20070727

the only GAY i'd ever loved most...



WANTED/MISSING:

the missing bading

  • name: Bakleng
  • fullname: Bakleng
  • alias/es: Bakla, 'Kleng, Adongis, Pssssst!, Hoy!, Gago!, Bakleng
  • physical description/s: 10 inches tall, 2 feet long (dati), kulay maputlang dilaw, putol ang buntot, bulag yung kaliwang mata, paos ang boses, mutain, moptop yung gupit, marunong mag-mano sa mga nakatatanda, gwapo pero bading
  • last apperance: July 22, 2007 - outside de guzman residence

  • anyone who'd seen it ALIVE, please contact 09208914938 / 9375055 (wala nga lang reward). ELSE, pakibigyan na lang ng maayos na libing. we are not willing to see it dead.

    **********************************

    at sa lagay nakuha pa kitang paglaruan.

    hindi ka naman naiba sa karamihan nang napadaan sa amin. actually, we are all expecting this to happen, that you would soon leave. kaya hindi na masyadong masakit para sa akin, di tulad nung mga nakaraang taon. pero para sa kapatid kong bunso, lagi pa rin siyang umaasa na uuwi ka uli para kumain, tulad ng katamarang lagi mong ginagawa (uuwi kumain, tumae't matulog). pero paano ka uuwi para kumain kung nitong huli, hindi ka na daw makalulon?

    sayang, nakila otep kasi ako nung linggo. nung linggo daw kasi 'yung huling aparition mo sabi ni tatay. pinakain ka pa daw nun pero ayaw mo daw. hindi ka na daw makaakyat sa drum na tulugan mo. ganun ka na ba kahina nun? ganun ka na ba katanda, ha bakla?

    naalala ko si zenki (aso ni tita) bago siya mamatay. nung pinuntahan daw siya ni kuya, bigla daw 'yung sumigla mula sa pagkakaratay sa banig - tinignan si kuya, winagayway yung buntot - katulad ng pagwawagayway ng tao hang nagsasabi ng "babay!". 'yun daw 'yung huling eksena sa buhay ni zenki na masaya siya. kahit hindi si kuya ang amo niya, pinilit pa rin niyang magpakasigla kahit sa huling minuto. 'yun daw e dahil gusto niyang pasalamatan 'yung kuya ko.

    umalis ka daw nung linggo, at hanggang ngayon "missing" ka pa rin. umalis ka ba dahil umalis din ako? hinahanap mo ba ako? trip mo pang gayahin si zenki...lols! sabagay 'di kita masisisi - kung dati pang katabi na kita sa pagtulog.

    nung isang gabi, napag-usapan namin lahat ng hirap mo dito sa bahay. reminiscing moments. naandun 'yung nahulog ka mula sa 2nd floor ng bahay namin, inaway ka nung tatay mong laog, naipit ka sa bintana, naputol 'yung buntot mo, nabulag, natinik sa loob ng isang linggo dahil sa katakawan, napalo ka namin ng tsinelas dahil wala kaming magawa, natadyakan kita sa ulo dahil stressed ako galing school, sinipon, inubo, plinema, nagka-amoeba, minura, sinigawan, tinawag na "bakla". at ang pinakamatindi sa lahat - hindi ka nagkaanak - dahil walang pumatol sa 'yo. lahat ng binalak mong "anuhin" inaway ka lang. 'yun e dahil bakla ka nga. lahat 'yun napag-usapan namin. pero ngayon, kami naman ang medyo mahihirapan. nakakapanibago.

    sabi ni nanay, bukas naman daw 'yung bahay kung babalik ka pa. pero dapat pala isinara namin 'yung bahay para di ka na umalis. nasaan ka ba kasi? tinapon ka ri ba nung cat-hater-man? pinulutan ka ba nung mga lasenggo sa kanto? nag-grocery ka lang ba? o dahil sa katandaan at karamdaman, talagang oras mo na? sa lahat ng posibleng dahilan, sana umalis ka dahil alam mong ayaw ka naming makitang dito pa mamatay.

    gayunpaman, sana kasama mo ngayon lahat ng naging alaga namin dito - lahat ng isinama namin sa bilang ng mga kakain tuwiong kakain na rin kami. one last request - tipunin mo sila. tapos magdaos kayo ng miting de avance. sabihin niyo sa lahat ng hayop na kasama kayo sa mga pinakamasuswerteng hayop na nilikha ng Diyos - dahil minsan sa mundo, dito kayo tumira sa amin.

    alam kong hindi ka tao kung mag-isip, pero alam kong hindi ka din nakakalimot tulad ng hindi namin paglimot sa 'yo. kung sino man ang may hawak sa 'yo ngayon, ok lang 'yan. pero h'wag ka sanag magpalit ng amo - dahil hinding hindi kami magpapalit ng alaga.

    sayang. sana naturuan kitang magbasa dati. gusto ko kasing mabasa mo huling tribute ko sa'yo. kabalbalan siguro 'to para sa iba. pero kung may mang-asar man sa akin dahil madrama ako s post na 'to - ipapakita ko sa kanila 'yung itinuro mo sa akin. kakalmutin ko sila, sa ngalan mo.

    ingat lagi. God Bless. MWAH!!!



    R.I.P.(+)

    "Bakleng"
    the only GAY i'd ever loved most...
    (1999 - 2007)





    --peso--

    20070713

    a cross tick

    ******************************************

    about face

    base sa wikepedia (the number 1 source of plagiarized assignment for lazy students):

    "An acrostic (from the late Greek akróstichon, from ákros, "top", and stíchos, "verse") is a poem or other writing in an alphabetic script, in which the first letter, syllable or word of each verse, paragraph or other recurring feature in the text spells out another message. A form of constrained writing, an acrostic can be used as a mnemonic device to aide memory retrieval."



    eto ang original link -->


    ******************************************

    about the text

    and then, nagpuyat ako para gawin 'yung assignment acrostic nung kapatid ko para dun sa biology subject niya, since ang teacher-adviser niya dun e 'yung teacher-adviser ko din sa subject na 'yun way back 2nd year high school. ok naman.

    pero kinabukasan - mga alas-kwatro nang madaling-araw, nakita kong nire-rewrite na nung utol ko 'yung acrostic - na pinagtulungan nila ni nanay. ayaw nilang gamitin 'yung akin.

    sabi ko sa utol ko, kapag nabasa nung dati kong teacher 'yung tula kong isa-submit niya, exempted na siya for 2 quarters, at 3rd quarter na uli siya papapasukin.

    simple lang ang sinabi nila sa akin - hindi nila gagamitin 'yung ginawa ko dahil hindi pang-2nd year highschool ang grammar/composition.

    e mayabang ako! kaya eto 'yung ginawa ko, kung hindi man 'to angkop para sa mga 2nd year high school, ikaw ang judge ngayon...

    ******************************************

    Spills of oils in falss and sea
    A smoke from Hope and cars we see
    Vasts and masses of garbaged land
    Emit by mind and thrown by hand.
    Too disrespect and much of dirt
    Hurts the life of this lonely earth.

    Enough - fishing by dynamite
    End factories that smoke so tight
    Arise and clean each town and street
    Ruled by heart, let us work on fleet.
    Too much of love and care accord
    Helps the life of this only world.




    ©peso071107. all rights reserved. all wrongs preserved.

    ******************************************


    about the author

    malamang hindi mo pa siya kilala.

    si peso ay ang blogger sa blog na 'to at ang may kinalaman sa mga buger sa ilalim ng double-deck na kama nila sa kwarto. madalas siyang kumakain sa jobidex (a.k.a. "first five"; "six-seater"), pero wala siyang hilig kumain ng jollibee at pokedex. kasalukuyan siyang naaadik sa nbc series na Heroes at kasalukuyan ding problemado kung paano magkakaroon ng sariling kapangyarihan tulad ng kay sylar o kay peter petrelli. kahit na frustated cheerleader/ballerina, masaya pa rin siyang napapaindak sa mga kanta ni lily allen.

    malamang hindi mo pa rin siya kilala.











    "save the cheerleader, save the world. be the one we need!"
    ~ hiro nakamura




    --peso--

    20070701

    opining blues

    june 10 ko 'to huling pinublish, inupdate. after ten days from now, isang buwan na akong hungkag. but i won't.

    **************************************************

    rico (na)blanco


    confirmed na ba? na wala na si rico sa rivermaya? hmm, hindi na kasi ako fan ng rivermaya simula nung magrelease sila nung soundtrack sa spirits - you'll be safe here. tapos, ginatungan pa 'yun nung pagrerelease nila nung "you'll be safe here EP collection" na sa tingin ko e malinaw na pag-aaksaya ng pera sa kabila ng pagiing collection nito. apat na versions kasi nito ang nakita kosa mga records bars - each cover containing the words "you'll", "be", "safe", at "here". kung kokolektahin mo 'to, aksaya 'di ba?! tapos nagrelease naman sila ng "greatest hits rivermaya" na mas malinaw na pag-aaksaya ng pera. kumbaga sa beatles, disbanded na pero binubuhay pa rin sila john at george kakarelease nung mga "remastered versions". SEMS!

    tapos lately, nag-release sila ng album na kung hindi kikilatising mabuti ng mga tagapakinig, hindi nila malalaman na ang album na 'yun eh naglalaman ng mga kantang ibinayad nila sa mga "idols" nila. yes, all but one in that album are revived from underground ancient OPM bands. (na kung tutuusin pa, eh halatang 'yung album na 'yun ng rivermaya ang pinaggayahan nung We Stand Alone Together ng bamboo.)

    tapos 'yun nga, hindi magdidisband ang RM, pero aalis si rico. nandoong magsosolo daw, gagawa daw ng sariling banda, mag-aartista, etc. etc.

    kung magsosolo siya, mangyayari para siyang si sting na umalis sa the police. ok din, pero h'wag sana siyang makipag-partnership nang tuluyan kay luke mejares habang kumakanta ng 214.

    RM: Am i real? (214?)
    luke mejares: Am i fuck? (214?)

    kung gagawa naman si rico ng bagong banda, ok din pero magmumukga siyang barbie almalbis o kitchie nadal bukod sa hindi siya babae. tulad nung dalawang musikerang nabanggit, iniwan nila ang barbie's cradle at mojofly (respectively) tapos gumawa sila ng bandang nakapangalan sa sarili nila - barbie almalbis, kitchie nadal. pero kapag natuturan 'yung dalawang 'yun, hindi ibig sabihin e solo si barbie, solo si kitchie. may sessionists pa rin sila, which means, iniwan nila 'yung dati nilang MAS magagaling ng banda para bumuo ng future career sa ibang banda. sossy!

    kaya kung magsosolo si rico, malamang makakita ka ng albums later on sa record bars na may artist name na "rico blanco". pero h'wag ka - may sessionists din siya diyan. tsaka kung gagawa siya ng sariling banda, magandang bandname - Rico Banda o kaya Rico Mambo.

    sa huli, 'yung pinaka-gumimbal sa kaisipan ko - 'yung mag-aartista daw si rico, ewan. ok lang sa akin, kung sa mga indie films siya gaganap tulad nung pagganap niya sa "nasaan si francis?". pero kung mag-aartista siya tulad ng mga starstruck avengers o kaya e ni mark lapid, naku h'wag na! tapos sasabak siya sa mga telenovelas? putcha! SEMS! kapag nangyari 'yun, naku, baka makabilang na siya sa line-up ng mga artista sa SOP/ASAP na umeepal sa mga kumakantang banda. tapos, sasali na rin siya sa "Sabado boys", 'yung palabas nila jimmy bondoc, paolo santos, mike chan, top suzara, etc sa RPN9 tuwing biyernes.

    sabado boys - RPN9 - biyernes. SABADO. BIYERNES. LOLS!

    **************************************************

    votation

    ang ganda na ng eleksiyon sa pinas. madumi. magulo. patayan. nakakatakot. ang mag kandidato, nangangampanya pa lang dinadaya na daw. samantalang, ang mga proyekto nila (na mostly e road construction/beautification - kahit hindi sira 'yung kalye/highway.), sinisimulan lang kapag oras na ng pangangampanya, at tatapusin lang KAPAG nanalo sila. sabi nga nung prof ko, sa pilipinas lang daw merong senado na may tatlong pares ng magkakamag-anak: magkapatid (pia at alan peter cayetano); mag-ina (loi at jinggoy estapador, este, estrada); at kung sakali daw, mag-ama (nene at koko pimentel)

    trillanes - sendaor na si idol. yep yep yep, idol ko siya nung 3rd year HS ako, idol as in, WOW! iniimitate nga naming magkakaklase 'yung magdalo rebel group eh. tapos may grupo ako ng kaklase na nagtayo din ng "magdiwang" bilang counter attack. pero hanggang dun lang 'yun. sa totoo, isang maling katapangan para sa isang sundalo ang mag-aklas laban sa gobyerno dahil hindi na sila nahiya sa mga inosenteng pilipino. kaya kung bumoto ako nung eleksyon, idol ko siya pero hindi ko siya iboboto. do your BEST part, and GOD will help this country live. pero kungtutuusin, paano nga ba tutulungan ng diyos ang pinas kung TAO na ang mas gustong sumira dito? gayunpaman, tignan naitn ang magagwa niya.

    pimentel - nung bago mag-eleksyon, boto ako dio e. noon 'yun. tahimik lang kasi e. cute pa ng name niya - "koko". tapos si angel locsin pa 'yung endorser nia, na ang suot nung time na 'yun eh white sleeveless something. yummy! :p pero after nung election, nung last slot na lang nag natitira at nagbabangayan sila ni zubiri, ayoko na! dami niyang sinasabi e. wala pa man, andun na. 'yun lang. bitin no?!

    zubiri - isa lang nag masasabi ko - ang ganda ng asawa niya! =D mayaman kasi eh...

    pichay - eto promise, kung makakaboto ako, isa 'to sa iilan kong iboboto. pinagtatawanan siya ng karamihan. augustus mori daw. banlag. laki ng tiyan. mama. e ano? meron akong nasesense sa kanya na "kabuluhan" ba, na wala si alan peter cayetano. nung one time ngang iniinterview siya sa isang AM station tungkol sa pag-concede niya, sabi niya na tinatanngap na niya daw 'yun nang maluwag, at sana e gawin na lang daw nung mga nasa posisiyon 'yunbg parte nila sa bansa. sabi niya, kahit naman daw hindi ka senador, kung makakatulong ka talaga, at kung gugustuhin mo talagang makatulong, bakit hindi? at 'yung pagconcede niya na 'yun - doon ako naniwala sa kanya na siguro, kahit papaano, may katotohanan sa sinasabi niya namatutupad ang pangarap mo. (siguro? kahit papaano?). ikumpara mo naman ang inasal nung natalong si pichay kay nanalong cayetano - above top 10 na siya, and yet gusto pang kasuhan 'yung kulelat na joselito cayetano.



    we'll see in the end who's worth to be seen...

    **************************************************


    ONL: Oras Ng Lumbay

    analogy - fill in the missing detail: Rivermaya: Rico Blanco :: Orange & Lemons:________

    a) clemen castro
    b) si clem
    c) ONL lead guitarist
    d) that one with the british and voice and looks like ely buendia

    well, kasabay ng unti-unti kong pag-ayaw sa OPM scene dahil sa magkasunod na pagdisband ng boldstar at nARDA, gayundin naman na tuloy-tuloy ang pag-alis ng mga musikero sa kani-kanilang banda. noong unang panahon, umalis si ely sa eraserheads. pero noong mas nauna pa, umalis si paul sa beatles kaya nadisband na 'to. kelan lang, si rico blanco, wala na sa rivermaya. kahapon, ibinalita sa akin nung mga kaklase ko na wala na daw si clem castro, lead guitarist ng ONL. sabi nila, 'yung moonlane gardens na daw 'yung last album niya with the band. sa loob-loob ko, after long years, lalo na nila ni mcoy? the hell and the fuck?!

    sabi, kusa na daw umalis si clem, dahil ang ugat daw e ivinote-out siya nung tatlo (mcoy, ace and jm). may mga instances daw na nitong mga huling presscons nila, hindi daw pinapansin nung tatlo si clem. sabi ni kuya, nun daw ininterview ang ONL sa isang radio station, wala daw si clem. sabi, ang kasalukuyan daw tumutugtog ng lead guitars para sa banda e isang sessionist player nila. pero kung ano man, hindi ko alam ang ugat ng pinag-awayan nila, at wala pa yatang nakakaalam bukod sa kani-kanila. pero lumalabas na pinag-kaisahan siya.

    ang massabi ko lang, kung mawawala si clem sa ONL, hindi na magiging kasingganda at kasinggaling ng dati ang ONL ngayon. pangit na. bago pa man kila ace at jm, si mcoy at clem na talga ang bumuhay sa ONL, kaya nakakapraning talaga isipin na si mcoy pa ang tatalikod kay clem (or whichever applies to).

    sa ngayon, nakikita ko ang ONL bilang isang pulitiko - teofisto guingona - tumatanda, pero paurong. kung hindi nila maaayos ang gulong ginawa nila, mag-s-stick ako sa sariling paniniwala na isa lang ang naging album ng ONL, at iyon e 'yung 1st album - LITLORSADIC. para sa akin, si clem ang melody ng banda. hindi si mcoy na bokalista ang gumagawa ng buhay. dahil sa likod ng kanta, mas mahalaga ang tunog kesa kanta.

    kung aalis si clem, MALAKING kawalan siya sa ONL. pero i'll do hope he'll have a better career...with rico blanco? perhaps! hehehe...goodluck to both of them. (well let's try to predict - a bassist and a drummer of two other bands will soon be leaving their current groups, would join with clem and rico to form an all-star band. that would be great.)


    **************************************************

    mona lisa

    umuwi, pagod.
    eskwela, pagod.
    haba biyahe, traffic.
    nanggigitata, terrific.
    pag-uwi, may tae.
    naapakan, ang peste.
    pesteng aso, alaga ng kapitbahay.
    pumasok, nadumihan ang bahay.
    naglinis, nahilo.
    paikot-ikot, ang gulo.
    alas-nuebe, naghain.
    walang gana, kumakain.
    heroes, manonood.
    pero, pagod na pagod.
    dala ng inis, nagyaya.
    maglibot, kasama si taba.
    ayaw niya, magsisimba.
    sige na lang, inaway pa.
    umakyat, matutulog.
    heroes daw, pero sabog.
    nagdiscman, nagsenti.
    nat king cole, brain empty.
    mona lisa, mona lisa.
    battery ubos na.
    inaantok, umiisip.
    gumigising, panaginip.
    pumapatak, lumalakas.
    bumabaha, umaangkas.
    napipikit, naiidlip.
    tapos na'ng araw, sumisilip.
    tumutlo, pati ulan.
    nababasa, pati unan.




    peso070107
    **************************************************






    --peso--