this is the last part...finished then...just posted now... enjoy!******************************************
VI. the showdown!
the showdown is about to begin. pero tulad nung iniisip nung ibang audience, parang gusto kong ipakansela 'yung showdown. kumbaga ngayon, "jennifer lee show". tapos, next saturday na lang 'yung iTam Dream Academy continutaion. sinabi ko rin kay jerome nun na parang gusto kong lumabas, dahil that time, alam kong nasa labas na rin si jennifer lee. pero those wouldn't be, i know. kaek-ekan lang 'yun! so much for her...
nagsalita bigla 'yung host/s. the showdown proper is about to begin na raw. daming seremonyas 'no? tinawag na 'yung first contestant. and from thius moment on, sige, iisa-isahin ko 'yung siyam na contestants, including the things i had observed about them or what i am wanting to say about them that afternoon. and these would not have been possible if not with the help of my nokia 5510!
(sino nagsabing laos ang 5510 dahil walang camera? (ako rin, 'di ba? kasalanan 'to ni j.lee!) kahit one-bar na lang ang cp ko nun, nakisama ito at hindi nag-battery empty. and for the whole program, that served as my "mini notepad", storing in details what's happening in the auditorium. kaya nga ganito kahaba 'yung binabasa mo eh! pero don't worry, marami pa akong kwento...)
******************************************
contestant#1: tristam manforte
song: how did you know?
yup! "how did you know?", not by ciudad, but by gary v., i think. just earlier in the program, we met this guy already, i just didn't revealed his identity to reserve the surprise. siya 'yung kasama ni j.lee sa entablado (with flowers) as she sings "underneath your clothes". tibay 'no?! so what about his performance?
sa sobra yatang in-love kay j.lee, ginaya ni tristam ang style nito sa pagkanta. nope, not the flirting acts... bumaba rin siya ng stage as what j.lee did earlier. may balak din yatang lumikom ng magpapa-picture kasama siya! ok na sana pero nung first step pa lang pababa ng hagdan, nabigla siguro siya dahil 'di siya nakatingin sa dinadaanan niya, caused him commit an error on his singing, just like what happened to claudine barretto few years ago in ASAP (may video ako nun!).
what happened on claudine on ASAP, april 13, 2003, 11:55 am: pababa siya ng hagdan sa stage, wearing red, with a dress NOT mopping the floor (so no reason to slip). she greeted everyone a good afternoon, when suddenly, para bang natapilok siya sa isang step, then uttering "ay putang-ina!". just tell me if you don't believe, i'll search it's file on my mail and i'll send it over you.
yes...that was quite exactly what happened to tristam, only that he wasn't able to utter any unpleasant words. pero nagdulot ng kaba kaya medyo nakalimutan na niya 'yung ibang sumunod na lines/words. dahil dun, hiyawan at palakpakan sa audience - buo ang araw! pero sa part ni tristam, that was kind of an embarrassing moment, which made him more nervous. nanginig na ang boses, naiba na ng tono, tumaas-bumaba ang pitch, he was lost. and as i am typing these details in my 5510, another wave of cheer came from the crowd. tinanong ko si jerome kung ano'ng nangyari. sabi niya, "pumiyok pa!". i missed to hear it due to my focus on what i'm doing. but because of the waving crowd, i am convinced he did it.
"keep it as a secret but still you believe it oh dear (how did you know?)
keep it undercover but still you discover you fool! (how did you know?)"
~ ciudad, 'how did you know?'
******************************************
contestant#2: jiyu ong
song: unbreak my heart
jiyu ong is my classmate in QUAMETH (stats and prob) this term. familiar na siya sa akin pero since IT siya at ngayon lang nakaklase, we weren't close. she sung "unbreak my heart" by toni braxton (tagal na nung song na 'yun...kinakanta ko pa 'yun nung grade school pa ko!).
so far, what she did is really better to what the first did. ok 'yung pagkakakanta, walang sablay sa pitch, hindi humiwalay ng tono. she knows how to adjust. mababa 'yung tono nung first lines of the first stanza, 'di niya maabot kaya itinaas niya up to the level suited for second voice. pero ok 'yun, kesa ipilit niya 'yung mababang tonong hindi niya kaya. baka sa sobrang baba, napapayuko na siya nang 'di niya namamalayan (yes, i'm experiencing that).
pero nung last part, although hindi siya nawala sa kanta, she did not made it fine. mataas kasi ang tono nung huli eh. tsaka mahaba pa. mauubusan ng hininga kahit si ebe dancel o jugs jugueta. so what she did, kada taas, layo ng microphone sa mukha. tendency is, hnidi na buo 'yung kanta. sayang!
and that was the problem i'm seeing to singing contests - pataasan. birit. i think something's wrong. ewan ko, pero what i'm more after is the quality. 'yung lambing. 'yung interpretation sa kanta. i would rather let michael buble win kahit sampung regine velasquez pa ang kalaban niya. kung birit queen, sige. pero iTam Dream Academy, just like the natural Dream Academy is a singing contest. kung anong meron sa biritan hindi ko alam. pero ano nga naman bang pakialam ko na nangangarap lang maging ryan cayabyab?! :)
"hindi naman kailangang boses mo'y maganda,
basta't may konting tono't madaling makanta;
kung medyo sintunado ay hayaan mo na,
ang hanap lang ng tao ay ang konting saya"
~ APO, 'doo-bi-doo'
******************************************
contestant#3: arlan tiglao
song: stigmatized
"stigmatized" ng the calling ang kinanta ni arlan, o "kabayo" para sa mga klkase namin/barkada niya (dahil 'di ko naman talaga sila barkada). si arlan 'yung tinutukoy kong kaklase ko na nagtrip sumali. siya ang dahilan kung bakit ako nanduon sa auditorium, na sa halip sana'y nasa bahay na lang ako.
ang kulet kumanta ni arlan. parang 'di talaga namin lubos na maisip kung bakit siya sumali dun. hindi kasi kami makapaniwala nung makita siyang kumakanta, complete with facial expressions and hand gestures. para ngang gusto ko nang umanib nun sa benny hihn miracle crusade eh. pero nung adlib, inilabas niya ang tunay niyang anyo. hindi siya nag-transform sa isang tikbalang, mali ang iniisip mo. nung adlib, tumalon siya - rockstar leap! as if winning the race!
naalala ko bigla 'yung sinabi niya sa akin nung kumakain kami sa cheng's few weeks ago. sabi niya, lahat daw ng kasli mellow 'yung kinakanta. siya lang daw kumakanta ng alternative. sabi ko, kantahin niya na lahat, h'wag lang MYMP. or else, hindi ko siya susuportahan. pero joke lang 'yung sinabi ko. bilang alagad ng musika (na may suot pang whole rest na helmet o "toga"), i encouraged him by singing what he wants to sing. naandun siya dahil choice niya 'yun. at kung choice niyang sumali dun, hindi naman pwedeng choice ko 'yung kantahin niya. natural, sa kanya 'yun dapat mangggaling.
and i don't blame him if he keeps on singing sponge songs during the audition (and even not during). sa s21, siya ang diyos pagdating sa gitara. tagatono lang ang ranggo ko kumpara sa kanya. kaya ko rin siguro siya sinuportahan dahil dun. kasi alam kong may laban siya. actually, ako nga ang pinipilit nung iba kong naming kaklase na sumali. pero sa loob-loob ko, ayoko, dahil lamang naman talaga si arlan sa akin - hindi man sa pagkanta, hindi lang sa paggigitara. "tapang" - kulang ako nun.
"tibay at lakas ng loob ang iaalay..."
~ shamrock, 'nandito lang ako'
******************************************
contestant#4: bryan m. (medronio? medranio? madronio?)
song: kahit isang saglit
martin nievera song. from the start, hanggang sa huli, i have nothing bad to comment on this guy. kaya nga hindi ko pa nakikita 'yung limang kalahok, i concluded already that he will win. siya agad ang boto ko. nakaaktindig ng balahibo 'yung pagkanta niya. magaling!
pagkatapos kasi kumanta ng bawat contestant, hindi agad sila pinaaalis sa stage. darating 'yung isang host ( ýung bakla) para magtanong ng ilang bagay. nung tinatanong na si bryan, nalaman ko na dati na pala siyang sumali sa pinoy pop superstar, pero hanggang elimination lang. pero the fact that he got that far, mas lalo pa akong nagsigurado na siya na nga ang mananalo.
dinaan niya sa experience, pero who cares? current student din naman siya ng east-asia. 'yun lang, may advantage siya over the others. he really deserved to win (na noong mga oras na 'yun, wala pa talaga akong idea kung gaano rin kagaling 'yung iba).
"kay hirap mong abutin...malayo ka..."
~ 7 foot jr., 'iba na'
******************************************
contestant#5: joyce ragual
song: pangarap na bituwin
jewel in the palace. jang geum. "unti-unting mararating, kalngitan at bituwin". sa loob-loob ko, bagay sa kanya 'yung kanta. freshman pa lang kasi siya, and i think the youngest competitor that afternoon. nakikita ko siya sa s01. kulot. aminado ako, maganda siya. cute. pretty. may talent pa! FRESH[wo]man!
pero sabi ko nga, bata pa at baguhan kumpara sa iba pang kasali, hindi maiiwasang kabahan. dinamayan niya si contestant#1 dahil sa kaba din siguro, nawawala-wala siya sa tono. pero ok lang...cute pa rin naman siya eh. 'yun 'yung panlaban niya. poise!
so what do you expect? and it's what i'm expecting too. ayoko na ngang marinig 'yung ending eh. gusto ko nang ipatigil 'yun contest, babayran ko na lang siya. nasesense ko kasi 'yung mangyayari. kung kinakabahn siya gitna pa alng, pano pa 'yung "last blow" nung kanta? e mataas din kaya 'yung tono nun!
and the thing happened! i stepped on the shit! "haAanggang ngayo'y...tiHIbay ng damdamihihihin!!!". notice "tiIibay"is different from "tiHIbay". hindi kinaya nung tonsil niya. bumigay. siguro kulot din yung vocal chords niya tulad nung buhok niya. napapikit nga ako on that line, sabay sabing "whew!", as the crowd raves louder.
yes, the crowd was enjoying, once again. naaawa tuloy ako kay joyce nun. gusto kong umakyat sa stage tapos sasaplutan ko na lang ng jacket. bubulungan ko ng "tama na...ihatid na kita sa inyo..." the crowd enjoys, not knowing what the contestant feels. sana kinanta niya na lang "batang-bata ka pa" by APO. suggestion lang naman...
"pero ok lang kahit wala kang talent. maputi ka naman eh. 'yan naman ang kailangan para sumikat sa pilipinas!"
~ itchyworms, 'wala nang pwedeng magmahal sa'yo kundi ako (the stalker song)'
******************************************
contestant#6: karen mejia
song: salamat
oops, mali na naman ng kanta. not "salamat" by the dawn, but by yeng constantino. and her name was familiar. lalo na 'yung apelyido. naalala ko na lang, kumakain nga pala ako ngayon ng chocolate ng kapatid ko. meiji.
i think she was the contestant who claimed she sings in the choir. nakalimutan kong i-jot down. pero kung choir man siya, hindi niya pa rin natalo 'yung best choir singer na narinig ko - melody del mundo, former vocalist of sugar hiccup!
ok din 'yung pagkanta niya. although, hindi ko trip 'yung diction niya dahil may pagka-sponge cola. 'yung tipong "h'wag kang bibitiw bigla-huwa-huwaaa!!". ganun. wala na rin akong gaanong masabi sa kanya dahil siguro medyo inaantok na ako nung time niya. ang naalala ko na lang, medyo napraning na lang ako sa last part nung performance niya. kumbaga, hindi pa sumasablay, pero pagdating sa huli, humming na lang (HUMMING na lang. HUMMING), biglang sumablay. alam mo 'yung humming na masakit sa tenga? ganun! 'yun bang hindi maganda 'yung labas ng hangin from the mouth papuntang microphone. sayang talaga!
kung naandun si melody del mundo, baka magtampo 'yun! sabihin nun "humming na lang! choir ka pa man din!". baka bigyan ka pa niya ng sample ng masterpiece niya - five years o kaya heeowa.
kahit na inaantok ako sa oras niya, nagising pa rin ako.
"akala ko pumasok...sabla--ay!"
~ eraserheads, 'maselang bahaghari'
******************************************
contestant#7: jason roslin
song: go the distance
at dito ako lalong nagising! the crowd raves as he entered the scene. "go the distance" by michael bolton, from the animation "hercules". pero hindi si hercules ang dumating. si jason - naka-undershirt na superman! kaya pala hiyawan sa crowd! simula pa lang kasi, bigla niyang binuka 'yung polo niya, lumabas ngayon 'yung logo ni man of steel! tiliian na naman! kala mo 'yung audience mga gremlins na nalulusaw! at kapansin-pansin dun 'yung gestures niya, na hawig dun sa ginagawa nung vocalist ng my chemical romance sa kantang "black parade".
so far, he was the crowd's favorite. kada hinto kasi sa pagkanta, sabay buka nung polo - labas logo! ganun lagi - bukas polo, labas logo! jason roslin, tunaw gremlins! parang may agimat. sabi ko nga kay jerome, buti hindi nagkakamali ng lyrics. buti hindi niya nakakantang "i cant stand to fly...i'm not that naive...". pero hindi natuwa si jerome sa sinabi ko. hindi pala niya na-enjoy 'yung palabas. masyado daw 'yung overconfidence na ipinakita ni superman. parang nagiging kampante na raw masyado porke nakuha na 'yung crowd. ewan ko. hindi ko nakita 'yun. malabo 'yung mata ko eh. o ganun lang talaga kaming mga anti-social. iba-iba rin kasi kami ng lalim.
"i believe i can i fly! i believe i can touch the sky!"
~ r. kelly, 'i believe i can fly'
******************************************
contestant#8: meynard rillo
song: you are not alone
michael jacksong! this guy is introduced as the "apl de ap" of manila. ewan ko. hindi naman siya nagpunta ng LA para makatulong sa nanay! pinoy na pinoy nga siya eh... kaklase ko si meynard nung PEDUTRI (arnis). balita ko, sports minded 'to. magaling din mag-table tennis. mukha nga, kasi usap-usapan na rin kahawig daw niya 'yung sacramento kings small forward na si ron artest. pero totoo naman 'yun! kung ako nga ang huhusga, may konti ring blend ni dan gadzuric...sports minded talaga! sports-looking pa!
pero wala sa tantsa ko na kumakanta si meynard. nagulat nga ako nung nakita ko 'yung mukha niya na kasama sa nakapaskil na trampoline, tungkol nga sa final showdown. and guess what, michael jackson pa ang binanatan. he got the move! actually moonwalk na lang ang kulang. may sarili siyang "pitik" na sa simula pa lang nung palabas kapansin-pansin na. pitiki as in tumatalsik 'yung katawan kada lines nung kanta. groovy. soft 'yung kinanta, pero pang-"grease lightning" 'yung galaw niya.
dapat nga siyang magpunta ng LA para magtrabaho. o kaya sa sacramento para maglaro.
"beep beep! beep beep! yeah!"
~ the beatles, 'drive my car'
******************************************
contestant#9: rossan trinidad
song: bakit?
the last contestant, and surely not the least. you'll find out why. at rachel "anggo" ang binanatan ni ate. nung ini-introduce siya, nalaman kong dati pala siyang architecture student. at sa FEU, ang archi/fine art courses e pugad ng mga rakista. hindi posers ha - RAKISTA. certified yes. above 85% ng nakikita kong mga estudyante ng archi/fine arts e mga "graham rockers". iba-ibang genre - may gothic, may mga punk, may mga metal, at meron ding mga simple lang umasta. kala mo mga alagad ni tado. nagkakapalang salamin, naghahabaang buhok, nag-iitimang eye lines, at nag-iitimang gilagid dahil sa yosi. pero si ate, na dating archi, "bakit?" ang pinatulan! bakit?
along with bryan, wala rin akong maipintas sa performance ni ate. pulido. perfecto de castro. ni isang humming , ni isang 'a' ni 'o', walang pumalpak. sa pagkanta nga niya, parang effortless lang. parang hindi kinabahan! wala lang. kumanta, natapos, ano'ng nangyari? ganun! simple. 'yung tipong kapag nakapikit ka, kala mo radyo lang. masarap sa tenga. walang masyadong pakulot, hindi masyadong bumirit. simplicity strikes.
and because of that, i really wanted her to be on the 2nd place...
"quiet, and it's so quiet...no one takes the spin!"
~ bjork in 'dancer in the dark' (kapapanood ko lang sa rpn9)
******************************************
VII. intermissions
gusto ko lang maging consistent sa siyam na contestants kaya naglagay ako ng song quotes kada interval. "intermission" kumbaga. para hindi boring. tuloy-tuloy tuloy. ganundin sa variety show na pinanood ko sa auditorium. siyempre, before the verdict, kelangan ng intermission numbers para 'di langawin 'yung audience habang naghihintay sa deliberation.
isa sa intermission numbers ay ang pagsayaw ng isang dance group ng east asia. hindi ko alam kung anong grupo 'yun, tsaka nanalo daw sila ng nth place sa isang competition na hindi ko rin narinig kung ano. siguro hindi ganun kainteresado 'yung 5510 ko para i-jot down 'yung ganung update. basta kasi inilagay ko lang sa message na "ntrmision: dnce & 4mer chmp sing". tsaka wala akong hilig sa sayaw.
and how i wish that time na sana bumalik si jennifer lee dahil sobrang boring na! mahaba kasi 'yung sayaw. pinagdugtong-dugtong na tugtog, kala mo mga 'di napapagod. tapos, sumunod pang kumanta 'yung former champion ng nakaraang singing contest na noon e "iTam pop superstar" pa ang tawag. 'di pa kasi uso nun 'yung PDA kaya kapag iTam Dream Academy, baka 'di makatawag pansin.
at 'yung kumanta, sus! 'di ko naman nagustuhan 'yung kanta niya! para bang isang taon lang lumipas nung mag-champion siya, tapos, unti-unti siyang nalalaos habang nauubos 'yung 365 1/4 days. kung kasali siya sa contest, posibleng siya ang makakuha ng lowest rating from the audience. kinanta niya "through the rain" ni mariah. how i wish that time to rain. inside the auditorium.
at nung makaraos 'yung mahigit yata 15-minute intermission numbers, deretso na sa awarding ceremony. sobrang bilis naman! hindi man lang ginising 'yung audience mula sa pagkakahimbing! wala pang meryenda!
******************************************
VIII. awarding
we're almost there at the end of the tunnel. i can see the light. awarding na. verdict time! verdugo time! 'yun na 'yung inaabangan ng lahat. eewan ko kung nakikinikinita na ni arlan kung may makukuha ba siya o wala. at malamang 'yung ibang contestants nag-aalburoto na 'yung tiyan sa kaba.
bago dumako sa mga nanalo, binigyan muna ng "plaque of plaking" 'yung tatlong judges. yes, i intentionally called it "plaque of plaking". first and foremost, hindi ko alam na may judges pala. parang wala akong narinig na may ipinakilalang judges nung umpisa. ang naririnig ko lang e 'yung paulit-ulit na pasasalamat nung hosts sa mga sponsors: sara lee, hbc, mcdo morayta, ek-ek. tsaka kung may judges nga, wala namang comments na sinasabi. ang trabaho lang yata nila eh mag-iskor at pumalakpak. "plak plak plak!" that's why...
matapos bigyan ng plake 'yung tatlo (na 'yung dalawa e opisyal din ng eskwelahan), ibinigay na 'yung special awards dun sa mga contestants. dalawa lang 'yung special awards. walang swimsuit, walang nightgown, walang face-of-the-day. 'yung isa, people's choice award - may botohan din kasi thru txtng, and the contestant gathering the highest txt votes will receive the award. nanalo si ate karen - 29% something. si arlan wala 'yun...'di ko nga alam kung ilan bumoto dun eh. e ang mahal naman kasi eh...bibilhin mo pa 'yung voting card sa kanila (P30), tapos i-sesend mo sa ####, tapos 10.00 yata per txt. buti sana kung may free logo ng super twins!
tapos, si joyce nanalo din ng isang special award, pero 'di ko narinig kung ano 'yun. siguro "cute-na-bata award" o kaya "crush ng bayan of the show award". pero i doubt it's the latter; kay jennifer lee mapupunta 'yung ganung award.
pagkatapos nung "spatial" awards, binigyan naman sunod ng tig-iisang plake (certificate of certification) 'yung siyam na kalahok. 'yun e bilang pagkilala sa kabayanihan at kabutihang-asal na naipamalas nila. para nga naman kahit hindi sila mailibing sa libingan ng bayani, at least nakatanggap na sila ng isang frame na kasinglaki ng 1/8 illustration board, na may lamang picture nila at isang cd na nakataob (pang-gold records style) na parang binili lang sa cd-r king. bongga!
matapos ang ilang saglit, dumating na ang pinakahihintay ng lahat. awarding of winners. tinawag na si second runner-up. nagsisigawan 'yung audience ng kanya-kanyang manok: "go meynard!" "jason! jason! jason!" "KABAYO!!!" "AaaaaaYYyyYYYyyYYYYy!!!!!" 2nd runner-up si rossan trinidad. hindi ako agree dun. dahil nga sabi ko, siya ang gusto kong 2nd placer. hindi 2nd runner-up. pareho ba 'yun?
sinundan siya ng first runner-up - si jason "superman-hercules" roslin. sa kanya ang may pinakamaraming hakot, so far. natalagang na-build-up na 'yung over-confidence niya. at tumama siya sa hula niya (base sa pagka-kampante niya) na isa siya sa tatlong mananalo. ayoko siyang manalo. idinaan niya lang naman kasi sa pagpapakita ng superman logo 'yung pagkapanalo niya. pero kung tutuusin mas magaling talaga si 2nd runner-up.
ang nanalo naman ng 1st place at tinanghal na 1st iTam Dream Academy champion ay ang - wala nang iba - ang manok ko - si bryan m (na hanggang ngayon e hindi ko maalala 'yung apelyido niyang "m"). tama ang hula ko. wala naman talaga kasing binatbat 'yung iba eh. tsaka hayaan na natin, nga siya sa pinoy pop superstar eh. kahit dito man lang hayaan na nati siya.
silang tatlo e nakatanggap ng tig-iisa pang "plaque". this time, may tig-tatalong cd namang nakataob. pero tulad ng dati, naniniwala akong sa cd-r king lang 'yung binili.
******************************************
IX. FINALE
matapos ang mahabang kwento at ilang linggong pagta-type ng kwento (yes...linggo. three weeks na yata ang nakalipas nang maganap ang iTDA, pero ngayon lang ang finale ng pagta-type ko), umabot na sa sukdulan ang lahat. nagpalakpakan ang mga audience, naghiyawan, masaya lahat. parang ginebra vs. san miguel 'yung napanood nila. masaya lahat bukod sa akin na nagtatampo kay jennifer lee.
pinakanta uli si bryan. last punch. finale. umakyat pa nga ng entablado 'yung dalawang relatives niya. nanay yata tsaka lola. o kaya nanay tsaka tita. o kung hindi naman nanay tsaka mommy niya. o baka naman fans lang niya 'yung dalawa, pero hindi ko na alam kung ano 'yung kinanta. nagkakagulo na rin eh. mga handa nang umuwi 'yung ilan. para bang kumakanta siya ng "balikbayan box" ng eraserheads: "umuwi na tayo. umuwi na tayo hey-hey-hey! uwi na tayo dahil wala nang sense ang ating mundo..."
at pagkatapos nung kanta niya...lumabas na uli 'yung tatlong hosts, at nagsabi na ng final words, goodbyes, at acknowledgement sa sponsors. narinig ko rin na pinasalamatan nila ang isang "ariel joseph de guzman" dahil sa article na gagawin nito ukol sa naturang palabas. ang hindi nila alam eh nagkukumahog na sa kasalukuyan ang ariel na nabanggit dahil magfa-finals na lang, hindi pa tapos 'yung article.
so tapos na dun 'yung palabas. nakita ko sa loob ng auditorium 'yung prof ko s java. wala na raw klase. expected na namin 'yun.
so lumabas na kami. at mula sa loob ng auditorium, paglabas tungong FEU campus, doon ko lang uli nasilayan ang liwanag...nag...nag...ng...ag...g...
******************************************
march 03, 2007, saturdaynapilitan akong pumunta sa auditorium ng FEU kahit na ayoko. 'yun e para manood ng iTam Dream Academy final showdown at suportahan 'yung kaklase kong "nagtrip" na sumali. baka manalo e.
ayun! natalo siya!
pero kung tutuusin, hindi naman talaga 'yung mga nanalo't natalo 'yung nakita ko. hindi na 'yun mahalaga kung sino man ang umuwing luhaan at taas-noo.
kumakanta din ako. pero meron sila na wala ako - tapang, lakas ng loob at tiwala sa sarili, na nangangahulugang hindi ganda ng boses o taas birit o kasikatan ng kanta mo ang magpapanalo sa'yo. para kay ryan cayabyab, sasabihin nila dun sa siyam na "panalo kayong lahat". "
pero hindi ako ganun ka-korni. eto ang masasabi ko: "jennifer lee, panalo kang lahat!".******************************************mumunting sulit na pagsusulitah letse! ayoko na muna magpa-quiz for 3 reasons:1) nakakatamad gumawa. ang haba ng tinype ko direkta mula sa isip ko. kapag gumawa pa ako ng quiz - dagdag isipin pa 'yun!2) isa lang din ang sumasagot sa quizzes ko. tapos hindi pa sa comment ipinopost (pero mahirap naman talaga hanapin kung nasaan 'yung comments ng blog ko). 3) baka isipin ng ibang mambabasa ginagaya ko 'yung 5th book ni bob ongso far saka na lang...thanks pareng gerard!******************************************
--peso--