20080216

the student's fuck-shit student fact sheet



this is the whole story.


lahat na lang ng nakakitang buryong ako habang hawak ang bagong print na Student Fact Sheet (SFS) e nagtatanong kung "ngayon lang daw ba ako magpapasa" at "bakit daw ang parang sama ng araw ko". i already told the reasons to several of my classmates who asked the said questions. for the sake of those who haven't heard the story yet,


this is the whole story.


**********

sinunod ko nang maayos ang patakaran mula sa pagreregister para sa SFS revision, hanggang sa maagang pagpapasa nito. nakinig ako nang mabuti sa discussions tungkol sa SFS construction. nalaman ko ang tungkol sa apat na bahagi nito - kung paano gawin ang mga ito, ano ang mga kailangan at hindi kailangang isama, ang tamang format, maayos at tapat na pagsulat nito, at kung anu-ano pa. narinig ko ang lahat ng alituntunin ukol dito, maliban yata sa isa - "ang bawat talata ay dapat na binubuo lamang ng tatlo hanggang limang pangungusap, period."

simple lang 'di ba? mababaw para mapikon ako at gumawa ng kwento.

**********

020808, 11:00am

biyernes ang napili kong sked para magparevise ng SFS. ikalawang meeting na ang araw na'to. 'yung una, last friday, wala namang ginawa kundi tutorial kung paano magsulat o gumawa ng SFS. sabi nung naka-assign sa aming checker (we'll call her "ms. f" from now on), pwede daw naming buksan 'yung mga pc's sa English Resource Center (ERC) na kinaroroonan namin para mag-edit. ang siste, higit sa kalahati ng mga estudyanteng nandun ang wala pang diskette man lang o plano para magawa na 'yung SFS nila. e hanggat maaari sana, ipasa na ang unang sipi sa araw na 'yun para maging mabilis ang proseso.

buti na lang, tapos ko na ang SFS ko kinagabihan pa. nga lang, 'di ko pa naipapaprint. e 'di nakipag-chikahan muna ako sa mga friends ko. e sa kasagsagan ng usapan, nakahalata si tandang sora na pinuno ng ERC (we'll call her "ms. d" from now on and forever), na marami na nasa loob ang hindi naman gumagawa ng SFS. ang siste pa, lahat nagtatagalog na dapat e Ingles ang pambansang wikang ginagamit sa looban. nagsimula na ang misa.

ms. d: wait wait wait, students. when ms. f said you could edit your SFS here, it doesn't mean that you can not do it outside the ERC! OF COURSE, you can do it even at your own homes! what i mean is that, if you don't have anything to do here, then be sure you signed the attendance sheet and you may go now...and that's the bottom line!

ms. d: and oh! one more thing. you signed in this schedule, with ms. f as the assigned checker. but as i know, it's not only this session that ms. f is handling, and so that means, all of the students will number up to a hundred if ms. f will be going to check all of your SFS's. what i mean, is that anyone in the ERC can check your SFS, not only ms. f. so don't expect that she will be your checker. and that's the bottom line!

after the two holy gospels ms. d had delivered, halos lahat ng estudyantes sa loob e biglang nagkaroon ng lokomosyon. tumayo at unti-unting lumabas na ng ERC. kasama ako sa mga 'yon. ano nga naman ba ang gagawin ko pa sa looban bukod sa piliting magsalita ng wikang banyaga habang nakikipagtsismisan sa tagalog nang palihim?

ms. d: see? that's the point. all of you doesn't have to do anything here.

and that's one of the bottom line.


**********

020808, 12:00nn

nagpaprint ako ng SFS sa labas pagkakain. 10 pages. sa bahay pa lang, inaral ko pa talaga 'yun at binasa nang maigi para siguraduhing maayos at kaunti ang grammatical errors kapag ipinasa ko na.

akyat ako ng building. 5th floor, pasok sa ERC. wala nang tao. nangangamoy longganisa sa loob ng opisina. mukhang nagpipyesta sina ms. d at ms. f. sa lamesa, merong folder ng "new submission". binuklat ko 'yun at tumambad sa akin ang isang bagong-pasang SFS. lorraine hipolito. kaklase ko 'yun! tinignan ko 'yung Grad Point Average (GPA) niya - 3.30. ang taas nun! pero hindi na ako nagtagal at ipinatong ko na agad ang SFS ko dahil lalo ko pang naaamoy 'yung longganisang parang nginunguya- senyales na may paparating!

lumabas ako ng ERC, nang nakangiti. bakit? 'yun e dahil 3.37 ang GPA ko. mas mataas ng 0.07!!!


(peace raine! mwah!)

**********

021108, 10:30am

gumagawa kami ni valski ng puppet props and materials sa 9th floor para sa nalalapit na showing ng "Flight S-31 (a puppetry on why software project fails)", a creation of peso de guzman.

may nagtxt sa akin. binasa ko, galing kay jel na kaklase ko. "punta ka ERC sabi ni ma'am d.". mula noon, agad akong nagpaalam kay valski, at nangakong babalik na dala ang isang tagumpay. naiyak si valski. para kaming bading.

baba ako ng 5th floor, pumasok ng ERC, mabuti na lang at hindi na amoy longganisa. naandun si ms. d, nag-iisa. kinabahan ako. baka paglutuin ako ng tocino.

peso: good morning ma'am... (in english lahat ng sinabi ko. magaling ako sa ingles kala niyo!)
ms. d: yes yes. (sbay turo sa lamesang malapit sa pintuan. tinuturo niya 'yung mga papel na naandun. mga SFS ng kung sinu-sino. parang pinakukuha niya.)

kinuha ko naman, sabay lapit sa table niya.

ms. d: oh, where's yours? oh not these. there at the table, containing folders with the letters as the legend.

ibinalik ko ang mga naunang maling nakuha at hinanap ang tinutukoy niya kung nasaan, na nakita ko rin naman bago ako matuklaw ng ahas. kinuha ko 'yung akin. may nakasulat sa frontpage, pero 'di ko pa binasa. lumapit ako kay ms. d habang naiisip ang isang pangarap:

ms. d: that's your paper. i am returning it back to you know, since you did an exceptional job of all these students i am checking! i found no grammatical errors, wrong spelling, or wrong formats in the SFS you made! and because of this, i am offering you a job of checking other student's SFS. in return, i will already stamp your SFS and it would be ready now for the internship!
peso: oh! thanks ma'am! but, uhmmm... pwedeng i-cash mo na lang???

lumapit ako kay ms. d, at nagsimula na ang homiliya.

ms. d: ariel, i understand that you did your SFS with all your heart, hard work and honesty.
peso: yes ma'am.
ms. d: you passed as early as you can so if ever there are revisions, we could make up on it as early as we can.
peso: yes ma'am.
ms. d: but...
peso: yes?
ms. d: but this cannot be this long!
peso: (GULP!)
ms. d: you know, ariel, the company leaders do not have much time in reading these loooooonnnggg statements. and so if you would be submitting this, there is a tendency that they may find it boring.
peso: (oh! SHIT!!!)
ms. d: so, i am returning this, and change it. limit your sentences from 3 to 5 sentences only. come on! you can do it!
peso: ok ma'am. but how about his personal statement? do i still need to condese it?
ms. d: i don't know. i haven't read it yet. just limit to 3 to 5 sentences only. per paragraph.
peso: yes ma'am, thanks... (oh no!)


peso left the room. that's the bottom line.

**********

"your descriptions are too long. condense or limit your discussions to 3 to 5 sentences per paragraph."

'yan 'yung nakalagay sa frontpage ng unang kopya ng SFS ko. actually, dahil nga busy ako para nalalapit na puppetry, hindi ko agad 'yan na-revise. ang plano kong sa wednesday ibalik sa ERC, e hindi natuloy. na-edit o lang ang SFS ko ng thursday. at habang ineedit ko, dun na ako napikon.

limit my sentences up to 3 to 5 sentences. binilang ko ngayon 'yung mga sentences ko. hanggang sa natagpuan kong isang paragraph ko lang naman pala ang may walong pangungusap!!! the rest, 5 below na!!! at ang isang paragrpah na 'yun na may walong pangungusap e nagkataong APPROJ2 pa - na natural lang na humaba dahil 'yun na ang pinaka-group thesis namin!!!

e ano pa nga bang magagawa ko? kundi kailangan kong baguhin ang SFS ko, paiklian. pero habang binabawasan ko ang SFS ko, habang pinagsasama ko ang dalawang pangungusap sa isa, parang pakiramadam ko e nawawalan na ng saysay ang mga ginagawa ko. ano pa nga ba ang silbi ng isng kwentong pinilit lang isulat sa isang ikling hindi mo man lang maipahayag ang saloobin mo?

nainis ako hindi dahil pinabago ang SFS ko dahil nga sa haba nito, kundi dahil hindi man lang binasa ang SFS ko o kaya e binilang man lang ang mga pangungusap sa bawat talata para nang sa ganun e masala lang ung aling talata ang dapat ko lang paikliin. ang nangyari kasi, nakita lang na mahaba ang isang talata, ipinalagay nang lagpas ito nang limang pangungusap nang hindi man lang binibilang kung ilang pangungusap nga ba ang nakapaloob dito!

(halimbawa: ang pangungusap sa itaas na talata ay may DALAWANG pangungusap lamang. haba ko talaga magsulat no?)

at sa tingin ko, mali na husgahan ang ginawa ko dahil ito ang pinakamabisang paraan para maipahayag ko ang gusto kong ipahiwatig. matatanggap ko kung ibinalik ang SFS ko dahil sa masagwa ang grammar ko. pero ibinalik ang SFS ko dahil sa katamaran nilang magbasa at magcheck nang mahahaba, nang hindi man lang muna inalam kung gaano kabigat ang halaga ng mga isinulat ko.

ang tinutukoy kong parte ng SFS ay 'yung "Project Description". ang tanong ko lang, ano kaya ang silbi ng proyekto mo kung ipipilit mo lang itong ikahon sa tatatlong pangungusap?

pinag-usap-usapan na lang namin ng mga kaklase ko ang pangyayaring 'to. natatawa daw sila sa akin: ang lakas ko daw mag-react. sabi ng iba, paano pa daw kaya 'yung SFS nila gayong umabot sila sa 12 pages! sabi pa ng ilan, 'wag ko daw masyado seryosohin si tanda. tinatamad na daw. sinabi ko na lang din na baka malabo na ang mata kaya ganun.

sabi nga sa biru-biruan namin, (ginagaya ang boses ni ms. d) "ohjosh!!! of all my 30 years of SFS checking, this is only the first time i read this kind of honest and heartful of work!!! seems like it came from a college student!!! but no! i must be dreaming! i must return it back!!!"

sabi ko na lang, ito na ang huling beses na ieedit ko ang SFS ko dahil sa "pagiging mahaba kuno" nito. tatanggap na lang ako ng revision kapag grammatical errors o kung ano man, kapag pinaiklian pa sa akin ang mga pangungusap ko, magdodonate na lang ako ng chart of basic numbers tsaka calculator sa ERC. panahon na ng wasto at angkop na pagbibilang!


**********

021508, 09:30am

nagawa ko na ang SFS ko. napaikli ko na. pero i felt degraded. pakiramdam ko hindi ako ang nagsulat ng SFS na 'yun. pero hinayaan ko na lang. from 10 pages, 9 pages na lang ang SFS ko. malaking bagay na 'yun. senyales 'yun na nabawasan ko na 'yung isang talatang may walong pangungusap. senyales din 'yun na inalisan ko ng saysay ang iba kong proyekto.

wala naman pala kaming gagawin sa ECONTAX, kaya minabuti kong magpunta sa ERC para ipasa ang SFS-revision01.doc ko. naabutan ko doon si ms. d na busyng-busy sa kausap na ibang prof. nung mabakante ang usapan nila, tinanong ko siya:

peso: ma'am, where should i put this new submission? (wala na 'yung new submission folder na kinalagyan ko ng unang pasa)
ms. d: put it there (tinuro ang lamesa, sabay talikod, sabay alis)

letse sa lintik din pala sila mag-entertain ng estudyante!!! ang eskwelahan ko, technological college, pero marami pang kakaining bigas!

umalis ako ng ERC na hindi pa naipapasa ang SFS ko. mamaya na lang, sa loob-loob ko. ayokong basta ihuyag sa lamesa lang ang ginawa ko. hindi ko alam kung may klepto sa ERC, o kaya e baka kopyahin ang mga gawa ko. umakyat na lang uli ako sa 6th floor, dala ang SFS na may halong pagtitimpi. kinagat ko na lang ang labi ko - kunwari kasali ako sa "taktak mo o tatakbo" ng eat bulaga.


**********

021508, 11:00am

one week had passed since last week. oras na ng pasaahan ng rebisadong SFS. nagdatingan na ang mga estudyante, nag-sign sa attendance sheet, nag-tsismisan nang kaunti, sabay alis. nagsimula nang mag-edit ng SFS ang iba sa mga bakanteng pc. nagsimula nang magcheck ng SFS si ms. f.

lumapit ako sa kanya para ibigay ang SFS ko. sa kanya ko na ibibigay para siguradong hindi na si ms. d ang makapupuna.

peso: ma'am, here's the revision of my SFS.
ms. f: (she felt weird) revision? uhmm...do you have with you the old one?
peso: yes ma'am.
ms. f: uhmmm...when did i check your SFS?
peso: actually ma'am, ms. d was the one who sent this back to me since according to her, it contains long paragraphs. and so i reduced them now.
ms f: oh! so if ms. d was the one who checked it, then you must give it to her as well. whoever check the SFS the first time, then she will check it up to its last. that's the agreement here.
peso: oh...sorry ma'am. (OUCH!)
ms. f: it's ok. (she sweetly smiled at me)

nagdalawang-isip ako. inisip ko kung ano ang magandang gawin para lang hindi SIYA ang magcheck ng SFS ko. naramdaman kong lalong nadedegrade ang pagkatao ko. nararamdaman ko na muli ang pagiging 'balewala' ng mga sulatin ko. mukhang kailangan ko na agad magrevise pag-uwi ko sa bahay kahit wala pang binabalik na SFS sa akin.

pero mukhang wala na akong ibang pwedeng magawa. lumapit ako sa kanya.

peso: ma'am, here's my new SFS. i reduced it from 10 pages to only 9.
ms. d: oh thanks! ok...we'll see it.

bago ako umalis ng ERC, kinausap ko ang isang matagal nang kaklase (na tuwang-tuwa dahil na-special mention daw siya sa blog ko).

peso: patay tayo nito!
harold: bakit?
peso: siya rin pala ang magchecheck. kung sino daw ang una, siya din daw ang huli.
harold: nyak!
peso: tsk tsk tsk! dwelo 'to!




and that's the bottom line.




--peso--

20080127

vii. thou shall not steal.


**********

as his suggestion, i promised a friend (and a mimitablog loyalist) to keep him updated of anything or anyone, with regards to those that are subjected to the four "award-winning" articles of CNSA. and now, after a month of blog evasion, here's a nursing update v1.0 to share.

**********



this happened around 3 weeks ago, when i went back to the polluted manila after enjoying a God-given xmas break. it was a sunday morning, the 6th day of the year. 9:00. we just had the sunday mass, and as a routine, we still had to wait at the bakery for 20 minutes as my mother spend some money in the marketplace nearby.

suddenly comes a nursing student. i saw her again. it was unexpected, since i never see her on sundays for about 5 weeks already. with her is her whole family: mother, father, brother, and her two look-a-like looks-like-twins sisters.

i stand by the door of our owner. she passed me by. of course, she saw me, and because we knew each other, i greeted her "ui! happy new year!!!". she greeted back a smile, without saying a word. i already expected her to say nothing since she always spends her time in silence if she saw somebody when she is with her family. shy and ashamed or just plain dumb.

she went back to and fro, as if a security guard is her dream. i do not know why. she just went back and forward, passing me by, as if she is requesting me to dance cha-cha with her. but i like tango! or harlem maybe...

as she pass by, in her hand is the hand of her
one of the two look-a-like looks-like twin sisters. maybe, this sister of her is very pesky and is very atat to go home already that's why she wants her ate to go with her in accompany. suddenly, the shy about-to-be-nurse comes back again! oh no! i am dizzy now!!!

now, she want back on the way to bakery. then i saw the six of them, already heading towards the direction going to their home. "finally!", i thought. "no more coming backs!".

inside the owner is my brother who now uses the n70 of my anti-gloria father. i contracted him. i told him that rei is coming to town, and i want him to take her picture as he pass by our owner. my brother is not a photographer, but he knows how
to capture the moments. according to him, it is plainly simple since inside the owner is a safe place to hide in, and rei would never see or notice him doing the spying of the moment. and so my brother prepared and aimed the n70 camera, as rei, the shy nurse started to walk by our owner.

"FUEGO!". with no hesitations, no camera flash, no camera shot sound, no interruptions, my brother captured the moment. now i am very excited. this would be my first solo picture of the shy nurse. i almost harlem in joy!



**********

after she passed by, when she is far already, i and my brother looked at the stolen shot. and what an excellent job! it was really a STOLEN SHOT!!! want to look at it?


here goes:




this 2008, i learned a moral lesson. as the commandment stated, "thou shall not steal", then never try to steal.

this moment is surely a successful steal, but it was as well a failed shot.





--peso--

20071225

the tale of the old-fashioned christmas tree...



dalawang linggo na nung sinimulang i-assemble ni nanay 'tong christmas tree namin sa bahay. the typical christmas tree. green, 4 feet tall, old fashioned. nilagyan ng iba't ibang palawit at pasabit - 'yung iba dati ko nang nakita, 'yung iba mga bago. tapos nilagyan ng christmas lights, tsaka isang silver star sa tuktok. that was not the first time i saw that scene. it was typical and seasonal yet a special moment.


"bago ba 'yang christmas tree 'nay?"
"hindi. 'yan na 'yung dati. 'yan pa 'yung dinala mo sa school."
"o? tagal na niyan ah... buo pa rin? kelan pa po ba 'yan?"
"matagal na. bata pa kayo. ayoko naman kasing itapon e. pwedeng pwede pa."
"'yung kila lola bago na naman a."
"oo. taon-taon sila kung magpalit e."
"e asan na 'yung mga luma nila?"
"binibigay sa tita mo. kaso tuwing lilipat sila ng bahay, lagi namang iniiwan."
"sayang naman. taon-taon ganun?"
"sayang talaga. pero 'tong sa 'tin buong buo pa o... iniingatan ko na lang..."


**********


bago dumating ang inaabangang araw, ang lahat ay abala. paroo't parito, shopping, bili ng regalo, christmas rush, lahat sila masayang isinasakripisyo ang pagod, pera at oras para makapagbigay ng kasiyahan sa darating na pasko. lahat sila, namamahagi ng kanya-kanyang kabuluhan ng tunay na diwa ng kapaskuhan.

pero hindi lang sila. ako din. i built up the spirit since i re-started looking in our old-fashioned christmas tree.


ang sentro ng diwa ng pasko, para sa akin, ay makikita hindi sa eksaktong pagkakakitaan mo nito sa iba. wala sa kung paano ipinagdiriwang ng mundo ang pista. wala sa dami at klase ng pagkaing inihahain tuwing bisperas. wala din sa mga regalong ibinigay ko, o doon man sa mga regalong natanggap ko, at lalong wala sa halaga o presyo pagsama-samahin mo man ang lahat nito. wala din sa bago kong damit, sapatos at bag. wala sa perang natatanggap mula kila ninong at ninang. wala rin sa pagkakakumpleto ko ng simbang gabi, kahit sa "wish" kung makumpleto ko man ang simbang gabi. wala sa santambak na burloloy at parapernalyang makikita mo sa bahay bilang dekorasyon sa pasko. wala din sa mga swerteng natanggap sa iiwanang taon, gayundin sa mga malas na buti't hindi namalas.

natagpuan ko ang sentro ng diwa ng pasko sa mumunting artipisyal na halamang itinanim ni nanay para sa darating na kapaskuhan, at patuloy niyang iniingatan para maitanim muli sa mga darating pang kapaskuhan. hindi niya itinatapon o pinapalitan ang mumunting puno (tree) na 'yun, dahil puno (full) iyon ng alaala ng pagsasama-sama naming buong pamilya. darating man ang panahong wala nang maihanda at wala nang mairegalo, pero patuloy namang nakatayo ang tahanan, dumating man at matapos ang pasko.

madaling palitan ang isang lumang bagay, dahil sa hirap at takot na mapuna ito ng mga tao na hindi na ito bago. pero ang bagong bagay ay wala pang alaala. mahal ko ang tahanang 'to dahil lubos ang pag-iingat namin sa mga alaalang nabuo namin. nakapalob ang mga alaalang 'yun sa mga lumang bagay na hindi namin maitapon-tapon ni mapalit-palitan nang basta-basta. mga lumang bagay iyon na katatagpuan pa rin ng tibay, kasiyahan at pagmamahalan.



at habang umuusad ang panahon, patuloy naming itatanim ang puno...




maligayang pasko sa 'yo... sa pamilya mo, at sa pagsasamahan ninyo...

**********





"And it's all flooding back to me
All the memories and christmases we shared
And there's nothing I want more
Than spend the holidays with you"

~ orange and lemons, 'christmas daydream'




--peso--

20071208

koo-koo-ka-choo



**********

"koo-koo-ka-choo, i shot he eggman"
~ rivermaya, 'hangman'




now it was 27 years since that day. di pa ako pinapanganak noon. wala akong malay. wala akong alam. nakilala ko nga siya/sila grade 5 na ako e. ni hanggang ngayon, wala pa rin akong sapat na detalye tungkol sa kanya.

ilan lang ang alam ko:

alam ko lang, astig siyang manganganta/kantatero at kompositor. alam ko lang, may naulila siyang asawang hapon at dalawang anak mula sa magkaibang asawa. alam ko lang, hindi ko man siya matatawag na idolo, pero totoong malaki ang impluwensya ng musika niya sa akin. alam ko lang ang mga kanta ng grupo niya, pero wala talaga akong gaanong alam na kanta niya nung nagsolo na siya.

alam ko lang, sa kabila ng paggamit ng ipinagbabawal na droga at pag-alipusta sa kristiyanismo, nakuha pa niyang makaawit ng awiting maghahatid ng mensaheng ang akala mo lang e sa imahinasyon mabubuo, pero ang totoo ay isang hindi imposibleng katotohanan ngunit hanggang ngayon e hindi man lang makamtan-kamtan. ni hindi niya ito naabutan.

ang alam ko lang, patuloy akong humiling na sana mabuo sa reyalidad ang imahinasyong tinutukoy niya. hindi 'yun sapat para bigyan ko siya ng isang sanaysay o alay, pero sapat para muli ko siyang buhayin hanggang ang imahinasyon ay magkabuhay na rin.

sapat ang lahat, ang nalalaman ko't hindi, para maalala ko siya sa araw na'to. 'yun e dahil ang alam ko lang, ngayon ang ika-dalawampu't pitong anibersaryo ng kamatayan niya.


ano ba ang alam ko? pupunan ko na lang ng sariling kwento ang mga istoryang di ko alam.


**********

...way back grade 6.

kuya alvin: rj, gusto mo ng pabango ni John Lennon? idol mo 'yun di ba?
peso: oo, saan meron?
kuya alvin: may binebenta e...
peso: ano ba amoy nun?
kuya alvin: nasaan na ba si John Lennon ngayon?


**********

salagubang

grade 5 ako nun nung bumili si tatay ng piratang beatles na CD. nakalagay sa cover na bluish-gray e "the beatles love songs". 27 tracks 'yun, over 1 hour of music. pero ang nakalagay sa cover is 26 songs lang. lumalabas na bonus 'yung last track - yellow submarine. P100 ang bili ni tatay. ganun pa ang piarata nun, pero tunog digitally-mastered talaga, di tulad ngayon kung saan may remix ni gloc 9 ang yesterday ng beatles.

naririnig ko na ang "beatles" noon pa man, pero wala kong pakialam. pinag-uusapan sila ng mga kamag-anak at pinsan ko, nakikita ko yung early music videos nila sa TV, nakikita ko ang gupit nila sa kapitbahay namin, naririnig ko sa radyo yung let it be (trivia: "let it be" sa tingin ko ang una kong narinig na kanta nila). pero nung gabing yun na nag-uwi si tatay ng piratang beatles CD, dun ko pa lang tuluyang sinabayan ng tibok ang bawat ritmo ng tugtog nila.

nagtuloy-tuloy lang ako, hanggang highschool. di naman ako nagpa-moptop dahil nga bawal sa highschool ang hindi mukhang totoy. yung sinabi ko sa taas, totoong malaki ang naging impluwensiya ng beatles sa akin. (trivia2: december 25, 1st year HS, officially akong tumugtog ng unang tugtog ko sa gitara. ang kanta? "twist and shout". nagresulta yun sa pagkatuto ko sa gitara).

at nagtuluy-tuloy pa, hanggang college. since high school, wala na yata akong ginawa sa internet kundi magdownload sa mIRC ng beatles album, na may mga free trojan virus. nandung magpabili ako ng original CD sa tito kong nagpuntang tate, nagpabili ako ng pirated CD sa kuya ko dahil christmas promo, bumili ako ng sarili kong casette tape dahil yun lang ang afford ko nung bilhin, manghiram ako ng CD sa barkada ko (muntik ko nang arborin, libre lang sa kanya yun sa subscription sa isang american music magazine).

at nagtuluy-tuloy ako, at napagod. pero hindi nagsawa. napagod din ako, di tulad ng mga talagang die-hard fans ng fab four na handang magsuot ng amerkana habang naka-maptop tuwing summer (hands-down ako sa kanila). mula doon, hindi ako tumigil, pero naghanap ako ng iba pang impluwensya sa musika, na sa kahuli-huliha'y napag-alaman kong mga nasa ilalim din pala ng impluwensya ng mga salagubang, uwang, beatlogs, beatless, beatles.

at nagtuluy-tuloy ako, marami akong natagpuan. iba-ibang banda, halu-halong musika. napagod ako, pero lalo ko silang nakilala.


**********

mark david chapman

hindi mo siya kilala. malay mo naman di ba? siya yung pumatay kay john lennon. 4 or 5 shots daw sa likod ni lennon ang pinatama ni chapman. nangyari ang lahat dalawampu't pitong taon na ang nakakaraan, pagbaba ni lennon ng sasakyan, habang papasok sa apartment. ewan ko.

hindi daw mamamatay-tao si chapman. in fact, masugid daw siyang tagahanga ni lennon. pumapasok ang isyu tungkol sa pagkalulong ni chapman sa droga, at ang pagiging obsessed niya sa iniidolo. kabaliwan, ek ek. die hard fan si chapman. paano niya nagawan mapatay si lennon? ewan ko.

buhay pa si chapman ngayon. hindi ko alam kung anong sentensya sa kanya. pero hanggang sa kulungan daw, ayaw na ayaw siyang nakikita ng mga iba pang nakakulong na fans ni lennon. bububugbugin daw. ewan ko.


**********

imagine

tuwing united nation's week, sa eskwelahan namin, laging may program. section by section represented by a country, each student waving the section's country's flag. ang tugtog? "heal the world" ni michael jackson. oops! wala akong sinabing "dapat 'imagine' na lang"...

hindi ko sinabing hindi ako sang-ayon sa heal the world. totoong akma ang kanta. ang heal the world ay isang kantang humihingi ng gamot para sa may sakit na mundo. at ang imagine ay isa lamang kantang hinihiling na masdan mo sa isipan ang isang mundong mapayapang tirhan para sa lahat. ang heal the world ay isang kantang magbibigay ng sapat na pag-asa sa makakarinig. pero ang imagine, para bang hanggang imahinasyon lang ng taong kakanta. aasa lang, habang tumutugtog ang kanta, at pagkatapos, boom-tarat-tarat uli.

ano ang nagustuhan ko sa isang imahinasyon, kaysa sa isang panukalang gamutin ang mundo?

hindi buo ang imahinasyon ni lennon. ni hindi na niya nakita ang pinapangarap niyang maayos na mundo. gusto kong hanapin ang imahinasyong 'yun, at ipagpatuloy sa reyalidad. malabo at may napakaliit na posibilidad, pero mas nakakasabik masilayan.

iminumungkahi ni jackson na gamutin na ang mundo, para sa kabataan at sa hinaharap. pero ipinaiisip ni lennon ang isang masiglang mundo, para sa lahat. at tuwing matapos kong isipin, nagigising akong hinahanap ang mundo na 'yun. gusto ko sanang sumabay sa ikot...gusto kong doon na tumira. higit sa pagkakaisa ng tao, gusto ko ng kapayapaan, na hindi na muling nakamtan sa loob ng mahabang panahon. ang mundong 'yun lang ang meron nun...kaya higit sa paglalapat ng lunas, lumalabas ako sa misyon, para hanapin ang nakita ko sa isip ko, na ipinakita niya sa kantang 'yun.


heal the world is a cure. but imagine is the drugs.


**********






"limitless, undying love..."
~ the beatles, 'across the universe'





--peso--

20071124

revolver

**********


"Please, don't wake me, no, don't shake me. Leave me where i am - i'm only sleeping"
- the beatles, 'i'm only sleeping'



hindi ko masisisi 'yung pinapanood ko kagabi. e sa gusto kong manood e. kung tutuusin nga di ko pa tapos 'yung "one missed call 2" e. kaso inaantok na ako. tutal 11:30 na nun. natulog na ako. pero bago matulog, inalarm ko muna si ultraman 5510: 3:30 am kinabukasan, yun e dahil may pasok pa ako ng 7 nang umaga.

kinabukasan, nagising naman ako nang maaga. nope, wala akong narinig na alarm mula kay ultraman. nagising ako ng 5:30, maaga para sa 7:00. 5:30 dapat umaalis na ako ng bahay pero mukhang tinatamad na akong pumasok. sira na ang mood ko.

umalis din ako ng bahay. papasok. iniwan ko ang bahay nang nakakunot ang noo ganap na 6:45 ng umaaga. 15 minutes to late. parang michael learns to pop, este rock. pero agad namang nawala yung kunot ng noo ko dahil nakasabay ko sa tricycle yung cute naming kapitbahay na hindi ko alam ang pangalan. nakita lang yung libro niya na may nakasulat na "UST: College of Commerce". parang gusto ko na ulit pumasok.

paglabas ko ng highway, pagtawid, as usual maraming FX ang nag-aabang ng pasahero. nga lang, puro Sm-MRT. walang BLUM. pero kung meron man, trip ko mag-dyip dahil sabado naman at walang trapik.

nilagpasan ko ang isang marron na FX. CUBAO-SM-MRT. paglagpas ko, biglang may tumawag sa pangalan ko. si migs pala. sakay pala siya nung nabanggit na maroon na FX na biyaheng CUBAO-SM-MRT. tinawag niya ako at niyayang sumakay. sakay naman ako. sabi magku-cubao daw siya. LRT. ok. LRT ang ruta ko.

**********


peso: magkano pa-cubao?
migs: 25.
peso: bayad ka na?
migs: oo.

*peso nag bayad ng 100*

peso: e sa LRT magkano? hanggang legarda?
migs: 13.
peso: 13? e di 11 lang?
migs: bakit?
peso: estudyante eh.

**********


hindi pa rin ako marunong umorder ng ticket sa LRT o MRT man hanggang ngayon, kahit na mga dalawampung beses na akong sumasakay. binigyan ko na lang si migs ng kinse, at siya na pinabili ko ng ticket. stored value naman ang gamit niya.

kahit sabado pala tayuan sa LRT. three stations away kasi ang cubao mula sa unang istasyon. lalo sa ganung oras, hobby na kasi ng mga estudyanteng gaya namin ang magpa-late. pero trip ko tumayo sa LRT. kahit hindi ka nakahawak makakabalanse ka dahil sa bagal ng takbo. pero mas trip ko pa rin yung mga subsob moments ko sa MRT pag nakatayo.

maganda ang view sa manila. di tulad ng pagsakay ng tren sa japan kung saan makikita mo ang mount fuji, ang makikita mong view sa pagsakay ng tren sa manila ay mga gulong sa bubungan ng squatter's area, mga batang hubong umiiyak, at mga ibong mala-uwak dahil sa itim ng polusyon. maganda ang view sa manila. alam mo na yun di ba?

**********


"I was alone, i took a ride, I didn't know what i would find there.
Another road where maybe i could see another kind of mind there"
- the beatles 'got to get you into my life'



wala pa yatang bente minutos nasa legarda na kami. magmimini-stop daw muna si migs sa may gastambide habang hinihintay ang kaklase niya, at habang nagpapa-late na rin. sabi ko sasama muna ako sa kanya, tatambay muna ako, dahil base sa txt ng kaklase ko, may quiz daw sa 1st subject namin. next subject na lang papasukan ko dahil ayoko pumasok nang late kahit gustung-gusto kong nagpapa-late tuwing alam kong male-late na ako. late-cheng buhay.

nasa ministop na kami, nagtxt uli yung kaklase ko. wala na daw quiz. sabi ko kay migs papasok na lang ako. mula sa ministop, itinuro na lang niya yung daang tatahakin ko sa napipintong paglalakbay ko sa mga kalye ng maynila papunta sa building naming hugis-hotel.

"deretso lang. pagdating mo sa dulo ng gastam, kaliwa konti, makikita mo na 'yung p.campa", sabi ni migs. nagpaalam na ako at nagsimulang maglakad.

aba pucha, mahaba rin pala ang gastambide! pero nung narating ko yung dulo, pagkakaliwa, gumaan ang pakiramdam ko dahil nakita ko na rin sa wakas ang p.campa.

sa loob-loob ko, tutal heto na ang p.campa, malapit na to sa FEU, magliliwaliw muna ako! maghahanap muna ako ng thrill, tutal late naman na ako. lulubusin ko na ang paglalakbay.

mula sa p.campa, kumaliwa pa ako. noon ko lang nabasa ang mga nakitang kalye. delos santos. dalupan. punta akong dalupan. taas-noo. hawak ang pride na malapit na 'to sa school. maya-maya lang, makikita ko na siguro ang lepanto.

kaliwa, kanan, kaliwa, kaliwa, dalupan, delos santos, nawawalang lepanto, kaliwa pa, lumalayong p.campa, naliligaw na landas. nasaan ang FEU? ang UE? aba'y pucha, ayoko na lang bumalik ng daan dahil mahahalata ng mga taong nanghuhula lang ako ng daraanan. baka mapagdiskitahan pa ako pag nalamang hindi ako taga-doon.


"Please, don't spoil my day, I'M MILES AWAY. And after all i'm only sleeping"
- the beatles, 'i'm only sleeping'



sana nga sleeping lang ako. kaso hindi e. gising na gising ako. nakakakita ako ng mga estudyanteng nakapula, NSTP siguro, ng anong school? nakakakita ako ng mga jeep na hindi ko alam kung saang impyerno bibiyahe o kung sinong demonyo ang isasakay. nakakita ako ng mga pedicab boys na alas-otso ng umaga tumataya ng pustahan sa tong-its. napadaan din ako sa isang lupon ng hiphop na nagtatawanan (pinakakinatakutan ko sa lahat). napadaan din ako sa isang malapit-nang-maging-squatter na structure na mga bahay. dumaan ako sa kalyeng may mga batang nagkikiskis ng watusi sa tae ng aso. marami pang nadaanan - mga aleng naglalaba, mga mamang hubad, mga pulubing namumulubi. may nakabangga pa nga akong girlaloo e.

kanan pa, kaliwa, walang balikan. hawak ang pride na malapit na ang eskwelahang kanina lang e ayaw pasukan, pero ngayon e gusto nang yakapin, h'wag lang magkatotoo ang mga masasamang iniisip na posibleng mangyari habang nilalakad ang malungkot na bahagi ng maynila.

maya maya, sa may kalayuan, may nakita na akong isang daang nakalutang sa langit. nilapitan ko 'yun. hindi ako nagkakamali. nakalutang ang daanan sa langit. lapit pa. riles pala ng LRT yun. sabay tingin sa streetsign - legarda.

sa paglalakbay kong 'yun, sa legarda ako nagsimula, iikot ako't sa legarda din pala babagsak. walang no choice. pihit pakanan, papuntang recto. nang matapat ako sa UE, isa lang ang naisip ko: ang kaklase kong si ben na kamakailan lang e naholdap sa tapat mismo ng UE recto, natangay ang n70. buti naman walang nanutok sa akin.

pihit pakanan, papuntang lepanto. ito yung kalyeng kanina ko pa inaasam na maapakan at malakaran, pero pinagkaitan ako ng mas maagang pagkakataon. sa wakas, malapit na ako. pihit pakaliwa, at natanaw ko na ang building naming hugis-hotel.

papasok na ako.

**********


hindi muna ako pumasok ng room. hihintayin ko na lang matapos ang subject, kahit walang quiz. ayokong pumasok ng late. tumambay muna uli ako sa may lobby ng 6th floor, nagbabasa ng libro. naabutan ako doon ng isang kaibigan, at ikinuwento ko sa kanya lahat ng nadaanan kong paglalakbay nung araw na yun.

peso: naghahanap kasi ako ng thrill e.
kuya rye: thrill? o trip? makikita mo na lang ang bangkay mo dun, kinikiskisan ng watusi ng mga bata.

alam kong katangahan ang ginawa ko. ano nga ba nasa isip ko nung makita yung p.campa at hindi pa ako doon tumuloy? naisip ko kasing kapag sinabing 'p.campa', andiyan na yung overpass pa-morayta. hindi ko inisip na isang mahabang kalye nga pala ang p.campa.


"She said I know what it's like to be dead"
- the beatles, 'she said, she said'



bakit ko pa kasi hindi sinunod 'yung payo ni migs?
tsaka bakit ba kasi hindi ko narinig ang kiriring ni ultraman?
o bakit ko pa kasi pinanood kagabi 'yung 'one missed call 2'?






--peso--

20071119

comsci. nursing. stats. accounting. (after math)



**********

for two days, ok ako. at nung second day, inisip kong baka nga "it's for real". na hindi talaga ganun. a sad ending may be, but happy enough to accept the fuckin' fact.

we left in good terms. besprens.


**********


for two days, ok ako. pero nung third day, naramdaman kong di pala. hindi ako mapakali to the extent na labas ako nang labas ng room nung lecture. (trivia: may klase ako sa 4th floor, lumabas ako at nag-CR sa 6th floor, without realizing na may CR nga pala sa 4th floor).


sari-saring future-pictures ang nag-i-slideshow sa utak ko. kung anu-ano. wala na akong maintindihan.

halu-halong boses na rin ang naririnig ko. galing sa akin? o sa kunsensya ko? o sa kwento ng iba? o sa payo ng ilan? o sa kanya - pinapasuko na ako?

hindi ba tama ang naging desisyon ko? o may tama na ako?




**********


finance


now i have these three reasons on why i must restore my deleted hope:

1) wala akong ibang nililigawan.
2) wala siyang boypren.
3) wala akong kakumpitensiya sa kanya.

all i had decided was due to stress. i just wished my three reasons would restore my deleted hope.

naniniwala akong we left in good terms - besprens. pero naisip kong magiging huli lang ang lahat kapag hindi ko na naririnig yung "bells on the hill" sa kanta ng beatles. isang kahangalan ang ginawa ko. at sa buong buhay ko, parang nalaman kong ang pinakamahalagang bagay na itinuro niya sa akin ay ang hindi pagsuko. i may really lose when the right time comes, but no matter what, at least i already learned my lessons.



*********

kelangan ko pa ba ikwento? well, the next tuesday, october 30, nagpunta ako sa kanila. sembreak naman e. tutal, mayo pa kami huling nagkita. binigyan ko siya ng flower. white roses. gusto niya yun eh. peace offering? hindi siguro. siguro dahil siya lang ang alam kong makakapag-restore ng deleted hope ko.

"ngayon pa lang ako nakatanggap ng bulaklak galing sa manliligaw ko." ~ mimitaba

pero desisyon ko naman daw ang lahat. kahit daw sabihin niyang mag-give-up na ako, pero ako 'tong makulit na parang pwet na susunod-sunod, wala na daw siyang magagawa dun. oo nga naman. siguro nga, ako na ang pinakamakulit na na-basted sa buong mundo. (to YOU: ilang na ilang ka na for sure! =p)

pagkatapos nun, aba parang wala lang! nag-laptop na kami, electrico, nag-keyboards, naggitara, nagchess (hindi pala), nagtawanan - parang 4th year HS pa rin kami.

siguro nga kelangan namin kalimutan lahat ng lungkot na nakaugnay sa aming dalawa. sa ganong paraan, hindi man kami, kami't kami pa rin.



"alam kong hindi pupwedeng maging 'tayo'. pero minsan nag-iiba ang ikot ng mundo"
~ soapdish, 'ewan ko'




we still are in good terms. besprens.



**********







"if you want to catch a butterfly...don't run after it, instead sit down and open your hand. it will just land on your palm when it needs to rest... that's the way to find LOVE..."





--peso--