20070814

hablotter

so, nabiktima ka na ba ng mga hablotter?

parehas ng mga holdaper. kidnaper, snatcher at bouncer, ganundin naman ang mga hablotter na pare-parehong nagtatapos sa "-er". pero higit pa dun, pare-pareho din silang mga masasamang tao, o kung hindi man e bahagyang masama lang dala marahil ng matinding pangangailangan, o kaya e habit.

sa mga hindi pa nakakaalam, hablotter ang tawag ko sa mga taong basta-basta nanghahablot, parang snatcher din, pero mga hikaw, bag at kahit anong bagay na nakalantad ang pinipitik. kapag snatcher naman, e 'yun 'yung mas challenging dahil ang madalas nilang pinipitik e mga bulag, este, mga bagay na nakatago pa sa bulsa o singit nung biktima (halimbawa: wallet, cellphone, listahan ng utang).

naengganyo lang ako magblogger dahil
na-hablotter si taba kelan lang.

*******************************

'yun nga. nahablotter si taba. nahablutan siya ng isang pares ng hikaw. para siyang piningot sa parehong tenga habang nakatalikod. akala siguro nung hablotter, si taba yung kalaro niya sa taguan. siguro kung nakaharap si taba nun, kinagat na niya 'yung walang kamalay-malay na hablotter. masakit mangagat si taba at yun ang katotohanan dahil kinagat na ako niyan minsan nung ayaw kong ibigay yung cellphone niya. hmp!

anyway, sinabi ko na lang sa kanya (kay taba) na hayaan na niya yung hikaw. tulad ng pampalubag-loob na iniisip ng karamihan - baka o SANA nga, matindi ang pangangailangan nung hablotter. pero sabi ni taba, nakamotor daw 'yung hablotter. kung ganon, maniniwala pa ba tayong matindi nga ang pangangailangan niya sa pera???

dito na ngayon papasok yung katotohanan na may mga tao talagang sinasadya o kina-career na ang pagiging masamang damo. minsan siguro nangailangan nga sila nang matindi. pero matapos makapitik ng 3210 para maipanggatas sa anak niya, siguro naisipan niyang pumitik uli dahil "masarap" daw pala. for that second time, 3310 naman. ayan na. palago na nang palago yung koleksyon niya ng cellphone (nga lang e hindi niya iniipon), hanggang sa nakabili na siya ng scooter/motorsiklo. e ang akala niya, tulad ng mga delivery boy ng jollibee na mga nakamotor din, trabaho yung ginagawa niya, kaya napako na siya dun.

pero alam ba niynag masama yung ginagawa niya? ang sagot ay "OO". ikaw ba hindi mo pa gagawin ang kahit anong masama na malayang-malaya mo naman nang magagawa gayong alam mong gutom na gutom na ang pamilya mo? magpapakabusog ka pa ba sa pagkain ng prinsipyong "masama yun eh!"?

alam nilang masama yun, pero hindi nila naisipang pwede pa naman nilang mapabuti ang buhay nila matapos yun. para silang si moses, pero matapos makapatay ng tao e hindi nagsisi.

amen.

*******************************

one time, nagkukwentuhan kaming dalawa ng barkada ko. bahagya akong nakalayo sa kanya dahil nagyoyosi siya at nasu-suffocate ako. biglang may lumapit sa aming mama, particularly, lumapit dun sa kabarkada ko. nakasumbrerong LA lakers yung mama na kulay kupas na dilaw.parang nasa middle-30's 'yung edad niya. may bigote, walang balbas. nakasando siya, tapos naka-short na Chicago bulls. meron ding siyang yosi na nakasubo sa bibig, pero walang sindi. lumapit siyang deretso ang tingin sa barkada ko. hindi ko alam kung anong mangyayari. wala akong ideya nung time na yun. yung barkada ko, masayang masaya pa sa pagkukwento sa akin na hindi niya napapansin yung papalapit na mama. nang makalapit na yung mama sa barkada ko, nagsalita na siya. pabulong:

"boss. pasindi.", sabi nung mama.
natigilan sa pagkukwento yung bakrada ko.
"pasindi, pasindi.", ulit nung mama na nung oras na yun e dumudukot ng kung ano sa bulsa niya. patalim? balisong? swiss knife? jolens? hindi ko alam hanggang sa mailabas niya mula sa bulsa ang isang lighter na green.
"pasindi boss, ubos na lighter ko eh.", patuloy niya.

inabot nung barkada ko 'yung yosi stick niya, habang patuloy ang kwento sa akin. agad namang idinugtong nung mama yung dulo ng stick niya para masindihan gamit ang baga ng yosi ng barkada ko.

sa pagkakakita sa eksena, isa lang ang tumakbo sa isip ko nung oras na yun:
"pwede pa lang gamitin ang sigarilyo sa TV commercial ng Globe Telecoms...", sabi ko sa sarili ko.
"...connecting people!".

umalis na yung mama. tinuloy namin ang kwentuhan.

*******************************

base sa kwento ng mga kakilala ko, ilang beses na raw silang nabiktima ng mga holdaper/hablotter. kung hindi man, saksi sila sa ilang pangyayari. meron akong kakilala na dalawang beses nang naholdapan ng cellphone. meron akong kakilala na tinutukan 'yung GF kaya wala na talagang laban. at meron din namang binugbog pa yung DALAWANG NANGHOHOLDAP sa kanya, dahil nanghoholdap sila eh wala naman palang dalang kahit anong armas.

sabi ko sa kanila, ako hanggat maaari ayokong mabiktima/maging saksi sa mga ganoong pangyayari. lagi nilang sagot sa akin, "lahat naman ayaw niyan eh. sino bang may gusto di ba?".


doon ko lang narealize ang isang bagay. i raised a useless thought.

pero ikaw, ano ba gusto mo - masnatchan/mahablotter o maholdap?
kung tutuusin mas ok na ngang masnatchan/mahablotter lalo na pag hindi mo alam. at least, hindi ka kakabahan dahil walang nakatutok sa'yong kutsara/tinidor. hindi mate-threaten ang buhay mo. pero in bothe ways, makukuha nila ang cellphone/wallet/listahan ng utang mo. sa ganoong paraan, wala ka nang textmates, wala pang pamasahe pauwi! pero may utang ka pa rin.

*******************************

nga pala, may suggestions ako para mailigtas niyo ang buhay niyo sa tiyak na kapahamakan in case malagay kayo sa mga alanganing pagkakataon sa kamay ng mga masasaamang-loob. pero nasa sa inyo na kung maniniwala kayo sa mga payo ko. hindi pa 'to proven, pero pwede niyong i-try kung gumagana nga. email niyo ko pag na-try niyo na, tapos sabihin niyo kung anong epekto pagkatapos.

1) magdala lagi kayo ng cellphone. bagong model man o luma, walang problema yun. kung wala kayong cellphone, aba magpabili na kayo! sabihin niyo sa parents niyo na nahuhuli na kayo sa trend. pero bakit ko kayo nire-require na magkacellphone???

kapag hinoldap ka, at ang hinihingi sa'yo e cellphone, at least may pangbigay ka. kapag wala ka kasing dalang cellphone o wala ka talagang cellphone, at yun ang sinabi mo sa nanghoholdap, baka hindi siya maniwala at lalo ka panag pinatay! sasabihin pa niya, "'yung basurero nga sa amin may cellphone eh. ikaw wala?! GOSH! CHEAP!"

2) kapag nagtetext ka habang naglalakad, at may napupuna kang papalapit sa'yo at akmang may binubunot na, at alam mong holdaper na, at alam mong ang agad niyang sasabihin sa 'yo e "AKINANGSELPONMO!!!" paglapit niya, malayo pa lang siya, ibato mo na yung cellphone mo sa mukha niya kahit hindi ka pa nakakapagsend. sundan mo ng karipas ng takbo! swete mo kapag nakalayo ka't hindi na hinabol nung holdaper, ligtas na ang buhay mo! malas mo kapag hindi naman pala ikaw yung hoholdapin kundi yung katabi mong lantad kung mangalikot ng iPOD.

3) kapag natutukan ka na ng holdaper, tapos inilabas mo na ang cellphone mo at handa mo nang ibigay, magdalawang-isip ka muna. humarap ka sa kanya, h'wag mong ibigay ang cellphone mo, at sa halip e ibalibag mo sa lupa yung cellphone. kelangan malakas, para madurog yung cellphone. sabay sabihin mo ang mga katagang 'to, (kelangan eksakto ha):

"ITO BA?! ITO BANG CELLPHONE NA 'TO ANG KELANGAN MO?!!! PWES! WALA NANG MAKIKINABANG NITO SA ATING DALAWA!!! (sabay balibag ng cellphone sa lupa). AYAN NA! KUNIN MO! WALA NA AKONG PAKIALAM DIYAN!"

malas mo kapag nagalit yung holdaper dahil sasaksakin ka niya kasi sinira mo yung profit niya. pero malas ka pa din kapag sinabi niyang hindi niya na rin kelangan nung cellphone dahil sinira mo na, kaya maghahanap na lang siya ng ibang biktima. salamat na lang daw sa pag-entertain sa pakay niya.

******************************

so inuulit ko, hindi pa proven yung mga nabanggit ko sa taas. kayo na ang bahalang mag-try, tapos sabihin niyo sa akin yung update.


have a safe trip.





--peso--

20070807

Heroes: "Chapter X"

22 down, one to go.

will ted haunt sylar after the latter ate the former's brain?
will hiro able stop ando from stopping sylar and stealing his katana?
will micah vote for the SK election after manipulating nathan's result?
will peter able to stop sylar from exploding?
will sylar able to stop peter from exploding?
will DL buy a new skin whitening bottle after niki comsumed them up all?
will this be the end of the world and the end of my "will this" questioning?

want answers? watch nbc's HEROES season finale, this coming sunday, 8:00 pm at RPN 9.

else, just find a DVD copy along recto. val got his copy somewhere there.

***********************************

remember JLS (jennifer lee syndrome)? well i'm free from it now. but nowadays, i find myself under the manifestation of another syndrome i would call JZS, or the "
jessica zafra syndrome". don't worry it's nothing. it's something completely nothing. i just observed myself fond of writing in pure english. writing yes, but speaking no. anguish.

it all happened after reading my classmate's "twisted 3". the moment i saw that book in their shelf i didn't hesitate to hug it, excited to read aloud and orally. i was excited at it because i never had that book in my entire life, though i always had the chance of purchasing it. yes, i have the money but i don't have the heart to spend my money in it. i dunno.

until i read the book, that's the only time i find its worth. someday i'll surely grab a copy of it. or maybe, i'll just have otep's copy photocopied.

***********************************

anyways, that's not my intention. it's about Heroes, the nbc series i'm addicted into. i failed to watch last night's episode but still recovered from unknowing what happened with the help of a friends's spoileressness. and i can't help him from being a spoiler, it's me who made it that way. he's just paying back whatever unthrilling narration i made during the times when i'm telling him about the
Heroes Novels, which has the series' deleted, substories, and behind the scenes.

now i am done on a successful mission of converting a friend watching smallvile then. but after recommending a Heroes chapter a night before he sleep, asked him again after several days, i found out that he fell in love with Heroes more than he felt crush on the modernized superman. He even liked the haitian guy's bald head than lex luthor's. and as well as my brother and sister, they even left kristin kreuk behind after seeing nathan flying, claire regenerating, hiro gobbling his cheeks, and parkman reading your mind.


so if you don't watch the last episode this coming sunday, it would be a loss. you will have to get a DVD copy and start watching it. or if it would be your first time to watch the last one this coming sunday, then i do wish you'll crave for the preceding 22 episodes.

***********************************

ok, ok. unconvinced yet?

so i got to share you this very isolated Heroes novel i got. different from the typical Heroes novels nbc published, this one stands alone in a single comic strip. the characters involved plainly have no relation to the actual casts, but since this is a Heroes collectible, you got to see this.


Heroes: Chapter X


Heroes: Chapter X (the blabs)


want this episode? so i'm giving this for free. right-click on the image and select "Save Picture Ass...". you can even set it as your desktop background.


until then. and so, i'm leaving a message for you:

be the one we need!!! save the cheerleader. save the world!!!


***********************************

p.s. i don't know if i'm going on to JZS until when. whatever may happen, up to the point that filipinos will not understand my words anymore, please pray for me and greet me get well soon.





$$dollar$$

20070727

the only GAY i'd ever loved most...



WANTED/MISSING:

the missing bading

  • name: Bakleng
  • fullname: Bakleng
  • alias/es: Bakla, 'Kleng, Adongis, Pssssst!, Hoy!, Gago!, Bakleng
  • physical description/s: 10 inches tall, 2 feet long (dati), kulay maputlang dilaw, putol ang buntot, bulag yung kaliwang mata, paos ang boses, mutain, moptop yung gupit, marunong mag-mano sa mga nakatatanda, gwapo pero bading
  • last apperance: July 22, 2007 - outside de guzman residence

  • anyone who'd seen it ALIVE, please contact 09208914938 / 9375055 (wala nga lang reward). ELSE, pakibigyan na lang ng maayos na libing. we are not willing to see it dead.

    **********************************

    at sa lagay nakuha pa kitang paglaruan.

    hindi ka naman naiba sa karamihan nang napadaan sa amin. actually, we are all expecting this to happen, that you would soon leave. kaya hindi na masyadong masakit para sa akin, di tulad nung mga nakaraang taon. pero para sa kapatid kong bunso, lagi pa rin siyang umaasa na uuwi ka uli para kumain, tulad ng katamarang lagi mong ginagawa (uuwi kumain, tumae't matulog). pero paano ka uuwi para kumain kung nitong huli, hindi ka na daw makalulon?

    sayang, nakila otep kasi ako nung linggo. nung linggo daw kasi 'yung huling aparition mo sabi ni tatay. pinakain ka pa daw nun pero ayaw mo daw. hindi ka na daw makaakyat sa drum na tulugan mo. ganun ka na ba kahina nun? ganun ka na ba katanda, ha bakla?

    naalala ko si zenki (aso ni tita) bago siya mamatay. nung pinuntahan daw siya ni kuya, bigla daw 'yung sumigla mula sa pagkakaratay sa banig - tinignan si kuya, winagayway yung buntot - katulad ng pagwawagayway ng tao hang nagsasabi ng "babay!". 'yun daw 'yung huling eksena sa buhay ni zenki na masaya siya. kahit hindi si kuya ang amo niya, pinilit pa rin niyang magpakasigla kahit sa huling minuto. 'yun daw e dahil gusto niyang pasalamatan 'yung kuya ko.

    umalis ka daw nung linggo, at hanggang ngayon "missing" ka pa rin. umalis ka ba dahil umalis din ako? hinahanap mo ba ako? trip mo pang gayahin si zenki...lols! sabagay 'di kita masisisi - kung dati pang katabi na kita sa pagtulog.

    nung isang gabi, napag-usapan namin lahat ng hirap mo dito sa bahay. reminiscing moments. naandun 'yung nahulog ka mula sa 2nd floor ng bahay namin, inaway ka nung tatay mong laog, naipit ka sa bintana, naputol 'yung buntot mo, nabulag, natinik sa loob ng isang linggo dahil sa katakawan, napalo ka namin ng tsinelas dahil wala kaming magawa, natadyakan kita sa ulo dahil stressed ako galing school, sinipon, inubo, plinema, nagka-amoeba, minura, sinigawan, tinawag na "bakla". at ang pinakamatindi sa lahat - hindi ka nagkaanak - dahil walang pumatol sa 'yo. lahat ng binalak mong "anuhin" inaway ka lang. 'yun e dahil bakla ka nga. lahat 'yun napag-usapan namin. pero ngayon, kami naman ang medyo mahihirapan. nakakapanibago.

    sabi ni nanay, bukas naman daw 'yung bahay kung babalik ka pa. pero dapat pala isinara namin 'yung bahay para di ka na umalis. nasaan ka ba kasi? tinapon ka ri ba nung cat-hater-man? pinulutan ka ba nung mga lasenggo sa kanto? nag-grocery ka lang ba? o dahil sa katandaan at karamdaman, talagang oras mo na? sa lahat ng posibleng dahilan, sana umalis ka dahil alam mong ayaw ka naming makitang dito pa mamatay.

    gayunpaman, sana kasama mo ngayon lahat ng naging alaga namin dito - lahat ng isinama namin sa bilang ng mga kakain tuwiong kakain na rin kami. one last request - tipunin mo sila. tapos magdaos kayo ng miting de avance. sabihin niyo sa lahat ng hayop na kasama kayo sa mga pinakamasuswerteng hayop na nilikha ng Diyos - dahil minsan sa mundo, dito kayo tumira sa amin.

    alam kong hindi ka tao kung mag-isip, pero alam kong hindi ka din nakakalimot tulad ng hindi namin paglimot sa 'yo. kung sino man ang may hawak sa 'yo ngayon, ok lang 'yan. pero h'wag ka sanag magpalit ng amo - dahil hinding hindi kami magpapalit ng alaga.

    sayang. sana naturuan kitang magbasa dati. gusto ko kasing mabasa mo huling tribute ko sa'yo. kabalbalan siguro 'to para sa iba. pero kung may mang-asar man sa akin dahil madrama ako s post na 'to - ipapakita ko sa kanila 'yung itinuro mo sa akin. kakalmutin ko sila, sa ngalan mo.

    ingat lagi. God Bless. MWAH!!!



    R.I.P.(+)

    "Bakleng"
    the only GAY i'd ever loved most...
    (1999 - 2007)





    --peso--

    20070713

    a cross tick

    ******************************************

    about face

    base sa wikepedia (the number 1 source of plagiarized assignment for lazy students):

    "An acrostic (from the late Greek akróstichon, from ákros, "top", and stíchos, "verse") is a poem or other writing in an alphabetic script, in which the first letter, syllable or word of each verse, paragraph or other recurring feature in the text spells out another message. A form of constrained writing, an acrostic can be used as a mnemonic device to aide memory retrieval."



    eto ang original link -->


    ******************************************

    about the text

    and then, nagpuyat ako para gawin 'yung assignment acrostic nung kapatid ko para dun sa biology subject niya, since ang teacher-adviser niya dun e 'yung teacher-adviser ko din sa subject na 'yun way back 2nd year high school. ok naman.

    pero kinabukasan - mga alas-kwatro nang madaling-araw, nakita kong nire-rewrite na nung utol ko 'yung acrostic - na pinagtulungan nila ni nanay. ayaw nilang gamitin 'yung akin.

    sabi ko sa utol ko, kapag nabasa nung dati kong teacher 'yung tula kong isa-submit niya, exempted na siya for 2 quarters, at 3rd quarter na uli siya papapasukin.

    simple lang ang sinabi nila sa akin - hindi nila gagamitin 'yung ginawa ko dahil hindi pang-2nd year highschool ang grammar/composition.

    e mayabang ako! kaya eto 'yung ginawa ko, kung hindi man 'to angkop para sa mga 2nd year high school, ikaw ang judge ngayon...

    ******************************************

    Spills of oils in falss and sea
    A smoke from Hope and cars we see
    Vasts and masses of garbaged land
    Emit by mind and thrown by hand.
    Too disrespect and much of dirt
    Hurts the life of this lonely earth.

    Enough - fishing by dynamite
    End factories that smoke so tight
    Arise and clean each town and street
    Ruled by heart, let us work on fleet.
    Too much of love and care accord
    Helps the life of this only world.




    ©peso071107. all rights reserved. all wrongs preserved.

    ******************************************


    about the author

    malamang hindi mo pa siya kilala.

    si peso ay ang blogger sa blog na 'to at ang may kinalaman sa mga buger sa ilalim ng double-deck na kama nila sa kwarto. madalas siyang kumakain sa jobidex (a.k.a. "first five"; "six-seater"), pero wala siyang hilig kumain ng jollibee at pokedex. kasalukuyan siyang naaadik sa nbc series na Heroes at kasalukuyan ding problemado kung paano magkakaroon ng sariling kapangyarihan tulad ng kay sylar o kay peter petrelli. kahit na frustated cheerleader/ballerina, masaya pa rin siyang napapaindak sa mga kanta ni lily allen.

    malamang hindi mo pa rin siya kilala.











    "save the cheerleader, save the world. be the one we need!"
    ~ hiro nakamura




    --peso--

    20070701

    opining blues

    june 10 ko 'to huling pinublish, inupdate. after ten days from now, isang buwan na akong hungkag. but i won't.

    **************************************************

    rico (na)blanco


    confirmed na ba? na wala na si rico sa rivermaya? hmm, hindi na kasi ako fan ng rivermaya simula nung magrelease sila nung soundtrack sa spirits - you'll be safe here. tapos, ginatungan pa 'yun nung pagrerelease nila nung "you'll be safe here EP collection" na sa tingin ko e malinaw na pag-aaksaya ng pera sa kabila ng pagiing collection nito. apat na versions kasi nito ang nakita kosa mga records bars - each cover containing the words "you'll", "be", "safe", at "here". kung kokolektahin mo 'to, aksaya 'di ba?! tapos nagrelease naman sila ng "greatest hits rivermaya" na mas malinaw na pag-aaksaya ng pera. kumbaga sa beatles, disbanded na pero binubuhay pa rin sila john at george kakarelease nung mga "remastered versions". SEMS!

    tapos lately, nag-release sila ng album na kung hindi kikilatising mabuti ng mga tagapakinig, hindi nila malalaman na ang album na 'yun eh naglalaman ng mga kantang ibinayad nila sa mga "idols" nila. yes, all but one in that album are revived from underground ancient OPM bands. (na kung tutuusin pa, eh halatang 'yung album na 'yun ng rivermaya ang pinaggayahan nung We Stand Alone Together ng bamboo.)

    tapos 'yun nga, hindi magdidisband ang RM, pero aalis si rico. nandoong magsosolo daw, gagawa daw ng sariling banda, mag-aartista, etc. etc.

    kung magsosolo siya, mangyayari para siyang si sting na umalis sa the police. ok din, pero h'wag sana siyang makipag-partnership nang tuluyan kay luke mejares habang kumakanta ng 214.

    RM: Am i real? (214?)
    luke mejares: Am i fuck? (214?)

    kung gagawa naman si rico ng bagong banda, ok din pero magmumukga siyang barbie almalbis o kitchie nadal bukod sa hindi siya babae. tulad nung dalawang musikerang nabanggit, iniwan nila ang barbie's cradle at mojofly (respectively) tapos gumawa sila ng bandang nakapangalan sa sarili nila - barbie almalbis, kitchie nadal. pero kapag natuturan 'yung dalawang 'yun, hindi ibig sabihin e solo si barbie, solo si kitchie. may sessionists pa rin sila, which means, iniwan nila 'yung dati nilang MAS magagaling ng banda para bumuo ng future career sa ibang banda. sossy!

    kaya kung magsosolo si rico, malamang makakita ka ng albums later on sa record bars na may artist name na "rico blanco". pero h'wag ka - may sessionists din siya diyan. tsaka kung gagawa siya ng sariling banda, magandang bandname - Rico Banda o kaya Rico Mambo.

    sa huli, 'yung pinaka-gumimbal sa kaisipan ko - 'yung mag-aartista daw si rico, ewan. ok lang sa akin, kung sa mga indie films siya gaganap tulad nung pagganap niya sa "nasaan si francis?". pero kung mag-aartista siya tulad ng mga starstruck avengers o kaya e ni mark lapid, naku h'wag na! tapos sasabak siya sa mga telenovelas? putcha! SEMS! kapag nangyari 'yun, naku, baka makabilang na siya sa line-up ng mga artista sa SOP/ASAP na umeepal sa mga kumakantang banda. tapos, sasali na rin siya sa "Sabado boys", 'yung palabas nila jimmy bondoc, paolo santos, mike chan, top suzara, etc sa RPN9 tuwing biyernes.

    sabado boys - RPN9 - biyernes. SABADO. BIYERNES. LOLS!

    **************************************************

    votation

    ang ganda na ng eleksiyon sa pinas. madumi. magulo. patayan. nakakatakot. ang mag kandidato, nangangampanya pa lang dinadaya na daw. samantalang, ang mga proyekto nila (na mostly e road construction/beautification - kahit hindi sira 'yung kalye/highway.), sinisimulan lang kapag oras na ng pangangampanya, at tatapusin lang KAPAG nanalo sila. sabi nga nung prof ko, sa pilipinas lang daw merong senado na may tatlong pares ng magkakamag-anak: magkapatid (pia at alan peter cayetano); mag-ina (loi at jinggoy estapador, este, estrada); at kung sakali daw, mag-ama (nene at koko pimentel)

    trillanes - sendaor na si idol. yep yep yep, idol ko siya nung 3rd year HS ako, idol as in, WOW! iniimitate nga naming magkakaklase 'yung magdalo rebel group eh. tapos may grupo ako ng kaklase na nagtayo din ng "magdiwang" bilang counter attack. pero hanggang dun lang 'yun. sa totoo, isang maling katapangan para sa isang sundalo ang mag-aklas laban sa gobyerno dahil hindi na sila nahiya sa mga inosenteng pilipino. kaya kung bumoto ako nung eleksyon, idol ko siya pero hindi ko siya iboboto. do your BEST part, and GOD will help this country live. pero kungtutuusin, paano nga ba tutulungan ng diyos ang pinas kung TAO na ang mas gustong sumira dito? gayunpaman, tignan naitn ang magagwa niya.

    pimentel - nung bago mag-eleksyon, boto ako dio e. noon 'yun. tahimik lang kasi e. cute pa ng name niya - "koko". tapos si angel locsin pa 'yung endorser nia, na ang suot nung time na 'yun eh white sleeveless something. yummy! :p pero after nung election, nung last slot na lang nag natitira at nagbabangayan sila ni zubiri, ayoko na! dami niyang sinasabi e. wala pa man, andun na. 'yun lang. bitin no?!

    zubiri - isa lang nag masasabi ko - ang ganda ng asawa niya! =D mayaman kasi eh...

    pichay - eto promise, kung makakaboto ako, isa 'to sa iilan kong iboboto. pinagtatawanan siya ng karamihan. augustus mori daw. banlag. laki ng tiyan. mama. e ano? meron akong nasesense sa kanya na "kabuluhan" ba, na wala si alan peter cayetano. nung one time ngang iniinterview siya sa isang AM station tungkol sa pag-concede niya, sabi niya na tinatanngap na niya daw 'yun nang maluwag, at sana e gawin na lang daw nung mga nasa posisiyon 'yunbg parte nila sa bansa. sabi niya, kahit naman daw hindi ka senador, kung makakatulong ka talaga, at kung gugustuhin mo talagang makatulong, bakit hindi? at 'yung pagconcede niya na 'yun - doon ako naniwala sa kanya na siguro, kahit papaano, may katotohanan sa sinasabi niya namatutupad ang pangarap mo. (siguro? kahit papaano?). ikumpara mo naman ang inasal nung natalong si pichay kay nanalong cayetano - above top 10 na siya, and yet gusto pang kasuhan 'yung kulelat na joselito cayetano.



    we'll see in the end who's worth to be seen...

    **************************************************


    ONL: Oras Ng Lumbay

    analogy - fill in the missing detail: Rivermaya: Rico Blanco :: Orange & Lemons:________

    a) clemen castro
    b) si clem
    c) ONL lead guitarist
    d) that one with the british and voice and looks like ely buendia

    well, kasabay ng unti-unti kong pag-ayaw sa OPM scene dahil sa magkasunod na pagdisband ng boldstar at nARDA, gayundin naman na tuloy-tuloy ang pag-alis ng mga musikero sa kani-kanilang banda. noong unang panahon, umalis si ely sa eraserheads. pero noong mas nauna pa, umalis si paul sa beatles kaya nadisband na 'to. kelan lang, si rico blanco, wala na sa rivermaya. kahapon, ibinalita sa akin nung mga kaklase ko na wala na daw si clem castro, lead guitarist ng ONL. sabi nila, 'yung moonlane gardens na daw 'yung last album niya with the band. sa loob-loob ko, after long years, lalo na nila ni mcoy? the hell and the fuck?!

    sabi, kusa na daw umalis si clem, dahil ang ugat daw e ivinote-out siya nung tatlo (mcoy, ace and jm). may mga instances daw na nitong mga huling presscons nila, hindi daw pinapansin nung tatlo si clem. sabi ni kuya, nun daw ininterview ang ONL sa isang radio station, wala daw si clem. sabi, ang kasalukuyan daw tumutugtog ng lead guitars para sa banda e isang sessionist player nila. pero kung ano man, hindi ko alam ang ugat ng pinag-awayan nila, at wala pa yatang nakakaalam bukod sa kani-kanila. pero lumalabas na pinag-kaisahan siya.

    ang massabi ko lang, kung mawawala si clem sa ONL, hindi na magiging kasingganda at kasinggaling ng dati ang ONL ngayon. pangit na. bago pa man kila ace at jm, si mcoy at clem na talga ang bumuhay sa ONL, kaya nakakapraning talaga isipin na si mcoy pa ang tatalikod kay clem (or whichever applies to).

    sa ngayon, nakikita ko ang ONL bilang isang pulitiko - teofisto guingona - tumatanda, pero paurong. kung hindi nila maaayos ang gulong ginawa nila, mag-s-stick ako sa sariling paniniwala na isa lang ang naging album ng ONL, at iyon e 'yung 1st album - LITLORSADIC. para sa akin, si clem ang melody ng banda. hindi si mcoy na bokalista ang gumagawa ng buhay. dahil sa likod ng kanta, mas mahalaga ang tunog kesa kanta.

    kung aalis si clem, MALAKING kawalan siya sa ONL. pero i'll do hope he'll have a better career...with rico blanco? perhaps! hehehe...goodluck to both of them. (well let's try to predict - a bassist and a drummer of two other bands will soon be leaving their current groups, would join with clem and rico to form an all-star band. that would be great.)


    **************************************************

    mona lisa

    umuwi, pagod.
    eskwela, pagod.
    haba biyahe, traffic.
    nanggigitata, terrific.
    pag-uwi, may tae.
    naapakan, ang peste.
    pesteng aso, alaga ng kapitbahay.
    pumasok, nadumihan ang bahay.
    naglinis, nahilo.
    paikot-ikot, ang gulo.
    alas-nuebe, naghain.
    walang gana, kumakain.
    heroes, manonood.
    pero, pagod na pagod.
    dala ng inis, nagyaya.
    maglibot, kasama si taba.
    ayaw niya, magsisimba.
    sige na lang, inaway pa.
    umakyat, matutulog.
    heroes daw, pero sabog.
    nagdiscman, nagsenti.
    nat king cole, brain empty.
    mona lisa, mona lisa.
    battery ubos na.
    inaantok, umiisip.
    gumigising, panaginip.
    pumapatak, lumalakas.
    bumabaha, umaangkas.
    napipikit, naiidlip.
    tapos na'ng araw, sumisilip.
    tumutlo, pati ulan.
    nababasa, pati unan.




    peso070107
    **************************************************






    --peso--

    20070606

    corporate attire



    "mas masarap pang maggitara...mas masarap magpahinga!"
    ~ cambio, corporate attire


    simula na ng pasukan, pukpukan sa pag-aaral at gaguhan!!! since trimestral ang skul kong FEU-EAC (fastest-earning university - ), nagsimula na ang muling nakasasawang pasukan ko nung lunes pa. at dahil sa isked ng bawat estudyante sa skul ko na talaga namang hindi ka bibigyan ng ibang espasyo sa buhay mo para gawin ang mga gusto mo pang gawin dahil diretso tulog lang ang pahinga, hindi ako makapag-update ng blog o makapag-upload ng deviations o download ng mp3 man lang. kung makapag-blog man, nagmumukha pang nanggagala-ET ang tono ko. suplado!


    hindi ko na babanggitin ang sked ko dahil baka i-stalk mo ko. basta 4 days a week pasok ko, wala na ako sa bahay ng 5:30 ng umaga, at makakabalik ako sa bahay ng 7:00 ng gabi.


    monday, bago mag-uwian, usap-usapan na sa wednesday daw e kailangang naka-corporate attire ang lahat ng EAC studs, 3rd and 4th year. naglibot ako sa iba't ibang panig ng floor ng building namin, confirmed - every wednesday - corporate attire! at sabi ng karamihan sa mga napagtanungan kong panay mga serious kasusap, ito daw e para paghandaan ang nalalapit naming future-oriented years two years from now. para daw ngayon pa lang 3rd year masanay na kaming naka neck-tie, long sleeves, at tuck-in (fuck-in). at the same time, para masanay na daw kaming pagtawanan ng mga college freshmen na wala pang muwang sa professional ethics kaya akala mo mga high school posers pa rin kung umasta.


    may mga ilan akong kakilala na naklokornihan dun sa bagong memo. andiyang jajabarin daw sila pagpasok. merong sa school na lang daw magbibihis at papasok mung naka-uniform. merong mga ireg na laking passalamat at hindi sila kumuha ng wednesday skeds. ako, hindi ko pa napagdedesisyunan kung saan ako lalagay. sabi nga ng kaklase ko, "tae! sems!!!"


    anyway, i still have long days to run. pahinga ko ngayong linggo, INDIEpendence day celebration bukas, wala akong pasok ng tuesday. isa pa, mas mahalagang pagtuunan ng pansin sa ngayon ang paggawa ng assignments, pagpapakadalubhasa sa html, dreamweaver at PHP, at ang pangongolekta ng japanese models pictures.



    i just kept the diary open still.







    dance dance
    photograph by gerard martinez
    © 2006







    --peso--