paalala: ang mga nakasulat sa baba ay mga pawang wala pa ring kwenta. gayunpaman, pinahaba ko na 'to para lalo kang maboring.
paalala uli: ang paksa ng usaping ito ay may kaugnayan sa larong basketbol. kaya ang sinumang walang ideya man lang tungkol sa larong 'to, pinapayuhang maglaro ka na lang ng internet checkers.
isa pa: 'yung makulit at ayaw maniwala sa mga nakasulat sa itaas, pwedeng magbasa.
----------------------------------------------------------------------
WHATCHAK!
nasa free internet site ako dito sa comlab kaya naisipan kong magbukas ng nba.com
tumambad si kobe(kobekong). naka-otsenta'y-uno puntos daw siya. who cares? :,p
napagtripan ko ring puntahan yung current team ko - kings.com.
what a headline! in boldface - KINGS ACQUIRE RON ARTEST FOR PEJA STOJAKOVIC
istatru? pacers na si peja?
------------------------------------------------------------
"i-shoot mo, i-shoot mo, i-shoot mo na ang ball. i-shoot mo na ang ball, ang sarap mag-basketball!" ~ viva hot babes
------------------------------------------------------------
wala naman akong hilig sa basketball. o sige, meron, kahit papaano. pero hindi ako marunong mag-dribble at magpasa ng bola kaya hindi ako nakikipaglaro sa mga hiphop sa kanto.
nasa ilalim na ako ng ring, kukunin ko na lang ang bola kapag sumablay ang tira ng kakampi/kalaban, hindi ko pa mairebound kaya wala rin.
kapag naglalaro kaming magbabarkada, may naririnig akong sinasabi nilang "bance" "bance". hindi ko alam kung "bance" o "vance". hindi ko rin maintindihan kung sinasapian sila ng mga kaluluwa ng mga sinaunang guardia sibil. pero malinaw na sa mga pagkakarinig kong 'yun, hindi ko alam kung ano 'yung "bance/vance/banse/vanse". siguro 'yun 'yung tagalog ng "basketball".
ang hilig ko sa basketball - umispat. tumira nang malayuan. magtres. mag-ala-ritualo o caidic. ganun. yun yung trip ko. maka-lima o sampung consecutive 3 point shots. wala nang mas sasarap pa! (at nagawa ko na 'yu ha... : ) )
-----------------------------------------------------
kung pba SMB. dati olsen racela. ngayon dondon hontiveros. trip ko rin si renren ng air21 pero smb talaga ako. ayoko kay kajiwa ng ginebra. may pogi si jj. pero wala nang smb sa pba. laglag na. inolats sila ng air21. hindi na ako nanonood ng pba.
------------------------------------------------------
nba. walang cable sa bahay kaya walang enbi-enbiey. umaasa lang ako sa rpn9 at nba.com for updates. minsan, pag-uuwing probinsiya, nakakatsamba ng live game. may cable kasi sa bahay ni lola. daig pa kami.
hindi ko na maalala kung anong taon. bata pa ako nun, kinder pa yata. naglalaban, bulls vs. jazz. championship. bulls 'yung mga kasama ko sa bahay - kuya ko, pinsan ko, pinsan ko, pinsan ko uli, 'yung isa ko pang pinsan, at'yung isa ko pang pinsan. noon pa man, ayaw ko na nang may kapareho. nag-jazz ako.
hangang-hanga ako sa jazz nung mga oras na 'yun. ayoko kay malone noon kasi negro. trip kong panoorin nun 'yung partnership nila Jeff Hornacek at John Stockton. tres sila nang tres. kala mo 'di sumasablay. 'yung mga sablay yatang tira e natataon sa mga sandaling kumukurap ako o 'di kaya'y nakatalikod. 'yun nga lang, natalo 'yung jazz! kampeon ang bulls! kawawang bata! inasar...napikon...umiyak.
tumahan.
-----------------------------------------------------
nba cards. for trading purposes pala 'yung mga 'yon. e malay ko ba! ginawa ko ngang teks! ayun, napagalitan ng kapatid. damaged na raw, hindi na pwedeng ipangtrade sa Penny Hardaway ng kapitbahay. umiyak ako...at kuntento na si kuya.
-----------------------------------------------------
hindi ko masabi kung ano ang talagang dahilan kung bakit nahilig akong magtres nang magtres (ayokong gamitin 'yung term na "magbasetbol nang magbasketbol" dahil hindi naman talaga ako marunong).
siguro...nagagalingan lang ako kapag nakakakita ng mga players na tumitira mula sa malalayo o 'di kaya dun sa mga players na nakakashoot ng 3-points kapag nagba-buzzer-beater.
dati, adik ako sa basketbol. ispat lang nang ispat. siguro grade 2 ako nun. tapos...ang sumunod na pangyayaring naalala ko na lang, tumitira ako ng tres sa isang laro naming magbabarkada nitong 3rd year high school.
sa pagitan ng grade 2 at 3rd year high school, maraming taon. siguro maraming hindrances kaya hindi ako naglaro. sabi nga nung mga kabarkada ko, "ang ganda ng shoting mo pare. kung maaga mo lang sanang natutunan ang driblling, ayos!". kaso wala eh. ayoko. magtres oo. magbasketbol hindi.
---------------------------------------------------------------------
siguro 3rd year hs din ako nung minsang mag-install 'yung kuya ko ng SNES emulator sa pc. nakita ko lang siyang naglalro ng supermario brothers 1 yata 'yun or 2. tapos, nung inutusan siya ni nanay na bumili ng patis na mapanghe, agad-agad kong sinubukan kung anuman 'yung "bagong bisyo" na inistall ni kuya sa pc.
FILE---OPEN. may dialog box na lumabas. nasa ROMS folder 'yung kasalukuyanag location, at tumambad sa harap ko ang mahaigit sampung files na may extension name na ".rom". (sampu pa lang dati. nung huli, lagpas singkwenta na yata. ngayon wala na. na-uninstall yata unexpectedly, at nai-delete pa!).
mula sa masukal na folder, nakakita ako ng "nbalive98.rom"
dinobol-klik ko, at nagsimula ang isang milyong laro!
---------------------------------------------------------------
Indiana Pacers. hindi ko alam kung bakit, pero ito ang una kong NBA team kung idi-disregard natin 'yung Utah Jazz. para mas dramatic at poetic pakinggan, Indiana Pacers is my first NBA home. Nyax! Home! Motherland!
siguro nagandahan lang ako noon sa logo nilang napaka simple: "P na kulay dilaw at may halong brown yata, tapos, may bola dun sa butas ng P". ayoko kasi nung bulls dahil malaki yung butas ng ilong nung baka/kalabaw/tamaraw/halimaw. maski na yung spurs dahil hindi ko maintindihan 'yung tatak.
ang rating ng indiana noon, 92 yata 'yung overall. ayos naman. matapos matutunan at mapag-aralan 'yung movements at tira, sinimulan kong maglaro. wala pa naman si kuya eh. siguro walang maipanukli 'yung tindahan.
---------------------------------------------
starting lineups:
Center - Rik Smits
Power Forward - Dale Davis
Small Forward - Chris Mullin
Shooting Guard - Reggie Miller
Point Guard - Mark Jackson
substitutions:
Jalen Rose
Travis Best
Austin Croshere
Antonio Davis
Fred Hoiberg
Derrick McKey
ang mga sumusunod ay hindi ko nakita dun sa laro. siguro, reserved players:
Mark Pope
Mark West
Etdrick Bohannon
-----------------------------------------------------
start ng laro! ang saya! since hindi ko pa alam kung paano ang tamang pagtira, hindi ko namamalayang tumitira na pala 'yung players na kinokontrol ko behind the half court! pero...pumapasok! "walastik po mga kapuso, o! tignan niyo po!", naririnig kong sambit ni mike enriquez habang naglalaro ako.
laro lang nang laro hanggang mamaster ko 'yung kontroladong pagtira. nag-eenjoy ako. nakaranas din ako nung mga panahong 'yun ng nba live current version. kaso, hindi ko naenjoy. mas naastigan ako noong naglalaro ako ng nba live 98 dahil kahit hindi mo pulsado 'yung player, shooter! akalain mong shooter dito sila shaquille o'neal at dikembe mutombo habang bano naman sa tres si gary payton!
---------------------------------------------------------------
nagchampion ang pacers ko. dinaya ko eh. minimal lang naman. pwede ka kasing magsave duon habang naglalaro. just press "SHIFT +
kaya siguradong hindi ako natatalo! matalo man, tambak talaga at hindi makahabol. pero kung lamang lang ng isa 'yung kalaban at 2 seconds na lang ang natitira sa gameclock, na imposibleng from the other side of the court up to your court e matakbo mo pa, ite-tres ko na lang. kapag hindi pumasok, F6! shoot uli! kapag ala pa rin, F6! isa pa! wala pa rin? F6! and so on and so forth...
inuulti ko, hindi naman ako madaya. minimal lang.
---------------------------------------------------------------
wala pang mvp-mvp nung version na 'yun. pero para sa akin, si small forward cris mullin 'yung mvp ng team ko. hindi ko pa siya nakikita kahit sa tv, pero naranasan ko nang siya lang ang paiskorin sa buong laro. saya! kaso, hanggang 92 points lang. hindi niya natalo ang record ni Walt Chamberlain na 100 points (pero natalo niya ang 81-points ni kobe(kobekong)).
puro three points ang ginagawa ko sa kanya. hindi siya nagda-dunk, ewan ko kung bakit. balita ko hindi namn siya shooter, pero shooter siya para sa akin. mula noon, hanggang ngayon, naging trademark ko na sa paglalaro ng nbalive ang 3-point shooting.
------------------------------------------------------------------
nagsawa ako sa pacers. lipat ako sa isang team. isang team na tumawag pansin sa akin dahl sila ang pinakamahina sa overall rating doon sa 98 version.
sacramento kings.
ano'ng mahina? ang lakas kaya!
eto lineup and substitution boyz:
strating5:
Center - Olden Polynice
Power Forward -
Small Forward - Billy Owens
Shooting Guard - Mahmoud Abdul-Rauf
Point Guard - Mitch Richmond
subs:
Anthony Johnson
Terry Dehere
Kevin Salvadori
Michael Smith
Corliss Williamson
M.I.A. habang naglalaro ako:
Otis Thorpe
Michael Stewart
Chris Robinson
Tariq Abdul-Wahad
Lawrence Funderburke
Derek Grimm
Mark Hendrickson
Bobby Hurley
note: may isa pang nawawala sa substitutions line-up. si "saint-jean". 'di ko alam yung 1st name basta saint-jean 'yung surname.
----------------------------------------------------
hindi ko alam kung bakit mahina ang rating ng kings sa nba live 98. basta, napachampion ko 'to! mvp ko si saint-jean. hindi siya starting lineup pero nagagalingan ako sa kanya. tsaka hanga ako sa name niya. santo!
----------------------------------------------------
3rd year pa rin. punta sa bahay ng kaklase, naki-birthday. bukas pc, nakilaro. may nba live. 2003 pa yata yun. sinubukan ko. letse ang hirap! naka-superstar pala! e malay ko bang ang rookie sa nba2k3 e katumbas na ng all-star level sa nba 98! letse!
ginamit ko noon, kings. unang tumawag pansin sa akin, yung pandak na kalbo. Mike Bibby. astig kasi 'yung apelyido - Bibby.
pero hindi siya ang dahilan kung bakit kings ang inidolo ko. si peja stojakovic! ang idol ko sa paglalaro ng basketbol!
----------------------------------------------------
si peja stojakovic ay isang 3-pointer. taga serbia and montenegro siya. nang tignan ko sa mapa at 1988 worldbook encyclopedia kung saan 'yung serbia and montenegro, wala akong nakita. pero sabi ng kaklase ko, yugoslavia daw yun. part daw.
balbas-sarado si peja. lalo na ngayong 7 or 8 years na yata siyang mainstay sa kings. hindi ko alam kung nag-aahit siya. nakita ko minsan 'yung laban ng kings at sonics sa isang sports channel sa probinsiya kung saan rookie pa lang si idol. walang'ya! ang pogi! wala pa siyang balbas nun! tapos, naka-one-side ang buhok!
naalala ko kasing "moment" niya 'yung game na 'yun eh. sa pagtatapos ng 4th quarter ng laro, mga 3-5 seonds na lang ang natitira, lamang ng tatlo ang sonics. sa loob ng maikiling segundo na 'yun, naipasa kay idol ang bola na noong mga oras na 'yun eh libreng-libreng nasa corner at ngumangata na lang ng sweet corn. trines niya! whatashat! buzzer beater!
ngingiti-ngiti nga siya nun eh. kala mo batang alang kamuwang-muwang! habang pinagmamasdan ko mukha niya nun, kasama nung ngiti at tingin niya, para bang gusto niyang sabihin na "anong nangyari? nasaan ako? bakit sinisigaw nila pangalan ko? nasaan na 'yung kinakain kong mais?"
----------------------------------------------------
pero hindi pa 'yun ang wakas nung kwento. siyempre tabala ang laban, overtime! kung inakala mo kanina na moment nga 'yun ng idol ko, mali pala! actually 'yun din ang inakala ko! sa overtime period, ilang seconds na lang din ang nalalabi bago malaman kung tutuloy ba sa 2nd overtime o mananalo na ang isang koponan, akalain mo ba namang naishoot din nung kalaban 'yung three points niya sa huling segundo!
akala ko talaga nun moment na ni idol! siguro kumakain din ng sweet corn 'yung kalaban!
tip: kumain ka ng sweet corn para gumanda ang long-range shooting ability mo!
----------------------------------------------
simula noong makita ko 'yung galing ni peja...laging kings na ang ginagamit ko sa nba. this time, hindi na 98. 2k4 na! naaadik kasi ako lalo na nung puro siya lang ang pinapaiskor ko beyond the three-point lane. astig! kung sa aktuwal na laro, nagiging katumbas na ni peja si kobe!
nung mag nba 2k5 naman ako (naks! nag-iimprove!), gumamit ako ng ibang team. bobcats. pero hindi ako nakuntento kaya pinangtrade ko rin si peja kapalit ng tatlong bangko!
masubukan ko na rin 'yung bucks kung saan kinuha ko nang sabay sila reggie miller at peja. lupet! umuulan ng bola mula sa kabilang court!
'yun nga lang...sa parehong team, hindi ako nagchampion. 'yung isa, tinuloy kasi nung pinsan ko 'yung sinave kong laro ready for the game7 of the finals, tapos, natalo! and what more, sinave niya uli! bad trip!
'yung pangalawa, umabot naman ako sa playoffs. masyado lang talagang madaya 'yung pc dahil ultimong si shaq, napapa-three points nung computer. asshole...
----------------------------------------------------
nung isang araw lang, nagulat ako dahil nabura 'yung account ko sa pc. balik simula. hindi naman nabura 'yung files ko, pero 'yung arrangements ko sa desktop, wallpaper at screensaver, balik sa basic. ayos uli.
pero ang malala, wala rin 'yung save ko sa nilalaro kong nba live 2k5 (o ha! naka 2005 na ako!) dynasty mode!
2nd season na ang nilalaro ko. gamit ko kings. and what a coincidence, kasalukuyan ko noong kinakalaban ang indiana pacers sa nba finals. 1-1 ang score. sayang! siguro nalaman nung pacers headquarters na kinakalaban ko na 'yung "1st nba home" ko kaya sila na mismo ang nagterminate ng account ko!
ang masaklap...hindi na matutupad ang pangarap ko!
Center - Brad Miller
Power Forward - Chris Webber
Small Forward - Peja Stojakovic
Shooting Guard - Doug Christie
Point Guard - Mike Bibby
sa dynasty mode, kapag tinuloy-tuloy mo ang laro, darating ang panahon na magreretire din ang players mo.
balak ko sana, kapag nagretire na 'tong limang 'to, ididisplay ko 'yung jerseys nilang lima sa "my nba" museum ko. tapos...walpaper! astig! sila kasi 'yung best starting five na nakita ko!
'yun nga lang...habang lumalaon, unti-unting nasisira 'yung "best starting five" ko.
una, si Chris, kinuha na pala ng Sixers kapalit ni Thomas. tapos, si Doug, kinuha na rin ng Orlando kapalit ni Mobley. sira na ang barkada!
kaso, after 1 year, ginawang free agent si Doug! kung ako lang ang manager ng kings at alam kong ganito ang mangyayari, hindi ko na siya ipapalit sa isang buwakaw na guard!
nalaman kong kinuha ng mavericks si doug. 'yung huli kong balita, mula sa barkada kong nba fannatic, retired na si Doug.
tatlo na lang sila --- si Brad, si Peja, at si Mike. hindi pa pala tapos.
oo. totoo 'yung headline na nabasa mo kanina sa simulang parte ng mail na 'to, siguro mga 2 hours ago. ipinalit na si Peja Stojakovic kay Ron Artest ng Pacers.
--------------------------------------------------------------
hindi ko maintindihan kung bakit sa basketbol, sa temang peja-kings-pacers lang umiikot ang buhay-bola ko. ewan.
nalaman ko ngang maski si brad miller, eh nanggaling din sa pacers bago mapunta sa kings! ewan talaga.
wala naman talagang kaso 'tong post ko na'to...
siguro dahil...namangha (o nagulat?) lang ako sa balitang bagsak-pacers 'yung star player ko.
mmm...mukhang balik pacers ako ngayon ah!
------------------------------------------------------------
nitong kalilipas lang din na araw, naisipan kong gumawa ng isang team sa nba2k5 ko (ayaw ko ng 2k6. ayoko lang.). isang tea...na in memory of my high school barkadahan. tamang-tama, sampu kasi kaming magbabarkada! solid! basketbol team!
nirelease ko lahat 'yung players ng utah jazz at doon ko inilagay yung mga players kong ginawa. saya!
hindi ko alam kung bakit hindi pacers o kings 'yung ginamit ko nun. siguro dahil masyadong maganda 'yung court ng jazz at maaliwalas sa paningin kaya 'yun 'yung pinili ko.
basketbol kasi ang past time naming magbabarkada eh, maliban dun sa isa naming kabarkadang payat at hikain. gayunpaman, isinama ko pa rin siya sa created players ko. no exceptions...ika nga.
sa ngayon...wala pang kinahihinatnan 'yung paglalaro ko ng nba gamit ang kasalukuyang team ko at mga barkada teammates ko. standing ko, 9-4. hindi ko lang alam kung kailan ko maitutuloy dahil marami pa akong projects at reports na ginagawa. isinisingit ko na nga lang 'tong pagpopost sa blog eh.
huli ko 'yung nilaro kanina lang. siguro maitutuloy ko na lang uli 'yun...siguro mamaya rin.
------------------------------------------------------------
sa huli...hindi naman ako si sakuragi na "minahal" ang basketbol kapalit ng kung anong bagay.
: )
hindi ako 'yung taong marunong maglaro ng basketbol. wala akong hilig sa basketbol. talaga. whole court? impyerno! nakakapagod! paroo't parito ka. impyerno talaga.
nakakatuwa lang magkwento dahil inspire ka sa idol mo. siguro dala na rin ng pagkagulat dahil sa isang balita sa internet tungkol sa idol mo na nabasa mo. nakakadala lang kasi. lalo na't nasa gitna ka ng pagkabagot sa loob ng 2-hour vacant time sa eskwelahan. ang babaw 'di ba?
haaay...tinatamad na ako. masyado nang mahaba 'to. bakit ko nga ba hinabaan eh wala rin namang nagbabasa dito?
sige na. lalabas na ako. makakain na lang ng sweet corn.
--peso--


