20100822

Shift + Delete = Life

Today I declare, neither the independence nor marshal law, that i just deleted ALL my porno files in this lappy-tappy. Will be running a search-and-destroy plan to the other PCs in our house, later when I got time, as I might have hidden there some loots as well.

And also, I was just done blocking some sites I loved to visit most when I'm alone. How i wish they all crash now.

After this blog, I'll be collecting some CDs/DVDs I had hidden under my dungeon, maybe crack them all, each in 4 pieces or more, then probably throw them all to the trash later at the mall when mimitaba and I got there.

Mahirap sa umpisa, because it had been an addiction, NO, a DEPENDENCY. But look, a simple Shift + Delete to the folder can start it. Try it, malalaman mong hindi naman pala nakakapanghinayang after all. Sa lawak ng mundo, kailangang isiping may iba pang MAS dapat pagtuunan ng pansin kaysa sa mga bagay na sa sandali ka lang maligaya.

May gitara kami at bongo, keyboards din. Gusto kong magsimula sa musika.
Marami akong libro ni Stephen King. Gusto kong gumala na lang din sa malikhaing pag-iisip niya.
Marami pang riddles ang hindi ko tapos, at gusto kong magpalusog pa ng isipan.
Marami akong gusto pang marating. Kaya kong mabuhay nang hindi magkukulong sa paulit-ulit na eksena sa mga hindi pambatang pelikula.

At ipagpalagay na totoo ang 2012 end-of-the-world rumor, uubusin ko pa ba ang panahon kong kulang na sa dalawang taon sa mga bagay na hindi ko naman likas na gusto?


Ok, ok. Binura ko ang mga porns ko. Pero bakit sinabi ko pa sa blog na 'to ang ginawa ko? What's the deal? What do I get out of it?

Because I want you guys to see me as I am. I want a change, and i can't do that alone. Please, read this, and WATCH me. Eto ako, sinabi ko kung ano ako. Ang pinakamahirap na parte, e balang-araw kainin ko lang ang sinasabi ko, pero eto ako. surrender na. I thought it's enough that God will be my only witness for doing this. I was wrong. WRONG NA WRONG! Because sometimes, i fool Him, and i don't even get ashamed. Mas napapayuko ako kapag sa harap ng maraming tao ako napapahiya. So with your help, all of you readers out there, I hope I can fool Him NO MORE.



This Shift + Delete must be the beginning of something wonderful for this life. You may be the judges and the like, but in the end, I just want to be my real self again.

God, help me.




--peso--

20100803

the arithmetic and philosophy of walking (not bad)

well, today i earned 7 pesos, from walking. not bad. i came at the station at exactly 8am, too early, an hour actually, for the office time at 9.

7 pesos for a 15-minute walk? NOT BAD!

because after 10 days, I'll be having an easy-seventy pesos from walking alone. that's for a week and three days.

then after a hundred days of walking in the morning heading to the office I'll be having 700 pesos. tax free! That'll be approximately 3 months.

supposedly we have 300 days of office works per year, a morning walk in the streets of Makati can give me PHP2100. Instantly!

to think, that's just a one-way walk (Ayala station to Aguirre st.), for only a 7-peso fare.

what more if walking from Quirino Highway towards our doorstep is to be considered? that's actually a 21-peso tricycle ride, which is 3 times the normal jeepney fare I'm talking here.

that would sum up to PHP6300. MORE INSTANTLY, since the distance from Quirino HW to our home is way too walkable than the MRT-Legazpi village range.


so...start setting a "walking fund" out of this math? not bad. why not?


sometimes, the office's tardiness warning policy will bring one to some thinking - that getting up in the morning and going to work in the earliest possible time he can, habitually, will lead into some fine things.

7 pesos, in this country, will never be anymore a big amount. but believe me, the amount's encouraging enough for a person to start with a cool idea. =)



PLUS the exercise.



--peso--



P.S. just noticed that it's been a year... Happy Anniversary! =)



alive and kicking.

20100704

ang hindi maalalang simula ng hindi malimutang nakita


hindi niya alam kung ano 'yung umpisa. basta alam niya parang dumadami ang tao. tipong tinatawag na siya ng kung sino mang kamag-anak niya na hindi niya din marecognize. basta alam niya tinatawag siya. kakain na ba? o maghahain? basta kung alin man dun, alam niyang parang ganun. pero hindi agad siya dumulog o tumungo sa bahay na pagdarausan. dumadami ang tao, at parang 'yun nga yata 'yung umpisa.

naalala niyang meron siyang baong pagkain. pero since may kainan na, alam niyang di na niya 'to makakain. mula sa pagkakatayong hindi malinaw kung saan, nagpunta siya sa labas, sa dulo ng kalsada nilang dead-end ay may isang mataas na pader. hindi niya maintindihan kung bakit doon siya nagpunta, pero alam niyang doon siya dapat pumunta. hindi na siya nagtaka kung bakit may munting lababo sa pader na 'to - para bang alam niyang dati na talagang meron nito. pero ang totoo, wala naman talaga. pero hinayaan na niya. inilabas niya mula sa bag ang sisidlan ng baong pagkain, binuksan ito at ibinuhos sa lababo ang laman.

walang kanin, ulam lang ang bumuhos sa lababo. parang kaldereta. may nakita pa siyang karot. kinuha niya ang espongha sa gilid ng lababo, may sabon na ito, at saka hinugasan ang baunan. mamantika ito, kaya matapos mabanlawan at mapansing may bahid pa ng orange-yellow-brown na mantika, muli itong sinabon at binanlawan hanggang sa mawala. napansin din niyang sa kanan niya, karugtong ng pader ay mayroong bahay. puno na din ito ng tao, labas-masok sila.

matapos maghugas, bumalik siya sa bahay ng lolo niya. mula sa maliit na eskinita, tanaw niya sa loob mula sa bintana ang mga kamag-anak niyang sa mga malayo pa nakatira. timog luzon. nagkakasiyahan sila at akmang naka-pose para sa isang family picture. nakita niyang ate niya ang may tangan ng kamera. pumasok siya, dali-dali, dahil gusto niyang makasama sa litrato.

pagpasok niya, parang may naamoy siyang usok. nanggagaling sa bandang malapit sa banyo sa ibaba ng bahay. sinilip niya ito. may appliance na animo ay umuusok nga. ngayon lang siya nakakita ng ganitong kagamitan. pero sa pakiwari niya, para itong isang oven toaster. parang naririnig niya ang sarili niyang tinatanong ang mga kamag-anak sa loob ng bahay kung naaamoy ba nila ang usok, pero parang wala naman siyang naririnig na sagot. hinayaan na niya.

lumabas siya ng bahay, lumabas sa pinasukang pinto. nagpunta siya sa likod bahay. may mga apat na bahayan sa loob, pagmamay-ari ng kamag-anakan ng nanay niya. nagpunta siya sa ikatlong bahay at pumasok dito.

bukas ang pinto, at nakalatag ang mga bilog na lamesa. malalaking bilog na lamesa. nakita niya sa isa ang pinsan niya, at doon siya umupo sa tabi nito. spaghetti at/o pansit lang ang nakita niyang handa, yung huli, hindi pa siya sigurado kung meron nga.

********** ********** **********

pagbaling niya, nakita niya sa bintana na mataas na ang araw. sa tantiya niya alas-diyes na ng umaga. naririnig niya sa kalayuan, sa mahinang volume, si Simply Red. hindi niya alam ang titulo ng kanta.

ginalaw ang touchpad ng katabi niyang laptop, inaninag ang oras sa computer, pero hindi tinuloy ang pagbasa dito dahil naalala niyang sira ang CMOS battery ng laptop niya (o ng laptop ng bigay sa kanya). kinuha ang cellphone sa tabi nito at tinignan ang oras. alas-otso lang naman pala ng umaga.

bumangon siya, dahan-dahan, dahil sa hindi maigalaw na katawan. umupo siya sa tabi ng laptop, at inaaninag, sa nakapikit pa niyang mata, ang hindi niya malimutang takbo ng pangyayari, kahit na hindi niya alam kung paano ito nagsimula.

at may bigla siyang naalala...

"oh Shut up!!!" sabi niya sa sarili niya, hindi kumakabog ang dibdib pero kabang-kaba. "SHUT THE FUCK UP!".




--peso--

20100627

short cuts: headset


well malapit na akong bumaba. ilang metro na lang Alfred na (Francisco St. actually, pero mas kinilala nang "Alfred" over the years kahit nung di pa yata ako ipinapanganak). hindi maganda ang pagkakaupo ko sa likod ng FX dahil bakubako ang upuan ng FX na 'to. tapos walang lamig ang aircon. may lumalabas na hangin, pero mukang 2 inches lang ang range nung pagbuga kaya di din umaabot sa akin (sa tabi ng pinto ako nakaupo, siguro yung katabi kong malapit sa aircon nahahanginan). kaya atat na atat na din akong makababa. 'di ko maintindihan kung bakit kelangan bumiyahe ang mga ganung klaseng FX.

so magsasalita na ako para warningan yung driver na may bababa ng Alfred nang biglang maunahan ako nung lalaking nakaupo sa unahan. kapansin-pansin ang suot niyang higanteng headphones.

"Boss diyan lang sa Alfred", sabi ng pasahero sa harapan ng sasakyan.
"Teka lang po itatabi natin", magalang na tugon ni manong.
"mabuti na lang", sa loob-loob ko. "bababa ako sa pagpara ng iba. hehe."

habang papatabi na ang FX, nagsalita ang kaharap ko sa likod ng FX.

"Alfred lang po", sabi ng kaharap kong pasahero sa likod.
"Sige po itatabi lang", sagot ni manong.

umaandar pa ang sasakyan nang may nagsalitang babae sa gitna.

"Alfred lang po kuya", sabi ng babae.
"Eto na po mam ginagawa na", sagot ni manong, na halatang nauubos na ang pasensya. patay-malisya naman ang tatlong pasaherong sunod-sunod pumara sa iisang lugar.

pero ako natatawa, parang gusto ko pang makigatong ng "Kuya ako sa Alfred din", pero baka atrasan ako ni manong pagkababa ko kaya kinimkim ko na lang ang iniisip.

huminto na ang FX at nagsalita si manong sa tonong mukhang napikon "O sige ho LAHAT ho ng Alfred o!". bumaba yung lalaking nasa unahan, na sinabayan nung babaeng nasa gitna. naunang bumaba yung kaharap ko sa likod ng FX, bago ako.

pero nang bumababa pa ako, biglang pinaandar na agad si manong ang FX!

"boss teka", sabi ko.
"konting bilis naman ho o!", sagot niyang wala nang galang.

edi hinayaan ko na lang. bumaba ako at nakita ko sa harap ang tatlong co-passengers kong kakababa lang din. and what do they have in common?

HEADSETS - may pasak silang lahat sa tenga. napailing na lang ako. "kaya pala", sa loob ko.

they all look robots to me.



--peso--

20100510

My First Erection


"A couple of hours from now, history will repeat itself."
- Angel Recto, May 09, 2010 11:25pm

So habang nag-aabang sa pinadeliver na Pizza (3:30 daw dadating, 1 hour pa), tinitignan ko ang indelible ink na nakadikit sa kuko ng kanang hintuturo ko. Sa unang pagkakataon, nadampian ako ng indelible ink - patunay na botante na nga ako, na nakaboto na nga ako, na totoong bahagi na ako ng gulo. Nung elementary at high school, nalalagyan na din ng ink ang kuko ko kapag nagakakaroon ng student council election, pero ibang-iba ang indelible ink ko ngayon sa kanang hintuturo kumpara sa blue Pentel Pen ink noong mga panahong iyon.


********** ********** **********

Dati e bantay lang ako sa bahay kapag bumuboto sila nanay, tatay at kuya. Ngayon si Apol na ang bantay dahil botante na din ako. 7am kami umalis ng bahay, around 7:30 kami nakarating sa school. Lakad lang. Siyempre, ngayon ko lang nasaksihan ang ganoong eksena sa labas ng eskwelahan kung saan marami ang namumudmod ng mga "sample ballots". Madaming nag-aabot pero hindi ako kumukuha. Kabaligtaran naman ni nanay, kuha siya nang kuha. Para bang may pa-contest ang Eat Bulaga bukas para sa makapagdadala ng pinakamaraming sample ballots. :p

Madami-dami nang tao nung dumating kami. Sa 3rd floor ng isang gusali kami naka-assign. Derestso akyat, hinanap sa tamang listahan ang pangalan para malaman ang precint#, kumuha ng queue number, at tumambay muna sa isang bakanteng classroom habang nag-aabang na tawagin ang numero. Anyway, it's just another story of while-we-wait-on-this-long-boring-pointless-queue-we-talked-first-on-political-issues-and-other-gossips, kaya jump na tayo.

Bumibilis na ang pila nang biglang bumagal uli. Nasa bukana na na kami nung kwartong pagbobotohan nung napurnada pa. Yun pala, nagkaroon ng singitan sa pila namin. Pinasingit kasi ang mga senior citizens. Hindi ko alam kung kaninong desisyon, basta alam ko MALI ang desisyon nila. Kesyo senior citizen daw, o buntis , o ganun, o ganyan. Hindi sa wala akong galang, pero base sa karanasan, ang kakapiranggot na mga KONSIDERASYON ang nagpapagulo sa isang maayos na pila.

Sabi nga ni kuya, isang problema ng Pilipinas e masyado tayong MAAWAIN. Kaya nga naglagay ng pila e para umayos. Pero kung magpapasingit ka pa din, no matter what the reason is, what's the freakin' use of falling in line??? Magkaroon lang ng isang matandang nagmakaawa, sige pauunahin. Asahan mong may kabuntot yun na dalawang matanda pa. Sige pagbigyan na. Malalaman ngayon ng isang matanda sa 'di kalayuan, makiki-jive na din sa partee. Tuloy-tuloy, tuloy-tuloy. Ang kaninang maayos na pila, nakalimutan na. Kasi naging pila na ng mga senior citizens. E kahit abutin ng ala-sais ng gabi e hindi yata mauubos ang mga senior citizens e. The point there is, simple lang naman ang rule ng pagpila. Konting delay lang ang kelangan para guhuin mo ito. I hate to say this pero sa pila ng mga senior citizens na 'yun kanina, nakita kong nakakatandaan na lang talaga natin ang mga bagay-bagay na kumokontra sa kaunlaran ng bansa. 'Pag matanda na ako, sisingit din kaya ako? Maawa na kayo sa matanda o...

After a series of palitang-sigaw at banggerahang-laway ng mga senior citizens at commoners, na nakangiti lang naming pinapanood ni kuya, nakapasok din ako sa kwarto, wherein naghintay pa din kami ng mga 30 minutes bago mabigyan ng talagang balota. Medyo nagkatagalan kasi sa verification dahil limang presinto ang hinahawakan ng mga BEI, na nanggagaling sa iisang pila namin. Idagdag pa ang mga makukulit na mamamayan na bukambibig ang "bakit wala ako? pakihanap ako...andiyan lang yan!" at "kanina pa ako dito! ALAS-SAIS!". Well in fact, katarantaduhan na alas-sais pa siya nasa pila gayung 7am lang naman nagsimula ang proseso. :p

(wait...dumating na pizza. 3:10 pa lang. dat's gud!)


********** ********** **********

On TV:

Reporter: Ano-ano po ba ang mga sanhi ng pagbagal ng pila at pagkakaantala ng proseso ng botohan?
BEI Officer: Minsan yung mga sumisingit, tapos may mga makukulit na nagrereklamo. May naghahanap ng mga presinto. Tapos kasama na din diyan yung mga istorbo, tulad ng pag-iinterview sa amin ng mga media. Kaya 'yung mga tao naiipon sa pila.


(kain lang ako... =p~)


********** ********** **********

(ok game. two slices of pizza, busog na!)


On TV:

Reporter: Ano ang pakiramdam mo at nakatapos ka nang bumoto?
Celebrity: Masaya din, kasi alam mo, this is my first time to vote this year.
Tatay ko: Natural! Ito lang naman ang eleksiyon ngayong taon e! Ako nga first time ko din makaboto this year e.


********** ********** **********

Anyway, mananalo kaya ang binoto ko? Dati tumatakbo sa isip ko yun e - kung mananalo kaya ang iboboto ko. Lately, narealize ko na hindi pala ganun yun. Bakit kelangan nating pairalin sa isip kung sino ang "panalo" o "talo". Kompetisyon na ba ang paglilingkod ngayon?

Hindi naman na issue sa akin kung hindi manalo ang binoto ko. Kesyo may dayaan, o wala, i don't give a great ball of fire. Bumoto ako kasi may TIWALA ako sa napili kong botante. Bagsak man siya sa rating o wala siyang advertisement o hindi siya sikat, binoto ko siya dahil alam kong may MAGAGAWA para siya sa ikabubuti ng bansa. Ganun kasimple. At hindi ba ganun naman talaga dapat ang pamantayan sa paghalal ng kandidato? Yung KINILATIS mo at may NAPIGA ka sa kandidato? Hindi naman kailangang makipagpatayan o makipagpabonggahan ng ads e. O magpaawaan kaya o gumamit pa ng mga kamag-anakan. Hindi mo kailangan madala sa mga pakulo nila. Kelangan mo lang basahin ang iniisip nila at pakinggang ang pinagsasatsat nila. Hindi kelangang tumanggap ng pera, hindi kelangan magpapaniwala sa survey.

Isang dapat maintindihan ng isang botanteng Pilipino e kung ano ang katuturan ng pagboto nila bilang isang karapatan. Sabi ko dati, hindi naman mananalo si Kandidato A o kaya si Kandidato B. Pwes, iboboto ko na lang e itong si Kandidato C kasi siya lang ang alam kong makakatalo kay Kandidato D. Pero napag-isip kong maling kaisipan pala ang ganun. Ang mangyayari pala e para akong gagong boboto kay Kanidato C na hindi ko naman siya kilala! Para akong puppet noon. Kung hindi nga manalo si Kanidato D, ibig bang sabihin solve na ang problema? Kaya bumalik ako sa pagkikilatis kila Kandidato A at B, at sa kanila ako namili, dahil ayokong mawalan nang saysay ang karapatan kong minsan sa tatlo o anim na taon ko lang magagamit.


Ang hindi pagkapanalo ng binoto mo e hindi nangangahulugang sayang ang boto mo, dahil ang ELEKSYON ay hindi naman LOTTO. Afterall, it's not really on the winning of a candidate, but on HOW did you use your right to suffrage in aiming for the best for this country. Manindigan nawa tayo, at hindi pawang nakigaya sa survey lang.


********** ********** **********

Nung hawak ko na ang mahabang balota, direkta agad ang pagsagot. Pangulo, ikalawang pangulo, initiman ang bilog na hugis itlog na nakatapat sa pitong senador na napupusuan. Nang makita ko ang mahabang listahan ng Party Lists, nilaktawan ko ito at binaligtad agad ang papel para sa local officials. Pinili si mayor, si vice, si congressman, at mga councilors. Binalikan ang mga senador, baka may mapiga pa para makumpleto ang labindalawa, pero isa lang ang nadagdag. Walong senador lang ang binoto ko. Deretso sa PCOS, isinalang ang balota. Kaboom! Successful! 148th vote casted ako. From 7:30am, 10:15am na ako natapos. At sa PCOS machine na 'yun, 148th pa lang ako. Ang tinding hassle no?

At bakit walo lang ang senador ko? Dahil hindi baleng kulangin kesa sumobra, else mavo-void ang senatorial votes ko. Ayoko namang iboto ang mga hindi ko kilala at sa tingin ko e gaganti lang sa gobyerno.

E bakit wala akong binotong party list? Kasi hindi ko alam ang layunin nila, as a whole. Alam ko lang namumuno sila sa mga rally. E kesa iboto ko yung GAHASA ni Romeo Jalosjos?! GAHASA ba yun o KAKUSA? Ano nga ba?

Bumoto ba ako ng artista? Oo. Walang masama dun. Kitang kita naman kung sino sa mga artistang gustong makatulong talaga, at 'yung mga pumasok lang sa pulitika dahil wala na sila pera at mga projects sa showbis.

Ano ang feeling sa unang pagboto? Ganun pa din. Hindi masasabi ang pakiramdam unless lumalabas na ang mga resulta. Yung bagal ng proseso, kahit automated pa ang eleksiyon, anticipated ko na yun. Alam kong mapapabilis nito ang counting, pero sigurado naman akong hindi nila pinaghandaan ang KABUUANG proseso lalong-lalo na kung paano ia-accommodate ang mga botante. Come on, COMELEC! Less than a year to prepare? After ng vote counting, hindi na uli busy ang COMELEC. Busy lang uli sila after 3 years, for another set of preparation for the Senatorial and Local Official's Elections. Pero sa tatlong taong dadaan habang wala pang eleksiyon, ano ang gagawin ng COMELEC? Ano pa ba edi magpapatubo ng balbas si Jimenez.

Pagkatapos bumoto... saan ako nagpunta? Deretso muna ng 711, at bumili ng C2 Green for 10 pesos. Kaso hindi ako nakapag-shopping kasi isang C2 lang pala ang counted for 10 pesos. The rest, 23 na uli. Iniisip ko nga kung pupuntahan ko yung kabilang branch eh...jejeje.


********** ********** **********

Ubos na ang pizza, pero aabutin pa siguro ng ilang linggo o isang buwan bago tuluyang maalis ang indelible ink ko sa kuko ng kanang hintuturo. Bahagi na ako ng gulo, at dapat magsimula na akong magmasid at makialam.

5:11 nang hapon. 49 minutes to go and the election proper ends. Balita ko extended daw nang 1 hour. Pero ganun pa man, alam kong madami pa din ang hindi makakaboto dahil sa pinabilis na bilangan pero hindi naman pinabilis na proseso. Maraming aberya, at maraming magrereklamo. Ngayon lang sa Facebook tadtad na ng batikos ang COMELEC.

Philippine's first automated elections: saksi tayo sa pangyayaring isusulat sa libro na pang-Sibika na gagamitin ng mga grade 6 students 5 years from now.


********** ********** **********

"Firipinos very tired on their very first automatic ERECTION!" - sabi ng isang Japanese enthusiast na sumaksi sa ating unang automated election. =)



--peso--

20100130

free taste


nagsiksikan kaming magkakapatid sa dalawang upuan. pinagdikit ang dalawang monobloc - nakaupong nakalutang ang kaliwang pigi ni kuya sa kaliwang monobloc, nakaupong nakalutang ang kanang pigi ko sa kanang monobloc. si polokya, nasa gitna namin. may pangatlo pang monobloc sa lugar na yun, pero may manang na nakauna nang umupo dito bago pa kami dumating. umiinom kami ni polokya ng Fruitas ni Sitti.

limang hakbang mula sa tinatambayan namin, may booth ng Barrio Fiesta. nasa likod nito ang isang lalaking naka-apron ng restong pinagtatrabahuhan niya. wala siyang kasama sa booth. walang kumakausap. solo ang lugar. may inihahanda siyang mga kagamitan. headset at lapel na lang ang kulang at aakalain mong may idedemo siyang magic ruler. daanan at lagpasan siya ng mga taong bagong sweldo.

nasa harap niya ang isang kawaling umuusok, at mga maliliit na plastic cups na pang-lalagyan ng gravy na pwede ding pang-lalagyan ng laboratory specimen. tubig pala ang laman ng kawali at mukhang kumukulo na. maya-maya pa, inalsan niya ng takip ang kawali. yumuko siya na parang may kinuha sa ibaba. pagtayo, may hawak na siyang isang buong balot ng pansit na mukhang kanton. isang kilo siguro yun. binuksan niya ito at ibinuhos ang matitigas na hibla ng mami sa umuusok na kawali. halo, halukay, halo. timpla, halo, halukay, halo.

ilang minuto pa, ibinuhos sa isang sisidlang mukhang tupperware ang pansit na bagong luto. at pinarte-parte niya ang pagkaing pampahaba ng buhay, naglagay ng tiga-tigalawang tinidor sa mga nakahuyag na plastic cup for specimens. sa oras na yun, may lumapit na ale. tinignan ang paglalagay ni kuya ng pansit sa mga specimen cups. maya-maya pa, may hawak na si ale na isang cup ng pansit, at maliit na tinidor. at nguya, at nguya. nakatambay pa din siya sa booth.

sige ang lagay ni kuya sa mga plastic specimen cups. may lumapit namang isang grupo, mukhang magkakamag-anak. hala kuha. kain. sige ang lagay ng pansit sa specimen cups. at may lumapit uli, kumuha ng pansit. at sige ang lagay ng pansit. at may kumuha ng pansit. parang mabilisang water cycle ang scenario.

hanggang sa dinumog na si kuya. hindi na siya daan-daanan at lagpas-lagpasan lang. hinihintuan na siya. at nagkainan ang mga tao. si manang na katabi ko, tumayo. nagpunta din kay kuya. kumuha ng pansit ni kuya. kaya tumayo na din ako, at umupo sa nilisang upuan ni manang. nakaupo na kaming tatlo sa tig-iisang upuan. sa mga oras na yun, hindi na namin nakikita si kuya kusinero. mga taong nguya nang nguya at higop nang higop at salok nang salok ang humaharang sa kanya.

lumipas ang limang minuto pa. nag-alisan na ang mga tao. lumayo na sa booth, ubos na pala ang pansit. nakuha na lahat. may mga dumaan pa, pero umalis din agad. bigo dahil di sila umabot sa libreng laman tiyan. mag-isa sa booth si kuya, suot ang apron ng restong pinagtatrabahuhan, na nilinis ang kawaling pinaglutuan niya ng pansit na ipinakain sa mahigit dalawampung tao.

balik sa katahimikan ang buhay. daanan at lagpasan na uli ang booth. walang kausap si kuya, walang karamay sa ginagawa. napatingin siya sa amin. ngumiti ako. ibinalik niya ang ngiti. "tapos na ang palabas, salamat sa cheering," sabi ng mga mata niya sa tatlong manonood na sumubaybay.

daanan at lagpasan siyang muli ng mga taong bagong sweldo.



--peso--