Showing posts with label ka-emohan ng buwan. Show all posts
Showing posts with label ka-emohan ng buwan. Show all posts

20051217

tri

beer
itchyworms
noon time show


nais kong magpakalasing
dahil wala ka na
nakatingin sa salamin
at nag-iisa

nakatanim pa rin ang gumamelang
binalik mo sa 'kin nang tayo ay maghiwalay
ito'y katulad ng damdamin ko
kahit buhusan mo ng beer ayaw pang mamatay

giliw, h'wag mo sanang limutin
ang mga araw na hindi sana naglaho
mga anak at bahay nating pinaplano
lahat ng ito'y nawala nung iniwan mo 'ko
kaya ngayon...

ibuhos na ang beer sa aking lalamunan
upang malunod na ang puso kong nahihirapan
bawat patak, anong sarap!
ano ba talagang mas gusto ko ---
ang beer na 'to o ang pag-ibig mo?

nais kong magpakasabog
dahil olats ako
kahit ano hihithitin
kahit tambutso

kukuha 'ko ng beer at ipapakulo
sa kaldero't lalanghapin ang usok nito
lahat ay aking gagawin
upang hindi ko na isiping nag-iisa na ako

ibuhos na ang beer sa aking lalamunan
upang malunod na ang puso kong nahihirapan
bawat patak, anong sarap!ano ba talagang mas gusto ko ---
ang beer na 'to o ang pag-ibig mo?

(beerhouse instrumental)

giliw, h'wag mo sanang limutin
ang mga araw na hindi sana naglaho
mga anak at bahay nating pinaplano
lahat ng ito'y nawala nung iniwan mo 'ko
kaya ngayon...

ibuhos na ang beer sa aking lalamunan
upang malunod na ang puso kong nahihirapan
bawat patak, anong sarap!
ano ba talagang mas gusto ko ---

ang beer na 'to --- ang beer na 'to ---
ang beer na 'to o ang pag-ibig mo?

20051212

tu


love team
itchyworms
noon time show


'di naman talaga tayo magsinta
pero gusto nila kahit ayaw mo
bagay raw tayo

'di naman totoo mga yakap mo
pang-eksena lamang 'to
'di mo lang alam

na nababaliw na ako sa iyo
'di ko na yata kaya 'to
ang aking lihim na pakay
ay ang lahat nang ito'y gawing tunay

sana h'wag mo 'kong sisihin
kung 'di ko kayang pigilin
sabi mo na mahal mo 'ko
ngunit 'di naman seryoso

sana, magkasingkulay
ang drama at tunay na buhay ko
ang tanging pag-asa ko
ay nasa tambalang ito

sinungaling ka
kapag may tao ay nilalambing mo 'ko
pero 'pag wala, ang sama-sama

turing mo sa 'kin ay parang hangin
bitin na bitin
'di nila alam

na sa dulo ng tagpo
'di na patok mga linya ko
nag-iiba ang 'yong asta
hanggang sa susunod na eksena

sana h'wag mo 'kong sisihin
kung 'di ko kayang pigilin
sabi mo na mahal mo 'ko
ngunit 'di naman seryoso

sana, magkasingkulay
ang drama at tunay na buhay ko
ang tanging pag-asa ko
ay nasa tambalang ito

20051017

wan

nobela
join the club
nobela

ngumiti kahit na napipilitin
kahit pa sinasadya mo akong masaktan paminsan-minsan
bawat sandali na lang

tulad mo ba akong nahihirapan lalo't naiisip ka?
'di ko na kaya pa na kalimutan
bawat sandali na lang

at aalis, magbabalik, at uuliting sabihin
na mahalin ka't sambitin, kahit muling masaktan
sa pag-alis, ako'y magbabalik, at sana naman

sa isang marikit na alaala'y pangitaing kay ganda
sana nga'y pagbigyan na ng tadhana
bawat sandali na lang

sumabay sa biglang pagkabahala't lumabis ang pagtataka
tunay na pagsintang 'di alintana
bawat sandali na lang

at aalis, magbabalik, at uuliting sabihin
na mahalin ka't sambitin, kahit muling masaktan
sa pag-alis, ako'y magbabalik, at sana naman

20050926

rose


alam ko. alam kong hindi na ako magiging kasing-saya nitong mga huling araw. sa ilang iglap pa, alam kong babalik na ang dati kong pagkatao - ang dati kong pag-uugali, ang dati kong pananaw sa buhay, ang dati kong pakikitungo sa tao, ang dating tingin sa akin ng mga tao, ang dating ako.


hindi ko alam. pero alam kong ganon.


kanina, nakita ko ang kotse niya. may bibilhin lang naman ako. trapik. dahan-dahan, nakita ko ang plate number nung sasakyan. at 'yung kulay, "kanya nga 'to", sabi ko sa sarili ko. pero, ano naman ang gagawin ko? kakawayan ko? h'wag. para saan kung "kaway"? hindi rin ako mapapangiti nun. sana pala hindi ko na lang nakita 'yung kotse.


ewan. hindi ko alam kung ano'ng meron sa isang "kaibigan". bakit gusto niya akong maging "kaibigan"? at bakit gustung-gusto niya akong maging isang "matalik na kaibigan"? bakit may "ikaw"? bakit din may "ako"? pero bakit walang "tayo" sa buhay ko?


"move on" o "hold on"? ano ba 'yun? hindi ko alam 'yun. basta ang alam ko, ang tanga ko! nagmahal lang ako, hindi ko pa nilubos. nagmahal ako, pero in a way na hindi pala ako mararamdaman. wala nang mas tatanga pa sa akin!


"pwede pang mabago 'yan". paano? kaya ba 'tong hipan ng hangin lang? aayos ba ang nararamdaman ko kapag binasa ko nang binasa ng luha ang unan ko? kaya pa bang pulutin ang mga salitang ibinagsak na sa akin?


"marami pang babae. hindi lang siya. ang mundo, tambak ng taong pwede mong mahalin". pero kapag nandito ka sa tsinelas na suot ko, hindi mo masasabi sa akin 'yan. baka mauna ka pang magpakamaty kaysa sa akin. minsan, naiisip ko yan. pero, mismong utak ko ang ayaw magpaalis sa kanya.


marami pang nagsasabi, nakakagulo lang ng utak. may makabubuti, merong hindi. hindi ko alam kung ano'ng dapat sundin, at kung ano'ng dapat gawin.


masaya ba ako? oo. malungkot ako. pero balang-araw, matatanggap ko rin 'to. siya na nga rin ang nagsabi, na "time will heal". matagal nga lang. pero...parang hindi na talaga eh.


sa huli, wala naman akong pinagsisisihan. wala naman akong pagkukulang. sa loob ng tatlong taon, ipinakita ko ang lahat ng magagawa ko, ibinigay ko ang lahat ng kaya kong maibigay. ki-nonclude niya agad habang hindi pa ako natatapos magparamdam. hindi ko alam kung bakit. wala akong pinagsisisihan. wala akong pagkukulang. tinapos niya agad, pero higit pa doon ang maipapakita ko...sana.



happy birthday na lang sa sarili ko.