20080805
BHM
madalas ako ma-LSS, pero hindi ako madalas mag-share ng lyrics, ng video, at mp3 download. siguro dahil may sakit lang ako kaya ganito ako ngayon ka-old school emo.
here's the song Broken Hearted Man by the 1960's band The Spiral Starecase:
********* ********* *********
Broken Hearted Man
Till the sun doesn't shine
and poets run out of rhyme
and the golden fields of wheat forget to grow
I'll be here loving you
Just say you want me too
And forgive the wrong I've done to hurt you so
Will you give me your shoulder to lean on
Give me your lips to caress
Give me the love that I long for
I promise you, I'll give you all that I have
Bring back the pieces of a broken man, babe
He's sorry, can't you see?
Bring back the pieces of a broken man
You're every part of me.
If my stone should go unturned
And snuffs the flame that burns
And my broken heart should crumble to the ground
If I'm down on my knees to plead
and my wounds should start to bleed
And I'm begging with all of my heart
Please don't go.
Will you give me your shoulder to lean on
Give me your lips to caress
Give me the love that I long for
I promise you, I'll give you all that I have
Bring back the pieces of a broken man, babe
He's sorry, can't you see?
Bring back the pieces of a broken man
You're every part of me.
********* ********* *********
uhm, walang official video 'yung kantang 'to, kunwari na lang eto ang video niyan:
at pwede mong i-download ang kantang 'yan from our multiply account! kaso, kelangan may multiply account ka din...mahigpit ang security ng multiply, unlike sa yahoo! groups. kung wala, i-add mo na lang ako sa YM at isesend ko sa'yo, with a free opportunity to chat with your idol!
ym account: bobongp3so
multiply mp3 download: i-download mo ako (may bayad)
ayan...pinapakinggan ko yan nang paulit-ulit, sa pag-asang gagaling ako't makakapasok na bukas...
...palibhasa, may biogesic para sa lagnat, kaso walang biogesic para sa puso.
--peso--
20080802
ang gabi ng unang vodka
bakit nga pala ako gising ngayon?
dapat yata tulog pa ako e... parang 'di pa dapat sapat ang apat na oras na naitulog ko simula nang dumating ako kagabi (kanina?) sa bahay nang alas-dose eksakto sa relo ko. basta natandaan ko na lang...tama... natatandaan kong isineset ko ang body clock ko na gumising nang maaga ngayon, para sa dalawang dahilan:
1) kelangan kong mag-review. may exam kami mamaya. hindi graded, pero nakasalalay ang kahihiyan, reputasyon at kinabukasan. pero hindi naman 'yun ang pakay ko kaya ko isinusulat 'to.
2) kelangan kong alalahanin ang mga nangyari kahapon at kagabi. reflection? homily? muni-muni? 'di ko alam. basta alam kong malas kahapon at masaya kagabi... medyo gusto ko lang isipin uli para maikwento. 'yun yata ang pakay ko ngayon.
'yun nga ba?
ok game. may vodka pa.
********** ********** **********
WRONG!
wrong talaga. mula umpisa ng araw, hanggang sa matapos ito, maraming WRONG! kaming binanggit, dahil maraming 'di kasiya-siyang bagay kaming mga napala. heto muna ang mga litanya namin:
kay jel:
1) tinangay ng baha kagabi ang isang tsinelas niya, kaya napilitan siyang bumili ng bago sa makro. sabi ko nga, paagusin na lang din sana niya 'yung kapares, parang si Rizal. kaso, naisip kong sa panahon ngayon, hindi kabutihang-loob ang magagawa nito, kundi pagkakalat ng basura.
2) stranded sila ni ekah kagabi dahil sa lakas nang ulan. wala daw masakyan.
3) pagpasok nang umaga, nawala 'yung foam yata nung earphone niya. malas na 'yun para sa kanya.
4) wasak nung partee. pinagtambal na talaga sila ni TKR, care of sir raffy na malupet mangwasak. kaya alam na ng buong kumpanya ang (isa sa mga) lihim (namin)...
5) inuman sessions... umuwi kami ni ekah na tumatagay pa si jel. although, parang hindi naman yata yun WRONG! sa part ni jel.
kay ekah:
1) naghihinagpis dahil may injury ang favorite cartoon character niyang si maria sharapova.
2) stranded sila ni jel kagabi dahil sa lakas nang ulan. wala daw masakyan.
3) pagpasok nung umaga, buwisit na buwisit dun sa isa naming kasamahan sa office na dakdak nang dakdak. ang dami daw sinasabi, di naman daw kinakausap. dagdag stress.
4) wasak nung bago mag-partee. kasalanan (daw) ni TKR ang lahat... ngunit agad naman ikinaila nang nahuli ang nabanggit na paratang. ang sabi pa nga ni TKR, "'di din!!!"
5) masama ang loob na umuwi... dahil ba dun sa mga pictures na nakita niya sa audi-visual presentation? o dahil pinagalitan ng ermats?
akin:
1) walangya, naiwan ko ang spiderman necktie ko. hindi required magsuot para sa partee, pero ni-required ko para sa sarili ko. sayang ang get-up! inilabas ko na 'yun sa cabinet, at tinesting ko pa. kaso naiwan ko naman pala!
2) isang katangahan na iwan ang charger ng digicam ko! sa bahay pa lang, pinagbotohan ko na sa isip ko kung dadalhin ko ba 'yung charger o hindi. ang sabi ko, wag na, ubos kung ubos ang baterya. marami din akong nakuhaang litrato at natpos ko naman ang misyon ko, kaso nung magsimula na 'yung program partee, nasa bag ko na lang ang lupaypay kong digicam.
3) pagpasok ko, basa ang sapatos at medyas ko. hassle. ako lang ang naka-medyas sa office...
4) lumilis ang salamin ko pagpasok ko sa kwarto, from kitchen. dahilan dito, hindi ko na-greet ng good morning man lang 'yung nakasalubong ko (kasi di ko nakilala e). nung lumagpas siya, narealize kong isang mahalagang siyang hinahanap ng lente ng digicam ko ang nakasalubong ko. WRONG!
5) jel friendly and honestly confessed na hindi siya comfortable kay mahalagang siyang hinahanap ng lente ng digicam ko. naintindihan ko siya, kasi ako mismo na-turn-off sa nakita ko.
ganunpaman, marami pa ring nakakatuwang bagay na naganap tulad ng payapang pamamahinga ng digicam ko dahil sa isang "mission accomplished!", ang napipintong pagtatapos ng documentation ko, ang mga madadaling tasks na iniwan sa akin ni sir, ang pagkapanalo ko sa mga partee games, ang hindi ko pagkawasak 'di tulad nila jel & ekah, at ang pag-amin ni kuya bon na gusto niya si mam veni, na mukhang komportable din naman kay kuya bon.
********** ********** **********
the beginning of vodka is the death of digicam
walangya, ang sarap pala ng vodka! hindi ako naglasing, pero dala ng pangangailangan, kelangan kong uminom. hindi naman ako KJ all the time e... tsaka pass 'yung isang shot nung vodka para sa next level nung game, na swerte namang kami nung partner ko (si noeme) 'yung nanalo.
and speaking of "nanalo", mukhang sinuwerte lang talaga ako kagabi. kasi sa dalawang larong pinasali ako, pareho akong nanalo dun. kung sumali pa siguro ako dun sa singing contest, malamang nanalo din ako. kaso umuwi na kami ni ekah that time e, dala nang pagtalima sa MAS IMPORTANTENG bahagi ng buhay. isa pa, alas-onse na rin nun. maaga pa talaga. kung wala lang pasok kinabukasan, baka mag-overnight na ako sa opisina. isa pa, pinapagalitan na si ekah ng ermats niya.
ayaw pa nga kaming pauwiin ni boss e...lasing na si boss actually e... imbes na i-encourage kaming papasukin sa eskwelahan, inaaya na lang kaming uminom at tularan si jel. buti na lang, naintindihan kami ni kuya bonbon sabon. sabi niya, "pag hinarang kayo sa labas, sabihin niyo 'may mga pangarap pa po kami habang 'di pa kami graduate!'"
balik sa partee.
bago ko malimutan, kaya nga pala may partee ay dahil 4th anniversary ng xmind. ang pinaka-company ko e omega. may kakatwang kwento tungkol dito. ang opisina namn (omega) e nasa kaloob-looban ng xmind, parang nakiki-share lang. pero malaman-laman mo, ang xmind e isa lang din sa mga kliyente namin. labo 'no? 'yun yata ang ibig sabihin ng "mutualism" e.
balik uli sa partee.
bago ang naturang partee, nagkaroon muna ng misa ganap na alas-dose nang tanghali, na kami ang sponsor. mga officemates ko nga ang nagbasa e. at dahil ang isang nagbasa dun sa mass readings e isang mahalagang siyang hinahanap ng lente ng digicam ko, siyempre taimtim akong nakinig sa kanya, este sa misa at tumingin...sa papawirin habang pinagninilayan ang mga nakasulat.
after ng mass, nagkaroon bigla ng dirty ice cream stand sa loob ng office. 'yun bang tinutulak ni "mamang sorbetero, tayo'y sumayaw". typical ice cream flavors - mango, chocolate, cheese. limted supply...basta 'yung isang karitong ice cream na yun, amin yun for that whole day.
mga bandang alas-tres nang hapon, huminto muna ako sa mga tasks na naiwan ko (dahil puro report formatting na lang naman 'yun). nainggit kasi ako kila jel & ekah na nagdedecorate ng mga letterings para sa partee designs. pero since wala akong hilig sa art, hindi 'yun ang talagang kinainggit ko. kasama kasi nilang naggugupit gupit 'yung ilang officemates, atsaka 'yung isang mahalagang siyang hinahanap ng lente ng digicam ko. doon ako nainggit! hindi man ako magaling sa art, medyo marunong din naman ako sa photography. at dito nagsimula ang isang mahalagang misyong kelangan kong gampanan.
picture picture, morning morning. nilitratuhan ko isa-isa ang mga officemates na nakakasalubong ko (siyempre kasama ako), para may remembrance ako in case materminate na ang OJT contract ko. although, mga di ko naman talaga sila close (dahil tahimik lang ako sa office), eto na ang tamang panahon para maka-close ko sila (close? parang may ka-rhyme yun ah!). marami din naman akong nakuhaan. iniiwasan ko ngang tignan nang tignan 'yung mga litrato dahil di ko nga dala 'yung charger ko. umabot din naman sa partee 'yung buhay ng camera. nakuhaan ko pa nga si kuya bon at mam veni e. cute. sa huli, namaalam man sandali ang digicam ko, ipapakita ko sa'yo na matagumpay ang lente't flash nito, at siguradong tapos ang documentation ko! punta ka dito.
"okey lang? okey lang? ... okay lang?"
********** ********** **********
this part is the partee
nagsimula na ang partee around 6:30 or 7:00 pm. kainan muna. may catering. dahil galing si regie sa pampanga, at masarap daw ang hinain ng kliyente sa kanila doon, hindi ako makapaniwala kay regie dahil ang hina niyang kumain ngayon! ibinigay pa nga niya sa akin 'yung fish fillet niya e. siya pa man din 'yung tipong ang motto sa mga eat-all-you can restos e "lugi sila" o kaya e "eat till you drop". kaso, siya ang nag-drop.
after ng kainan, sinimulan na ang seremonya. nag-opening na 'yung three bosses ng xmind. opening speech ha, hindi opening dance number. medyo kwela din yung tatlong boss. paulit-ulit nilang sinasabi 'yung mga nakaraang anniversary ng xmind. reminiscing the moments. buti nga mga di sila naging emosyonal. kumpara daw dati, na konting empleyado sa malaking espasyo, ngayon naman daw e dumadami na ang mga nagtatrabaho sa parehong espasyo, na nagiging papaliit na nang papaliit. parang gusto ko ngang sumabat ng "o sige na sir, aalis na kami!"
pero pagkatapos nun, tuloy-tuloy na ang kasiyahan. kahit tapos na ang kainan, si mac pabalik-balik sa mga food tables, kaso di naman siya tumataba. ayus 'yung performance ni myra sa kantang "salamat" ng the dawn. napapaindak kami ni kuya bon. si kuya bon, mukhang adik na francis brew.
tapos, palaro na... mahabang kwento 'yung tungkol sa unang laro, kelangan ng separate blog entry. to cut it short, the 1st game is pinoy-henyo style, na napakasaya dahil ang hihirap nung mga pinahuhulaan - condom, batuta, bagoong, anito, lollipop - mahihirap hulaan kung di marunong yung nasa hot seat. mas madaling hulaan kung bastos ka mag-isip. pero since di naman ako kasali diyan, di na ako magkukwento.
'yung second game e tinatawag na "lip and touch". hindi ko alam kung sinong nakaimbento nito, basta eto yung part na uminom kami ng tig-iisang shot ng vodka. sarap talaga! by partner ang laro, at tulad ng nabanggit ko na sa taas, kami ng partner ko ang nanalo. ang rule ay simple lang - halimbawa, sasabihin ng gamemaster na "boy's lip to girl's P". kelangan namin idikit 'yung labi naming mga lalaki dun sa letter P na bahagi ng katawan ng partner namin - paa, pilikmata, puyo, patilya, o pustiso. tapos, the other way around naman. ang saya - pwedeng ipalaro sa mga grade 1 students! at since nanalo kami, di na ako magkukwento.
'yung third game naman, e by group of 6 members. nanalo din 'yung grupo ko dito, kaya nga 100% ang winning percentage ko kagabi - 2 wins out of 2 games played. ang laro e simpleng message relay/pass the message na ang basehan e 'yung "pinaka-may sense na message na maisusulat". quite ironic dahil kapag babasahin mo 'yung original message e wala naman talagang sense sa umpisa pa lang. halimbawa: "sumulat at tumalon ang ipis dahil walang mkapagsasabi at ito'y umalis agad-agad habang ang aso ay kumaway, sumagi-isip, hehehe...sabi ko...shit tangna!". ganun yung mga ipapasa naming mensahe. at dahil alam mo na ang pass the message, di na ako magkukwento.
ang ikaapat na laro o pacontest ay singing contest. hindi na ako updated dito dahil umalis na nga kami ni ekah. may pasok/quiz pa kasi kinabukasan. si jel and regie naiwan pa. si jel ang lumalaklak, si regie ang namumulutan.
bago umalis, nagbabay na kami sa mga senglot na iiwan namin doon. si sir nga di ko na maintindihan yung sinasabi bukod sa sinabi niyang "maaga pa". si kuya jomer nakangiti na lang magdamag. meron pa ngang naglabas ng tinik sa pamamagitan ng pagtungga ng kabayo (after i turned off the cam, i was turned-off). meron pa ngang hindi pa lasing, hindi pa party, hindi na maintindihan nila ekah & jel yung pinagsasasabi na parang may dual-personality. merong nagiging touchy na. merong mga kain nang kain. merong mga wala na sarili. lahat yan nasa zoo kagabi.
isang tao na lang nung oras na 'yun ang nakita kong pinakamatino, pinakamalinaw pa't seryoso ang pag-iisip. mahirap paniwalaan, dahil hindi siya ganun sa araw-araw naming pakikisalamuha sa kanya. hinatid pa nga niya kami ni ekah pababa ng building.
********** ********** **********
makita lang kitang busog, gutom pa din ako
nung binalak ko na talagang umuwi, pagpasok ko sa kwarto namin, sarado ang ilaw, pero bukas ang pc ni ekah at kuya bon. nandun sila, masinsinang nag-uusap. walang tawanan, seryosong usapan. nanghinayang ako...kasi higit sa paglalaro, mas gusto ko 'yung ganung usapan - 'yung masinsinan. iba kasing kasama si kuya bon. gago. pero 'di mo aawayin. kapag nakilala mo siya, pipiliin mo sa mga naging kaklase mo ang pinaka-inayawan mo at hihilingin mo na sana si kuya bon na lang ang kaklase mo.
hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. basta sabi lang ni ekah sa akin, kelangan na daw niyang umuwi dahil nagagalit na ang ermats niya. sabi ko, ayus lang, dahil uuwi na din ako. sabi ni kuya bon, nagkakasarapan pa lang daw... kaso wala e. talagang iginigiit namin ni ekah na kelangan na naming umuwi.
"kahit harangin ako ng lahat ng 'yan, ang masasabi ko lang, may pasok pa po kami bukas, may priority pa po kami na dapat ding unahin. at least di kami KJ. naiintindihan mo din naman ako diba, kuya bon?"
"oo naman... naging estudyante din ako"
"good."
hindi ko talaga dapat ikukwento 'to, pero aaminin kong marami kang mumunting bagay namatututunan kay bonbon sabon sa kabila ng lahat ng kagaguhan niyan. tuturuan ka lang mag-sourmath, uudyukin ka lang mag-meatspin, pero hindi mo siya malilimutan. o baka ako lang ang nakakaramdam nun?
at least, kahit papaano, nababasa namin sa kanya na malulungkot siya kapag umalis na kami sa Disyembre. matagal pa naman. pero ayon na mismo sa kanya, "kelangan nating tanggapin na sa huli, maghihiwa-hiwalay din tayo..."
kung darating ang araw na 'yun, siguro ang sasabihin ko na lang, "mag meatspin ka muna...kitakits mayamaya...".
sana magawan ko siya ng kwento.
********** ********** **********
ang hirap pala sumakay ng bus sa buendia 'pag 11pm na. mas madali pang sumakay 'pag 10pm. weird...siguro dahil sa mga call center boys and girls ng ayala kaya puno lahat ng sasakyan kahit alas-onse na. ang tao, 'di na natutulog.
nakatsamba ako sa isang bus na dumating na may isang upuan pang bakante. dahil nasa pilipinas ako, dahil nasa makasalanan akong mundo, hindi na ako nagpaka-gentleman sa babaeng sunod na sumakay sa akin. tapos, tumugtog 'yung radyo ng bus. 'yun yung kantang madalas kong napapakinggan tuwing pauwi ako, sa mga radyo din ng bus! paulit-ulit lang din pala ang playlist sa mga istasyon ng radyo. at mukhang lahat ng bus e isang istasyon lang ang nasa pihitan.
kenny rogers yata 'yun - you and i. GOOD!
--peso--


