka-withdraw ko lang. hindi 'yun ang tinangay"

"kaya hinala ko, 'yung kunduktor ang may pakana nun eh. kasi kung mandurukot, tatangayin pati wallet ko. tsaka patay-malisya 'yung kunduktor e. ayun, wala na akong cellphone ngayon."

"nung pagbaba ko, nagpatulong na lang ako dun sa lalaking sumundo dun sa babaeng kasabay ko sa bus kung paano ako makakabalik sa west ave. ayun, alas-tres na yata ako nakauwi."


********* ********* *********

andito ako ngayon, mas ligtas, kesa kung bumiyahe pa ako. maaga pa ang alas-onse para umuwi hanggang sa amin, pero mas gusto kong makatiyak sa mas posibleng makakauwi akong may cellphone at pera pa.

magpapasko na e. tuloy na naman ang kayod ng mga mananamantala. parang trabaho... nakakatakot tuloy bumiyahe.

nakakatakot pala talaga 'pag magpapasko. fantastically ironic.




--peso--

20081119

AND AIRCON'S TRUCK SHAWN


YES, AS YOU READ IT... MIMITABA WAS GOING UNDERGOING A DEEP RENOVATION...OF HER MIND.

PLEASE BE BACK AS SOONEST AS YOU REMEMBERED TO GET BACK...ANYTIME.


WE ARE DOING THIS FOR YOUR CONVENIENTS. PLEASE BE GUIDED ACCORDINGLY IMMEDIATELY.




AND NO, SHE AIN'T CLOSING THIS.




LOVE,

MIMITABA

(loko, masama, BALIW)

20081025

64,800 minute-idle

dahil isang linggo nang ongoing ang sembreak para sa mga semestral na eskwelahan (hindi para sa mga trimestral na tulad ng sa amin), nabuo na ang plano ko. balak ko na talagang gawin to nung lunes pa lang, pero laging namamali ang timing nung FX na kinasasakyan ko kaya 'di ko na nagagawang pumara pa. minsan naman e naka-bus ako kaya di ko madadaanan ang terminal na 'yun. kanina, buo ang desisyon ko. papara ako, bababa sa terminal na 'yun, sasakyan ko ang FX na 'yun, no matter how much it would cost.

at saktong pumara si ateng katabi ko: "diyan lang po sa Pag-asa..."

bago siya makababa, kelangang bumaba muna ako. at pagkababa ko, lakad na ako patungong terminal. as if hindi first timer.

deretso agad ako sa pila. kasunod ko ay si ateng katabi ko mula sa binabaang FX. pareho pala kami ng destinasyon: buendia. pero since konti naman ang tao nung time na yun (dahil walang mga estudyante dahil sembreak nga), hindi na ako nahiyang maging isang first timer. bumaling ako kay ateng katabi ko sa FX kanina, at saka nagtanong.

"pa-buendia po ba 'to?"
"pa-ayala. doon po 'yung buendia" (sabay turo sa pulang adventure na wala namang nakapila)
"ah ok... uhm, magkano hanggang buendia?"
"60."
"ok thanks."
"doon 'yung buendia." (sabay turo uli sa pulang adventure na wala naman talagang nakapila)

tsaka ko narealize ang flow ng conversation namin, na nakapila kami ngayon sa biyaheng ayala, at hindi iyon pa-buendia. slow ang mga first timers. ganun talaga.

agad akong nagpasalamat uli at gumawi na doon sa pulang adventure na wala namang nakapila. tinanong ko 'yung dispatcher.

"boss saan 'to?"
(dispatcher, nakatingin lang sa akin.)
"saang biyahe ho ba 'to?"
(dispatcher, nakatingin lang sa akin nang taimtim. gusto kong itanong kung gwapo ba ako.)
"pa-buendia ba 'to?"
"oho, dito pa-buendia", ang hinihintay kong sagot niya.

binuksan niya 'yung likurang pinto, at sumakay ako. dalawa na lang ang kulang - isa sa gitna, at isa sa likod, na napwestuhan ko na. isa na lang ang kulang. wala pang tinsikunds ay may sumakay nang pasahero. may humabol pa ngang isa, pero since wala nang espasyo, next FX na lang. hindi kasi pwedeng sumabit sa adventure, kasi magkakaroon ka ng adventure versus MMDA.

nakasakay na ako. nagkabayaran na ang mga pasahero. pucha panay tig-iisang daan! totoo ngang 60 ang pamasahe dito. nagbayad na din ako ng isangdaan, at agad naman akong nasuklian.

nagtxt ako kay nanay.

"deds na nga si kuya erns...tsk tsk. and2 pp q ngaun fx pa-buendia. una at hulng beses q ssbukng smkay d2. 60pesos ang psahe pla d2."

wlang reply (actually nung tinataype ko 'to, nag-PM si kuya na kakabasa lang ni nanay nung txt ko). habang binabaybay ang EDSA kung saan balak yatang makipagkarerahan ni kuyang driver ng adventure sa MRT train 16, doon ko lang napansin na ako lang pala ang lalaki sa sampung pasahero. walangya kung naka-axe pala ako, gang rape ang inabot ko! maski driver makikiisa, ililigaw ako nun at dadalhin sa kung saan mang liblib na bahagi ng NCR! buti na lang prescripto lang ang bahid ko. imitation.

lumagpas na ng North Avenue (1) at Quezon Ave. (2) stations. kasalukuyang nasa GMA-Kamuning (3) ang pulang adventure nung napansin kong ako lang iisang lalaki sa mga pasahero. palapit na sa Araneta Center-Cubao (4) station nung kinabahan akong ma-gang rape at ma-feature sa axe commercial.

Santolan-Annapolis (5) station. Ortigas (6) station. nagpapaunahan talaga ang pulang adventure at MRT train 16. Shaw Blvd (7) station. Boni Ave. (8) station. Fuc*in' Guadalupe (9) Station!!!

Buendia (10) station!!!! all in 30 mins.!!! binilang kong mabuti kung may nalampasan bang istasyon, at baka nag-shortcut ang pulang adventure. kumpleto naman. patas ang laban. naunang dumating ang pulang adventure sa buendia. madalas nga naman kasing delay ang MRT. paulit-ulit kasi ang mga reminders tulad ng "next train na lang po" at "pakiusap po, h'wag pigilan sa pagsara ang train".

pagliko sa Shell, nakahanda na akong bumaba. right in there is the jeepney terminal pa-washingotn. pero dere-deretso ang pulang adventure sa Jupiter. akala ko hihinto na sa bakanteng lugar, pero deretso pa. lumagpas ng paseo de roxas. kinabahan na ako. ang buendia na tinutukoy yata nito e 'yung bandang istasyon ng LRT. nakupo, mahirap sumakay dun!

habang papalapit na sa makati ave., lumiko pakanan 'yug pulang adventure. may pumara. AYUS! kasabay ng pagpara ni ateng pasahero ay bumaba na din ako. isang tawid lang, nasa mercury na ako. sakto. bibili ako ng ambroxol para sa lungs kong nagmamakaawa na sa akin.

konting oras pa, nasa opisina na ako. nakarating ako ng 7:45! di ko inakalang magiging ganun kabilis ang biyahe.

at dahil wala akong task sa opisina ngayon, ang unang-una kong ginawa pag-upong pag-upo ko ay ang pagko-compute ng gastos ko sa pamasahe papasok sa opisina, sa apat na iba-ibang paraan:


ROUTE 1: Total: P53.50
bus (from quirino hi-way to buendia MRT station): P45 (let's say walang student fare)
jeep: P8.50

comment: pinakamatagal at pinaka-hassle na biyahe. oo nga, sitting pretty ako sa bus, pero nakikisiksik naman sa akin ang polusyon ng kalakhang maynila.

ROUTE 2: Total: P41.50
bus (from quirino hi-way to north avenuw MRT station) P19
MRT: P14
jeep: P8.50

comment: karaniwang biyahe ko. kelangan lang maaga ka gumising para wala pang siksikan sa bus, wala pa ring siksikan sa MRT. not the most convenient route, but the most practical for me.

ROUTE 3: Total: 47.50
FX (from quirino hi-way to north avenuw MRT station) P25
MRT: P14
jeep: P8.50

comment: para 'to sa mga nagmamadali nang pumasok, late na kasing nagising. napa-FX na nang dis-oras, siguradong makiki-moshpit pa sa MRT. kasi kung di ako late nagising, gagawin ko is 'yung WAY 2, otherwise, eto.

ROUTE 4: Total: 85.00
FX (from quirino hi-way to brgy. pag-asa) P25
FX (from brgy. pag-asa to jupiter, makati city) P60

comment: para 'to sa mga naghahanap ng adventure, pula man o hindi. sinubukan ko lang dahil sembreak. walang pila. pero naknampuch, sa tatlong route na nabanggit sa taas, P53.50 na ang pinakamahal na biyahe. tapos dito 'yung P60, 3/4 sakay pa lang! oo nga, mabilis. pero logic has it. pagdating ng pasukan, may pila na naman diyan. at ang paraan para makasakay ako sa pulang adventure ay gumising nang maaga. PERO, 'pag gumising ako nang maaga, 'di kaya mas tipid kung mag-MRT na lang ako, since wala pang tao nang ganun kaaga, at 80% sure na makakaupo pa ako??? practicality is applied logic.


hindi lang talaga apat ang route na pwede kong sundin. meron pang ibang option, na ayoko na lang banggitin dahil di ko pa naman nata-try, though alam ko kung magkano eksakto ang aabutin.

********** ********** **********



napansin ko lang na nakakalimang-post na pala ako since nung mai-publish ko ang "matsing type". yes, limang post - lahat nakadraft. ayoko sanang naa-idle si mimitaba nang isang buwan, kaya lang 64,800 minutes na itong nakatunganga. kaya pinilit kong maging productive ngayon habang taskless ako.

marami pa akong kwento... worth remembering when time's forgotten.
at marami-rami pa akong ida-draft. :D

abangan.






and no, i'm not yet closing this.





--peso--

20080909

matsing type


kumuha ka ng papel. kahit anong papel: bond paper, oslo paper, art paper, yellow pad, blue-red-blue writing pad, 1/2 crosswise, 1/2 lengthwise, 1/4 crosswise, manila paper, bell pepper, kahit ano. may quiz tayo ngayon.

pwedeng hindi mo sagutan pero nakasaalang-alang dito ang karangalan mo. hindi ito graded pero masyado itong mahalaga para isnabin. hindi naman 'to mahirap. kelangan ko lang ay ang malikhain mong pag-iisip at makabuluhang pagpapaliwanag.

simulan na.


********** ********** **********

Tanong: Sinu-sinong partikular na miyembro ng OPM band Cueshe ang ginaya ng bawat miyembro ng foreign band na Linkin Park? (Hindi ka nagkakamali ng binasa - Linkin Park ang gumaya!)

Panuto:

1) Mula sa Pangkat B, piliin ang titik na siyang angkop itulad sa bawat taong kinakatawan ng bilang 1-6 na nasa Pangkat A. Kung magulo ang instruction, matching type lang 'yan ungas! I-match mo lang kung sino sa Cueshe ang ginaya ng mga Linkin Park members!


Pangkat A

pak-cueshet!
Pangkat B

lintik park!

2) Isulat ang mga sagot sa mga salungguhit sa ibaba. Sa unang hanay ng mga salungguhit, isulat ang titik ng sagot. Sa ikalawang salungguhit, isulat ang paliwanag kung bakit iyon ang naturang sagot. Gawing masinsinan ang pagpapasya at makabuluhan ang pagpapaliwanag.


Sagot:

1) ___ - __________________________________________________
2) ___ - __________________________________________________
3) ___ - __________________________________________________
4) ___ - __________________________________________________
5) ___ - __________________________________________________
6) ___ - __________________________________________________



Maaaring gawing mag-isa o nang pangkatan ang pagsususlit. Walang time limit. Ipahayag ang nasasa-loob. Ibahagi ang sagot sa comments page ng blog na ito, o kaya'y i-email sa bobongp3so@yahoo.com.

********** ********** **********







--peso--


20080805

BHM


madalas ako ma-LSS, pero hindi ako madalas mag-share ng lyrics, ng video, at mp3 download. siguro dahil may sakit lang ako kaya ganito ako ngayon ka-old school emo.

here's the song
Broken Hearted Man by the 1960's band The Spiral Starecase:

********* ********* *********

Broken Hearted Man

Till the sun doesn't shine
and poets run out of rhyme
and the golden fields of wheat forget to grow

I'll be here loving you
Just say you want me too
And forgive the wrong I've done to hurt you so

Will you give me your shoulder to lean on
Give me your lips to caress
Give me the love that I long for
I promise you, I'll give you all that I have

Bring back the pieces of a broken man, babe
He's sorry, can't you see?
Bring back the pieces of a broken man
You're every part of me.

If my stone should go unturned
And snuffs the flame that burns
And my broken heart should crumble to the ground
If I'm down on my knees to plead
and my wounds should start to bleed
And I'm begging with all of my heart
Please don't go.

Will you give me your shoulder to lean on
Give me your lips to caress
Give me the love that I long for
I promise you, I'll give you all that I have

Bring back the pieces of a broken man, babe
He's sorry, can't you see?
Bring back the pieces of a broken man
You're every part of me.

********* ********* *********


uhm, walang official video 'yung kantang 'to, kunwari na lang eto ang video niyan:






at pwede mong i-download ang kantang 'yan from our multiply account! kaso, kelangan may multiply account ka din...mahigpit ang security ng multiply, unlike sa yahoo! groups. kung wala, i-add mo na lang ako sa YM at isesend ko sa'yo, with a free opportunity to chat with your idol!

ym account: bobongp3so

multiply mp3 download: i-download mo ako (may bayad)






ayan...pinapakinggan ko yan nang paulit-ulit, sa pag-asang gagaling ako't makakapasok na bukas...

...palibhasa, may biogesic para sa lagnat, kaso walang biogesic para sa puso.





--peso--

20080802

ang gabi ng unang vodka



bakit nga pala ako gising ngayon?

dapat yata tulog pa ako e... parang 'di pa dapat sapat ang apat na oras na naitulog ko simula nang dumating ako kagabi (kanina?) sa bahay nang alas-dose eksakto sa relo ko. basta natandaan ko na lang...tama... natatandaan kong isineset ko ang body clock ko na gumising nang maaga ngayon, para sa dalawang dahilan:

1) kelangan kong mag-review. may exam kami mamaya. hindi graded, pero nakasalalay ang kahihiyan, reputasyon at kinabukasan. pero hindi naman 'yun ang pakay ko kaya ko isinusulat 'to.

2) kelangan kong alalahanin ang mga nangyari kahapon at kagabi. reflection? homily? muni-muni? 'di ko alam. basta alam kong malas kahapon at masaya kagabi... medyo gusto ko lang isipin uli para maikwento. 'yun yata ang pakay ko ngayon.

'yun nga ba?

ok game. may vodka pa.


********** ********** **********


WRONG!


wrong talaga. mula umpisa ng araw, hanggang sa matapos ito, maraming WRONG! kaming binanggit, dahil maraming 'di kasiya-siyang bagay kaming mga napala. heto muna ang mga litanya namin:

kay jel:

1) tinangay ng baha kagabi ang isang tsinelas niya, kaya napilitan siyang bumili ng bago sa makro. sabi ko nga, paagusin na lang din sana niya 'yung kapares, parang si Rizal. kaso, naisip kong sa panahon ngayon, hindi kabutihang-loob ang magagawa nito, kundi pagkakalat ng basura.

2) stranded sila ni ekah kagabi dahil sa lakas nang ulan. wala daw masakyan.

3) pagpasok nang umaga, nawala 'yung foam yata nung earphone niya. malas na 'yun para sa kanya.

4) wasak nung partee. pinagtambal na talaga sila ni TKR, care of sir raffy na malupet mangwasak. kaya alam na ng buong kumpanya ang (isa sa mga) lihim (namin)...

5) inuman sessions... umuwi kami ni ekah na tumatagay pa si jel. although, parang hindi naman yata yun WRONG! sa part ni jel.


kay ekah:

1) naghihinagpis dahil may injury ang favorite cartoon character niyang si maria sharapova.

2) stranded sila ni jel kagabi dahil sa lakas nang ulan. wala daw masakyan.

3) pagpasok nung umaga, buwisit na buwisit dun sa isa naming kasamahan sa office na dakdak nang dakdak. ang dami daw sinasabi, di naman daw kinakausap. dagdag stress.

4) wasak nung bago mag-partee. kasalanan (daw) ni TKR ang lahat... ngunit agad naman ikinaila nang nahuli ang nabanggit na paratang. ang sabi pa nga ni TKR, "'di din!!!"

5) masama ang loob na umuwi... dahil ba dun sa mga pictures na nakita niya sa audi-visual presentation? o dahil pinagalitan ng ermats?


akin:

1) walangya, naiwan ko ang spiderman necktie ko. hindi required magsuot para sa partee, pero ni-required ko para sa sarili ko. sayang ang get-up! inilabas ko na 'yun sa cabinet, at tinesting ko pa. kaso naiwan ko naman pala!

2) isang katangahan na iwan ang charger ng digicam ko! sa bahay pa lang, pinagbotohan ko na sa isip ko kung dadalhin ko ba 'yung charger o hindi. ang sabi ko, wag na, ubos kung ubos ang baterya. marami din akong nakuhaang litrato at natpos ko naman ang misyon ko, kaso nung magsimula na 'yung program partee, nasa bag ko na lang ang lupaypay kong digicam.

3) pagpasok ko, basa ang sapatos at medyas ko. hassle. ako lang ang naka-medyas sa office...

4) lumilis ang salamin ko pagpasok ko sa kwarto, from kitchen. dahilan dito, hindi ko na-greet ng good morning man lang 'yung nakasalubong ko (kasi di ko nakilala e). nung lumagpas siya, narealize kong isang mahalagang siyang hinahanap ng lente ng digicam ko ang nakasalubong ko. WRONG!

5) jel friendly and honestly confessed na hindi siya comfortable kay
mahalagang siyang hinahanap ng lente ng digicam ko. naintindihan ko siya, kasi ako mismo na-turn-off sa nakita ko.


ganunpaman, marami pa ring nakakatuwang bagay na naganap tulad ng payapang pamamahinga ng digicam ko dahil sa
isang "mission accomplished!", ang napipintong pagtatapos ng documentation ko, ang mga madadaling tasks na iniwan sa akin ni sir, ang pagkapanalo ko sa mga partee games, ang hindi ko pagkawasak 'di tulad nila jel & ekah, at ang pag-amin ni kuya bon na gusto niya si mam veni, na mukhang komportable din naman kay kuya bon.


********** ********** **********

the beginning of vodka is the death of digicam


walangya, ang sarap pala ng vodka! hindi ako naglasing, pero dala ng pangangailangan, kelangan kong uminom. hindi naman ako KJ all the time e... tsaka pass 'yung isang shot nung vodka para sa next level nung game, na swerte namang kami nung partner ko (si noeme) 'yung nanalo.

and speaking of "nanalo", mukhang sinuwerte lang talaga ako kagabi. kasi sa dalawang larong pinasali ako, pareho akong nanalo dun. kung sumali pa siguro ako dun sa singing contest, malamang nanalo din ako. kaso umuwi na kami ni ekah that time e, dala nang pagtalima sa MAS IMPORTANTENG bahagi ng buhay. isa pa, alas-onse na rin nun. maaga pa talaga. kung wala lang pasok kinabukasan, baka mag-overnight na ako sa opisina. isa pa, pinapagalitan na si ekah ng ermats niya.

ayaw pa nga kaming pauwiin ni boss e...lasing na si boss actually e... imbes na i-encourage kaming papasukin sa eskwelahan, inaaya na lang kaming uminom at tularan si jel. buti na lang, naintindihan kami ni kuya bonbon sabon. sabi niya, "pag hinarang kayo sa labas, sabihin niyo 'may mga pangarap pa po kami habang 'di pa kami graduate!'"

balik sa partee.

bago ko malimutan, kaya nga pala may partee ay dahil 4th anniversary ng xmind. ang pinaka-company ko e omega. may kakatwang kwento tungkol dito. ang opisina namn (omega) e nasa kaloob-looban ng xmind, parang nakiki-share lang. pero malaman-laman mo, ang xmind e isa lang din sa mga kliyente namin. labo 'no? 'yun yata ang ibig sabihin ng "mutualism" e.

balik uli sa partee.

bago ang naturang partee, nagkaroon muna ng misa ganap na alas-dose nang tanghali, na kami ang sponsor. mga officemates ko nga ang nagbasa e. at dahil
ang isang nagbasa dun sa mass readings e isang mahalagang siyang hinahanap ng lente ng digicam ko, siyempre taimtim akong nakinig sa kanya, este sa misa at tumingin...sa papawirin habang pinagninilayan ang mga nakasulat.

after ng mass, nagkaroon bigla ng dirty ice cream stand sa loob ng office. 'yun bang tinutulak ni "mamang sorbetero, tayo'y sumayaw". typical ice cream flavors - mango, chocolate, cheese. limted supply...basta 'yung isang karitong ice cream na yun, amin yun for that whole day.

mga bandang alas-tres nang hapon, huminto muna ako sa mga tasks na naiwan ko (dahil puro report formatting na lang naman 'yun). nainggit kasi ako kila jel & ekah na nagdedecorate ng mga letterings para sa partee designs. pero since wala akong hilig sa art, hindi 'yun ang talagang kinainggit ko. kasama kasi nilang naggugupit gupit 'yung ilang officemates, atsaka 'yung isang
mahalagang siyang hinahanap ng lente ng digicam ko. doon ako nainggit! hindi man ako magaling sa art, medyo marunong din naman ako sa photography. at dito nagsimula ang isang mahalagang misyong kelangan kong gampanan.

picture picture, morning morning. nilitratuhan ko isa-isa ang mga officemates na nakakasalubong ko (siyempre kasama ako), para may remembrance ako in case materminate na ang OJT contract ko. although, mga di ko naman talaga sila close (dahil tahimik lang ako sa office), eto na ang tamang panahon para maka-close ko sila (close? parang may ka-rhyme yun ah!). marami din naman akong nakuhaan. iniiwasan ko ngang tignan nang tignan 'yung mga litrato dahil di ko nga dala 'yung charger ko. umabot din naman sa partee 'yung buhay ng camera. nakuhaan ko pa nga si kuya bon at mam veni e. cute. sa huli, namaalam man sandali ang digicam ko, ipapakita ko sa'yo na matagumpay ang lente't flash nito, at siguradong tapos ang
documentation ko! punta ka dito.




"okey lang? okey lang? ... okay lang?"


********** ********** **********

this part is the partee


nagsimula na ang partee around 6:30 or 7:00 pm. kainan muna. may catering. dahil galing si regie sa pampanga, at masarap daw ang hinain ng kliyente sa kanila doon, hindi ako makapaniwala kay regie dahil ang hina niyang kumain ngayon! ibinigay pa nga niya sa akin 'yung fish fillet niya e. siya pa man din 'yung tipong ang motto sa mga eat-all-you can restos e "lugi sila" o kaya e "eat till you drop". kaso, siya ang nag-drop.


after ng kainan, sinimulan na ang seremonya. nag-opening na 'yung three bosses ng xmind. opening speech ha, hindi opening dance number. medyo kwela din yung tatlong boss. paulit-ulit nilang sinasabi 'yung mga nakaraang anniversary ng xmind. reminiscing the moments. buti nga mga di sila naging emosyonal. kumpara daw dati, na konting empleyado sa malaking espasyo, ngayon naman daw e dumadami na ang mga nagtatrabaho sa parehong espasyo, na nagiging papaliit na nang papaliit. parang gusto ko ngang sumabat ng "o sige na sir, aalis na kami!"

pero pagkatapos nun, tuloy-tuloy na ang kasiyahan. kahit tapos na ang kainan, si mac pabalik-balik sa mga food tables, kaso di naman siya tumataba. ayus 'yung performance ni myra sa kantang "salamat" ng the dawn. napapaindak kami ni kuya bon. si kuya bon, mukhang adik na francis brew.

tapos, palaro na... mahabang kwento 'yung tungkol sa unang laro, kelangan ng separate blog entry. to cut it short, the 1st game is pinoy-henyo style, na napakasaya dahil ang hihirap nung mga pinahuhulaan - condom, batuta, bagoong, anito, lollipop - mahihirap hulaan kung di marunong yung nasa hot seat. mas madaling hulaan kung bastos ka mag-isip. pero since di naman ako kasali diyan, di na ako magkukwento.

'yung second game e tinatawag na "lip and touch". hindi ko alam kung sinong nakaimbento nito, basta eto yung part na uminom kami ng tig-iisang shot ng vodka. sarap talaga! by partner ang laro, at tulad ng nabanggit ko na sa taas, kami ng partner ko ang nanalo. ang rule ay simple lang - halimbawa, sasabihin ng gamemaster na "boy's lip to girl's P". kelangan namin idikit 'yung labi naming mga lalaki dun sa letter P na bahagi ng katawan ng partner namin - paa, pilikmata, puyo, patilya, o pustiso. tapos, the other way around naman. ang saya - pwedeng ipalaro sa mga grade 1 students! at since nanalo kami, di na ako magkukwento.

'yung third game naman, e by group of 6 members. nanalo din 'yung grupo ko dito, kaya nga 100% ang winning percentage ko kagabi - 2 wins out of 2 games played. ang laro e simpleng message relay/pass the message na ang basehan e 'yung "pinaka-may sense na message na maisusulat". quite ironic dahil kapag babasahin mo 'yung original message e wala naman talagang sense sa umpisa pa lang. halimbawa: "sumulat at tumalon ang ipis dahil walang mkapagsasabi at ito'y umalis agad-agad habang ang aso ay kumaway, sumagi-isip, hehehe...sabi ko...shit tangna!". ganun yung mga ipapasa naming mensahe. at dahil alam mo na ang pass the message, di na ako magkukwento.

ang ikaapat na laro o pacontest ay singing contest. hindi na ako updated dito dahil umalis na nga kami ni ekah. may pasok/quiz pa kasi kinabukasan. si jel and regie naiwan pa. si jel ang lumalaklak, si regie ang namumulutan.

bago umalis, nagbabay na kami sa mga senglot na iiwan namin doon. si sir nga di ko na maintindihan yung sinasabi bukod sa sinabi niyang "maaga pa". si kuya jomer nakangiti na lang magdamag. meron pa ngang naglabas ng tinik sa pamamagitan ng pagtungga ng kabayo (after i turned off the cam, i was turned-off). meron pa ngang hindi pa lasing, hindi pa party, hindi na maintindihan nila ekah & jel yung pinagsasasabi na parang may dual-personality. merong nagiging touchy na. merong mga kain nang kain. merong mga wala na sarili. lahat yan nasa zoo kagabi.

isang tao na lang nung oras na 'yun ang nakita kong pinakamatino, pinakamalinaw pa't seryoso ang pag-iisip. mahirap paniwalaan, dahil hindi siya ganun sa araw-araw naming pakikisalamuha sa kanya. hinatid pa nga niya kami ni ekah pababa ng building.


********** ********** **********

makita lang kitang busog, gutom pa din ako


nung binalak ko na talagang umuwi, pagpasok ko sa kwarto namin, sarado ang ilaw, pero bukas ang pc ni ekah at kuya bon. nandun sila, masinsinang nag-uusap. walang tawanan, seryosong usapan. nanghinayang ako...kasi higit sa paglalaro, mas gusto ko 'yung ganung usapan - 'yung masinsinan. iba kasing kasama si kuya bon. gago. pero 'di mo aawayin. kapag nakilala mo siya, pipiliin mo sa mga naging kaklase mo ang pinaka-inayawan mo at hihilingin mo na sana si kuya bon na lang ang kaklase mo.

hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. basta sabi lang ni ekah sa akin, kelangan na daw niyang umuwi dahil nagagalit na ang ermats niya. sabi ko, ayus lang, dahil uuwi na din ako. sabi ni kuya bon, nagkakasarapan pa lang daw... kaso wala e. talagang iginigiit namin ni ekah na kelangan na naming umuwi.

"kahit harangin ako ng lahat ng 'yan, ang masasabi ko lang, may pasok pa po kami bukas, may priority pa po kami na dapat ding unahin. at least di kami KJ. naiintindihan mo din naman ako diba, kuya bon?"
"oo naman... naging estudyante din ako"
"good."

hindi ko talaga dapat ikukwento 'to, pero aaminin kong marami kang mumunting bagay namatututunan kay bonbon sabon sa kabila ng lahat ng kagaguhan niyan. tuturuan ka lang mag-sourmath, uudyukin ka lang mag-meatspin, pero hindi mo siya malilimutan. o baka ako lang ang nakakaramdam nun?

at least, kahit papaano, nababasa namin sa kanya na malulungkot siya kapag umalis na kami sa Disyembre. matagal pa naman. pero ayon na mismo sa kanya, "kelangan nating tanggapin na sa huli, maghihiwa-hiwalay din tayo..."

kung darating ang araw na 'yun, siguro ang sasabihin ko na lang, "mag meatspin ka muna...kitakits mayamaya...".

sana magawan ko siya ng kwento.


********** ********** **********



ang hirap pala sumakay ng bus sa buendia 'pag 11pm na. mas madali pang sumakay 'pag 10pm. weird...siguro dahil sa mga call center boys and girls ng ayala kaya puno lahat ng sasakyan kahit alas-onse na. ang tao, 'di na natutulog.


nakatsamba ako sa isang bus na dumating na may isang upuan pang bakante. dahil nasa pilipinas ako, dahil nasa makasalanan akong mundo, hindi na ako nagpaka-gentleman sa babaeng sunod na sumakay sa akin. tapos, tumugtog 'yung radyo ng bus. 'yun yung kantang madalas kong napapakinggan tuwing pauwi ako, sa mga radyo din ng bus! paulit-ulit lang din pala ang playlist sa mga istasyon ng radyo. at mukhang lahat ng bus e isang istasyon lang ang nasa pihitan.


kenny rogers yata 'yun - you and i. GOOD!






--peso--

20080705

braso muna, tapos kamay. sabay krus.



WARNING: ang babasahing ito ay may mga tagpong hindi dapat mabasa ng mga kabataang walang muwang at ayaw pang magkamuwang. at least, pasado ang article sa MTRCB at LTFRB.


********** ********** ********** **********


it started my day. i was suppose to be writing a different post with a different topic. but sometimes, experiences are too memorable to be unwritten, too funny and gay to be ignored.


sabado nang umaga, lumabas na ako ng highway dahil may pasok ako nang alas-nuebe. pagtawid, tiyempo agad ang isang jeep na may isang bakanteng upuan sa harapan. doon na ako umupo. at nagsimula na ang biyaheng mukha namang matiwasay.

paglagpas nang kaunti, bumaba na rin si ate na katabi ko. so ako na ang katabi ni manong driver. maya-maya, may pumarang lalaki. lumapit siya sa jeep. "blumentritt?", tanong niya. nakangiti akong tumango. kaya umupo na siya sa tabi ko. maya-maya konti nagbayad na siya at nagpatuloy ang biyaheng matiwasay pa.

may dalang tubig (mineral bottle) si kuya, may balabal na ewan ko kung para saan, tsaka maliit na bag na mukhang pencil case. inilapag niya 'yung tubig niya dun sa may "alulod" nung jeep o 'yung lagayan ng mga barya. ako naman, medyo gumalaw-galaw dahil medyo maliit 'yung jeep. nakahilig kasi si manong driver banda sa akin, ito namang katabi ko sa kanan, malaking lalaki na mukhang naggy-gym, although hindi naman maskulado 'yung braso.

nagpatuloy ang biyahe. talipapa. nararamdaman kong may kumikiskis sa hita ko. napansin kong braso ni kuya ang kumikiskis. naisip ko, baka may kinukuha sa bag niyang mukhang pencil case. mukhang hindi naman. paulit-ulit 'yung pagkiskis ng braso niya. kala ko nga may sulat ng bolpen 'yung pantalon ko at binubura lang niya nang palihim. pero nung mga isang minuto na siyang kumikiskis, medyo kumabog na ang dibdib ko. tinignan ko 'yung mukha niya sa side mirror. palihim din siyang tumitingin sa akin, para bang hinuhuli niya kung huhulihin ko siya habang tumitingin sa akin. mukhang may balak. lalo na akong natakot.

natakot ako kasi naalala ko 'yung mga kwento ng kuya ko tungkol sa iba't ibang estilo ng pandurukot sa mga sasakyan na nasaksihan na niya. merong gumagamit ng bag para maitago 'yung kamay habang nandurukot. merong magkukunwaring tulog tapos biglang magigising na akala niya lumagpas na siya ng bababaan, 'yun pala wala ka nang wallet. meron din 'yung mga tutukan na ng balisong at gripuhan ang laban.

kaya itong nararanasan ko ngayon, mukhang ibang estilo 'to. mukhang kinakapa ni kuya kung may wallet o cellphone ako sa bulsa gamit ang braso niya. "hahaha!!!", tawa ko sa isip ko. wala kasi akong wallet o cellphone sa bulsa. lahat ng 'yun, laging sa bag nakalagay. ang nakalagay lang bulsa ko e 'yung bimpo ko ng San Miguel.

dahil medyo nakakahalata ako, medyo kinalamay ko muna ang loob ko. alerto. kung anuman ang mangyari, siguro ito na nga ang tamang panahon para maranasan ko rin ang mga nangyayaring holdapan o dukutan sa mga kalsada, na ni isa e wala pa akong karanasan.

medyo gumalaw-galaw ako para malaman niyang nakakahalata ako. hawak nang mahigpit sa bag. safe pa ako dahil wala siyang madudukot. although nakakatakot dahil baka maglabas ng patalim bigla at madelikads pa ang buhay ko. maya-maya rin tumigil na ang paggalaw ng braso niya. inisip ko na lang din na baka may tourette lang siya sa siko at huminto na ang pagsumpong niya.

kaso, iba pala ang sumpong ni kuya. nararamdaman kong may kumikiskis muli sa hita ko. imposibleng braso niya uli 'yun dahil inilayo na niya ang braso niya. pero meron talagang parang nangangati sa hita ko e. hindi na ako nakatiis, tinignan ko na. at nakita ko ang kamay ni kuya na nakalutang na sa ibabaw ng kanang hita ko. going on and on patungo saan? OH SHIT!!!

suddenly, all of my previous assumptions - that this man is a snatcher or a holdaper or does have a tourette syndrome - were proven to be wrong! kung nangangapa siya kanina at nakitang walang makukuha sa bulsa ko, why insist to snatch? besides, malayo na sa bulsa ko ang puntirya niya. ibang bulsa ang habol nito! may balak siya, ibang balak! hindi siya mandurukot pero may dudukutin siyang iba!!! MAY BALAK ANG BAKLANG 'TO! oo, p*tang-i*a, BAKLA ANG PUTA!!!

lahat kayo tulungan niyo akong sumigaw:


INAMO BAKLA!!!!


lechugas! naalala kong nagbayad siya ng hanggang sa blumentritt. e pucha, hanggang blumentritt din ako e! ano 'to? challenge??? aatake siya habang ka-counter ako hanggat wala kami sa destinasyon namin? mag-aabang ba ako ng mga susunod niyang hakbang? inisip ko ngang bumaba na agad e...tapos sasakay na lang ako ng ibang jeep. pero hindi rin...baka pagbaba ko, saka pa ako sunggaban sa "ganun" ko. kaya hanggang makarating sa blumentritt, aaminin kong stuck-up ako. stunned. mabuti na 'to. baka malingat lang 'yung brasong hinarang ko sa hita ko, e biglang pumitas si kuya ng bunga.

'yun nga. nung nakita ko 'yung kamay niya na malapit na sa hinahanap niya, bigla siyang umurong. kinuha niya 'yung tubig niyang nakalapag sa "alulod" ng jeep. sabay inom. lumagok na lang siya nang paulit-ulit na akala mo'y naglalasing dahil sa isang malaking kabiguan. tapos, pagkainom, hinawakan niya 'yung bote at inalog-alog na parang nagtitimpla ng gatas ng bata (parang nagbibinggo). tapos parang hinahalikan 'yung takip nung bote. erotic scene sa panigin ko. "malaking kabiguan...kawawa naman!", ang naiisip ko.

at eto pa ang malupet. paglagpas namin ng balintawak, napadaan ang sasakyan sa isang simbahan. biglang nagkrus si judiel! hindi ko na nga alam kung tama bang minumura ko pa siya sa isip ko e, dahil mukhang nagsisi na siya sa kasalanan niya. palabas lang ba ang lahat? o paraan niya 'yun para mag-sorry sa akin? basta ako, stunned lang ako hanggang sa blumentritt. mabuti nang alerto. puyat ako't pagod nung nakaraang gabi, pero gising na gising ako sa pangyayaring 'to.


********** ********** ********** **********

pagdating sa blumentritt, hindi ako nagpara kay manong driver. hindi ako nag-initiate bumaba. hinintay kong una siyang bumaba. good thing, bumaba na siya. ako, medyo nagpalayo-layo muna ng binabaan, para siguraduhing magkakalayo na kami. habang lumalayo ang jeep sa babaan at sakay pa ako, inopen ko kay manong dfriver ang pangyayari.

tawa siya sa kwento ko eh. bading daw pala 'yun, wala daw sa hitsura. sabi ko tatandaan niya 'yung mukha, pag nakita niya sa lugar na sinakayan nito, huwag nang isaskay. sabi pa ni manong akala daw siguro bibigay ako. basta, pareho na lang kaming tumawa. inilabas ko lang ang poot ko. bumaba ako ng jeep na nakangiti. panalo ako!

sabi ko sa sarili ko, isa lang ang naiisip nung bading na 'yun - MISSION FAILED!!!


********** ********** ********** **********


heto ang mga natutunan ko sa paglalakbay na 'to:

1) laging alerto dapat. ako madalas akong natutulog sa jeep, sa dahilang mdali ko ring napapansin kung may gumagalaw na sa akin. pero hindi pala dapat ganun. kung makakaya mong gising ka, gumising ka habang nagbibiyahe. hindi laging may masmang-loob s mga sasakyan, pero ang mahirap e 'yung NATITIYEMPUHAN.

2) alamin ang iba't iabng estilo sa pandurukot, at mag-isip ng mga magagandang solusyon para maka-counter attack ka. sinabi kong "alamin" para kung sakaling may gumamit sa'yo nito, at least alerto ka na. hindi ko sinabing alamin mo't mandukot/manghipo ka na rin.

3) kung nangungurus ka dahil alam mong nagkasala ka, sikapin mong h'wag nang ulitin ang kasalanang 'yun. kung uulit ka pa rin sa kasalanan mo, h'wag mong ipakita sa iba na santo ka.

4) h'wag maiinggit sa mga taong "gwapo" sa paningin, dahil ang mga taong hindi napapansin na tulad mo e, hindi natin alam, may nakatago palang "kakisigan". ang kagwapuhang madalas mapansin ay panandalian lamang. ang kisig na nakatago ay angking yaman. tulad ko - hindi na kailangang gumamit ng pheroline para lang mapansin. kaso kailangan mo ding alamin kung para sa tamang kasarian ba ang kisig mo.







--peso--

20080628

"self-titled" is not a self-titled album...



...hindi naman talaga e. dahil as in "self titled" talaga 'yung pangalan ng 3rd album ng itchyworms. nung nalaman ko ngang released na 'yung album from the itchy's yahoo! groups, sinabi ko agad ang unang tumakbo sa isip ko. naimagine ko na naman ang banda kung sakaling magge-guess na naman sila sa kahit anong noon time show sa pilipinas.

aanga-angang host: please welcome, the itchyworms with their brand new 3rd album - the self-titled "itchyworms!"
itchyworms: ay thanks a lot!
aanga-angang host: why just after you had already your third album tsaka niyo lang naisip na magpangalan ng "itchyworms" as the album name?
itchyworms: huh?
aanga-angang host: di ba kadalasan sa mga unang album pinapangalan 'yung band name as the album name?
itchyworms: aah..."self-titled" po 'yung album name.
aanga-angang host: oo nga... "itchyworms".


a basta! when i saw the album name, first past album which came to my mind is the youth's ang album na walang pamagat. kung bakit, because if ind it pretty similar that both titles were somewhat puzzling for beginners, corny for emos and cute for the itchy listeners.

it's just an album name, anyway...


********** ********** **********

kanina bumili na ako nung album. pagkakita ko sa album, grab agad! naghanap ako ng ibang kopya nito, pero wala kahit sa new release section. sold-out ang kopya, o isa lang ang kopyang inorder ng odyssey, alin lang siguro sa dalawa 'yung rason.

tinignan ko 'yung likod ng album. pucha 16 tracks. sabi ko sa kasama ko, "kung isang oras ang running time nitong album, ibig sabihin, walang gaanong fillers. this is a must buy then!". 'yun e dahil ang mga huling albums yata na nakita kong may 16 tracks and above na hindi ako inantok sa dami ng fillers at paulit-ulit na tunog e nung panahon pa nung sticker happy ng eraserheads.

bago ko bilhin, naghalughog muna ako dun sa Sale section. mga P99 na lang pala binebenta 'yung rocksteddy (tsubtsatagilidakin), join the club (nobela) at pupil (beautiful machine). pero ang binili ko e 'yung soundtrack ng Pamana. ewan ko kung bakit. basta binili ko na rin 'yun, punta ng counter, nagbayad. nag-ikot sa SM, at umuwi. pinakinggan ko 'yung album habang naglalaba ako.

comments or reviews?

actually alinman sa dalawa, hindi ako marunong gumawa. pero hindi pwedeng wala akong masabi:


********** ********** **********


kung iri-recap ko ang naunang dalawang album ng worms, ang una (little monsters under your bed) ay PAMBATA. ang ikalawa naman (noon time show) ay PANGMASA. ngayon, ang album na ito ay isang TUNAY NA RAKENROL. kulang na lang umindak ako habang nagkukuskos ng underwear.

itchyworm's "self-titled" is actually one of the true rakenrol albums this country has produced. softer than narda's "discotillion", harder than ciudad's "is that ciudad? yes son, it's me!". ang album na ito ay naglalaman ng mga pinakanakakaindak nilang kanta, pero hindi pa rin nawala ang itchyness nila. humorous pa rin. comic pa rin. makulit. hindi na mawawala 'yun. pero malayo pa sila sa na iisa ang chord pattern ng mga kanta.

hindi naman rakenrol na tulad ng wolfgang o queso na headbangan mula umpisa hanggang huli. i can sense a blend of eraserheads & beatles influence. may pagka-APO din, epekto siguro nung dalawang tribute covers nila para kila jim, danny & buboy. may mga kantang tugtog retro. may tunong 80's. merong mala-NTS pa rin na akala mo e sequels nung stalker song. may kwenta ang mga fillers, 'yung tipong hindi mo ii-skip sa cd players. at kung may kwenta ang fillers, then we shouldn't call them fillers (like what eraserheads did with "fill her"). astig ang album. it was actually a mix of rock evolution in OPM music. halo-halong genre, pero rakenrol ko pa ring matatawag. it should last for the next generations.

(as i make this post, natapos ko na namang patugtugin 'yung album. it was only the 2nd time i heard it fully. medyo nabitin ako, dahil i was supposed to make a track-per-track reaction of the album...siguro play ko na lang uli mamaya.)

pambihira ang pagkakagawa ng album, dahil sa panahon natin ngayong kabilaan ang mga bandang itinatayo ng mga papalaos nang artista (na wala namang ibang style na ginawa kundi mga mushy tunes, love songs at emoetic lyrics), nakuha pa rin ng worms ang tunog na hinahanap ko - 'yung tunog na tipong alam mong hindi sila nakikisabay lang sa karaniwang tugtugin ngayon. hindi sila gumawa ng tugtog na halatang kumukuha lang ng simpatya sa mga nakikinig para sumikat ang banda. marami kasi akong gustong mga musikero na nadisappoint lang ako after releasing their next albums. pero ang itchyworms, mukhang hindi talaga ako madi-disappoint sa tugtugan nila. they're going against the usual flow, but at least maintaining the essence of rockology.

at isang oras din ang album! bukod kasi sa 16 tracks na bihira na ngayon, hindi na rin karaniwan ngayon ang mga tugtuging umaabot ng isang oras. kadalasan kasi ngayon 10 tracks lang, o kaya 40 minutes running time. at kakasabi ko nga lang, nabitin ako, to think isang oras na 'yung album. meron din kasi akong nabiling album from another artist (na okey ang tugtugan), pero 'pag kalahatian na pinapatay ko na 'yung player dahil sa boring at paulit-ulit na tunog.


anyways, here's my detailed say on each track. (note: hindi ako parang si lastdodobird kung magkomento dahil hindi naman ako nagre-review ng album. kung panay "maganda" ang mabasa mo sa mga isusulat ko, 'yun e dahil simula umpisa hindi ko nakitaan ng kapangitan ang bawat kanta nila...simula nung high school pa ako...)

01) penge naman ako n'yan - no exact theme but simply tells the listener to be happy. pwede kong icompare sa mga compositions ni ely na akala mo e walang mensahe ang mga kanta na basta nicompose na lang, pero sa loob e simple lang pala. despite the rock tune, there is you know a happy message behind, something you need to decode for yourself. pero alam mong hindi ka palulungkutin nung kanta.

02) bugbog-sarado - a rock love song, just like what the members used to compose and sing. it depicts a scenario of a boy vs. girl lovers, in their expiring relationship. sinisisi ng worms ang mga babae dito. somewhat.

03) gusto ko lamang sa buhay - a wishing song, but still a song of love. "gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako. hindi naman ako milyonaryo. basta't araw-araw yakap mo ako. feeling ko ang yaman-yaman ko." giving up all the things to wish for, just fo the hug, love & kisses. i used to wish the same things before...

04) sino ka nga ba? - wah...tunog "two of us" 'yung intro. but the lyrics and message, more of a combination of eraserheads' minsan, kilala, and tama ka.

05) nahuli mo na ba ako? - the message is in its lyrics, "hanggang tingin na lang yata ako, isang sikreto ang pag-ibig ko". a type of admiring someone in a torpe mode.

06) freak-out, baby - eto naman mala-parokya sa kulit nung voice-over & epal moments. tungkol sa mga selosan at keridahan moments. tunog jamiroquai, parang lulutang ka sa outer space kapag pakikinggan mo. soothing & retro.

07) suplado ka pala sa personal - para ba 'to kay jel? xP ewan ko lang ha...pero one of the composer of this track is kelvin. meron kasing naging isyu sa groups na may nagsabi kay kelvin na masungit daw siya at hindi namamansin. kaya nung one time na nagkita kami, sinumbat ko sa kanya 'yung "argumento" nung nagrereklamo. sabi ko, "ano'ng masasabi mo, ang sungit mo daw?". sinagot niya ng "masungit naman talaga ako 'di ba?". may halong patutsada din 'tong kantang 'to sa mga pulitika, bukod sa mga karaniwang criticisms na natatanggap ng mga bandista. sarap!

08) isang al frescong takip-silim sa cafe francois - this is a wow! this is not a formal song but definitely a great track!!! "welkam to cape prankoys!" pa ang pronunciation...ahahaha... parang gusto ko ngang ipunin 'tong mga filler tracks na kaganay nito (together with boldstar's condiment symphony, eraserhedas' 3 punk zappa's, parokya ni edgar's karaoke ni edgar, etc.) at iburn. pakikinggan ko kapag sawa na ako sa mga CD's ko.

09) pataasan ng weewee - a critic song for useless competitions. the title itself implies the message.

10) tuksyude! tuksyude! tuksyude! - kumbaga sa 7 foot jr, eto 'yung "suck up my gut". pero hindi ko alam kung ano 'yung "tuksyude".

11) steady lang tayo - a song telling us to relax so often, at maging easy lang sa lahat ng ginagawa. nananawagan ang kantang 'to sa mundo nating masyadong abala na ngayon, na magpahinga naman.

12) awitin para sa mga nagmumuni-muni - pucha 'to...mala-parokya na naman 'yung intro. tapos biglang magiging datu's tribe. tapos dahil sa paulit-ulit na reksli, naging parang orasyon ang kanta sa hulihan. merong nagli-lead, tapos merong sumasagot, na parang 'yung angelus na naririnig ko tuwing madaling-araw (na ayon naman sa utol ko e mala-children of the corn daw). basically, the song is about balancing diet & being health conscious. siguro dahil tatlo sa apat na itchyboys e matataba. idagdag mo pa si kuya kerwin (manager) na tumataba din.

13) sana naniwala sa'yo - a song of regret about something that is until now i'm still searching for. but basically a song of regret. applies to all matters.

14) yokonakitamakita - somewhat going onto a hatred song, na biglang naghahabol pa pala. mixed love emotions - from hating to hopeful to wishing to worried.

15) misis fely nimfa ang pangalan - this is my favorite in the album! masarap pakinggan ang isang paboritong kanta lalo't nasa hulihan pa ng pila - para napapakinggan mo ang mga naunang kanta at nasusulit mo ang buong album, at higit sa lahat para sulit ang paghihintay. tungkol 'to sa isang babaeng maraming naging kinasama. actually, labinglima lahat ng kinasama niya - Tan, Mercado, Dela Cruz, Garcia, Gomez, Ong, Bermudez, Anderson, Lopez, Perez, Chung, Padilla, Robles, De la Rosa, Bautista. dati pa ako nakakarinig ng kantang ganito ang mensahe, pero ngayon lang ako nakakita ng ganitong lyrics. galing talaga!

16) para sa pinakamatangkad na tao sa buong mundo - hindi ko alam kung bakit o kung para kanino, dahil instrumental na lang ang track na 'to. parang si mike elgar 'yung tumutugtog katulad dun sa last tracks sa between the stars and waves album. at dahil nagtapos sa isang instrumental, sigurado akong 'yun ang dahiulan kung bakit ako nabitin sa album na 'to...


********** ********** **********


uulitin ko, hindi ako nag-a-album review. hindi ako marunong gumawa nun. aaminin kong bias ako dahil kung ang sa lolo ko ay asin, ang sa tatay ko ay banyuhay, ang kay kuya ay eraserheads, ang sa akin naman ay itchyworms.

pana-panhon ang pagkakataon, sabi ni cabangon. sa henerasyon ko, sila na ang nagpatugtog ng musikang pinakikinggan ko't hindi ko na yata pagsasawaan.


sa 4th album, siguro marunong na ako mag-review.





--peso--