20081025

64,800 minute-idle

dahil isang linggo nang ongoing ang sembreak para sa mga semestral na eskwelahan (hindi para sa mga trimestral na tulad ng sa amin), nabuo na ang plano ko. balak ko na talagang gawin to nung lunes pa lang, pero laging namamali ang timing nung FX na kinasasakyan ko kaya 'di ko na nagagawang pumara pa. minsan naman e naka-bus ako kaya di ko madadaanan ang terminal na 'yun. kanina, buo ang desisyon ko. papara ako, bababa sa terminal na 'yun, sasakyan ko ang FX na 'yun, no matter how much it would cost.

at saktong pumara si ateng katabi ko: "diyan lang po sa Pag-asa..."

bago siya makababa, kelangang bumaba muna ako. at pagkababa ko, lakad na ako patungong terminal. as if hindi first timer.

deretso agad ako sa pila. kasunod ko ay si ateng katabi ko mula sa binabaang FX. pareho pala kami ng destinasyon: buendia. pero since konti naman ang tao nung time na yun (dahil walang mga estudyante dahil sembreak nga), hindi na ako nahiyang maging isang first timer. bumaling ako kay ateng katabi ko sa FX kanina, at saka nagtanong.

"pa-buendia po ba 'to?"
"pa-ayala. doon po 'yung buendia" (sabay turo sa pulang adventure na wala namang nakapila)
"ah ok... uhm, magkano hanggang buendia?"
"60."
"ok thanks."
"doon 'yung buendia." (sabay turo uli sa pulang adventure na wala naman talagang nakapila)

tsaka ko narealize ang flow ng conversation namin, na nakapila kami ngayon sa biyaheng ayala, at hindi iyon pa-buendia. slow ang mga first timers. ganun talaga.

agad akong nagpasalamat uli at gumawi na doon sa pulang adventure na wala namang nakapila. tinanong ko 'yung dispatcher.

"boss saan 'to?"
(dispatcher, nakatingin lang sa akin.)
"saang biyahe ho ba 'to?"
(dispatcher, nakatingin lang sa akin nang taimtim. gusto kong itanong kung gwapo ba ako.)
"pa-buendia ba 'to?"
"oho, dito pa-buendia", ang hinihintay kong sagot niya.

binuksan niya 'yung likurang pinto, at sumakay ako. dalawa na lang ang kulang - isa sa gitna, at isa sa likod, na napwestuhan ko na. isa na lang ang kulang. wala pang tinsikunds ay may sumakay nang pasahero. may humabol pa ngang isa, pero since wala nang espasyo, next FX na lang. hindi kasi pwedeng sumabit sa adventure, kasi magkakaroon ka ng adventure versus MMDA.

nakasakay na ako. nagkabayaran na ang mga pasahero. pucha panay tig-iisang daan! totoo ngang 60 ang pamasahe dito. nagbayad na din ako ng isangdaan, at agad naman akong nasuklian.

nagtxt ako kay nanay.

"deds na nga si kuya erns...tsk tsk. and2 pp q ngaun fx pa-buendia. una at hulng beses q ssbukng smkay d2. 60pesos ang psahe pla d2."

wlang reply (actually nung tinataype ko 'to, nag-PM si kuya na kakabasa lang ni nanay nung txt ko). habang binabaybay ang EDSA kung saan balak yatang makipagkarerahan ni kuyang driver ng adventure sa MRT train 16, doon ko lang napansin na ako lang pala ang lalaki sa sampung pasahero. walangya kung naka-axe pala ako, gang rape ang inabot ko! maski driver makikiisa, ililigaw ako nun at dadalhin sa kung saan mang liblib na bahagi ng NCR! buti na lang prescripto lang ang bahid ko. imitation.

lumagpas na ng North Avenue (1) at Quezon Ave. (2) stations. kasalukuyang nasa GMA-Kamuning (3) ang pulang adventure nung napansin kong ako lang iisang lalaki sa mga pasahero. palapit na sa Araneta Center-Cubao (4) station nung kinabahan akong ma-gang rape at ma-feature sa axe commercial.

Santolan-Annapolis (5) station. Ortigas (6) station. nagpapaunahan talaga ang pulang adventure at MRT train 16. Shaw Blvd (7) station. Boni Ave. (8) station. Fuc*in' Guadalupe (9) Station!!!

Buendia (10) station!!!! all in 30 mins.!!! binilang kong mabuti kung may nalampasan bang istasyon, at baka nag-shortcut ang pulang adventure. kumpleto naman. patas ang laban. naunang dumating ang pulang adventure sa buendia. madalas nga naman kasing delay ang MRT. paulit-ulit kasi ang mga reminders tulad ng "next train na lang po" at "pakiusap po, h'wag pigilan sa pagsara ang train".

pagliko sa Shell, nakahanda na akong bumaba. right in there is the jeepney terminal pa-washingotn. pero dere-deretso ang pulang adventure sa Jupiter. akala ko hihinto na sa bakanteng lugar, pero deretso pa. lumagpas ng paseo de roxas. kinabahan na ako. ang buendia na tinutukoy yata nito e 'yung bandang istasyon ng LRT. nakupo, mahirap sumakay dun!

habang papalapit na sa makati ave., lumiko pakanan 'yug pulang adventure. may pumara. AYUS! kasabay ng pagpara ni ateng pasahero ay bumaba na din ako. isang tawid lang, nasa mercury na ako. sakto. bibili ako ng ambroxol para sa lungs kong nagmamakaawa na sa akin.

konting oras pa, nasa opisina na ako. nakarating ako ng 7:45! di ko inakalang magiging ganun kabilis ang biyahe.

at dahil wala akong task sa opisina ngayon, ang unang-una kong ginawa pag-upong pag-upo ko ay ang pagko-compute ng gastos ko sa pamasahe papasok sa opisina, sa apat na iba-ibang paraan:


ROUTE 1: Total: P53.50
bus (from quirino hi-way to buendia MRT station): P45 (let's say walang student fare)
jeep: P8.50

comment: pinakamatagal at pinaka-hassle na biyahe. oo nga, sitting pretty ako sa bus, pero nakikisiksik naman sa akin ang polusyon ng kalakhang maynila.

ROUTE 2: Total: P41.50
bus (from quirino hi-way to north avenuw MRT station) P19
MRT: P14
jeep: P8.50

comment: karaniwang biyahe ko. kelangan lang maaga ka gumising para wala pang siksikan sa bus, wala pa ring siksikan sa MRT. not the most convenient route, but the most practical for me.

ROUTE 3: Total: 47.50
FX (from quirino hi-way to north avenuw MRT station) P25
MRT: P14
jeep: P8.50

comment: para 'to sa mga nagmamadali nang pumasok, late na kasing nagising. napa-FX na nang dis-oras, siguradong makiki-moshpit pa sa MRT. kasi kung di ako late nagising, gagawin ko is 'yung WAY 2, otherwise, eto.

ROUTE 4: Total: 85.00
FX (from quirino hi-way to brgy. pag-asa) P25
FX (from brgy. pag-asa to jupiter, makati city) P60

comment: para 'to sa mga naghahanap ng adventure, pula man o hindi. sinubukan ko lang dahil sembreak. walang pila. pero naknampuch, sa tatlong route na nabanggit sa taas, P53.50 na ang pinakamahal na biyahe. tapos dito 'yung P60, 3/4 sakay pa lang! oo nga, mabilis. pero logic has it. pagdating ng pasukan, may pila na naman diyan. at ang paraan para makasakay ako sa pulang adventure ay gumising nang maaga. PERO, 'pag gumising ako nang maaga, 'di kaya mas tipid kung mag-MRT na lang ako, since wala pang tao nang ganun kaaga, at 80% sure na makakaupo pa ako??? practicality is applied logic.


hindi lang talaga apat ang route na pwede kong sundin. meron pang ibang option, na ayoko na lang banggitin dahil di ko pa naman nata-try, though alam ko kung magkano eksakto ang aabutin.

********** ********** **********



napansin ko lang na nakakalimang-post na pala ako since nung mai-publish ko ang "matsing type". yes, limang post - lahat nakadraft. ayoko sanang naa-idle si mimitaba nang isang buwan, kaya lang 64,800 minutes na itong nakatunganga. kaya pinilit kong maging productive ngayon habang taskless ako.

marami pa akong kwento... worth remembering when time's forgotten.
at marami-rami pa akong ida-draft. :D

abangan.






and no, i'm not yet closing this.





--peso--