20090225

love litter


"ehehe. hay naku! just the same these songs express your deepest emotions", basa ko sa note na isinulat nung prof ko dun sa maliit na papel na kinasulatan ko ng pangalan ko nung ipinasa ko yung "love litter" ko sa kanya. kalakip noon e ang markang "15 raised to the 5th power" or "15 over 10" sa bokabularyo niya.

pero bago pa ibalik sa akin ang love litter kong markado na, nagkita kami nung isang linggo at saglit niya akong kinausap. "hindi ka marunong gumawa ng love letter?", tanong niya. hindi na ako nagtaka. una, hindi naman talaga love letter ang ginawa ko. ikalawa, malamang kaya niya yun itinanong e dahil nabasa niya yung parte ng message mula sa pinasa ko na nagsasabing "hindi ito love letter".

napangiti ako sa tanong niya. sumagot ako ng "hindi mam e...". puro daw kasi kanta ang laman nung ginawa ko. paglaon, umalis na din siya. inexpect ko na ding makakatanggap ako ng comment sa ginawa ko na tulad ng "puro kanta tong ginawa mo e... hindi ka marunong gumawa ng love letter?" na ang katunog e "ano ba yan?! hindi marunong sumunod sa instruction! pasalamat ka tinanggap ko to! for effort lang ang points mo dito ha..." no hard feelings naman. no bitterness. e sa hindi ako marunong gumawa ng love letter e. or should i say, hindi ako gumagawa't nagpapadala ng mga pangkaraniwang mensahe? kaya ganun ang istilong ginawa ko.

love letter shouldn't be cheesy and mushy and flattering and blushing at all times. i used those songs because they tightly connect the two of us. and where there is the connection, there is the love you are looking for.

dahil maraming di makabasa nung love litter sa malayuan (i posted the pictures in multiply), heto ang contents nila:


********** ********** **********


mimi,

'di ito love letter (dahil 'di ako marunong gumawa nun). koleksiyon ito ng mga kanta - gusto mo na ayaw ko, gusto ko na ayaw mo, mga paborito, mga inayawan, sinayawan, ginitara, sinipulan, mga 'di gaanong alam at kabisado - na masasabi kong ATIN lang talaga. kantahin natin sila nang sabay, malakas, sumisigaw sa tuwa! mawaglit man sa isip ang reksli at tono, peksman 'di tayo magiging sintunado

- peso

"hanggang sa dulo, forever tayo!"


********** ********** **********


kwento ng ating suliranin, malinis ang hangarin sa iyo...
kwento ng ating kasalukuyan, tinutupad ang pangako sa iyo...
kwento ng ating kinabukasan, tuloy ang iisang panata sa iyo...

- 7 ft. jr., "kwento"

malayu-layo na rin ang ating narating
'di na matitinag ang samahan at PAG-IBIG.

- bridge, "kasama"

i don't care if we sleep all day
basta't kayakap ka ay OKAY!

- eraserheads, "fine time"

i've got so much dreams to save for you...
i've got so much love to share with you...

- sugar hiccup, "not much"


********** ********** **********



gaya ng mga istoryang naluluma sa isipan
paulit-ulit lang ang kwento, buong akala'y may nagbabago
walang katapusan!

- join the club, "isang minuto sa buhay ko"

hiram ang bawat saglit.
daanin mo sa iyak ang lahat ng pait.

- paramita, "tala"

bawat halik ay tanda ng PANGAKO
na ako'y sa'yo at magiging akin ka
sa puso't kalul'wa

- pupil, "dianetic"


********** ********** **********



hindi mo ba namamalayan?
wala ka bang nararamdaman?
'ika ng hangin na humahalik sa akin,
"panahon na naman ng pag-ibig"

- rivermata, "panahon na naman"

ang iyong tinig tila nanginginig at nangangamba
kung nilalamig, itong mga bisig, kukumutan ka...

- pan, "himig"

you can thank your stars all you want
but i'll always be the lucky one...

- rico blanco, "your universe"


********** ********** **********

left hand of the star:


for a while, i wanted to die...
but i said "why, oh, why?"

- hale, "wishing"

'til the morning comes, i'm here
wait until the stars decide to disappear...
am i the only one waiting for you to come?
am i the only one waiting for...waiting for the sun?

- soapdish, "'til the morning comes"

you - sit by me all the time
yourself pressed close to mine
and it means nothing?
but it's EVERYTHING!

- boldstAr, "anchor"


********** ********** **********



well it doesn't really matter, as long as we're together...

- orange and lemons, "just like a splendid love song"

my heart pleads to be yours
please come closer. my hand is just a promise away.

- narda, "nico"

buhay mo'y buhay ko
bawat hakbang, bawat hinto

- the members, "nasa sa'yo na 'yan"

if i smile the smile of the forgetful
run from me, run from me, run from me

- the purplechickens, "dream systems"

hukayin, buhayin
ang PAG-IBIG natin

- pupil, "monobloc"

sa pagsapit ng dilim, ang buwan at mga bit'win
sa pagpukaw sa umaga, sinag ng araw ay kakaiba...

- true faith, "alaala"

sasamahan ka sa tamis
sasamahan ka sa pait
sasamahan ka sa dilim
sasamahan ka hanggang langit
sasamahan ka...

- imago, "untitled" (a.k.a. "akap")

so baby come close
let's reach for our tomorrows
don't go away yet dear, just stay here

- ciudad, "with me"

i know, together we can make our dreams come true...

- yasmien kurdi, "i know"

bakit ba may "ikaw" at may "ako",
pero walang mangyari sa "tayo"?

- 7 ft. jr., "daisy"

kwentuhan lang, wala namang masama
oh, usap lang. dahil gusto kitang
makilala't makasama...

- sugarfree, "kwentuhan"

yakapin mo ako, lunurin sa iyo
sa loob ng 'yong mga bisig
dama ko ang 'yong pag-ibig

- itchyworms, "gusto ko lamang sa buhay"

anong pait ang matamis, at aking susubukan...
anong tamis ang mapait, at aking iiwasan...

- up dharma down, "sana"

because your love is still the only thing that matters in this world -
the only thing i can believe...

- eraserheads, "hard to believe"

kumusta na? mataba ka na ba?

- wanda, "ceazarius"


**********
********** **********

back of the star:


ngunit ang langit - parang buwan at mga bituwin - umaawit...

bigla na lang nangyari kahit 'di ko pa nasabi na mahal pala kita
bigla na lang nagulat nang ako na ay namulat na wala ka na pala...

- itchyworms, "bituwin"

ginagawa kahit ano, matapos lang ang gabing ito.
bakit ang bagal ng relo?

naninikip ang tiyan, nakatingin sa buwan
malayo ka't wala nang magawa
hanap ang 'yong kamay, wala 'kong kaakbay
nasan ka na kaya?
parang kahapon lang tayo ay magkayakap sa ilaim ng buwan

- itchyworms, "buwan"


********** ********** **********

trivias and notes:

  • i also used two songs to fulfill the betterment of my message in the left foot of the star:

    a) "ayaw mo sa gusto ko, gusto ko sa ayaw mo!" was an excerpt from pan's "gusto"
    b) "hanggang sa dulo, forever tayo!" was from the itchyworms' "wala nang pwedeng magmahal sa'yo kundi ako (a.k.a. the stalker song)"
  • in the love litter, the i wrote the lyrics of "dream systems" wrongly, though i already corrected that information here. kung mababasa mo yung love litter mismo, ang nakasulat doon ay:

    "if i smile the smile of the forgetful, run away, run away, run away...".

    however, the original verse is:

    "if i smile the smile of the forgetful, run from me, run from me, run from me...
    if i smile the smile of the forgetful, stay away, stay away, stay away..."

    in short, napaghalo ko. apologies to kuya aldus santos. :D
  • the moon and star symbols in the front and back of the love litter were from the eraserheads' Fruitcake
  • Bituwin by the itchyworms is my favorite song. on the other hand, Buwan hers. cute coincidence.
  • every song i used were all part of the OPM rock/alternative/indie scene, but yasmien's "i know". can't help it. it is the first song where we dueted together.




"where there is the connection, there is the love."



--peso--

20090218

behind picks and drumsticks


nung unang panahon, nung ako ay musmos pa at nanonood ng MTV, na noon e nangungupahan pa sa Studio 23, i came across this music video:



siyempre nung musmos ako, inisnab ko lang. pero ngayong muli ko silang naalala (salamat sa
boyce avenue at jonas brothers), hindi ko mapigilang mag-ala-Nostalgia Critic.

napanood mo na ba yung video? nakita mo ba 'yung (1) OA na drummer [0:23, 2:49], (2) tumatalon-talon na gitarista [2:38], (3) tumuturo-turo pang keyboardist [2:44] at (4) ang 'di mabilang na ROCK N' ROLL BAND gestures, as the whole video plays, all coming from those 5 handsome, good-looking, & well-built members of this "rock" band?

at higit sa lahat, nakita mo bang lumipad ang instrumento nila nung 2:07, at nagsimula silang SUMAYAW from 2:10 up to 2:30 of the video?

napilitan tuloy akong mag-search kung ano nga ba talaga sila - rock band o boyband?

sabi sa wikipedia:

"Natural was an American boy band who were best known for their debut single and signature song "Put Your Arms Around Me". They were very successful in Germany and the Philippines, releasing two albums and nine singles."

pero nakita ko 'tong mga litrato na 'to through google:

Natural - Put Your Arms Around Me (Single, front cover)Natural - Put Your Arms Around Me (Single, back cover)
yan yung single nila, featuring the song of the same title. pinapakita na may bitbit talaga silang mga instrumento sa pagtugtog, tulad nung ipinapakita sa video. ang 'di ko lang alam, e bakit nung nilabas na 'yung first album nila na "Keep It Natural", wala na silang hawak na kahit anong instrumento? pero eto na naman sila sa 2nd album na "It's Only Natural", kung saan may hawak uli sila. ano ba talaga mga papa?

is this a showoff??

totoong hindi porke boyband e wala nang karapatang tumugtog ng instrumento. ang kaso lang, the way they shot the video, showoff na showoff e. papogi lang. ni hindi tugma yung tugtog ng music nila sa kumpas ng mga instrumento nila e. OA pa yung drummer, bagay at mukhang pinakakinababanasan ko dun sa video.

nakakahinayang tuloy yung talento nung gitarista... pwede naman siyang tumugtog na hindi aastang pang-boyband. dapat kasi inaakma din yung instrumento mo sa musika mo. noon pa pala uso na ang papogi. malamang isa ang Natural sa idolo ng maraming banda ngayon. pero in fairness, gusto ko yung dance segment nila. ang tanong ko lang, do they really have to hide behind picks & drumsticks? they can dance well... sing well... perform well as a boyband group. but why use musical instruments?


********** ********** **********

reminds me of a four-piece teen band that came out years before, the Moffats. sinong 'di nakakakilala sa kanila?

wala akong maalalang issue na boyband sila, or whatsoever and ever, amen. maraming nagkukumpara sa the Moffats at sa Hanson, but between the 2 groups, i choose Hanson. one thing - hindi pinatugtog ang Moffats sa NU107.

kalimutan na natin ang Hanson. kung bakit na-open ang Moffats, 'yun e dahil napaisip ako ngayon lang din (right after kong matulala sa Natural), kung boyband din ba sila. of course, we never saw them dance during the middle of their performances, unlike Natural who were multi-tasking performers. pero, 'yun kaya e...dahil hindi sila marunong sumayaw, kaya humawak na lang sila ng instrumento? if boybands have the right to play instruments, do they really have to know how to DANCE? is the skill to play any instrument an optional requirement while the skill of dancing a strict one, in order to join any boyband group?

praning na ako, dude.

but these guys - Dave, Clint, Bob & Scott - do really have good looks. kaya nilang akitin ang buong bayan, well in fact they did. kundi lang sumulpot sa eksensa si Aaron Carter, posibleng the Moffats na yata ang naging the Beatles of the new teen generation. and if boybands have the right to play instruments, and if is it a MUST for them to know how to DANCE, do they now have to be handsome??? sinong rakstar, bukod kay jay justiniani, ang pogi?

dakota praning.


********** ********** **********

lumipas pa ang ilang taon, at ang sunod na sumakop sa industriya ng pandaigdigang musika ay ang BOYBAND/dance-partee music - care of BSB, n'sync, westlife at a1.

hanggang one time, nakita ko na naman sa MTV ang videos ng mga sumusunod:





once again, featuring a guitar-playing boyband. sometimes, i just want to comment. minsan iniisip ko na lang, at least sila acoustic lang - unlike 'nung Natural, gumamit ng full-electric package pero hindi naman tugma sa musika yung actions nila. (laki ng galit ko sa Natural. natural bool sheets)

but the same question still hangs in my head: Why hide behind picks & drumsticks?

but neither moffats nor a1 provided me the answers brought by this irrational fawking Natural group!


********** ********** **********

kanina lang...

yel: jel
jel: yel
yel: nakikinig ka ba ng jonas brothers?
jel: hindi....
yel: ah ok... pero gusto mo sila?
jel: ha?
yel: jonas brothers? alam mo ba yun?
jel: hindi.
yel: a ok... e 'yung boyce avenue, alam mo ba yun?
jel: oo naman...
yel: nakikinig ka nun?
jel: oo.


now many of my friend's good or bad attentions & intentions are now focused in the just-hot group "Boyce Avenue". they just had this concert in SM Megamall, sometime last week (ata, too lazy for research on when exactly was it). kung pupuntahan mo yung myspace nila, sa mga comments, you might come across the comment the goes like this:

Im not a fan of acoustic but after seeing you perform live, here in the philippines, you just made me a fan of yours! pls come back and perform here again! we soooo love you!!!!
your original songs are so nice to listen to!

p.s. im a big fan of stephen ahahaha


it came from a male user named "je", but i really don't care much about it. even though how much "they soooooo love them".


naalala ko yung usapan ko kahapon with one of my folks in our section:

ako: ano ba tong boyce avenue? boyband ba to?
siya: malay
siya: basta walang talent mga un
siya: itanong mo ke bungo ito isasagot
siya: "sus boyce avenue kaururan, puro COVER ang alam"
ako: oo nga daw...sabi nung nakausap ko
ako: puro revive...parang KENYO
siya: at least moffats and the jonases got the balls to make their own shit
ako: hahaha
siya: id rather watch KRU all day
siya: this is how the way we fuckin jam!


at ngayon-ngayon lang, kontra sa pahayag na nabasa mo sa itaas, a chat with a good friend of mine named 'M':

ako: alam mo yung boyce avenue di ba?
ako: totoo bang puro revive sila?
siya: hm
siya: kase
siya: ganito ang story nyan
siya: haha
siya: sige kwento
siya: fan ako nyan eh
siya: basta
siya: youtube sensation sila
siya: so alam mo naman ang kadalasang ginagawa ng mga youtube sensation
siya: gumagawa sila ng covers
siya: tulad nila marie digby
siya: yup...
siya: kase magaling sila gumawa ng cover nun eh
siya: usually better versions ung kanila
siya: so ganun.. band sila
siya: and then nung sumikat sila sa youtube
siya: nagkaron sila ng album
siya: na may original songs naman
siya: actually ung first single
siya: ang alam ko orig song un
siya: pero una silang nakilala doing covers
siya: try mo pakinggan ung no air.. mas maganda ung version nila


well... after hearing & reading contradicting testimonies (di lang yang dalawang nabasa mo, marami pa 'yan), i was left blank and thinking.

i was blank about this boyce avenue - i never even heard a song of them, wala pa akong mai-comment (maliban na lang kung sinabi mo sa aking "Boyce Avenue almost equals Jonas Brothers", for i heard the latter, and never did like them, a good reason i might not be able to likke the former).

and i was thinking about all of these. di ko talaga maisip kung bakit itong Natural na 'to, e gumamit ng mga musical instruments dun sa music video nila, na ang kalakip naman e WORST rockstar acting nila! BALLS! sila talaga ang problema ko dito e. praning.


pasintabi kung kelangan ko pang idamay talaga ang moffats, a1, jonas brothers at boyce avenue sa usaping ito. including Natural, paikot-ikot kasi ang limang yun sa utak ko kung anong classification nga ba sila dapat iuri. i would appreciate kung gagawa sila ng kakaibang genre, tulad ng difference na ginawa ni Bjork sa music scene. but to hide your real music behind those guitars & drumsets is a fuckin' no no for me.

spank me. i may not really know how to perform using these instruments and i may not have the guts to perform like what these guys do. but having my love for the picks & drumsticks and their proper usage, i will not dare to shit on stage anymore. respeto ko na 'yun sa mga gitarista't tambolero.





--peso--

20090214

Parang Nangyari Na 'To Ah!

"cut!"

sigaw nung prof ko sa RIZLIFE (Rizal's Life and Works). itigil na daw ang presentation namin. natatakot kasi siyang makaubos ng mahabang oras, e tatlong grupo pa ang susunod na magpeperform at may nakapila pa kaming discussion. pangalawa kami sa limang grupong nagpresenta; yung unang grupo, sinigawan din niya ng "cut!".

"uhm, hindi niyo iniba ang takbo ng pangyayari? yung prinesent niyo e kahawig na kahawig nung pangyayari kila Elias at Salome. anyway, bibigyan ko kayo ng..."

"uhm, mam, kasi...", ang sabat ko. minsan talaga nawawala ako sa huwisyo at nawawalan ng modo... lalo pag bibigyan na kami ng grado habang hindi man lang pinatapos ang presentation namin.

nagpatuloy ako. "hindi pa po talaga namin naipapakita 'yung concept nung ginawa naming presentation, which is on the 2nd part pa (1/4 pa lang yata nung 1st part e sinigawan na kami ng 'cut!'). ang konsepto po kasi nitong ginawa namin e yung ideya ng 'reincarnation', wherein after hundreds of years e yung diwa nina Elias at Salome e nalipat sa dalawang nilalang sa kasalukuyan, kaya po ang nangyari e UMULIT yung kwento. yun po ang gusto naming i-signify sa presentation namin - na hindi lang kila Elias at Salome natatapos ang kwento; na applicable ang love story nila sa lahat. bigyan ko na lang po kayo ng kopya nung script mam, gusto niyo?".

hindi yun ang eksaktong sinabi ko. pero yun talaga ang eksaktong ibig kong sabihin.


********** ********** **********

totally unprepared kami sa araw na yun. that was on a Friday, february 13. binigay yung task nung february 10, Tuesday. hindi talaga ito ang original na plano o ideya ng kwentong gagawin naming magkakagrupo, pero dito kami nauwi matapos naming mag-conference nung feb11 nang gabi. from the start, ako na talaga ang in-appoint nilang scriptwriter (dunno why).

natapos ko ang script ng feb12 nang hapon, at naisip kong pangit yung 2nd part kaya ni-revise ko. natapos ko nang gabi na, around 8pm. ang masaklap dun, sa pitong magkakagrupo, apat lang kaming online. so madidistribute ko ang script via email, pero paano makukuha nung tatlo pa? kung itext ko man, makakapag-online pa kaya sila sa dis-oras ng gabi? at ang the best part sa nagawa kong script - binubo ito ng limang pahina! nakakapanghina.

so nadiscourage akong ituloy pa ang presentation. the script and everything seem not to go along with the plan. malabong mamemorize ng bawat miyembro ang script nila sa isang gabi lang. at kung mamemorize man, hindi alam nung iba ang plano. kelangan ng praktis man lang. nakakafrustrate sa part ko... di ako makagawa ng flexible na script na pwede naming maipresent in 5 minutes. ang nagawa ko kasi, pang-short film na e. sabi ko nga sa kaklase ko, kung ako lang ang magpepresent aabsent na lang ako. ang kinakatakot ko, anim na kaluluwa ng mga kagrupo ang ngayon e hawak ko din.

gayunpaman, sinend ko sa lahat ang script, at tinext ang mga hindi naka-online para kung magawa nilang ma-download ang script at mabasa, e malaking tulong na rin yun. yung isa kong kagrupo, nangakong mag-o-online pagkauwi niya from work, para makapag-confe kami about sa gagawin naming alternative presentation.

hanggang sa dumating ang 11:30 nang gabi, na naghihintay kaming tatlo sa mag-o-online na kagrupo, pero walang nag-pop-up sa ym. natulog na lang kami.

hanggang sa dumating ang bukas - presentation day.


********** ********** **********

and i heard her say in the one-fourth of the 1st part of the presentation: "cut!"

binigyan niya kami ng "10 over 10 to the 3rd power" na score, which is equivalent to 13 (ganun siya mag-score - new age mathematics). pero nung di pa katagalan, kinausap niya ako. "10 over 10 to the 5th power" na raw ang score namin...effort daw sa script. ganun? :p

pero at least di ba... nabigyan ng puntos ang effort ko sa paggawa ng script na wala yatang karapatang manalo sa kahit anong award-giving body for literature dito sa 'pinas! achivement dude!

sa huli, nabigyan man kami ng mataas na puntos kahit di namin naipresent nang buo yung nagawa ko (dahil tuluyan ding umabsent sa RIZLIFE yung kagrupo naming hinihintay mag-online nung nakaraang gabi), may feeling of frustration pa rin ako. talagang hindi ko lubos maisip kung bakit di ko nagawang paikliin yung script. marami pa siguro akong sasayanging tinta para magawa ko yun.


********** ********** **********

kung trip mo lang naman na makabasa ng bandalismo, heto't binabahagi ko sa'yo ang sipi ng script na ginawa ko.



o kung tinotopak 'yung buton sa taas (experiment lang yan e), ito na lang ang -iclick mo: >.<




--peso--