20070306

iTam Dream Academy

/*i'm trying to experiment something (about who reads my works)...i don't know if this would work all the time. read on and you'll see...*/



march 03, 2007, saturday

napilitan akong pumunta sa auditorium ng FEU kahit na ayoko. 'yun e para manood ng iTam Dream Academy final showdown at suportahan 'yung kaklase kong "nagtrip" na sumali. baka manalo e. pero sigurado akong trip niya lang 'yun dahil sa pagkakakilala ko sa kanya, 'di naman talaga siya kumakanta sa harap ng madla. pareho kaming adik sa kwerdas ng gitara pero sa harap lang ng pader kami kumakanta. pero hanga ako sa naging "tripping" niya nung mabalitaan kong pasok siya sa final 9. 'yun siguro 'yung pagkakaiba namin - mas matapang ang apog niya.

tulad ng sinabi ko, napilitan lang ako. dalawa pa dapat 'yung klase namin pero balita ko, kinansela na pareho para makapanood 'yung buong klase at makapgbigay ng suporta - moral man o kantiyaw. dapat nga hindi ako a-attend (kasama nung iba ko pang kaklaseng puro mga "anti-social" din kagaya ko) dahil mas trip naming magklase na lang (hindi dahil sa nerd o geek o authistic kami; takot lang talaga kami sa tao). pero nung kumalat 'yung balita na 'yung ticket namin 'yung ipapakita sa dlawang prof next meeting para magsilbing attendance, we have no choice. walang no choice.

to cut it short, we enjoyed it anyway. masaya din naman. our social attitude just always won't go. at eto 'yung (as) detailed (as i could tell) na kwento about that event...

******************************************

before the show and the jennifer lee syndrome (JLS)

from 1-3 pm, break ko, inubos ko lang sa pagkain at complab sa building namin. alas-tres pa naman 'yung tampok na variety show kaya nag-internet muna ako, sinusulit 'yung binayaran nung enrolment. at bilang kapalit dahil sinamahan niya akong kumain sa labas (kahit nakakain na daw siya), sinamahan ko na rin 'yung kaklase ko dahil magrereview daw siya sa comlab (about SQL). may midterm exam kasi siya 3:00. so obviously, 'di siya makakapanood nung variety show.

around 2:30, nag-log-out na ako. tinamad na ako eh. wala kasi akong makuhang info tungkol sa bandang "keltscross". rare. pero instead of going with the queue outside the auditorium, hinintay ko na rin 'yung mga kaklase kong anti-socials para sabay-sabay na kami. 'yun e ginawa ko for 30 minutes. maigsi lang 'yung 30 minutes. swear. tumayo ka lang sa labas ng comlab na parang batang yagit. kunwari naghihintay ka ng tirang pagkain. tapos dadaan-daanan ka lang. ginawa ko 'yun for 30 minutes. hindi ako tinamad.

after 30 minutes, nakaraos din. bumaba na kaming lima, na noon e pare-pareho din palang naka-academic uniform (dahil tuwing sabado, hindi required, pero pwedeng suutin 'yung black college polo shirt ng east asia; karamihan o above 90% ng students suot 'yun 'pag sabado; wala kaming lima nun - anti-social).

nasa baba na kami ng auditorium. few steps away from the stardom (ulol). ako 'tong si tanga, palinga-linga kung saan-saan. bigla na lang akong tinapik nung kaklase ko (jerome) sabay sabing:

"'iel kilala mo 'yun?", sabay turo dun sa babaeng nakaputing pang-itaas, maikling paldang pang-kikay, maganda 'yung likod, na paakyat na ng auditorium. sa loob-loob ko, "hindi estudyante 'to, gwardiyado eh..." tsaka 'di papapasukin basta 'yung ganun magsuot. actually, sa suot niyang 'yun, at nasa tuktok na siya nung hagdan pauntang auditorium, i'm about to see heaven dahil nasa ibaba ako nung hagdan. malabo lang talaga 'yung mata ko kahit naka-antipara na.

"hindi eh...hindi ko nakita 'yung mukha eh... sino ba 'yun?", sabi ko na may halong panghihinayang dahil malabo 'yung mata ko.

"si jennifer lee... (lee... lee... jennifer... lee...)", sabi niya, na umeko pa sa pandinig ko. at lalo akong naghinayang dahil si jenifer lee 'yung napalampas ko!

"si jennifer lee??! guest sa show??!!!", sabi ng konsensya kong naghihinayang sa sarili kong malabong mata.

then i checked and secured everything:

ticket? check! siguradong makakapasok ako! makikita ko si jennifer lee!
free memory space? secured! nakapagbura ako ng laman ng utak since tapos na lahat ng midterm ko. i'll have a room in my mind for her!
sabay linis ng salamin...wala mang vitamin a, a possibility of seeing clearer is there.
cellphone? yup, cellphone is fine, pero para saan?
with camera? may camera ba 'yung cellphone mo? oh sIhT! 5510?! with camera?!!!
ok ok...i understand. e digicam? naknamputcha! pano ko makukuhanan ng alaala si jennifer lee??!!!

and from that moment of realization, i learned my lesson - mag-ipon. pambili ng digicam.(hint: sa venta5, magaganda 'yung binebenta, mura pa! digicam for Php5,000)

pero bago ako nag-walk-out/nagbigti sa panghihinayang at frustation, nagkasundo kaming umakyat na. baka daw maubusan ng upuan.

umakyat na kami. sa entrance, pinalbas 'yung ticket, tatatakan daw. tapos, nanduon na 'yung mga kaklase kong pare-parehong miyembro ng isang club, kaya sila 'yung naatasang mag-ushers. bago pumasok sa loob ng auditorium, kinapkapan na ako nung guard. may sinabi siya pero 'di ko pinansin. kinapkapan 'yung bulsa ko, nakapa niya 'yung cellphone kong mabigat (5510, WALANG camera). may sinasabi talaga 'yung guard sa akin pero who cares? pero ayaw akong papasukin kahit nakapkapan na ako. hanggang naulinigan ko 'yung sinasabi niya. pinapabuksan pala 'yung bag ko para ma-inspect. SOP nga pala 'yun. how i forgot! buti walang ibang nakapila sa likod kundi 'yung ibang ka-anti-social ko lang.

binuksan ko 'yung bag ko, and i let manong inspect it. sa bag ko may burn magazine, lagi kong dala para lalagyan nung mga bond papers and documents na hindi dapat malukot. medyo siniyasat niya 'yun nung makapa 'yung mag. kinabahan ako. akala ko ipagbabawal 'yun kung hindi si jennifer lee 'yung cover girl. buti pinalampas. then, SHOTSHING!!! i'm on there... nung una, napilitan lang akong manood for the sake of not losing the attendance. finally, i thanked the instance na "napilitan lang ako...". ok na, kahit masama pa rin ang loob dahil walang camera ang 5510 ko.

pero hindi ko alam kung bakit wala 'yung atensyon ko sa sinasabi ng gurad nung ini-inspect niya ako. gayong 96% ng good-citizenship ko eh automatic akong nagbubukas ng bag at nagpapakapkap (nagpapahipo) for security inspections.it's mysterious. i believe jennifer lee brought the viral infection.




"With a taste of poison paradise, I’m addicted to you. Don’t you know that you’re toxic?"
~ britney spears, 'toxic'

******************************************


(to be containude)


:D




******************************************

mumunting sulit na pagsusulit

I. vocal-bulary. ibigay ang kahulugan o ilarawan ang mga sumusunod:

1) iTam Dream Academy
2) anti-social
3) JLS
4) nokia 5510
5) venta5


II. enumeration. enumarate mo. enumaration.

1) sintomas ng JLS (tatlo, pwede ring lima)
2) mga kilala mong anti-social
3) tatak ng digicam


III. questions for discussion. sagutin mo lang.

1) normal ba ang maginganti-social? sang-ayon ka ba sa existence nila sa mundo?
2) gaano na ba kasikat si jennifer lee?
3) bakit nanghihinayang ang may-akda sa cellphone niyang walang camera?
4) ipaliwanag kung gaano kalaki ang "96% good-citizenship".


takda: mag-research tungkol sa bandang "keltscross"



lahat ng inyong sagot ay pwedeng i-post sa comments o kaya ay ipadala sa bobongp3so@yahoo.com.

first time ko magbigay ng quiz...sorry kung mahaba.

******************************************






--peso--

20070226

hopefully hoping not to loose a hope

namimiss ko na rin 'tong blog na 'to... sa dahilang hindi na ako nagpopost ng 'di sumasala sa panahon, dahilan para maboring sa paulit-ulit na nababasa ko dito...

kung nagrereklamo siguro 'tong blog na 'to matagal na 'tong naghanap ng ibang amo. o kaya nagpadala ng e-mail sa akin na nagsasabing i-delete ko na lang kung 'di ko ma-update.

pero kung ganun man, isa lang masasabi ko: TANG ORANGE H'WAG MO 'KONG PANGUNAHAN! :p

****************************************

tambak na rin kasing usapan ang gumugulo sa utak ko - mga balak, plano, drawing na hanggang doon na lang. pero alam kong hindi naman ako nag-iisa. marami rin naman ang mga katulad ko (o kaya mas grabe pa nga sa akin) na nag-create ng blog nila 2 years ago at hanggang ngayon e first and latest post pa rin ang mababasa mo. :D

pero wala akong magagawa. meron...pero hindi ko magawa-gawa. mahirap pagsabayin ang mga mas prayoridad mo. tulad ng paglalaro ng minesweeper.

****************************************

alam mo namang maraming ginagawa. ganun talaga. wala nang ibang dahilan. hindi sa tinatamad. talagang hindi lang mapagtuunan ng pansin. maraming ginagawa. at marami na rin palang nangyari...

> case study sa algorithm - to be submitted by this week. wala pa akong documentation. puro programs pa lang...pero hindi pa lahat nasosolve ang problem. kulang pa ng isa. tungkol sa infix to postfix, infix to prefix, at infix to binary tree.

> database - yeps...gagawan pa ng database ang english resource center ng school. may kagrupo ako dito at mas marunong siya sa akin pero TANG ORANGE...hari ng "madali lang 'yun! basta bigyan niyo ako ng lahat na kakailanganin sa pupupupupupu...". hari din ng "sus! kaya 'yan!". pero hari naman ng procrastination ata kapag bukas na ang pasahan, magkakamot kapag aapurahin ko. PUTRIStination!

> lumipas na ang 214 na puno ako ng pangamba sa utak dahilan sa kung anu-anong hakahaka man o totoo. sinabi ko sa sarili kong may gusto akong gawin na may kaugnayan sa araw na 'yun na gagawin ko sa ibang araw, pero hindi ko din nagawa... sa dami ng ginagawa... mabuti hindi ako nangako. or else pwede na akong kumandidato.

> foo fighters - skin and bones. compilation ng live recordings ng foo fighters - may isa na naman akong cd at foreign pa! treat ng tita ko galing japan. pinapili ako ng cd...siyempre 'yung hindi ko na basta mabibili! foreign na!

> bridge for P50. sale. walang bumibili eh. binili ko na rin. P250 talaga 'yun. 'yun nga lang, may basag na 'yung case.

> ginebra, PBA latest champion. punyemas na san miguel beer! sayang... ningas kugon! dapat 'di na nila pinaglaro si ildefonso dahil nung 1st 2 games, hindi siya naglaro pero nanalo 'yung SMB. buti hindi ako pumusta. may araw ka din caguioa!

> love team nakalabas na! ang ganda nung video! nakakaiyak... :( nababakla tuloy ako kay gerald! ;p

whew...

****************************************

well hopefully, hoping not to loose a hope...

kapag nakalibre ako...ibubuhos ko na lahat. talagang marami lang iniisip. marami lang ginagawa. nakapikit na alng akong nag-type para kunwari may silbi 'tong ginagawa ko...na sa totoo e para lang madetect ng blogger na ginagamit nga 'yung account na inilaan nila sa akin.




why struggle to create a better post? i think this is betterer.


dedicated for all my readers, composed of:


10% - wanderers
20% - mimi
70% - ako







--peso--

20070123

isang biyahe ng buhay...

kumusta friends? pasko pa pala huling post ko...panahon pa ni turbo man.

anyway... wala lang. ýung titulo, walang kinalaman kung bumiyahe ako o naglakbay sa mga karagatan o himpapawid. hindi ako nangibang-bansa o nag-mall tour. hindi ako nagroad trip o nag-ikot sa buong pilipinas. hindi ako nag-ala "run forrest! run!"

"isang biyahe ng buhay" - subtitle kasi 'yan ng isang indie film na pinanood ko kagabi: Sitak. kabibili ko lang nun nung linggo. hindi na ako nakatiis kaya pinanood ko na. marami nga akong choices dun e - roomboy, mga pusang gala, sarong banggi, anak ni brocka, at exodus. at ngayong "nasakyan" ko na ang sitak, namumroblema na ako ngayon kung ano na ang susunod kong bibilhin kapag nagawi uli ako sa mga video stores. siyempre, problema din ang pag-iipon.

*********************************************

Sitak (Isang Biyahe nf Buhay)

Starring:

Gerry Cornejo - main cast (natural! alangan namang unahin ko pangalan nung mga extra!). ginampanan niya yung role na "Jack".
Chanda Romero - asawa ni Jack.
Lou Veloso - paring kinumpisalan ni Jack.
Reno Romero - hindi sigurado, pero siya YATA 'yung papable na anak na ni Jack.
Jam Rodriguez - ýung babaeng anak ni Jack na nabuntis dahil na-rape. (pero hindi pinakita yung rape scene...daya)

nandoon din sina:

Valerie Tan - kilala mo siya? siya 'yung kasama ni Ivan Mayrina sa "Sapulso" every monday night sa Qtv. sa kwento, isa siya sa pasahero. Valerie Roxas 'yata ýung pagkakakilanlan sa kanya.
At marami pang ibang hindi ko kilala...

summary? ikukwento ko pa ba? h'wag na! mahaba eh... kung may tsansa kang makakita ng bala nito, bilhin mo na. pero please, h'wag sanang pirata dahil HINDI WORTH PANOORIN ANG MGA PINIRATANG INDIE/ART FILMS. MANIWALA KA SA AKIN. KAHIT NGAYON LANG.

tsaka kung avid fan ka ng Cinema one sa cable tv, malamang hindi mo rin 'to pinalampas.

*********************************************

matagal (na hindi naman talaga) na rin akong/kaming nag-iipon ng mga indie films. 'yung mga una, budget ng nanay ko. pero nung katagalan, ako na rin ang nag-ipon. medyo nagsasawa na rin kasi ako mangolekta ng mga OPM idie albums dahil parami na sila nang parami, at palabas na nang palabas. 'yung iba naman nauuwi lang sa pagiging pogi rock o emo para lang bumenta. (example: "@#*&^()").

naalala ko tuloy ýung sabi nung prof kong bahista ng bandang 'wanda': "good music does not always come with a tag price". 'di ko alam kung ano ang kauganayn nun sa pogi rock.

besides, sarado na rin ýung tower records sa sm north edsa. closed na raw nung tinawagan ko. hindi ililipat ng location. malamang nalugi. eh kasi ako lang yata ang bumibili dun eh. ang mamahal pa ng mga albums nila dahil may patong. tsaka siguro nakarma yung "matangkad" na security pumuna sa akin dati (see previous posts regarding this story).

balik sa topic... sabi ko nga marami-rami na rin akong mga bala ng indie films. pero none of them is subjected to hiring. gusto ko may kapalit na ibang bala na hindi ko pa napapanood, na indie din, na hindi pirata. paborito ko sa lahat - Big Time, starring itchyworms bassist Kelvin Yu as cool henchman.

ang maganda sa kalakaran ng movie industry ngayon, naglalabasan na talaga ang mga indie films - from cinemas to vcd/dvd copies. nagsimula yata ýun nung unti-unti tayong manalo gamit ang mga pamatong "ang pagdadalaga ni maximo oliveros" at "kubrador".

*********************************************

to give you a glimpse of sitak... (ganito talaga ako... nag-che-change topic nang walang sabi-sabi)

kwento ýun ng isang lalaking nasisante sa trabaho. ginusto niyang magpakamatay, pero lahat ng sinubukan niyang paraan e naudlot lang. in short. hindi siya makapagpakamatay. hanggang nung last attempt niya, naka-encounter siya ng tao - isang taxi driver - na nagbigay sa kanya ng ideya kung ano ang isa sa mga pinakakarumal-dumal na paraan ng pagkamatay sa pilipinas - ang pagtatrabaho bilang taxi driver.

so nag-taxi driver siya, sa pag-iisip nang "e ano kung mamatay? ok lang!". hanggang isang gabi, dumating ang pagkakataon na pwede pa na siyang mamatay (thru hold-up ano pa ba?!), pero sa mga hindi inaasahang pangyayari eh hindi siya napatay ng holdaper, sa halip ay natulungan pa niya ang holdaper na 'yun para magbagumbayan este magbagongbuhay. bigo pa rin siya sa plano niya.

pero oks lang 'yun...nung time na dumarami na kasi ang pasahero niya (na karamihan eh mga problemado)...nadiskubre niyang hindi pala siya ang may-aari ng pinakamabigat na problema sa mundo, dahilan para magpakamatay siya. sa halip...tinulungan niya na lang ang bawat problemadong pasahero sa pamamagitan ng mga pagpapayo niya. psychiatrist. psychologist. call center.

pero sa huli...sa katapusan...matapos ang mistulang nalalabing "misyon" niya sa buhay, namatay din siya. tapos ang kwento!

paano namatay si jack?

*********************************************

bakit ko gusto ang 'sitak'?

malupet ang kwento. simple. applicable sa lhat ang pangyayari. kung ano ang mapapanood mo sa sitak, ganun ang posibleng mangyari sa buhay mo. 'yun e dahil inilarawan sa kwento kung gaano pwedeng maging kaigsi, kahaba, kawalang-kabuluhan, kapakipakinabang sa iba, kasaya at kalungkot ang buhay ng isang tao.

ganun kasi ang buhay. hindi ka sigurado. para ka ding bumabiyahe. para kang nagro-road trip. pwedeng magka-road accident. pwedeng magkaroon ka ng mga pasahero o mga makikisakay lang. bawat biyahe mo, hindi mo mana alam ang pupuntahan, eh siguradong may mga lugar kang mararating hindi mo man ito alam. may stopover. mafa-flat ang gulong. may tollgate. may taeng magugulungan. may masasagasaan. may ganito at may ganito din.

(alam kong marami ka nang narinig tungkol sa pagkukumpara ng buhay ng tao sa isang "biyahe". ikaw na ang bahalang mag-isip ng iba. alam kong naiintindihan mo ang sinasabi ko.)

ganun lang kasimple. dahil sa unang kita sa palabas...parang wala lang. pero kung iisipin... "ganun nga lang pala talaga ang buhay".




"if life is so short"
~ the moffats, if life is so short

*********************************************

sitak vs. sa north diversion road

"sa north diversion road" (starring john arcilla and irma adlawan) is another indie film na 97% ng mapapanood mo eh road trip din. hindi ko maialis ang koneksyon nito sa sitak. pero ano nga ba ang pagkakaiba at pagkakapareho?

ang sa north diversion road (SNDR) ay tumatalakay sa "infidelity" o kawalan ng katapatan sa taong minamahal mo. kwento ang SNDR ng isang mag-asawa kung saan ang lalaki ay may mga naiisip na "malulungkot" na pangyayari sa buhay-mag-asawa habang binabagtas niya ang isang mahabang daan kung saan iba-ibang posibilidad ng buhay ang nakikita niya. malungkot dahil "infidelity" nga. 'yung tipong "bakit kailangang mangyari 'yun? kailangan ba talagang magtaksil? ano ang pagmamahal?". in short. love story ang SNDR.

ang pagkakahawig ng SNDR sa sitak ay ang pagtalakay sa buhay ng tao. naipakita ito sa sitak sa anyo ng pagbiabiyahe o pagtataxi. naipakita naman ito sa SNDR sa pamamagitan ng isang mahabang daanan - ang north diversion road.

parang daan...isang mahabang daan. ganun ang buhay 'di ba? iba-ibang exit. parang north diversion road. kapag nakarating ka na sa isang exit, akala mo 'yun na ang dulo. hindi pa pala. may mahahaba pa palang daanan mula doon, patungo sa kung saan-saan pa...



"walang katapusan...walang katapusan!"
~ join the club, isang minuto sa buhay ko

*********************************************

sitak vs. magnifico

matapos ang pagkukumpara sa "buhay" at "kalye", iba naman ngayon... hindi ko rin kasi maiwasang maipagkumpara ang sitak sa "magnifico" (starring jiro manio, lorna tolentino, albert martinez). now, this has something to do with the "mission" of man.


simple lang...sa parehong pelikula, parehong namatay sila jack at magnifico. 'yun e pagkatapos nilang magampanan 'yung misyon nila sa buhay - matapos matulungan ang iba. matapos ang lahat. ganun lang pala ang ending. dedo.


pero may pagkakaiba din 'yung dalawang films na 'yun, kung ang pagbabasehan eh 'yung reaksyon ng nanay ko pagkatapos nung palabas.

magnifico
"ay ang lungkot naman. namatay siya. marami pa naman siyang natulungan!"

sitak
"o? ano'ng nangyari? namatay?! nalason siya?! ay ang pangit ng ending!"


'yun na 'yun.



"natapos na ang lahat..."
~ hale, kung wala ka

*********************************************

ngayon...

iniimbitahan kitang panoorin ang "sitak". kung may tsansa kang makabili ng kopya...sasabihin ko sa 'yo, worth bilhin ang pelikulang 'to.

'wag mong bilhin 'yung ilusyon (starring yul servo and jaycee parker). oo, maganda 'yung kwento nun...pero humaba lang 'yung palabas dahil sa maya't mayang bed scenes nila yul at jaycee.



sitak. isang biyahe ng buhay.

sakay lang!







--peso--

20061225

chino season, christmas singson



december 25,

kagabi, 24 pa, hindi ako inaantok 9alam ni mimi ang dahilan kung bakit). so bilang pagsalubong sa pasko nanood na lang muna ako ng tv. sa qtv "home alone 3" yung palabas. galing! ngayon ko na lang uli naappreciate yung palabas dahil musmos pa ko't uhugin nang huling mapanaood ko yun. yun nga lang...masyadong "exaj" na yung ibang parte ng palabas. kaimposiblehan na. for fun na lang. pambata. at natawa din naman ako.

after nung movie, nilipat ko naman sa siyete. arnold s! (s for schwarzeniggah!) jingle all the way! tulad ng HA3, matagal na rin nung napanood ko 'to. so pinanood ko uli. masaya din! pambata! pampasko! nakakatuwa!

pero napanood mo na ba ýung "jingle all the way"? kilala mo ba si turbo man?

trivia (from a reliable source): si turbo man ang mascot ng tanduay!

nung una hindi ko pinansin, hanggang dun sa time na nakacostume na si arnold ng turbo man, narealize kong mascot nga siya ng tanduay...

eto ang proofs:




ito ang turbo man action figure. mukha lang siyang ultraman sa malayuan pero...




...sa malapitan, lalo pa't binigyang kulay ni arnold schwarzeniggah!, makikita mo ang malaki niyang "T" sa katawan. tuperman!



at eto ang tanduay...the number one rhum!

ngayon...ano ang pagkakaiba bukod sa font na ginamit sa letter T?

tanduay, the number one rhum! turbo, the number one man! :P

ngayon, naniniwala ka na bang mascot si turbo man ng tanduay?


;)





"merry christmas everybody! happy new year too!"
~ eraserheads, 'old fashioned chrsitmas carol'


--peso--

20061118

between teachers and students

two to three weeks ago na nang kusang magpa-drop ng subject yung kaklase ko. intcalc yung subject - mathematics, calculus, introduction to calculus. weeks ago na 'yun. matagal na. ngayon lang ako magkukwento. at magkokomento.

*********************************************

ilang beses ko na rin nakikita yung kaklase ko na 'yun na "nananahimik" tuwing nagsasagot ng exercises. tahinik naman talaga siya eh. pero iba yung katahimikan niya kapag intcalc na. at naiintindihan ko naman siya. oo, mahirap yung subject. math yun eh. nabanggit niya sa akin dati na gusto niya daw mag-cPe o computer engineering. pero since "engineering" yun at mahirap ang math, nag-computer science na lang siya. paano pa daw kaya kung nag-engineering siya kung math sa comsci hindi niya makaya?

hanggang sa dumating ang araw na sinabi niya na sa amin (sa akin at kay val alien) na gusto na raw niyang i-drop yung math. ilang linggo rin namin siyang pinipigil.
una, malapit na noon sa midterm period. nasimulan na niya ang calculus, pwede pa namang tiisin. tutal, trisem kami, madali lang lilipas ang oras. pangalawa, makukuha naman ang lahat sa praktis. sa math, wala kang kakabisaduhin (bukod sa mga angle properties at mga fuck-formulas na hindi ipinalalagay sa index card of open formulas). ang kailangan mo lang e yung mastery ng concepts, atsaka pa alng yung skills. pangatlo, pwede naman namin siyang i-assist ni val alien, lalo't adik sa math si val alien. kung 'di niya makaya ang math nang mag-isa, edi mag-group study kami. pang-apat, at huli, sayang yung ibinayad niya sa tuition fee. kung mababawi man niya yung ibinayad niya para sa 3 units, hindi niya yun makukuha lahat. ang mangyayari pa, posible siyang "ma-ireg" next term dahil sa isang subject.

hanggang sa dumating na rin yung araw na hindi siya pumasok sa midterm exam ng math. after math (aftermath), break time. nagkita kami ni classmate sa paborito naming kainan. hehe...magpapasama daw siya sa akin sa registrar's office - magpapa-drop ng subject.

ano pa nga ba ang magagawa ko? kasi kahit anong encouragement namin, hindi naman kami ang magdedesisyon para sa gusto niyang mangyari sa buhay niya. pero tulad ng pagpapayong ginagawa ng isang pari sa isang death convict na bibitayin na ilang oras na lang, ganun ang naging misyon ko para sa kaklaseng nauubusan na ng pag-asa at pasensya. pero wala talaga. deretso kami ng registrar's office. highway to hell.

doon siya nag-fill up ng tatlong kopya ng dropping form - isa para sa registrar's office, isa para sa intcalc prof, at isa para sa kanya. habang nagfi-fill-up siya, sinasagutan ko naman 'yung pasalubong niya sa aking "sudoku" mula sa dyaryong "express". ang saya!

na-fill-up-an niya na lahat. nabasa ko yung inilagay niya sa reason/s for dropping na "difficulties in the subject". tsismoso rin ako paminsan-minsan. mahilig kasi akong magbasa ng mga kakornihang nakasulat sa love letter ng iba.

akyat kami ng 4th floor para hanapin si "ma'am". kailangan niyang pirmahan yung dropping form for approval. ibig sabihin, may pag-asa pa. nasa prof na rin pala kung gusto niyang tapusin o ipagpatuloy ang hirap ng estudyante. sa kaso nung kaklase ko, walang nakakaalam kung "hirap" o "sarap" yung magiging epekto nung pagda-drop niya.

nandun si ma'am. galing banyo. namumuti sa make-up at ang bango. siguro facial wash 'yun. o kaya nagretouch. o kaya feminine wash. :P

pumasok na siya sa MPS (mathematiocs and physical sciences) faculty room, at agad naman siyang sinundan nung kaklase kong sa mga oras na yun e malapit nang hatulan. hindi na ako pumasok. nagsagot na lang ako sa labas ng crossword puzzle. sponsored by express.

after a few minutes, lumabas na rin yung kaklase ko. wala namang reaksyon sa mukha niya. wala rin siyang sinabi sa akin bukod sa "tara. baba uli tayo ng registrar". doon ko na siya tinanong:

"ano'ng sabi ni ma'am?"
"wala."
"paanong 'wala'?"
"walang sinabi. basta pinirmahan niya na yung form."
"o? as in, wala man lang sinabing concerns niya? hindi man lang sinabing baka matulungan ka pa niya, na h'wag mong idrop 'yung subject dahil sayang yung ginugol mong oras at tuition?"
'wala. sabi niya magda-drop daw ako eh hindi naman daw ako pumapasok. hindi lang kasi ako nagrerecite kaya 'di niya ako napapansin"

*********************************************

now here's my point of view...

nasa prof na rin pala kung gusto niyang tapusin o ipagpatuloy ang hirap ng estudyante.

naniniwala akong ang isang teacher sa isang unibersidad ay minsang naging estudyante din. noong panahong estudyante pa sila sa kolehiyo, gaano din kaya ka-concern yung mga prof nila sa kanila? wala naman sigurong math teacher ang hindi naghirap sa math sa buong buhay niyang pag-aaral 'di ba? pero bakit kahit sa huling pagkakataon, tila wala siyang naibigay na tulong sa estudyante niyang hindi na yata makapagbilang?

tinapos niya yung paghihirap nung kaklase ko nang walang anu-ano. pero yung pag-ulit ng subject next term at panibagong gastos, hindi kaya paghihirap din yun? nag-drop din ba siya ng math subject nung college at walang tumulong sa kanyang prof kaya gsnito rin ang iginanti niya?

kung ako ang propesor, hindi ko pipirmahan yung dropping form ng estudyante hanggat "difficulties in the subject" 'yung rason niya o hanggat hindi ko siya nakaka-one-on-one tutorial. bilang estudyante sa feu, alam ko ang gastos sa pera't oras, at hindi yun biro. at bilang isang taong may ganap nang propesyon sa buhay, alam mo din dapat 'yun.

minsan kasi, KSP lang ang estudyante. hindi ito yung "KLSP" na kanta ng sponge cola ha. ksp in a sense na talagang dumarating sa buhay ng isang mag-aaral na "puno" na yung utak niya at hindi na niya kaya pang intindihin yung mga ipinipilit pang ipaintindi. at sa mga pagkakataong ganun, kailangan mong huminto, palayain ang ibang iniisip at ilaan ito para sa mga taong handang tumulong sa 'yo - kapwa mag-aaral at guro. by that time, h'wag ka muna magbilang. pakinggan mo muna 'yung pagpapayong ginagawa nila sa'yo.

totoo yun dahil madalas ko na 'yang nararanasan - sa intcalc subject din. pero sa tulong ni val alien, nagkakapuwang muli ang utak ko para sa mga numerong hindi pa nabibilang. pero sa case ng kaklase ko, hindi nakasapat yung paglalatigo namin sa kanya ni val alien. plus, ginatungan naman nung prof ko!

the next intcalc meeting nga, nag-attendance si ma'am. tinawag niya 'yung apelyido nung kaklase ko. sinabi ko na lang na "ma'am, siya po yung nagpa-drop". at nagtinginan lahat sa akin. ayaw nilang maniwala. pero totoo. d.n.e. na 'yung kaklase ko. sa mathematical term, it stands for "does not exist/s". sa case ng kaklase ko, d.n.e. stands for "drop na eh!".

kinuwento ko pagkatapos sa kaklase kong drop na yung paghanap nung prof ko sa kanya nung attendance. isa lang ang sagot niya sa akin: "putang-ina niya!". hindi ko siya masisisi kung magalit siya sa magulang na nakakalimot sa kanya bilang isang anak.

*********************************************

(don't worry, malapit na 'tong matapos...)

sabi nung philosophy professor ko, ang tunay na trabaho daw ng isang teacher e makikita hindi basta sa graduation lang. trabaho daw ng isang guro na gumawa ng mga estudyanteng mas matalino pa sa kanya. kapag ang estudyante mo daw naging mas matalino sa'yo pagdating ng araw, matagumpay ka bilang isang guro. pero kapag grumaduate yung estudyante mo nang walang natutunan, "education fails".

ang ugnayan ng guro at estudyante ay parang ugnayan ng magulang at anak. alam ko alam niyo 'yun. mukhang malayo pero totoo yun. may hindi pagkakaintindihan sa magulang at anak, ganundin sa guro't estudyante. may unawaan sa magulang at anak, may unawaan din sa guro't estudyante. ang eskwelahan ay tahanan din. kung ayaw mong maniwala sa mga sinasabi ko, malamang hindi tumayo ang mga magulang mo bilang mga unang guro mo. hindi na kita bati! :P

trabaho nga ba ang pagiging guro? trabaho nga LANG ba? o sabi nga ni bob ong, isa itong "bokasyon"? kung magulang nga ang turing ng isang estudyante sa teacher niya, at kung anak nga ang turing ng isang teacher sa mga estudyante niya, sa tingin mo lahat kaya papasa?


ang edukasyon kaya eh nasa math, science, at english lang?
ang pagiging tao mo ba ay nakabase lang sa kurso mo?
wala bang kinalaman ang pagmamahal, pag-uunawa, at mabuting pagtuturingan sa pagkatuto ng isang tao?





"teacher, teacher, please make me well...
i don't want to go to hell;
teacher, teacher, what can i do?
'i don't know boy, it's up to you!'"

~ the eraserheads, "butterscotch"





--peso--

20061105

that girl who turned 18

wala lang.

nagpunta ako kahapon sa 18th birthday ng isang matalik na kaibigan, kaklase nung high school at masugid na nililigawan (hint: nakapangalan sa kanya ang blog na 'to). debut na niya. dati ko pa siya tinatanong kung ano ang plano niya sa debut niya. sabi niya "WALA! SA BAHAY LANG!!!"

bukas pa talaga ang bday niya - nov6. pero since ang bday nung daddy niya e nung a dos, in-average na lang. nov4.

niregaluhan ko siya ng "little monsters under your bed", yun yung itchyworms 1st album. rare na 'yun kaya nung makakita ako, binili ko agad para ipangregalo.

wala lang 'tong post na 'to. she just requested me to give her a copy of the pictures i got. sabi ko ipopost ko na lang dito.

konti lang 'to. 18 pics.

****************************************


Photobucket - Video and Image Hosting

back's yard. naghahanap ako ng moomoo. wala naman.

****************************************




mimi's bday cake. pink na pink. alam niya ang fave color ko.

****************************************




the birthday girl. si mimi. hindi naman talag siya mataba.

****************************************



spending the day together...just like a splendid love song.
hindi daw ako nakangiti...

****************************************



si joyjoy, kapatid ni mimi. nakapula din. sasabog na kaming tatlo.
mas mataba pa siya kay mimi.

****************************************



barkada ni mimi. klasmates ko din nung HS. kilala din sila ni kira yagami. 'di ba migs?

****************************************



batchmates ni joy. yung nakagreen, si james. crush ko siya. swear!

****************************************



at dahil crush ko siya, 'di pwedeng wala kaming picture. together.

****************************************



anak nung panganay na ate ni mimi. pamangkin niya in short.

****************************************



aso ng kapitbahay. masarap siyang pulutan kahit pilay.

****************************************



shot mula sa katapat na bahay. hindi ko alam kung may nakatira dun na tao o hindi tao.
naghahanap kasi ako ng moomoomoo. in-adjust ko sa photoshop, at eto 'yung lumitaw:



hindi ko alam kung may nahagip. bahala ka nang mag-sight-seeing.

****************************************



fork and drinks! this one is a nice shot which i love most! pang-album!!!

****************************************



gitaristas kuno. ayaw naming magvideoke kaya naggitara na lang kahit hindi namin marinig 'yung tinutugtog namin.

****************************************



coca cola endorser. bawal ang alak. coke na lang. ulcer at diabetes lang ang amats!

****************************************



h'wag ka nang mahiya taba! hindi nagsisinungaling ang aming kamera!

****************************************



ayan. nakangiti na ako. just like a splendid love song...so happy together.

****************************************



huh?!

****************************************

by the way, the photos above were all "unenlargeable". hindi ko alam kung merong salitang "unenlargeable".

kung gusto niyo ng full-size images: click mo 'to!!!

maraming nakapula nung araw na 'yun. kala mo lahat bday nila. o kaya world AIDS day. o kaya may gera. pwede ring valentine's day.


"napapansin mo ba, ang araw ay pula?"
~ eraserheads, "pula"




anyway, happy birthday na lang...kay mimi, sa daddy niya, at sa lahat ng may bday sa araw na 'yun. you know who you are.

this album took so long to finish...and in that long span, i'd encountered so many aliens along the way. batiin niyo na lang ang sarili niyo para sa akin. kahit 'di ko kayo kilala.





"happy birthday sa iyo! ano nga bang pangalan mo?!"
~itchyworms!, "happy birthday"



--peso--