News alert! Black box of Flight S-31 finally recovered from the crash sight!
********************
Black box is a technical term for a device or system or object when it is viewed primarily in terms of its input and output characteristics. Almost anything might occasionally be referred to as a black box: a transistor, an algorithm, humans, the Internet.
...
Common usage
- In aviation, the term Black Box refers to the flight data recorder and cockpit voice recorder responsible for recording the last minutes of an aircraft flight. The phrase has become popularized by modern media while reporting aircraft crashes, despite the fact that the devices are usually not black.
Source: http://en.wikipedia.org/wiki/Black_Box
*******************
Hindi naman lahat e nakatala, at wala talagang nakakaalam ng buong pangyayari. Pero bibigyan kita ng pagkakataong malaman ang mga eksensa sa likod ng nakita mo lang.
Oo, walang-walang pinag-iba ang post na 'to sa "behind the scenes" at "director's note" na napapanood mo bago i-now showing ang isang pelikula, bukod sa hindi ito isang pelikula.
Flight S-31 Black Box,
Game.
Simulain
Nagsimula ang lahat dahil yamot na si bise. Napakatagal na raw ng panahon pero wala pa ni isa sa pitong (o walong?) grupo ang nagsusumite ng kapating dilaw na papel na kalalagyan ng isasagawang "case presentation". Walang nagkukusa sa buong klase, naghihintay pa yata ng assignment mula kay bise. Ito na nga yata ang pinaka-walang kusang-palong ipinakita ng magkakaklase sa buong buhay ng samahan.
Hanggang sa nagpakabayani ang group leader namin (na pinakamaganda daw sa balat ng tupa). Nagpasa ng papel. Hindi ko alam kung ano ang nakalagay 'dun. Hanggang sa sinabi na lang ni bise na "Oh, you selected 'Why System Software Project Fails?'. So, are you ready for the next meeting?".
Wala na kaming magagawa, dahil kailangan na talagang ibangon ang natutulog na klaseng hindi naman ganoon dati. Bilang paghahanda, humingi na lang kami ng dagdag pang araw, sa isang linggo na lang kami magpe-present.
Pagkatapos ng klase, nagsimula na ang pulong na buti naman at walang halong sisihan. Iniisip namin kung anong magandang gawing presentasyon para sa parusang tinanggap. Sabi kasi ni bise, ang pinakamataas na maibibigay na niya sa gagawa ng presentasyon na ang gamit ay powerpoint lang ay 80%. Kaya, kinakailangan naming mag-isip ng magandang presentasyon na maipapalabas namin sa pinaka-produktibong paraan.
"Puppetry!!!", bigla akong humirit nang hindi ko namalayan.
"Aaay...puppet! Ang cuuuute!!!", sabi ni Jhona.
"Oo! Tama!", pagsang-ayon ni Val Alien.
"Puppet? Paano 'yun?", tanong ni ate Cris.
"Asan na kaya si Icor?", panira ni Domz.
Ako pala ang pasimuno.
Tungkol sa Pinapatungkulan
Naisip ko ang puppetry dahil ang pangunahing layunin nito ay magpatawa ng manonood. Kelan ka ba huling nakakita ng puppet na drama? Isa pa, naisip ko ang puppetry dahil nagawa ko na ito nung 3rd year HS pa lang ako (stick style).
Naalala ko 'yun. Noli Me Tangere individual report, pero kailangan produktibong pamamaraan din. Ano pa nga ba, mag-isa akong nag-puppet show sa harap ng mga kaklase ko. Mag-isa akong ginawa ang props, background, tauhan, stage at iba pa. Tagumpay naman ako, dahil napatawa ko ang buong klase. Pero nagtaka lang ako dahil hindi naman comedy ang paksang iniulat ko - Kabanata 14: Si Pilosopo Tasyo! Nalaman ko nung huli na kaya sila tumatawa e dahil sa nanginginig pala ang kamay ko habang hawak ko ang mga puppet. Sinabi ko na lang na, "Natural! Si Pilosopo Tasyo ang karakter e. Pasmado na!"
May ideya si Domz sa puppetry dahil gumawa na daw sila nito (medyas style), pero trip-trip lang. Si ate Cris naman, totally kabado at inosente dahil talagang hindi niya alam kung paano 'yun ginagawa. Si Jhona, wala pa man manghang-mangha na. Sa sobrang excitement niya, pinanood niya si Achmed mula sa ensemeni niya. Pero ang kabuuan ng ideya sa props, design, background, stage at materials ay ideya ni Val Alien the Flashboy.
Ginawa namin ang 95% ng props sa FEU-East Asia College Technology Building 9th floor, February 11, Monday, from 10:00am to 04:00pm. Sa kabuuan ng 95% na 'yun, 80%, si val ang gumawa. Partida, hindi siya kumain ng breaktime, isang linggo na siyang may sakit nung araw na 'yun, at may programming contest elimiation pa siya pagsapit ng 06:00pm to 09:00pm. Ganoon siya katindi. Alien. Kaya h'wag kang lalapit sa kanya.
Ginawa namin ang script sa bahay ni Jhona sa San Mateo, Rizal. Linggo 'yun, February 10, from 10:00am to 03:00pm. Magkatulong naman kami ni Domz sa paggawa nun - siya sa company script, ako sa overall scene at patching (pagtatagni-tagni). Habang tagumpay naming nagawa ang script, tagumpay din namang natapos ni ate Cris ang documentation. Ang lahat ng ito ay hindi namin magagawa kundi dahil sa mga tinapay na inihain sa amin ni Jhona (may bakery sila), gayundin sa masarap na tanghalian (sayang, 'di sumama si Val).
(nga pala, to s31 and friends, in-upload ko sa groups ang puppetry script [Files >>> @Miselanyus >>> Prose]. kung hindi ka member ng groups namin at gusto mo ng kopya, mag-iwan ka lang ng mensahe at ipapadala ko kay batman ang script. o kaya e i-click mo 'to.)
Pero sa kabila ng lahat nito, hindi pwedeng walang distractions:
(1) Habang gumagawa kami ng props, nag-text sa akin si jel, pinapapunt daw ako ni ms. d sa ERC para sa SFS ko. Click here to continue. Naikwento ko na 'to eh!
(2) Habang gumagawa kami ng script at dokyu, may nag-aaway sa labas ng bahay ni Jhona. Mga lasing na hinaharang ang bawat trak na dumadaan. Weird. Isa pa, nagtxt ang kaklase ko dati dahil sa isang mahalagang pangyayaring bawal banggitin dito.
(3) Habang gumagawa kami ng script at dokyu, tinawag si Jhona ng kasambahay nila: "Jhona! Lowi daw! Lowi!". "Ate Cris, si Louie 'yan!", sabi ni Jhona. "Si Louie may pangalan na sa gabi! Cloe!", sabi ni Domz.
After these, ayos naman ang lahat. Natapos ang props, nagreproduce ng script, nag-practice kami for two days, hanggang sa dumating nga ang araw ng presentasyon - February 14, na nasaksihan ng buong S31. Kung hindi ka namin kaklase sa PROJMAN S31 o kung absent ka, sayang, dahil wala namn lang nag-video nung puppetry namin (kami mismo, hindi namin nakita).
Hindi namin akalain na maaayos namin ang puppetry, dahil tadtad kami ng palpak habang nag-eensayo. Naandung hindi maiayos nang maayos ang background stage, namumroblema kung paano hahwakan ang props habang hawak ang characters, kung paano bibigyan ng tamang paggalaw ang bawat characters, kung kailan papasok ang bawat props, kung paano iibahin ang boses mo sa eksenang dalawang beses kang magbo-boses, at kung anu-ano pa. Idagdag mo pa, habang nag-rerehearse kami, si Jhona nag-eenjoy sa panonood, kaya nakakalimutan niya ang ibang script at props!
Isa pang problema ay ang soundsystem. Bagamat nakakuha naman kami ng matitinong tugtog at soundtracks, problema din kung paano 'yun imamanipulate dahil pare-pareho nga kaming busy sa paghahawak ng props habang nagdedeliver ng linya. Mabuti na lang at nakaisip si Val Alien the Flashboy ng solusyon dito. Heto ang ginawa niyang Flash program na ginamit naming soundsystem:

Sa ganitong paraang epektibo, pipindutin na lang nung soundman (na nagkataong ako rin) ang mga buton sa kaliwa nung pamagat nung musika. Mabuti na lang at nakahiram kami ng laptop kay Din.
Mga Hindi Klaro
Gusto ko lang magbigay ng komento sa ilang bagay - tulad ng mga komentong ibinigay pagkatapos naming ipakita ang puppet show:
1) May mga boses na mahina, may mga aksyong hindi malinaw.
Aminado akong isa ako sa mga may mahinang boses, lalo na kapag si San Pedro ang bobosesan ko. 'Yun e dahil malalim ang boses ng matanda. Pero the rest of the characters' voice naman, I think they voiced well. Tsaka sinabi ko na rin sa simula ng puppetry na hindi na kami gagamit ng mikropono dahil iisa lang ang mikropo para pag-agawan namin, lalong papangit lang ang palabas. Isa pa, maririnig lang sa mikropono ang paghihilian namin kung sino ang magtataas ng kung anong props. Lusot 'di ba?!
Sa mga aksyong hindi malinaw, halimbawa na 'yung nanginginig ang ibang karakter habang ang isa ay nakatayo lang, sinabi ko na sa itaas na malamang e nanonood si Jhona habang nagpepresent kami. Ganoon ka-enjoy ang puppetry namin!
2) Hindi consistent, nawala 'yung momentum.
Nangyari ito after nung puppetry, kung saan iprinesent na namin ang case through powerpoint presentation. Ang totoo niyan, hindi kami gaanong handa sa sasabihin sa report dahil naka-set ang utak namin sa puppetry. Kaya ang nangyari, bara-bara ang report. Parang business cycle lang 'yan eh - depression phase.
3) Credits not clear.
Hindi nagustuhan ni bise ang presentasyon ng closing credits. Huling eksena na lang, pumalya pa! Ang liit nga naman kasi ng font ng pagkakaprint ko. Sana daw inilagay namin sa powerpoint presentation.
Pero para sa kapakanan ng mga hindi rin nakabasa nung credits, heto ang kumpleto (originally & unresized):
kung may gusto ka pang i-klaro ko, mag-iwan lang ng mensahe.
Sarap!!!
Hindi ito ang unang pagkakataon na nakapag-direk ako. Pero ang huli kong direksyon bago 'to, is way back grade4, nung nag-mini play kami sa English subject namin (3 groups din ang nagpresent nun). Ayos din 'yun dahil nagkaroon pa talaga ng awarding ceremony ang buong klase na si teacher ang hurado. Ako ang best director.
Iba rin ang kaso ngayon. Wala man kaming awarding ceremony sa klase, may mga palpak man sa produksyon at pagpapalabas, nakakuha pa rin kami ng score na 50/50 mula kay bise. Samakatuwid, nakuha na namin ang 10% ng final grade namin base sa grading system ng subject. Sapat nang incentives 'yun kung tutuusin, sa kabila ng lahat ng effort at pagod namin. Idagdag mo pa diyan ang mga sumusunod:
Ang sarap ng feeling na makapag-direk ka ng isang puppetry (o play man o short film o kung ano man). Sa ganitong paraan, maipapahayag mo ang laman ng utak mo at maipapakita mo sa mga makakapanood ang nais mong sabihin. Mababanggit mo sa gawa mo ang mga saloobin mo, lahat ng pamumuna, pamumuri, paninirang-puri, pangwawasak, hinaing, tuwa, galak, takot, lahat.
Ang akala ng iba, tahimik ka lang, wala kang kibo, wala kang alam, wala kang kaya. Pero ang totoo, lahat ng tao ay may ibubuga at may nakatagong disenyo at arte sa utak niya.
Kung balak man niya 'yung ilabas - 'yun ang dapat mong respetuhin. At kung kailan man niya 'yun balak ilabas - 'yun ang dapat mong abangan!
--peso--

****************************************"Scale of 1 to 50. score: 50.. The presentation I would say was the best so far. :D"
- Lea Berioso, http://lea1010.multiply.com/
shirley (2/15/2008 12:59:43 AM): ang galing tlga
peso (2/15/2008 12:59:45 AM): edi ayus
peso (2/15/2008 12:59:47 AM): hahaha
peso (2/15/2008 12:59:49 AM): salamat
peso (2/15/2008 12:59:52 AM): buti natuwa kayo
shirley (2/15/2008 12:59:54 AM): hehe
peso (2/15/2008 12:59:57 AM): kinakabahan si ate cris
shirley (2/15/2008 12:59:58 AM): uu nmn
peso (2/15/2008 1:00:03 AM): sabi niya baka daw mukhang cheap
shirley (2/15/2008 1:00:04 AM): ng-enjoy tlga
shirley (2/15/2008 1:00:06 AM): ndi boring
shirley (2/15/2008 1:00:09 AM): promise
shirley (2/15/2008 1:00:12 AM): no kidding
"Sige pre, una na ako. Congrats!"
- Val Allen Samonte (going on a date with Mars)
"Shet! 'Di ko napanood!"
- Gerard Adrian Martinez
"Ano sa inyo? Para maluto..."
- si kuya sa Jobidex a.k.a. 1st5
"Wow! Mas maganda kaysa sa play ni ate Cris nung ARTAPRE!!!"
- unknown sender
"The Filipino is worth dying for."
_ Benigno "Ninoy" Aquino Jr.