ginitla ako nitong Unang Hirit horoscope na 'to na nagsabing:
Cancer - iwasan ang pagmamaneho nang lasing, lalong-lao na kung daraan ka sa isang accident prone area.
nakanamputamine! so para lang ba talaga sa mga may zodiac sign na cancer ang kapalarang 'yan? libra ako, so pwede na akong mag-drive nang lasing, and best of it, dadaan pa ako sa isang accident prone area, at hindi ako maaaksidente!
come on guys... give me SUFFICIENT reasons to believe these horoscopes!
got to go. mimi is waiting for me outside. :)
--peso--
20090519
20090507
resulta ng pagkabihagni sa debut album ni zach
gusto kitang isayaw
sa last day ni zach
gabi ng halimuyak
wag ka sanang umayaw
gusto kitang itili
ang buong pangalan mo
kahit pa makaistorbo
wag ka sanang tatanggi
doon tayo sa labas
kahit pa umulan
basta't di mo aapakan
ang paang kaangkas
dibaleng lagnatin
maisayaw ka lang
at isisigaw lahat
kahit pa malatin
gusto kitang isakay
sa barko ilulan
paakyat ng buwan
tayo ang kakampay
gusto kitang samahan
saan tayo pupunta?
ikaw na ang bahala
ako na'ng sasagwan
doon tayo sa lilim
lalangoy, lilipad
aakyat, bababa
magtatakipsilim
dibaleng maligaw
di na makabalik
hindi na masasabik
ganito buong-araw
gusto kong magustuhan
ayaw kitang ayawan
--peso--
20090505
ang paskil
habang papunta sa school, para punuan ang mga requirements ko for graduation, tumatakbo sa isip ko kung ano ang mangyayari sa akin after graduation, particularly, kung saan ako magtatrabaho. nakakapressure kasi ang mga kaklase ko, dahil paulit-ulit nila akong tinatanong kung saan ko na balak magtrabaho, o kung may na-apply-an na ba ako. ang bilis ng mundo...at hindi maitatangging nagmamadali ang mga tao.
ako, ayoko na lang kasi muna isipin kung ano ang mangyayari sa akin. gagraduate muna ako, sabi ko sa sarili ko. at bago ako sumabak sa pagtatrabaho, gusto ko munang ikondisyon ang sarili ko bago ako magtrabaho... 'di pa yata ako game.
at habang papunta ako sa school, tumatakbo sa isip ko kung ano ang mangyayari sa akin after graduation. ito lang ang pinakamadalas kong iniisip sa loob ng mga nakaraang linggo (o buwan?). nakakatakot din pala.
at sa gitna ng pagmumuni-muni, napuna ko ang isang kakatwang patalastas.
sa jeep kasi na kinasasakyan ko, may nakapaskil na advertisement sa likuran ng passenger seat. similarly, ganito ang nakalagay:

sa tabi ng "Qualification", naandun yung contact person & number at address nung site, pero pinili ko nang hindi ipakita sa inyo for "their" privacy na rin.
ang kulit kasi nung grammar construction nung advertisement nila. hindi ko alam kung sino ang may pakana nito, o kung sino ang nag-print. parang sinabotahe e. ni-google ko yung kumpanya, at totoong existing nga ang company nila! katunayan, eto ang website at blog nila. pero hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ang patalastas nila sa masa. ang tanging pagkukulang ko lang, wala akong camera nung araw na 'yun, para maipakita ko sa inyo na TOTOO yung sinasabi kong notice (ni-type ko lang sa cp ko yung word-for-word details).
sa ngayon, tinatanong ko sa kanila kung sa kanila nga 'yung cellphone numbers na nakapaskil, dahil hindi tugma yung nakalagay na contact numbers sa ad dun sa contact numbers nila sa blog na nabanggit. sa ganoong paraan, malalaman ko kung "peke" ang ad at ginamit lang ang nasabing kumpanya. otherwise, bakit ganun?
sa panahong namumroblema ako kung saan akong kumpanya papasok after grad at natatakot sa kahihinatnan ng hinaharap ko, sana e magsilbi ang UNO advertisement na yan na inspirasyon para sa akin, para masabi sa sarili ko na dapat na talaga akong magseryoso sa buhay ko. or else, baka bumagsak ako sa kumpanyang minsan ko nang tinawanan dahil lang sa advertisement nilang wrong grammar.
--peso--


