20070531
deviant
whew...it's been a long vacation. pasukan na naman, at sa lunes na ako magsisimula bilang 3rd year.
anyway, just dropped by, here. kagagaling ko lang sa probinsiya, twice, one before the election, and the another one after. ayoko na lang magkwento. nakakatamad!!!
gayunpaman, i want you to check (one by one) the photographs i've taken during my provincial stay. and not the ordinary photos i'd been posting then in photobucket. these photos found in www.deviantart.com are those i considered "artworks" of mine.
i want you to check them out, may you be a regular visitor or a passer-by to my blog. it's on my deviant page ---> www.mimitaba.deviantart.com i had also included it in the links section on the right side of this blog.
please leave a cooment or anything you want to say. or should i say, visiting and commenting is a MUST? :p
anyway that's it. i just want to find a new mean of expressing my deep insides.
bye...byebye!
p.s.
i noticed that i had somewhat earned a callcenter skill. bakit napapadalas ang ingles ko??? :p
--peso--
20070514
votation
(part 1)
magandang umaga pilipinas!
ngayon ay lunes, 14th of may 2007, election day! maya-maya lang pupunta na sila (parents + kuya) ng presinto para bumoto. sila lang dahil kahit 18 na ako't buo na (dapat) ang karapatan at paninindigan, hindi pa kasi ako registered voter. naalala ko lang na hindi pa nga pala ako registered nung december 31 na sa pagkakaalam ko e last day na ng registration. at the same time, nasa probinsiya pa ako nun.
election. halalan. boBOtohan. votation.
hindi ko malilimutan ang salitang "votation" na madalas ipakahulugang kapareho lang ng "election". nung 1st year college ako, 1st term, sabi ng ENGCOM1 (english communications 1) prof ko sa kalagitnaan ng mainit na discussion na napupunta na sa kung saan-saan, "there is no such word as (nagpunta ng whiteboard, sabay sulat ng) VO-TA-TION!!". dahil magaling talaga siyang magturo base na rin sa nakuha niyang masters degree at base na rin sa karanasan sa pagtuturo sa iba't ibang bansa, talagang naniniwala kami sa mga sinasabi niya.
pero nung pagtuntong ko ng 1st year 3rd term, sa gitna ng pagtatalo kung anong activity ang balak gawin sa MODCOM1 (modern communications 1) sa araw na yun, biglang sinabi nung prof ko (na iba kesa sa naunang english prof) "OK, let's just make a VOTATION!!". nakakatuwa dahil pareho silang engliush prof sa iisang college (magkasing-edad pa!), pero magkaiba sila ng paniniwala sa salitang saklaw dapat ng kaalaman nila. hindi ko talaga malilimutan ang votation. forget "voting".
gayunpaman, kung nag-e-exist man ang salitang "votation", 'yun e nasa paniniwala na nung dalawa kong prof, gayundin ng mga taong nakarinig nito. at kung ano man ang meron sa halalan o eleksyon ngayon, kung para saan ba ito o kung ano nga ba ito, e nakabase na rin sa magkakaibang paniniwala ng mga botante, kandidato, comelec staff, guro, at gayundin sa mga under voting age na pilipinong may sapat naman nang talino at paniniwala sa kung sino ang dapat iboto.
sa iba, ang may 14, 2007 votation ay isang simpleng proseso para malaman kung sino ang susunod na labindalawang kandidato na uupo sa last 12 position ng pagka-senador. para sa iba, isa itong pagkakakitaan dahil maraming pulitiko ang namimigay ng pera ek ek. sa iba, wala lang 'to - aksaya ng panahon kaya hindi na sila nagreregister man lang at tuluyan na nilang ipinagwawalang-bahala ang karapatan at paninindigan nila. pero para sa iba, isa itong "act of nationalism". dahil pilipino ka, kalakip mo ang isang karapatan sa pagboto - pagpili sa kandidatong sa tingin mo e makapaglilingkod sa bayan nang tapat at walang halong kaplastikan - sa ganitong paraan, naniniwala kang tinutulungan mo ang pilipinas. kaya't para sa iba at para sa akin, tulad ng edukasyon, hindi dapat ipagwalang-bahala ang karapatang 'to. 'yun nga lang, hindi pa ako registered! :p
ano pa bang ikukwento ko tungkol sa eleksyon at pangangampanya? wala na siguro. alam mo na lahat ng kwento - mula kay bob ong hanggang sa mga media documentaries - lahat 'yun nagpapakita ng mga tumpak at maling pananaw ukol sa nabanggit na paksa. hindi ko na pahahabain.
Sat May 1, 2004 4:43 am
"Posibleng ang 'Vote Wisely' ko ay hindi 'Vote Wisely' mo. Walang tamang kandidato. At lalong walang perpektong kandidato. Meron lang tamang dahilan sa pagpili ng kandidato. 'Yun, sa tingin ko, ang matalinong pagboto."
~ bob ong, http://groups.yahoo.com/group/bobongpinoy
**********************************
(part 2)
dati ko pa 'to balak ikuwento, pero sinadya kong ngayong araw mismo ng eleksyon na lang para dramatic. nung isang araw ng almusal, nagkakainitan kaming buong pamilya sa discussion tungkol sa nalalapit nga na senatorial elections. sa sobrang sarap ng usapan, kulang na lang magtayo kami ng discussion show sa isang tv station.
natuwa ako sa sinabi ni tatay na kapag siya daw ang masusunod sa paggawa ng batas para sa mga opisyal ng gobyerno, ang gagawin niya para malaman mo kung SINO talaga sa mga kandidato/nakaupo ang TUNAY na maglilingkod o naglilingkod sa bayan: tanggalan ng sweldo ang mga politiko.
simple lang. siguradong maraming aatras. maraming magrereklamo dahil "wala kaming sweldo?!!!". pero sabi ni tatay, ang makikita mo lagi sa mga senatorial o presidential ads e 'yung mensahe nilang "maglilingkod para sa bayan", "handang tumulong...", "para sa masa", "matutupad ang pangarap mo...". at kung tutuusin, lahat dapat ito handa mong gawing libre kung handa ka talagang manilbihan sa bayan. sa ganitong paraan, mas madaling maituturo kung sino ang mga nagungurakot. malalaman ng bayan kung sino ang DAPAT talagang manilbihan, sa kabila ng kaisipang wala siyang makukuhang sentimo mula dito.
nagagandahan ako dito kahit na mukhang imposible sa panahon natin. maraming aayaw dito, at 'yun ang gusto kong makita. salain na kung sino ba talaga. tignan natin kung may tatakbo pa!
sabi ni nanay, paano daw 'yung mga projects na gagawin? saan daw kukuha ng pondo? sa buwis. nagbabayad tayo ng buwis para mgamit ng gobyerno sa mga proyektong nakalaan para sa bansa. iba ang pondo sa sweldo. kung tutuusin, sa buwis din yata kinukuha ang sweldo. at kung tatanggalin na ang sweldo ng mga pulitiko, mas malaking pera ang mailalaan para sa mga proyekto.
ang masaklap kasi, nagbabayad ang tao ng buwis, kukunin dito ang sweldo ng pulitiko, tapos sa huli makukurakot pa 'yung natirang perang pamproyekto. bunga nito ang lubak-lubak na daan, sirang mga tulay, kulang-kulang na libro't upuan sa paaralan, kulang-kulang na ospital sa bansa. sa kabuuan - sirang pangarap at maduming pilipinas. lahat ng ito ay sa mga pulitiko nagmula, na binoto ng mamamayan. mahirap nang masolusyunan.
ang ideyang "huwag suwelduhan" ay pawang kathang-isip lamang, katuwaan kung tutuusin, pero seryoso ang laman. gusto lang ihatid ng kaisipan na 'to ang katotohanang hindi dapat nilalagyan ng kaukulang presyo ang paglilingkod ng mga pulitiko sa bayan, dahil sa huli, mga apo din nila ang makikinabang sa kaunlarang sinisimulan nila.
magandang umaga pilipinas! isalba niyo ang bansa gamit ang boto niyo!
--peso--
magandang umaga pilipinas!
ngayon ay lunes, 14th of may 2007, election day! maya-maya lang pupunta na sila (parents + kuya) ng presinto para bumoto. sila lang dahil kahit 18 na ako't buo na (dapat) ang karapatan at paninindigan, hindi pa kasi ako registered voter. naalala ko lang na hindi pa nga pala ako registered nung december 31 na sa pagkakaalam ko e last day na ng registration. at the same time, nasa probinsiya pa ako nun.
election. halalan. boBOtohan. votation.
hindi ko malilimutan ang salitang "votation" na madalas ipakahulugang kapareho lang ng "election". nung 1st year college ako, 1st term, sabi ng ENGCOM1 (english communications 1) prof ko sa kalagitnaan ng mainit na discussion na napupunta na sa kung saan-saan, "there is no such word as (nagpunta ng whiteboard, sabay sulat ng) VO-TA-TION!!". dahil magaling talaga siyang magturo base na rin sa nakuha niyang masters degree at base na rin sa karanasan sa pagtuturo sa iba't ibang bansa, talagang naniniwala kami sa mga sinasabi niya.
pero nung pagtuntong ko ng 1st year 3rd term, sa gitna ng pagtatalo kung anong activity ang balak gawin sa MODCOM1 (modern communications 1) sa araw na yun, biglang sinabi nung prof ko (na iba kesa sa naunang english prof) "OK, let's just make a VOTATION!!". nakakatuwa dahil pareho silang engliush prof sa iisang college (magkasing-edad pa!), pero magkaiba sila ng paniniwala sa salitang saklaw dapat ng kaalaman nila. hindi ko talaga malilimutan ang votation. forget "voting".
gayunpaman, kung nag-e-exist man ang salitang "votation", 'yun e nasa paniniwala na nung dalawa kong prof, gayundin ng mga taong nakarinig nito. at kung ano man ang meron sa halalan o eleksyon ngayon, kung para saan ba ito o kung ano nga ba ito, e nakabase na rin sa magkakaibang paniniwala ng mga botante, kandidato, comelec staff, guro, at gayundin sa mga under voting age na pilipinong may sapat naman nang talino at paniniwala sa kung sino ang dapat iboto.
sa iba, ang may 14, 2007 votation ay isang simpleng proseso para malaman kung sino ang susunod na labindalawang kandidato na uupo sa last 12 position ng pagka-senador. para sa iba, isa itong pagkakakitaan dahil maraming pulitiko ang namimigay ng pera ek ek. sa iba, wala lang 'to - aksaya ng panahon kaya hindi na sila nagreregister man lang at tuluyan na nilang ipinagwawalang-bahala ang karapatan at paninindigan nila. pero para sa iba, isa itong "act of nationalism". dahil pilipino ka, kalakip mo ang isang karapatan sa pagboto - pagpili sa kandidatong sa tingin mo e makapaglilingkod sa bayan nang tapat at walang halong kaplastikan - sa ganitong paraan, naniniwala kang tinutulungan mo ang pilipinas. kaya't para sa iba at para sa akin, tulad ng edukasyon, hindi dapat ipagwalang-bahala ang karapatang 'to. 'yun nga lang, hindi pa ako registered! :p
ano pa bang ikukwento ko tungkol sa eleksyon at pangangampanya? wala na siguro. alam mo na lahat ng kwento - mula kay bob ong hanggang sa mga media documentaries - lahat 'yun nagpapakita ng mga tumpak at maling pananaw ukol sa nabanggit na paksa. hindi ko na pahahabain.
Sat May 1, 2004 4:43 am
"Posibleng ang 'Vote Wisely' ko ay hindi 'Vote Wisely' mo. Walang tamang kandidato. At lalong walang perpektong kandidato. Meron lang tamang dahilan sa pagpili ng kandidato. 'Yun, sa tingin ko, ang matalinong pagboto."
~ bob ong, http://groups.yahoo.com/group/bobongpinoy
**********************************
(part 2)
dati ko pa 'to balak ikuwento, pero sinadya kong ngayong araw mismo ng eleksyon na lang para dramatic. nung isang araw ng almusal, nagkakainitan kaming buong pamilya sa discussion tungkol sa nalalapit nga na senatorial elections. sa sobrang sarap ng usapan, kulang na lang magtayo kami ng discussion show sa isang tv station.
natuwa ako sa sinabi ni tatay na kapag siya daw ang masusunod sa paggawa ng batas para sa mga opisyal ng gobyerno, ang gagawin niya para malaman mo kung SINO talaga sa mga kandidato/nakaupo ang TUNAY na maglilingkod o naglilingkod sa bayan: tanggalan ng sweldo ang mga politiko.
simple lang. siguradong maraming aatras. maraming magrereklamo dahil "wala kaming sweldo?!!!". pero sabi ni tatay, ang makikita mo lagi sa mga senatorial o presidential ads e 'yung mensahe nilang "maglilingkod para sa bayan", "handang tumulong...", "para sa masa", "matutupad ang pangarap mo...". at kung tutuusin, lahat dapat ito handa mong gawing libre kung handa ka talagang manilbihan sa bayan. sa ganitong paraan, mas madaling maituturo kung sino ang mga nagungurakot. malalaman ng bayan kung sino ang DAPAT talagang manilbihan, sa kabila ng kaisipang wala siyang makukuhang sentimo mula dito.
nagagandahan ako dito kahit na mukhang imposible sa panahon natin. maraming aayaw dito, at 'yun ang gusto kong makita. salain na kung sino ba talaga. tignan natin kung may tatakbo pa!
sabi ni nanay, paano daw 'yung mga projects na gagawin? saan daw kukuha ng pondo? sa buwis. nagbabayad tayo ng buwis para mgamit ng gobyerno sa mga proyektong nakalaan para sa bansa. iba ang pondo sa sweldo. kung tutuusin, sa buwis din yata kinukuha ang sweldo. at kung tatanggalin na ang sweldo ng mga pulitiko, mas malaking pera ang mailalaan para sa mga proyekto.
ang masaklap kasi, nagbabayad ang tao ng buwis, kukunin dito ang sweldo ng pulitiko, tapos sa huli makukurakot pa 'yung natirang perang pamproyekto. bunga nito ang lubak-lubak na daan, sirang mga tulay, kulang-kulang na libro't upuan sa paaralan, kulang-kulang na ospital sa bansa. sa kabuuan - sirang pangarap at maduming pilipinas. lahat ng ito ay sa mga pulitiko nagmula, na binoto ng mamamayan. mahirap nang masolusyunan.
ang ideyang "huwag suwelduhan" ay pawang kathang-isip lamang, katuwaan kung tutuusin, pero seryoso ang laman. gusto lang ihatid ng kaisipan na 'to ang katotohanang hindi dapat nilalagyan ng kaukulang presyo ang paglilingkod ng mga pulitiko sa bayan, dahil sa huli, mga apo din nila ang makikinabang sa kaunlarang sinisimulan nila.
magandang umaga pilipinas! isalba niyo ang bansa gamit ang boto niyo!
--peso--
20070512
this band disband 2: nARDAmageddon
Fri Mar 2, 2007 10:38 am
Hello everyone!
Its been a good five years since K2 and I started the band with JV, Wincy, and Ed. And through those years, other people have shared their talent and love with us. People like Nico Af, Jing, Naz, Jep and all the rest have been part of the Narda family.
But all good things must pass.
So we invite you all to Narda's last gig on April 12 at Saguijo.
We will also launch the "Gasolina" music video as our token to everyone who have supported our music and passion for the past half decade.
Thank you and we hope to see you on our last flight.
- Ryan of Narda
Fri Mar 2, 2007 10:42 am
haaay, sad. wala na po bang pag-asa?
alanpaul
Fri Mar 2, 2007 10:52 am
ha? magdidisband na kayo? sayang naman ang panahon at musikang nagawa at nai-contribute nyo. pati sa naniniwala at sumusuporta sa musika ninyo.
nakakahinayang.......
murky
Fri Mar 2, 2007 7:10 pm
ANAK NG POTAH hindi pwede to!!! Bakit kayo pa, andami namang ibang pwede magdisband, IMPORTANTE kayo eh, iba kayo! Well I guess its true that all good things must pass, but for it to happen this soon aint just right,but we respect your decision, it's time to move on.Salamat sa musika ng Narda, salamat.
Itutuloy namin ang misyon!!!
Fri Mar 2, 2007 9:52 pm
this can't be! hhuuuuwwwwaaaaaaayyyy! before the end of the first quarter 2007 we are to witness a tragic moment in original pilipino music, the disbandment of one of the best indie band of the country narda. sana amidst sa formal announcement ng break-up e makapag-release po sila ng isang maayos na statement kung bakit kelangan maghiwalay ng grupo; hindi katulad ng ibang banda dyan (*wink*wink*).
sabi nga nila: "good things don't last long" pero five long years din natin sila nakasama....
good luck na lang po sa lahat...
Sun Mar 4, 2007 7:08 pm
Why we have to move on...
Hi, everyone!
It's good to hear that everyone has been concerned with our "sudden" disbandment. It's actually not too sudden for us. We had it coming.
To be honest, the band has been trying to stay afloat for the past 6 months. I, personally, have been carrying emotional baggage from the departure of all the narda members who withdrew from the fight through the years. I'm sure, K2 feels much the same. With everynew member that came in, I had to teach him all the songs. Aside from this, wehad to jamas a band as well. Just imagine how many times I taught "Molotov" to sessionists and aspiring keyboardists and drummers for the past two years... probably more than 30 times.
Then we had all these questions going through our minds: "Why can't we move on? Whycouldn't we gain momentum? Why aren't we getting the right breaks?" The questions just kept on weighing us down.
But it's good that you guys have been part of this egroup. All your words of encouragement have helped us a lot. Though I may not have been the most active lister, Ihave read all your messages and have managed this egroup since the beginning. You guys have helped us cope with all the stress and saw us through by pointing out what wasgood about our music. For this, I'd like to thank everyone.
And of course after all the frustrations, we've grown tired. We're tired of having to find manpower for the band. We're tired of the bad breaks we've had. We're tired of bearing the name of a household pop song, whose reputation precedes us. we just wanted to endthings before we tire ourselves from each other.
The Chinese say this is a good year to try something new. Who knows, by doing this we might be really trying something new?
So I advise everyone in this egroup to fully support any artist while they are still active in the circuit. Go to their gigs, write to them, interact with them, buy their cds, have them sign stuff, spread the love to your friends, share the music, invite them toplay for your school, all the good shit you can give them...just do it...while they're still there.
Thanks for the support and I hope you guys will continue to support us in whatever projects we might go into in the future.
Again, thanks!
- rYAN oF nARDA
Mon Mar 5, 2007 1:32 pm
>>>wow...five years has been quite a long time...pero what i still don't get eh bakit minamalas na lang palagi ang narda? the many lineup changes last year has been asign that the band is really struggling. grabe 9 total members na ang narda, plus think of allthe sessionists who played for them. when wincy left that was it. that marked the start ofte long collapse of the band. tapos, sadly, wala ding masyadong nangyari sa formika album, and then things were going up with discotillion, tapos hindi rin sumikat ang mga songs. and of course, ung lecheng kamikaze na yan. ruined it all. ang panget naman ng kantang yun. i think that song was what killed nardabanda. ang natira na lang sa kanila aysi k2 at rYan. what made the others stop fighting for the music? careers are never an excuse. and now this happens. ryan and k2 probably the last survivors of the great fightare putting up the white flag na rin.
what the fuck happened to the album? bakit underplayed and under rated na naman eto? discotillion never even made it to the major labels! bakit sinusundan ng malas ang narda,who ironically has a song called suwerte? what jason caballa once said about the band is now moot, pointless. because narda will never have a chance to fly that high again now that they are gone.
>>>it's all too sudden guys. i've been a fan since i was in high school pa. peace to all of you from VA,canada.this is the saddest day in indie music history. ryan, keep fighting. thisis your band, this your blood, sweat and tears. keep fighting. never give up
Tue Mar 6, 2007 1:00 am
I'd like to echo some (actually, isa lang pala) of your sentiment shere, dude, pero di lahat.
Prioritizing a career is always a valid excuse over pagbabanda-banda, lalo na kung yung banda mo e di yung main source of livelihood mo.
As for the song: I was out of the country during the period when Kamikazee was becoming the next Parokya in popularity. Na-realize ko na lang yung kasikatan nila when I was searching YouTube for fan or official videos ng Narda, tapos nagulat ako at kung ilang pages ang lumabas sa search: puro personal videos ng kung sinuman singing to the Kamikazee song. I didn't play the videos, I was never a fan of Kamikazee, and I don't think I was in the mood to start now (or, err,ever). How can I evangelize Narda music as a fan when I always had to explain to people that I was talking about the band, not the song, di ba?
My two sentimos lang.
-rain
Tue Mar 6, 2007 10:30 am
kung nabigyan ng right breaks sila ryan at katwo, they need not work in a normald ay job anymmore, di ba? villena is one of the country's terribly underrtaed songwriters. he belongs there with buendia, blanco and cyabyab. but sadly the overloooked talented people in the industry right now have to work in jobs they really don't like just to livehand-to-mouth and support their love for music. wala lang, nalulungkot lang ako. howthe mighty have fallen.
Wed Mar 7, 2007 12:06 am
Sad news indeed. I've been following Narda from its humble beginnings, and have known a number of its members, whether personally... or at least by name and face: Wincy and Nico were my batch mates in HS and (along with Katwo) college too... You Ryan, teach in the place where I've spent some of my best years... I've seen and heard the band long before Formika and Discotillion. Nung EP days palang, I've already caught a whiff of Narda... I even have friends that have the entire Narda EP collection actually =p
I guess it's fitting to quote once more a line by Jason Caballa, that I've used in both my reviews of your albums: "Why Narda isn't bigger than what they already are really baffles me." Maybe you guys could say that you're like the Alfred Hitchcock or Martin Scorsese of the pinoy music scene... like those directors who only have one Oscar between them, you guys have enormous street-cred: The people... the fans... we love you guys, but I agree that you seemingly haven't had the breaks that you deserve... and again, that baffles me to no end. Narda, a band that has released two of the best albums of the past several years...
But at the end of it all, what matters most is how you guys feel about the band. If it isn't fun anymore... if it feels forced already... if it becomes less and less about the joy of music with each passing moment... then I respect your decision to call it a day. Maybe it's just time to take a breather. If you guys were meant to make music... if it's your passion and it's what drives you... I guess you guys will be itching to take the stage again sometime.
For now, I'll hold on to what music of yours I have and enjoy it. If in the future, fate dictates that you guys play again (maybe by that time, NOT under the name of a household pop song) - then that will be a day to look forward to. Cheers!
Wed Mar 7, 2007 7:46 am
This is a touching tribute to the band. I totally agree with you on this point: "If it isn't fun anymore... if it feels forced already... if it becomes less and less about the joy of music with each passing moment... then I respect your decision to call it a day. Maybe it's just time to take a breather. If you guys were meant to make music... if it's your passion and it's what drives you... I guess you guys will be itching to take the stage again sometime."
I'm pretty sure the "itch to take the stage" will catch up with them :)
But Ryan, Tani, and Katwo still have other projects (like Katwo's new band called Duster, and Ryan's new boys-only band (with Conrad and Jason). So watch out for those, too. I've only seen Kat's band, though--she's with Mylene (of sandwich), Kris (of cambio), and Ristal (stonefree manager), with Raimund Marasigan and Lourd (de Veyra ba 'to, kat?) as songwriters. They're pretty good, you guys should watch them live. As for Ryan's boy band (hehehe), I have yet to see them play, but the excited-ness Conrad and Ryan exude every time they see each other makes me anticipate their debut ith much excitement too. That's all I can say about that, I didn't ask permission to divulge information about it hehe. There's still Romeo Lee and the Brown Briefs, which Ryan still plays drums for (catch them at Lee's Night at Mag:Net Katipunan).
Just plugging them to let you all know that their music hasn't "died", so to speak. I think it's fitting to say that they're moving on to greater things. That's not so bad after all, isn't it?
Camyl M. Besinga
6760 Ayala Avenue 1226 Makati City Philippines
Tel (632) 8910307 loc. 8891 or 7766
Thu Mar 8, 2007 5:28 pm
when i first read the news that this was going to happen, i was in shock and in some way, in denial that they were to do so. after reading this, at least we were able to understand their sentiments and why they chose to do so. it's just really sad to hear an end to people who make such great music.
i first caught this band a couple of months ago at saguijo...i think it was the first gig that they went to when katwo shaved her head:).hearing and watching them reminded me of how much great talent there is in the filipino music scene. it's just a shame that i only caught them lately. although i am grateful that i got the chance to catch a couple more of their gigs and also purchase a copy of their album...which yes, luckily turned me into a fan. they made great musicthat i felt was something different and original. with katwo's unique and beautiful tone...the fusion of the different sounds particularly the synths simply made their music stand out...and it simply saddens that they were underrated...simply great talent that wasn't given due recognition. nevertheless i have great respect for this band...and ihope that their music may be remembered through the fans that have supported them all throughout.
to NARDA: thank you for making great music...it's been a pleasure seeing you guys perform and hearing you play. just so you know...the discotillion album (which i was able to buy lately...yey!) is in itself great...but it simply doesn't give justice to hearing you guys live. you guys are really good...and it's sad that the things are coming to and end. nevertheless, i hope you know that there are people who love your music and have great respect for you. thanks for making great music...much love and respect...:)
-mica:)
Sun Mar 18, 2007 2:44 pm
i believe that no amount of bad luck and bad breaks can bring a good songwriter down... saludo ako sa galing ni boss ryan sa paggawa ng kanta...
i suggest that you move on by carrying a new band name... with katwo, tani and chucky with you...
i still want to hear the tunes and melodies that are still wandering in your mind...
get a good manager, i dont know if you ever had one during your narda stint... someone na may kakayahan para ma ishare sa mas malawak na audience ang music nyo...
re record the unknown but good narda songs... special mention to myfavorite narda song swerte... i truly believe that it has all the characteristics of being a hit...
get an album producer na makakatulong talaga sa banda... i previously hoped na si raymund marasigan mag produce ngdiscotillion... kasi successful yung mga previous projects na prinoduce nya... dramachine of sugarfree and noontime show of itchymworms to name a few... hindi naman sa hindi nakatulong yung drummer ng sandwich sa pag produce, but i think mas maganda kung katulad ni raymund ang producer...
hindi ko na napapansin na nagpopost si mam katwo...
may iba pa ba kayong gigs before april 12?
please play swerte sa april 12...
please dont stop making good music... please...
Wed Mar 21, 2007 7:46 pm
after hearing the discotillion album way back, ireally thought that crime fighting mama had some touches of the new sound narda...
i always play biyernes every friday at the office...feel good talaga, hehe...
i always play swerte bago umuwi from the office, hehe... simula 5 pm-6pm nonstop... matagal nang habit...
another request for me will be in the afternoon, feel good din, lalo na ngayong summer... sarap palipad ng saranggola...
i wonder if one of the members will be using a bass guitar while playing the old songs...
first the beatles, then the eraserheads, and now narda... where have all the good bands gone? puro jologs na naglipana... lalo na yung letseng kamikazee...
see you all at the nardamageddon...
Fri Mar 23, 2007 11:55 am
Your music will live on narda band! A change is always a good thing &is always for the better. Good luck to all of you...and God Bless...
Eric
Tue Apr 3, 2007 5:02 am
iboto po natin si miss katwo librando:
http://www.fhm.com.ph/fhm-babes/vote100sexiest?ltr=3
type FHM100 Katwo Librando send to 7399
Fri Apr 13, 2007 1:53 pm
yeah,i was there when narda played their last gig at saguijo..and i learn a lot nung nagsalita na si ate katwo why they have to be disbanded..naiyak siya while explaining why they have to..in life...kelangan talaga ng pagbabago...without it you'll never grow as a person and you wiil never learn the lessons na dapat mong matutunan..lalo na in life..kelangan kasi sa bawat araw may pagbabago..physical,emotonal or spiritual dapat meron talaga..sabi ko nga kay ate katwo..its not the end..its only the start of everything...like me...i was able to open myself on a different genre of music..you don't have to stick in one genre only..if you really love misic..be open into different music genres..yung mga EP na tinda last night..natuwa ako kasi ibang iba talaga tunog nila noon eh..it means nag-grow yung music nila kasi they did not close doors for changes..maraming tao dyan na takot sa pagbabago..di mo kelangan matakot eh...dyan nagkakaron ng saysay ang buhay..kung walang pagbabago sayo o mga bagay sa paligid mo..you will feel na worthless ka sa mundong ito..you will that you are down..sinisisi mo pa sa ibang tao yung pagla walag kwenta mo..eh ayaw mo kasi buksan puso mo para sa pagbabago eh..di lalapit sayo yan..
kaya im really proud to all the narda members :)..yung dati man na members tsaka yung ngayon..di sila natakot na magbago..:)..saludo..!! :)..masaya ako para sa kanila ngayon..they will be blessed...:)..nandito lang kami para suportahan kayo.. ;)narda will always be narda..and i believe with that :)
Fri Apr 13, 2007 3:57 pm
(medyo mahaba lang naman ito.)
last night was fucking awesome. yung tipong awesometalaga pero ang bittersweet pa rin kasi last na...
for those who weren't able to make it... narda had two sets. yung first, yung discotillion set. they played gasolina, buti nga, kay lab, molotov, 100 taon, ang mitsa and alta presyon (in no particular order). taposyung second (and last) set, they played songs from the EPs and formika. they played suwerte, kusina, nico, jaywalker, tanga, hudas not pay, crime-fighting mama,at hypochondriac din ata pero baka ako lang yun.hehehe. astig no? what they started with was also what they ended with.
naiyak pa si katwo nung kinanta niya yung kay lab. akona rin gusto ko ring umiyak. hehe. tapos kinantahan niya si nico ng (ano pa ba?) nico. that was one of the most beautiful things i've seen a rockstar do. muntik na rin ako umiyak nung tinitignan ni katwo si nico sa mata. feel na feel ko yung love. hahaha. congrats tothe two of you! :D
katwo, magpapaka fan girl ako ah. eto kelangan ko talaga sabihin eh. si katwo talaga, isa siyang walking, talking, singing, dancing, screaming work of art. katwo is an art! haha. pero seryoso. favorite kotalaga panoorin si katwo pag nagpeperform siya. kasi palaging mataas yung energy niya. hindi ko mapigilangs umayaw at kumanta pag sumasayaw at kumakanta siya.sabi ko nga sa sarili ko, kung ako maging rockstar,gusto ko, ganon ako kumilos. hahahaha. wala nangtatalo. ;)
at si ryan naman, para sakin talaga, isa siyang brilliant musician. hahaha! nahihiya ako sabihin to, kasi director ko siya. pero seryoso (para sakin sir,ah), mas magaling siyang musikero. kumbaga, kung batalang siya, child prodigy na. gets niyo? haha. automatic sa kanya yung mga kanta. yung lyrics, tunog, arrangement, atbp. tapos siya pa yung nagdala sa banda. he formed it and molded it. he made it not only his but everyone else's. brilliant musician. ;)
bittersweet nga talaga yung gabing yun. kita talaga naenjoy lahat ng tao, lalo na yung banda mismo. it's just really sad that it had to be the last. sabi konga kay katwo, sayang rin kasi naging fan lang ako (aswell as many other narda fans) nung lumabas yung discotillion. at kagabi lang rin ako nakabili ng EPs (naubusan ako ng formika). buti na lang nakatipid pako kasi napalanunan ko yung suwerte. hahaha!
pero tulad ng sinabi ni krista, it's not REALLY the end for everyone. andun pa rin naman yung music. meron naman tayong mga copya ng cd nila. all we have to dois keep listening to them. that way, buhay na buhay parin si narda. kagaya ngayon, pinakikinggan ko na yung mga "bagong" EP ko. ;) at meron pa naman silang mga bagong banda. tulad ng libido (tama ba?) nila ryan,tani, conrad at jason. tapos si katwo, may duster na.yon, suportahan natin!! lalo na duster kasi napanood ko na sila at ang galing galing galing nilaaaa.hahaha. XD
so here's to narda! mahal na mahal namin kayo. :D
at onga pala, sayang din, hindi nagEB mga listers...
heart,
Ia
P.S. yung ibang nasulat ko na, inunahan na ko ni camille ipost. hehe.
Fri Apr 13, 2007 5:00 pm
Thank you to all those who went to our last gig. We really appreciate all the support and love.
In an interview last night, K2 put our disbandment in perfect perspective - it was actually our graduation day. Like school, we learned a lot - and this was one of our fundamental goals when we started the band - to share our knowledge, our talent, our socia lconsciousness and maybe even help others through our music.
Now, the dream is over. We have grown. And we will start new things with new people through different music and medium. We start new dreams again.
I hope everyone will support our post-Narda projects - music, graphic art, business, or whatever. Let's all keep in touch.
A million thanks to everyone.
Love,
Ryan of nARDA
***********************************
"Hilo sa pag-ikot ng mundo, pinaglalaruan parang trumpo;
Kaya tapakan muna natin ang preno...sa Biyernes man lang na ito..."
~ nARDA, "biyernes"
thanks to nARDA, and the whole nARDA yahoo! groups members. http://launch.groups.yahoo.com/group/nardanardanarda
--peso--
20070506
wanda: leaving the grass behind
"Nga pla, nkalimutan ko sbhn. Pakingan mo muna yan wd head set, pra mnamnam mo mga parts ng instrument. Shempre kelngan ko ng feedback reg. s recording nd mixing, quality ng song/composition/lyrics. Ayt?"
Sender:
sir wanda
+63916367####
Sent:
30-Apr-2007
10:47:32
********************************************
let's have a LONG recap:
> before high school, humahawak ako ng gitara, pero literal na hawak lang. 'yun e kapag pagod na ang kuya't mga pinsan ko sa kaka-jamming. pero 'yung strum ko nun, strum lang na walang chords. "X minor". unknown chords.
> 1st year highschool, pasko. natuto akong maggitara, masarap...pala. wala kasi talaga 'yun sa plano ko sa buhay. hindi ko din inakala. since pasko nun, nagtitipon ang mga kapatid at pinsan kong musikero sa bahay ni lola. nung time na 'yun, meron akong songhits ng beatles (jingle). kinuha ko 'yun, at saktong tapos na rin mag-jamming ang mga pinsan ko. sa songhits, may kalakip na chordchart. first time ko din gagamit nun. try ko lang. binuksan ko sa 2nd page - twist and shout. alam ko 'yun. naririnig ko 'yun sa radyo. chords: D - G - A. paulit-ulit. tinignan ko sa chordchart kung paano 'yung D at A. madali lang. 'yung G, mahirap. itinuro ng pinsan ko 'yung isang paraan ng G (naka-dirty finger). 'yun ang nakuha ko. tinugtog ko ang tatlong chords na 'yun sa saliw ng twist and shout ng the beatles. paulit-ulit, habang naghihintay kay santa klaws. 'yun ang unang kantang natugtog ko.
> 2nd year highschool, nagplano ang school ko na gawing parte ng curriculum ng school namin ang subject na "music". hindi sila kuntento na basta isali lang ito sa MAPEH o MSEP. gusto ng admin, madevelop ang musical skills ng bawat estudyante nila. mukhang maganda sa pandinig, pero hindi ang kinalabasan nang lumaon.
> 3rd year highschool, start na ng music class. na-meet ng III-prudence ang teacher namin sa subject. "markus abat"ang pagpapakilala niya (sikat!). inintroduce namin ang bawat isa, at sasabihin din daw kung may instrument na natutugtog. sabi ko, marunong akong maggitara, at hobby kong makinig sa nu107. right after that, sabi ni sir na nagperform na raw sila sa nu - kay francis brew, sa in the raw. sinabi niya sa akin ang banda niya: "wanda grass".
> somewhere in 3rd year, pinahiram ako ni sir markus ng kaunaunahan (yatang) independently-released album ng wanda grass: greatgrin. nakalitrato doon ang isang lalaking hindi ko kilala. pinakinggan ko sa bahay. ok 'yung 17-track LP! kung sa iba, siguradong hindi maaappreciate ang isang album na recorded sa isang simpleng studio, na gawa ang inlay sa bahay, na walang major recording label. pero sa akin, na-enjoy ko. siguro 'yun ang passion ko sa buhay - hindi lang basta PRICED music. anything rocking my ears is fine, indie or not. sabi nga ni francis brew, "i'm looking for unsigned bands...". ni-rip ko 'yung album sa pc. nagbigay pa nga ako ng kopya kay ambito (kaklase ko). rare 'yun para sa amin, hindi ko lang alam kung binura na niya 'yun ngayon.
> 4th year highschool, nagkaroon ng first and only "musical extravaganza" sa school, na ayon kay ma'am den (science teacher ko), "musical extraBANGAGza". mini-concert 'yun. for the benefit of unbenefitted. tumugtog ako at ang nabuong banda-bandahan ng mga schoolmates ko: bulakbol, mariposa, ang huling el bimbo. pagkatapos namin, tumugtog ang wanda grass. pucha parang ako at si ma'am imee (science teacher din) lang ang nakaka-appreciate. last song nga nila nun e "strawberry
fields forever".
> the rest of the highschool times, basta makahawak kami ng gitara ni sir, wala kaming ibang tinutugtog kundi eraserheads. favorite ko sa natugtog namin: sino sa atin. tumgtog din kami ng marami pang kanta ng eraserheads, blur, beatles, etc. puro kami lang ang nakakaalam.
> bago ako grumaduate, binigay sa akin ni sir 'yung greatgrin copy na palagi niyang pinahihiram. this time, bigay na talaga sa akin. pinirmahan pa nga eh (bolpen nga lang). kasabay nun, sinabi niyang magre-resign na raw siya sa school. hindi daw maganda ang kalakaran ng music sa school namin, kahit may music lesson. kasi nga naman, mag-isa lang siyang teacher na hahawak sa music classes from grade 1 to 4th year. isa pa, ayaw ipromote ang mga bandang nabubuo sa school, tulad ng nabuo namin. ayaw manguna sa battle of the bands. waalang saysay kung pag-aaralan mo, pero hindi mo ia-apply. hindi matutupad ang pangarap mo,
> 1st year college, bumalik ako sa school ko. naandun pa si sir markus. ewan ko, baka guniguni ko lang 'yung sinabi niyang magreresign na daw siya. pero bago ako umalis, sinabi niya na next year daw wala na siya sa school.
> 2nd year college, bumisita uli ako, naandun pa siya! parang ayoko nang maniwala sa kung ano man ang sasabihin pa niya... :P umalis ako, at waala na siyang sinabi. sa kalagitnaan ng 2nd year college, nagkaroon ng development ang wanda grass. this time, "wanda" na lang daw. nagkaroon na sila ng music video, shows, gigs, etc. may EP na nga daw sila. humingi ako ng kopya. sige daw. lumipas ang panahon, hindi 'yun naibigay sa akin.
> april 29, 2007, tinext ako ni sir markus. kunin ko na daw 'yung EP. magkita daw kami...blah blah blah. kinabukasan, nakuha ko na 'yung EP. sabi niya, nagresign na daw siya sa dati kong school. sa st. anthony na daw siya. mukhang tinotoo na niya. sbi ko, salamat sa EP.
> ang sumunod na pangyayari, tinext ako ni sir habang pauwi. 'yung laman nung message e 'yung nasa unang bahagi ng article na 'to. basahin mo na lang uli. pero hindi ako marunong mag-review ng album. hindi ko pa 'yun nagagawa. pero...try natin.
********************************************
wanda (EP)
talagang nag-print pa ng inlay si sir para lang ipamigay sa ilang naghihingi ng kopya. matrabaho 'yun dahil colored 'yung inlay. quality, for free.
eto nga pala 'yung laman ng EP:
01 tama na*
02 you and me
03 miss*
04 tonight
05 basted*
06 that's it for jasmine
07 7000 panaginip*
08 ceazarius
09 mr. rain
10 isle*
bonus track: tonight (acoustic)
enhanced cd extra+
> tama na live @ kolumn
> tama na live @ saturday night live
> tv interview> photos
dvd+
> tama na (promotional video)
+ - di ko ma-access sa pc. ewan ko ba. palpak!
* - included in their LP "greatgrin"
at tulad ng sinabi ko, hindi ako marunong mag-review. siguro, one way to do it properly, is to review each song na lang. so ganun na lang.
1) tama na
> kasama na ang kantang 'to sa LP nilang greatgrin. si sir markus ang composer. ito din ang sa pagkakaalam ko, e carrier single nila. malaki na pinag-iba ng kantang 'to mula dun sa naunag version nila kumpara sa version na nito ngayon. mas maganda ngayon. kung dati, tunog indie, ngayon nabawasan na 'yun. alternative. may pagka-love song, in a sense na parang "ayoko na!", "tama na!", "ayoko sa 'yo!". 'yung video nito, nakita ko na sa youtube. parang walang kaugnayan sa kanta, dahil wala silang ginawa kundi tumakbo habang tumutugtog.
2) you and me
> personally, ito ang favorite ko sa EP. hindi ko alam kung bakit. bago 'yung kanta e. sabi nga ni kuya, tunog itchyworms daw. pero hindi ko alam kung nakainom siya nung sinabi niya 'yun dahil hindi tunog itchyworms ang kantang 'to. 'yung chorus, "you and me together. let it be forever." ganun kasimple, sa tunog na ikaaaliw mo habang summer pa. yes, akmang-akma ang kantang 'to habang nagpapahinga ka sa ilalim ng coconut tree sa isang mainit na beach. masarap na pampatulog. masarap din 'to patugtugin habang bumabiyahe pauwing probinsiya. kumbaga sa orange and lemons, "cycle of love", although, totally magkaiba ang tunog.
3) miss
> "miss" as in "naaalala". naninimdim ang kanta. kasi may naaalala. "everyday i stay alone. everynight there's no one home. and everytime i go to sleep. instead of sheep it's you i see". ok 'yung pagka-love song dahil hindi todo-emo tulad ng mga kanta ng shamrock. simple lang. parang wala ring pagkakaiba dun sa previous album version, bukod sa mas tunog studio 'yung dati. improved na talaga ang tunog.
4) tonight
> this reminds me of beatles' "to know her is to love her", or whoever sung it. katono eh. tsaka parang mas itchyworms pa nga 'to kesa dun sa "you and me", bukod sa hindi happy ang tono. hindi ko rin maiwasang i-compare sa "kailan" ng eraserheads. bet ko eto next single.
5) basted
> pero itong kantang 'to, mas eraserheads 'to. parang cover ng wanda 'to sa eheads kung sakaling magkakaroon gn ultrajam2. "bassted" ang dating title nito, sinobrahan ng isang "s". tungkol nga sa pagkakabasted 'yung kanta. tungkol 'to sa panliligaw na ginawa lahat, tapos, BASTED! "simula sa umpisa dead ka sa kanya. gagwin lahjat pati ang pagnganga. basted, basted lang pala!". kumbaga sa kwento, mas pinalalang version 'to ng "tindahan ni aling nena".
6) that's it for jasmine
> base sa pagkakaintindi sa inlay info, parang sa US 'to ginawa. parang masarap patugtugin ang mga ganitong klase ng kanta kapag tanghaling-tapat. naiiba ang track na 'to sa ibnag kanta sa EP. hindi direktang alternative. may halo e. may pagka-slow trance, some sort of techno. style club8 na bittersweet symphony, etc. basta, tunog international. hindi ko kilala kung sino si jasmine.
7) 7000 panaginip
> tunog ciudad's song na "parang si zab", na may pagka-itchyworm's happy happy song 'yung beat. 'yung lyrics, parang walang patutunguhan ang kwento. hindi mo malalaman ang eksaktong kwento kung babasahin mo 'yung kanta. dito na naman papasok 'yung concept nung song-making ng eraserheads. parang walang kwento na talaga namang maganda. indak lang nang indak.
8) ceazarius
> eraserheads na naman? sa pagkakaalam ko, sa soundclick.com, at base na rin sa kwento sa akin ni sir, major influence nila ang blur. pero parang erashereads ang mga tono nila e. sabagay, 'yun ang ibig sabihin ng alternative - from the root "alternate", kelangan may relyebo, may kapalit. nasusubukan lahat ng tunog. kaya para sa akin, hindi alternative ang sponge cola o kaya ang hale dahil iisa ang tunog nila. ito ang second favorite track ko sa album. hindi ko lang alam kung sino si ceazar at bakit sa kanya 'to pinangalan. "kumusta na, mataba ka na ba? buksan na iyong mga mata. pahinga ka na lang muna...". pero parang it's a story of remembering a past, and wondering where's a somebody now.
9) mr. rain
> sa ngayon, sa discman ko lang talaga napapatugtog nang maayos 'tong buong EP. sa pc kasi, pumapalpak din. sa vcd player, nagkakaroon ng scratch-like effects (parang tumatalon) mula sa track na 'to hanggang sa huli, kaya hindi ko maeenjoy. pero wala akong lyrics nung kanta kaya hindi ko ma-gets ang lyrics. something like "wake up mr. rain, wipe my tears away. let the music kill my soul and we will take control as the sun...blah blah blah". siguro, ginugusto nung character sa song na umulan na lang para hindi makitang umiiyak siya. siguro ganun, ganun kasi 'yung napapnood ko sa mga koreanovelas eh :P pero honestly, ok 'yung kanta. tamang tama. swabe. hindi siya pang-ulan, pero hindi disappointing. sabi rin sa akin ni sir, ito sa favorite tracks niya. may dahilan naman talaga para magustuhan. it would be fine kung gagawin nila 'tong next single after ng "tonight".
10) isle
> previous title nito ay "isle E". ewan ko kung bakit may "E" pa. malupet 'yung lead sa intro. parang inarkila pa nila 'yung gitarista ng guns n' roses. parang galing ang tunog nito sa 1st album ng sandwich, at the same time hinaluan ng "two trick pony".
11) tonight (acoustic)
> sabi ko nga kanina 'di ba, sana ito na ang next single. akma naman dahil nakapag-provide na sila ng acoustic nito. at ngayon naman, tunog "goodnight" ng beatles ang kantang 'to. pampatulog ang tiyempo, idagdag mo pa 'yung mga nakakapalipit na instrumentals sa adlib part. parang harem scarem o extreme. masarap 'tong patugtugin kapag pinapatulog mo 'yung gf mo sa tabi mo. :P
so ayun 'yung comment ko per song, na parang wala namang kwenta dahil panay hinanapan ko lang
naman ng kaparehong tunog ang bawat kanta.
nga pala, eto ang top 5 ko sa EP:
5. that's it for jasmine
4. 7000 panaginip
3. mr. rain
2. ceazarius
1. you and me
pero may namimiss ako sa album na wala sa EP. hindi nila ginawan ng bagong version 'yung favorite ko sa greatgrin na "think i'm falling". sana sa susunod magawan nila.
to sum it up, malaki ang development ng wanda, mula sa damuhan. for a matter of year or two, narinig ko uli 'yung tugtog nila, at ibang-iba na! dati kasi tunog studio talaga. sa ngayon, hindi mo na 'yun mapupuna. instruments + effects na ang maririnig mo. pwedeng-pwede nang isabak sa gulo.
pero tulad ng maraming indie bands sa bansa, h'wag sanang umabot sa pagkakataong "hanggang EP" lang ang wanda. they can make a difference. lalo ngayong panahon na uso ang pagbabanda sa pandinig ng mga kabataan, sana isa ang wanda sa mabigyan ng break. i'm starting to love this band. at alam ko kung gaano kasakit para sa mga bandang hindi mabigyan ng break ang magdisband na lang nang basta basta. halimbawa ko doon ang bolstar at narda, na magkasunod namatay sa OPM scene.
sa ngayon, yun lang ang masasabi ko. basta, kaya 'yan. kung gusto mo naman talagang maipahayag ang sarili mo sa pamamagitan ng kanta, e di h'wag kang tumigil sa pagco-compose at pagbabanda. sabi nga sa akin dati ni sir markus, "tulungan mo akong patayin ang mga bandang nabibigyan lang ng break dahil pogi sila. good music doesn't always come with the tag price." and for me, that's the rule in playing songs: play not for the fans, but for the LISTENERS. fans will just like your looks, but the listeners will truly listen to you, no matter what or where you are. indie man o hindi.
well i just hope for more developments. good luck sa banda. ganundin sa marami pang ngayon lang lumalabas mula sa kani-kanilang mga damuhan.
--peso--


