when: kahapon pa, may 29, 2006
where: mayrics, espana
so what: first time...astig!
****************************************************
it wasn't my first time to saw a band performing, but it was my first time entering a bar seeing my favorite band personally, face to face, man to man. akala ko nga habambuhay na lang ako mag-aabang ng mall tour ng NTS repackaged para makita ang itchyworms sa unang pagkakataon. mabuti nga at ipinagkaloob na gawin ang party habang bakasyon.
i was with my brother, ricken, na napilit ko lang na samahan ako sa kabila ng "medyo" pagtanggi niya dahil may pasok pa siya kinabukasan. sabi sa groups, around 9 or 10 ang simula, so umalis kami ni kuya ng 9 at nakarating sa mayrics ng 10. eksakto naman 'di ba?
dumating kami dun, marami na ring tao pero wala pang tumutugtog. shortly, nakita naming dumating na sila kuya jugs at kuya jazz. astig! bumungad agad si kuya jugs sa amin ng isang masayang "maraming salamat!". sumaludo ako bilang reply. syempre star struck pa ako.
andun din si kuya jazz, maya't maya may kausap na mga listers din na madalas nang nakaka-attend ng gigs nila kaya kilala na rin ng banda. oo, yun nga lang, nadehado ako sa ibang listers dahil first time kong umattend ng itchygig at hindi pa nila ako kilala. pero astig talaga!
maya-maya, tumugtog na yung bog. habang tumutugtog sila, nagpapirma na muna ako ng cd ko kila kuya jazz at jugs. ayos. nagpakilala ako kay kuya jugs...
"kuya papirma. yun nga lang 'di mo pa ako kilala. ako si peso."
"pe-sor? pe-sor?"
"PE-SO"
"AH! ikaw pala si peso?!" <--- pasigaw astig talaga! feeling ko ako na idol nila. then nagpapirma na rin ako kay kuya jazz. "uy! ikaw pala si peso. buti nakarating ka!" "hehe...takas sa erpats" then maya maya pa dumating na rin si kuya kelvin nung tumutugtog na yung zip code. as usual - pirma.
"kuya kelvz...pa sign. ako nga pala si peso."
"peso! the famous peso"
"famous ba? hehe...si kuya chino pasaway ata ah."
"oo nga eh. parating na yun.
"tulog pa ba?"
"hehe"
"hehe..."
"hehehehe..."
"peso talaga yung pagkakilala sa'yo?"
"mmm...sa groups oo. gusto mo ariel - real name ko"
"hehe"
"hehe..."
"hehehehe..."
and then, dumating yung gf ni kuya kelvz na ayon sa pagpapakilala niya is "jenny".
"ay ikaw pala si peso"
"hehe...ako nga po."
"po? bakit mukha ba akong teacher?"
"hehe..."
pero bagay sila in fairness.
wala pa si kuya chino, so kuha muna yung digicam, kinalabit si kuya jugs at...
P: kuya jugs, pasaglit lang may media eh
J: Oi kelvin halika dito
(lumapit)
J: siya nga pala si peso
K: oo nga raw. peso, a.k.a. ariel
J: hindi. peso a.k.a. peso
P: hehe...
not long after dumating na rin si kuya chino. first impression ko sa kanya, although i know na happy ang itchyworms, he is the most serious among the four. kasi kapag tumitingin siya nababading ako.
"kuya chino! pa sign! ako nga pala si peso."
"peso..."
"bakit ang galing mong maggitara?"
(naiba yung hugis ng mukha. tipong nagmamaangmaangan pa)
"hindi ka nahihirapan nun? kaliwa?"
"hindi. sanayan lang."
"kasi ako sinusubukan kong kaliwa pero mahirap. kanan nasubukan mo na?"
"oo. mahirap. hindi ko kaya. kaliwa na kasi talaga ako eh. nature ko na yun kaya ang akal niyo..."
actually alam ko naman talagang nature na niya ang pagiging left hand. hanga lang talaga ako sa mga kaliwete maggitara tulad niya. lead guitarist pa!
kumpleto na sila, pasok kami ni bro sa loob. tumugtog na yung chillitees. ayos din. maya maya nakita ko si ebe ng sugar free! abay malay ko bang birthday niya nung araw din na yun! hehe..
so...picture picture!
maya maya pa, tumugtog na rin ang soapdish. ayos din! at pagkatapos nilang tumugtog, nung gumawi yung vocalist nila na sa mga oras na yun eh hindi ko pa kilala, sabi ko na lang:
"kuya picture..."
eh biglang nakita yata kami ni kuya jugs na nagpipicture taking...
"teka teka sali ako! bakit hindi ako kasama, ha?!"".
ang kulet talaga! o di ba ang saya saya?!
****************************************************
after soapdish, hindi pa agad tumugtog yung worms. since naandun si R.A. Rivera, direktor ng beer, pinanood muna namin yung dalawang video ng worms ng hindi ko pa nakikita - yung motobus ata yun (hindi ko alam yung title eh...pero ad siya sa motorolla yata) tsaka beer.
astig yung beer! hindi ko na lang ikukwento. abangan mo sa myx para uspens.
then, maya maya tumugtog na rin yung worms. among the lineups are (though not in order):
theme from noon time show
one ball
buwan
bituwin (as requested by kuya jeff of soapdish.)
happy house
caveman do
salapi
mister love
falling star
stalker song (si kuya kelvin pala yung stalker...)
love team
nakakatuwa nung nagrerequest si kuya jeff bolivar ng soapdish.
"anymore request?"
"bituwin! bituwin!"
"..."
"bituwin the stars and waves!"
...eh nung mga unang request niya nung favorite song ko, ayaw pa siayng pakinggan ni kuya jugs at iba ang pineplay nila...
"gago ka jugs!"
nung buwan naman yung tugutgin, may guest drummer dahil mahihirapan kumanta si kuya jazz lalo't buwan yung papaluin niya. alam kong mahirap dahil mismong kabarkada ko, hindi mapalo ang buwan dahil sa irregularity ng beat nito. sabi ni kuya jazz...
"magbabago na po talaga kami ng line up eh. lima na kami. iba na ang drummer. ako mic na lang ang hawak."
then, kuya jugs...
"ladies ang gentlemen, we are CUESHE!"
audience: WOOOOOOHHHOOOO!!!!
pero yung mga kantang nakalista sa itaas, hindi pa yun lahat. hindi ko alam kung ilan pa at anu-ano yung mga kinanta pa pagkatapos nun. by that time kasi, it's 1:30 already na. i heard kuya jugs saying a while ago na "ok lang ba hanggang 3 tayo dito?". expected ko nang umaga ang tapos. yun nga lang, gustuhin ko mang tapusin ang party, nararamdaman kong antok na si kuya at naalala ko pang may pasok siya (kahit sa hapon pa). isa pa, naimagine ko yung mukha ng tatay ko kapag uuwi kami ni kuya ng 4 ng umaga.
so...goodbye na. after the song "falling star", lumabas na kami ni kuya. sayanag nga lang umalis kami ng walang picture ni kuya jazz at kuya chino. gusto ko nga rin sanang arborin yung poster na naka masking tape sa labas eh. sayang...
pero sinabi ko na lang sa kuya ko na sa NTS repackaged, hindi pwedeng wala silang mall tour...so dun na lang ako babawi!
habang nag-aabang kami ng jeep papuntang project 8, ang tugotg ay love team. gusto ko pang pumasok uli pero meron pa talaga akong dapat isa-alang-alang. ganun talaga. totoy pa ako eh.
****************************************************
masaya talaga. grabe. iba talaga kapag "first time". kahit may kahirapan at kalabuang maulit dahil sa mga tao at bagay na dapat bigyan ng konsiderasyon, astig pa rin! kung may opportunities, hindi talaga dapat sayangin.
sulit naman yung 100 entrance fee eh. napanood ko yung favorite personalities ko. nakapagpasign ako ng album. nakodakan ko sila. nakakuha pa ako ng freebies tulad ng Sta. Maria bag, itchyworms promotional cd na may lamang apat na kanta na puro live sessions, pin button ng motobus, key chain ng motobus, at sticker ng isang neck tie.
pero higit sa lahat...masaya. happy talaga! hindi man ako nag-eenervon, happy pa rin ako.
haay...anyway. i look forward on events like this to be repeated...
astig talaga!
****************************************************
proofs of attendance (kung yaw mong maniwala):
mayrics performers of the night includes:
bog, zip code, chillitees, soapdish, and of course, the itchyworms!
****************************************************
kuya jugs (eric rommel jugueta). stolen shot.
****************************************************
chillitees stolen shot. ang layo namin eh.
****************************************************
peso - jugs - kelvin. jugs love me.
****************************************************
peso - ebe (the birthday boy)
****************************************************
peso - jeff (soapdish. vocalist. cute. papa)
****************************************************
peso - jugs - jeff. jugs love papa jeff.
****************************************************
special thanks to my beloved brother - ricken. hindi ko nga lang nainvert yung pic...
****************************************************
so much...
thanks a lot...
--peso--




















