skip to main |
skip to sidebar
tinignan ko kasi sa dictionary kung ano ang ibig sabihin ng "hale". it says there - adjective, "strong and well". sa tagalog, malusog, matipuno ang katawan.'yun pala 'yun!
wala naman akong makitang koneksyon sa pagitan ng kahulugan sa katotohanan nung salita.
at hindi rin naman patungkol ang mensaheng 'to sa kahulugan nung salita.
dun sa mismong salita...meron!
-------------------------------------------
hale.
isa 'yung bespren ko sa big fan ng hale.
sabi ko dati..."ano ba'ng nagustuhan mo sa hale?"
na sinagot niya ng..."ano bang nagustuhan mo sa orange and lemons?"
nung panahong ang nakarelease pa lang na kanta ng hale eh "broken sonnet" at "the day you said goodnight", tinanong ako ni bespren "gusto mo ba 'yung bagong kanta ng hale?"
sabi ko, "hindi. broken sonnet lang".
-----------------------------
hindi naman talaga eh. broken sonnet lang...na hindi na rin ngayon.
astig yung broken sonnet. nung narinig ko yun, ayus! una ko 'yung narinig sa cd kong "full volume". tapos, nung nilabas 'yung TDYSGN, nakita ko bigla 'yung mga taong sabay-sabay kapit-kamay na nagsi-sing-along! wow! anthem!
rakista, hiphop, bakla, tibo, lalaki, babae, sanggol, lola, nagkaisa!
no big deal about it...it's just that my persoanlity never agrees in times like this!
ayoko kasi ng pinagkakaguluhan...gusto ko yung hindi pinagkakaguluhan. kasi nga, ayoko ng pinagkakaguluhan.
-----------------------------------------------
yes, my personality just won't like it...malay ko bang ipu-push-through ito ng isang pangyayaring nagpaiyak sa opm-indie scene.
as i promised 3 messages ago...here is the original message i posted in boldstar yahoo groups. sa kanila ko kasi inilabas ang sama ng loob ko about that "strong and well" band in relation to wolfmann's death...
--------------------------------------------------
From: "p3so" bobongp3so@yahoo.com Date: Wed Aug 24, 2005 8:12 pm Subject: hale una po sa lahat, pasintabi po sa mga fans ng hale. hindi ko po binabaka ang bandang "hale" gayundin ang mga fans nila. pero...wala po akong ibang mapagpalabasan ng sama ng loob kundi dito sa groups na 'to, especially kay kuya echo na alam kong naiintindihan niya ang bawat ipost ko dito (at gayundin sa bawat post ng bawat miyembro).
it all started with wolfmann's sad leaving. but a week before it happened, napagkatuwaan kong sumali sa hale groups. wala lang. i am not, not really, not yet, and probably will never be a fan of hale...but it just came into my mind na sumali sa yahoogroups nila. sa ngayon...9000+ na 'yung members nila.
but after a day of knowing about wolfmann's "sad leaving" (ayokong gamitin 'yung "death"), nung nasa comlab ako at nakiki-free internet, i posted in hale's groups about wolfmann's "sad leaving".
napansin ko kasi, hindi 'yun pinag-uusapan dun sa groups at para bang wala pang nag-inform sa kanila. kaya ang objective ko kaya ko 'yun ipinost e para ipaalam na rin sa kanila 'yung balita, for the sake na rin nung mga fans ni wolfmann na nasa hale groups din.
pero kanina lang...as i searched on the "sad leaving message" para tignan kung may nagreply (masarap kasi sa pakiramdam kapag nakita mong may nagreply sa post mo...patunay na may pumapansin pa rin pala sa'yo. isn't it?)...pero wala!
i even searched from that message of mine which i "posted", pero wala rin. sa tingin ko, rejected nung moderator. and from the time i tried to post that message until this point, para bang wala akong nakitang topic na pinag-uusapan ang tungkol sa "sad leaving" ni wolfmann! ang kwentuhan dun sa groups, "kuya champ...may chance ka kayang maging model sa champ ng jollibee???"; "hale/mcdo"; "i reallylove hale!!!"; "gig*gig*gig"; etc...etc...&etc...
ewan ko pero...nabadtrip ako!
i am not looking for wolfmann's fans...but i am looking for the group's condolence! 'yun bang tipong..."ay ganun ba? kahit hindi ko kilala si wolfmann at puro si champ lang ang nasa isip ko...isa parin siyang malaking kawalan sa music industry!" o kaya "ow...i see...condolence na lang...wala ganyan talaga ang buhay eh!".
ang masama pa run...bakit hindi ipinost 'yung message ko??? how lame!
but anyway...it's up to them. i do not know. bata lang ako.malamang, konti pa ang alam ko para magreact nang padalus-dalos.
i'm just wondering why...
nagmukha kasi silang rivermaya eh... ang daming member, pero walang pumapansin sa mga baguhan. papansinin ka lang yata kapag nakaattend ka na ng gig at nakilala mo 'yung ibang grounders. those elite ones!
unlike these three groups that i am seeing...eraserheads, itchyworms, and boldstar...hindi ako sipsip but i really find the people in these groups very and very and very accomodating! and i am really happy to be a part of these groups! konting post mo lang, may papansin sa'yo. 'yun ang hanap ko! 'yun ang banda! that's what the word "friendly" means to me...
pero...sabagay...9000+ 'yung members ng hale. ano nga naman ba ang panalo ko???
...sana...hindi na muna pumanaw si wolfmann
......humahaba kasi ang post ng isang taong galit eh...
thanks... : )
--peso--
please reply for anything wrong i had said...
: )
thanks...nakakagaan ng pakiramdam...
--------------------------------------------------------
i know it may sound na "mababaw". say what you want. go on. it's yours, not mine.
pero nakakagaan pala ng pakiramdam talaga kapag nailabas mo nang pasigaw ang mga hinanakit mo, tulad na lang nung nangyari kay joey de leon last week.
at higit pang nagpasaya sa akin, eh yung reply ng mga boldstar groups members. it adds comfort to my weeping guitar.
to share some (i just chose to hide their email addresses for their own privacy na rin. batuhin niyo ko, wag sila):
--------------------------------------------------------
From: "echo_chip2002" Date: Wed Aug 24, 2005 10:54 pm Subject: Re: hale That was one long post man:) Anywayz, ok lang yon, like you said, 9000+ na members nila, so they can't find time for everyone. As for your message not being posted, hayaan mo na... may mga tao naman na ganon eh, kung hindi nila kilala edi "so?". They're just having fun like the rest of us. Maybe they don't want any talks of death ruining they're fun, which is truly undertsandable. So P3so, cool ka lang pare. Wilfrid is loved... that's for sure, if they don't reciprocate, don't take it against them, ayt? :) I'm off to Wilf's wake to say my final goodbye to him, I'll send him all your love my beloved hbaderos and hubaderas, ok?
*** We'll miss you Wilf, heaven's lucky to have you***
Echo
---------------------------------------------
From: "roseytrapik" Date: Thu Aug 25, 2005 5:57 pm Subject: hale...este hail to p3so and echo let me guess p3so, nag-unsubscribe ka agad sa yahoogroups ng hale noh?
not to add fuel to the fire pero alow me to share a story which probably alam mo na since your also a member of the itchyworms yahoogroups.
one of jugs itchys entry sa kanyang blog is about an almost brawl with hale in one of their mayrics gig with them. the worms where playing around by spoofing the hale fans who were taking photos (thru cellphones) of hale during their performance. they were just playing around of course, you know how the worms are?! nway, kinapikon yunng hale and their manager. inawat at kinausap na lang daw ni raimund (marasigan?) kaya hindi lumaki. ang babaw di ba? at the end of jugitchys post, ang inugat daw ng away is who goes on stage first kasi may out of town gig daw ang hale. nontheless mababaw pa rin.
like echos lament, missing the old vibe of their yahoogroups. gone are the days ika nga. the 9000+ members of hale are people who are not after hale as an artist or musician. they are present and active kasi "cute si champ." its not about the music, its not about the band, its about champ. take champ out of the equation, hale is nothing. so i'll never get tired of saying...ang babaw di ba? your agood person p3so. you care about the artist and their music, and i'm sure they appreciate that. and the incident with the hale yohoogroups was the way for you to find out na hindi ka mababaw na tao. ni hindi nga yata nila kilala si wolf eh. that makes it worst. they dont know an artist when they see or hear one.
and as for echo. look at it this way my kind sir. those who remained in the yahoogroups are those who are loyal (for a lack of a better term) to boldstar. even if your star is not as bright as before or not as bright as the boyband called "hale" they are still here. and newbies like me are the ones who followed the star amids its flickering condition. they will come back. pag naging boyband naulit kayo. hehehe.
------------------------------------------------------------------------------
i think that's enough muna...
pero regarding dun sa binanggit nung isang nagreply na si resoytrapik na:
"not to add fuel to the fire pero alow me to share a story which probably alam mo na since your also a member of the itchyworms yahoogroups."
bibitinin ko na muna...i also have a copy of jugs jugueta's post about it...
so far that's it.
pasintabi sa mga kumakain. pasintabi sa mga strong and well fans...
pasensya na mimi.. :)it's me.--peso--
akalain mo...
wowowee? sino'ng 'di mawiwili?
---------------------------------------
matagal na akong nagbabalak gumawa dati ng isang article tungkol sa noon time shows sa pinas, more particularly sa wowowee. actually, nasimulan ko na. sinimulan kong gawin 'yun nung manila day pa nung nakaraang taon. kaso, tinamad na akong ipagpatuloy.
hindi ko nga akalaing mangyayari ang isang trahedyang resulta ng ipinupunto ko dun sa artikulong hindi ko man lang natapos at naishare sa blog ko. (hindi sa inyo ha...sa blog ko!)
----------------------------------------
"sa wowowee, wala pong umuuwing luhaan! dahil sa ang programa pong ito ay hindi sa amin, kundi sa inyo, aming kapamilya!"sa tuwing manonood ako nung palabas na 'yan...madalas ko 'yang marinig na sinasabi ni host. sino ang mag-aakalang uuwing luhaan ang karamihan sa taong nagpunta sa ultra kahapon? biktima man o hindi, obvious na obvious na walang katuwaang naganap. ano nga ba ang nangyari at bakit nauwi sa ganito?----------------------------------------alas sais pa daw 'yun nagsimula.
kanina lang...mga 11:30, may nagtext sa cell ng nanay ko. at dahil aabutin pa ng magdamag bago mabasa ng nanay ko 'yung nagtext (kung sino man 'yun), ako na ang nagbasa nung message. tita ko pala. ang sabi:
"'Let us pray 4 d souls who died in the ultra' pass diz 2 all the people as many as u can plz do it"
tanong ko sa nanay ko, "saan 'yung ultra?"
"sa Pasig"
sa loob ko, 'yun nga 'yung ultra'ng tinutukoy. baka kasi ibang ultra. pero anong meron sa ultra at bakit "please pray 4 the souls who died in ultra"?
"ano bang nangyari sa ultra?"
"ha? ewan ko"
pinabasa ko sa nanay ko 'yung text, then, binuksan niya 'yung tv. hindi namin alam kung ano 'yung nagyari eh.
pagbukas ng tv, channel 7 agad. tamang-tama, balita. at tamang-tama, "live form ultra".
--------------------------------------
nagkaroon pala ng stampede 'no? sa di malamang kadahilanan. hindi ko alam.
sabi nga ng nanay ko, nung isang araw pa raw pinapapunta ni willie 'yung mga tao sa ultra para sa darating na sabado. 1st anniversary pala ng wowowee.
medyo kabisado ko na ri kasi ang wowowee eh. iba ang viewers nila kumpara sa mga viewers ng eat bulaga. matagal ng show ang eat bulaga, pero nanatili silang kalmado at solemn pagdating sa pag-akit ng viewers, kumpara sa wowowee. less than a year pa lang umeere, pero dagsa na ang viewers.
trademark na ng pinoy ang noontimeshows. ito na kasi 'yung kasalo nila sa pagkain tuwing tanghali. pero ang hindi alam ng marami, nagsisimula na rin itong mging problema ng bansa, at ng mga Pilipino.
sige, dederetsuhin ko na.
-----------------------------------------------------
habang nananatili ang noon time shows, patuloy na aasa ang mga pinoy sa wala. hindi masamang ngumiti at tumawa, pero minsan, ginagawa ng gago ng mga nts ang mga pinoy. nagiging tamad na ang mga pinoy. wala na silang ibang ginawa kundi ang tumutok bawat tanghali sa harap ng tv screens, at maghintay ng biyayang walang kasiguraduhan kung dadating nga.
pansinin mo na lang 'yung mga studio audience sa wowowee. sorry for the term, "ang kakapal ng mukha!". (gusto kong masaling ang pagkatao niyo para magising kayo!). kung lagi kang nanonood nung naturang palabas, alam mo ang ibig sabihin ko. pero bakit makapal ang mukha?
dahil hindi katuwaan ang habol nila doon, pera. yes, PERA. minsan nga meron pa doong game contestant na kapag hindi nananalo, eh inilalabas dali-dali 'yung mga resibo o reseta ng gamot na kailangan daw niya bilhin para sa kanyang anak na ganyan na ganito na ganun. pucha! kung may moral ka, hindi mo 'yun gagawin sa harap ng maraming tao! ano 'yun? ganun na lang 'yung gagawin mo kung gusto mong magkaroon ng pera?
isa pa...kung saan-saan na nga lang yata pinagkukuha 'yung mga audience dun eh. mga wala na kasing moral 'yung mga nanonood. walang modo! hindi maganda ang ugali! pera, pera, pera, pera, pera. 'yun ang habol nila doon at hindi ang tamang pagsasaya.
pero nasaan nga ba 'yung problema dun?
una, nasa mismong palabas. hindi sila variety show na nagpapangiti ng tao. isa silang "hindi halatang sindikato" na wala nang ginawa kundi dagdagan ang problema ng mga pilipino, sa paraang kunwari eh nakakatulong sila, pero sa katotohanan eh pinapaasa lang nila ang mas maraming pilipinong naghihikahos. pakitang-tao, should i say?
siyempre, kung ang bawat laman ng programa mo eh ang pamumudmod ng dolyar, sinong hindi manonood at pupunta sa show mo araw-araw?
pangalawa, isa pang ugat ng problema, 'yung mga nagbibigay ng dollar kay host para ipamudmod sa taong bayan. "tulong 'yan para sa mga kababayan natin, mula sa ti-ep-si iskrudrayvers, dito lang sa blah blah blah city, CALIFORNIA!!!"
hindi na ba sila makakahanap ng ibang paraan para makatulong sa kapwa? kung maiisip kasi nila, hindi na nila kailangang makiisa sa media para makatulong. kung akala kasi natin, tayo ang "panalo", at tayo ang "bida" (sabi ng ni host) sa araw-araw nating panonood at paminsan-minsan nating pananalo, mali ang inaakala natin.
kung may pakontes nga na ginagamitan ng pagtetext, sa bilyong texters, isa lang ang mananalo dun ng isang milyon or less than a million worth of price. tanong: magkano ang kinikita ng show mula sa text lang ng isang bilyong viewers?
it's business kasi eh. it's a bad business.
"kalahok sa kalokohan, kala mo panalo ka. kalahok sa kalokohan, totoo ay talo ka" ~ itchyworms
pangatlo at huling may kasalanan, ang mga taong naging produkto ng pinagsanib na pwersa nung una at pangalawang nagkasala. sila 'yung mga audience, mula sa iba't ibang panig ng bansa. kabilang na rin dun 'yung mga ilan sa mga naging biktima - namatay o nasugatan. sila 'yung mga umasa na maiaahon sila sa kahirapan sa pamamagitan lang ng pagtawa, pagbibigya ng joke na korni, habang ang kapalit eh barya.may naririnig nga na naman akong "kahirapan" ang sanhi ng lahat ng ito. tama! kahirapan! tapos, gobyerno? gobyerno ba ang isusunod mong sasabihin at idadagdag mong sila ang may sala?mag-isip ka!kurakot ang gobyerno, oo. pero sa mga ganitong pagkakataon, ang mga tao na ang gumagawa ng lalo nilang ikahihirap sa pamamagitan ng magagaspang na ugaling ipinapakita niya o ipinapakita nila sa isa't isa.sabi nung show, lungkot na lungkot sila - 'yung host, mga staff, mga artsita - dahil ang pakay nila ay ang magpasaya at magbigay ng ligaya at pag-asa.pero naisip kaya nilang "maling pag-asa" ang ibinibigay nila sa mga tao? alam kaya nilang ang rason kung bakit higit limampu ang patay sa stampede ay hindi dahil sa stampede mismo, kundi ang mga ipinamumudmod nilang pera?agawan. tulakan. unahan. lahat gustong meron, nakapila, bumili ng ticket, sa pag-asang mananalo sila.alam kaya nung palabas na maling pag-asa ang itinuro nila sa mga tao?"give a man a fish, he will live for a day. teach him HOW to fish, he will live forever!"namigay lang ang wowowee ng tigi-tigisang isda sa bawat pilipinong nakangiting hindi nag-iisip. pero ang pagtuturo kung paano mangisda para makatayo ang mga pilipinong ito sa sarili nilang paa, kahit wala nang aasahan pang palabas sa tv, hindi nila 'yun itinuro kailan man.---------------------------------------
ngayon, nagka-stampede sa ultra. maraming dumalo mula pa sa iba't ibang panig ng bansa. at marami ring namatay. hindi ko alam kung anong mapapala nung isang bilyong taong pupunta dun kung manonood sila ng live, gayong pwede naman silang manood sa tv. siguro nga, dahil sa premyong ipamumudmod.
"ang daming premyo na naghihintay sa 'yo, kahit mapugot na ang ulo mo" ~ itchyworms uli
tulad nga ng sinabi ko kanina, it's business. ang kailangan ng show, magprofit o kumita ang show nila. nagke-care daw sila sa viewers kaya tinutulungan nila sa pamamagitan ng pamumudmod ng barya. pero to clarify: iba ang business sa charity. malaking pagkakaiba.
ang charity, hindi na kailangan pang gamitan ng kamera at media, at ipalabas sa harap ng madla ang ginagawa mong pagtulong. pero ang business ng pagpapakitang tao, eh 'yung kukuha ka ng mga streetchildren sa kalye at silang pasasalihin mo sa show mo para paniwalain ang mga brainwashed na viewers na tumutulong ka nga. nakakantig ng damdamin! letse!
plus, hindi mo pa pagbibihisn ng matino 'yung mga street children. kung anong suot nila nung dinampot mo sila, ganun na lang! isang magandang paraan 'yun para ipagdiinan sa mga tao na "MAHIRAP ANG TINUTULUNGAN KO!"
pero try nilang bigyan 'yun ng matinong maisusuot, higit pa 'yun sa pagkapanalo ng salapi!
iba ang business sa charity.
------------------------------------------
after nung incident, maraming tulala. maraming shocked.
may mga iniinterview ng iba't ibang channel station at tinatanong kung bakit naandun pa sila. ang sagot nila, "wala kaming pamasahe pauwi eh!"anak ng bayawak na bunge! kung ikaw, nanggaling sa bicol, naglakad ka nang lahat para makapunta sa anniversary ng wowowee na gagawin sa maynila, tapos kapag wala kang napanalunan, bigla mo ngayong idadahilan na wala kang pamasahe pauwi?!punyeta! pero kung nasa bahay ka na lang at nanonood ng tv...(nakakasama lang ng loob...lubog-lubog na nga 'yung keypad ng keyboard ko eh)may mga nagsasabi pang "gutom na gutom na nga kami eh. hindi pa kami nag-aalmusal!". balita ko nga, 3 days and nights na silang nakapila dun lalo na 'yung mula sa mga probinsiya. so what do you mean kung gutom na gutom ka na't 'di pa kumakain? na sa loob ng 3 days and 3 nights na nakatambay kayo dun, ineexpect niyong mga taga-dos ang magbibigay ng pagkain niyo? e sa dami niyong 'yan eh!ang problema talaga kasi, lahat ng naandun, umasa nang umasa na mananalo sila...ng pera...ng premyo...ng dollar. pinoy naman! bobo ka na! mag-isip ka naman kahit paminsan-minsan para 'di manahin ng anak mo ang kabobohan mo!pero ang talagang ikinagalit ko sa pangyayaring 'yun, eh nung may isa pang ininterview na hindi ko alam kung saang region nagmula. galit pa siya ha. ang sabi niya, ang layo-layo pa daw ng pinagmulan nila tapos, hindi na itutuloy ang palabas?
GAGO! tao ka ba at ang mga katulad mo o mga taongengot ang lahi mo? bobongpinoy!
-------------------------------------------
sa huli, hindi lang wowowee ang pinopoint-out ko dito, kundi lahat ng mga taong may ganitong pamamalakad sa kapwa nila. h'wag niyong gamitin ang kamera para kumita kayo. sa panahong 'to, hindi kailangan ng taong bayan ang isanglibo't isang tuwang hatid ninyo, lalo na ang kaban-kabang pera niyo. ang kailangan ng taong bayan ay ang pagtulong niyo sa kanila sa paraang hindi niyo kailangang dagdagan ang problema ng buong bansa! at ikaw naman, pinoy na natulungan, h'wag kang mamihasa! hindi lang ikaw ang nangangailangan ng tulong sa bansang ito. marami kayo. hindi, marami TAYO! bakit hindi tayo ang magtulungan? oo, alam kong karaniwan nang sabihin 'yung huling pangungusap na binitawan ko, pero hindi matatapos ang kahirapan na 'to hangga't tayo mismo eh patuloy na umaasa...umaasa...umaasa..sa maling pag-asa."lagi-lagi, lagi-lagi, lagi-lagi, lagi-lagi, lagi-lagi, lagi-lagi, lagi-laging ganito!" ~ pan
hanggat walang nasusugatan, nadidisgrasya at namamatay, walang madadala at magtatanda. pero naniniwala akong hanggat patuloy ang "kunwari magandang" hangarin ng isang institusyon/palabas/tao/grupo ng tao sa mga taong walang muwang, at hanggat patuloy ang mga pilipinog hindi pa rin magising-gising sa alarm clock na nagtitiktak ng "ikaw lang ang may hawak ng kinabukasan mo", wala nang matututo kahit anong pangaral ang gawin mo!
dadami lang ang bobong pinoy, at patuloy lang lalala ang kanser ng bansang sinilangan ng mga pilipino.--peso--