20070606

corporate attire



"mas masarap pang maggitara...mas masarap magpahinga!"
~ cambio, corporate attire


simula na ng pasukan, pukpukan sa pag-aaral at gaguhan!!! since trimestral ang skul kong FEU-EAC (fastest-earning university - ), nagsimula na ang muling nakasasawang pasukan ko nung lunes pa. at dahil sa isked ng bawat estudyante sa skul ko na talaga namang hindi ka bibigyan ng ibang espasyo sa buhay mo para gawin ang mga gusto mo pang gawin dahil diretso tulog lang ang pahinga, hindi ako makapag-update ng blog o makapag-upload ng deviations o download ng mp3 man lang. kung makapag-blog man, nagmumukha pang nanggagala-ET ang tono ko. suplado!


hindi ko na babanggitin ang sked ko dahil baka i-stalk mo ko. basta 4 days a week pasok ko, wala na ako sa bahay ng 5:30 ng umaga, at makakabalik ako sa bahay ng 7:00 ng gabi.


monday, bago mag-uwian, usap-usapan na sa wednesday daw e kailangang naka-corporate attire ang lahat ng EAC studs, 3rd and 4th year. naglibot ako sa iba't ibang panig ng floor ng building namin, confirmed - every wednesday - corporate attire! at sabi ng karamihan sa mga napagtanungan kong panay mga serious kasusap, ito daw e para paghandaan ang nalalapit naming future-oriented years two years from now. para daw ngayon pa lang 3rd year masanay na kaming naka neck-tie, long sleeves, at tuck-in (fuck-in). at the same time, para masanay na daw kaming pagtawanan ng mga college freshmen na wala pang muwang sa professional ethics kaya akala mo mga high school posers pa rin kung umasta.


may mga ilan akong kakilala na naklokornihan dun sa bagong memo. andiyang jajabarin daw sila pagpasok. merong sa school na lang daw magbibihis at papasok mung naka-uniform. merong mga ireg na laking passalamat at hindi sila kumuha ng wednesday skeds. ako, hindi ko pa napagdedesisyunan kung saan ako lalagay. sabi nga ng kaklase ko, "tae! sems!!!"


anyway, i still have long days to run. pahinga ko ngayong linggo, INDIEpendence day celebration bukas, wala akong pasok ng tuesday. isa pa, mas mahalagang pagtuunan ng pansin sa ngayon ang paggawa ng assignments, pagpapakadalubhasa sa html, dreamweaver at PHP, at ang pangongolekta ng japanese models pictures.



i just kept the diary open still.







dance dance
photograph by gerard martinez
© 2006







--peso--