20060612
yu ismowking?
sigarilyo 1: pare, ano'ng masasabi mo dito sa kalagayan nating unti-unti tayong nauubos?
sigarilyo 2: habang unti-unti tayong nauubos, unti-unti naman tayong pumapatay!
************************************************************
it just came to my mind this past few weeks lang...
i was riding on a jeepney, going to school.
i saw a boy, a student (about grade six in elementary or early high school) walking not so far away from the school which owns that uniform he wears. he smokes a cigarette. siguro isa yun sa mga assignments na ibinigay sa kanila the previous day, but he just forgot to do it at home.
naisip ko lang...bakit kaya? masarap kaya yun? ano kaya nakukuha niya dun? ano kaya nagtulak sa kanya at humithit siya? ano'ng feeling? bakit?
but out of curiosity, hindi ko naman binalak na subukan, ni balak subukan kahit kailan. base na rin sa statement ng erpats ko, di raw masarap. baka hagupakin pa ako ng buntot-pagi kapag nakita ako nung umuusok ang bibig. isa pa, mukhang may deperensiya ang baga ko. konting amoy lang ng usok, nasu-sufocate ako. kung usok lang suko na ako, yosi pa kaya?
at habang nakasakay pa ako sa jeep...may pumasok na tv ad sa isipan ko:
"CIGARETTE SMOKING IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH."
sigarilyo. yosi. yosi kadiri. dangerous daw - ayon yan sa cigarette companies mismo. kung matino ang isang manonood, hindi pwedeng hindi siya mapaisip dun. bakit kaya kailangan pang gumawa ng advertisement na magsasabi ng buong katotohanan tungkol sa isang produktong makasasama sa tao? pahamak 'di ba? at kung nakakaintindi ang bawat manonood, bakit nga ba patuloy pang tinatangkilik ang isang produktong "dangerous to your health"???
pero naisip ko rin, bakit kaya hindi o walang gumagawa ng sigarilyong NOT DANGEROUS to our health?
simple lang kasi. seryosong problema na ang yosi sa panahong 'to. ultimong bata, kinukunsinte na rin yata ng mga magulang nilang "unag guro" nila sa paghithit. o kung hindi man kunsintidor ang magulang, tila "kulang" pa ang pagtuturo nila sa mga mumunting mag-aaral nila.
kung merong nakakakita ng problemang ito bukod pa sa akin, yun bang taong may kakayahang masolusyunan yung problemang inilalahad ko, eh sana isa siya sa mga nakakabasa nito. simple lang kasi. kung gagawa ang isang kumpanya ng sigarilyo, ng isang klase ng sigarilyong kakalaban sa mga mapaminsalang sigarilyo sa panahon na 'to at sa epekto ng mga 'to, sa tingin mo ba hindi bebenta yun?
imagine mo na lang, buong mundo nagyoyosi, pero ang laman naman nung mismong yosi e makabubuti sa kalusugan ng tao, siguradong bababa ang rate ng mamamatay sa lung cancer taon-taon.
kung ang laman ba ng mga mapanganib sigarilyo eh mga vitamins and minerals na makakatulong sa buhay ng tao, sa tingin ko eh bata man ang magyosi, ayaw man silang papigil sa pagbabawal ng nakatatanda, eh ok lang - nutritious naman!
pero kung magpapatuloy ang ganitong problema sa masamang bisyo...sira ang ozone, sira ang baga, sira ang buhay, patuloy ang polusyon, maraming may sakit, pati walang bisyo nadadamay, maraming mabilis namamatay...eh para bang yung kinikita ng mga naglalakihang cigarette companies eh nagmimistulang passport na rin nila tungong impiyerno. doon, siguradong maraming may sungay ang nagangailangan ng produkto nila.
'di ba? bakit hindi na lang gumawa yung mga pro-nutrition companies ng "pro-life cigarettes"? pero this time, dapat hindi mahal para lalo nang ma-phase out yung mga "danerous-to-your-health" cigars. kumbaga, no to business muna...saka na yun kapag high na ang lahat...
isipin mo na lang kung ang mga sikat na healthy product brands and/or manufacturers e gumagawa at nagbebenta na rin ng "pro-life cigarettes" ngayon. astig ka kapag ang yosi mo eh "clusivol cigarette" dahil hindi ka na magkakasakit. o kahit buong magdamagan kang gising, kung ang yosi mo naman eh "revicon premium menthol", siguradong buhay ang dugo at kalamnan mo! o pwede rin namang "centrum cigars (menthol)" dahil kumpleto yun from A to Zinc. pero wala nang tatalo sa "enervon lights" dahil less nicotine, yet mas happy!
kung sakali mang magkatotoo ang mga halimbawang nabanggit ko, hindi lang kikita ang mga "cigarette-vitamins" suppliers, makatutulong pa sila sa bawat ilong, baga, at hangin ng milyun-milyong tao! ayos 'di ba?
hithit na!
--peso--


