kakakuha ko lang ng isang IQ test sa facebook, at ang naging resulta ay Above Normal (113), na mataas daw nang kaunti sa avaerage facebook users na 107, at kung anu-ano pang shit*.
dati pa ako nagtetake ng mga IQ tests, pero wala na akong maalala sa result ng mga 'yun. at hindi ko din alam kung alin sa mga tests na yun ang accurate at honest (dahil lahat e nagsasabing accurate sila). di ko din alam kung bakit kelangan may time constraint ang mga tests na yun, at paano nila nasasabing ang numerong yun nga ang IQ namin base lang sa pagsagot-sagot sa mga tanong-tanong, at bakit iba-iba ang tanong? tulad nitong kakauha ko lang na puro "find the missing piece of the puzzle" lang ang batayan samantalang yung iba kong nakuhang IQ tests e puro wordy questions tulad ng "i have 2 apples, and 3 bananas, what do i have?".
anyway, nakakuha ako ng 113, no comment naman ako. di ko nga alam kung accurate ang test na 'to. what if kumuha uli ako ng exam na 'to after a month? or 3 months? pareho pa din kaya ng resulta? pag tumaas kaya nang kaunti ibig sabihin tumalino ako? pag bumaba kaya ibig sabihin dapat hindi na ako kumuha? totoo bang ang pagkuha minsan ng IQ Test e para may maipagmayabang lang sa mga alam mong mas mabababa sa'yo?
dahil sa IQ test na 'to at sa planong obserbahan kung magbabago nga ba ang IQ ko paglipas ng ilang buwan, may naalala akong kakatwang pangyayaring naganap nito lang huling term ko sa East Asia, sa subject na BEHASCI o Behavioral Science. since General Psychology talaga ang topic namin sa subject na yun for the whole term, siyempre kasama ang IQ sa usapan, at siyempre pinakuha din kami ng IQ Test (na hindi namin nalaman ang resulta namin individually; sabi lang ni sir, "majoreti of the class falls entwo ave rage", and that's all!).
tapos noon, sinabi niya na kapag daw puro panghuhula ang ginawa mo sa entire IQ test, siyempre hindi na magiging accurate ang result. confident naman ako na hindi ako nanghula...dun sa madadaling part.
sinabi din niya na kapag wala nang oras, tapos pinilit mong sagutan yung mga nalalabing tanong bago ipasa yung papel, e hindi na rin daw accurate ang magiging resulta dahil katulad ng dahilan sa naunang pahayag, hindi na daw ginamit yung "IQ" sa pagsagot.
sinabi pa niya sa huli na hindi daw nagbabago ang IQ ng tao. kapag daw average ka ngayon, average ka na all throughout your life (na para bang ang taong bobo, bobo na talaga!). subukan daw naming kunin uli yung same exam after three to six months, then compare the result if it changed.
pero kung "IQ's don't change, at susubukan naming kunin uli yung same test after 3 to 6 months to see and compare the two results", why bother taking the same test kung kampante naman na kaming 'di na magbabago ang IQ namin??? bakit kami kukuha ulit?
dinala ako ng pag-iisip na 'yun sa pinakanakakatawang bahagi ng BEHASCI subject na nasaksihan ko.
ang topic noon e ang mga "schools of thought" na kinabibilangan nila wilhelm wundt at ng mga estudyante niyang ang isa e si edward titchener
ganito ang (hindi man eksakto, e ganito talagang) pagkakasabi ni sir, basahin mo nang AS-IS:
"ok. edward titchener, itong si edward titchener e german ito, kaya ang basa diyan e 'tit-chah-nah'. ok, si titchener..."
kung hindi mo naintindihan ang tungkol sa pahayag niya, kung bakit ako natawa, siguro dahil patunay yun na iba-iba talaga ang IQ ng tao (hindi dahil hindi nag-iiba ang IQ ng tao after 3 to 6 months).
isa pa, according to wikipedia, Englishman si titchener.
--peso--
* - hay! men!


