20061009

excuse me sir, bawal ho 'yan!


nabasa mo ba 'yung title?

"excuse me sir, bawal ho 'yang ginagawa niyo. hindi ho kasi kami nagpapakopya dito ng mga artists tsaka albums. pinagbabawal po dito 'yan."

*******************************

sa tower records nangyari yan. kahapon, sa sm north. bawal daw yung ginawa ko. para bang for the first time, naramdaman ko ang sarili kong sumuway sa isang batas. yun nga lang, sa pagkakataong hindi ko alam na may batas palang ganun sa lugar na 'yun.

naglilibot ako sa sm north matapos makipagkita sa isang kaklase dahil may kinuha ako sa kanyang impormasyon para sa gagawin kong report. sosyal 'di ba? sa sm pa!.

nagpunta akong cyberzone, tumingin ng flash disk/drive (a.k.a. USB). mahal. P850, 512 MB lang. hindi ako bumili.

nagpunta akong odyssey at bumili ng bagong release na 2nd album ng "narda" na "discotillion". surprised ako nung makita ko yung last track sa album - kamikazee! (sa panahon ngayon, ang alam mo lang siguro eh yung bandang kamikazee na may kantang narda. malamang hindi mo pa naririnig yung bandang "narda". nanuna yung bandang narda kesa sa kantang narda. e para masaya siguro yung 2nd album nila, gumawa din sila ng kantang "kamikazee". kung kanina lang wala kang alam sa mga independent opm bands, ngayon may alam ka na.) binili ko. fan ako ng narda. para sa akin, 3rd best indie band sila. (yung 1st ko boldstar, yung 2nd ko 7 ft. jr.)

nagpunta akong national bookstore sa ibaba. titingin akong 2-column journal para sa approj1. wala. puro 3-column. peste. hindi ako bumili.

umakyat ako ng isang palapag. department store. nagbayad ako ng maynilad sa customer service. ang ganda nung nagbenta sa akin. wala man akong binili, parang nakalibre naman ako. feeling ko hindi siya dapat sa sm nagtatrabaho. (naalala ko tuloy si suey)

lumabas ako ng department store, pumasok ako ng national bookstore sa ground floor. wala ring 2-columns journal. naisip kong PAREHO nga palang national bookstore yung pinuntahan ko. natural alng na wala. peste. 3-columns na lang ang binili ko. tsaka isang ballpen.

sa national bookstore na yun, may access sa tower records na ako lang ang nakakaalam. minsan masarap magbiro. pasok ako ng tower. gusto ko lagi doon dahil hindi kasindami ang tao sa loob di tulad ng sa odyssey, sm record bar at radio city. kumbaga sa musical instruments store, perfect pitch 'to. pangsosyal. kaya kelangan may pera ka. isa pa, rare ang karamihan sa mga nandito. hindi kasi minsan nagbabagsak ng kopya yung ibang indie bands sa ibang stores. so nasa tower records na ako, at nagsimula ang pangyayaring dahilan ng post ko na 'to.

*******************************

naglabas ako ng "handy-dandy notebook". nag-ikot. nag-ikot. nagtingin-tingin ('di naman makabili). nag-canvass. ass.

ganun kasi ako. bago ako bumili ng isang indie album, sinesearch ko muna sa internet at naghahanap ako ng kahit 1-minute sample man lang nung mga kanta nila. kapag feeling ko may mapapala ako, bibilhin ko. kaya ako may "handy-dandy notebook" e para isulat ko lahat ng banda at album na nakarelease doon, together with their price. may presyo para na rin kung sakaling magustuhan ko, mapag-iipunan ko.

naglakad ako. at naglista.

***
uy urbandub! birth! matagal ko na 'tong nakita dati pa. naalala kong magbbday na yung pinsan ko sa katapusan ng oktubre. eto na lang ang album na kulang niya. bibilhin ko 'to! lista.

lakad uli.

sunflower day camp. attack of the horns. P260. matagal ko nang naririnig yung bandang sunflower day camp pero hindi ko pa alam kung ano ang musi cnila kaya h'wag padalos-dalos sa pagbili. lista muna.

ooops...outer hope! under terno recordings. kapag terno recordings, sigurado akong maganda, at mahal! P299. lista uli.

drizzle. ano yun? 'di bale, lista.
***

and a whole lot more! basta napansin ko na lang na may nakaputing mama na nagmamasid sa akin. pansin ko, pero hindi ko pinansin. wala lang. isnab. snob. tuloy lang sa lista. wala naman siyang sinasabi. nakatingin lang. tinignan ko yung damit ko kung baliktad pero hindi naman. basta hindi ko na lang siya pinakialaman.

maya maya, napadaan ako sa harap niya. parang tinitignan niya yung hawak ko. pero hindi ko pa rin pinakialaman. nagpatuloy pa rin ako sa paglilista ng banda, album at presyo. maya maya, wala na siya.

paggawi ko sa isang stall ng mga "new releases". nakakita ako ng isang compilation album. ililista ko sana. pero bago pa man lumapat ang tinta sa kapirasong papel, dumating uli si mamang nakaputi na animo'y isa kong kamag-anak na nagmumulto sa akin. at nagkaroon kami ng mainit na pag-uusap:

"excuse me sir, bawal ho 'yang ginagawa niyo. hindi ho kasi kami nagpapakopya dito ng mga artists tsaka albums. pinagbabawal po dito 'yan."

"ay ganun ba kuya? uhm, nagka-canvass lang kasi ako eh. bawal dito?"

"bawal ho sir eh. pakitago niyo na lang ho yang notebook niyo. hindi ho pwede e."

nakangiti: "a ganun ba? dapat kanina mo pa sinabi. ang dami ko nang naisulat o. hehe...ok ok. sorry. di ko alam eh. nagba-browse lang kasi ako ng mga rare na albums. hindi ko naman matatandaan lahat yan sa dami niyan. ok . sorry."

buti nga wala naman akong narinig sa labas na "dumapa ka matabang batang nakdilaw! sumuko ka na napapaligiran ka namin! ahente ka siguro ng pirata ano?!!!"

pero totoo yung sinabi kong "marami na akong naisulat" bago pa niya ako sawayin.

heto yung nasa listahang hindi ko itatapon dahil remembrance ko 'to mula sa tower records:

(format: artist - album - price)

urbandub - birth - 260
sunflower day camp - attack of the horns - 260
outer hope - strangely paired - 299
drizzle - love without logic - 250
gish - gish - 250
chillitees - extra rice - 260
animan - baktol 5 - 150
lokomotiv - rock n' roll roll death toll - 299
various artists - environmentally sound - 300
juan pablo dream - soul up! - 299
candles - candles - 250
various artists - tower of doom - 250
end of contracts - radioedito - 280

nakakatawa lang dahil dumaan na ko't lahat sa harap niya, hindi pa niya ako sinaway! e kung foreigner kaya yung naglilista?

*******************************

umalis ako ng TR at SM nang patuloy na nag-iisip kung bakit "bawal" yung ginawa ko. dati ko pa kasi yung ginagawa pero walang sumasaway sa akin. nag-iisip ako hanggang sa bahay. buti nga hindi ako naligaw, nadapa, o nakaapak ng tae.

medyo disappointing din dahil para namang wala silang maibigay na direktang rason kung "bakit". e di sabihin nilang "baka ho kasi piratahin lang eh" sa harap ko, walang problema sa akin yun. at least hindi ako magtataka.

speaking of piracy, hindi ako namimirata o nagbibigay ng impormasyon sa mga pirata! anti ako sa kanila. kung naghihinala sa akin yung security, payag akong pasurveillance camera ako, 24 hours, 1 year! basta hwag lang kukuhanan ng video habang nasa banyo ako. o kaya, h'wag ikakalat ang video ko sa youtube. siguro kung 1 year akong naka surveillance camera, daig ko pa yung "the truman show" dahil TOTOO yung pagkakakuha sa akin. worldwide scandal!

*******************************

nakakatuwa rin palang isipin na pagkatapos mong lumaki bilang isang mamamayang "masunurin" sa batas, e bigla mong maiisip na bigla ka palang sumuway kani-kanina lang nang hindi mo namamalayan.

hindi mo namamalayan dahil hindi mo alam na may batas palang ganoon.

oo, masunurin ka. pero pagsuway na nga ba ang hindi mo pagkaalam sa isang batas kung pinapatupad nga ba ito o hindi? naging masama ka ba kung ginawa mo ang isang bagay na hindi mo nga alam kung bawal?

hehe...naging pasaway din pala ako. masarap.

pero inosente ako. at ngayon alam ko na.

wala akong ginawang mali.




--peso--

no to piracy! magpa-burn na lang kayo sa akin!

20061008

si bebot, ang tanod, ang barangay, at ang pagtulong

alam mo na ngayon kung ano ang approj1. kung ngayon ka lang nakapasok sa blog ko at hindi mo pa nababasa yung mga nakaraang posts ko, o kung hindi ka nag-aaral sa eskwelahan ko, hindi mo nga alam kung ano yung approj1. let me say it again, i mean, a word about it - mahirap. shit.

nung nakaraan, marami akong inilistang "unfinished and unimplemented plans and projects" namin. sinabi kong nauwi kami sa paghahanap ng isang pamilya, dahil sila ang "building blocks" of the society. pero for some unexpected reasons, we had to change our project AGAIN for the LAST TIME. yes, it must be the LAST TIME dahil nahuhuli na kami sa time table.

****************************************************

magdodonate sana kami ng pedicab sa isang pamilya. pedicab. madaling sakyan. kumpara sa fishball stand, mas madali ang maintenance /meyn tey nans/. tsaka kung side car, hindi lang pambiyahe. may mga magbobote/magdidyaryo, pwera magtataho, na sidecar at hindi kariton ang ginagamit. minsan, pwede pang pampasyal ng buong pamilya.

kung itutuloy namin yung pedicab na yun, hindi lang pamilya ang una naming hahanapin, kundi yung lugar. alangan namang magbigay ka ng pedicab sa isang pamilyang nakatira sa puro tricycle! secondary na lang yung pamilya. at nakahanap naman kami ng maraming lugar.

sa paghahanap ng pamilya, occular visit, mapapadali ang paghahanap mo kung pupunta ka sa barangay hall para humingi ng assistance. ganun ang ginawa namin. occular vwisit.

yung isa kong kaklaseng malapit lang yung bahay sa amin (novaliches) e nagpunta sa isang lugar malapit sa kanila kung saan marami ang nagpepedicab. kinuwento niya sa amin yung engkwentro niya sa barangay chairman. note: chairman 'to ha, chairman.

ang sabi daw nung chairman:

"tulong? magdodonate kayo ng pedicab? naku hindi kayo makakatulong dito. makakagulo lang kayo. may prangkisa ang bawat pedicab dito. tsaka, limitado sa bawat lugar. kapag sampu, sampu lang. gusto niyo pera na lang. o kaya dito na lang sa barangay hall niyo idonate."

navwist daw yung kaklae ko sa vwinisita niya. aircon daw ang hall ni chairman. bakit kaya "sa kanila" na lang idonate? ang ganda ng posisyon niya. bagay sa kanya. chairman. hanggang chair lang siya man!

novaliches search, crossed-out!

****************************************************

nagpunta kami sa likod ng UE o UM (kung saan amn malapit yun). maraming pedicab dun. nagpunta kami sa barangay hall. wala daw si chairman. nakausap namin si bebot, isang tanod. maximo ang real name niya. nakalimutan ko yung apelyido, pero sigurado akong hindi yun oliveros o alvarado.

matino naman siyang kausap. hindi mukhang pera. hindi nambabalahura ng mga estudyanteng humihingi ng tulong. naalala ko tuloy yung sinabi niya:

"ako matino akong kausap. kapag matino ka't kakausapin mo ako, matino kitang kakausapin. pero kapag gao mo kong kinausap, gagaguhin kita. ako wala akong pinag-aralan. pero iniisip ko, may pinag-aralan ako."

sinabi niya yun dahil mabuti na raw na lumapit kami sa kanya, at hindi sa mga bahay-bahay ng mga taga-doon, dahil marami daw gago sa kanila. nung isang bese daw kasi, mga nursing students ng feu ang nag-occular visit sa kanila. interview lang naman sa mga taga-doon, tipong pabalagbag yung sagot sa kanila. pilosopo. pwede mong ikonekta sa katotohanag "kahirapan" at "kawaln ng pinag-aralan". pero bakit nga ba ganun? bakit may hindi ganun?

sabi ni bebot, h'wag daw kaming magbigay basta-basta sa kanila. marami raw siyang totally kakilalang mahihirap, pero hindi dapat bigyan dahil aasa't aasa lang ang mga yun. mga malalaki daw ang katawan pero hindi naghahanap ng trabaho. aasa. laging aasa. gaano daw ba kami kasiguradong hindi nila ibebenta yung ibibigya namin?

nanghingi na lang kami ng listahan sa kanya ng mga "pwede". nagbigay naman siya. dictation. siguro tatlo rin yung ibinigya niya. si jun, si buboy, at si pacomio, na puro mga tanod. actually, isinama nga niya yung sarili niya sa listahan eh.

tinanong ko, "kuya wala ba kayong kilalang pwedeng bigyan, pero hindi tanod?"

"a meron. si ano, yung anak ng tanod..."

(h'wag ka nang humirit. hindi tanod ang anak ng tanod)

hindi na nga ako humirit.

mayamaya may tinawag si bebot. lalaki, long hair, nakasumbrero (bull cap). kabababa lang mula sa pedicab na minamaneho niya. may kargang anak na siguro 1 year old.

tinanong namin siya. romeo daw. mr. romeo quinto. dalawa anak. operator daw siya ng pedicab.

tinanong namin kung ano ang ibig sabihin kapag operator ka ng pedicab. sabi niya, may sarili na raw siyang pedicab na minamaneho (which is, malinaw na HINDI siya pasok sa qualifications namin). pero after 2-3 seconds, bigla siyang bumawi. "pero binenta ko na. wala na akong pedicab!" (which is, malinaw na nakakaamoy kami ng malansang pag-uusap!) definitely, we won't give him anything. may kindatan yatang nangyari between bebot and romeo. nabitag sila ng bitag!

****************************************************

umalis na kami sa lugar. kind-a successful, pero may confusion at doubt sa mga pangyayari. confusion dahil iniisip namin kung magkaiba ba ang "tanod" sa "anak ng tanod". doubt kung itutuloy pa ang project dahil may kindatan kila bebot at romeo.

sumunod, hindi ko na alam ang nagyari. parang napagkasunduan na lang nung mentor namin at ibang kagrupo ko na ibahin ang project. 9000 ang target price namin sa pedicab. bilang auditor ng grupo, nakita ko na lang ang sarili kong 15000 na ang tinatantsang presyo.

"bakit 15000 na ba yung pedicab?"

"loko. ano ka ba, iba na ang project! donation sa public elementary school na lang tayo. tv set"

****************************************************

siguro masyado lang kaming naengganyo sa "pagtulong" na maaari naming magawa. nag-style wowowee kami. mahirap pala. balita ko nga din na sa ibang grupo, house and lot ang idodonate. mas wowowee yun kesa sa amin.

naalala ko tuloy yung kaklase kong galing IT (since IT ang course niya dati, tapos na niya ang approj1 at naandun siya't pinapayuhan kami) na sinabi sa aming "donation ng pedicab sa isang pamilya? ang hirap ng project niyo! kami nga basurahan lang eh."

siguro inisip naming grupo na hindi kami gagawa ng kadalasan nang ginagawa. gusto namin "remarkable". hindi masamang mangarap pero dapat siguro malaman mo rin yung kahinaan at kalakasan nung pangarap mo. sabi pa nung kaklase kong yun "huhusgahan naman kayo diyan sa approj1 kung paano niyo naachieve yung lahat ng objectives na isinet niyo"

napaisip tuloy ako.

approj1. applications project 1. apply. siguro nga, it's on how we apply our learnings, management skills, and business characteristics, not on the "wowness" of our donation. iachieve mo yung obejctive mo. hindi mahalaga kung gaano kalaking pera ang makakalap at magagastos mo para sa pagbibigyan mo. huhusgahan pala kami dito kung nagawa ba namin yung dapat naming magawa o hindi.


doon kami sa public school, elementary. library, magdodonate ng tv set. mahirap maghanap ng "mahirap" na pamilya, lalo pa't ang mga ito e tamad maghanapbuhay, tamad maghanap ng pagkakabuhayan, at aasa na lang sa aming may mga project na katulad nito. hindi sa pag-hamak sa kanila, pero mukhang mas dapat pala naming bigyang prayoridad yung mga batang mag-aaral para mas mamulat namin sila sa katotohanan, habang lumalaki sila. kailangang hindi sila matulad sa mga magulang na aasa lang sa pedicab.

lumilinaw na sa akin kung ano'ng hirap at saya meron sa approj1.




--peso--

20061002

BOBOtohan thru txtng

maikli lang 'to. pipilitin ko.

ginambala kasi ng (1st ever) philippine idol ang tahimik kong kamalayan. mabilis tuloy masusundan 'yung post kong kagagawa lang nung isang araw.

at ano ang kinalaman ng philippine idol?

simple lang. napansin kong hinuhusgahan sa PhilIdol kung sino ang mananalo sa pamamagitan ng pagtetext. text. txt. hindi yung "playing cards" na isang sugal ng mga kabataan ha. txt. yung nakakapudpod ng daliri. yung nakakakalyo. yung ginagamitan ng portable telepono.

and so what?

noon nanonood ako nung PhilIdol. siguro mga 1st few episodes lang. ngayon hindi na. naramdaman ko kasing hindi na makatotohanan at karapat-dapat (kadapat-rapat) yung mga resulta at nananalo eh. sa judging nung contestants on their performance night, yung three jurors yung manghuhusga (cayabyab, morales, magalona). pero after the show, binubuksan na ang entablado para dun sa mga texters na gustong iboto at suportahan yung contestant na napupusuan nila. those texters includes the supporters, friends, lovers, mga may crush, families, at mga binayaran ng families of the contestant. ang nangyayari, paramihan ng hakot. hindi ko alam pero kung hindi man buo, sa tingin ko eh malaking porsyento ng kabuuang grado ng isang contestant sa PhilIdol ang nakabase sa mga nakahandang magkakalyo kakaboto thru txt.

ano ngayon ang silbi nung tatlong hurado/musketeers/stooges/paring martir/tito, vic and joey na matapat na nagbibigay nung saloobin nila dun sa mga contestants na hinuhusgahan nila? kung tutuusin parang "for formality's sake" na lang yung pagkakaroon nung judges. dapat guide sila nung mga txtrs kung sino dapat nilang iboto. pero dahil "hakot" nga ang labanan, minsan, hindi na kailangang daanin pa ang paligsahan sa tunay na kakayahan. maraming kaibigan lang ayos na.

ewan ko. sa kasalukuyang lineup ng mga contestants sa PhilIdol ngayon, nakita ko kasi yung ilan na sa tingin ko eh "medyo hindi kadapat-rapat" para manalo. medyo lang naman. ang masaklap kasi, natnggal yung mga MAS kadapat-rapat manalo. yun nga lang, hindi ako makakapagbanggit ng pangalan dahil hindi ko kilala yung karamihan sa kanila. isa lang yata ang kilala ko dun eh, tanggal pa!

gusto ko kasing manalo dun yung babaeng may hearing impairment. simple lang. pare-pareho silang magagaling kumanta at bumirit, pero ang ipinagkaiba nung babaeng may hearing impairment sa iba pang contestant eh nakakaya niyang makipagsabayan sa mga kapwa niya contestants na mga puros normal naman. yun lang.

tsaka asan si suey?! si suey medina yung sinabi ko namang kaisa-isang contestant na tanging kilala ko ang pangalan. e siya rin yung pangalawang boto ko if ever hindi mananalo si babaeng may hearing impairment. normal siya. pero gusto ko siyang manalo dahil tulad nung comment nung dalawa kong kapatid, pare-pareho kaming agree na maganda si suey. crush ko siya. (kahapon sa opening nung PBA naandun siya. cute.)

wala na akong pangatlong boto, pang-apat, panglima, pang-infinity. dalawa lang. ayos na.

************************************

sa kabuuan, hindi ako sang-ayon na txt LANG ang magdecide kung sino ang karapat-dapat na manalo sa isang paligsahan.

paano kasi kung mayaman yung contestant? ang gagawin nung mga kamag-anak niya, magbebenta ng boto yan! magkano lang ba ang tig-iisang prepaid card (worth of P300, let's say) na ipamumudmod sa mga 100 kapitbahay nila para sa mga mayayaman?

paano kapag pogi/maganda yung contestant? alam mo ba kung bakit muntikan nang matalo ni rainier castillo si mark herras sa starstruck1? alam mo ba kung bakit si mike tan at hindi si cj muere ang nanalo sa starstruck2? tsaka pucha, bakit wala nga si suey?! maganda siya!

paano kung walang judges at lahat ng boto eh nakabatay sa text? paano mo malalaman kung sino ang may potensyal at kung sino ang wala? paano mo tatanggalin ang purong tubig sa isang baso ng orange juice? paano na si suey? may bf na kaya siya?


noong mga sinaunang pacontest, 5-15% lang ang audience impact. ngayon, mukhang dominated na ng smart at globe ang 100% criteria for judging.

hindi masama ang kumuha ng sponsor mula sa mga bigating kumpanya. pero dahil dun, nangyayari ang mga hindi dapat nangyayari. nananalo ang hindi dapat manalo. at matalo man ang kadapat-rapat, sigurado pa ring malaki ang kikitain ng mga bigating txt companies na 'yan.

isipin mo: magkano kaya ang kinikita (sa isang araw lang ha) nung smart/globe mula sa milyong pinoy na ngttxt/ngddl ng logo/tones/whatever para makasali sa isang game show? tapos, ISA lang yung mapipili para maglaro sa jackpot na nagkakahalga lang P2,000,000.00 (ikakaltas pa ang tax diyan!). ang tanong mapapanalunan ba niya yung jackpot prize?

smart & globe vs. millions of filipino texters. sino ang panalo?

isipin mo pare. bobo na tayo sa presidential eleksyon. hanggang sa txt ba naman?





--peso--
(potah! sabi nang iiklian ko lang eh!)

20060930

approj1

approj1

nakapagkwento na ako tungkol sa philman subject ko na ni-take ko pa last term. ngayon, may bagong delubyo sa buhay ko (na ang pagkakaiba sa philman e hindi naging delubyo ang philman para sa akin).

hindi ko alam. siguro nga sa simula lang 'to. ewan ko. we'll see.

===========================================

bago tayo magpunta sa teritoryo nila "tserman", ipapaalam ko muna sa inyo kung ano ang "approj1". here're some descriptions from my course syllabus:

course title: application project 1 (ibig sabihin, may 2 pa)
course code: approj1

course description: a course on developing team work, fostering interaction among students, vis-a-vis the various ways of expressing ideas and formulating and achieving realizable objectives.

course credit: three (3) units
prerequisite: two trimesters at FEU-EAC


ang approj1 ay hindi lang basta isang "team work" subject, kundi isang "fund raising" subject. h'wag mong isipin na katulad ito ng mga ilegal na fund raising na ipini-feature sa imbestigador o bitag. hindi. legal 'tong subject na 'to, at nakasisigurado yung mga pagbebentahan naming hindi ito mapupunta lang sa pakinabang ng school/admin dahil asahan niyong iihawin kami sa katapusan ng term dahil may defense ito. yup. barilan. hanapan ng butas. yun ang delubyo.

hindi lang 'to fund raising dahil bago kami magbenta, dapat may project proposal na kami. sa project proposal na 'to nakasaad kung saan LAHAT mapupunta ang kikitain namin sa fund raising.

LAHAT. madaling kumupit. kung wala kang kunsensya.

naalala ko na naman yung sinabi nung prof ko sa philman: "if you're taking this subject just for the sake of passing, i think you're missing out the whole point".

===========================================

ang una naming project, marami e. pero sa dami nun, wala kami dung sinunod ni isa.

(1) PGH - pero naunahan na kami nung ibang grupo sa approj na kaklase rin namin. sabi ng PGH, hindi naman daw kami pwede sa cancer ward dahil pang "UP" lang daw yun. FAWK!

(2) DSWD - taga bagobantay yung kagrupo ko, at sa likod lang ng bagobantay yung sangay ng dswd na nag-aalaga nung mga abandoned 0-6 years old. binalak namin na magpaparty sa kanila bilang project. pero nagquit din kami dahil masyadong common yung "party" sa "DSWD". ginawa na kasi yun nila iza calzado at mark herras. tsaka kung party para sa mga ages 0 hanggang (sabihin na nating) 2, paano yun? paunahang gumapang? ang mauna may premyong sandals?

(3) Home for the Aged - hindi namin tinuloy dahil "bata" ang mas major concerns namin as compared to old ones. no hard feelings. tsaka marami na rin daw nagdodonate dun sa HFTA na binabalak namin. and take my words, "politiko" daw ang madalas dun. :) sayang, patay na si croco-hunter!

(4) FEU-EAC - hindi biro. hindi masamang magdonate sa sarili mong school, as long as may nakita kang KULANG sa school, especially those na hindi nila kayang iprovide. pero mayaman ang school ko (note: hindi kayang iexplain ng yaman ng school mo ang pagkasira sa pader ng isang new building nito kapag rumagasa ang bagyo. minsan naisip ko, doon ba napunta ang binayad namin?). sa i.t./techonology school ako nagkokolehiyo. ano pa nga ba ang wala sa school ko?

(a) escalator - dahil punuan palagi ang elevator at hagdan
(b) music room - i think there has to be
(c) parking lot FOR students
(d) fountain NA malinis ang tubig - dahil tubig ng maynila ang nagtawag ng amoyebayasis ko

ewan ko. marami pa siguro pero ayaw namin. ang pagdodonate sa sarili mong school e trabaho lang ng mga tinatamad lumabas para maghanap ng mga MAS nangangailangang tao/lugar/institusyon. kung mayaman ang eskwelahan mo, h'wag ka na dun. sapat na ang tuition mo para sa kanila.

ang mundo mismo ay isang napakalaking eskwalahang katatagpuan ng napakaraming bulok na sistema at ipinagkait na pangangailangan. sa approj1, hindi ka lang dapat pumasa. kalakip dapat sa pagpasa mo e yung pagkatuto at pagkamulat mo sa mga katotohanang bumabalot sa mundo mo ngayon. kolehiyo ka na. balang araw, isa ka na sa magpapagulo sa mundo. sa halip na magpakadalubhasa sa loob ng isang maliit na kwarto, bakit hindi mo na lang subukang maki-seat-in sa bilog na mundo?

===========================================

marami pa kaming plano pero lahat ng yun e tinuldukan namin ng "h'wag na yun" at "ayoko dun". nauwi kami sa isang balak, at sa tingin namin, eto na yung gagawin namin. simple lang.

"pamilya".

bakit?

mag-aala-wowowee kami. ayaw na namin sa mga naglalakihang institusyon. gustoi namin, sa isang simpleng pamilya lang. isa lang ang punto namin: bakit kami pupunta sa isang institusyon kung may nakikita kaming isang pamilyang nangangailangan ng tulong? oo, 'di hamak na mas marami kaming matutulungan sa isang institusyon, pero ang pamilya, para sa amin, ay ang pinakamaliit ngunit pinakabuhay ng isang lipunan. building blocks of the society. yung ang pamilya. hindi muna kami kakatok sa DSWD, PGH, HFTA o New Bilibid Prison dahil gusto naming simulan sa isang bloke ang ikapagpapabago ng buong lipunan. parang pulitika. pilipinas.

sa tingin mo?

===========================================







pero hindi dun natatapos ang kwento ko....

more stories that happened as we "search" for the project proposal will be posted soon. i'll find my time for my internet card first.

i'll keep you updated.



--peso--

20060914

before... after...



******************************

noon...








"hi everybody i'm jugs jugueta of the itchyworms... please buy our album. it's called "noontime show", now on its repackaged edition. it's just P250. sulit po yun. repackage includes 4 videos and 9 new tracks. again please buy it. maganda. happy. under universal records... free 1 enervon capsule per album... thank you..."





.
.
.
.
.
.
.

ngayon...







"hi chicks...ako po si roll martinez ng hale...wala si champ eh nagkakape. hindi ako kasimpogi ni papa champ pero i could be yo lova 2... mmm...ahhh, well, just buy our album, it's a self-titled one - hale. repackaged edition 'yun, yun nga lang hindi kasing sulit nung sa itchyworms... at ahhh, it's under, ano nga bang label kami?"






******************************


yung nauna, id ko nung 1st year college. it was taken last may 18, 2005. nakatago 'yang id na 'yan bilang souvineer/souveneer/suovienier o alaala nung bagong laya pa ako nung high school. tsaka itinago ko talaga yan at iniingatan dahil hindi lahat ng kabatch ko (at maging ang nakararami pang higher levels) e hindi nabigyan ng east asia ng pagkakataon para man lang masilayan 'yung id nilang hinihintay nila ng ilang taon. nag-aaral kami sa isang "technology college" pero hindi namin alam kung bakit laging pagong ang proseso. yung iba nga alam ko gagraduate na hindi pa nabigyan nung id nila. kaya ganun kahalaga sa akin yang id na yan dahil extinct na yan sa east asia. kaya may butas sa may bar code eh dahil pi-nunch-an yan nung registrar officer para hindi ko na magamit pa.

'yung nahuli, 'yan na yung bagong id ng east asia na kapag nagpakuha ka ng picture ngayon, ang hihintayin mo lang ay 15 minutes at kuha mo ng id mo. sa likod niyan, may pirma ko pa na inenter ko through an electronic gadget. astig dahil yung nauna kong id, sa likod ay nakasulat sa "emergency contact" ang address ng isang "eva maloyed" (na hindi ko kilala at kaano-ano) na taga-caloocan. hmmm...taga-novaliches po ako. in addition, hindi yata ganun yung pirma ko. tsaka, kaya naman palang makagawa ng school ng ganitong id na madali mong makukuha, at accurate pa ang info, bakit hindi noon pa? sabi nung kaklase ko, ngayon lang daw nakabili ng gadgets. well, what would you expect from an i.t. school?


******************************

well, there's a story when i took my latest id picture just this last august. maganda naman yung sikat ng araw, wala namang bagyo, katatapos lang ng lunchbreak nun sa registrar's office (there's were the id picture taking takes place), and i think sumusweldo naman yung mga staff nang maayos despite the kind of system they're implementing.

nung ako na, hiningi yung student number ko, address, person/animal to contact in case of emergency and his/her/its contact number. binigay ko. ayos. tapos, sa harap ko, may digicam na kunektado sa pc at photoshop. pinapost na ako. "ngiti", sabi niya. "tingin sa kamera. straight body. ok?" click! pero that time nung nakuhaan na ako nung pic, aminado akong pilit yung ngiti ko.

pinalapit ako sa pc niya, pinakita yung pic ko, sabay tanong ng: "ano, ok na 'yan?" sabi ko, "mam, parang ang pangit nung ngiti ko ah..."

then sabi niya sa isang tonong amoy bagoong, "o sige upo ka uli, isa pa! ayusin mo kasi ha! hindi tayo naglalaro dito hijo ha!!"

e di sige, inayos ko na. speechless ako. mabango at masarap ang bagoong, lalo na sa mangga o karekare. pero hindi dun sa mukha nung staff na parang tutong ng kanin. inayos ko na lang. ngiti. ngumiti ako nang may kasiguraduhang yun na yung huli. para matapos na. click! hindi na ako lumapit sa pc para tignan yung pic ko. pinapirma na lang ako dun sa isang gadget para sa pirma KO. after few minutes, kuha ko na yung id ko.

paglabas ko nung registrar, naalala ko yung nangyari sa loob. tumatakbo sa isip ko yung tanong nung staff na "ano, ok na ba 'yan?" naguguluhan ako eh. kapag tinanong kita ng ganun, ano ang
maiisip mo? ako kasi, naisip ko nung tinanong ako ng ganun, kapag hindi ako nasatisfy sa hitsura ko nung shinat yung pilit kong ngiti, pwede pang umulit. 'di ba? "ok na ba yan? pag hindi ok pwede pa." tipong ganun 'di ba?

pero nung sinabi kong "mam, parang ang pangit nung ngiti ko ah..." at bigla siyang nagmukhang paa ni gandhi, naisip kong sana hindi na niya ako tinanong ng "ano, ok na ba 'yan?" dapat enter na lang siya nang enter. wala na dapat tanong tanong.

maganda naman yung sikat ng araw, wala namang bagyo, katatapos lang ng lunchbreak nun sa registrar's office, and i think sumusweldo naman yung mga staff nang maayos. isunderstanding lang kaya? o hindi niya lang naintindihan yung sinabi niya?

******************************



then, that was my haircut for a year and a term. long hair. nagsawa na kasi ako sa crew cut at 2x3 nung grade school at high school. hindi naman pwede noon ang long hair dahil mabibigyan ka ng libreng uka. masarap ang libre pero hindi ang pag-uka sa buhok mo. ngayong college lang ako nagkaroon ng ganitong kalayaan para sa buhok ko. maswerte lang siguro ako dahil sa east asia eh hindi istrikto ang buhok. sa iba bawal din ang long hair eh. basta malaya ako sa buhok ko ayos na yun. desisyon ko na kung magpapakalbo ako, magpapakaermitanyo, babalik sa gupit binata o mag-aala-bob marley.


******************************

for a year and a term...








masarap din palang mag-double ponytail! lalo't magkaibang kulay ang panaling ginamit mo!








...pero, after 2 hours...

.
.
.
.
.
.
.
.
.

TSARAAAN!!!





balik sa dating gupet!

matagal kong pinahaba at iningatan ang buhok ko...yang nakikita mo, hindi 'yan fake, lalong hindi wig, totoo yan.

wala naman akong pinagsisihan o pinanghinayangan. basta pumasok lang sa kukote ko na "makapagpagupit nga".





<--- jugs jugueta, itchyworms vocalist. dala ko pa yan sa parlor para paggayahan nung buhok ko. hindi kasi kilala nung bading yung bandang itchyworms eh.

mmm...hindi kopyang kopya. mas maikli yung buhok ko kesa kay jugs. pero ayos lang...hahaba din 'to.

update ko na lang kayo pag long hair uli ako...

--peso--

"ano'ng paki mo sa long hair ko? inggit ka lang kasi ikaw nakakalbo!" ~ the weedd , "long hair"

20060902

amoyebayasis

whew!

this day is the end of our first term. wala na. tapos na. course card distribution na lang sa syete. para sa iba, yun ang "doom's day". end of the world. parang ptc sa holy.

ilang araw din akong hindi nag-internet. i think, the last one was when i posted the "philman".

bad trip kasi eh. kung kelan finals, tsaka pa ako inatake ng mikrobyong nakukuha mula sa maduming tubig ng maynila - amoebiasis. i pronounce it as "a - mo - ye - ba - ya - sis". pero totoo ang sinabi ko, sa maduming tubig yun nakukuha, at sa maynila ko yan nakuha! madumi ang tubig ng maynila. mas malinis pa yung sa quezon city.

hindi naman kasi ako kumakain sa makdo, jabi, kepsi, yelo kab, tsoking, o kahit ano pang fast food na nakapalibot sa nicanor. ang kinakainan ko lang naman eh ang kainan ng masa - first five, cheng's, kila ga, kila bro, kila mang roger, at sa kung saan saan pang sulok ng r. papa extension. dun na rin ako umiinom ng tubig. siguro, 40% ng kabuuang nainom ko ngayong college eh nagmula na sa maynila. eh sino pa bang paghihinalaan ko sa sinapit ko?

kahit nga sa fountain sa building namin ang sama rin ng lasa ng tubig eh. lasang bakal. malamig nga, pero kung lasang tanso yung iinumin mo pagkatapos mong pagpawisan sa p.e., hwag ka na lang umatend ng p.e. next meeting.

sa ngayon medyo ok naman na ako. binigyan ako ng tatlong kapsula at isang tableta nung doktora. antibiotics lang yun at sa pagtatae. meron pa akong limang pirasong kapsula para pain reliver sa sumasakit kong ulo. lahat yun, P1200. ang sarap ng buhay ng doktor 'no?

yun lang naman ang sasabihin ko. hindi mo naman kelangang pagkabalahan tong sinulat ko. wala lang 'to. namiss ko lang ang pc.

yun lang.

amoyebayasis.

bow.








bowel.








--peso--


*********************************


p.s...




MEEYOW
(update 2)



sabi ko sa p.s. ko sa nakaraang post, wala na si muting...

hehe, nagtatago lang pala sa kakahuyan ng bahay ng lola ko ang gaga! hindi nakatiis ng gutom, lumabas! gaga talaga!







"kaytagal mo mang nawala, babalik ka rin..."
~ gary v., "babalik"