20081122

yawning over night

bakit ako andito ngayon?

kadalasan pagkatapos ng laro nasa bahay na ako e. pero pinili kong magpalipas ng gabi dito sa opisina... tama, nag-overnight ako ngayon sa opisina. bukas (mamaya) na ako uuwi. mga alas-sais. kung overnight nga 'to, hindi ko alam. parang wala akong balak matulog.

as usual, 8-10 pm ang laro. siguradong aabutin na naman ako ng sibsib sa daan. kaya nung isang araw pa lang, plinano ko nang dito na lang magpagabi... mas ligtas ako dito.


********* ********* *********

tuesday, around 7am. munoz area, congressional avenue, quezon city.

tipikal sa munoz ang maraming pasaherong nagsisibabaan sa bus na papahinto, na papalitan naman ng lupon ng mga pasaherong ang dami e doble ng mga kasisibaba lang. at sa ganoong eksena, tipikal din ang pangyayaring dukutan ng kung ano-ano ng kung sino-sino. pero ito yata ang unang pagkakataon na nakakita ako ng biktima ng mga sindikato...sa malapitan (bukod sa TV).

nasa likod na upuan ng bus kami ni kuya, pa-MRT. hinto sa munoz, baba ng pasahero, sakay ng pasahero. itong si ate, gumawi agad sa likod para makaupo. nakatabi niya ang kuya ko. kung nandun ka nakaupo o nakatayo malapit sa amin, wala ka nang ibang maririnig na salita bukod sa "shit!". galing yun sa bibig ni ate.

kinapa niya ang bulsa sa labas ng bag niya (plain pocket, no buttons, no zippers, no locks. open pocket). doon daw niya nilagay ang cellphone niya e. binuksan ang bag, baka sakaling andun, wala. nanghiram ng cellphone sa katabi, kung pwede daw maki-misscall or makitxt... sa pagitan ng mga aksiyon niya, wala kang maririnig kundi "shit!".

bumaba kami ni kuya, habang ako e iniisip ko kung gaano katanga yung babae. madali lang naman hindi mawalan ng cellphone e. kaya nga siya nag-bag e para ilagay sa LOOB ang mga gamit niya. kung anong papel nung open pocket sa labas ng bag niya, malamang, sa pananaw ko, e lalagyanan ng asin para sa balot.

isang malaking katangahan na doon mo ilagay ang mahahalagang bagay mo.

no wonder.


********* ********* *********

same day. around 8pm. buendia bus station, going north bound.

sakay ako ng bus, deretso pa-novaliches. nung nasa guadalupe na, lumipat sa unahang upuan, malapit sa akin, 'yung isang pasaherong nbakaupo sa bandang likod. kinausap niya yung kunduktor, hindi ko alam kung tungkol saan. hangng sa napansin ko na lang na wakwak na pala ang bulsa niya. holy shit, gang rape ba 'to?

hanggang sa nalaman kong nabiktima pala siya ng apat na kalalakihan. di daw niya naramdaman yung "gaan" nung kamay nung mga salarin. alam niyang apat yung magkakasabwat, since sabay-sabay silang nagsisakay, at sabay-sabay ding nagsibaba. di ko lang naulinigan kay kuyang biktima kung nakuha ba ang cellphone niya.

nalaman ko ding pwede pala akong mapagbintangang "kasabwat" nung apat na snatchers. sa buendia DIN pala sumakay yung apat, kasunod ko lang. biglang naalala ko 'yung mga pangyayari nung sumakay ako ng bus na 'yun:

pagsakay ko, upo agad ako sa gawing unahan. nakita kong pinara nung isa sa apat na magkakasamang kalalakihan 'yung bus na kinasaskyan ko na. habang 'yung isa, nagsabi ng "BULL'S EYE!"

fishy.


********* ********* *********

the next day. 10:30pm, MRT, cubao station.

kasama ko si officemate mac. nagkwento siya:

"nung last friday, nung hindi ako naglaro. alas-dose na ako umalis ng office. nagbus na ako, antok na ako nun..."

"nakatulog ako pare. nagising ako sa novaliches na ako. sa may paliko na, kung saan man yun. e diba sa west ave lang ako? ang layo ko na, hindi ko alam 'yung lugar na 'yun..."

"tapos, kinapa ko 'yung bulsa ko. naglaglagan 'yung mga coins ko sa bulsa. tapos, nakita kong nakatagos na 'yung daliri ko sa bulsa... pucha wala na 'yung cellphone ko!"

"pero may pera pa ako sa wallet. nakakapagtaka nga e, hawak ko 'yung wallet ko habang tulog ako. e andun yung seldo ko, kaka-withdraw ko lang. hindi 'yun ang tinangay"

"kaya hinala ko, 'yung kunduktor ang may pakana nun eh. kasi kung mandurukot, tatangayin pati wallet ko. tsaka patay-malisya 'yung kunduktor e. ayun, wala na akong cellphone ngayon."

"nung pagbaba ko, nagpatulong na lang ako dun sa lalaking sumundo dun sa babaeng kasabay ko sa bus kung paano ako makakabalik sa west ave. ayun, alas-tres na yata ako nakauwi."


********* ********* *********

andito ako ngayon, mas ligtas, kesa kung bumiyahe pa ako. maaga pa ang alas-onse para umuwi hanggang sa amin, pero mas gusto kong makatiyak sa mas posibleng makakauwi akong may cellphone at pera pa.

magpapasko na e. tuloy na naman ang kayod ng mga mananamantala. parang trabaho... nakakatakot tuloy bumiyahe.

nakakatakot pala talaga 'pag magpapasko. fantastically ironic.




--peso--

20081119

AND AIRCON'S TRUCK SHAWN


YES, AS YOU READ IT... MIMITABA WAS GOING UNDERGOING A DEEP RENOVATION...OF HER MIND.

PLEASE BE BACK AS SOONEST AS YOU REMEMBERED TO GET BACK...ANYTIME.


WE ARE DOING THIS FOR YOUR CONVENIENTS. PLEASE BE GUIDED ACCORDINGLY IMMEDIATELY.




AND NO, SHE AIN'T CLOSING THIS.




LOVE,

MIMITABA

(loko, masama, BALIW)