20110318
the worst act you can let your life do to you
being alone,
is more than being only you,
on a certain place,
at a certain time.
without a company.
it's even worse than you
being lonely.
you can be happy,
and still felt alone.
it's psychological.
it's more than being silent.
worse than being calm.
let your life do anything else,
except being alone:
meet people.
greet everyone.
sing.
read books.
watch tv.
listen to the radio.
eat snacks.
take a bath.
walk.
talk.
strum a guitar.
dance.
pray.
surf.
stroll.
bike.
fly.
do anything.
divert.
but never let yourself be alone.
talk.
voice out.
open up.
shout.
in the end
you may want to be quiet.
you may do so.
just NEVER let yourself be alone.
otherwise, if you do,
you fuckin' never know what it could do.
to you.
and the person next to you.
--peso--
listen to me...
i won't be here forever.
not even soon.
20110315
kung bakit pinili ng Diyos ang Japan para yanigin ng lindol at hampasin ng tsunami
Sa dalawampung taong pamumuhay ko, ngayon ako pinakahumanga sa mga Hapon.
Matapos mapanood ang mga report coverage ni Chino Gaston ng GMA7 mula sa Japan, nalungkot ako, napailing at napapalatak dahil sa panghihinayang. Pero hindi ito dahil sa panghihinayang sa maraming buhay, ari-arian, tirahan at kabuhayang nawala sa kanila. Sa halip, dahil ito sa panghihinayang dahil hindi natin sila mapantayan pagdating sa simpleng "pagpapahalaga", kahit pa sa tindi at lupit ng sinapit ng bansa nila bunga ng magkasunod na lindol at tsunami - mga kalamidad na ni kalahati e hindi man lang sumapit sa atin.
Sa ulat, nung nakita ko ang mga eksena sa evacuation sites, natuwa ako. Kasi parang walang problema ang mga Hapon. Behave sila. Pumipila pa din. Hindi nagnanakaw ng pagkain at kagamitan kahit sa evacuation sites mismo e nakatiwangwang na ang mga pagkain. Nagtutulungan kahit pare-parehong nauubusan. Hindi nag-uunahan. Hindi dinadahilan ang "hirap". Walang reklamo. Kapatiran. Bayanihan (na higit pa sa sama-samang pagbubuhat sa bahay-kubo). Positibo. Panatag. Sa mga ganitong pagpapakita ng asal naniniwala akong nagsisimula ang pagbangon ng isang lugmok na bansa -mga bagay na hindi ko nakikita dito sa Pilipinas. Nakakainggit talaga.
Samantalang nung Ondoy dito sa Pilipinas, naawa ako sa isang eskwelahang ginamit bilang evacuation site dahil hindi ito napinsala ng baha. Mangiyak-ngiyak na kinapanayam ang principal nito, dahil matapos magsilikas ng mga evacuees para mag-uwian, parang ang eskwelahan naman daw nila ang binagyo nang higit pa. Sinira ang mga upuan, lamesa at pisara. Ninakaw ang mga stock na chalk (ano ang gagawin nila dun? kakainin?!). Lagas-lagas na ang mga libro. Binalahura ng taumbayan ang buong paaralan, higit pa sa damuhong natanggap ng taumbayan mula sa kalikasan.
Isang bagyo sa atin kumpara sa pinaghalong lindol at tsunami sa kanila - at idagdag pa ang mga banta ng radiation leeks dahil sa mga nagsasabugang mga planta doon - pero hindi pa tayo nakaasta nang matino. Ang Japan, kahit delubyo na ang inabot, kalmado, handa at positibo pa din. Pero tayo, ano? Isang txt message lang na nagsasabing aabot dito ang radiation leek, taranta agad. Aba'y tayo pa ang mas nag-panic! Nag-unahan pa nga sa Betadine e. Masyado tayong takot sa wala pa. Ano ba ang nangyayari sa atin?
Ngayon daw sa Japan, ayon sa tita kong taga-roon, nakakaramdam pa din daw ng mahihinang pagyanig. Pero nakahanda naman daw ang lahat sa posibleng mangyari. Matapos ang pangyayari sa kanila nung Biyernes, nagkaroon ng banta ng malaking tsunami sa atin, pero hindi natuloy. Napaisip tuloy ako kung bakit mas pinili ng Diyos ang Japan para yanigin ng lindol at hampasin ng tsunami, kaysa sa Pilipinas? Marahil ay dahil 'yun sa walang kundisyong pagmamahal ng Diyos sa mga tao. Sabi Niya siguro, "Kawawa naman itong Pilipinas, ngayon ngang walang kalamidad hindi na makabangon, yayanigin ko pa?". Nakakatawa di ba? Dahil lang sa mahina tayo. 'Di tulad ng Japan, na kahit pagbali-baligtarin mo ang pangyayari, makakaahon at makakaahon sila. Subok na yun ng panahon.
Nung elementarya ako, itinuro sa mga estudyante ang mga kaugalian, kultura at gawi ng mga Pilipino na minana natin mula sa mga karatig-bansa natin sa Asya gaya ng India, China at Japan. Isang iniwan sa atin ng mga Hapon ang pagpapahalaga sa disiplina, na pinakasimpleng ipinapakita sa "pagpila". Disiplina. Pagpila. Pagpapahalaga. Yes, dear friends, this is History and Values Education in ONE. Uugat at uugat pa din ang lahat sa kung paano tayo umakto at umasal.
Muli, higit sa pagkainggit ay humahanga ako. Kailan kaya tayo papantay sa mga Hapon, kahit sa antas lang ng wastong pag-uugali?