20080705

braso muna, tapos kamay. sabay krus.



WARNING: ang babasahing ito ay may mga tagpong hindi dapat mabasa ng mga kabataang walang muwang at ayaw pang magkamuwang. at least, pasado ang article sa MTRCB at LTFRB.


********** ********** ********** **********


it started my day. i was suppose to be writing a different post with a different topic. but sometimes, experiences are too memorable to be unwritten, too funny and gay to be ignored.


sabado nang umaga, lumabas na ako ng highway dahil may pasok ako nang alas-nuebe. pagtawid, tiyempo agad ang isang jeep na may isang bakanteng upuan sa harapan. doon na ako umupo. at nagsimula na ang biyaheng mukha namang matiwasay.

paglagpas nang kaunti, bumaba na rin si ate na katabi ko. so ako na ang katabi ni manong driver. maya-maya, may pumarang lalaki. lumapit siya sa jeep. "blumentritt?", tanong niya. nakangiti akong tumango. kaya umupo na siya sa tabi ko. maya-maya konti nagbayad na siya at nagpatuloy ang biyaheng matiwasay pa.

may dalang tubig (mineral bottle) si kuya, may balabal na ewan ko kung para saan, tsaka maliit na bag na mukhang pencil case. inilapag niya 'yung tubig niya dun sa may "alulod" nung jeep o 'yung lagayan ng mga barya. ako naman, medyo gumalaw-galaw dahil medyo maliit 'yung jeep. nakahilig kasi si manong driver banda sa akin, ito namang katabi ko sa kanan, malaking lalaki na mukhang naggy-gym, although hindi naman maskulado 'yung braso.

nagpatuloy ang biyahe. talipapa. nararamdaman kong may kumikiskis sa hita ko. napansin kong braso ni kuya ang kumikiskis. naisip ko, baka may kinukuha sa bag niyang mukhang pencil case. mukhang hindi naman. paulit-ulit 'yung pagkiskis ng braso niya. kala ko nga may sulat ng bolpen 'yung pantalon ko at binubura lang niya nang palihim. pero nung mga isang minuto na siyang kumikiskis, medyo kumabog na ang dibdib ko. tinignan ko 'yung mukha niya sa side mirror. palihim din siyang tumitingin sa akin, para bang hinuhuli niya kung huhulihin ko siya habang tumitingin sa akin. mukhang may balak. lalo na akong natakot.

natakot ako kasi naalala ko 'yung mga kwento ng kuya ko tungkol sa iba't ibang estilo ng pandurukot sa mga sasakyan na nasaksihan na niya. merong gumagamit ng bag para maitago 'yung kamay habang nandurukot. merong magkukunwaring tulog tapos biglang magigising na akala niya lumagpas na siya ng bababaan, 'yun pala wala ka nang wallet. meron din 'yung mga tutukan na ng balisong at gripuhan ang laban.

kaya itong nararanasan ko ngayon, mukhang ibang estilo 'to. mukhang kinakapa ni kuya kung may wallet o cellphone ako sa bulsa gamit ang braso niya. "hahaha!!!", tawa ko sa isip ko. wala kasi akong wallet o cellphone sa bulsa. lahat ng 'yun, laging sa bag nakalagay. ang nakalagay lang bulsa ko e 'yung bimpo ko ng San Miguel.

dahil medyo nakakahalata ako, medyo kinalamay ko muna ang loob ko. alerto. kung anuman ang mangyari, siguro ito na nga ang tamang panahon para maranasan ko rin ang mga nangyayaring holdapan o dukutan sa mga kalsada, na ni isa e wala pa akong karanasan.

medyo gumalaw-galaw ako para malaman niyang nakakahalata ako. hawak nang mahigpit sa bag. safe pa ako dahil wala siyang madudukot. although nakakatakot dahil baka maglabas ng patalim bigla at madelikads pa ang buhay ko. maya-maya rin tumigil na ang paggalaw ng braso niya. inisip ko na lang din na baka may tourette lang siya sa siko at huminto na ang pagsumpong niya.

kaso, iba pala ang sumpong ni kuya. nararamdaman kong may kumikiskis muli sa hita ko. imposibleng braso niya uli 'yun dahil inilayo na niya ang braso niya. pero meron talagang parang nangangati sa hita ko e. hindi na ako nakatiis, tinignan ko na. at nakita ko ang kamay ni kuya na nakalutang na sa ibabaw ng kanang hita ko. going on and on patungo saan? OH SHIT!!!

suddenly, all of my previous assumptions - that this man is a snatcher or a holdaper or does have a tourette syndrome - were proven to be wrong! kung nangangapa siya kanina at nakitang walang makukuha sa bulsa ko, why insist to snatch? besides, malayo na sa bulsa ko ang puntirya niya. ibang bulsa ang habol nito! may balak siya, ibang balak! hindi siya mandurukot pero may dudukutin siyang iba!!! MAY BALAK ANG BAKLANG 'TO! oo, p*tang-i*a, BAKLA ANG PUTA!!!

lahat kayo tulungan niyo akong sumigaw:


INAMO BAKLA!!!!


lechugas! naalala kong nagbayad siya ng hanggang sa blumentritt. e pucha, hanggang blumentritt din ako e! ano 'to? challenge??? aatake siya habang ka-counter ako hanggat wala kami sa destinasyon namin? mag-aabang ba ako ng mga susunod niyang hakbang? inisip ko ngang bumaba na agad e...tapos sasakay na lang ako ng ibang jeep. pero hindi rin...baka pagbaba ko, saka pa ako sunggaban sa "ganun" ko. kaya hanggang makarating sa blumentritt, aaminin kong stuck-up ako. stunned. mabuti na 'to. baka malingat lang 'yung brasong hinarang ko sa hita ko, e biglang pumitas si kuya ng bunga.

'yun nga. nung nakita ko 'yung kamay niya na malapit na sa hinahanap niya, bigla siyang umurong. kinuha niya 'yung tubig niyang nakalapag sa "alulod" ng jeep. sabay inom. lumagok na lang siya nang paulit-ulit na akala mo'y naglalasing dahil sa isang malaking kabiguan. tapos, pagkainom, hinawakan niya 'yung bote at inalog-alog na parang nagtitimpla ng gatas ng bata (parang nagbibinggo). tapos parang hinahalikan 'yung takip nung bote. erotic scene sa panigin ko. "malaking kabiguan...kawawa naman!", ang naiisip ko.

at eto pa ang malupet. paglagpas namin ng balintawak, napadaan ang sasakyan sa isang simbahan. biglang nagkrus si judiel! hindi ko na nga alam kung tama bang minumura ko pa siya sa isip ko e, dahil mukhang nagsisi na siya sa kasalanan niya. palabas lang ba ang lahat? o paraan niya 'yun para mag-sorry sa akin? basta ako, stunned lang ako hanggang sa blumentritt. mabuti nang alerto. puyat ako't pagod nung nakaraang gabi, pero gising na gising ako sa pangyayaring 'to.


********** ********** ********** **********

pagdating sa blumentritt, hindi ako nagpara kay manong driver. hindi ako nag-initiate bumaba. hinintay kong una siyang bumaba. good thing, bumaba na siya. ako, medyo nagpalayo-layo muna ng binabaan, para siguraduhing magkakalayo na kami. habang lumalayo ang jeep sa babaan at sakay pa ako, inopen ko kay manong dfriver ang pangyayari.

tawa siya sa kwento ko eh. bading daw pala 'yun, wala daw sa hitsura. sabi ko tatandaan niya 'yung mukha, pag nakita niya sa lugar na sinakayan nito, huwag nang isaskay. sabi pa ni manong akala daw siguro bibigay ako. basta, pareho na lang kaming tumawa. inilabas ko lang ang poot ko. bumaba ako ng jeep na nakangiti. panalo ako!

sabi ko sa sarili ko, isa lang ang naiisip nung bading na 'yun - MISSION FAILED!!!


********** ********** ********** **********


heto ang mga natutunan ko sa paglalakbay na 'to:

1) laging alerto dapat. ako madalas akong natutulog sa jeep, sa dahilang mdali ko ring napapansin kung may gumagalaw na sa akin. pero hindi pala dapat ganun. kung makakaya mong gising ka, gumising ka habang nagbibiyahe. hindi laging may masmang-loob s mga sasakyan, pero ang mahirap e 'yung NATITIYEMPUHAN.

2) alamin ang iba't iabng estilo sa pandurukot, at mag-isip ng mga magagandang solusyon para maka-counter attack ka. sinabi kong "alamin" para kung sakaling may gumamit sa'yo nito, at least alerto ka na. hindi ko sinabing alamin mo't mandukot/manghipo ka na rin.

3) kung nangungurus ka dahil alam mong nagkasala ka, sikapin mong h'wag nang ulitin ang kasalanang 'yun. kung uulit ka pa rin sa kasalanan mo, h'wag mong ipakita sa iba na santo ka.

4) h'wag maiinggit sa mga taong "gwapo" sa paningin, dahil ang mga taong hindi napapansin na tulad mo e, hindi natin alam, may nakatago palang "kakisigan". ang kagwapuhang madalas mapansin ay panandalian lamang. ang kisig na nakatago ay angking yaman. tulad ko - hindi na kailangang gumamit ng pheroline para lang mapansin. kaso kailangan mo ding alamin kung para sa tamang kasarian ba ang kisig mo.







--peso--