20080403

malu-bye



meron akong dalawang isipang nag-uusap:



"nanonood ka ba ng american idol?"

"'yoko nun!"

"bakit? ang ganda kaya!"

"eh! ayoko. may pinoy na naman."

"bakit? cute kaya! pride of our country!"

"pride of america! hindi siya makakapasok dun kung pinoy siya, kasi AMERICAN idol 'yun. tatay niya ay pinoy. period."

"may dugong pinoy naman siya ah! pinoy pa rin siya!"

"a basta. di ako manonood. sabihin mo sa akin kapag tanggal na siya. saka ako manonood. boboto pa ako!"

"bakit? ano ba kinagalit mo sa kanya?"

"sa kanya wala. magaling siya kung sa magaling. di ako naiinis sa kanya."

"e bakit ganyan ka?"

"ayoko siyang makita."

"bakit?"

"tangna! sawa na ako kay lozada! sawa na ako sa korupsyon sa bansa! maski mcdo naglabas na ng half-rice na kasing-presyo naman ng extra rice! wala nang ibang balita! lahat na lang ng balita sa GMA at QTV - 24 oras, saksi, balitanghali, GMA flash report, news on Q - ibinabalita 'yang 'pride of Filipinos na 'yan! nakakasawa na ang media! uulitin ang news. uulitin ang news. uulitin ang news. ifi-feature si 'idol', pasok sa top 12, pasok sa tough 10. irerecap ung buhay, irerecap ung napagdaanan, tatanungin kung ano ang paboritong lutong-pinoy na ang isasagot naman e "adowbow" o "di-newg-one", irerecap uli na pasok sa tough ten. sabay headline ng "PROUD OF FILIPINOS STILL IN THE LINE!" nakakasawa na ang balita! paulit-ulit! wala nang katuturan kakaulit! at bakit ba ayaw nilang tanggapin na HINDI NAMAN TALAGA SIYA PILIPINO???!!! na sobra tayong makasuporta sa mga bagay na 'di naman talaga dapat na pagbigyan ng sobra-sobrang pansin?! yet paulit-ulit ang pinakakain ng media sa masa!"



minsan, hindi na si ramielle malubay ang issue. magtatapos pa rin ang kwento sa kompetisyon ng bawat istasyon - kung sino nga ba talaga ang magaling sa paghahtid ng balita. at mauuwi ang lahat sa TV ratings, sa manipulasyon ng datos, sa demandahan, at pagpapakain ng lason sa mga gutom na manonood.

ngayon, tanggal na si malubay. hindi ko alam kung itutuloy pa ang american idol update sa mga istasyong nabanggit. kung mananalo siya o hindi sa tingin ko e sapat nang ilahad kahit dun na lang sa "live telecast" nung aktwal na palabas. natatae ako sa mga balita sa TV kung saan paulit-ulit ang kwento, gayong tadtad naman ang Pilipinas ng marami pang ibang istorya.





lipat ako ng channel. dos naman. showbiz balita: nancy castiglione - tinagurian na raw na "kylie minogue" ng 'pinas! at sa lagay mahalagang malaman ng lahat ang bansag sa bawat kinauukulan?






naiilang na ako sa banas.
napapailing ako sa 'pinas.







--peso--

20080324

Flight S-31 Survivors



A month after recovering the Flight S-31's Black Box, survivors of the said plane's crash is said to be found strolling somewhere in Paraiso, San Mateo, Rizal.

Here they are:



pilot / project leader

Flight S-31 Pilot & Team Project Leader
voice: John Dominick Ciriaco



st. peter

St. Peter of the Hevens
voice: hulaan mo...



stewardess / ms. minchin

Flight S-31 Stewardess & Ms. Minchin
voice: Jhonalyn Marasigan & Ma. Cristina False Sangcap


passenger#1

Flight S-31 Passenger#1 & Team Member#1
voice: peso

passenger#2

Flight S-31 Passenger#2 & Team Member#2
voice: Val Allen Samonte



eddie guerrero


Eddie Guerrero (RIP)
voice: Val Allen Samonte




Everything above was created by Val - the one and only alien from Mars & loved by Mars - sketching, drawing, coloring, cutting the edge, finishing touches, furnishing, everything.


Thanks to Jhonalyn Marasigan for (not) sharing these pictures.


Thanks to Jhonalyn Marasigan's PC Desktop for sharing these pictures.


John Dominick Ciriaco appears courtesy of Discourteous Appearance Productions.


Ma. Cristina Sangacp suggestions controlled.








--peso--

calibre 49.5




hehehe... i'm serious. i mean it when i said i'm not agreeing in my group's giving away of a grade like 49, that's why i gave up additional half point, making it 49.5.

a grade too high for a group i commented so much negatively in? well, i almost gave the group's perfection. ako nga lang ang nagbigay ng ganun kataas. naiintindihan ko ang ibig nilang sabihin na MALI ang grading system ko. nagbigay ako ng 49.5/50 na grade sa group na tinadtad ko muna ng negative comments. masyado daw akong mabait.

masyado ba akong mabait? or is it that everyone else has just become bitter and vengeful after whatever unexpected suffering they got, that they had to pull down the group for having the simplest errors in the world?


******************************


after the class of trying to be a hero:

lei: ahehe... 49.5?
ako: hehe...uy, i mean it!
lei: oo alam ko naman 'yun. :)


i, as the group's representative was asked to make our judgment, just as what the other groups are ordered as well. i-recap ko nga 'yung lahat ng points ko:

1) the performance was very good for having a unique presentation - a combination of actual dramatization plus a video presentation. no one else in the class was able to make it yet, and so i believed they exerted the best times and efforts making the best out of it.

2) the video presentation is very clear in a way that the sound can be clearly understand. may mga video presentations po akong napapanood kung saan palpak ang sounding, either malayo ung mikropono sa nagsasalita or wala nang mikropono, malayo pa 'yung camera sa speaker kayo ngongo 'yung kinalabasan. but the video sounded well. maayos. walang sabit. walang noise. free from any distraction.

3) although the internal sound was good, the way they presented the external sound is not that good. patungkol 'to sa manipulation nung computer speaker - minsan mahina, tapos lalaksan, tapos hihinaan. hindi constant. hahabulin mo ngayon 'yung tunog. kahit na 'yung sound na lumalabas sa speaker is undoubtly clear, the way they manipulated the speaker is bad.

4) dubbing is bad. okay 'yung part nung isang member since tugma 'yung buka ng bibig niya sa video dub. pero the rest, since hindi kabisado yung sinasabi sa video, nahuhuli, nauuna, parang ngumunguya yung buka ng bibig. i made my recommendation: either kabisaduhin nila 'yung buong video for a better dubbing, or TOTALLY hindi kabisaduhin to portray a dubbed telenovela effect.

i gave my grade: 49 according to my groupmates. i don't agree with it, so i am raising it up to 49.5.


and the hero took the fall.


******************************


not what i am thinking:

1) what made me possibly wrong? siguro the moment na sinabi kong "hindi ako agree sa 49", then they expected that the grade i will give is even lower. e kaso hindi. tinaasan ko pa, that it almost reached the ceiling. so everyone was shocked - ang dami kong points for improvement but still i raised the grade to a higher one. ironic right?

2) ang taas ng grade na ibinigay ko matapos akong mang-okray. hehehe.... hindi ako nang-okray mga kapatid. i also said to myself that whatever i commented aren't point for improvement, but points for encouragement. kung babasahin mo uli ung mga naisaad ko sa itaas, napaka-minor lang ng mga problemang nabanggit, too small na hindi halos yun tuluyang makakapekto sa pag-eenjoy/pakikinig/panonood namin.

3) kung matatandaan ko, mas matitindi pa nga 'yung comment nung buong klase sa presentation namin, and still we got the perfect score 50/50. how come that this group has almost minor problems got a total 44/50??? my classmate (which happened to be the pertained group's kuya) clarified to me na "mataas ang expectation ni bise sa succeeding groups, because we (my group) set the bar too high".

4) kung meron mang major errors na hindi ko nabanggit sa comment ko, sigurado akong hindi ko 'yun nakita. o kung nakita ko man, hindi ko 'yun napansin. kaya hindi dapat scope ng pagbibigay ng grade ang mga unseen/unnoticed errors. nagbase ako sa mga nakita ko, and i concluded that these faults i and my groupmates saw were too minor to give them the low grade bise expects us to give. this is done in a group opinion, and so the way i gave them their grade is acceptable, reasonable and objective.

5) i wish kasing tapang ko si jerome. siya kasi 'yung kaklase kong malupet in a sense na kung ano ang sinabi niya, kaya niya 'yung panindigan kulang man ang alam niya o mali man ang grammar niya. natuto kasi siyang mamuhay nang "walang pinagtitiwalaan" pag-apak niya dito sa maduming maynila. "trust nobody", ika nga. i wish kasing tapang ko siya, di sana kanina hindi ako nagmukhang talunan sa tirad pass. ang totoo, hanggang blog lang talaga ang hinaing ko. ang lamang ko lang kay jerome, charm, cuteness & elegance.

6) "'Cause it's a bittersweet symphony this life
", sung by the band The Verve in their song Bittersweet Symphony. now we are crabs. now it shows we are crabs. and forever we will be as selfish as this shell fish (except that a crab is a crustacean).

7) "Everybody knows that something's wrong, and nobody knows what's going on", sung by Phantom Planet in their song Lonely Day. Yin and Yang. as this section evolves and grows, changes are undeniably inevitable. all of us know that, but none of us notice its occurrence. i think here is where the competition starts. professionalism, huh? bitchy worms!

8) i am sticking to my decision. you may laugh if you see bise eying this decision of mine while myself doing nothing. it's not because of pride, but due to how i see fair and unfair things goes. it's simple as a pinakbet without a mayonnaise.

9) now i'm prepared to back to the future. go get the fuck out of me, i won't change my decision. i stated my side fervently and i don't think defending it would make the issue clearer to those who have vengeful bitter veggies in mind. i shot my calibre 49.5, and i believe i hit the right spot. not in a bull's eye though. (bull shit?)

10) to my groupmates: i don't think i would still be eligible of giving the other (two) groups their grades, after bise aimed a target on me. mahirap nang makaltasan ang singkwenta. mahirap ang buhay ngayon. i may leave the things up to you, except where i think i should let my mind shot the bang again.





"we gotta move up,
we gotta do something;
we gotta stand up,
men to your battle stations."

~ wolfmann feat. squid 9, 'mushrooms'






--peso--

20080302

different people react diferently


it's funny how people react, or the way they notice or ignore something. it's funny. that's all i can say.

way back 2nd year high school, i used to do the s
ame things as what i would share this time. shall i call it a survey? or a Wow Mali segment?

before starting, let me first give you the descriptions of the smileys used in YM environment for familiarity of all:
  • =)) - rolling on the floor laughing
  • :)) - laughing
  • :D - big grin
  • :) - smiling
  • :(( - crying
  • ;) - winking
notes:
  • "T_T" means "crying" but is not used in YM.
  • "uu" means "oo" and NOT a double smile.

additional reminders on contestant's information:
  • in "sex", 'F' means Female and 'M' means Male, NOT Friday and Monday respectively. i'm talking here about the "gender" and NOT the sex everyone happily talks about.
  • in "age", some information are not accurate since i do not know their birthdays. apology to the age-conscious.

and now, the following are TRUE and REAL conversations happened in Yahoo! Messenger. i gathered them from February 27 to March 03, 2008. each conversation is presented in the order of time it occurred within the specified period.

i made this for the purpose of knowing how people react on what i say while i'm just having fun and good time. here they are, unedited:

*****************************

contestant#1:
machi
full name:
michelle anne recto
sex:
F
course:
Behavioral Science
age:
19

peso: help!
peso: navirus pc ko!
peso: ay sorri

peso: DND pala

peso: :D

peso: sorry

machi: ack oo nga pansin ko ._.

peso: :))

machi: lol paper kasi eh haha

peso: alin?

peso: a kaya ka bc?

machi: copy paste mo talaga yung sinasabi dun sa virus message? haha

machi: uu .___,

peso: =))




contestant#2:
kuya boc
full name:
ryan boc
sex:
M

course:
BSCS

age:
20+

peso: help!

peso: na-virus pc ko...

kuya boc: san?

kuya boc: aw

peso: look at my status

kuya boc: uu nga no

kuya boc: ayan yun sinend mo sakin dati

kuya boc: hahaha

kuya boc: sa ym ata yan galing

kuya boc: chong dko alam kung panu yan

peso: cge cge

peso: dibale

peso: tnx

peso: T_T




contestant#3):
tin
full name:
kristine macabuac

sex:
F
course:
BSIT
age:
19

peso: HELP!!!

peso: navirus yata pc ko!!!

peso: kumalat na sa YM!!!

tin: hahhaha

ti
n: re4mat k na
tin: :D




contestant#4:
regie
full name:
reginald cris pasco
sex:
M
course:
BSCS
age:
18

peso: patay na

peso: ano na gagawin ko sa pc ko??!!!

peso: na-virus na nga nang tuluyan!!!

reggie: huh??

peso: ung status ko e

reggie: ahhh




contestant#5:
sems!
full name:
john louie agustin
sex:
M
course:
BSIM
age:
20


peso: pre virus ba 'tong nasa YM ko?

sems!: uu

sems!: worm yan

peso: ano magandang gawin dito???

sems!: hmmm. reinstall ym..

peso: ok k thanks




contestant#6:
shirley

full name:
shirley mae cruz
sex:
F
course:
BSCS
age:
19

peso: lagot na ako!

peso: na-virus na nga yata 'tong pv ko!!!

peso: pc*

shirley: bkt?

shirley: haha

peso: 'yung status ko

peso: virus ba yan?

shirley: ah oo nga

shirley: d ko po alam eh

peso: ok ok thanks




contestant#7:
lester
full name:
mark lester capuli
sex:
M

course:
BSCS
age:
20

peso: pre...

lester: oh

peso: nababasa mo ba 'yung status ko?

peso: ano 'to?

peso: biglang nanging ganito e

lester: ay virus yan

peso: anong magandang solusyon?

lester: hehe try mu reinstall hehe

peso: sems

lester: hehe




contestant#8:
harold
full name:
harold martin deocampo
sex:
M
course:
BSCS
age:
19

peso: pre virus 'to di ba?
peso: yung sa ym ko?

harold: uu

peso: ampf

peso: seminar

harold - I'm on SMS




contestant#9:
jhona
full name:
jhonalyn marasigan

sex:
F
course:
BSCS
age:
19

jhona: cute ng blog mo ariel

jhona: hehe

peso: :)

peso: :))

peso: saan m nakuha 'ung link?

jhona: kaso konti lng binasa ko

jhona: nasa ym status mo po ah

jhona: hehe

peso: :))

peso: hindi ba virus 'yang nasa YM ko?

jhona: d ah

jhona: haha

peso: =))

jhona: chogeeeeeee

peso: nice nice nice

peso: kung alam mo lang, dami kong nabiktima diyan!

peso: =))

jhona: ganun

jhona: ok lng

jhona: reformat nlng ulit

jhona: :))

peso: :))




contestant#10:
karla
full name:
karla charisse dela cruz
sex:
F
course:
BSCS
age:
17? 18? 19?

peso: i got virus

karla: really???

karla: how??

peso: sa pc

peso: ym

karla: siguro nag open ka ng site

peso: look at my status

karla: wala virus!

peso: huh?

karla: ay meron pala

peso: biglang nagiging ganyan

karla: mawawala yan

peso: di ko naman binabago status ko

karla: i-scan mo lhat

peso: :((

karla: manual!




contestant#11:
lei
full name:
freena lea berioso
sex:
F
course:
BSCS
age:
21?

peso: lei

lei: hehehe! goodnight po.. ingats!

peso: pc ko may virus

lei: waahh.. goodbye na tlga

lei: bb

peso: :D

lei: =)) yoko na

peso: may virus

peso: look at my status

lei: e blog mo nmn un ah..




contestant#12: shirley (part 2)
see:
contestant#6

shirley: ei, ano n nmn stat m?

shirley: haha

peso: virus

peso: :((

shirley: oo nga

shirley: hehe

shirley: pc m?

peso: oo e

peso: ym

shirley: haha




contestant#13:
migs
full name:
miguel angelo tolentino

sex:
M
course:
BSCS
age:
18

peso: ouch pre

peso: ano magandang gawin sa pc ko?

migs: waaaaaaaaaaa

migs: virus?

migs: awwwwwwwwwwwwww

peso: kanina naman maayos pa di ba?

migs: di kaya ng antivirus?

migs: uu

peso: biglang naging ganyan e

migs: try sytem restore muna

peso: niyak

peso: ayoko mag-ganun

migs: safe un tol

migs: di mawawala files mo

peso: maya maya

peso: tinatapos ko lang case study

peso: bad trip

migs: okay dinner lang ako

peso: sige sige




contestant#14:
tonton

full name:
anthony joseph asilom
sex:
M
course:
BSCS
age:
19 daw

peso: tae tong ym na to

peso: di na natanggalan ng virus

tonton: my virus?

tonton: bkit?

peso: di ko mabago 'yung status ko

tonton: may ngsesend sau ng message na di maintindihan?

tonton: ahh

peso: automatic nagiging ganyan

tonton: ahahha

tonton: kala ko ngsesend ng gnyang message eh..

peso: oo nung dati

tonton: kc ang alam ko pag ganyan ung pc mo ung may virus

peso: kung sino kasi ang may virus, siya ang magsesend

peso: pc nga

peso: pero affected yung ym e

peso: sa pc di halata

tonton: uu..inedit nila ung sa regedit ahahah




contestant#15:
arlan
full name:
arlan tiglao
sex:
M
course:
BSCS
age:
19

peso: pre help

arlan: ??

arlan: :D

peso: look at my status...

arlan: hahahha

arlan: bladsbflas jhfashfdasf

arlan: hahaa

peso: ano na gagawin ko diyan?

arlan: dude

peso: http://www.precisesecurity.com/blogs/2007/07/02/w32svich-0catchcom/

arlan: ang best way para matanggal yan is reformat

peso: sh!t

peso: seminar

arlan: c karla, rye, and an2ny

peso: nababago ko status ko, pero maya't maya bumabalik diyan

arlan: un ung ginawa

peso: tsk tsk tsk

peso: di pedeng ireinstall na lang YM?

arlan: lam ko na reinstall nila u eh

arlan: kaso

arlan: bumalik dun hehehe

peso: seminar

arlan: ahahaha

peso: cge salamat

peso: :D

arlan: ge ge

arlan: :D

peso: ;)

arlan: :D



******************************

now i'm pretty much sure you'll ask what's funny about the above conversations. ok. i'll share you my YM's status message during the period i conducted my survey. click the picture to enlarge:



see? nothing to fear actually. i got no virus attack. it's just a status message.
just a link to my blog.


******************************

FINDINGS & INSIGHTS

  • different people react differently.
  • 8 of 15, that's 53.33%, of the contestants are male.
  • 6 of 15, that's 46.67%, of the contestants are female.
  • 8 + 6 = 14. i have 15 contestants. the remainder 1 joined the game twice. from now on, let's consider the two entries of this contestant as different views.
  • gender does not really matter on this survey.
  • age doesn't matter as well.
  • 12 of 15, that's 80%, of the contestants are under the course BS Computer Science.
  • the 3 left, each sharing 6.67%, are under the course BS Behavioral Science, BS Information Technology & BS Information Management.
  • 93.33% of the total contestants are under Technology courses. that means they are suitable for this topic.
  • only 3 of 15, that's 20%, recognized that my YM's tra lai en niem attack is a hoax.
  • while the rest, 80%, believed i got the attack!!!
  • the 80% believers are all under technology courses.
  • both the 80% and 20% were all comprised of my friends. i don't intentionally harm anyone's feelings.
  • while it is true that "to see is to believe", many simply believe what they just plainly see. that means the statement "to look is to believe" or "to look is not to see" is more true.
  • this survey isn't really a survey. i just loved to see how people badly react onto something. panalo na naman ako!!! ahehehehe...
  • next time, beware of me. ^^
  • "different people react differently". what a nice title for a blog entry.
  • thanks to those friends of mine who are always willing to be mentioned in this blog.




--peso--

20080221

Flight S-31 Black Box




News alert! Black box of Flight S-31 finally recovered from the crash sight!


********************

Black box is a technical term for a device or system or object when it is viewed primarily in terms of its input and output characteristics. Almost anything might occasionally be referred to as a black box: a transistor, an algorithm, humans, the Internet.

...

Common usage

  • In aviation, the term Black Box refers to the flight data recorder and cockpit voice recorder responsible for recording the last minutes of an aircraft flight. The phrase has become popularized by modern media while reporting aircraft crashes, despite the fact that the devices are usually not black.

Source: http://en.wikipedia.org/wiki/Black_Box

*******************



Hindi naman lahat e nakatala, at wala talagang nakakaalam ng buong pangyayari. Pero bibigyan kita ng pagkakataong malaman ang mga eksensa sa likod ng nakita mo lang.

Oo, walang-walang pinag-iba ang post na 'to sa "behind the scenes" at "director's note" na napapanood mo bago i-now showing ang isang pelikula, bukod sa hindi ito isang pelikula.





Flight S-31 Black Box,

Game.




Simulain

Nagsimula ang lahat dahil yamot na si bise. Napakatagal na raw ng panahon pero wala pa ni isa sa pitong (o walong?) grupo ang nagsusumite ng kapating dilaw na papel na kalalagyan ng isasagawang "case presentation". Walang nagkukusa sa buong klase, naghihintay pa yata ng assignment mula kay bise. Ito na nga yata ang pinaka-walang kusang-palong ipinakita ng magkakaklase sa buong buhay ng samahan.

Hanggang sa nagpakabayani ang group leader namin (na pinakamaganda daw sa balat ng tupa). Nagpasa ng papel. Hindi ko alam kung ano ang nakalagay 'dun. Hanggang sa sinabi na lang ni bise na "Oh, you selected 'Why System Software Project Fails?'. So, are you ready for the next meeting?".

Wala na kaming magagawa, dahil kailangan na talagang ibangon ang natutulog na klaseng hindi naman ganoon dati. Bilang paghahanda, humingi na lang kami ng dagdag pang araw, sa isang linggo na lang kami magpe-present.

Pagkatapos ng klase, nagsimula na ang pulong na buti naman at walang halong sisihan. Iniisip namin kung anong magandang gawing presentasyon para sa parusang tinanggap. Sabi kasi ni bise, ang pinakamataas na maibibigay na niya sa gagawa ng presentasyon na ang gamit ay powerpoint lang ay 80%. Kaya, kinakailangan naming mag-isip ng magandang presentasyon na maipapalabas namin sa pinaka-produktibong paraan.


"Puppetry!!!",
bigla akong humirit nang hindi ko namalayan.
"Aaay...puppet! Ang cuuuute!!!", sabi ni Jhona.
"Oo! Tama!", pagsang-ayon ni Val Alien.
"Puppet? Paano 'yun?", tanong ni ate Cris.
"Asan na kaya si Icor?", panira ni Domz.


Ako pala ang pasimuno.




Tungkol sa Pinapatungkulan

Naisip ko ang puppetry dahil ang pangunahing layunin nito ay magpatawa ng manonood. Kelan ka ba huling nakakita ng puppet na drama? Isa pa, naisip ko ang puppetry dahil nagawa ko na ito nung 3rd year HS pa lang ako (stick style).

Naalala ko 'yun. Noli Me Tangere individual report, pero kailangan produktibong pamamaraan din. Ano pa nga ba, mag-isa akong nag-puppet show sa harap ng mga kaklase ko. Mag-isa akong ginawa ang props, background, tauhan, stage at iba pa. Tagumpay naman ako, dahil napatawa ko ang buong klase. Pero nagtaka lang ako dahil hindi naman comedy ang paksang iniulat ko - Kabanata 14: Si Pilosopo Tasyo! Nalaman ko nung huli na kaya sila tumatawa e dahil sa nanginginig pala ang kamay ko habang hawak ko ang mga puppet. Sinabi ko na lang na, "Natural! Si Pilosopo Tasyo ang karakter e. Pasmado na!"


May ideya si Domz sa puppetry dahil gumawa na daw sila nito (medyas style), pero trip-trip lang. Si ate Cris naman, totally kabado at inosente dahil talagang hindi niya alam kung paano 'yun ginagawa. Si Jhona,
wala pa man manghang-mangha na. Sa sobrang excitement niya, pinanood niya si Achmed mula sa ensemeni niya. Pero ang kabuuan ng ideya sa props, design, background, stage at materials ay ideya ni Val Alien the Flashboy.

Ginawa namin ang 95% ng props sa FEU-East Asia College Technology Building 9th floor, February 11, Monday, from 10:00am to 04:00pm. Sa kabuuan ng 95% na 'yun, 80%, si val ang gumawa. Partida, hindi siya kumain ng breaktime, isang linggo na siyang may sakit nung araw na 'yun, at may programming contest elimiation pa siya pagsapit ng 06:00pm to 09:00pm. Ganoon siya katindi. Alien. Kaya h'wag kang lalapit sa kanya.

Ginawa namin ang script sa bahay ni Jhona sa San Mateo, Rizal. Linggo 'yun, February 10, from 10:00am to 03:00pm. Magkatulong naman kami ni Domz sa paggawa nun - siya sa company script, ako sa overall scene at patching (pagtatagni-tagni). Habang tagumpay naming nagawa ang script, tagumpay din namang natapos ni ate Cris ang documentation. Ang lahat ng ito ay hindi namin magagawa kundi dahil sa mga tinapay na inihain sa amin ni Jhona (may bakery sila), gayundin sa masarap na tanghalian (sayang, 'di sumama si Val).

(nga pala, to s31 and friends, in-upload ko sa groups ang puppetry script [Files >>> @Miselanyus >>> Prose]. kung hindi ka member ng groups namin at gusto mo ng kopya, mag-iwan ka lang ng mensahe at ipapadala ko kay batman ang script. o kaya e i-click mo 'to
.)


Pero sa kabila ng lahat nito, hindi pwedeng walang distractions:

(1) Habang gumagawa kami ng props, nag-text sa akin si jel, pinapapunt daw ako ni ms. d sa ERC para sa SFS ko. Click here to continue. Naikwento ko na 'to eh!

(2) Habang gumagawa kami ng script at dokyu, may nag-aaway sa labas ng bahay ni Jhona. Mga lasing na hinaharang ang bawat trak na dumadaan. Weird. Isa pa, nagtxt ang kaklase ko dati dahil sa isang mahalagang pangyayaring bawal banggitin dito.

(3) Habang gumagawa kami ng script at dokyu, tinawag si Jhona ng kasambahay nila: "Jhona! Lowi daw! Lowi!". "Ate Cris, si Louie 'yan!", sabi ni Jhona. "Si Louie may pangalan na sa gabi! Cloe!", sabi ni Domz.


After these, ayos naman ang lahat. Natapos ang props, nagreproduce ng script, nag-practice kami for two days, hanggang sa dumating nga ang araw ng presentasyon - February 14, na nasaksihan ng buong S31. Kung hindi ka namin kaklase sa PROJMAN S31 o kung absent ka, sayang, dahil wala namn lang nag-video nung puppetry namin (kami mismo, hindi namin nakita).

Hindi namin akalain na maaayos namin ang puppetry, dahil tadtad kami ng palpak habang nag-eensayo. Naandung hindi maiayos nang maayos ang background stage, namumroblema kung paano hahwakan ang props habang hawak ang characters, kung paano bibigyan ng tamang paggalaw ang bawat characters, kung kailan papasok ang bawat props, kung paano iibahin ang boses mo sa eksenang dalawang beses kang magbo-boses, at kung anu-ano pa. Idagdag mo pa, habang nag-rerehearse kami, si Jhona nag-eenjoy sa panonood, kaya nakakalimutan niya ang ibang script at props!

Isa pang problema ay ang soundsystem. Bagamat nakakuha naman kami ng matitinong tugtog at soundtracks, problema din kung paano 'yun imamanipulate dahil pare-pareho nga kaming busy sa paghahawak ng props habang nagdedeliver ng linya. Mabuti na lang at nakaisip si Val Alien the Flashboy ng solusyon dito. Heto ang ginawa niyang Flash program na ginamit naming soundsystem:

soundsystem

Sa ganitong paraang epektibo, pipindutin na lang nung soundman (na nagkataong ako rin) ang mga buton sa kaliwa nung pamagat nung musika. Mabuti na lang at nakahiram kami ng laptop kay Din.




Mga Hindi Klaro


Gusto ko lang magbigay ng komento sa ilang bagay - tulad ng mga komentong ibinigay pagkatapos naming ipakita ang puppet show:


1) May mga boses na mahina, may mga aksyong hindi malinaw.

Aminado akong isa ako sa mga may mahinang boses, lalo na kapag si San Pedro ang bobosesan ko. 'Yun e dahil malalim ang boses ng matanda. Pero the rest of the characters' voice naman, I think they voiced well. Tsaka sinabi ko na rin sa simula ng puppetry na hindi na kami gagamit ng mikropono dahil iisa lang ang mikropo para pag-agawan namin, lalong papangit lang ang palabas. Isa pa, maririnig lang sa mikropono ang paghihilian namin kung sino ang magtataas ng kung anong props. Lusot 'di ba?!

Sa mga aksyong hindi malinaw, halimbawa na 'yung nanginginig ang ibang karakter habang ang isa ay nakatayo lang, sinabi ko na sa itaas na malamang e nanonood si Jhona habang nagpepresent kami. Ganoon ka-enjoy ang puppetry namin!


2) Hindi consistent, nawala 'yung momentum.

Nangyari ito after nung puppetry, kung saan iprinesent na namin ang case through powerpoint presentation. Ang totoo niyan, hindi kami gaanong handa sa sasabihin sa report dahil naka-set ang utak namin sa puppetry. Kaya ang nangyari, bara-bara ang report. Parang business cycle lang 'yan eh - depression phase.


3) Credits not clear.

Hindi nagustuhan ni bise ang presentasyon ng closing credits. Huling eksena na lang, pumalya pa! Ang liit nga naman kasi ng font ng pagkakaprint ko. Sana daw inilagay namin sa powerpoint presentation.

Pero para sa kapakanan ng mga hindi rin nakabasa nung credits, heto ang kumpleto (originally & unresized):


********************

slide 01 of 21

slide 02 of 21

slide 03 of 21

slide 04 of 21

slide 05 of 21

slide 06 of 21

slide 07 of 21

slide 08 of 21

slide 09 of 21

slide 10 of 21

slide 11 of 21

slide 12 of 21

slide 13 of 21

slide 14 of 21

slide 15 of 21

slide 16 of 21

slide 17 of 21

slide 18 of 21

slide 19 of 21

slide 20 of 21

slide 21 of 21

********************


kung may gusto ka pang i-klaro ko, mag-iwan lang ng mensahe.





Sarap!!!

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakapag-direk ako. Pero ang huli kong direksyon bago 'to, is way back grade4, nung nag-mini play kami sa English subject namin (3 groups din ang nagpresent nun). Ayos din 'yun dahil nagkaroon pa talaga ng awarding ceremony ang buong klase na si teacher ang hurado. Ako ang best director.

Iba rin ang kaso ngayon. Wala man kaming awarding ceremony sa klase, may mga palpak man sa produksyon at pagpapalabas, nakakuha pa rin kami ng score na 50/50 mula kay bise. Samakatuwid, nakuha na namin ang 10% ng final grade namin base sa grading system ng subject. Sapat nang incentives 'yun kung tutuusin, sa kabila ng lahat ng effort at pagod namin. Idagdag mo pa diyan ang mga sumusunod:


********************

"Scale of 1 to 50. score: 50.. The presentation I would say was the best so far. :D"
- Lea Berioso, http://lea1010.multiply.com/

shirley (2/15/2008 12:59:43 AM): ang galing tlga
peso (2/15/2008 12:59:45 AM): edi ayus
peso (2/15/2008 12:59:47 AM): hahaha
peso (2/15/2008 12:59:49 AM): salamat
peso (2/15/2008 12:59:52 AM): buti natuwa kayo
shirley (2/15/2008 12:59:54 AM): hehe
peso (2/15/2008 12:59:57 AM): kinakabahan si ate cris
shirley (2/15/2008 12:59:58 AM): uu nmn
peso (2/15/2008 1:00:03 AM): sabi niya baka daw mukhang cheap
shirley (2/15/2008 1:00:04 AM): ng-enjoy tlga
shirley (2/15/2008 1:00:06 AM): ndi boring
shirley (2/15/2008 1:00:09 AM): promise
shirley (2/15/2008 1:00:12 AM): no kidding

"Sige pre, una na ako. Congrats!"
- Val Allen Samonte (going on a date with Mars)

"Shet! 'Di ko napanood!"
- Gerard Adrian Martinez

"Ano sa inyo? Para maluto..."
- si kuya sa Jobidex a.k.a. 1st5

"Wow! Mas maganda kaysa sa play ni ate Cris nung ARTAPRE!!!"
- unknown sender

"The Filipino is worth dying for."
_ Benigno "Ninoy" Aquino Jr.

********************



Ang sarap ng feeling na makapag-direk ka ng isang puppetry (o play man o short film o kung ano man). Sa ganitong paraan, maipapahayag mo ang laman ng utak mo at maipapakita mo sa mga makakapanood ang nais mong sabihin. Mababanggit mo sa gawa mo ang mga saloobin mo, lahat ng pamumuna, pamumuri, paninirang-puri, pangwawasak, hinaing, tuwa, galak, takot, lahat.

Ang akala ng iba, tahimik ka lang, wala kang kibo, wala kang alam, wala kang kaya. Pero ang totoo, lahat ng tao ay may ibubuga at may nakatagong disenyo at arte sa utak niya.

Kung balak man niya 'yung ilabas - 'yun ang dapat mong respetuhin. At kung kailan man niya 'yun balak ilabas - 'yun ang dapat mong abangan!





--peso--

20080216

the student's fuck-shit student fact sheet



this is the whole story.


lahat na lang ng nakakitang buryong ako habang hawak ang bagong print na Student Fact Sheet (SFS) e nagtatanong kung "ngayon lang daw ba ako magpapasa" at "bakit daw ang parang sama ng araw ko". i already told the reasons to several of my classmates who asked the said questions. for the sake of those who haven't heard the story yet,


this is the whole story.


**********

sinunod ko nang maayos ang patakaran mula sa pagreregister para sa SFS revision, hanggang sa maagang pagpapasa nito. nakinig ako nang mabuti sa discussions tungkol sa SFS construction. nalaman ko ang tungkol sa apat na bahagi nito - kung paano gawin ang mga ito, ano ang mga kailangan at hindi kailangang isama, ang tamang format, maayos at tapat na pagsulat nito, at kung anu-ano pa. narinig ko ang lahat ng alituntunin ukol dito, maliban yata sa isa - "ang bawat talata ay dapat na binubuo lamang ng tatlo hanggang limang pangungusap, period."

simple lang 'di ba? mababaw para mapikon ako at gumawa ng kwento.

**********

020808, 11:00am

biyernes ang napili kong sked para magparevise ng SFS. ikalawang meeting na ang araw na'to. 'yung una, last friday, wala namang ginawa kundi tutorial kung paano magsulat o gumawa ng SFS. sabi nung naka-assign sa aming checker (we'll call her "ms. f" from now on), pwede daw naming buksan 'yung mga pc's sa English Resource Center (ERC) na kinaroroonan namin para mag-edit. ang siste, higit sa kalahati ng mga estudyanteng nandun ang wala pang diskette man lang o plano para magawa na 'yung SFS nila. e hanggat maaari sana, ipasa na ang unang sipi sa araw na 'yun para maging mabilis ang proseso.

buti na lang, tapos ko na ang SFS ko kinagabihan pa. nga lang, 'di ko pa naipapaprint. e 'di nakipag-chikahan muna ako sa mga friends ko. e sa kasagsagan ng usapan, nakahalata si tandang sora na pinuno ng ERC (we'll call her "ms. d" from now on and forever), na marami na nasa loob ang hindi naman gumagawa ng SFS. ang siste pa, lahat nagtatagalog na dapat e Ingles ang pambansang wikang ginagamit sa looban. nagsimula na ang misa.

ms. d: wait wait wait, students. when ms. f said you could edit your SFS here, it doesn't mean that you can not do it outside the ERC! OF COURSE, you can do it even at your own homes! what i mean is that, if you don't have anything to do here, then be sure you signed the attendance sheet and you may go now...and that's the bottom line!

ms. d: and oh! one more thing. you signed in this schedule, with ms. f as the assigned checker. but as i know, it's not only this session that ms. f is handling, and so that means, all of the students will number up to a hundred if ms. f will be going to check all of your SFS's. what i mean, is that anyone in the ERC can check your SFS, not only ms. f. so don't expect that she will be your checker. and that's the bottom line!

after the two holy gospels ms. d had delivered, halos lahat ng estudyantes sa loob e biglang nagkaroon ng lokomosyon. tumayo at unti-unting lumabas na ng ERC. kasama ako sa mga 'yon. ano nga naman ba ang gagawin ko pa sa looban bukod sa piliting magsalita ng wikang banyaga habang nakikipagtsismisan sa tagalog nang palihim?

ms. d: see? that's the point. all of you doesn't have to do anything here.

and that's one of the bottom line.


**********

020808, 12:00nn

nagpaprint ako ng SFS sa labas pagkakain. 10 pages. sa bahay pa lang, inaral ko pa talaga 'yun at binasa nang maigi para siguraduhing maayos at kaunti ang grammatical errors kapag ipinasa ko na.

akyat ako ng building. 5th floor, pasok sa ERC. wala nang tao. nangangamoy longganisa sa loob ng opisina. mukhang nagpipyesta sina ms. d at ms. f. sa lamesa, merong folder ng "new submission". binuklat ko 'yun at tumambad sa akin ang isang bagong-pasang SFS. lorraine hipolito. kaklase ko 'yun! tinignan ko 'yung Grad Point Average (GPA) niya - 3.30. ang taas nun! pero hindi na ako nagtagal at ipinatong ko na agad ang SFS ko dahil lalo ko pang naaamoy 'yung longganisang parang nginunguya- senyales na may paparating!

lumabas ako ng ERC, nang nakangiti. bakit? 'yun e dahil 3.37 ang GPA ko. mas mataas ng 0.07!!!


(peace raine! mwah!)

**********

021108, 10:30am

gumagawa kami ni valski ng puppet props and materials sa 9th floor para sa nalalapit na showing ng "Flight S-31 (a puppetry on why software project fails)", a creation of peso de guzman.

may nagtxt sa akin. binasa ko, galing kay jel na kaklase ko. "punta ka ERC sabi ni ma'am d.". mula noon, agad akong nagpaalam kay valski, at nangakong babalik na dala ang isang tagumpay. naiyak si valski. para kaming bading.

baba ako ng 5th floor, pumasok ng ERC, mabuti na lang at hindi na amoy longganisa. naandun si ms. d, nag-iisa. kinabahan ako. baka paglutuin ako ng tocino.

peso: good morning ma'am... (in english lahat ng sinabi ko. magaling ako sa ingles kala niyo!)
ms. d: yes yes. (sbay turo sa lamesang malapit sa pintuan. tinuturo niya 'yung mga papel na naandun. mga SFS ng kung sinu-sino. parang pinakukuha niya.)

kinuha ko naman, sabay lapit sa table niya.

ms. d: oh, where's yours? oh not these. there at the table, containing folders with the letters as the legend.

ibinalik ko ang mga naunang maling nakuha at hinanap ang tinutukoy niya kung nasaan, na nakita ko rin naman bago ako matuklaw ng ahas. kinuha ko 'yung akin. may nakasulat sa frontpage, pero 'di ko pa binasa. lumapit ako kay ms. d habang naiisip ang isang pangarap:

ms. d: that's your paper. i am returning it back to you know, since you did an exceptional job of all these students i am checking! i found no grammatical errors, wrong spelling, or wrong formats in the SFS you made! and because of this, i am offering you a job of checking other student's SFS. in return, i will already stamp your SFS and it would be ready now for the internship!
peso: oh! thanks ma'am! but, uhmmm... pwedeng i-cash mo na lang???

lumapit ako kay ms. d, at nagsimula na ang homiliya.

ms. d: ariel, i understand that you did your SFS with all your heart, hard work and honesty.
peso: yes ma'am.
ms. d: you passed as early as you can so if ever there are revisions, we could make up on it as early as we can.
peso: yes ma'am.
ms. d: but...
peso: yes?
ms. d: but this cannot be this long!
peso: (GULP!)
ms. d: you know, ariel, the company leaders do not have much time in reading these loooooonnnggg statements. and so if you would be submitting this, there is a tendency that they may find it boring.
peso: (oh! SHIT!!!)
ms. d: so, i am returning this, and change it. limit your sentences from 3 to 5 sentences only. come on! you can do it!
peso: ok ma'am. but how about his personal statement? do i still need to condese it?
ms. d: i don't know. i haven't read it yet. just limit to 3 to 5 sentences only. per paragraph.
peso: yes ma'am, thanks... (oh no!)


peso left the room. that's the bottom line.

**********

"your descriptions are too long. condense or limit your discussions to 3 to 5 sentences per paragraph."

'yan 'yung nakalagay sa frontpage ng unang kopya ng SFS ko. actually, dahil nga busy ako para nalalapit na puppetry, hindi ko agad 'yan na-revise. ang plano kong sa wednesday ibalik sa ERC, e hindi natuloy. na-edit o lang ang SFS ko ng thursday. at habang ineedit ko, dun na ako napikon.

limit my sentences up to 3 to 5 sentences. binilang ko ngayon 'yung mga sentences ko. hanggang sa natagpuan kong isang paragraph ko lang naman pala ang may walong pangungusap!!! the rest, 5 below na!!! at ang isang paragrpah na 'yun na may walong pangungusap e nagkataong APPROJ2 pa - na natural lang na humaba dahil 'yun na ang pinaka-group thesis namin!!!

e ano pa nga bang magagawa ko? kundi kailangan kong baguhin ang SFS ko, paiklian. pero habang binabawasan ko ang SFS ko, habang pinagsasama ko ang dalawang pangungusap sa isa, parang pakiramadam ko e nawawalan na ng saysay ang mga ginagawa ko. ano pa nga ba ang silbi ng isng kwentong pinilit lang isulat sa isang ikling hindi mo man lang maipahayag ang saloobin mo?

nainis ako hindi dahil pinabago ang SFS ko dahil nga sa haba nito, kundi dahil hindi man lang binasa ang SFS ko o kaya e binilang man lang ang mga pangungusap sa bawat talata para nang sa ganun e masala lang ung aling talata ang dapat ko lang paikliin. ang nangyari kasi, nakita lang na mahaba ang isang talata, ipinalagay nang lagpas ito nang limang pangungusap nang hindi man lang binibilang kung ilang pangungusap nga ba ang nakapaloob dito!

(halimbawa: ang pangungusap sa itaas na talata ay may DALAWANG pangungusap lamang. haba ko talaga magsulat no?)

at sa tingin ko, mali na husgahan ang ginawa ko dahil ito ang pinakamabisang paraan para maipahayag ko ang gusto kong ipahiwatig. matatanggap ko kung ibinalik ang SFS ko dahil sa masagwa ang grammar ko. pero ibinalik ang SFS ko dahil sa katamaran nilang magbasa at magcheck nang mahahaba, nang hindi man lang muna inalam kung gaano kabigat ang halaga ng mga isinulat ko.

ang tinutukoy kong parte ng SFS ay 'yung "Project Description". ang tanong ko lang, ano kaya ang silbi ng proyekto mo kung ipipilit mo lang itong ikahon sa tatatlong pangungusap?

pinag-usap-usapan na lang namin ng mga kaklase ko ang pangyayaring 'to. natatawa daw sila sa akin: ang lakas ko daw mag-react. sabi ng iba, paano pa daw kaya 'yung SFS nila gayong umabot sila sa 12 pages! sabi pa ng ilan, 'wag ko daw masyado seryosohin si tanda. tinatamad na daw. sinabi ko na lang din na baka malabo na ang mata kaya ganun.

sabi nga sa biru-biruan namin, (ginagaya ang boses ni ms. d) "ohjosh!!! of all my 30 years of SFS checking, this is only the first time i read this kind of honest and heartful of work!!! seems like it came from a college student!!! but no! i must be dreaming! i must return it back!!!"

sabi ko na lang, ito na ang huling beses na ieedit ko ang SFS ko dahil sa "pagiging mahaba kuno" nito. tatanggap na lang ako ng revision kapag grammatical errors o kung ano man, kapag pinaiklian pa sa akin ang mga pangungusap ko, magdodonate na lang ako ng chart of basic numbers tsaka calculator sa ERC. panahon na ng wasto at angkop na pagbibilang!


**********

021508, 09:30am

nagawa ko na ang SFS ko. napaikli ko na. pero i felt degraded. pakiramdam ko hindi ako ang nagsulat ng SFS na 'yun. pero hinayaan ko na lang. from 10 pages, 9 pages na lang ang SFS ko. malaking bagay na 'yun. senyales 'yun na nabawasan ko na 'yung isang talatang may walong pangungusap. senyales din 'yun na inalisan ko ng saysay ang iba kong proyekto.

wala naman pala kaming gagawin sa ECONTAX, kaya minabuti kong magpunta sa ERC para ipasa ang SFS-revision01.doc ko. naabutan ko doon si ms. d na busyng-busy sa kausap na ibang prof. nung mabakante ang usapan nila, tinanong ko siya:

peso: ma'am, where should i put this new submission? (wala na 'yung new submission folder na kinalagyan ko ng unang pasa)
ms. d: put it there (tinuro ang lamesa, sabay talikod, sabay alis)

letse sa lintik din pala sila mag-entertain ng estudyante!!! ang eskwelahan ko, technological college, pero marami pang kakaining bigas!

umalis ako ng ERC na hindi pa naipapasa ang SFS ko. mamaya na lang, sa loob-loob ko. ayokong basta ihuyag sa lamesa lang ang ginawa ko. hindi ko alam kung may klepto sa ERC, o kaya e baka kopyahin ang mga gawa ko. umakyat na lang uli ako sa 6th floor, dala ang SFS na may halong pagtitimpi. kinagat ko na lang ang labi ko - kunwari kasali ako sa "taktak mo o tatakbo" ng eat bulaga.


**********

021508, 11:00am

one week had passed since last week. oras na ng pasaahan ng rebisadong SFS. nagdatingan na ang mga estudyante, nag-sign sa attendance sheet, nag-tsismisan nang kaunti, sabay alis. nagsimula nang mag-edit ng SFS ang iba sa mga bakanteng pc. nagsimula nang magcheck ng SFS si ms. f.

lumapit ako sa kanya para ibigay ang SFS ko. sa kanya ko na ibibigay para siguradong hindi na si ms. d ang makapupuna.

peso: ma'am, here's the revision of my SFS.
ms. f: (she felt weird) revision? uhmm...do you have with you the old one?
peso: yes ma'am.
ms. f: uhmmm...when did i check your SFS?
peso: actually ma'am, ms. d was the one who sent this back to me since according to her, it contains long paragraphs. and so i reduced them now.
ms f: oh! so if ms. d was the one who checked it, then you must give it to her as well. whoever check the SFS the first time, then she will check it up to its last. that's the agreement here.
peso: oh...sorry ma'am. (OUCH!)
ms. f: it's ok. (she sweetly smiled at me)

nagdalawang-isip ako. inisip ko kung ano ang magandang gawin para lang hindi SIYA ang magcheck ng SFS ko. naramdaman kong lalong nadedegrade ang pagkatao ko. nararamdaman ko na muli ang pagiging 'balewala' ng mga sulatin ko. mukhang kailangan ko na agad magrevise pag-uwi ko sa bahay kahit wala pang binabalik na SFS sa akin.

pero mukhang wala na akong ibang pwedeng magawa. lumapit ako sa kanya.

peso: ma'am, here's my new SFS. i reduced it from 10 pages to only 9.
ms. d: oh thanks! ok...we'll see it.

bago ako umalis ng ERC, kinausap ko ang isang matagal nang kaklase (na tuwang-tuwa dahil na-special mention daw siya sa blog ko).

peso: patay tayo nito!
harold: bakit?
peso: siya rin pala ang magchecheck. kung sino daw ang una, siya din daw ang huli.
harold: nyak!
peso: tsk tsk tsk! dwelo 'to!




and that's the bottom line.




--peso--