20071019

comsci. nursing. stats. accounting. (part 2)



nursing

**********

taba:
pareng chelle, tignan mo!
pare: alin?
taba: ayun o! 'yung 1st year...
pare: 'yung babae? o nakita ko. bakit?
taba: 'di mo ba kilala 'yan?
pare: hindi e. sino ba 'yan?
taba: kilala mo naman sigurado si rei ayanami 'di ba? sa evangelion?
pare: si rei... oo, bakit? ... ay shit! hah?!!! si rei nga pare!!!


nakita ko na siya long before ako mag-highschool (grade 5 or 6). nasa TV siya. pinalabas siya sa channel 2. at noong nag-highschool na ako (3rd year), tuluyan ko na nga siyang nakita. wala na siya sa TV. buhay si rei ayanami.

sino nanonood ng evangelion, taas ang kamay! mahilig ako dati sa cartoons/anime, pero hindi nanonood ng evangelion. pero nung nakita ko si rei ayanami sa TV (that mala-hentai after-shower scene with shinji), siya na ang ginawa kong favorite anime character ko. na-inlove kasi agad ako sa kanya. sinabi ko sa sarili ko na "ito ang magiging ideal girl ko...". wala nang palitan. siya na talaga. wala na akong pakialam kung mas maraming nagagandahan kay asuka kesa kay rei. wala na rin akong pakialam kung marami pang mas magagandang babae sa iginuhit na pinilakang tabing. basta, si rei ayanami lang. although, hindi ko pa din pinanood ang evangelion.

dumating ako sa puntong nakakulong na ako sa imahe ng isang drowing na anime character, na alam ko namang hindi nga naman mabubuhay para sunduin ako. ang alam ko lang nun, gusto ko na ring magpakulay ng buhok - blue. pero salamat na rin kay rei at nakalaya din ako. 3rd year, nakita ko si rei ayanami na gumagala sa quadrangle. dumating siya para sunduin ako???

mahirap paniwalaan na makikita mo ang isang taong hinahangad mong makita sa loob ng mahabang panahon, na alam mong imposibleng mangyari dahil una, alam mong hindi naman talaga siya tao, at pangalawa, dahil alam mong nakakulong ka lang sa imahinasyon pero ayaw mong bumangon dahil masarap matulog at managinip. nakakatuwang mahirap paniwalaan, dahil kung sa imahinasyon ko lang siya nabuhay, wala akong inaasahang may kamukha siya sa school! at ang masaya, adviser pa niya ang rakistang teacher ko sa science!!! wala nang mas si-shit pa!!!



**********

taba: jabo, di ba ka-service mo 'yun???
jabo: oo. kaklase nga yun ng kapatid ko eh. bakit? crush mo?
taba: oo e. alam mo number niya?
jabo: mamaya, tatawagan kita. itatanong ko sa kapatid ko.
taba: ok, salamat!!!


isang magandang pagkakataon na may nakakaalam ng number niya, at kaklase ko pa! (ngayon ko lang napansin na kahit noon pa pala spy na ako =p) mobile and landline number, acquired! pasko noon nang binigay sa akin ni jabo ang number ni rei. walang duda na si jabo ang santaklaws ko...at niregaluhan niya ako ng isang buhay na action figure, at life-size pa!!!


natatandaan ko pa 'yung unang text message na ini-forward ko sa kanya. galing 'to originally sa biology teacher ko na sinend sa akin nung Sept. 22, 2003, 10:14pm (na hanggang ngayon, nasa inbox pa ng cp ni nanay!):

"nEvEr frOwn, EvEn whEn U ArE sAd, bcOz U nEvEr knOw whO Is fAlling In lOvE wIth yOUr smIlE.tO thE wOrld U mAy bE 1 pErson, but tO 1 pErson U mAy bE thE wOrld..."

siyempre, as expected, ang reply niya diyan is: "hu u?"

at nagpakilala na ako. sabi ko, kabarkada ako ni Jr, na crush nung kaklase niyang mataba (follow the link, she's at the far right). sinabi ko sa kanya 'yung pakay ko, sinabi kong gusto kong makipagkaibigan. nakakahiya mang ipagtapat, pero sinabi kong kaya ako nagtext e dahil kamukha niya 'yung favorite anime character ko. sinabi ko din na h'wag sana siyang magalit dun sa kaklase niyang nagkanulo cp# niya para ibigay sa akin. "'yun lang naman, merry christmas!", huling sinabi ko.

sabi niya, ayos lang daw yun. merry christmas din daw. nagbabay na siya dahil may ipinagagawa daw sa kanya.

taliwas sa pagkakaalam kong ugali ni rei ayanami sa evangelion, nakakatuwang isipin na napakagiliw sa new txtm8s nitong rei ayanami in-person. 'yun ang akala ko.



**********

after christmas and new year, hindi na ako nakatiis. tinawagan ko siya sa phone. here's the funny scene:

taba: hello, pwede po makausap si *$#@%^!*?
(^o^): sino to?
taba: pakisabi po si $%)68...
(^o^): sandali lang ha...

-- after 15 seconds --

rei: hello...
taba: ui, musta na?
rei: sino 'to?
taba: si $%)68, ako yung nagtext sa'yo nung pasko, remember?
rei: a, oo.
taba: musta?
rei: ok naman.
taba: nakakaistorbo ba? wala lang ako makausap eh.
rei: hindi naman.
taba: may ginagawa ka ba?
rei: meron.
taba: a ganun ba... o sige, babay!

-- click --


tinangka ko na rin siyang kausapin nang harapan. tinangka ko na din siyang picture-an. iisa ang finding ko: sa text man o sa phone o sa personal, mailap si rei. hindi mahiyain e. iwas. hindi rin iwas e. para bang pag kinakausap mo siya titignan ka lang hanaggang makatapos kang magsalita, tapos wala siyang reaksyon. hanaggang sa sabihin mo na lang na "o sige, aakyat na ako sa room".

now i'm convinced that everything she is in person looks like the real her on paper. tahimik. short-haired (hindi nga lang blue). serious-looking. calm. unsmiling. reactionless. mysterious. hindi maikakaila, siya si rei ayanami, with cellphone!

**********

ano ang pinakanakakatawang karanasan kay rei ayanami? siguro, 'yun 'yung eksenang nagkita kami sa pintuan ng simbahan. papalabas na kami pareho since tapos na ang misa. kinalabit ko siya, at nakita niya ako. ngumiti ako at kumaway. kumaway lang siya. nakakapit siya sa mama niya. sabay tanong sa akin: "nagsimba ka?"

tanong: anong isinagot ko sa tanong niya???

a: oo, nagsimba ako.
b: hindi, nagsimba ako.
c: hindi, naligaw lang ako.
d: hindi ko nga alam e...ikaw ba nagsimba ka?
e: <ngiti
>
f:
<tango>
g: <iling>
h: a hindi may pinuntahan lang...
i: hindi, nagbebenta ako ng sampaguita. ubos na nga eh. pakyaw!



e ano ang pinakahindi ko malilimutan sa kanya?

long before ko nalaman 'yung mobile/landline number niya, pero nakita ko na siya, nagsimula na akong magdidikit du sa teacher ko sa science na adviser niya. no big deal, dahil medyo close ko naman na talaga 'yung teacher na 'yun, both of us having the same musical interest, and she being my brother's band manager during the earlier battle of the bands. nag-uusap kami ni ma'am sa labas ng room nila. may program nun sa school eh. sa kalagitnaan ng usapan namin, pinalabas na ni ma'am 'yung mga estudyante niya to take participation in the event. in queues sila lumabas, namalayan ko si rei na dumaan sa tabi namin ni ma'am. nilagpasan niya kami, pero having her seen going far, she looked back, as if somebody called her. she looked directly at me. i don't know why. then she looked away again, and went on...

my teacher, having seen me looking at her, and having seen her looked at me: "siya 'yung kinukwento mo sa akin 'di ba? 'yung crush mong estudyante ko? si angeline..."




--peso--

20071010

comsci. nursing. stats. accounting. (part 1)



comsci

* * * * * * * * * *


i used to be (dreaming as) a spy. hindi ako nag-CAT, ni boyscout. pero gustong gusto kong nagmamanman. hindi ako hero pero gusto kong maging invisible tulad ni
claude. wala naman akong hilig kay james bond, pero trip ko talagang maging secret agent. (secret agent nga ba si agent 007?)

1 year lower siya sa akin. una ko siyang nakita nung tumakbo siya sa hallway, na parang may kakaladyaan. nakangiti siya nun. tumatawa. para siyang si
jang geum. at tama. jang geum ang pinangalan ko sa kanya.

kaya ko naisipang sumali sa groups nila. may yahoogroups ang batch namin, pero as a moderator, may validation kami ng mga sasali, sila wala. kaya pasok agad ako sa groups nila. ang sarap. malaya. pwede mong kalikutin lahat ng top secret files nila. nga lang, h'wag ka magpopost para di ka makilala.

kaya nga hindi ako nagpopost. tumitingin lang ako ng files and pictures ni jang geum. cute talaga. para siyang nagyoyosi. minsan nga gusto ko siyang regaluhan ng isang kahang Hope. pero wala akong ideya kung nagyoyosi nga siya. mukha kasi e.

kung i-check man ng mga mods nila yung members/databse nila, wala na akong pakialam. wala naman akong entry sa database nila e. isa pa, as long as hindi ako nanggugulo.

minsan, bilang spy, ginawa ko lahat ng magagawa ko para malaman ko ang tunay na pangalan niya. at nagawa ko naman. first name, last name, at kahit middle name nakuha ko. nakuha ko na din ang stident number niya pati address, contact numbers, etc. 'yung iba, sa tulong nung isang prof ko na willing daw akong ilakad sa kanya (which i rejected immediately, since i'm spying for the thrill). yung iba, lalo na yung contact numbers, nakuha ko sa database nila.

nakakuha din ako ng stolen pictures niya na ako mismo ang nag-shot. simple lang. customer namin sila nung approj1 eh. sa section nila kami nagdaos ng painting tutorial. kunwari photographer ako ng event updates. parang si superman.

so alam ko na pangalan niya. tatawagin ko ba siya pag napadaan siya sa harap ko?
meron na ako nung address niya. pupuntahan ko ba siya lalo't nadadaanan ko pauwi yung lugar nila?
gagawa din ba ako ng friendster account, tapos friends kami?
mag-aaral ba ako nung dayalekto nila para makapagcommunicate ako sa kanya?
alam ko na rin ang student number niya. i-hack ko kaya ang comlab account niya?
may kopya ako ng landline niya. tatawagan ko ba siya? pero h'wag. mahirap na. matatameme ako. magmumukha akong stalker at hindi spy. siguro, i-text ko na lang siya...

at 'yun ang naisipan kong gawin, kaya mula sa database, kopya ng numero, save, and ready to text!

kinabukasan, magsesend ako ng quote sa kanya. simpleng good morning quote lang. nung isesend ko na, doon ko lang napansin na 12 digits 'yung mobile number na naka-save sa database entry niya!!!

now here comes the theory of permutation, combination, probability, and jueteng. ilang combination ba ng 11-digit valid-mobile-number ang mabubuo ko mula sa 12-digit invalid-mobile-number-stored-in-the-database? siyempre, yung first 4 digits, kelangang i-retain yun. Tip: ##22-2##-####-# 'yung number niya. so madaling isipin na burahin na lang yung isang '2'. aha! SUN pala siya!

ipinaring ko yung numero dun sa kaklase kong SUN din. ayun, tumpak! mali ang number niya! not in service! sinubukan ko na ring tanggalin ang last digit, pero ala pa ring epek. kung ire-retain mo yung first 4 digits, kelangan mo i-cancel ang isa sa walong numerong natitira. lalabas na magkakaroon ka ng walong possible combinations. pero malaki din ang posibilidad na wala doon sa walong kumbinasyon ang tamang numero.

mula sa pagiging espiya, na muntikang mauwi sa stalker, bumagsak ako sa pagiging matematician. doon na ako tinamad. di bale na. lalo na nung malaman ko dun sa kaibigan ko na base daw sa friendster ni jang geum, she's on "a relationship" daw!!!

GOSH!!!!

and the proof comes. it's proven, may bf na pala siya...at mukhang magtatagal sila!!!

proofs:

1) sabi nung kaibigan kong anti-social NA kababayan pala ni jang geum. nagkasabay daw sila sa bus pauwing probinsiya, at nagkuwentuhan na ng talambuhay.

2) magka-ORG kami nung bf niya. nung minsang may training, naabutan ko si jang geum na naghihintay sa labas ng comlab. ano ang gagawin niya sa labas ng comlab na pinagdarausan nung training namin, from 5-7 pm??!!! he's waiting for SOMEONE. kung somebody lang yun, hindi niya yun hihintayin kahit pareho pa sila ng inuuwian.

3) na-check ko mismo ang friendster niya, kahit wala akong account. kasama yun sa trabaho yun ng isang spy.

GOSH!!!


from that moment, i retired from being a spy. nakikita ko pa din si jang geum, at tuwing nakikita ko siya, piling ko kahihithit lang niya ng yosi. mukha talagang magtatagal sila nung bf...and wish them all the happy feet, este happy moments.


pero cute pa din siya. gusto ko nga sana uli siyang makitang tumatakbo sa hallway. nakangiti, nakatawa. sana araw-araw ganun. para at least, hindi na ako araw-araw magmamanman. hindi na ako araw-araw espiya.






--peso--