kumuha ka ng papel. kahit anong papel: bond paper, oslo paper, art paper, yellow pad, blue-red-blue writing pad, 1/2 crosswise, 1/2 lengthwise, 1/4 crosswise, manila paper, bell pepper, kahit ano. may quiz tayo ngayon.
pwedeng hindi mo sagutan pero nakasaalang-alang dito ang karangalan mo. hindi ito graded pero masyado itong mahalaga para isnabin. hindi naman 'to mahirap. kelangan ko lang ay ang malikhain mong pag-iisip at makabuluhang pagpapaliwanag.
simulan na.
********** ********** **********
Tanong: Sinu-sinong partikular na miyembro ng OPM band Cueshe ang ginaya ng bawat miyembro ng foreign band na Linkin Park? (Hindi ka nagkakamali ng binasa - Linkin Park ang gumaya!)
Panuto:
1) Mula sa Pangkat B, piliin ang titik na siyang angkop itulad sa bawat taong kinakatawan ng bilang 1-6 na nasa Pangkat A. Kung magulo ang instruction, matching type lang 'yan ungas! I-match mo lang kung sino sa Cueshe ang ginaya ng mga Linkin Park members!
Pangkat A

Pangkat B

2) Isulat ang mga sagot sa mga salungguhit sa ibaba. Sa unang hanay ng mga salungguhit, isulat ang titik ng sagot. Sa ikalawang salungguhit, isulat ang paliwanag kung bakit iyon ang naturang sagot. Gawing masinsinan ang pagpapasya at makabuluhan ang pagpapaliwanag.
Sagot:
1) ___ - __________________________________________________
2) ___ - __________________________________________________
3) ___ - __________________________________________________
4) ___ - __________________________________________________
5) ___ - __________________________________________________
6) ___ - __________________________________________________
Maaaring gawing mag-isa o nang pangkatan ang pagsususlit. Walang time limit. Ipahayag ang nasasa-loob. Ibahagi ang sagot sa comments page ng blog na ito, o kaya'y i-email sa bobongp3so@yahoo.com.
********** ********** **********
--peso--


