20071225

the tale of the old-fashioned christmas tree...



dalawang linggo na nung sinimulang i-assemble ni nanay 'tong christmas tree namin sa bahay. the typical christmas tree. green, 4 feet tall, old fashioned. nilagyan ng iba't ibang palawit at pasabit - 'yung iba dati ko nang nakita, 'yung iba mga bago. tapos nilagyan ng christmas lights, tsaka isang silver star sa tuktok. that was not the first time i saw that scene. it was typical and seasonal yet a special moment.


"bago ba 'yang christmas tree 'nay?"
"hindi. 'yan na 'yung dati. 'yan pa 'yung dinala mo sa school."
"o? tagal na niyan ah... buo pa rin? kelan pa po ba 'yan?"
"matagal na. bata pa kayo. ayoko naman kasing itapon e. pwedeng pwede pa."
"'yung kila lola bago na naman a."
"oo. taon-taon sila kung magpalit e."
"e asan na 'yung mga luma nila?"
"binibigay sa tita mo. kaso tuwing lilipat sila ng bahay, lagi namang iniiwan."
"sayang naman. taon-taon ganun?"
"sayang talaga. pero 'tong sa 'tin buong buo pa o... iniingatan ko na lang..."


**********


bago dumating ang inaabangang araw, ang lahat ay abala. paroo't parito, shopping, bili ng regalo, christmas rush, lahat sila masayang isinasakripisyo ang pagod, pera at oras para makapagbigay ng kasiyahan sa darating na pasko. lahat sila, namamahagi ng kanya-kanyang kabuluhan ng tunay na diwa ng kapaskuhan.

pero hindi lang sila. ako din. i built up the spirit since i re-started looking in our old-fashioned christmas tree.


ang sentro ng diwa ng pasko, para sa akin, ay makikita hindi sa eksaktong pagkakakitaan mo nito sa iba. wala sa kung paano ipinagdiriwang ng mundo ang pista. wala sa dami at klase ng pagkaing inihahain tuwing bisperas. wala din sa mga regalong ibinigay ko, o doon man sa mga regalong natanggap ko, at lalong wala sa halaga o presyo pagsama-samahin mo man ang lahat nito. wala din sa bago kong damit, sapatos at bag. wala sa perang natatanggap mula kila ninong at ninang. wala rin sa pagkakakumpleto ko ng simbang gabi, kahit sa "wish" kung makumpleto ko man ang simbang gabi. wala sa santambak na burloloy at parapernalyang makikita mo sa bahay bilang dekorasyon sa pasko. wala din sa mga swerteng natanggap sa iiwanang taon, gayundin sa mga malas na buti't hindi namalas.

natagpuan ko ang sentro ng diwa ng pasko sa mumunting artipisyal na halamang itinanim ni nanay para sa darating na kapaskuhan, at patuloy niyang iniingatan para maitanim muli sa mga darating pang kapaskuhan. hindi niya itinatapon o pinapalitan ang mumunting puno (tree) na 'yun, dahil puno (full) iyon ng alaala ng pagsasama-sama naming buong pamilya. darating man ang panahong wala nang maihanda at wala nang mairegalo, pero patuloy namang nakatayo ang tahanan, dumating man at matapos ang pasko.

madaling palitan ang isang lumang bagay, dahil sa hirap at takot na mapuna ito ng mga tao na hindi na ito bago. pero ang bagong bagay ay wala pang alaala. mahal ko ang tahanang 'to dahil lubos ang pag-iingat namin sa mga alaalang nabuo namin. nakapalob ang mga alaalang 'yun sa mga lumang bagay na hindi namin maitapon-tapon ni mapalit-palitan nang basta-basta. mga lumang bagay iyon na katatagpuan pa rin ng tibay, kasiyahan at pagmamahalan.



at habang umuusad ang panahon, patuloy naming itatanim ang puno...




maligayang pasko sa 'yo... sa pamilya mo, at sa pagsasamahan ninyo...

**********





"And it's all flooding back to me
All the memories and christmases we shared
And there's nothing I want more
Than spend the holidays with you"

~ orange and lemons, 'christmas daydream'




--peso--

20071208

koo-koo-ka-choo



**********

"koo-koo-ka-choo, i shot he eggman"
~ rivermaya, 'hangman'




now it was 27 years since that day. di pa ako pinapanganak noon. wala akong malay. wala akong alam. nakilala ko nga siya/sila grade 5 na ako e. ni hanggang ngayon, wala pa rin akong sapat na detalye tungkol sa kanya.

ilan lang ang alam ko:

alam ko lang, astig siyang manganganta/kantatero at kompositor. alam ko lang, may naulila siyang asawang hapon at dalawang anak mula sa magkaibang asawa. alam ko lang, hindi ko man siya matatawag na idolo, pero totoong malaki ang impluwensya ng musika niya sa akin. alam ko lang ang mga kanta ng grupo niya, pero wala talaga akong gaanong alam na kanta niya nung nagsolo na siya.

alam ko lang, sa kabila ng paggamit ng ipinagbabawal na droga at pag-alipusta sa kristiyanismo, nakuha pa niyang makaawit ng awiting maghahatid ng mensaheng ang akala mo lang e sa imahinasyon mabubuo, pero ang totoo ay isang hindi imposibleng katotohanan ngunit hanggang ngayon e hindi man lang makamtan-kamtan. ni hindi niya ito naabutan.

ang alam ko lang, patuloy akong humiling na sana mabuo sa reyalidad ang imahinasyong tinutukoy niya. hindi 'yun sapat para bigyan ko siya ng isang sanaysay o alay, pero sapat para muli ko siyang buhayin hanggang ang imahinasyon ay magkabuhay na rin.

sapat ang lahat, ang nalalaman ko't hindi, para maalala ko siya sa araw na'to. 'yun e dahil ang alam ko lang, ngayon ang ika-dalawampu't pitong anibersaryo ng kamatayan niya.


ano ba ang alam ko? pupunan ko na lang ng sariling kwento ang mga istoryang di ko alam.


**********

...way back grade 6.

kuya alvin: rj, gusto mo ng pabango ni John Lennon? idol mo 'yun di ba?
peso: oo, saan meron?
kuya alvin: may binebenta e...
peso: ano ba amoy nun?
kuya alvin: nasaan na ba si John Lennon ngayon?


**********

salagubang

grade 5 ako nun nung bumili si tatay ng piratang beatles na CD. nakalagay sa cover na bluish-gray e "the beatles love songs". 27 tracks 'yun, over 1 hour of music. pero ang nakalagay sa cover is 26 songs lang. lumalabas na bonus 'yung last track - yellow submarine. P100 ang bili ni tatay. ganun pa ang piarata nun, pero tunog digitally-mastered talaga, di tulad ngayon kung saan may remix ni gloc 9 ang yesterday ng beatles.

naririnig ko na ang "beatles" noon pa man, pero wala kong pakialam. pinag-uusapan sila ng mga kamag-anak at pinsan ko, nakikita ko yung early music videos nila sa TV, nakikita ko ang gupit nila sa kapitbahay namin, naririnig ko sa radyo yung let it be (trivia: "let it be" sa tingin ko ang una kong narinig na kanta nila). pero nung gabing yun na nag-uwi si tatay ng piratang beatles CD, dun ko pa lang tuluyang sinabayan ng tibok ang bawat ritmo ng tugtog nila.

nagtuloy-tuloy lang ako, hanggang highschool. di naman ako nagpa-moptop dahil nga bawal sa highschool ang hindi mukhang totoy. yung sinabi ko sa taas, totoong malaki ang naging impluwensiya ng beatles sa akin. (trivia2: december 25, 1st year HS, officially akong tumugtog ng unang tugtog ko sa gitara. ang kanta? "twist and shout". nagresulta yun sa pagkatuto ko sa gitara).

at nagtuluy-tuloy pa, hanggang college. since high school, wala na yata akong ginawa sa internet kundi magdownload sa mIRC ng beatles album, na may mga free trojan virus. nandung magpabili ako ng original CD sa tito kong nagpuntang tate, nagpabili ako ng pirated CD sa kuya ko dahil christmas promo, bumili ako ng sarili kong casette tape dahil yun lang ang afford ko nung bilhin, manghiram ako ng CD sa barkada ko (muntik ko nang arborin, libre lang sa kanya yun sa subscription sa isang american music magazine).

at nagtuluy-tuloy ako, at napagod. pero hindi nagsawa. napagod din ako, di tulad ng mga talagang die-hard fans ng fab four na handang magsuot ng amerkana habang naka-maptop tuwing summer (hands-down ako sa kanila). mula doon, hindi ako tumigil, pero naghanap ako ng iba pang impluwensya sa musika, na sa kahuli-huliha'y napag-alaman kong mga nasa ilalim din pala ng impluwensya ng mga salagubang, uwang, beatlogs, beatless, beatles.

at nagtuluy-tuloy ako, marami akong natagpuan. iba-ibang banda, halu-halong musika. napagod ako, pero lalo ko silang nakilala.


**********

mark david chapman

hindi mo siya kilala. malay mo naman di ba? siya yung pumatay kay john lennon. 4 or 5 shots daw sa likod ni lennon ang pinatama ni chapman. nangyari ang lahat dalawampu't pitong taon na ang nakakaraan, pagbaba ni lennon ng sasakyan, habang papasok sa apartment. ewan ko.

hindi daw mamamatay-tao si chapman. in fact, masugid daw siyang tagahanga ni lennon. pumapasok ang isyu tungkol sa pagkalulong ni chapman sa droga, at ang pagiging obsessed niya sa iniidolo. kabaliwan, ek ek. die hard fan si chapman. paano niya nagawan mapatay si lennon? ewan ko.

buhay pa si chapman ngayon. hindi ko alam kung anong sentensya sa kanya. pero hanggang sa kulungan daw, ayaw na ayaw siyang nakikita ng mga iba pang nakakulong na fans ni lennon. bububugbugin daw. ewan ko.


**********

imagine

tuwing united nation's week, sa eskwelahan namin, laging may program. section by section represented by a country, each student waving the section's country's flag. ang tugtog? "heal the world" ni michael jackson. oops! wala akong sinabing "dapat 'imagine' na lang"...

hindi ko sinabing hindi ako sang-ayon sa heal the world. totoong akma ang kanta. ang heal the world ay isang kantang humihingi ng gamot para sa may sakit na mundo. at ang imagine ay isa lamang kantang hinihiling na masdan mo sa isipan ang isang mundong mapayapang tirhan para sa lahat. ang heal the world ay isang kantang magbibigay ng sapat na pag-asa sa makakarinig. pero ang imagine, para bang hanggang imahinasyon lang ng taong kakanta. aasa lang, habang tumutugtog ang kanta, at pagkatapos, boom-tarat-tarat uli.

ano ang nagustuhan ko sa isang imahinasyon, kaysa sa isang panukalang gamutin ang mundo?

hindi buo ang imahinasyon ni lennon. ni hindi na niya nakita ang pinapangarap niyang maayos na mundo. gusto kong hanapin ang imahinasyong 'yun, at ipagpatuloy sa reyalidad. malabo at may napakaliit na posibilidad, pero mas nakakasabik masilayan.

iminumungkahi ni jackson na gamutin na ang mundo, para sa kabataan at sa hinaharap. pero ipinaiisip ni lennon ang isang masiglang mundo, para sa lahat. at tuwing matapos kong isipin, nagigising akong hinahanap ang mundo na 'yun. gusto ko sanang sumabay sa ikot...gusto kong doon na tumira. higit sa pagkakaisa ng tao, gusto ko ng kapayapaan, na hindi na muling nakamtan sa loob ng mahabang panahon. ang mundong 'yun lang ang meron nun...kaya higit sa paglalapat ng lunas, lumalabas ako sa misyon, para hanapin ang nakita ko sa isip ko, na ipinakita niya sa kantang 'yun.


heal the world is a cure. but imagine is the drugs.


**********






"limitless, undying love..."
~ the beatles, 'across the universe'





--peso--