20100918
pa-ano nang pa-ano
Palobo nang palobo ang bilang ng mga Pilipino.
Pakapal nang pakapal ang mukha ng tao.
Paikli nang paikli ang lifespan.
Padumi nang padumi ang hangin.
Paitim nang paitim ang budhi.
Paputi nang paputi ang buhok.
Palimos nang palimos ang mga pulubi.
Palasing nang palasing ang mga tambay.
Pasaring nang pasaring ang mga pulitiko.
Pataas nang pataas ang ihi.
Paingay nang paingay ang kalsada.
Parami nang parami ang kapitbahay.
Palakas nang palakas ang mayayaman.
Pahina nang pahina ang mamamayan.
Pabilis nang pabilis ang oras.
Pabagal nang pabagal ang pag-unlad.
Patindi nang patindi ang pagtitiis.
Paangat nang paangat mga gusali.
Palubog nang palubog ang Metro Manila.
Pawala nang pawala ang kalikasan.
Pakalbo nang pakalbo ang kabundukan.
Patigas nang patigas ang ulo.
Pasuwail nang pasuwail ang estudyante.
Pawalang-kwenta nang pawalang-kwenta ang mga rally.
Patambak nang patambak ang Payatas.
Pabaon nang pabaon sa utang.
Palapit nang palapit ang Pasko.
Pagulo nang pagulo ang klima.
Pataba nang pataba ang mga magsasaka.
Papayat nang papayat ng mga puno.
Patindig nang patindig ang balahibo.
Pagrabe nang pagrabe ang krimen.
Patagal nang patagal ang digmaan.
Patuyo nang patuyo ang luha.
Palamig nang palamig ang pag-ibig.
Painit nang painit ang showbis.
Pasikat nang pasikat sila John Lloyd at Shaina.
Pakorni nang pakorni ang PETA.
Pakulit nang pakulit ang ipis.
Paalat nang paalat ang sitsirya.
Pakulo nang pakulo ang dugo.
Palambot nang palambot ang batas.
Pakupad nang pakupad ang hustisya.
Palupit nang palupit ang kalamidad.
Panipis nang panipis ang ozone.
Pasira nang pasira sistema.
Pbago ng pbgo ang alpbe2.
Palugmok nang palugmok ang komunikasyon.
PaHar! nG pHaR! aNg j3J3m0N.
Pakonti nang pakonti ang natututunan.
Pabagsak nang pabagsak ang grado.
Pabobo nang pabobo ang dapat sana'y matalino.
Pahaba nang pahaba ang listahan.
Padating nang padating ang ideya.
Paganda nang paganda ang tugtugan.
Pasarap nang pasarap ang inuman.
Palimot nang palimot ang alaala.
Pasakit nang pasakit ang sugat.
Pabulok nang pabulok ang prutas.
Paboring nang paboring ang palabas.
Patayog nang patayog ang pangarap. (Pero)
pahirap nang pahirap ang buhay. (Kaya)
pa-ano nang pa-ano si Neneng. (That's why)
pabata nang pabata ang magulang.
--peso--
(Pagastos nang pagatos)
20100916
The Hunt (part 1)
O. Intro.
Okay, okay. Ayoko pang matulog. Walang mapagsidlan ang tuwa ko. At excitement na din. Lahat yan dahil sa isang experience. Kaya hayaan mong ikwento ko muna sa'yo ang pangangaso ko sa kagubatan ng mga record stores.
Hindi ko inisip na babalakin kong kolektahin ang mga albums na 'to balang-araw. Matagal na sila sa aking pinopromote ni val. Matagal ko na ding naririnig ang mga tugtog nila. Pero noon pa, I showed no big deal though I sent my appreciation for them. Pero ngayon, 5 down, 2 to go. Ano ba ang tinutukoy ko?
Habang ang lahat e abala sa pagbili ng anim na pizza para sa tin-set (boxset/heads set), ako naman e hinay-hinay, solo ang mundo, na hina-hunting ang mga album ng...
CLUB 8
Tama mga kids, CLUB 8! E sino ba muna sila?
Uhm... some Swedish pop-indie band who began in '95 and...read here.
And honestly, hindi ko pa pinapakinggan ang lahat ng album nila na meron ako (I only listened once to their first album). But sooner, and that's for sure, i'll have them rule the air.
********** ********** **********
I. Nouvelle
First. As in first album nila (1996), at first copy ko ng kahit alin sa mga albums nila. I had this a month ago, when Astroplus/vision @ Trinoma sold thousands of their CDs at Php85 each on a clearance sale. Together with Radiohead, Beastie Boys and Moby, isa ang Nouvelle sa mga na-acquire ko. It was indeed a lucky thing I got this. It was rare (on my opinion). Kasi kanina lang naglibot ako sa mga record bars, kahit saan wala akong makitang kopya nitong album na 'to. First acquisition, pero sa totoo lang, nung binili ko 'to wala pa talaga akong balak kolektahin ang Club 8 discography. Kung kelan ko binalak? Kahapon lang.
********** ********** **********
II & III. The Friend I Once Had & Spring Came, Rain Fell
Kahapon lang, nagsimula ang balak ko. Dahil may laman pa ang ATM (kakasahod lang), at napabili na din ako ng shirt from Pidro, it just came to my mind, when I was @ Trinoma-Landmark music store and actually saw the Club 8 re-issue albums from afar, to collect these stuffs. For the past weeks I've been seeing their re-issue albums in this store. Maraming albums e. Sa bilang ko 5 to 6. Pero kahapon, apat lang 'yung album. Then I decided to buy, not one, but TWO albums. Ora-mismo, as I as well remembered telling to my brother some days ago, "May feeling ako na kelangang i-grab na natin yung mga Club 8 albums na nakikita ko." And so i did. The hunt began.
Apat na albums ang pinamilian ko. Yung dalawang album (na nabanggit sa titulo sa taas), tig-isa na lang ng kopya. While the other 2 albums, they still have 2 copies each. Sa mga ganitong pagkakataon pinapairal ang practicality. Unahin ang paubos na. So I did.
Yesterday, the hunt began, and I officially acquired their 2nd album, The Friend I Once Had (1998) and 4th album, Spring Came, Rain Fell (2002) at the same time. Ora-mismo, as time is gold; as I believe their music is.
Pero...i had a dilemma. Alam ko, bukod sa apat na nakita ko kahapon, meron pang isa o dalawang nawawalang albums. Hindi ko sila nakita sa stalls. Pero thru google, I found their titles, then decided, "kailangan ko munang makuha 'tong dalawang 'to bago ko balikan 'yung dalawa sa Trinoma".
For time is gold. And good music is RARE.
********** ********** **********
IIII. The People's Record
Oh goodness. I don't know if my Roman counting is correct. I lost my math, as lately my mind's set into Stephen King & Ambeth Ocampo books, that safeguard-shaped classic-looking bass guitar I saw @ Lyric for 17k, some dreams of playing harmonica while inside the MRT, the Gimme Some Truth John Lennon boxset coming soon at October, and Mimitaba, of course (how could I ever forget her? :">). Tapos heto pa ngayon ang bagong droga. Papasok pa nga lang ako ng opisina iniisip ko na agad na dadaan ako sa Landmark Makati para ituloy ang pangangaso.
Which I did, of course. Kahit pa umuulan, nilakad ko ang papuntang Landmark. Suddenly, naalala ko yung M1 sa Greenbelt. Sakto, dadaan muna ako doon bago pumunta ng Landmark. So I went at Gbelt 3, and sought for that mighty music store. I eventually found it. Kaso puro tapal na ng diyaryo. Renovation, sabi ng isip ko. Oks lang, deretso na ako ng Landmark.
Hindi ko kabisado ang Landmark sa Makati, pero madali kong nakita ang music store. But what's funny, mukhang bagong-lipat ang music store na ito. Kasi ang mga saleslady, kung hindi nagsasalansan ng laksa-laksang CD, e nagbubukas ng kahon-kahong CDs! So I asked for assistance. Eventually, dinala naman ako ni ate sa rack kung saan andun nga ang Club 8 (wherein may katabing CD ng "Club 9" - some disco collection, ek, ek. cute.)
I browsed thru the albums, those which I saw yesterday. Then I stumbled into this thing which I didn't encounter yesterday. PRESTO!
Club 8's latest album The People's Record (2010), is mine. \:D/
********** ********** **********
V. Daboy...something.
Landmark has this bridge going to Glorietta (which of the four? Can't say. Naguguluhan ako sa structure ng Glorye kaya ayokong magliwaliw doon nang matagal). I took it, then dere-deretso ako sa path papuntang SM Makati. Kahit di ko kabisado ang Glorietta, madaling matuntong ang papuntang SM. Pag gabi na kasi, kung saan pumupunta ang karamihan sa mga tao, doon ang way ng SM, dahil doon ang MRT/EDSA.
Anyway, before mag-SM, hinanap ko muna ang Glorietta 3. For this is where Tower Records stood. I asked two guards on where to find G3. Sabi nung una, "deretso sir, tapos kanan". Sinunod ko naman, at doon ko na-encounter si 2nd gurad. Sabi niya, "dito na yung Glorietta 3 sir." Hinanap ko 'yung Tower Records. Sabi niya wala na daw yun. National Bookstore na lang ang naiwan. (Napaisip tuloy ako, na siguro ipu-pull-out na ang mga M1 & Tower Records stores sa Pinas. Knowing the only one left is the one there at Q.Ave, malamang alisin na din yun since iyon ang mukhang pinaka-hindi-puntahin. So, balik tayo sa topic).
Nagpunta na lang ako ng SM. Last resort. Baka sakaling dito ko makita yung hinahanap kong album. Hindi ko kabisado yung complete title, since mahaba kumpara sa iba. Basta alam ko, merong "Daboy...".
Daan muna akong SM Record Bar. Meron doon yung mga album na nabili ko na (except for Nouvelle, always except for the rarest one), pero wala doon yung hinahanap kong "Daboy". Sabi ko sa saleslady nalimutan ko yung kumpletong titulo, basta merong "Daboy something". "Ah sir, yun ba 'yung 'The Boy Who Couldn't Stop Dreaming'?". Sabi ko 'yun nga! (At medyo namangha ako, dahil kabisado niya. Protocol sa sales? Kelangang kabisaduhin ang item infos? Malamang. At hindi pala "Daboy" yun, kundi "The Boy". Silly me.) Sabi niya iche-check lang daw niya. So she did, while I wait.
Kaso nung bumalik siya, wala na daw nung copy. Kung gusto ko daw, pa-reserve na lang para siguradong oorderin nila. Sabi ko babalik-balikan ko na lang. "Don't bother". Pero bago umalis, natanong ko kung bakit kabisado niya yung album. Hindi naman ako sinagot. Sabi lang niya kasabay daw dumating nung Club 8 albums 'yung ______________ (nalimutan ko na din, dahil mahaba yung name nung artist). Tapos sabi pa niya, "Mga ano yan sir, e, mga INDIE". Wow - sa loob-loob ko. Wow is all my mind could say. At least worth it ang pagtatanong ko sa kanya. Ang sarap sa pandinig na buhay na buhay na sa kalakaran ang mga Indie artists. Nag-thank you na ako at umalis.
Next stop, SM Makati 3rd floor, Astrovision. Same scenario: complete albums except for "The Boy Who Couldn't Stop Dreaming" (and Nouvelle, of course!). So nag-thank you na lang din ako, at umalis.
Samakatuwid, zero pa din 'tong 2nd rare album na 'to. At least alam ko na ang title niya, at hindi ko na kinalimutan. "The Boy Who Couldn't Stop Dreaming". Smiling, i then thought I AM that boy. :)
********** ********** **********
VI. The Boy Who Couldn't Stop Dreaming
Pagdating ng Trinoma, umakyat ako ng 4th floor papunta ng Astroplus (which originally sold the Nouvelle album for Php85!). Hinanap ko yung next album, to no avail. Bumaba na lang ako, papuntang Landmark, tutal doon kami magkikita ni Mimitaba. Pero bago bumaba ng pudkort, naisipan ko uling daanan 'yung Music store, kung saan ko nabili kahapon yung dalawang albums at kung saan ko din iniwan yung dalawa pa. Sa rack ng CDs na kinakitaan ng Club 8, ganun na ganun pa din ang ayos ng mga CDs kung paano ko sila iniwan kahapon. I bet andun pa yung fingerprints ko.
Tiningnan ko uli, isa-isa, Isa-isa. Isa pa. Suddenly, I was thrilled by what I found. There is this album where pictured is a boy and a girl looking at a camera that was set standing in the rocks. I raised it and looked with scrutiny. I was actually holding the copy of the album I was looking for! Just imagine the adventure from Makati, in search for "The Boy Who Couldn't Stop Dreaming", tapos DITO KO LANG DIN PALA MAKIKITA! Saya 'di ba?!
Ang suspetsa ko, nakita ko 'to kahapon. Hindi ko lang napansin. I'm 100% sure of that!
Wala nang dalawang-isip, punta na sa counter. Bayad.
And finally, The Boy Who Couldn't Stop Dreaming (2007) is now in the good hands. =)
********** ********** **********
5 down, 2 to go. I told everything to Mimitaba when we met at the pudkort - about the hunt, the adventure, Club 8, the excitement. Nacurious tuloy siya. Pag daw nakumpleto ko na, pahiram. Haha.
"'Pag nakumpleto ko na." Pero sabi ko, hindi pa man kumpleto, consider it done. I believe the 2 left are already within my reach. Mahirap lang ma-over-confidence at mahirap ding mabati, pero I really do believe I'll have Club 8's album soon. Pero nung pauwi, sabi ko kay Mimitaba, 'yung dalawa baka sa next sahod ko na kunin. Pahinga muna ako sa gastos. But i really do meant it. I'll have their albums completed soon. For time and good music, altogether, is gold. =)
********** ********** **********
At puro daldal lang ako! Asan ang proof? Where're the pics of these stuffs you're bragging the whole night?
Ok I'll provide them on Part 2 (which should really be posted before the month ends). Kaya nga kung mapapansin mo, "The Hunt (part 1)" ang pamagat. You really should expect the continuation.
=)
--peso--
20100822
Shift + Delete = Life
Today I declare, neither the independence nor marshal law, that i just deleted ALL my porno files in this lappy-tappy. Will be running a search-and-destroy plan to the other PCs in our house, later when I got time, as I might have hidden there some loots as well.
And also, I was just done blocking some sites I loved to visit most when I'm alone. How i wish they all crash now.
After this blog, I'll be collecting some CDs/DVDs I had hidden under my dungeon, maybe crack them all, each in 4 pieces or more, then probably throw them all to the trash later at the mall when mimitaba and I got there.
Mahirap sa umpisa, because it had been an addiction, NO, a DEPENDENCY. But look, a simple Shift + Delete to the folder can start it. Try it, malalaman mong hindi naman pala nakakapanghinayang after all. Sa lawak ng mundo, kailangang isiping may iba pang MAS dapat pagtuunan ng pansin kaysa sa mga bagay na sa sandali ka lang maligaya.
May gitara kami at bongo, keyboards din. Gusto kong magsimula sa musika.
Marami akong libro ni Stephen King. Gusto kong gumala na lang din sa malikhaing pag-iisip niya.
Marami pang riddles ang hindi ko tapos, at gusto kong magpalusog pa ng isipan.
Marami akong gusto pang marating. Kaya kong mabuhay nang hindi magkukulong sa paulit-ulit na eksena sa mga hindi pambatang pelikula.
At ipagpalagay na totoo ang 2012 end-of-the-world rumor, uubusin ko pa ba ang panahon kong kulang na sa dalawang taon sa mga bagay na hindi ko naman likas na gusto?
Ok, ok. Binura ko ang mga porns ko. Pero bakit sinabi ko pa sa blog na 'to ang ginawa ko? What's the deal? What do I get out of it?
Because I want you guys to see me as I am. I want a change, and i can't do that alone. Please, read this, and WATCH me. Eto ako, sinabi ko kung ano ako. Ang pinakamahirap na parte, e balang-araw kainin ko lang ang sinasabi ko, pero eto ako. surrender na. I thought it's enough that God will be my only witness for doing this. I was wrong. WRONG NA WRONG! Because sometimes, i fool Him, and i don't even get ashamed. Mas napapayuko ako kapag sa harap ng maraming tao ako napapahiya. So with your help, all of you readers out there, I hope I can fool Him NO MORE.
This Shift + Delete must be the beginning of something wonderful for this life. You may be the judges and the like, but in the end, I just want to be my real self again.
God, help me.
--peso--
And also, I was just done blocking some sites I loved to visit most when I'm alone. How i wish they all crash now.
After this blog, I'll be collecting some CDs/DVDs I had hidden under my dungeon, maybe crack them all, each in 4 pieces or more, then probably throw them all to the trash later at the mall when mimitaba and I got there.
Mahirap sa umpisa, because it had been an addiction, NO, a DEPENDENCY. But look, a simple Shift + Delete to the folder can start it. Try it, malalaman mong hindi naman pala nakakapanghinayang after all. Sa lawak ng mundo, kailangang isiping may iba pang MAS dapat pagtuunan ng pansin kaysa sa mga bagay na sa sandali ka lang maligaya.
May gitara kami at bongo, keyboards din. Gusto kong magsimula sa musika.
Marami akong libro ni Stephen King. Gusto kong gumala na lang din sa malikhaing pag-iisip niya.
Marami pang riddles ang hindi ko tapos, at gusto kong magpalusog pa ng isipan.
Marami akong gusto pang marating. Kaya kong mabuhay nang hindi magkukulong sa paulit-ulit na eksena sa mga hindi pambatang pelikula.
At ipagpalagay na totoo ang 2012 end-of-the-world rumor, uubusin ko pa ba ang panahon kong kulang na sa dalawang taon sa mga bagay na hindi ko naman likas na gusto?
Ok, ok. Binura ko ang mga porns ko. Pero bakit sinabi ko pa sa blog na 'to ang ginawa ko? What's the deal? What do I get out of it?
Because I want you guys to see me as I am. I want a change, and i can't do that alone. Please, read this, and WATCH me. Eto ako, sinabi ko kung ano ako. Ang pinakamahirap na parte, e balang-araw kainin ko lang ang sinasabi ko, pero eto ako. surrender na. I thought it's enough that God will be my only witness for doing this. I was wrong. WRONG NA WRONG! Because sometimes, i fool Him, and i don't even get ashamed. Mas napapayuko ako kapag sa harap ng maraming tao ako napapahiya. So with your help, all of you readers out there, I hope I can fool Him NO MORE.
This Shift + Delete must be the beginning of something wonderful for this life. You may be the judges and the like, but in the end, I just want to be my real self again.
God, help me.
--peso--
20100803
the arithmetic and philosophy of walking (not bad)
well, today i earned 7 pesos, from walking. not bad. i came at the station at exactly 8am, too early, an hour actually, for the office time at 9.
7 pesos for a 15-minute walk? NOT BAD!
because after 10 days, I'll be having an easy-seventy pesos from walking alone. that's for a week and three days.
then after a hundred days of walking in the morning heading to the office I'll be having 700 pesos. tax free! That'll be approximately 3 months.
supposedly we have 300 days of office works per year, a morning walk in the streets of Makati can give me PHP2100. Instantly!
to think, that's just a one-way walk (Ayala station to Aguirre st.), for only a 7-peso fare.
what more if walking from Quirino Highway towards our doorstep is to be considered? that's actually a 21-peso tricycle ride, which is 3 times the normal jeepney fare I'm talking here.
that would sum up to PHP6300. MORE INSTANTLY, since the distance from Quirino HW to our home is way too walkable than the MRT-Legazpi village range.
so...start setting a "walking fund" out of this math? not bad. why not?
sometimes, the office's tardiness warning policy will bring one to some thinking - that getting up in the morning and going to work in the earliest possible time he can, habitually, will lead into some fine things.
7 pesos, in this country, will never be anymore a big amount. but believe me, the amount's encouraging enough for a person to start with a cool idea. =)
PLUS the exercise.
--peso--
P.S. just noticed that it's been a year... Happy Anniversary! =)
alive and kicking.
7 pesos for a 15-minute walk? NOT BAD!
because after 10 days, I'll be having an easy-seventy pesos from walking alone. that's for a week and three days.
then after a hundred days of walking in the morning heading to the office I'll be having 700 pesos. tax free! That'll be approximately 3 months.
supposedly we have 300 days of office works per year, a morning walk in the streets of Makati can give me PHP2100. Instantly!
to think, that's just a one-way walk (Ayala station to Aguirre st.), for only a 7-peso fare.
what more if walking from Quirino Highway towards our doorstep is to be considered? that's actually a 21-peso tricycle ride, which is 3 times the normal jeepney fare I'm talking here.
that would sum up to PHP6300. MORE INSTANTLY, since the distance from Quirino HW to our home is way too walkable than the MRT-Legazpi village range.
so...start setting a "walking fund" out of this math? not bad. why not?
sometimes, the office's tardiness warning policy will bring one to some thinking - that getting up in the morning and going to work in the earliest possible time he can, habitually, will lead into some fine things.
7 pesos, in this country, will never be anymore a big amount. but believe me, the amount's encouraging enough for a person to start with a cool idea. =)
PLUS the exercise.
--peso--
P.S. just noticed that it's been a year... Happy Anniversary! =)
alive and kicking.
20100704
ang hindi maalalang simula ng hindi malimutang nakita
hindi niya alam kung ano 'yung umpisa. basta alam niya parang dumadami ang tao. tipong tinatawag na siya ng kung sino mang kamag-anak niya na hindi niya din marecognize. basta alam niya tinatawag siya. kakain na ba? o maghahain? basta kung alin man dun, alam niyang parang ganun. pero hindi agad siya dumulog o tumungo sa bahay na pagdarausan. dumadami ang tao, at parang 'yun nga yata 'yung umpisa.
naalala niyang meron siyang baong pagkain. pero since may kainan na, alam niyang di na niya 'to makakain. mula sa pagkakatayong hindi malinaw kung saan, nagpunta siya sa labas, sa dulo ng kalsada nilang dead-end ay may isang mataas na pader. hindi niya maintindihan kung bakit doon siya nagpunta, pero alam niyang doon siya dapat pumunta. hindi na siya nagtaka kung bakit may munting lababo sa pader na 'to - para bang alam niyang dati na talagang meron nito. pero ang totoo, wala naman talaga. pero hinayaan na niya. inilabas niya mula sa bag ang sisidlan ng baong pagkain, binuksan ito at ibinuhos sa lababo ang laman.
walang kanin, ulam lang ang bumuhos sa lababo. parang kaldereta. may nakita pa siyang karot. kinuha niya ang espongha sa gilid ng lababo, may sabon na ito, at saka hinugasan ang baunan. mamantika ito, kaya matapos mabanlawan at mapansing may bahid pa ng orange-yellow-brown na mantika, muli itong sinabon at binanlawan hanggang sa mawala. napansin din niyang sa kanan niya, karugtong ng pader ay mayroong bahay. puno na din ito ng tao, labas-masok sila.
matapos maghugas, bumalik siya sa bahay ng lolo niya. mula sa maliit na eskinita, tanaw niya sa loob mula sa bintana ang mga kamag-anak niyang sa mga malayo pa nakatira. timog luzon. nagkakasiyahan sila at akmang naka-pose para sa isang family picture. nakita niyang ate niya ang may tangan ng kamera. pumasok siya, dali-dali, dahil gusto niyang makasama sa litrato.
pagpasok niya, parang may naamoy siyang usok. nanggagaling sa bandang malapit sa banyo sa ibaba ng bahay. sinilip niya ito. may appliance na animo ay umuusok nga. ngayon lang siya nakakita ng ganitong kagamitan. pero sa pakiwari niya, para itong isang oven toaster. parang naririnig niya ang sarili niyang tinatanong ang mga kamag-anak sa loob ng bahay kung naaamoy ba nila ang usok, pero parang wala naman siyang naririnig na sagot. hinayaan na niya.
lumabas siya ng bahay, lumabas sa pinasukang pinto. nagpunta siya sa likod bahay. may mga apat na bahayan sa loob, pagmamay-ari ng kamag-anakan ng nanay niya. nagpunta siya sa ikatlong bahay at pumasok dito.
bukas ang pinto, at nakalatag ang mga bilog na lamesa. malalaking bilog na lamesa. nakita niya sa isa ang pinsan niya, at doon siya umupo sa tabi nito. spaghetti at/o pansit lang ang nakita niyang handa, yung huli, hindi pa siya sigurado kung meron nga.
********** ********** **********
pagbaling niya, nakita niya sa bintana na mataas na ang araw. sa tantiya niya alas-diyes na ng umaga. naririnig niya sa kalayuan, sa mahinang volume, si Simply Red. hindi niya alam ang titulo ng kanta.
ginalaw ang touchpad ng katabi niyang laptop, inaninag ang oras sa computer, pero hindi tinuloy ang pagbasa dito dahil naalala niyang sira ang CMOS battery ng laptop niya (o ng laptop ng bigay sa kanya). kinuha ang cellphone sa tabi nito at tinignan ang oras. alas-otso lang naman pala ng umaga.
bumangon siya, dahan-dahan, dahil sa hindi maigalaw na katawan. umupo siya sa tabi ng laptop, at inaaninag, sa nakapikit pa niyang mata, ang hindi niya malimutang takbo ng pangyayari, kahit na hindi niya alam kung paano ito nagsimula.
at may bigla siyang naalala...
"oh Shut up!!!" sabi niya sa sarili niya, hindi kumakabog ang dibdib pero kabang-kaba. "SHUT THE FUCK UP!".
--peso--
20100627
short cuts: headset
well malapit na akong bumaba. ilang metro na lang Alfred na (Francisco St. actually, pero mas kinilala nang "Alfred" over the years kahit nung di pa yata ako ipinapanganak). hindi maganda ang pagkakaupo ko sa likod ng FX dahil bakubako ang upuan ng FX na 'to. tapos walang lamig ang aircon. may lumalabas na hangin, pero mukang 2 inches lang ang range nung pagbuga kaya di din umaabot sa akin (sa tabi ng pinto ako nakaupo, siguro yung katabi kong malapit sa aircon nahahanginan). kaya atat na atat na din akong makababa. 'di ko maintindihan kung bakit kelangan bumiyahe ang mga ganung klaseng FX.
so magsasalita na ako para warningan yung driver na may bababa ng Alfred nang biglang maunahan ako nung lalaking nakaupo sa unahan. kapansin-pansin ang suot niyang higanteng headphones.
"Boss diyan lang sa Alfred", sabi ng pasahero sa harapan ng sasakyan.
"Teka lang po itatabi natin", magalang na tugon ni manong.
"mabuti na lang", sa loob-loob ko. "bababa ako sa pagpara ng iba. hehe."
habang papatabi na ang FX, nagsalita ang kaharap ko sa likod ng FX.
"Alfred lang po", sabi ng kaharap kong pasahero sa likod.
"Sige po itatabi lang", sagot ni manong.
umaandar pa ang sasakyan nang may nagsalitang babae sa gitna.
"Alfred lang po kuya", sabi ng babae.
"Eto na po mam ginagawa na", sagot ni manong, na halatang nauubos na ang pasensya. patay-malisya naman ang tatlong pasaherong sunod-sunod pumara sa iisang lugar.
pero ako natatawa, parang gusto ko pang makigatong ng "Kuya ako sa Alfred din", pero baka atrasan ako ni manong pagkababa ko kaya kinimkim ko na lang ang iniisip.
huminto na ang FX at nagsalita si manong sa tonong mukhang napikon "O sige ho LAHAT ho ng Alfred o!". bumaba yung lalaking nasa unahan, na sinabayan nung babaeng nasa gitna. naunang bumaba yung kaharap ko sa likod ng FX, bago ako.
pero nang bumababa pa ako, biglang pinaandar na agad si manong ang FX!
"boss teka", sabi ko.
"konting bilis naman ho o!", sagot niyang wala nang galang.
edi hinayaan ko na lang. bumaba ako at nakita ko sa harap ang tatlong co-passengers kong kakababa lang din. and what do they have in common?
HEADSETS - may pasak silang lahat sa tenga. napailing na lang ako. "kaya pala", sa loob ko.
they all look robots to me.
--peso--


