20090914

diez y nueve

gaano kadelikado ang frustration?
gaano kadelikado ang depression?
gaano kadelikado ang takot?
gaano kadelikado ang kagustuhang mag-isa?
gaano kadelikado ang pagkukunwari?
gaano kadelikado ang pagpipilit?
gaano kadelikado ang pagsasawa?
gaano kadelikado ang kawalan ng interes?
gaano kadelikado ang kawalan ng ibang magagawa?
gaano kadelikado ang pag-aakalang pag-iisa?
gaano kadelikado ang pag-ayaw sa walang kasiguraduhan?
gaano kadelikado ang pagod?
gaano kadelikado ang pag-iingat?
gaano kadelikado ang pag-iwas?
gaano kadelikado ang hindi pagsuko?
gaano kadelikado ang pagpigil sa luha?
gaano kadelikado ang pagkimkim sa nararamdaman?
gaano kadelikado ang pagtalikod sa taong namamahagi ng solusyon?
gaano kadelikado ang paniniwala sa sariling wala naman talagang pinagtitiwalaan?
gaano kadelikado ang tao?
gaano kadelikado ang mga kaibigan?
gaano kadelikado ang katotohanan?
gaano kadelikado ang kaalaman?
gaano kadelikado ang di pagkaunawa?
gaano kadelikado ang pagkakaintindi sa mga bagay-bagay?
gaano kadelikado ang hindi pag-amin?
gaano kadelikado ang malakas na kahinaan?
gaano kadelikado ang hinaharap?
gaano kadelikado kamanhidan?
gaano kadelikado ang pagkainip?
gaano kadelikado ang lahat?
gaano kadelikado ang pangarap...at takot na baka hindi ito matupad?


kumbinsihin niyo akong hindi pa huli ang lahat.
kumbinsihin niyo akong hindi ang pagtalon sa riles ng MRT ang solusyon.

20090901

mabilis lang


paano ba gumawa?

dapat daw buong puso. buong-katapatan. 'yun bang hindi mo na muna iisipin yung salaping kapalit nito.


dapat nga ba? kahit napipilitan lang?

mali. dapat din daw "buong kasiyahan".

kahit pilit na pilit na, buong kasiyahan pa din. sa tingin ko nga ganun talaga.


dahil may magagawa ba ako? meron...pero noon pa sana. di na ako naka-atras e. andito na ako. panindigan na lang. habangbuhay.


**********
********** **********

katulad na lang ng pambabara niyang ito. paano ba dapat pinapakisamahan ng isang baguhan ang isang mas nakatataas na mukha yatang kupal? and vice versa?

ganunpaman, kelangan lang palampasin ang lahat. kelangang magpanggap na makapal ang mukha...kahit ngayon lang. walong oras lang. hanggang mag-uwian.


3:03 pm na! technically, 3 hours na lang at uuwi na ako! "YES!", sabi ng isip ko.


at pag-wui ko... pag-apak na pag-apak ko sa labas ng kwartong 'to... lilimutin ko na muna ang lahat. walong oras ang ginugol ko dito, okey na yun, dahil yun ang nasa batas. hindi lang walong oras ang buhay ko.

walong oras, bukas naman uli. pero bukas pa 'yun. pwedeng hindi dumating 'yun, bukas na lang isipin.


********** ********** **********


mabilis lang naman ang oras e. di ko naisip na isang buwan na ako sa huwebes. at siguradong di ko maiisip na mai-increase-an na ako sa pebrero. di ko na din iisiping isang taon na ako sa isang taon. darating naman 'yun e. mabilis lang. walong oras lang sa isang araw; limang araw lang sa isang linggo. minsan may bonus. pag may holiday, apat na araw sa isang linggo na lang.

ang holiday, dapat ina-accept. wag nang papasukan. minsan lang ang baksyon... hindi na mauulit ang summer mo nung elementary to college kapag nasa trabaho ka na. "suffer" na.


mabilis lang ang oras. mamaya uwi na ako. limot na ang trabaho. bukas uli. ganun lang. ganun na lang dapat. kundi, ang init ng ulo e gagawa pa ng gulo laban kay taba.

actually nagtxt siya, problemado sa thesis. baka magsabay kami...sana magsabay kami. sa walong oras sa kuko ng osing kupal, kay taba lang ako kumukuha ng lakas ng loob, tapang ng loob, kapal ng mukha. dahil isang araw, may kubo na kami...at lahat ng ito ay para sa ikatitibay ng kubong 'yon.


di ko lang mamamalayan, hilik na lang ang pahinga. bukas uli. kunwari di pagod.


********** ********** **********



bigla king na-miss si voltes V. :)






--peso--

20090611

tumbas singkwenta


maganda yung intro kagabi ng 24 Oras sa siyete e. since may rallyng nagaganap sa ayala, ang bungad nila e itong si pareng mike enriquez na nagtatanong sa mga kasali (o nakisali?) sa rally kung alam ba nila mismo yung rally na sinasamahan nila.

tanong ni mike, "alam niyo po ba kung ano yung CON-ASS?"

at ang dalawang sagot na talagang pumukaw sa atensyon ko e itong dalawang 'to:

"hindi ko po alam. [ngiti]"

at

"yung CON-ASS po e yung pagkakaisa ng mga mamamayan"



********** ********** **********


ako naman inaamin ko sa sarili ko na sa edad kong 'to e wala pa din talaga akong alam sa CON-ASS na 'yan. ang alam ko lang, related 'yan sa CHACHA na sinasabi nila, na hindi ko din naman naiintindihan!

pero isang bagay lang ang masasabi ko: hindi ako sasama sa rally na hindi ko alam man lang kung para saan!

kaya 'yung mga nasa rally, sa karaniwang imahe nila, e naririnig nating sumisigaw ng "MAKIBAKA! 'WAG MATAKOT", dahil from such statement, malinaw na LUMALABAN sila (sa kung para saan mang dahilan 'yun). bakit ka naman makikimartsa at makikibaka kung hindi mo alam ang pinaglalaban mo?


sabi nga ni dong abay sa kantang "rebolusyon", "lagi-lagi, lagi-lagi. lagi-lagi, lagi-lagi. lagi-lagi, lagi-lagi. lagi-laging ganito!" pagkatapos nung EDSA revolution ni cory, ang mga sumunod na martsa kasi e hindi ko na pinapaniwalaang makabuluhan. paulit-ulit na lang kasi ang kwento at kaya lang naman dumadami ang nakikimartsa e dahil nagkakaroon na ng "bayaran" para may HAKOT ang pasimuno ng martsa. mas maniniwala pa ako kung sasampung tao na lang ang nagmamartsa e... at least 'yun walang halong biro na sasampu lang silang hindi sumasang-ayon sa kung ano mang inilalaban nila.

pero yung milyon-milyong tao sa ayala o sa kung saan man, pagtatanungin lahat yan ng mga reporter kung alam ba nila yung tungkol sa pinagtitipunan nila e mabibilang mo lang diyan panigurado kung ilan ang makakasagot nang may laman.

paulit-ulit na lang ang scenario. kaya lalo tayong gumugulo minsan e dahil sa mga nakikialam na wala naman talagang alam. sana manahimik na lang.


para may pera? para may pangkain? tumbas singkwenta pesos, sige martsa na rin...



...malas nung mga natiyempuhan ni mike enriquez. ahahaha.





--peso--

20090519

cancer 519

ginitla ako nitong Unang Hirit horoscope na 'to na nagsabing:


Cancer - iwasan ang pagmamaneho nang lasing, lalong-lao na kung daraan ka sa isang accident prone area.


nakanamputamine! so para lang ba talaga sa mga may zodiac sign na cancer ang kapalarang 'yan? libra ako, so pwede na akong mag-drive nang lasing, and best of it, dadaan pa ako sa isang accident prone area, at hindi ako maaaksidente!


come on guys... give me SUFFICIENT reasons to believe these horoscopes!




got to go. mimi is waiting for me outside. :)




--peso--

20090507

resulta ng pagkabihagni sa debut album ni zach


gusto kitang isayaw
sa last day ni zach
gabi ng halimuyak
wag ka sanang umayaw

gusto kitang itili
ang buong pangalan mo
kahit pa makaistorbo
wag ka sanang tatanggi

doon tayo sa labas
kahit pa umulan
basta't di mo aapakan
ang paang kaangkas
dibaleng lagnatin
maisayaw ka lang
at isisigaw lahat
kahit pa malatin

gusto kitang isakay
sa barko ilulan
paakyat ng buwan
tayo ang kakampay

gusto kitang samahan
saan tayo pupunta?
ikaw na ang bahala
ako na'ng sasagwan

doon tayo sa lilim
lalangoy, lilipad
aakyat, bababa
magtatakipsilim
dibaleng maligaw
di na makabalik
hindi na masasabik
ganito buong-araw

gusto kong magustuhan
ayaw kitang ayawan




--peso--

20090505

ang paskil


habang papunta sa school, para punuan ang mga requirements ko for graduation, tumatakbo sa isip ko kung ano ang mangyayari sa akin after graduation, particularly, kung saan ako magtatrabaho. nakakapressure kasi ang mga kaklase ko, dahil paulit-ulit nila akong tinatanong kung saan ko na balak magtrabaho, o kung may na-apply-an na ba ako. ang bilis ng mundo...at hindi maitatangging nagmamadali ang mga tao.

ako, ayoko na lang kasi muna isipin kung ano ang mangyayari sa akin. gagraduate muna ako, sabi ko sa sarili ko. at bago ako sumabak sa pagtatrabaho, gusto ko munang ikondisyon ang sarili ko bago ako magtrabaho... 'di pa yata ako game.

at habang papunta ako sa school, tumatakbo sa isip ko kung ano ang mangyayari sa akin after graduation. ito lang ang pinakamadalas kong iniisip sa loob ng mga nakaraang linggo (o buwan?). nakakatakot din pala.

at sa gitna ng pagmumuni-muni, napuna ko ang isang kakatwang patalastas.

sa jeep kasi na kinasasakyan ko, may nakapaskil na advertisement sa likuran ng passenger seat. similarly, ganito ang nakalagay:


UNO ampf!
sa tabi ng "Qualification", naandun yung contact person & number at address nung site, pero pinili ko nang hindi ipakita sa inyo for "their" privacy na rin.

ang kulit kasi nung grammar construction nung advertisement nila. hindi ko alam kung sino ang may pakana nito, o kung sino ang nag-print. parang sinabotahe e. ni-google ko yung kumpanya, at totoong existing nga ang company nila! katunayan, eto ang website at blog nila. pero hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ang patalastas nila sa masa. ang tanging pagkukulang ko lang, wala akong camera nung araw na 'yun, para maipakita ko sa inyo na TOTOO yung sinasabi kong notice (ni-type ko lang sa cp ko yung word-for-word details).

sa ngayon, tinatanong ko sa kanila kung sa kanila nga 'yung cellphone numbers na nakapaskil, dahil hindi tugma yung nakalagay na contact numbers sa ad dun sa contact numbers nila sa blog na nabanggit. sa ganoong paraan, malalaman ko kung "peke" ang ad at ginamit lang ang nasabing kumpanya. otherwise, bakit ganun?


sa panahong namumroblema ako kung saan akong kumpanya papasok after grad at natatakot sa kahihinatnan ng hinaharap ko, sana e magsilbi ang UNO advertisement na yan na inspirasyon para sa akin, para masabi sa sarili ko na dapat na talaga akong magseryoso sa buhay ko. or else, baka bumagsak ako sa kumpanyang minsan ko nang tinawanan dahil lang sa advertisement nilang wrong grammar.






--peso--