20081222

mission 1-2-3



ang sulating ito ay naglalahad ng tatlong matagumpay kong misyon kahapon, ikadalawampu't dalawa ng Disyembre ng kasalukuyang taon.

nagpunta ako kahapon sa RJUR (Ramon Jacinto Underground Radio), para sa isang radio event. isinama ko si mimitaba dahil wala akong ibang maisama at isa pa e gusto rin naman niyang makalabas upang makalaya naman siya kahit papaano sa pag-aalaga ng pamangkin niya. first time ko (o namin) sa lugar na 'yun. madali lang naman hanapin ang address, along makati ave. lang naman. konting lakad lang mula sa gusaling pinag-OJT-han ko.


sabi ko nga, hindi naman ako kasali sa event sa himpilan na 'yun. meron kasing carolling ang mga banda sa station. tapos pwede magdonate 'yung mga listeners ng kahit ano - libro, canned goods, damit, DVD, etc - tapos bibigyan sila ng RJUR ng damit as token of appreciation in return. pero hindi yun ang pakay ko. hindi 'yun ang misyon ko, kundi ang mga sumusunod:


********** ********** **********

mission 1: the purplechickens


2003 nung nilabas ng the purplechickens 1st album nila na "Here's Plan B". HS totoy pa ako nun kaya wala akong malay kung saan makakabili nun. hanggang sa nag-college ako, nilabas na ng manox mula sa nabanggit na album ang isang single nila na pinamagatang A Break In A Prayer. kasunod nito, ay inilabas naman nila ang Dream Systems. matagal ko nang narinig sa Jack Daniels CD 'yung kanta nilang Pickle, pero sa dalawang kantang naunang binanggit ako nagkaroon ng interes sa nasabing banda.

hanggang sa nabalitaan ko na released na pala ang 2nd album nila - Girls, Et Cetera. sa groups nila, may listahan ng ilang Odyssey outlets kung saan mabibili ang album. kaso masyado na yata akong huli sa balita nung nakita kong released na 'yung album. 'yun e dahil ginalugad ko ang ilang Odyssey outlets nationwide, pero wala akong makitang Girls, Et Cetera.


sa sobrang desperado ko, kinailangan ko na sila mismong kontakin. since contact ko naman na sila sa multiply nung naghahanap ako nung album, tinanong ko kung saan ako makakabili nung hinahanap ko. malugod naman nila akong sinagot, hanggang sa humaba ang talakayan at mapag-alaman kong ang isang napakagandang pagkakataon para makabili nung album nila e sa isang gig nila sa makati, December 22, dun nga sa nabanggit na himpilan ng radyo.

isang linggo din kaming magka-txt ni sir aldus (vocalist nung banda) para sa arrangement nung pagkikita namin. hanggang sa dumating ang kahapon, at iyon na nga!

yesterday was a successful day... i got the purplechickens' album for PHP200, autographed! and together with the album were some picures and few moments of laughing and thanking each other. the band was nice and accommodating, they even invited me to come onto the release of aldus' 2nd book by January 28th on saguijo.

and though i'm not the type of the fan who's used to attending gigs, i can ensure them i'm the type of the listener they can primarily count if they seek for the OPM indie-scene support.


autogrpahed: the purplechickens - girls, et cetera


********** ********** **********

mission 2: the camerawalls

nung nakita ko yung poster nung RJUR carolling event sa multiply ng manox, dun ko din nakita na may iba pa pala akong misyon bukod sa purplechickens. nakita ko din doon ang isang bandang nagrelease din kelan lang ng debut album nila - the camerawalls.

for everybody's knowledge, ang camerawalls ay ang bagong banda ni Clem Castro ng Orange & Lemons, matapos siyang pagkaisahan at sibakin ng tatlo pang miyembro nito, na bumuo naman ng reviving-band na Kenyo. :p

5pm ang schedule ng CW sa station. galing kami ni mimitaba noon sa landmark para kumain, bago kami tumuloy sa istasyon nang 4:45 nang hapon. dumating kami sa station na nagsa-soundcheck na ang CW. at dahil dala ko ang album nila na Pocket Guide To The Otherworld, kelangan ko pa silang hintayin hanggang 6pm para makapagpapirma ako.

and so hinintay nga namin sila, at hindi naman nagtagal nang natupad ang pangarap kong magpapirma at magpapicture kasama nila. and as clementine signs my albun:

ako: ako nga pala si peso
clem: oh, nice to meet you, peso. sounds familiar.
ako: hehe... nagka-chat na tayo e. not once, but twice.
clem: (ngisi) so saan ka nakakuha nitong album?
ako: quezon ave. tower records


napag-alaman ko din base sa usapan namin na rare na pala itong kopya ko ng album nila. sabi ni clem, meron na lang daw siyang 80 copies left, and he's not anymore planning to distribute them in M1/TR outlets. problema daw kasi, hindi daw dinidisplay nung stores yung album nila. ayon naman sa nasabing stores, hindi nila maidisplay basta dahil since hindi ito naka-crystal case, madaling mananakaw ng mga passers-by.

and so, the camerawalls is planning to re-release another version of the album, now in crystal case, with a totally different album packaging. that would be nice, though i forgot to ask about when would it be released. siguradong bibili ako nun, para maitago ko na tong karton kong kopya. isa pa, mas mura ang release nun panigurado.

kahit na manox talaga ang ipinunta ko sa araw at lugar na iyon, this sub-mission is another success for me. :D


autogrpahed: the camerawalls - pocket guide to the other world


********** ********** **********

mission 3: the itchyworms!

bukod sa purplechickens at camerawalls, hindi ko din inasahang makikita ko sa listahan ng mangangaroling ang Itchyworms. may pirma naman na ang lahat ng itchyworms record ko, pero may misyon pa rin ako sa kanila. simple lang - nagpa-burn kasi si kuya jugs (vocalist) ng album ng electrico nung minsang magkausap kami sa gig nila sa sm fairview.

may nakakatuwa pa ngang kwento. nung naglalakad na kami ni mimitaba patungong RJUR, may bumubuntot sa aming lalaking naka-mohawk na gupit. pamilyar ang mukha ni kuya. nung nandun na kami ni mimitaba sa gusaling pupuntahan namin, nasurpresa kami dahil doon din pala pupunta si kuya mohawk-mukhang-manok. totoong pamilyar ang mukha niya dahil nakikita ko siya sa ilang gigs ng itchyworms na napuntahan ko na. at hindi naman ako nagkamali. nung tinanong ko si kuya jugs kung ano ang pangalan ni kuya mohawk-mukhang-manok, "sammy" daw. siya daw 'yung sumasayaw sa video ng Freak Out Baby. so naalala ko na, kaya pala pamilyar ang mukhang 'yun.

ang nakakatawa pa, bago kami magbuntutan sa paglalakad papuntang RJUR, nakasabay namin siya sa jeep papuntang makati ave galing MRT buendia station! :D

so binigay ko na nga kay kuya jugs yung dalawang electrico albums na niburn ko nung umagang iyon. at bago sila umalis, pinapirmahan na rin ni mimitaba yung kopya niya ng 1st album ng itchyworms - Little Monsters Under Your Bed. "Uy! Classic!", bulalas ni kuya kelvin. matagal na kasi yung album na 'yun - 2nd yr HS pa kami. sinabi ko sa worms na may nagregalo kay mimitaba nun, 2 years ago, at nakalimutan lang dalhin nung sm fairview gig.

natapos ang tanghali, at umalis ang worms nang walang gaanong picture-an na naganap. nakalimutan ko ding itanong yung tungkol sa guitar 911 business ni kuya jugs, dahil plano naming ipagawa yung gitara namin ni kuya. nakalimutan ko ding humingi ng plectrum bilang remembrance.

gayunpaman, masaya ako sa dalawang bagay na natanggap ko mula sa kanila:

1) habang nag-e-air sila live, binati daw nila kami ni mimitaba. though, di namin narinig, since nasa labas kami nung studio habang nagrerecord sila. sayang, pero nakakatuwa. :D

2) binigyan ako ni kuy jugs ng regalo... kung ano yun - SIKRETO!


me & sammy, the freak-out baby boy in his mohawk-mukhang-manok outfit. :D



hehehehe...



click here for more RJUR mission pics. :D



--peso--

20081215

tarrific



ANG ALAMAT NG MAHIWAGANG TARIPA





KAHAPON

discussion:

"epektibo na pong itinaas ang pamasahe sa mga pampublikong jeepney simula ngayong araw ng lunes. mula po sa P7.50 ay gagawin nang P8.00 ang minimum fare na katumbas ng unang apat na kilometro, at karagdagang P1.25 naman sa bawat susunod na kilometro. (blah blah blah yadah yadah yadah...echeche bureche.)"


dramatization:

pasahero: manong bayad po o...
(inabot ni 'manong' driver 'yung bayad)
manong driver: kanino ho itong P7.50?? utsu na ho tayo ngayon, utsu na!
pasahero: wala pa ho kayong taripa a...asan ho 'yung taripa?
manong driver: etu pu taripa o. utsu na hu...utsu na!
(inabot ni pasahero yung taripa)
pasahero: parang siroks lang 'to ah... totoo ba to?
manong driver: utsu na hu...utsu...


********* ********* ********* ********* *********


KANINA

discussion:

"epektibo na pong ibinaba ang pamasahe sa mga pampublikong jeepney simula ngayong araw ng lunes. mula po sa P8.50 ay gagawin nang P7.50 ang minimum fare na katumbas ng unang apat na kilometro, at karagdagang P1.25 naman sa bawat susunod na kilometro. (blah blah blah yadah yadah yadah...echeche bureche.)"


dramatization:

pasahero: manong bayad po o...
(inabot ni 'manong' driver 'yung bayad)
manong driver: ilan ho itong baynte?
pasahero: isa lang po...diyan lang.
(inabot ni pasahero yung sukli. binilang.)
pasahero: kulang pa ho ito... P7.50 na lang ang minimum a.
manong driver: wala pa ho tayong taripa, ano? kukuha pa lang po tayo.




ANG ALAMAT NG MAHIWAGANG TARIPA.

BOW.






--peso--

20081122

yawning over night

bakit ako andito ngayon?

kadalasan pagkatapos ng laro nasa bahay na ako e. pero pinili kong magpalipas ng gabi dito sa opisina... tama, nag-overnight ako ngayon sa opisina. bukas (mamaya) na ako uuwi. mga alas-sais. kung overnight nga 'to, hindi ko alam. parang wala akong balak matulog.

as usual, 8-10 pm ang laro. siguradong aabutin na naman ako ng sibsib sa daan. kaya nung isang araw pa lang, plinano ko nang dito na lang magpagabi... mas ligtas ako dito.


********* ********* *********

tuesday, around 7am. munoz area, congressional avenue, quezon city.

tipikal sa munoz ang maraming pasaherong nagsisibabaan sa bus na papahinto, na papalitan naman ng lupon ng mga pasaherong ang dami e doble ng mga kasisibaba lang. at sa ganoong eksena, tipikal din ang pangyayaring dukutan ng kung ano-ano ng kung sino-sino. pero ito yata ang unang pagkakataon na nakakita ako ng biktima ng mga sindikato...sa malapitan (bukod sa TV).

nasa likod na upuan ng bus kami ni kuya, pa-MRT. hinto sa munoz, baba ng pasahero, sakay ng pasahero. itong si ate, gumawi agad sa likod para makaupo. nakatabi niya ang kuya ko. kung nandun ka nakaupo o nakatayo malapit sa amin, wala ka nang ibang maririnig na salita bukod sa "shit!". galing yun sa bibig ni ate.

kinapa niya ang bulsa sa labas ng bag niya (plain pocket, no buttons, no zippers, no locks. open pocket). doon daw niya nilagay ang cellphone niya e. binuksan ang bag, baka sakaling andun, wala. nanghiram ng cellphone sa katabi, kung pwede daw maki-misscall or makitxt... sa pagitan ng mga aksiyon niya, wala kang maririnig kundi "shit!".

bumaba kami ni kuya, habang ako e iniisip ko kung gaano katanga yung babae. madali lang naman hindi mawalan ng cellphone e. kaya nga siya nag-bag e para ilagay sa LOOB ang mga gamit niya. kung anong papel nung open pocket sa labas ng bag niya, malamang, sa pananaw ko, e lalagyanan ng asin para sa balot.

isang malaking katangahan na doon mo ilagay ang mahahalagang bagay mo.

no wonder.


********* ********* *********

same day. around 8pm. buendia bus station, going north bound.

sakay ako ng bus, deretso pa-novaliches. nung nasa guadalupe na, lumipat sa unahang upuan, malapit sa akin, 'yung isang pasaherong nbakaupo sa bandang likod. kinausap niya yung kunduktor, hindi ko alam kung tungkol saan. hangng sa napansin ko na lang na wakwak na pala ang bulsa niya. holy shit, gang rape ba 'to?

hanggang sa nalaman kong nabiktima pala siya ng apat na kalalakihan. di daw niya naramdaman yung "gaan" nung kamay nung mga salarin. alam niyang apat yung magkakasabwat, since sabay-sabay silang nagsisakay, at sabay-sabay ding nagsibaba. di ko lang naulinigan kay kuyang biktima kung nakuha ba ang cellphone niya.

nalaman ko ding pwede pala akong mapagbintangang "kasabwat" nung apat na snatchers. sa buendia DIN pala sumakay yung apat, kasunod ko lang. biglang naalala ko 'yung mga pangyayari nung sumakay ako ng bus na 'yun:

pagsakay ko, upo agad ako sa gawing unahan. nakita kong pinara nung isa sa apat na magkakasamang kalalakihan 'yung bus na kinasaskyan ko na. habang 'yung isa, nagsabi ng "BULL'S EYE!"

fishy.


********* ********* *********

the next day. 10:30pm, MRT, cubao station.

kasama ko si officemate mac. nagkwento siya:

"nung last friday, nung hindi ako naglaro. alas-dose na ako umalis ng office. nagbus na ako, antok na ako nun..."

"nakatulog ako pare. nagising ako sa novaliches na ako. sa may paliko na, kung saan man yun. e diba sa west ave lang ako? ang layo ko na, hindi ko alam 'yung lugar na 'yun..."

"tapos, kinapa ko 'yung bulsa ko. naglaglagan 'yung mga coins ko sa bulsa. tapos, nakita kong nakatagos na 'yung daliri ko sa bulsa... pucha wala na 'yung cellphone ko!"

"pero may pera pa ako sa wallet. nakakapagtaka nga e, hawak ko 'yung wallet ko habang tulog ako. e andun yung seldo ko, kaka-withdraw ko lang. hindi 'yun ang tinangay"

"kaya hinala ko, 'yung kunduktor ang may pakana nun eh. kasi kung mandurukot, tatangayin pati wallet ko. tsaka patay-malisya 'yung kunduktor e. ayun, wala na akong cellphone ngayon."

"nung pagbaba ko, nagpatulong na lang ako dun sa lalaking sumundo dun sa babaeng kasabay ko sa bus kung paano ako makakabalik sa west ave. ayun, alas-tres na yata ako nakauwi."


********* ********* *********

andito ako ngayon, mas ligtas, kesa kung bumiyahe pa ako. maaga pa ang alas-onse para umuwi hanggang sa amin, pero mas gusto kong makatiyak sa mas posibleng makakauwi akong may cellphone at pera pa.

magpapasko na e. tuloy na naman ang kayod ng mga mananamantala. parang trabaho... nakakatakot tuloy bumiyahe.

nakakatakot pala talaga 'pag magpapasko. fantastically ironic.




--peso--

20081119

AND AIRCON'S TRUCK SHAWN


YES, AS YOU READ IT... MIMITABA WAS GOING UNDERGOING A DEEP RENOVATION...OF HER MIND.

PLEASE BE BACK AS SOONEST AS YOU REMEMBERED TO GET BACK...ANYTIME.


WE ARE DOING THIS FOR YOUR CONVENIENTS. PLEASE BE GUIDED ACCORDINGLY IMMEDIATELY.




AND NO, SHE AIN'T CLOSING THIS.




LOVE,

MIMITABA

(loko, masama, BALIW)

20081025

64,800 minute-idle

dahil isang linggo nang ongoing ang sembreak para sa mga semestral na eskwelahan (hindi para sa mga trimestral na tulad ng sa amin), nabuo na ang plano ko. balak ko na talagang gawin to nung lunes pa lang, pero laging namamali ang timing nung FX na kinasasakyan ko kaya 'di ko na nagagawang pumara pa. minsan naman e naka-bus ako kaya di ko madadaanan ang terminal na 'yun. kanina, buo ang desisyon ko. papara ako, bababa sa terminal na 'yun, sasakyan ko ang FX na 'yun, no matter how much it would cost.

at saktong pumara si ateng katabi ko: "diyan lang po sa Pag-asa..."

bago siya makababa, kelangang bumaba muna ako. at pagkababa ko, lakad na ako patungong terminal. as if hindi first timer.

deretso agad ako sa pila. kasunod ko ay si ateng katabi ko mula sa binabaang FX. pareho pala kami ng destinasyon: buendia. pero since konti naman ang tao nung time na yun (dahil walang mga estudyante dahil sembreak nga), hindi na ako nahiyang maging isang first timer. bumaling ako kay ateng katabi ko sa FX kanina, at saka nagtanong.

"pa-buendia po ba 'to?"
"pa-ayala. doon po 'yung buendia" (sabay turo sa pulang adventure na wala namang nakapila)
"ah ok... uhm, magkano hanggang buendia?"
"60."
"ok thanks."
"doon 'yung buendia." (sabay turo uli sa pulang adventure na wala naman talagang nakapila)

tsaka ko narealize ang flow ng conversation namin, na nakapila kami ngayon sa biyaheng ayala, at hindi iyon pa-buendia. slow ang mga first timers. ganun talaga.

agad akong nagpasalamat uli at gumawi na doon sa pulang adventure na wala namang nakapila. tinanong ko 'yung dispatcher.

"boss saan 'to?"
(dispatcher, nakatingin lang sa akin.)
"saang biyahe ho ba 'to?"
(dispatcher, nakatingin lang sa akin nang taimtim. gusto kong itanong kung gwapo ba ako.)
"pa-buendia ba 'to?"
"oho, dito pa-buendia", ang hinihintay kong sagot niya.

binuksan niya 'yung likurang pinto, at sumakay ako. dalawa na lang ang kulang - isa sa gitna, at isa sa likod, na napwestuhan ko na. isa na lang ang kulang. wala pang tinsikunds ay may sumakay nang pasahero. may humabol pa ngang isa, pero since wala nang espasyo, next FX na lang. hindi kasi pwedeng sumabit sa adventure, kasi magkakaroon ka ng adventure versus MMDA.

nakasakay na ako. nagkabayaran na ang mga pasahero. pucha panay tig-iisang daan! totoo ngang 60 ang pamasahe dito. nagbayad na din ako ng isangdaan, at agad naman akong nasuklian.

nagtxt ako kay nanay.

"deds na nga si kuya erns...tsk tsk. and2 pp q ngaun fx pa-buendia. una at hulng beses q ssbukng smkay d2. 60pesos ang psahe pla d2."

wlang reply (actually nung tinataype ko 'to, nag-PM si kuya na kakabasa lang ni nanay nung txt ko). habang binabaybay ang EDSA kung saan balak yatang makipagkarerahan ni kuyang driver ng adventure sa MRT train 16, doon ko lang napansin na ako lang pala ang lalaki sa sampung pasahero. walangya kung naka-axe pala ako, gang rape ang inabot ko! maski driver makikiisa, ililigaw ako nun at dadalhin sa kung saan mang liblib na bahagi ng NCR! buti na lang prescripto lang ang bahid ko. imitation.

lumagpas na ng North Avenue (1) at Quezon Ave. (2) stations. kasalukuyang nasa GMA-Kamuning (3) ang pulang adventure nung napansin kong ako lang iisang lalaki sa mga pasahero. palapit na sa Araneta Center-Cubao (4) station nung kinabahan akong ma-gang rape at ma-feature sa axe commercial.

Santolan-Annapolis (5) station. Ortigas (6) station. nagpapaunahan talaga ang pulang adventure at MRT train 16. Shaw Blvd (7) station. Boni Ave. (8) station. Fuc*in' Guadalupe (9) Station!!!

Buendia (10) station!!!! all in 30 mins.!!! binilang kong mabuti kung may nalampasan bang istasyon, at baka nag-shortcut ang pulang adventure. kumpleto naman. patas ang laban. naunang dumating ang pulang adventure sa buendia. madalas nga naman kasing delay ang MRT. paulit-ulit kasi ang mga reminders tulad ng "next train na lang po" at "pakiusap po, h'wag pigilan sa pagsara ang train".

pagliko sa Shell, nakahanda na akong bumaba. right in there is the jeepney terminal pa-washingotn. pero dere-deretso ang pulang adventure sa Jupiter. akala ko hihinto na sa bakanteng lugar, pero deretso pa. lumagpas ng paseo de roxas. kinabahan na ako. ang buendia na tinutukoy yata nito e 'yung bandang istasyon ng LRT. nakupo, mahirap sumakay dun!

habang papalapit na sa makati ave., lumiko pakanan 'yug pulang adventure. may pumara. AYUS! kasabay ng pagpara ni ateng pasahero ay bumaba na din ako. isang tawid lang, nasa mercury na ako. sakto. bibili ako ng ambroxol para sa lungs kong nagmamakaawa na sa akin.

konting oras pa, nasa opisina na ako. nakarating ako ng 7:45! di ko inakalang magiging ganun kabilis ang biyahe.

at dahil wala akong task sa opisina ngayon, ang unang-una kong ginawa pag-upong pag-upo ko ay ang pagko-compute ng gastos ko sa pamasahe papasok sa opisina, sa apat na iba-ibang paraan:


ROUTE 1: Total: P53.50
bus (from quirino hi-way to buendia MRT station): P45 (let's say walang student fare)
jeep: P8.50

comment: pinakamatagal at pinaka-hassle na biyahe. oo nga, sitting pretty ako sa bus, pero nakikisiksik naman sa akin ang polusyon ng kalakhang maynila.

ROUTE 2: Total: P41.50
bus (from quirino hi-way to north avenuw MRT station) P19
MRT: P14
jeep: P8.50

comment: karaniwang biyahe ko. kelangan lang maaga ka gumising para wala pang siksikan sa bus, wala pa ring siksikan sa MRT. not the most convenient route, but the most practical for me.

ROUTE 3: Total: 47.50
FX (from quirino hi-way to north avenuw MRT station) P25
MRT: P14
jeep: P8.50

comment: para 'to sa mga nagmamadali nang pumasok, late na kasing nagising. napa-FX na nang dis-oras, siguradong makiki-moshpit pa sa MRT. kasi kung di ako late nagising, gagawin ko is 'yung WAY 2, otherwise, eto.

ROUTE 4: Total: 85.00
FX (from quirino hi-way to brgy. pag-asa) P25
FX (from brgy. pag-asa to jupiter, makati city) P60

comment: para 'to sa mga naghahanap ng adventure, pula man o hindi. sinubukan ko lang dahil sembreak. walang pila. pero naknampuch, sa tatlong route na nabanggit sa taas, P53.50 na ang pinakamahal na biyahe. tapos dito 'yung P60, 3/4 sakay pa lang! oo nga, mabilis. pero logic has it. pagdating ng pasukan, may pila na naman diyan. at ang paraan para makasakay ako sa pulang adventure ay gumising nang maaga. PERO, 'pag gumising ako nang maaga, 'di kaya mas tipid kung mag-MRT na lang ako, since wala pang tao nang ganun kaaga, at 80% sure na makakaupo pa ako??? practicality is applied logic.


hindi lang talaga apat ang route na pwede kong sundin. meron pang ibang option, na ayoko na lang banggitin dahil di ko pa naman nata-try, though alam ko kung magkano eksakto ang aabutin.

********** ********** **********



napansin ko lang na nakakalimang-post na pala ako since nung mai-publish ko ang "matsing type". yes, limang post - lahat nakadraft. ayoko sanang naa-idle si mimitaba nang isang buwan, kaya lang 64,800 minutes na itong nakatunganga. kaya pinilit kong maging productive ngayon habang taskless ako.

marami pa akong kwento... worth remembering when time's forgotten.
at marami-rami pa akong ida-draft. :D

abangan.






and no, i'm not yet closing this.





--peso--

20080909

matsing type


kumuha ka ng papel. kahit anong papel: bond paper, oslo paper, art paper, yellow pad, blue-red-blue writing pad, 1/2 crosswise, 1/2 lengthwise, 1/4 crosswise, manila paper, bell pepper, kahit ano. may quiz tayo ngayon.

pwedeng hindi mo sagutan pero nakasaalang-alang dito ang karangalan mo. hindi ito graded pero masyado itong mahalaga para isnabin. hindi naman 'to mahirap. kelangan ko lang ay ang malikhain mong pag-iisip at makabuluhang pagpapaliwanag.

simulan na.


********** ********** **********

Tanong: Sinu-sinong partikular na miyembro ng OPM band Cueshe ang ginaya ng bawat miyembro ng foreign band na Linkin Park? (Hindi ka nagkakamali ng binasa - Linkin Park ang gumaya!)

Panuto:

1) Mula sa Pangkat B, piliin ang titik na siyang angkop itulad sa bawat taong kinakatawan ng bilang 1-6 na nasa Pangkat A. Kung magulo ang instruction, matching type lang 'yan ungas! I-match mo lang kung sino sa Cueshe ang ginaya ng mga Linkin Park members!


Pangkat A

pak-cueshet!
Pangkat B

lintik park!

2) Isulat ang mga sagot sa mga salungguhit sa ibaba. Sa unang hanay ng mga salungguhit, isulat ang titik ng sagot. Sa ikalawang salungguhit, isulat ang paliwanag kung bakit iyon ang naturang sagot. Gawing masinsinan ang pagpapasya at makabuluhan ang pagpapaliwanag.


Sagot:

1) ___ - __________________________________________________
2) ___ - __________________________________________________
3) ___ - __________________________________________________
4) ___ - __________________________________________________
5) ___ - __________________________________________________
6) ___ - __________________________________________________



Maaaring gawing mag-isa o nang pangkatan ang pagsususlit. Walang time limit. Ipahayag ang nasasa-loob. Ibahagi ang sagot sa comments page ng blog na ito, o kaya'y i-email sa bobongp3so@yahoo.com.

********** ********** **********







--peso--