20110520
Oh It's May Twenty-One
12:01 na nga e. Umaga na. Sabado. Katapusan na daw ng mundo. Rapture (whatever that means). Inunahan na 'yung 2012 incident. Ewan ko kung sino ang promotor, pero maraming naaalerto. Although, marami din ang nasanay na, at iniisnab na lang ang isyung ganito. Taon-taon/deka-dekada naman kasi merong mga prediskyong tulad nito. Hindi naman nagkakatotoo. Tutal, wala namang nakakaalam talaga ng kasasapitan, kaya mas tama sigurong huwag na lang magpaka-OA.
Totoo nga kaya ang end of the world? Alam mo minsan napapaisip ako na hindi 'yun totoo. May theory ako e. Ang theory ko, WALANG END OF THE WORLD.
Bakit? Kasi, wala namang makapagpapatunay, dahil lahat naman tayo isa-isang maggu-goodbye world.
System.out.println("Goodbye World!");
Halimbawa, may isang tao na magsasabing bukas na magugunaw ang mundo. Tapos hindi nagkatotoo. Ibig sabihin +1 true ang theory ko.
Next example, may isa na namang tao, na sa taong ganito magugunaw na ang mundo. Kung naalala mo, before year 2000, maraming ganung prediksiyon. Pero hindi din nagkatotoo, ang proof e 11 years ago na ang year 2000. Yung mga ganung halimbawa, dagdag puntos na naman sa teorya ko.
Halimbawa pa, may isang tao uli, na after 100 years magugunaw na ang mundo. Ang tanong, buhay pa ba siya after 100 years? Mas malaki ang chance na hindi na. Ibig sabihin, hindi niya mapapatunayan na totoo ang sinabi niya. Isa pa, balewala na din sa kanya yun, kasi nga posiblend deds na siya. Mahalaga pa ba sa patay ang end of the world? Plus points na naman ako.
Tapos sa ika-isangdaang taon na 'yun, may mga taong uulit at uulit sa ganong hula. Paikot-ikot lang, parang water cycle. May mangyayari ba? Who knows? Pero wala na tayo ng panahon na yun para magpatunay. The fact na hindi natin maabutan, is also the fact na hindi totoo na may end of the world.
Sa tingin ko, ganun kasimple yun e. Why be pressured? Can't we just continue? Tatakutin lang natin ang mga sarili at ang mga katabi natin, samantalang kapag hindi naman dumating ang inaasahang delubyo, itutuloy lang natin ang tsismis, sugal, alak, porno.
Mukhang kinailangan lang talaga ang ideya ng katapusan ng mundo para makita natin ang iba't ibang reaksyon ng isa't isa. Bukod dun, wala na. Takutan lang.
Pero kung takot lang ang pag-uusapan, wala nang mas nakakatakot pa sa ganitong SQL query, na kamakailang lang e naexecute sa isang live database dahil sa kagagawan ko:
UPDATE tblBomMain SET GeneralInformation = ISNULL(SELECT TOP 1 GeneralInformation FROM tblBomVersionsHistoryTechFabrics WHERE bom_id = @bom_id AND bom_version_id = @changed_bom_version_id, '')
Akala ko may WHERE. Wala pala. Doon muntik natapos ang mundo ko.
--peso--


