20090324
solo natin
ako ang batis, ikaw ang dagat
ako ang langit, ikaw ang ulap
ako ang pagpikit, ikaw ang pagmulat
ako ang tutubi, ikaw ang kulisap
ako ang pipit, ikaw ang lawin
ako ang bunga, ikaw ang prutas
ako ang ihip, ikaw ang hangin
ako ang sakit, ikaw ang lunas
'pagkat solo natin ang mundo
ay itataboy natin sila
dahil atin ang mga ito
at tayo lang ang nakatira
habangbuhay kitang kasama.
ako ang agos, ikaw ang alon
ako ang patak, ikaw ang ambon
ako ang lamig, ikaw ang ulan
ako ang bituwin, ikaw ang buwan
ako ang huni, ikaw ang himig
ako ang sayaw, ikaw ang tinig
ako ang luha, ikaw ang saya
ako ang kawalan, ikaw ang pag-asa
'pagkat solo natin ang mundo
ay itataboy natin sila
dahil atin ang mga ito
at tayo lang ang nakatira
habangbuhay kitang kasama, ha?
buong panahon kang kasama.
--peso--
20090320
prime mover (part 0)
rizal is not really the prime mover. i beg to disagree to my groupmates' united opinion.
lumabas lang naman siya sa eksena ilang dekada bago pa tuluyang mapatalsik ng mga pinoy (at amerikano) ang mga kastila. at bago pa siya isinilang, tatlong siglo na tayong hawak ng mga kastila. at sa tagal ng mahabang panahong kalupitang 'yun, ganun ba katanga ang mga "indio" para manahimik na lang at 'di makipaglaban para sa ikalalaya ng bansa nila?
narito ang isang wikipedia entry kung saan nakatala ang mga naganap na pag-aalsa ng mga pilipino laban sa mga kastila. click here
kung binasa mo 'yung buong artikulo, malalaman mong karamihan (kung hindi man lahat) ng mga pag-aalsang ito e walang nanalo sa panig ng mga ninuno natin - ganun kasaklap! ang naiisip ko lang sa mga oras na ito, hindi man naging parte ng pag-aalsa, e si lapulapu naman ang unang nagpanalo sa lahi natin, way back 1521, nung tinalo niya ang hukbo ni magellan. kung ano ang malinaw na paliwanag kung bakit 'di kabilang ang pagkapanalo ni lapulapu sa listahang nakita na natin, e hindi ko pa nasasaliksik. dahil kaya hindi pag-aalsa ang naganap? ang pag-aaklas kaya e nangyayari lang kapag nagkaroon na ng mahabang panahong pang-aapi mula sa mga dayuhan?
sabagay kung iisipin, hindi pa nga naman naapi sila lapulapu nung panahon ni magellan. war freak lang talaga siguro si lapulapu, at ayaw niya ng bisita. kumbaga e wala pang "pananakop" na nangyari, kaya hindi dapat sabihing "pag-aalsa" ang naganap. mafia wars ang tawag doon.
pero hindi pa din ako naniniwalang si rizal ang prime mover (lalo namang 'di si bonifacio). kung hindi dahil sa mga isinulat ni rizal, hindi kikilos si bonifacio. pero bago pa man magsulat si rizal, 'yung "motivation" na inihatid niya sa katipunan e matagal nang nangingibabaw sa mga indiong dati nang nakikipaglaban. ang rason lang kaya hindi nagwagi ang mga pag-aalsang iyon, e dahil sa kakulangan ng malalakas na armas at mahinang pwersa, kumpara kila bonifacio na mga asintado na sa barilan.
para sa akin, si rizal ang "the key factor". pero para tawaging prime mover, hindi ako sang-ayon. marami na ang naunang sumabak at nagtangkang palayain tayo... only that 'di sila nanalo. e ano kung hindi sila nanalo? at least they tried 'til death? gusto lang naman nga mga indio, lumaya tayo, wala nang iba. dahil sa kagustuhang ito kaya sila lumaban hanggang magkamatayan. at kung sino ang unang lumaban nang buong puso at buong pagyakap sa 'di-maapu-apuhap na kalayaan, siya ang prime mover - buhay man o patay.
********** ********** **********
note: nalaman kong hindi pala pwedeng tali-taliwas ang reaksyon ng buong grupo. 'pag YES, YES lang. otherwise, NO lahat. e kaso, YES sila, pero ang orihinal kong naisip e NO.
ang nabasa mo e ang talagang reaksyon ko dun sa sinasabing kontrobersiyang si rizal ang prime mover. at dahil 'di naman ako pasaway, umisip na lang ako ng paraan para baligtarin ang mga pangyayari. naging successful naman ang reasoning ko...kung 'di lang ako na-mental block.
kung kaklase kita sa RIZLIFE, maiintindihan mo ang pinagsasabi ko.
--peso--
prime mover (part 1)
do you know why rizal is the prime mover? simply because no one else did it before him...
look at it this way guys... bago pa pinanganak si rizal, marami na talagang himagsikan ang naganap against the spain. nagsimula ang lahat kay lapulapu noong 1521 hanggang sa cavite mutiny noong 1872, na pinaniniwalaang sinimulan ng gomburza. and none of these FULLY SUCCEEDED, unabling to drive the spaniards away back to their homeland of bulls.
i may sound an anti to my first stand - that rizal is the prime mover - as i mentioned lapulapu afterwards. yes we all knew how lapulapu succeeded against magellan's troop, but did it end the spain's colony over us? well in fairness, lapulapu is a prime mover as well - but not for our complete freedom.
marami sa atin ang nag-iisip kasi na ang nagpalaya talaga sa atin e ang rebolusyon ng walong lalawigang sinisimbolo ng walong sinag ng araw sa pambansang bandila natin, sa pangunguna ni bonifacio ng katipunan. but actually it's not. marami ang nagtangkang maging PRIME MOVER bago pa man ipangank si rizal, pero ang pagbagsak at pagkatalo ng mga rebolusyong iyon e nangangahulugan na ang rebolusyon mismo e hindi ang epektibong solusyon para sa paglaya natin noong mga panahong 'yon. and without the thoughts of rizal, i don't think a stronger revolution can be forced by bonifacio. malamang isa din ang malawakang rebolusyong iyon sa mahabang listahan ng mga talunan at nagtangkang magpalaya sa atin.
gusto ko lang ipunto na ang ginawa ng "prime mover" na hinahanap natin dito e hindi yung mismong akto ng pagpapaalis natin sa mga banyaga. ang ginawa ng prime mover na pinaglalaban ko ay ang ginawa niyang makadurog-pusong pagsampal sa bawat pilipino, pagpapamukha na wala nang habas ang kalupitan ng mga dayuhan at pagmumulat sa lahat ukol sa 'di pagkakapantay-pantay ng nag-uumpugang lahi sa bansa.
the prime mover is not really the cause of the movement, anger and revolution, but instead the cause of the motivation, the desire, and the stack-overflow of love that eventually seeks for its departed freedom.
and above all revolutionaries this country had made during those times, rizal bingoed!
********** ********** **********
note: pardon my grammar, that's not exactly what i'm about to say in front of you guys, but that's exactly what my mind will tell you if only i'm not blocked.
--peso--
20090308
sa alaala ng mahiwagang kamote
ang unang beses na narinig ko 'yung balita e nung nasa school pa ako, bandang hapon. kumalembang 'yun sa tenga ko na animo'y isang chismis lang.
"'iel, patay na daw si francis m!", sabi sa akin nung kaklase ko.
"o? kelan?"
"kanina daw e... txt sa akin ni she..."
so it appears na baka chain txt, hoax message na naman, tulad ng kumalat ilang buwan na ang lumipas, na nagsasabing patay na si francis m (tulad na rin ng pagkalat ng kabullshitang patay na si ely buendia), na sa katotohanan e nagpapagaling pa noong mga panahong 'yun.
pero habang paubos nang paubos ang oras ko sa eskwelahan, parami nang parami ang kumukumpirmang TOTOO ang balita.
********** ********** **********
pag-uwi ko sa bahay, napag-alaman kong totoo ang lahat, sa tulong ng internet. pero 'di na ako nakapaghanap ng balita tungkol dito. sa sobrang pagod, sapat na multiply ni aprelle para magpaliwanang ng lahat. natulog ako, iniisip na hindi dapat bigyan ng malalim na pag-iisip ang ganitong bagay. alam nating lahat na may leukemia si kiko... na walang sinasantong celebrity ang sakit at ang kamatayan.
kinaumagahan, nakaradyo si ermats (portable radio freebie from jollibee more than a decade ago). AM station ng GMA 7, nagpapatugtog ng mga kanta ni kiko. at sa lahat ng pinatugtog na narinig ko (dahil umalis din ako agad para pumasok sa eskwela...na naman), ang pinaka-nakapagpagalaw sa sistema ko ay ang "cold summer nights", which he sung many years ago.
"it's been cold summer nights since he walked out the door..."
********** ********** **********
hindi ko lubos maisip ang ilang kababalaghan - na sa tuwing idaraos ang eraserheads reunion concert, merong namamatay na malapit sa banda. 2 days before idaos ang reunion concert nung august 30, namatay ang ina ni ely. at isang araw bago idaos ang reunion concert part 2, pumanaw naman ang isa sa mga pinakamatalik na kaibigan ng banda.
may mga biruan tuloy na nagsasabing "so dapat wala nang part 3 ang eraserheads reunion concert...", upang maiwasan daw ang susunod na "alay".
pero hindi na mahalagang pag-usapan ang mga verum est na ito. para sa akin, kung may hindi man ako malilimutang bagay tungkol kay kiko (though hindi naman talaga kami nag-meet pa), yun e yung pagsisilbi niyang tulay, para pag-ugnayin ang rock at hiphop music sa bansa. rap artist andrew e. never did that... not even the rock n' roll star pepe smith!
sa loob ng dalawang dekada sa industriya ng musika, sinabi sa atin ni kiko na ang giyera sa pagitan ng gitara at tugmaan ay away-bata lamang. every colour, every hue, is represented by ME and YOU, ayon sa kanta niyang "kaleidoscope world". sa kabila ng debate sa kung ano nga bang musika ang mas dapat na awitin ng masa, namagitan si kiko at sinabing "bakit'di natin PAGHALUIN, 'di ba?"
kiko had been a national artist - in his music and words. may laman ang mga rap niya, at walang duda sa mga komposisyon niya na buo ang pagmamahal niya sa bansa. at ang pagiging tulay ni kiko sa dalawang nagbabakbakang genre ng musika sa pilipinas ay ang kanyang paraan para pag-isahin ang bansang ito - na kahit sa simpleng musika ay nagtatalo-talo.
i like his style... parang isang ideolohiya. at ano ang pwede nating itawag sa "paniniwalang ang pagkakaisa ng RAP at ROCK music sa Pilipinas ay ang simulain ng pagkakaisa ng bansa"?
FRANCISM.