20060204

happy 1st TRAGEDIC anniversary


akalain mo...

wowowee? sino'ng 'di mawiwili?


---------------------------------------


matagal na akong nagbabalak gumawa dati ng isang article tungkol sa noon time shows sa pinas, more particularly sa wowowee. actually, nasimulan ko na. sinimulan kong gawin 'yun nung manila day pa nung nakaraang taon. kaso, tinamad na akong ipagpatuloy.

hindi ko nga akalaing mangyayari ang isang trahedyang resulta ng ipinupunto ko dun sa artikulong hindi ko man lang natapos at naishare sa blog ko. (hindi sa inyo ha...sa blog ko!)


----------------------------------------

"sa wowowee, wala pong umuuwing luhaan! dahil sa ang programa pong ito ay hindi sa amin, kundi sa inyo, aming kapamilya!"

sa tuwing manonood ako nung palabas na 'yan...madalas ko 'yang marinig na sinasabi ni host. sino ang mag-aakalang uuwing luhaan ang karamihan sa taong nagpunta sa ultra kahapon? biktima man o hindi, obvious na obvious na walang katuwaang naganap.

ano nga ba ang nangyari at bakit nauwi sa ganito?

----------------------------------------

alas sais pa daw 'yun nagsimula.

kanina lang...mga 11:30, may nagtext sa cell ng nanay ko. at dahil aabutin pa ng magdamag bago mabasa ng nanay ko 'yung nagtext (kung sino man 'yun), ako na ang nagbasa nung message. tita ko pala. ang sabi:

"'Let us pray 4 d souls who died in the ultra' pass diz 2 all the people as many as u can plz do it"

tanong ko sa nanay ko, "saan 'yung ultra?"

"sa Pasig"

sa loob ko, 'yun nga 'yung ultra'ng tinutukoy. baka kasi ibang ultra. pero anong meron sa ultra at bakit "please pray 4 the souls who died in ultra"?

"ano bang nangyari sa ultra?"

"ha? ewan ko"

pinabasa ko sa nanay ko 'yung text, then, binuksan niya 'yung tv. hindi namin alam kung ano 'yung nagyari eh.

pagbukas ng tv, channel 7 agad. tamang-tama, balita. at tamang-tama, "live form ultra".

--------------------------------------

nagkaroon pala ng stampede 'no? sa di malamang kadahilanan. hindi ko alam.

sabi nga ng nanay ko, nung isang araw pa raw pinapapunta ni willie 'yung mga tao sa ultra para sa darating na sabado. 1st anniversary pala ng wowowee.

medyo kabisado ko na ri kasi ang wowowee eh. iba ang viewers nila kumpara sa mga viewers ng eat bulaga. matagal ng show ang eat bulaga, pero nanatili silang kalmado at solemn pagdating sa pag-akit ng viewers, kumpara sa wowowee. less than a year pa lang umeere, pero dagsa na ang viewers.

trademark na ng pinoy ang noontimeshows. ito na kasi 'yung kasalo nila sa pagkain tuwing tanghali. pero ang hindi alam ng marami, nagsisimula na rin itong mging problema ng bansa, at ng mga Pilipino.

sige, dederetsuhin ko na.

-----------------------------------------------------

habang nananatili ang noon time shows, patuloy na aasa ang mga pinoy sa wala. hindi masamang ngumiti at tumawa, pero minsan, ginagawa ng gago ng mga nts ang mga pinoy. nagiging tamad na ang mga pinoy. wala na silang ibang ginawa kundi ang tumutok bawat tanghali sa harap ng tv screens, at maghintay ng biyayang walang kasiguraduhan kung dadating nga.

pansinin mo na lang 'yung mga studio audience sa wowowee. sorry for the term, "ang kakapal ng mukha!". (gusto kong masaling ang pagkatao niyo para magising kayo!). kung lagi kang nanonood nung naturang palabas, alam mo ang ibig sabihin ko. pero bakit makapal ang mukha?

dahil hindi katuwaan ang habol nila doon, pera. yes, PERA. minsan nga meron pa doong game contestant na kapag hindi nananalo, eh inilalabas dali-dali 'yung mga resibo o reseta ng gamot na kailangan daw niya bilhin para sa kanyang anak na ganyan na ganito na ganun. pucha! kung may moral ka, hindi mo 'yun gagawin sa harap ng maraming tao! ano 'yun? ganun na lang 'yung gagawin mo kung gusto mong magkaroon ng pera?

isa pa...kung saan-saan na nga lang yata pinagkukuha 'yung mga audience dun eh. mga wala na kasing moral 'yung mga nanonood. walang modo! hindi maganda ang ugali! pera, pera, pera, pera, pera. 'yun ang habol nila doon at hindi ang tamang pagsasaya.

pero nasaan nga ba 'yung problema dun?

una, nasa mismong palabas. hindi sila variety show na nagpapangiti ng tao. isa silang "hindi halatang sindikato" na wala nang ginawa kundi dagdagan ang problema ng mga pilipino, sa paraang kunwari eh nakakatulong sila, pero sa katotohanan eh pinapaasa lang nila ang mas maraming pilipinong naghihikahos. pakitang-tao, should i say?

siyempre, kung ang bawat laman ng programa mo eh ang pamumudmod ng dolyar, sinong hindi manonood at pupunta sa show mo araw-araw?

pangalawa, isa pang ugat ng problema, 'yung mga nagbibigay ng dollar kay host para ipamudmod sa taong bayan. "tulong 'yan para sa mga kababayan natin, mula sa ti-ep-si iskrudrayvers, dito lang sa blah blah blah city, CALIFORNIA!!!"

hindi na ba sila makakahanap ng ibang paraan para makatulong sa kapwa? kung maiisip kasi nila, hindi na nila kailangang makiisa sa media para makatulong. kung akala kasi natin, tayo ang "panalo", at tayo ang "bida" (sabi ng ni host) sa araw-araw nating panonood at paminsan-minsan nating pananalo, mali ang inaakala natin.

kung may pakontes nga na ginagamitan ng pagtetext, sa bilyong texters, isa lang ang mananalo dun ng isang milyon or less than a million worth of price. tanong: magkano ang kinikita ng show mula sa text lang ng isang bilyong viewers?

it's business kasi eh. it's a bad business.

"kalahok sa kalokohan, kala mo panalo ka. kalahok sa kalokohan, totoo ay talo ka" ~ itchyworms

pangatlo at huling may kasalanan, ang mga taong naging produkto ng pinagsanib na pwersa nung una at pangalawang nagkasala. sila 'yung mga audience, mula sa iba't ibang panig ng bansa. kabilang na rin dun 'yung mga ilan sa mga naging biktima - namatay o nasugatan. sila 'yung mga umasa na maiaahon sila sa kahirapan sa pamamagitan lang ng pagtawa, pagbibigya ng joke na korni, habang ang kapalit eh barya.

may naririnig nga na naman akong "kahirapan" ang sanhi ng lahat ng ito. tama! kahirapan! tapos, gobyerno? gobyerno ba ang isusunod mong sasabihin at idadagdag mong sila ang may sala?

mag-isip ka!

kurakot ang gobyerno, oo. pero sa mga ganitong pagkakataon, ang mga tao na ang gumagawa ng lalo nilang ikahihirap sa pamamagitan ng magagaspang na ugaling ipinapakita niya o ipinapakita nila sa isa't isa.

sabi nung show, lungkot na lungkot sila - 'yung host, mga staff, mga artsita - dahil ang pakay nila ay ang magpasaya at magbigay ng ligaya at pag-asa.

pero naisip kaya nilang "maling pag-asa" ang ibinibigay nila sa mga tao? alam kaya nilang ang rason kung bakit higit limampu ang patay sa stampede ay hindi dahil sa stampede mismo, kundi ang mga ipinamumudmod nilang pera?

agawan. tulakan. unahan. lahat gustong meron, nakapila, bumili ng ticket, sa pag-asang mananalo sila.

alam kaya nung palabas na maling pag-asa ang itinuro nila sa mga tao?

"give a man a fish, he will live for a day. teach him HOW to fish, he will live forever!"

namigay lang ang wowowee ng tigi-tigisang isda sa bawat pilipinong nakangiting hindi nag-iisip. pero ang pagtuturo kung paano mangisda para makatayo ang mga pilipinong ito sa sarili nilang paa, kahit wala nang aasahan pang palabas sa tv, hindi nila 'yun itinuro kailan man.

---------------------------------------

ngayon, nagka-stampede sa ultra. maraming dumalo mula pa sa iba't ibang panig ng bansa. at marami ring namatay. hindi ko alam kung anong mapapala nung isang bilyong taong pupunta dun kung manonood sila ng live, gayong pwede naman silang manood sa tv. siguro nga, dahil sa premyong ipamumudmod.

"ang daming premyo na naghihintay sa 'yo, kahit mapugot na ang ulo mo" ~ itchyworms uli

tulad nga ng sinabi ko kanina, it's business. ang kailangan ng show, magprofit o kumita ang show nila. nagke-care daw sila sa viewers kaya tinutulungan nila sa pamamagitan ng pamumudmod ng barya. pero to clarify: iba ang business sa charity. malaking pagkakaiba.

ang charity, hindi na kailangan pang gamitan ng kamera at media, at ipalabas sa harap ng madla ang ginagawa mong pagtulong. pero ang business ng pagpapakitang tao, eh 'yung kukuha ka ng mga streetchildren sa kalye at silang pasasalihin mo sa show mo para paniwalain ang mga brainwashed na viewers na tumutulong ka nga. nakakantig ng damdamin! letse!

plus, hindi mo pa pagbibihisn ng matino 'yung mga street children. kung anong suot nila nung dinampot mo sila, ganun na lang! isang magandang paraan 'yun para ipagdiinan sa mga tao na "MAHIRAP ANG TINUTULUNGAN KO!"

pero try nilang bigyan 'yun ng matinong maisusuot, higit pa 'yun sa pagkapanalo ng salapi!

iba ang business sa charity.

------------------------------------------

after nung incident, maraming tulala. maraming shocked.


may mga iniinterview ng iba't ibang channel station at tinatanong kung bakit naandun pa sila. ang sagot nila, "wala kaming pamasahe pauwi eh!"

anak ng bayawak na bunge! kung ikaw, nanggaling sa bicol, naglakad ka nang lahat para makapunta sa anniversary ng wowowee na gagawin sa maynila, tapos kapag wala kang napanalunan, bigla mo ngayong idadahilan na wala kang pamasahe pauwi?!

punyeta! pero kung nasa bahay ka na lang at nanonood ng tv...(nakakasama lang ng loob...lubog-lubog na nga 'yung keypad ng keyboard ko eh)

may mga nagsasabi pang "gutom na gutom na nga kami eh. hindi pa kami nag-aalmusal!". balita ko nga, 3 days and nights na silang nakapila dun lalo na 'yung mula sa mga probinsiya. so what do you mean kung gutom na gutom ka na't 'di pa kumakain? na sa loob ng 3 days and 3 nights na nakatambay kayo dun, ineexpect niyong mga taga-dos ang magbibigay ng pagkain niyo? e sa dami niyong 'yan eh!

ang problema talaga kasi, lahat ng naandun, umasa nang umasa na mananalo sila...ng pera...ng premyo...ng dollar. pinoy naman! bobo ka na! mag-isip ka naman kahit paminsan-minsan para 'di manahin ng anak mo ang kabobohan mo!

pero ang talagang ikinagalit ko sa pangyayaring 'yun, eh nung may isa pang ininterview na hindi ko alam kung saang region nagmula. galit pa siya ha. ang sabi niya, ang layo-layo pa daw ng pinagmulan nila tapos, hindi na itutuloy ang palabas?

GAGO! tao ka ba at ang mga katulad mo o mga taongengot ang lahi mo? bobongpinoy!

-------------------------------------------

sa huli, hindi lang wowowee ang pinopoint-out ko dito, kundi lahat ng mga taong may ganitong pamamalakad sa kapwa nila. h'wag niyong gamitin ang kamera para kumita kayo. sa panahong 'to, hindi kailangan ng taong bayan ang isanglibo't isang tuwang hatid ninyo, lalo na ang kaban-kabang pera niyo. ang kailangan ng taong bayan ay ang pagtulong niyo sa kanila sa paraang hindi niyo kailangang dagdagan ang problema ng buong bansa!


at ikaw naman, pinoy na natulungan, h'wag kang mamihasa! hindi lang ikaw ang nangangailangan ng tulong sa bansang ito. marami kayo. hindi, marami TAYO! bakit hindi tayo ang magtulungan? oo, alam kong karaniwan nang sabihin 'yung huling pangungusap na binitawan ko, pero hindi matatapos ang kahirapan na 'to hangga't tayo mismo eh patuloy na umaasa...umaasa...umaasa..sa maling pag-asa.

"lagi-lagi, lagi-lagi, lagi-lagi, lagi-lagi, lagi-lagi, lagi-lagi, lagi-laging ganito!" ~ pan

hanggat walang nasusugatan, nadidisgrasya at namamatay, walang madadala at magtatanda. pero naniniwala akong hanggat patuloy ang "kunwari magandang" hangarin ng isang institusyon/palabas/tao/grupo ng tao sa mga taong walang muwang, at hanggat patuloy ang mga pilipinog hindi pa rin magising-gising sa alarm clock na nagtitiktak ng "ikaw lang ang may hawak ng kinabukasan mo", wala nang matututo kahit anong pangaral ang gawin mo!

dadami lang ang bobong pinoy, at patuloy lang lalala ang kanser ng bansang sinilangan ng mga pilipino.



--peso--

20060126

basketbol


paalala: ang mga nakasulat sa baba ay mga pawang wala pa ring kwenta. gayunpaman, pinahaba ko na 'to para lalo kang maboring.

paalala uli: ang paksa ng usaping ito ay may kaugnayan sa larong basketbol. kaya ang sinumang walang ideya man lang tungkol sa larong 'to, pinapayuhang maglaro ka na lang ng internet checkers.

isa pa: 'yung makulit at ayaw maniwala sa mga nakasulat sa itaas, pwedeng magbasa.







----------------------------------------------------------------------

WHATCHAK!

nasa free internet site ako dito sa comlab kaya naisipan kong magbukas ng nba.com

tumambad si kobe(kobekong). naka-otsenta'y-uno puntos daw siya. who cares? :,p

napagtripan ko ring puntahan yung current team ko - kings.com.

what a headline! in boldface - KINGS ACQUIRE RON ARTEST FOR PEJA STOJAKOVIC

istatru? pacers na si peja?

------------------------------------------------------------



"i-shoot mo, i-shoot mo, i-shoot mo na ang ball. i-shoot mo na ang ball, ang sarap mag-basketball!" ~ viva hot babes



------------------------------------------------------------

wala naman akong hilig sa basketball. o sige, meron, kahit papaano. pero hindi ako marunong mag-dribble at magpasa ng bola kaya hindi ako nakikipaglaro sa mga hiphop sa kanto.

nasa ilalim na ako ng ring, kukunin ko na lang ang bola kapag sumablay ang tira ng kakampi/kalaban, hindi ko pa mairebound kaya wala rin.

kapag naglalaro kaming magbabarkada, may naririnig akong sinasabi nilang "bance" "bance". hindi ko alam kung "bance" o "vance". hindi ko rin maintindihan kung sinasapian sila ng mga kaluluwa ng mga sinaunang guardia sibil. pero malinaw na sa mga pagkakarinig kong 'yun, hindi ko alam kung ano 'yung "bance/vance/banse/vanse". siguro 'yun 'yung tagalog ng "basketball".

ang hilig ko sa basketball - umispat. tumira nang malayuan. magtres. mag-ala-ritualo o caidic. ganun. yun yung trip ko. maka-lima o sampung consecutive 3 point shots. wala nang mas sasarap pa! (at nagawa ko na 'yu ha... : ) )

-----------------------------------------------------

kung pba SMB. dati olsen racela. ngayon dondon hontiveros. trip ko rin si renren ng air21 pero smb talaga ako. ayoko kay kajiwa ng ginebra. may pogi si jj. pero wala nang smb sa pba. laglag na. inolats sila ng air21. hindi na ako nanonood ng pba.

------------------------------------------------------

nba. walang cable sa bahay kaya walang enbi-enbiey. umaasa lang ako sa rpn9 at nba.com for updates. minsan, pag-uuwing probinsiya, nakakatsamba ng live game. may cable kasi sa bahay ni lola. daig pa kami.

hindi ko na maalala kung anong taon. bata pa ako nun, kinder pa yata. naglalaban, bulls vs. jazz. championship. bulls 'yung mga kasama ko sa bahay - kuya ko, pinsan ko, pinsan ko, pinsan ko uli, 'yung isa ko pang pinsan, at'yung isa ko pang pinsan. noon pa man, ayaw ko na nang may kapareho. nag-jazz ako.

hangang-hanga ako sa jazz nung mga oras na 'yun. ayoko kay malone noon kasi negro. trip kong panoorin nun 'yung partnership nila Jeff Hornacek at John Stockton. tres sila nang tres. kala mo 'di sumasablay. 'yung mga sablay yatang tira e natataon sa mga sandaling kumukurap ako o 'di kaya'y nakatalikod. 'yun nga lang, natalo 'yung jazz! kampeon ang bulls! kawawang bata! inasar...napikon...umiyak.


tumahan.

-----------------------------------------------------

nba cards. for trading purposes pala 'yung mga 'yon. e malay ko ba! ginawa ko ngang teks! ayun, napagalitan ng kapatid. damaged na raw, hindi na pwedeng ipangtrade sa Penny Hardaway ng kapitbahay. umiyak ako...at kuntento na si kuya.

-----------------------------------------------------

hindi ko masabi kung ano ang talagang dahilan kung bakit nahilig akong magtres nang magtres (ayokong gamitin 'yung term na "magbasetbol nang magbasketbol" dahil hindi naman talaga ako marunong).

siguro...nagagalingan lang ako kapag nakakakita ng mga players na tumitira mula sa malalayo o 'di kaya dun sa mga players na nakakashoot ng 3-points kapag nagba-buzzer-beater.

dati, adik ako sa basketbol. ispat lang nang ispat. siguro grade 2 ako nun. tapos...ang sumunod na pangyayaring naalala ko na lang, tumitira ako ng tres sa isang laro naming magbabarkada nitong 3rd year high school.

sa pagitan ng grade 2 at 3rd year high school, maraming taon. siguro maraming hindrances kaya hindi ako naglaro. sabi nga nung mga kabarkada ko, "ang ganda ng shoting mo pare. kung maaga mo lang sanang natutunan ang driblling, ayos!". kaso wala eh. ayoko. magtres oo. magbasketbol hindi.

---------------------------------------------------------------------

siguro 3rd year hs din ako nung minsang mag-install 'yung kuya ko ng SNES emulator sa pc. nakita ko lang siyang naglalro ng supermario brothers 1 yata 'yun or 2. tapos, nung inutusan siya ni nanay na bumili ng patis na mapanghe, agad-agad kong sinubukan kung anuman 'yung "bagong bisyo" na inistall ni kuya sa pc.

FILE---OPEN. may dialog box na lumabas. nasa ROMS folder 'yung kasalukuyanag location, at tumambad sa harap ko ang mahaigit sampung files na may extension name na ".rom". (sampu pa lang dati. nung huli, lagpas singkwenta na yata. ngayon wala na. na-uninstall yata unexpectedly, at nai-delete pa!).

mula sa masukal na folder, nakakita ako ng "nbalive98.rom"

dinobol-klik ko, at nagsimula ang isang milyong laro!

---------------------------------------------------------------

Indiana Pacers. hindi ko alam kung bakit, pero ito ang una kong NBA team kung idi-disregard natin 'yung Utah Jazz. para mas dramatic at poetic pakinggan, Indiana Pacers is my first NBA home. Nyax! Home! Motherland!

siguro nagandahan lang ako noon sa logo nilang napaka simple: "P na kulay dilaw at may halong brown yata, tapos, may bola dun sa butas ng P". ayoko kasi nung bulls dahil malaki yung butas ng ilong nung baka/kalabaw/tamaraw/halimaw. maski na yung spurs dahil hindi ko maintindihan 'yung tatak.

ang rating ng indiana noon, 92 yata 'yung overall. ayos naman. matapos matutunan at mapag-aralan 'yung movements at tira, sinimulan kong maglaro. wala pa naman si kuya eh. siguro walang maipanukli 'yung tindahan.

---------------------------------------------

starting lineups:

Center - Rik Smits

Power Forward - Dale Davis
Small Forward - Chris Mullin
Shooting Guard - Reggie Miller
Point Guard - Mark Jackson


substitutions:

Jalen Rose

Travis Best
Austin Croshere
Antonio Davis
Fred Hoiberg
Derrick McKey

ang mga sumusunod ay hindi ko nakita dun sa laro. siguro, reserved players:

Mark Pope
Mark West
Etdrick Bohannon

-----------------------------------------------------

start ng laro! ang saya! since hindi ko pa alam kung paano ang tamang pagtira, hindi ko namamalayang tumitira na pala 'yung players na kinokontrol ko behind the half court! pero...pumapasok! "walastik po mga kapuso, o! tignan niyo po!", naririnig kong sambit ni mike enriquez habang naglalaro ako.

laro lang nang laro hanggang mamaster ko 'yung kontroladong pagtira. nag-eenjoy ako. nakaranas din ako nung mga panahong 'yun ng nba live current version. kaso, hindi ko naenjoy. mas naastigan ako noong naglalaro ako ng nba live 98 dahil kahit hindi mo pulsado 'yung player, shooter! akalain mong shooter dito sila shaquille o'neal at dikembe mutombo habang bano naman sa tres si gary payton!

---------------------------------------------------------------

nagchampion ang pacers ko. dinaya ko eh. minimal lang naman. pwede ka kasing magsave duon habang naglalaro. just press "SHIFT + ". kapag ilo-load mo naman 'yung saved data mo, i-press mo lang kung anong function key yung pinagseyban mo. ayos!

kaya siguradong hindi ako natatalo! matalo man, tambak talaga at hindi makahabol. pero kung lamang lang ng isa 'yung kalaban at 2 seconds na lang ang natitira sa gameclock, na imposibleng from the other side of the court up to your court e matakbo mo pa, ite-tres ko na lang. kapag hindi pumasok, F6! shoot uli! kapag ala pa rin, F6! isa pa! wala pa rin? F6! and so on and so forth...

inuulti ko, hindi naman ako madaya. minimal lang.

---------------------------------------------------------------

wala pang mvp-mvp nung version na 'yun. pero para sa akin, si small forward cris mullin 'yung mvp ng team ko. hindi ko pa siya nakikita kahit sa tv, pero naranasan ko nang siya lang ang paiskorin sa buong laro. saya! kaso, hanggang 92 points lang. hindi niya natalo ang record ni Walt Chamberlain na 100 points (pero natalo niya ang 81-points ni kobe(kobekong)).

puro three points ang ginagawa ko sa kanya. hindi siya nagda-dunk, ewan ko kung bakit. balita ko hindi namn siya shooter, pero shooter siya para sa akin. mula noon, hanggang ngayon, naging trademark ko na sa paglalaro ng nbalive ang 3-point shooting.

------------------------------------------------------------------

nagsawa ako sa pacers. lipat ako sa isang team. isang team na tumawag pansin sa akin dahl sila ang pinakamahina sa overall rating doon sa 98 version.

sacramento kings.

ano'ng mahina? ang lakas kaya!

eto lineup and substitution boyz:

strating5:

Center - Olden Polynice
Power Forward -
Small Forward - Billy Owens
Shooting Guard - Mahmoud Abdul-Rauf
Point Guard - Mitch Richmond

subs:

Anthony Johnson

Terry Dehere
Kevin Salvadori
Michael Smith
Corliss Williamson

M.I.A. habang naglalaro ako:

Otis Thorpe
Michael Stewart
Chris Robinson
Tariq Abdul-Wahad
Lawrence Funderburke
Derek Grimm
Mark Hendrickson
Bobby Hurley

note: may isa pang nawawala sa substitutions line-up. si "saint-jean". 'di ko alam yung 1st name basta saint-jean 'yung surname.

----------------------------------------------------

hindi ko alam kung bakit mahina ang rating ng kings sa nba live 98. basta, napachampion ko 'to! mvp ko si saint-jean. hindi siya starting lineup pero nagagalingan ako sa kanya. tsaka hanga ako sa name niya. santo!


----------------------------------------------------

3rd year pa rin. punta sa bahay ng kaklase, naki-birthday. bukas pc, nakilaro. may nba live. 2003 pa yata yun. sinubukan ko. letse ang hirap! naka-superstar pala! e malay ko bang ang rookie sa nba2k3 e katumbas na ng all-star level sa nba 98! letse!

ginamit ko noon, kings. unang tumawag pansin sa akin, yung pandak na kalbo. Mike Bibby. astig kasi 'yung apelyido - Bibby.

pero hindi siya ang dahilan kung bakit kings ang inidolo ko. si peja stojakovic! ang idol ko sa paglalaro ng basketbol!

----------------------------------------------------

si peja stojakovic ay isang 3-pointer. taga serbia and montenegro siya. nang tignan ko sa mapa at 1988 worldbook encyclopedia kung saan 'yung serbia and montenegro, wala akong nakita. pero sabi ng kaklase ko, yugoslavia daw yun. part daw.

balbas-sarado si peja. lalo na ngayong 7 or 8 years na yata siyang mainstay sa kings. hindi ko alam kung nag-aahit siya. nakita ko minsan 'yung laban ng kings at sonics sa isang sports channel sa probinsiya kung saan rookie pa lang si idol. walang'ya! ang pogi! wala pa siyang balbas nun! tapos, naka-one-side ang buhok!

naalala ko kasing "moment" niya 'yung game na 'yun eh. sa pagtatapos ng 4th quarter ng laro, mga 3-5 seonds na lang ang natitira, lamang ng tatlo ang sonics. sa loob ng maikiling segundo na 'yun, naipasa kay idol ang bola na noong mga oras na 'yun eh libreng-libreng nasa corner at ngumangata na lang ng sweet corn. trines niya! whatashat! buzzer beater!

ngingiti-ngiti nga siya nun eh. kala mo batang alang kamuwang-muwang! habang pinagmamasdan ko mukha niya nun, kasama nung ngiti at tingin niya, para bang gusto niyang sabihin na "anong nangyari? nasaan ako? bakit sinisigaw nila pangalan ko? nasaan na 'yung kinakain kong mais?"

----------------------------------------------------

pero hindi pa 'yun ang wakas nung kwento. siyempre tabala ang laban, overtime! kung inakala mo kanina na moment nga 'yun ng idol ko, mali pala! actually 'yun din ang inakala ko! sa overtime period, ilang seconds na lang din ang nalalabi bago malaman kung tutuloy ba sa 2nd overtime o mananalo na ang isang koponan, akalain mo ba namang naishoot din nung kalaban 'yung three points niya sa huling segundo!

akala ko talaga nun moment na ni idol! siguro kumakain din ng sweet corn 'yung kalaban!



tip: kumain ka ng sweet corn para gumanda ang long-range shooting ability mo!

----------------------------------------------

simula noong makita ko 'yung galing ni peja...laging kings na ang ginagamit ko sa nba. this time, hindi na 98. 2k4 na! naaadik kasi ako lalo na nung puro siya lang ang pinapaiskor ko beyond the three-point lane. astig! kung sa aktuwal na laro, nagiging katumbas na ni peja si kobe!

nung mag nba 2k5 naman ako (naks! nag-iimprove!), gumamit ako ng ibang team. bobcats. pero hindi ako nakuntento kaya pinangtrade ko rin si peja kapalit ng tatlong bangko!

masubukan ko na rin 'yung bucks kung saan kinuha ko nang sabay sila reggie miller at peja. lupet! umuulan ng bola mula sa kabilang court!

'yun nga lang...sa parehong team, hindi ako nagchampion. 'yung isa, tinuloy kasi nung pinsan ko 'yung sinave kong laro ready for the game7 of the finals, tapos, natalo! and what more, sinave niya uli! bad trip!

'yung pangalawa, umabot naman ako sa playoffs. masyado lang talagang madaya 'yung pc dahil ultimong si shaq, napapa-three points nung computer. asshole...

----------------------------------------------------

nung isang araw lang, nagulat ako dahil nabura 'yung account ko sa pc. balik simula. hindi naman nabura 'yung files ko, pero 'yung arrangements ko sa desktop, wallpaper at screensaver, balik sa basic. ayos uli.

pero ang malala, wala rin 'yung save ko sa nilalaro kong nba live 2k5 (o ha! naka 2005 na ako!) dynasty mode!

2nd season na ang nilalaro ko. gamit ko kings. and what a coincidence, kasalukuyan ko noong kinakalaban ang indiana pacers sa nba finals. 1-1 ang score. sayang! siguro nalaman nung pacers headquarters na kinakalaban ko na 'yung "1st nba home" ko kaya sila na mismo ang nagterminate ng account ko!

ang masaklap...hindi na matutupad ang pangarap ko!

Center - Brad Miller
Power Forward - Chris Webber
Small Forward - Peja Stojakovic
Shooting Guard - Doug Christie
Point Guard - Mike Bibby

sa dynasty mode, kapag tinuloy-tuloy mo ang laro, darating ang panahon na magreretire din ang players mo.

balak ko sana, kapag nagretire na 'tong limang 'to, ididisplay ko 'yung jerseys nilang lima sa "my nba" museum ko. tapos...walpaper! astig! sila kasi 'yung best starting five na nakita ko!

'yun nga lang...habang lumalaon, unti-unting nasisira 'yung "best starting five" ko.


una, si Chris, kinuha na pala ng Sixers kapalit ni Thomas. tapos, si Doug, kinuha na rin ng Orlando kapalit ni Mobley. sira na ang barkada!

kaso, after 1 year, ginawang free agent si Doug! kung ako lang ang manager ng kings at alam kong ganito ang mangyayari, hindi ko na siya ipapalit sa isang buwakaw na guard!

nalaman kong kinuha ng mavericks si doug. 'yung huli kong balita, mula sa barkada kong nba fannatic, retired na si Doug.

tatlo na lang sila --- si Brad, si Peja, at si Mike. hindi pa pala tapos.

oo. totoo 'yung headline na nabasa mo kanina sa simulang parte ng mail na 'to, siguro mga 2 hours ago. ipinalit na si Peja Stojakovic kay Ron Artest ng Pacers.

--------------------------------------------------------------

hindi ko maintindihan kung bakit sa basketbol, sa temang peja-kings-pacers lang umiikot ang buhay-bola ko. ewan.

nalaman ko ngang maski si brad miller, eh nanggaling din sa pacers bago mapunta sa kings! ewan talaga.


wala naman talagang kaso 'tong post ko na'to...

siguro dahil...namangha (o nagulat?) lang ako sa balitang bagsak-pacers 'yung star player ko.


mmm...mukhang balik pacers ako ngayon ah!

------------------------------------------------------------

nitong kalilipas lang din na araw, naisipan kong gumawa ng isang team sa nba2k5 ko (ayaw ko ng 2k6. ayoko lang.). isang tea...na in memory of my high school barkadahan. tamang-tama, sampu kasi kaming magbabarkada! solid! basketbol team!

nirelease ko lahat 'yung players ng utah jazz at doon ko inilagay yung mga players kong ginawa. saya!

hindi ko alam kung bakit hindi pacers o kings 'yung ginamit ko nun. siguro dahil masyadong maganda 'yung court ng jazz at maaliwalas sa paningin kaya 'yun 'yung pinili ko.

basketbol kasi ang past time naming magbabarkada eh, maliban dun sa isa naming kabarkadang payat at hikain. gayunpaman, isinama ko pa rin siya sa created players ko. no exceptions...ika nga.

sa ngayon...wala pang kinahihinatnan 'yung paglalaro ko ng nba gamit ang kasalukuyang team ko at mga barkada teammates ko. standing ko, 9-4. hindi ko lang alam kung kailan ko maitutuloy dahil marami pa akong projects at reports na ginagawa. isinisingit ko na nga lang 'tong pagpopost sa blog eh.

huli ko 'yung nilaro kanina lang. siguro maitutuloy ko na lang uli 'yun...siguro mamaya rin.

------------------------------------------------------------

sa huli...hindi naman ako si sakuragi na "minahal" ang basketbol kapalit ng kung anong bagay.

: )

hindi ako 'yung taong marunong maglaro ng basketbol. wala akong hilig sa basketbol. talaga. whole court? impyerno! nakakapagod! paroo't parito ka. impyerno talaga.

nakakatuwa lang magkwento dahil inspire ka sa idol mo. siguro dala na rin ng pagkagulat dahil sa isang balita sa internet tungkol sa idol mo na nabasa mo. nakakadala lang kasi. lalo na't nasa gitna ka ng pagkabagot sa loob ng 2-hour vacant time sa eskwelahan. ang babaw 'di ba?



haaay...tinatamad na ako. masyado nang mahaba 'to. bakit ko nga ba hinabaan eh wala rin namang nagbabasa dito?


sige na. lalabas na ako. makakain na lang ng sweet corn.


--peso--

20060117

hoping not a nonsense one this time...

for the meantime, habang pinag-iisipan ko kung itutuloy ko pa ba o bubuwagin na ang buhay ng blog na walang nagbabasa...

i'll share you this messgae of mine i posted in bobongpinoy yahoo groups somtime last year.

wala lang. just proud of it.

got a free stainless longganisa due to this...

for the passed former great man who made a great part for the country...salamat ser!

----------------------------------------------------------------------

From: "p3so" <bobongp3so@yahoo.com>

Date: Mon Aug 8, 2005 12:37 pm

Subject: Re: MY MODEL IS GONE!

naku po, july pa last mail ko dito...

kumusta na po sa lahat!!! :)

oo nga. dedo na si sen. roco. nakakalungkot.

nasa iskul ako nun kung hindi ako nagkakamali. around 6:00 in the afternoon nang makauwi na ako. then, sinabi lang sa akin ng nanay kona patay na nga raw si roco. nung sinabi niyang roco, si senator raul agad 'yung nasa isip ko at hindi si bembol. kung bakit hindi sibembol, hindi ko alam.

"sayang", sabi ko. nabawasan na naman kasi ng pag-asa ang Pilipinas.

hindi ko nga alam at hindi ko maintindihan kung bakit isang "bawal"sa pilipinas ang magkaroon ng isang mamamayang may tunay na magandang hangarin para sa bayan natin at para na rin sa ating lahat.


kung sino ang may TUNAY NA MALASAKIT para sa Pilipinas, hindi siya pwedeng magtagal dito. kung hangga't maaari, mamatay agad!


pero 'yung mga WALANG KWENTA at WALA TALAGANG KWENTANG lider ng bansa, sila-sila pa 'yung nagtatagal! ewan ko ba!

ngayon, si "Roco". bago siya, si "Ninoy". meron pang "Magsaysay" na tinatawag. marami sila actually. hindi kilala ang iba at nakararami pero maraming-marami sila. sino kaya ang susunod???


siguro, ganoon lang talaga ang mga masasamang damo - matagal mamatay. pero alam niyo ba kung nasaan ang buhay nung mga masasamang damong 'yun???

ang buhay nila ay hawak ng mga bobong botante. hangga't may bobongbotante (literal na "BOBO" ha. no exceptions kung kasama ka.), buhay ang mga kurakot at ulupong sa gobyerno. at dahil buhay na, at talagang buhay na buhay na ang mga lintik na ulupong, wala na. dedo na ang Pilipinas. sabi nga ni kuya jazz nicholas (drummer ng itchyworms, bassist ng boldstar, at vocalist ng parehong banda):


"GUSTONG GUSTO nila na maraming mahirap sa pinas!! kasi kung wala nang mahihirap, wala na silang babayaran para iboto sila!! diba??!? bakit nila papa-asensuhin ang pinas???? eh di wala nang bumoto sa kanila!!"


and according to him, sadyang walang ginagawa ang pamahalaan about poverty and education dahil magkakaroon ng "talino" ang mga boboto, at hindi na sila pwede pang matawag na "bobong botante" kailanman!


but anyway, i hope na papayagan niya akong i-forward dito sa groups 'yung pinost niya sa boldstar yahoo groups na 'yun. hayaan niyo, ipagpapaalam ko para naman may mai-share ako...

'yun lang naman. hindi ko alam kung next month na uli ang post ko, but i'll try to be re-active.

:)

--peso--

balita ko, kailangan na raw mag-ingat nila Ping at Brother Eddie ah!


-----------------------------------------------------------------------


next time...the post containing the words that triggered me to not and never love hale for the rest of my life!

ABANGAN!!!


pero siguro next month pa.

20060104

ow-six

new year na! pero ala pa ring pagbabago ang blog na 'to!


siguro dapat ko nang palitan ang subtitle ng blog na 'to:

mimitaba.blogspot.com: ang blogsite na wala!



wala naman kasing comments man lang...dahil wala rin namang matinong posts.


masarap lang talagang magvandal sa pader at mag-ubos ng oras at internet card.


maraming tumatakbong kwento sa isip ko...pero dahil sa haba ng nireply ko sa bestfrined ko kanina...tinatamad na akong magkwento...








hmp!












wala talagang kwenta 'tong blog na 'to! sa susunod, h'wag ka nang papasok dito!






happy new year na lang...kahit gasgas na!







niliitan ko na ang font...sobrang kahihiyan!

20051217

tri

beer
itchyworms
noon time show


nais kong magpakalasing
dahil wala ka na
nakatingin sa salamin
at nag-iisa

nakatanim pa rin ang gumamelang
binalik mo sa 'kin nang tayo ay maghiwalay
ito'y katulad ng damdamin ko
kahit buhusan mo ng beer ayaw pang mamatay

giliw, h'wag mo sanang limutin
ang mga araw na hindi sana naglaho
mga anak at bahay nating pinaplano
lahat ng ito'y nawala nung iniwan mo 'ko
kaya ngayon...

ibuhos na ang beer sa aking lalamunan
upang malunod na ang puso kong nahihirapan
bawat patak, anong sarap!
ano ba talagang mas gusto ko ---
ang beer na 'to o ang pag-ibig mo?

nais kong magpakasabog
dahil olats ako
kahit ano hihithitin
kahit tambutso

kukuha 'ko ng beer at ipapakulo
sa kaldero't lalanghapin ang usok nito
lahat ay aking gagawin
upang hindi ko na isiping nag-iisa na ako

ibuhos na ang beer sa aking lalamunan
upang malunod na ang puso kong nahihirapan
bawat patak, anong sarap!ano ba talagang mas gusto ko ---
ang beer na 'to o ang pag-ibig mo?

(beerhouse instrumental)

giliw, h'wag mo sanang limutin
ang mga araw na hindi sana naglaho
mga anak at bahay nating pinaplano
lahat ng ito'y nawala nung iniwan mo 'ko
kaya ngayon...

ibuhos na ang beer sa aking lalamunan
upang malunod na ang puso kong nahihirapan
bawat patak, anong sarap!
ano ba talagang mas gusto ko ---

ang beer na 'to --- ang beer na 'to ---
ang beer na 'to o ang pag-ibig mo?

20051212

tu


love team
itchyworms
noon time show


'di naman talaga tayo magsinta
pero gusto nila kahit ayaw mo
bagay raw tayo

'di naman totoo mga yakap mo
pang-eksena lamang 'to
'di mo lang alam

na nababaliw na ako sa iyo
'di ko na yata kaya 'to
ang aking lihim na pakay
ay ang lahat nang ito'y gawing tunay

sana h'wag mo 'kong sisihin
kung 'di ko kayang pigilin
sabi mo na mahal mo 'ko
ngunit 'di naman seryoso

sana, magkasingkulay
ang drama at tunay na buhay ko
ang tanging pag-asa ko
ay nasa tambalang ito

sinungaling ka
kapag may tao ay nilalambing mo 'ko
pero 'pag wala, ang sama-sama

turing mo sa 'kin ay parang hangin
bitin na bitin
'di nila alam

na sa dulo ng tagpo
'di na patok mga linya ko
nag-iiba ang 'yong asta
hanggang sa susunod na eksena

sana h'wag mo 'kong sisihin
kung 'di ko kayang pigilin
sabi mo na mahal mo 'ko
ngunit 'di naman seryoso

sana, magkasingkulay
ang drama at tunay na buhay ko
ang tanging pag-asa ko
ay nasa tambalang ito