20080525
bakit 'pag lunes?
two weeks na akong pumapasok at magsisimula na rin sa wakas ang pinaka-OJT namin (ni regie) bukas. oo, nagsisimula na kami pero puro training pa lang kasi kami nitong dalawang linggo. at dahil nakita na ni boss na kahit papaano e naiintindihan na namin ang flow ng system sa kumpanya, kasama na dito ang mga purgramming styles, naming conventions, and coding rules, sinabi nung biyernes na magsisimula na ang project namin bukas.
lunes. lunes pala bukas.
******************************
nung unang araw ko kaya ko inagahan ang gising at umalis nang alas-singko y media e dahil hindi ko talaga kabisado ang sitwasyon sa MRT at makati sa araw-araw, lalo na tuwing umaga at kapag lunes.
e ano nga bang meron 'pag lunes?
siksikan sa kalsada tuwing lunes. madilim pa marami nang nag-aabang ng masasakyan sa lugar namin - mas marami kesa sa ibang araw. alas-sais pa lang madalang na ang FX na bakante, gayundin ang mga bus na hindi pa tayuan. lunes pa lang, ang MRT nagmimistulang 1st day audition na ng American Idol. siksikan, tulakan, lahat nagtatakbuhan mula sa pagbaba ng sasakyan, pagpila sa elevator, at pag-akyat ng hagdanan. oo, lahat, maliban sa akin. relax na relax ako. hindi nakapagtatakang lagi akong nasisingitan sa pila. pero wala lang sa akin 'yun dahil laging maagap ang dating ko at alam kong hindi ako male-late.
siksikan, tulakan, takbuhan, gitgitan. lahat 'yan, araw-araw nangyayari. pero pinakamatindi talaga tuwing lunes. unang naranasan ko ang buhay-makati noong lunes, dalawang linggo na ang nakakaraan. bigla kong naisip na wala pa nga palang mga estudyante nung araw na 'yun. ibig sabihin, hindi pa kasama sa siksikan, tulakan, takbuhan, at gitgitan ang kalahating porsyento pa ng populasyon ng pilipinas.
e bakit 'pag lunes?
siguro dahil lunes lang ang schedule ng pasok nila, at wala na silang schedule mula martes hanggang linggo? posible. kaya siguro akala ko lang e mga baboy sa kural ang nakikita ko, 'yun pala marami lang talaga ang tao tuwing lunes dahil tuwing lunes lang sila pumapasok.
siguro dahil male-late na sila kaya sila nagmamadali? posible din. pero tuwing martes o miyerkules o biyernes ba pwede na silang ma-late? bakit 'pag lunes lang ganun? nakakamatay ba ang late na dating kapag lunes? bakit naman ako - kahit anong araw umaalis talaga nang maaga para makaiwas sa late?
siguro dahil may humahabol sa kanila? siguro dahil dadalo pa muna sila ng flag ceremony? siguro dahil may early bird contest sa opisina nila tuwing lunes? o siguro dahil ganun talaga 'pag lunes?
kaya siguro ayokong naririnig 'yung payo na "agahan mo ngayon, lunes pa man din, mahirap sumakay", dahil nakakainis isipin na parang tuwing lunes lang bumibilis ang takbo, tuwing lunes lang lagi nagmamadali ang tao, at parang tuwing lunes lang ang araw ng trabaho at ang ibang araw ay wala nang saysay.
siksikan, tulakan, takbuhan, gitgitan. ganyan ang sitwasyon tuwing lunes, hindi lang sa makati at mrt, kundi sa buong bansa. mula umaga hanggang uwian - ganyan. akala mo ang tao mauubusan ng tren at ng masasakyan. parang baboy sa kural na nag-uunahan sa b-meg.
******************************
lunes bukas. hindi ko pa lubos naiintindihan.
ikakain ko na lang ng taho ang anumang masasaksihan ko uli.
--peso--
20080514
ang masasabi ko sa unang araw ko
"i woke up today a song was swimmin' in my head"
~ phantom planet, 'anthem'
ang unang araw ko ay exciting.
naalala ko na naman si tom sawyer. hindi sa kwento sa libro, kundi sa channel 2. nung episode na kasi ng bakasyon nila, mas napadalas ang paggising niya nang tanghali. at ayon pa sa kanya, "hindi na nga ako nag-aaral, pero palagi naman akong inuutusan, hindi na 'to matatawag na bakasyon."
buti na lang nasanay na ako sa mga subject ko last term na palagi akong gumigising ng maaga. dahil matapos ang isang buwang bakasyon, heto na naman ako't ginagawa ang araw-araw na routine ng paggising nang maaga para pumasok, hindi sa eskwela, kundi sa opisina.
simula nitong lunes, hindi ko nagawa ang pinakamaagang gising na alas-tres, dahil naranasan ko nang gumising ng alas-dos dati pa. pero nagawa ko ang pinakamaraming gawain mula pagkagising hanggang bago ako umalis.
gumising, nag-inat, umihi, nagmumog, naghilamos, nagsalang ng tubig para sa thermos, nag-isip ng aalmusalin, isinalin ang tubig sa thermos, nagtimpla ng kape, nagsalang ng tubig pampaligo, nagsaing, nagkape, nakaisip na ng almusal, nagluto ng longganisa, nagtipay ng kanin sa bagong saing, inubos ang kape, kumain, naligo gamit ang lumamig-nang-mainit-dapat-na-tubig, nag-toothburst, nagbihis, nag-kiwi ng sapatos, tinupi ang longsleeves, nagkurbata, ginising si nanay, at sinabing aalis na.
exaj. pero kadalasang ginagawa ko lang kasi pag may pasok at nagising ako nang maaga ay magkape, mag-aral, kumain ng mga tirang pagkain, maligo at magbihis. pero kahit na, mukhang exaj pa rin ang mga nabanggit sa itaas. pero ang pakiramdam ko noon, marami talaga akong nagawa. siguro dahil excited lang ako sa unang araw ko.
binigyan ako ni nanay ng P200, at umalis ako sa ganap na alas-singko y media nang umaga. medyo maliwanag na nun dahil summer ang panahon. pero lumabas ako, tahimik ang kalsada, masarap bumiyahe, wala pang mga estudyante.
heto na naman ang mga araw na kailangang gumising nang maaga. kung bakit, bukod sa kailangang masanay, 'yun e dahil unang beses ko sa pagsakay ng MRT at hindi ko pa kabisado ang sitwasyon dito. at kahit bakante man ang mga jeep, bus, at fx sa highway, tama ang hinala ko sa MRT - alas sais pa lang, moshpit na.
marami pang mga mas malalalang eksena sa mga susunod na araw, kapag may mga estudyante na sa kalsada. siguro sa mga araw na 'yun late na rin ang paggising ng maaga.
******************************
"now that shes back in the atmosphere, with drops of jupiter in her hair, hey, hey"
~ train, 'drops of jupiter'
ang unang araw ko ay masyadong maaga.
dumating naman ako nang matiwasay at nanggigitata sa buendia station. 6:30 lang nun. tama si kuya, h'wag na daw muna ako sumakay papuntang makati ave. sa aga kong makararating, lakarin ko na lang daw para mapamilyar ako sa lugar. exercise na rin. edi sige, lakarin.
baba ko mula mrt, kumanan, tumawid, kumanan. naglakad. may nadaanan akong lumpon ng mga jeep, pero hindi nakapila. parang paradahan lang, ang mga drayber ng jeep ay nagmemeryenda o nag-aalmusal sa mga dikit-dikit na kainan. naglakad lang ako.
lakad nang lakad nang lakad nang lakad. marami namang naglalakad e. 'yun nga lang, ako lang ang nakakurbata. 'yung karamihan sa mga naglalakad, parang mga construction worker. 'di tuloy mapigilan ng mga gwardiyang nadaraanan ko na mapatingin sa akin habang naglalakad ako. alam yata nilang OJT ako, at parang gusto nilang sabihin naliligaw na ako dahil mukhang walang OJT site sa lugar na pinaglalakaran ko. nasaan na nga ba ako? basta ako naglalakad sa buendia/gil puyat, papuntang makati ave.
pero mukhang tama ang iniisip ng mga gwardya na naliligaw na nga ako, nang mapatingin ako sa isang tindahan ng mga sasakyan kung saan nakalagay ang address nito - JUPITER ST.!!! akalain mong wala na ako sa daigdig?!
naglakad lang nang naglakad hanggang sa nakita ko ang paseo de roxas. kumaliwa ako dineretso ko ang paseo hanggang makita ko ang streetsign sa kanto nito - Sen. Gil Puyat Ave. buti naman nakabalik na ako sa daigdig. akala ko mapupunta pa ako sa uranus.
mula sa panulukan ng G.Puyat at P.d.Roxas, kumaliwa ako, at ipinagpatuloy ang paglalakbay na tila naghahanap pa ako ng ibang planeta. naglakad ako at nakakita ng isang daanang papaitaas. akala ko airport. pero nang maramdaman kong naliligaw na naman ako, doon ko naisip na nakapasok ako sa isang black hole. kaya nilunok ko na ang pride at umaming bago lang ako sa lugar. doon na ako nagtanong sa isang alien.
"doon po ang makati ave. 'di ba?", tanong ko habang tinuturo ang kabilang direksyong pinanggalinga n ko. sumagot naman si kuya metro aide ng "oo. dun sa may stoplight". hindi naman ako pinagtawanan dahil maganda naman kasi ang tono ng tanong ko. mas mukha yata akong naliligaw kapag direkta akong nagtanong ng "boss, saan ba ang makati ave?". at dahil sa tanong kong "doon po ang makati ave. 'di ba?", inisip siguro ni kuya na kabisado ko ang lugar pero "naniniguro" lang ako.
nagpasalamat na ako at ipinagpatuloy ang paglangoy sa walang katapusang daan. sa wakas ay narating ko na rin ang panulukan ng G.Puyat at makati ave. nakita ko na ang pacific star building, pero hindi na muna ako tumawid. nagtaho muna ako pampalipas pagod at oras. 7:15 lang noon. masyado akong excited para sa oras kong 8:30.
at least kahit papaano natutunan ko na ang ilang karatig-lugar ng pinapasukan ko. siguro sa kinabukasang paglalakad ko, iba naman ang daraanan ko. baka sakaling marating ko ang neptune o pluto. masyado pang malapit ang jupiter.
******************************
"let's do the funk, let's do the first day funk"
~ parokya ni edgar, 'first day funk'
ang unang araw ko ay ok din.
ang pinapasukan ko ay nasa 14th floor (na ang katotohanan ay 13th floor talaga, think of it). dumating ako sa office kasama ang dalawa ko pang kaklase na hinintay ko nang dumating pagkakain ko ng taho. siyempre, dahil baguhan pa, kelangan ko muna ng kasama pag-akyat.
kung may maikukwento man ako tungkol sa working place ko, sa mga co-workers (besides my 4 classmates who work with me), at sa boss, siguro sa mga susunod na araw na lang kapag natimbang ko na sila lahat. wala naman kasing gaanong nangyari nung unang araw ko. ibinigay lang ang contract namin, nag-orientation, nagpaliwanagan. at dahil wala pa kaming nakalaan na sariling PC, share muna kami sa dalawa naming kaklase na nagstart na one week ago.
wala rin naman pang mabigat na tasks. puro training lang, lalo na tungkol sa JAVA na inaral namin isang taon at ilang buwan na rin ang nakaraan. refreshing lang.
siguro ang pinakamasaya na sa araw na 'yun sa office ay 'yung libreng tanghalian. dahil bago kami, inilibre kami nung isang boss na galante. grabe ang pagka-galante ni sir. akala ko jollibee ang ililibre. hindi e. BINALOT! nakanamputch yan... P80 ang regular na pagkain! e ilan din kami nung araw na 'yun - walo. grabe talaga.
noon lang din ako nakakain ng binalot. nung una pa nga, kulang-kulang 'yung order na binigay sa amin, dahil yata hindi narinig ni ate ang order ng lahat. pero kahit na ganun, hindi pumayag itong si sir, at talagang nagpaorder pa para doon sa mga hindi nakaorder sa amin. lahat sagot niya.
ang usap-usapan pa nga, matinik sa chicks 'tong si sir. pero ang pagkakaalam ko, ang impormasyon na 'yun e kasama na rin sa mga 'confidential' na nakasaad sa contract na nabasa namin.
natapos lang ang araw sa opisina nang walang gaanong nangyari na masarap ikwento, bukod sa pagkain na libre. at kung matinik ng sa chicks si sir, mukhang parang gusto ko ng sideline besides being a systems engineer trainee.
******************************
"why don't we do it in the road, no one will be watching us, why don't we do it in the road."
~ the beatles, 'why don't we do it in the road'
ang unang araw ko ay nakakapagod.
akala ko 'yung nangyari na kaninang umaga ang pinakateribleng oras ko dahil sa paglalakad sa isang mahaba at 'di pamilyar na lugar. hanggang sa dumating ang uwian ko ng alas-sais.
mula opisina, nilakad ko uli pabalik nang buendia station. ang layo noon ay mula FEU hanggang laon-laan kung dadaan ka ng P.Campa. sa buendia station, nakaranas na naman ako ng moshpit na walang concert. pila pa lang 'yun sa pagbili ng ticket. pagbaba ko sa abangan ng tren, isa namang gatecrash ang naabutan ko. style concert talaga ang Pilipinas parati. sa loob ng tren naman, mistula kaming mga bibitayin ni hitler mula sa death camps.
pagbaba ko ng mrt sa north avenue station., bumababa ako ng station imbes na pumasok na lang sa trinoma. parang gusto ko kasi magbus pauwi. so nilakad ko ang rat maze ng MMDA, para matagpuan ang higit sa limang dipang taong nag-aabang ng masasakyan. dahil sa dami ng taong nagsisiksikan, mukhang ayoko nang magbus. mag-e-fx na lang ako sa SM.
umakyat ako ng tulay at gumawi sa SM. pagbaba ko ng tulay, nagbago na ang isip ko at naisipang magjeep na lang mula mindanao ave. binagtas ko ang SM papuntang mindanao ave. doon ako nakasakay ng jeep sa wakas.
bumaba ako ng mindanao ave., corner quirino highway. nag-abang ako ng jeep pa-novaliches. 8:00 pm na nun. marami namang jeep pa-novaliches, pero lahat puno na at may sabit pa. marami rin namang bakante pa, pero hanggang sauyo na lang ar hindi na 'yun aabot sa amin.
inabot ako ng 8:30 at nakatayo pa rin ako sa lugar na kinatubuan ko ng kabuti. dahil umuulan noon, maski mga bus kulang na lang may pasahero sa bubong. kapag nag-taxi naman ako, baka malugi pa ako sa pamasahe. walang jeep, walang bus, walang fx, walang taxi. naiisip ko ba ang naiisip nina b1 at b2?
ganap na alas-nueba na nang sumang-ayon ako sa dalawnag saging na nakapantulog - operation lakad! simple lang ang pananaw ko sa pag-aabang ng sasakyan. kung walang masakyan ngayon, maghihintay lang ako, hanggang sa gumabi nang husto't konti na ang pasahero. pero gumabi na nang husto at dagsa pa rin ang pasahero. simple lang ang pananaw ko sa buhay - kung wala pa ring masakyan ngayon, mabuting maglakad na ako kung ayaw kong ma-late bukas.
ang nagawa kong lakad kaninang umaga ay walang kwenta. kung tutuusin, masarap naman talagang maligaw. pero ang ginawa kong paglakad pauwi ay talagang nakakapagod at punong-puno ng pagsisisi kung bakit pa ako hindi nag-fx. nilakad ko mula mindanao ave., hanggang ABC 5. ang layo nun ay mula FEU hanggang welcome rotonda o higit pa.
hindi ko na ikukwento ang madulas at maputik na daan dahil sa ulan, ang banta ng mga tambay na naghahamon, mga asong ulul na sabik sa tao, ang pakikipaghabulan ko sa mga kotseng rumaragasa at pakikipagpatintero ko sa motorsiklong sumisingit sa daan. sapat na ang FEU to wolcome rotonda, at ang mga naunang lakaran, para masabi ko sa huli na ang unang araw ko ay nakakapagod.
******************************
ang unang araw ko ay sinundan pa ng maraming mga araw na tila kapareho ng naunang araw.
--peso--
20080509
thoughts on a cruel summer
one: why is the summer cruel?
because enclosed in this entry is my grief, my overall sorrow towards the financial support i just lost even after having a hard time-focus, devoting a full-effort attention and giving out all the love on my work. bise knew what she had done is unfair but her power is overwhelming enough to justify them as correct. and everyone else concerned feels the same way too as i sense it.
it's difficult to understand (not just because of my faking grammar), but simply because we all have a hard time accepting what had just happened. it's not just on me, it's in the majority. and what made the flame burst more than your usual fire is that we smelled something fishy afterwards. we rather eat a skunk shit than smell a foul cookie.
after i confessed everything to my nanay, i felt she was pained a bit, not really disappointed, but worried enough, especially this time when we are in the midst of great crisis - all about money, money, money, as ABBA sang it.
it came to my mind: why not then when i am rewarded with so much support from the school while we can afford to pay for it still? why now? i wish i could say "pass!", but in truth i cannot.
i thought that the overnights we had - all the efforts; the amount of critical thinking we applied; the stress, pressure & tension we faced; the food we ate; the sweat, blood & tears we juiced out; the millions of wattage of electricity we used; and the rest of the things that cost no any bank accounts - is then not even rewarded the tiniest freebie after all.
in the last scholarship conference i attended, it was discussed that the result of the pass term would be carried out for the next term. this exempts INTERNSHIP/OJT, wherein the grade given for the term would only be 6.0 (PASSED) or 0.0 (FAILED). and since it was, interns could still afford the scholarship, simply by applying the qualified grades during the LATEST NON-INTERNSHIP TERM. in this case, after this term when i lost my scholarship, would be TWO TERMS OF INTERNSHIP and ONE TERM OF REGULAR NON-INTERNSHIP SUBJECTS, which means I CAN NO LONGER AFFORD TO HAVE THE SCHOLARSHIP ANYMORE!
the above report, might be true. i'm afraid. and so i am not yet confessing it to my nanay.
i rather would love eating a skunk shit.
******************************
two: OJT = Out-Joyed Tension
we are in a pressure cooker. probably, especially me. it was when i was in province that my college colleague txtd me. according to him, the company where we are assigned to has not even called yet, and so he is encouraging me to go with his plan to walk-in through the companies, and disregard the assigned company for a moment. i agreed "yes", since i would be returning to Pollution City on the schedule of the walk-in he told me.
the moment i returned in manila, i immediately logged in the net, and what surprised me (no, a hundred unread messages in my email don't surprise me anymore) is the status and story of everyone - i am already here at _____, i walked-in here at _____, i am scheduled for an interview next week there at _____, i'll be starting on <date> @ _____, where were you now?.
suddenly, i felt nervous. i felt i was alone. yes, i believe i am the only one left waiting for the call of the company assigned to me. then there are murmurs around saying i should start seeking for companies now, as if blaming me for following the school rules and being an anti-social.
it was really a pressure. i believe that the company assigned to me suits me best, and i should stick to the plan of waiting for the interview schedule. but two weeks gone by and i felt a scary hour in my life - that i would no longer be called anymore. additions of my friends are already sending me information that they are all starting to work with their OJT one by one by two by more.
i believe i must not give up since the company assigned to me is really one of the top companies given there, but the pressure keeps me hanging, prevents me from breathing, until i suddenly thought of a plan to shout for help and aide me to breathe again.
i haven't given up, but let me try what others are doing - walking-in...
******************************
three: the "Lakad, Samuel! Lakad!" experience
one thing, i am the kind of person who holds my pride especially when the other option requires me to exert hardwork... but since this is for my own good, i rather tried to go with them. i bear in mind the best tip i got from a princess friend, "isipin mo namamasyal ka lang". and so we roamed...
our destination plan is at ortigas - tektite building. it is said that lots of IT companies are waiting for their OJT slots to be all filled-up. we went through around 6 companies residing in the building just to give us the same feedback - "our internship is almost done by the end of May and we are no longer accepting OJT applicants. sorry."
we had our lunch at the megamall, and after consuming a calamares with chinese kangkong topped in squid adobo, and two pieces of sushi from a friend, we continued our journey into the job-finder world. we end up finding at different places within the area, while receiving repeating replies: "our internship is almost done by the end of May and we are no longer accepting OJT applicants. sorry."
the journey continues as the rejection replies continues, until we found ourselves waving good-bye with each other. the search is over, with all of us promised to be called a week after, after successfully submitting SFS's in the 2 out of countless companies we approached.
in the end, we ended up at our own house, tired & sun-drained, sleepy waiting for a hope of a good internship site.
after this holy experience, i learned two opposing lessons:
1) stick to the plan. if you trust the school, they could be the angel of your dreams, bringing out the best company for you. one thing i realized to be the best service our school is offering so far is the internship program - wherein the school is actually the one distributing the students in different partner companies. yes, we are lucky enough. but there are murmurs that schoars and high-graders are being prioritized more than other average students. but i tell you, if you trust your school they could provide you the best. that's IF YOU TRUST YOUR SCHOOL. otherwise, read below.
2) never be sure of uncertainties. according to our philosophy class terms ago, anything doubtful is false, and so don't take it. what is sure is the only true. this is important in a sense that you are the one who holds your future and everything depends on your decision and not on anybody else's. in my case, i tried to walk in since the pressure of not yet haviong a sure site is killing me. not that i trust my school, but i seek for certainties as well. in real life situation, jobs are found if you are in jabs finding for it.
during my walk-in experience, i sticked to the idea of "isipin mo namamasyal ka lang". yes, it's true! it was like going to the mall and going home without anything bought for myself.
******************************
i learned another lesson. (no, not "try and try until you succeed")
if you once had the opportunity, go grab it! especially when everyone else can expect the best out of you. there are many other else looking for the luck you once had, but then you just let it pass because of the strong hope that you have the chance of getting a better option. yes, there are chances, there are options, but remember that there are also wishes that don't come true.
"think big, start small." i thank bise for this.
--peso--


