20110606

kung paano umayaw

tulad ng katotohanang hindi mo masisisi ang isang holdaper na nangangailangan ng pera para may maipang-enrol siya sa anak niyang magge-grade one na sa lunes, bukas, hindi mo din ako masisisi kung ngayon ko lang maisip na hindi ito ang gusto ko sa buhay ko.

minsan nadadaya na din ako ng pera. pinapasweldo ako, para magampanan pa lalo nang mas maayos ang trabaho ko. sumasaya ako pag may sweldo. pero nadadaya ako. nakakalimot ako. yun ba talaga ang habol ko? kelangan sa trabaho unang-una, masaya ka sa ginagawa mo. pero natatakpan din pala ang saya pag dumating na ang sahod ko. naloloko din pala ako.

naduduwagan na ako sa sarili ko. tinutuloy ko ang araw-araw, kasi kailangan. yun lang - DAHIL LANG SA KAILANGAN. wala na bang mas bibigat pang dahilan dun? "dahil kelangan kong mabuhay". ano yun? mabuhay ba? o sumaya? mabuhay nang masaya? nang kuntento?

ang tao daw wala talagang kasiyahan. tao nga ako. dapat ba akong malungkot dahil dito ako napunta? malamang mumurahin ako ng kung sino man ang makabasa nito na kilala ako.

pero tulad ng isang holdaper, hindi mo ako masisisi. may hinahanap ako. parang mali ang napuntahan ko.

malakas pa nga daw ako, dahil hindi ko pa hawak ang kutsilyo. pero naisip ko mas malakas pa yata yung nagtarak na lang ng kutsilyo.

sa dalawampung taon na nabuhay ako, ngayon pa ako naligaw nang gising. paano ba umayaw?

simulan ko kaya sa resignation letter?



--peso--