20071112
comsci. nursing. stats. accounting. (part 4)
accounting
**********
maglilimang-taon na...at natuto na akong hindi maging emo. siguro dati wala pang kontrol, normal pa sa mga totoy. inihanda ko na rin ang sarili kong ganito, kaya wala nang saysay ang pagpapaka-emo.
maglilimang-taon na rin kaming magkakilala. pero higit pa dun, maglilimang-taon na kaming magkaibigan. dalawa't kalahating taon na rin siyang pumipindot ng calculator at naglalatag ng banig-banig na 12-columns sa sahig kakagawa ng assignment sa accounting.
accounting? binalak kong kumuha ng kursong accounting. plano ko yun nung 3rd yr HS pa lang ako. kaso nagka-subject akong accounting nung 4th year HS, at na-discourage ako dahil sa berdugong adjusting entries na 'yun. 4th year HS, nalaman kong mag-a-IT siya. kaya nagdecide akong mag-CS. 1st year college, nabalitaan kong nag-accounting siya.
marami na akong maiku-kwento tungkol sa kanya. pero alam mo naman kung tungkol saan ang tema ng serye na 'to. then let's have a recap:
1st year HS
recognition night. una ko siyang nakita. star struck ako. yung mukhang yun...yun yung ideal girl ko eh. sa sobrang mangha, di ako naka-akyat sa stage para kunin yung award ko dahil di ko narinig yung MC na tinatawag na pala ako. pero sa mga pelikula lang yun nangyayari.
grades card distribution. and she was in yellow. nakita ko siya, papasok sa school para kumuha ng grades card. kaso, pauwi na ako nun. nagkasalubong kami. hindi niya ako napansin dahil hindi naman kami magkakilala. aba'y parang pelikula talaga ano?!
2nd year HS
inexpect kong kaklase ko na siya. kasi natawag siya sa recognition night eh. kaya nung 1st day, yun nga! kaklase ko siya! at nagsimula na ang kabaliwan ko, na ang dala e pag-atake ng sakit kong ilang taon ko ring tiniis. sakit na kung tawagin ay "emoisis". =p
2nd year din ako nagtapat na crush ko siya. crush pa lang. pampelikula! nung year din na yun siya nagtapat sa akin na wala daw akong pag-asa. kung hindi ako nagkakamali, ang date nun is march 03, 2003. memorable for its date - 030303 or simply 03X3. oha! natatandaan ko pa yan!!! =p
3rd year HS
walang memories. meron ba? wala akong maalala dahil nandito ang lahat ng ilangan sa buhay. outcast kami pareho sa isa't isa. isa lang ang naaalala ko.
magkagrupo kami sa dance sa PE, at pinagkaisahan kami nung dalawa naming kagrupo kaya kami ang ginawang partners. nung nagpapraktis na kami for the first time, may portion nung sayaw na hawak-kamay (yeng constantino). kaya nung magkahawak na kami ng kamay, bigla niya akong tinanong: "o? bakit nanginginig ka? pasmado ka ba?"
4th year HS
siguro dito ko ilalagay lahat ng tuwa ko sa buong buhay ko. she officially proclaimed me as her bestfriend among all the boys. hindi bestfriend ha! hindi rin boyfriend! bestyfriend among all the boys. ibang treatment yun. nakakatuwa. araw-araw kaming naglalaro ng bato-bato-pik. =p
nung mag-field trip kami sa star city, maggagabi na nun, wala na kaming ibang masakyang rides. hinawakan ko siya sa kamay, sabay kaladkad papuntang ferris wheel. nandun kaming dalawa sa isang car. napakasaya kasi...basta.
1st year college
we stayed the same. constant. unifrom. stable. pero nung september 22, ialng araw bago ang bday ko, she told me the thing she told me once way back 2nd year HS. "bestfriend lang talaga e...". tyempong tyempo!!! may report ako nun kinabukasan, may bday ako sa isang araw, at parang may taning na bigla ang buhay ko.
october that year, makulit ako eh. kinausap ko siya nang harapan. umapila ako sa korte. tinanggap niya naman ang panig ko. back to zero kami. again. again. pero besprens pa rin.
2nd year college
mahirap alalahanin pag bago pa eh. mmm...check mo blog niya, baka may mahukay kang kwento: the uncertain world.
**********
sa lahat ng naging kaibigan kong babae, siya lang talaga ang niligawan ko (nanliligaw nga ba ako?). at bilang ganti, dahil ako pa lang daw ang unang nanligaw sa kanya (nanliligaw daw ba ako?), ako pa lang din yata ang may pinakamaraming rejectins na natanggap galing sa kanya. yung nabasa mo sa taas, dalawa lang yata yun, pero hindi pa yun ang lahat ng kwento. sustansya pa lang yan, wala pang rekado.
kung tutuusin, masyadong risky ang ginagawa ko. ilang beses na rin niya akong sinabihan na sumuko na daw ako, na h'wag na lang ako umasa, na try ko daw dumial ng ibang numero, dahil walang kasiguraduhan lahat ng pinaggagagawa ko. tunog negative, pero ang dating sa akin, what if not? ganun siguro ako kakulit. mahirap na raw magbakasakali, pero lahat naman kasi mauuwi lang sa bakasakali. wala naman talagang sigurado eh. nandito na ako, bakit di ko pa lubusin?
sabi nga ni kaibigang madel: "well, if you're friends because you really are.. ok lng. pero kung friend mo lng sya dhel hnhntay mo ang knyang oo, it's unhealthy". am i risky? or just dumb?
**********
october 23, 2007
final rejection. due to continuous hurt and pain and downfall, i officially received her final rejection.
"sa tingin mo ba kung maggi-give-up ka mas makakabuti sa'yo?"
"i think...yes."
"sige.give-up ka na."
tapos, kusa na akong sumuko. after that moment, i felt very comfortable. lumuwag ang pakiramdam ko. sa loob ng mahabang panahon, ito na yung pinaghirapan ko, alam ko rin namang wala ring mangyayari, tapusin ko na. move on. iniwan ko ang ideya ng pagbabakasakali.
for two days, ok ako. at nung second day, inisip kong baka nga "it's for real". na hindi talaga ganun. a sad ending may be, but happy enough to accept the fuckin' fact.
we left in good terms. besprens.
**********
after that night, i realized to have this premonition happened several weeks ago. let me retrieve it from the latest mail i sent to mimitaba as a part of our friendship ritual:
nga pala, kelan lang nag-uusap kami ni val. may nakita lang kaming pattern. di ko maunawaan nang lubos, pero mukhang siya na yata yung nawawala kong kakambal.
mukhang siya na rin yung tinutukoy ni charles darwin na "missing link".
marami kasing instances e. tulad kanina hinahanap ko siya. sabi nung klasmates ko, hinahanap din daw niya ako. tapos, nagkasalubong kami sa hallway, doon ko lang napansin na naka-blue longsleeve din pala siya, tulad ko. naka-pusod yung buhok ko, tulad niya. parehong itm yung bag namin. pareho kaming may balbas. pareho kaming weird mag-isip. magaling siya mag-program, pero magaling ako sa music. parehong-pareho talaga. mas gwapo lang ako.
anyway, here's the pattern we've found (habang nag-uusap kami sa SM):
1) tinanong ko kung kelan bday niya. sinagot niya ako: Nov.07.
2) bigla kong sinabi: ganun? Nov.06 si mimi eh.
3) sabi niya: o? ayus ah! yung "loyal"* ko, Sept.27 'yung bday eh.
4) sabi ko: ay galing! magkasunod kami ng bday!
*loyal - tawag niya dun s girl na talagang minahal niya since HS (or i think, sa pagkakaalala ko, elementary pa daw), pero HINDI naging sila.
well, sounds like this is another charles darwin case. but still THERE is another missing link here. alam mo kung ano? kita mo ba yung analogy?
=D
esep-esep...
**********
labing-siyam na taon na ako. natutunan ko nang hindi maging emo. pero hindi pala normal yung ganun. sapat na sigurong itago mo...para hindi ka magmukhang OA. pero kahit anong gawin mo, hindi mo maikakailang nagdaramdam ka - tuwa man o lungkot - dahil may nakaraan ka at tumatakbo ka.
at least, not overdosed.
--peso--
20071019
comsci. nursing. stats. accounting. (part 2)
nursing
**********
taba: pareng chelle, tignan mo!
pare: alin?
taba: ayun o! 'yung 1st year...
pare: 'yung babae? o nakita ko. bakit?
taba: 'di mo ba kilala 'yan?
pare: hindi e. sino ba 'yan?
taba: kilala mo naman sigurado si rei ayanami 'di ba? sa evangelion?
pare: si rei... oo, bakit? ... ay shit! hah?!!! si rei nga pare!!!
nakita ko na siya long before ako mag-highschool (grade 5 or 6). nasa TV siya. pinalabas siya sa channel 2. at noong nag-highschool na ako (3rd year), tuluyan ko na nga siyang nakita. wala na siya sa TV. buhay si rei ayanami.
sino nanonood ng evangelion, taas ang kamay! mahilig ako dati sa cartoons/anime, pero hindi nanonood ng evangelion. pero nung nakita ko si rei ayanami sa TV (that mala-hentai after-shower scene with shinji), siya na ang ginawa kong favorite anime character ko. na-inlove kasi agad ako sa kanya. sinabi ko sa sarili ko na "ito ang magiging ideal girl ko...". wala nang palitan. siya na talaga. wala na akong pakialam kung mas maraming nagagandahan kay asuka kesa kay rei. wala na rin akong pakialam kung marami pang mas magagandang babae sa iginuhit na pinilakang tabing. basta, si rei ayanami lang. although, hindi ko pa din pinanood ang evangelion.
dumating ako sa puntong nakakulong na ako sa imahe ng isang drowing na anime character, na alam ko namang hindi nga naman mabubuhay para sunduin ako. ang alam ko lang nun, gusto ko na ring magpakulay ng buhok - blue. pero salamat na rin kay rei at nakalaya din ako. 3rd year, nakita ko si rei ayanami na gumagala sa quadrangle. dumating siya para sunduin ako???
mahirap paniwalaan na makikita mo ang isang taong hinahangad mong makita sa loob ng mahabang panahon, na alam mong imposibleng mangyari dahil una, alam mong hindi naman talaga siya tao, at pangalawa, dahil alam mong nakakulong ka lang sa imahinasyon pero ayaw mong bumangon dahil masarap matulog at managinip. nakakatuwang mahirap paniwalaan, dahil kung sa imahinasyon ko lang siya nabuhay, wala akong inaasahang may kamukha siya sa school! at ang masaya, adviser pa niya ang rakistang teacher ko sa science!!! wala nang mas si-shit pa!!!
**********
taba: jabo, di ba ka-service mo 'yun???
jabo: oo. kaklase nga yun ng kapatid ko eh. bakit? crush mo?
taba: oo e. alam mo number niya?
jabo: mamaya, tatawagan kita. itatanong ko sa kapatid ko.
taba: ok, salamat!!!
isang magandang pagkakataon na may nakakaalam ng number niya, at kaklase ko pa! (ngayon ko lang napansin na kahit noon pa pala spy na ako =p) mobile and landline number, acquired! pasko noon nang binigay sa akin ni jabo ang number ni rei. walang duda na si jabo ang santaklaws ko...at niregaluhan niya ako ng isang buhay na action figure, at life-size pa!!!
natatandaan ko pa 'yung unang text message na ini-forward ko sa kanya. galing 'to originally sa biology teacher ko na sinend sa akin nung Sept. 22, 2003, 10:14pm (na hanggang ngayon, nasa inbox pa ng cp ni nanay!):
"nEvEr frOwn, EvEn whEn U ArE sAd, bcOz U nEvEr knOw whO Is fAlling In lOvE wIth yOUr smIlE.tO thE wOrld U mAy bE 1 pErson, but tO 1 pErson U mAy bE thE wOrld..."
siyempre, as expected, ang reply niya diyan is: "hu u?"
at nagpakilala na ako. sabi ko, kabarkada ako ni Jr, na crush nung kaklase niyang mataba (follow the link, she's at the far right). sinabi ko sa kanya 'yung pakay ko, sinabi kong gusto kong makipagkaibigan. nakakahiya mang ipagtapat, pero sinabi kong kaya ako nagtext e dahil kamukha niya 'yung favorite anime character ko. sinabi ko din na h'wag sana siyang magalit dun sa kaklase niyang nagkanulo cp# niya para ibigay sa akin. "'yun lang naman, merry christmas!", huling sinabi ko.
sabi niya, ayos lang daw yun. merry christmas din daw. nagbabay na siya dahil may ipinagagawa daw sa kanya.
taliwas sa pagkakaalam kong ugali ni rei ayanami sa evangelion, nakakatuwang isipin na napakagiliw sa new txtm8s nitong rei ayanami in-person. 'yun ang akala ko.
**********
after christmas and new year, hindi na ako nakatiis. tinawagan ko siya sa phone. here's the funny scene:
taba: hello, pwede po makausap si *$#@%^!*?
(^o^): sino to?
taba: pakisabi po si $%)68...
(^o^): sandali lang ha...
-- after 15 seconds --
rei: hello...
taba: ui, musta na?
rei: sino 'to?
taba: si $%)68, ako yung nagtext sa'yo nung pasko, remember?
rei: a, oo.
taba: musta?
rei: ok naman.
taba: nakakaistorbo ba? wala lang ako makausap eh.
rei: hindi naman.
taba: may ginagawa ka ba?
rei: meron.
taba: a ganun ba... o sige, babay!
-- click --
tinangka ko na rin siyang kausapin nang harapan. tinangka ko na din siyang picture-an. iisa ang finding ko: sa text man o sa phone o sa personal, mailap si rei. hindi mahiyain e. iwas. hindi rin iwas e. para bang pag kinakausap mo siya titignan ka lang hanaggang makatapos kang magsalita, tapos wala siyang reaksyon. hanaggang sa sabihin mo na lang na "o sige, aakyat na ako sa room".
now i'm convinced that everything she is in person looks like the real her on paper. tahimik. short-haired (hindi nga lang blue). serious-looking. calm. unsmiling. reactionless. mysterious. hindi maikakaila, siya si rei ayanami, with cellphone!
**********
ano ang pinakanakakatawang karanasan kay rei ayanami? siguro, 'yun 'yung eksenang nagkita kami sa pintuan ng simbahan. papalabas na kami pareho since tapos na ang misa. kinalabit ko siya, at nakita niya ako. ngumiti ako at kumaway. kumaway lang siya. nakakapit siya sa mama niya. sabay tanong sa akin: "nagsimba ka?"
tanong: anong isinagot ko sa tanong niya???
a: oo, nagsimba ako.
b: hindi, nagsimba ako.
c: hindi, naligaw lang ako.
d: hindi ko nga alam e...ikaw ba nagsimba ka?
e: <ngiti>
f:
i: hindi, nagbebenta ako ng sampaguita. ubos na nga eh. pakyaw!
e ano ang pinakahindi ko malilimutan sa kanya?
long before ko nalaman 'yung mobile/landline number niya, pero nakita ko na siya, nagsimula na akong magdidikit du sa teacher ko sa science na adviser niya. no big deal, dahil medyo close ko naman na talaga 'yung teacher na 'yun, both of us having the same musical interest, and she being my brother's band manager during the earlier battle of the bands. nag-uusap kami ni ma'am sa labas ng room nila. may program nun sa school eh. sa kalagitnaan ng usapan namin, pinalabas na ni ma'am 'yung mga estudyante niya to take participation in the event. in queues sila lumabas, namalayan ko si rei na dumaan sa tabi namin ni ma'am. nilagpasan niya kami, pero having her seen going far, she looked back, as if somebody called her. she looked directly at me. i don't know why. then she looked away again, and went on...
my teacher, having seen me looking at her, and having seen her looked at me: "siya 'yung kinukwento mo sa akin 'di ba? 'yung crush mong estudyante ko? si angeline..."
--peso--
20071010
comsci. nursing. stats. accounting. (part 1)
comsci
* * * * * * * * * *
i used to be (dreaming as) a spy. hindi ako nag-CAT, ni boyscout. pero gustong gusto kong nagmamanman. hindi ako hero pero gusto kong maging invisible tulad ni claude. wala naman akong hilig kay james bond, pero trip ko talagang maging secret agent. (secret agent nga ba si agent 007?)
1 year lower siya sa akin. una ko siyang nakita nung tumakbo siya sa hallway, na parang may kakaladyaan. nakangiti siya nun. tumatawa. para siyang si jang geum. at tama. jang geum ang pinangalan ko sa kanya.
kaya ko naisipang sumali sa groups nila. may yahoogroups ang batch namin, pero as a moderator, may validation kami ng mga sasali, sila wala. kaya pasok agad ako sa groups nila. ang sarap. malaya. pwede mong kalikutin lahat ng top secret files nila. nga lang, h'wag ka magpopost para di ka makilala.
kaya nga hindi ako nagpopost. tumitingin lang ako ng files and pictures ni jang geum. cute talaga. para siyang nagyoyosi. minsan nga gusto ko siyang regaluhan ng isang kahang Hope. pero wala akong ideya kung nagyoyosi nga siya. mukha kasi e.
kung i-check man ng mga mods nila yung members/databse nila, wala na akong pakialam. wala naman akong entry sa database nila e. isa pa, as long as hindi ako nanggugulo.
minsan, bilang spy, ginawa ko lahat ng magagawa ko para malaman ko ang tunay na pangalan niya. at nagawa ko naman. first name, last name, at kahit middle name nakuha ko. nakuha ko na din ang stident number niya pati address, contact numbers, etc. 'yung iba, sa tulong nung isang prof ko na willing daw akong ilakad sa kanya (which i rejected immediately, since i'm spying for the thrill). yung iba, lalo na yung contact numbers, nakuha ko sa database nila.
nakakuha din ako ng stolen pictures niya na ako mismo ang nag-shot. simple lang. customer namin sila nung approj1 eh. sa section nila kami nagdaos ng painting tutorial. kunwari photographer ako ng event updates. parang si superman.
so alam ko na pangalan niya. tatawagin ko ba siya pag napadaan siya sa harap ko?
meron na ako nung address niya. pupuntahan ko ba siya lalo't nadadaanan ko pauwi yung lugar nila?
gagawa din ba ako ng friendster account, tapos friends kami?
mag-aaral ba ako nung dayalekto nila para makapagcommunicate ako sa kanya?
alam ko na rin ang student number niya. i-hack ko kaya ang comlab account niya?
may kopya ako ng landline niya. tatawagan ko ba siya? pero h'wag. mahirap na. matatameme ako. magmumukha akong stalker at hindi spy. siguro, i-text ko na lang siya...
at 'yun ang naisipan kong gawin, kaya mula sa database, kopya ng numero, save, and ready to text!
kinabukasan, magsesend ako ng quote sa kanya. simpleng good morning quote lang. nung isesend ko na, doon ko lang napansin na 12 digits 'yung mobile number na naka-save sa database entry niya!!!
now here comes the theory of permutation, combination, probability, and jueteng. ilang combination ba ng 11-digit valid-mobile-number ang mabubuo ko mula sa 12-digit invalid-mobile-number-stored-in-the-database? siyempre, yung first 4 digits, kelangang i-retain yun. Tip: ##22-2##-####-# 'yung number niya. so madaling isipin na burahin na lang yung isang '2'. aha! SUN pala siya!
ipinaring ko yung numero dun sa kaklase kong SUN din. ayun, tumpak! mali ang number niya! not in service! sinubukan ko na ring tanggalin ang last digit, pero ala pa ring epek. kung ire-retain mo yung first 4 digits, kelangan mo i-cancel ang isa sa walong numerong natitira. lalabas na magkakaroon ka ng walong possible combinations. pero malaki din ang posibilidad na wala doon sa walong kumbinasyon ang tamang numero.
mula sa pagiging espiya, na muntikang mauwi sa stalker, bumagsak ako sa pagiging matematician. doon na ako tinamad. di bale na. lalo na nung malaman ko dun sa kaibigan ko na base daw sa friendster ni jang geum, she's on "a relationship" daw!!!
GOSH!!!!
and the proof comes. it's proven, may bf na pala siya...at mukhang magtatagal sila!!!
proofs:
1) sabi nung kaibigan kong anti-social NA kababayan pala ni jang geum. nagkasabay daw sila sa bus pauwing probinsiya, at nagkuwentuhan na ng talambuhay.
2) magka-ORG kami nung bf niya. nung minsang may training, naabutan ko si jang geum na naghihintay sa labas ng comlab. ano ang gagawin niya sa labas ng comlab na pinagdarausan nung training namin, from 5-7 pm??!!! he's waiting for SOMEONE. kung somebody lang yun, hindi niya yun hihintayin kahit pareho pa sila ng inuuwian.
3) na-check ko mismo ang friendster niya, kahit wala akong account. kasama yun sa trabaho yun ng isang spy.
GOSH!!!
from that moment, i retired from being a spy. nakikita ko pa din si jang geum, at tuwing nakikita ko siya, piling ko kahihithit lang niya ng yosi. mukha talagang magtatagal sila nung bf...and wish them all the happy feet, este happy moments.
pero cute pa din siya. gusto ko nga sana uli siyang makitang tumatakbo sa hallway. nakangiti, nakatawa. sana araw-araw ganun. para at least, hindi na ako araw-araw magmamanman. hindi na ako araw-araw espiya.
--peso--
20070930
the electric within...
finally, i now have the 2nd album of the one of my today's "best bands". 2nd album, yet i don't have the 1st album. it was the 1st album i ordered and requested for. but only 2nd album was able to afford. but still, the electricity flows in new wave. the electric is within...
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
"gudam peso. u can drop by d2 sa ofc 2day 2 get the electrico cd, no need to pay 4 it na daw. kya ng bka hndi kna nya maharap. just txt me pag papunta kna. tanx."
~ ms. abby dividina, 092807, 10:28:43
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^

and so i claimed the CD i ordered last march 31 of this year.
above is the Electrico CD, 2nd album "hip city". with the tag price.
below is the original transcript of my mail of ordering.
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
Name: peso
Subject: electrico
Message: hello rivermaya! :D
ako po si peso, taga-novaliches. sumulat po ako sa inyo
tungkol sa bandang "elctrico" ng singapore.
matagal ko na silang sinusubaybayan, nung 1st time ko silang
makita sa MTV (runaway video). pero wala talaga akong makuhang
album nila (since hindi pa sila nakarelease dito).
then i checked on their site,nakita ko yung tracklist nung
bagong album nila - yung last track, ginawa pala with your
collaboration. at dahil gusto ko talagang maka-avail ng kopya
nung parehong albums nila, gusto ko sanang malaman kung pwede
akong maka-avail nung dalawang albums nila through your band.
nabanggit na rin kasi sa akin dati nung isa nilang member na
friend daw nila ang rivermaya, at kayo lang daw ang tanging
contact nila dito.
yun lang naman. may iba pa kayang paraan para maka-avail ng
albums nila, maliban sa pagpuntang singapore?
yun lang po...maraming salamat!
--peso--
Submit: Submit
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
yes, that was last march. ms lizza nakpil, rivermaya's manager, replied that it was so exactly that they will be going to singapore during the holy week, so she'll just inform me if she can be able to buy a copy for me.
she mailed me sometime during may, that she already had my CD's copy, and gave me instructions on how to claim it. she also referred me to ms. abby (her secretary). sa kanya daw ako makipag-ugnayan since busy siya (ms. nakpil) all the time.
and at this point, maraming salamat kay ms. abby sa pag-assist sa mga tanong ko, sa pagbibigay nung address at tips kung pano pumunta sa office nila. hindi ko po buburahin ang number mo. txt tau! sana po magkita pa tayo. =D
and so, my birthday came (0926). i txtd ms. abby if i can be able to claim it on friday (0928). she said she doesn't know yet. i asked myself why. she said she wasn't able to tell ms. nakpil about it 'coz ms. nakpil still wanted to meet me then.
i told her, the coming friday would be the BEST day to claim it since it's my birthday that day i txtd her. she told me it was a coincidence, that 0926 was also ms. nakpil's birthday, together with the other rivermaya staff. she told me too, "happy birthday".
that day, i celebrated my birthday.
0928, 10:30 am, i read ms. abby's txt whose original transcript appeared above. i asked my mom's help, and so we RUSHED to ayala that afternoon, together with the plan to submit my last two application in the now-going-down CAP.
around 4:30 that afternoon, i came to the office and greeted ms. abby "good morning", which made me feel ashamed. she's so nice. really. that's why i would still txt her. =D
mam lizza's there, but as ms. abby said, she would not be able to meet me since she's busy. after signing, i got the CD, scotchly-taped from a small brown pandesal package, the price's still tagged on, the plastic hardly sealed. for almost a complete 6 months, i waited for the CD to be listened to, and in return the CD waited for its passionate listener.
i mailed ms. lizza this afternoon, and immediately received her reply this evening.
i told her thanks, and greeted her belatedly. i told her i am ready and eager to pay for it, but the way she gave it to me FOR FREE really made me happy. i told her i'll surely play the CD out loud, and that it would be difficult for me to even lend it to anyone since the CD is not released in the philippines and only few i think has a copy here. i told her rivermaya did a very good collaboration with electrico, very good yet rico had just to leave the band. i told her to continue rocking and rolling... with the red and the white, and the yellow, and the blue.
in return, she greeted US a happy birthday. "looks like there was a reason why iwent out of my way to get you the cd :)", according to her. she told me she was really hoping she'll meet me but our schedules just won't go. she even thanked ms. abby. and i thank ms. abby too. =D
************************************
i haven't told electrico about the news that i got their album now. i've been mailing them on how to avail their first album, but no reply replied. maybe the only thing to do is to master COBOL/CICS so i can go to singapore by myself. just for the album... just for the music... quite shallow. but no.
but in all ways, i'll rock and roll just the way they do...
...and thank you, ms. abby, too! =D

--peso--
"and we'll rock and roll just the way we do; with the RED and the WHITE but without the blue."
~electrico, we're not made in the USA
20070926
19 pesos
thank God for this day. i earned 1 peso more.
thanks for my family as well. i am a 19-peso now.
and thanks for all the friends and french out there. i owe you a peso each.
=D
******************************************************
"Ariel, Happy birthday po! yan naka heart yung message ko it means mahal kita, hehe Godbless! muah!" - Raine
"Happy Bday Ariel!!! We love you" - Pretty Cris & Louie
"Ariel, Api bday poh... Wish u ol d best! enjoy the day... lovelots." - ekah & tel
"Ariel, Happy Happy B-day" xeo! Wish u ol da best" - Harold
"To Ariel, HAPPY 19th B DAY PO SAU" - BICEPS
"Ariel, Ho ho ho... Happy Birthday! Though, I still can't believe taht geeks do really exist and have birthdays, still, Happy B-Day! Advance Merry X-mas na din!" - not so loving you, Everizza "Sublime" Castro
"Peso! Happy Bday dude! tnx for the things that you bought upon in this wretched earth... (only thegood ones)" - ??? (si arlan siguro)
"Ariel, happy birthday! thank you for being so nice and friendly =)" - Karla
"Ariel (Pre), Hapi Bday seo pre! Kala mu nakalimutan kita batiin no? hehe.. actually nakalimutan ko talaga.. hehe pro ndi na.. haha. dba las yir nsa dswd pa tau sa legarda nun bday mu. o cge pre ingat.. pakasaya ka, tulad ng dati.." - domz
"Peso Happy B-day peso!! the original s01, pre accounting na lang o di kaya nursing! pre gudluck sa lahat!!! pagupit ka na! wahaha!!!" - Dos, mark
"Ariel, Happy Birthday! Though we're not that close i still wish u a happy birthday! wahehe!" - Rachelle
"Hey 4-eyed, (joke lang...) Happy B-day. 'They may say i'm a dreamer but i'm not the only one. I hope someday they'll join us. And the world will live as one.' " - din
"Ariel, Happy Happy Birthday. Thank you po for being my friend and groupmate and many others. You inspire me to do better in class and in life. You change some of my values. Stay cool. Smile always. Hope you will find true happiness." - lea
"Ariel, Hello po!! gulat ka 'no.. hehe, dahil b-day mo, e2 may letter po kami seo.. HAPPY B-day po!! tanda mo na ah!! Escort ko, ingat ka lage,, & Mahal po kita.. Salamat sa lahat.. Muah.. Aral tau mabuti & pray always.. lovelots" - ICOR
"Tang ina yan! Napilitan aq magsulat n2 peo alam q na ayaw mo ng gan2, hehe, hapi bday dude. good luck sa mga projects natin. Best wishes para sa inyo ni Mimi! hehe I love you Pare! mwah!" - val
"Ariel, PRE HAPPY BDAY!! ILAN TAON NA? 19? PWEDE NA MANOOD SA SINEHAN! HEHE. HUSAYAN MO PA SA PAG-GITARA. NEXT TIME TAU MAG-AUDITION SA RIVERMAYA. HEHE GEH HAPPY BDAY ULI!" - AN2NY
"Tsong, Pare, happy birthday!! Keep it up! Lovelots. P.S. Tnx for being my bestfriend =)" - Aiza
"Ariel, wag ganito Dapat SMILE Heheher" - K. Rye!
"tol happy bday uli! sorry d kta nbati personaly. wish you good health and mor bdays to come!!!" - gerard
******************************************************
-mimi-
092607, 00:04:54
******************************************************
--peso--
20070901
who the hell the hero is?
now tell me, who the hell the hero is?
for you who may be not, but somehow followed the Heroes who are hoped for in saving the world, just tell me who said the following lines:
01) this bomb? if it's true? we're all dead!
02) then i guess you went BOOM!
03) get back to your car, and eat some donuts.
04) ...and that was attempt number six...
05) HELLOOOOOOO NEW YOOOOOORK!!!
06) yeah...like superman!
07) don't forget to thank him for saving your wife.
08) do you want revenge, or you want the truth, YOU CAN'T CHOOSE BOTH?!
09) isn't it you and mom have secrets?
10) look for the mushroom cloud.
11) i find them, you nuke them.
12) we will see in the end who's the fool won't we?
13) i don't come to them. they come to me.
14) WUH!!! WAFFLES!!!
15) i lost my job, and i'm trying not to lose my wife.
16) i know you cheated, i just don't know how.
17) you're right mom. i can even be the president.
18) where...is...the BAEG!!!
19) sorry, i work alone pal!
20) ...ms. miracle grow...
21) go deeper! take anything that would lead them to her!
22) that was a nice jacket...
23) it's funny. i didn't hear your footsteps.
24) peter is invisible? what does that mean?
25) but you kissed me, i thought you love me!
26) ...and i think we both know the hard way.
27) ... ... ... ... ... ... ... ... ...
28) the boogeyman!
29) to be honest with you? NO!
30) linderman wants, linderman gets.
*******************************
so i get by with a little help from my memory. the haitian guy took them all away, so i can't remember them word per word.
just answer.
--peso--
"so hold my hand, and take a bow. the world can do without us now.
when the curtain's open for another show, you can give me a call but i just say..."
~ the mongols, "it's over"


