20070331

iTam Dream Academy Continudes...



ang nakaraan: natural, hindi ko ikukwento...go back two messages ago and there you'll see it...

:P

******************************************

the algorithm case study syndrome (ACSS)

marami pa namang bakanteng upuan pagpasok namin. kung tutuusin, 40% pa lang nung auditorium 'yung nauupuan. tinanong namin 'yung usherette naming kaklase kung saan pwedeng umupo. sabi niya kahit saan daw, basta i-occupy muna 'yung mga bakanteng upuan. inulit ko sa sarili ko 'yung sinabi niya - kahit saan pwedeng umupo, basta i-occupy muna 'yung bakanteng mga upuan.

"kahit saan pwedeng umupo", ladies and gentlemen. is contradicting to "i-occupy muna 'yung bakanteng mga upuan".

case study 1

sabi niya: kahit saan pwedeng umupo
sabi ko: uupo ako sa upuan na meron nang nakaupo. kahit saan pwede e. pwede sa hagdan, pwede sa stage, pwede sa kisame. pero hahanap ako ng cute na chicks na pwede kong kalungan.

sabi niya uli: i-occupy muna 'yung bakanteng mga upuan
sabi ko uli: magtataka ako. kung nakakandong na ako, magagalit ako. bigla ba naman akong palilipatin sa bakanteng upuan! of course, a vacant seat cannot be a seat with that someone sitting on it!

findings/conclusion: the passage my classmate told me is similar to "mauna ka; sumunod ka sa akin...". be careful of these statements. suriing maigi. baka ka masampal kapag kumandong ka kung kani-kanino
lesson/s applied: use your logic. if-else is not just in programming. philosophy helps.

case study 2

sabi niya: kahit saan pwedeng umupo
sabi ko: uupo ako kahit saan. i have my freedom. science has nothing to do with it. the grammar used is correct too.

sabi niya uli: i-occupy muna 'yung bakanteng mga upuan
sabi ko uli: common sense! makakaupo ka lang sa mga bakanteng upuan! hindi ka pwedeng makaupo sa hindi bakanteng upuan, or else, you'll be sitting to somebody or something else not the chair! now, grammar is good, but science found a logic error.

findings/conclusion: the rule of impenetrability is true. dati pa ako naghahanap ng paraan para masira ang kaisipang ito pero hindi ko alam kung paano mapagkakasya ang higit sa iisang bagay sa isang lugar, sa natatanging pagkakataon.
lesson/s applied: common sense. science and health for grade 6. mas matinding philosophy.


"kahit saan pwedeng umupo; i-occupy muna 'yung bakanteng mga upuan".


my algorithm subject caused me this hell-like state of reasoning.


"this is so silly...it's all just because of sandwich!"
~ sandwich, 'replete'

******************************************

I. invocation

"dumilim ang paligid, may tumawag sa pangalan ko..."
~ eraserheads, 'spoliarium'

dumilim na 'yung auditorium. lights off, kisame at big screen lang ang maliwanag. we sat on somewhere else vacant row. sa kanan ko si jerome, sa kaliwa ko si casper. :P sa kaliwa ko walang nakaupo, pero mga limang silya pa 'yung bakante sa kaliwa ko. sa guniguni ko nakaupo si jennifer lee. dumilim ang paligid. simula na ang palabas.

may nagsalita. kaboses nung "diyos" ni jim carey sa 'the truman show'. tumayo daw ang lahat for the invocation. tumayo naman ang lahat. solemn. holy. silent.

sa big screen, may pinalabas na 'di ako sigurado kung film o flash (basta hindi powerpoint presentation). may lapat na music na sa tunog pa lang, alam na alam mong prayer song kahit 'di mo alam 'yung kanta. ewan ko pero, pangit 'yung pagkaka-lapat nung kanta sa video. 'yung video, ok lang na nagpi-pixelize dahil pinalaki kasi. pero 'yung sound, parang nag-dedeliryo 'yung nagdadasal. para kang nanonood sa you tube na dial-up ang gamit. bumabagal 'yung kanta na parang may water-effects tulad nung kanta ni cher na "do you believe?". pero lahat 'yun e naobserbahan ko na lang pagkatapos nung invocation. siyempre, bilang pakikiisa sa dasal, hindi ako magrereact at magpapasimula ng umaatikabong na "BOOO! bulok!".

pagkatapos nung invocation, may nagsalita uli. "remain standing for the philippine national anthem". and from the last scene of the freezed invocation film, bigla ba namang nag-"show desktop" 'yung screen! kaya pagkasabi nung "remain standing for the philippine national anthem" at nakatingin ka sa screen, makikita mo bigla 'yung my computer, my documents, recycle bin at internet explorer kasama nung iba pang desktop icons. as expected, may matatawa. isa ako dun. from holy to comedy.

******************************************

II. lupang hinirang, a.k.a. "bayang magiliw"

"bayang magiliw perlas ng silanganan...
...ang mamatay ng dahil sa 'yo!"

pagkarinig pa lang nung drum roll intro, posisyon agad! hindi na kailangan ng order, inilagay ko agad ang kanang kamay sa kaliwang dibdib. sabik ako sa kantang 'to. ni kahit sa sign-on/sign-off ng tv/radio stations 'di ko na rin 'to naririnig. mula "bayang" hanggang "sa ýo", wala akong hindi kinanta. naririnig ko nga si jerome sumasabay sa akin - sa maganda kong tinig na pang-dream academy din.

pagkatapos, sabi ko kay jerome, "grabe, matagal ko 'tong 'di kinanta!", sabay pahid sa luha. :P

sa sobrang pagkasabik, muntik ko nang itaas ang kanang kamay para sa "panatang makabayan".

at bakit?! hindi ako senatoriable candidate pero mas makabansa ako sa kung sino pa mang laro (bilyar), gulay (pechay), palaman (cheese), o bagay (goma)!

******************************************

III. patikim - iTam Dream Academy audition

umupo na kami pagkatapos nung flag ceremony. nag-umpisa na ang palabas. iTam Dream Academy!

by the way...iTam stands for "i-tamaraw", pinaikling "i am a tamaraw". kung matatandaan, tamaraw ang simbolo ng FEU, siyempre sakop na ang east-asia. kumbaga, "kalabaw ako! - mabagal, maitim, may sungay, mabaho, etc, etc..." :P. ang Dream Academy naman ay kinuha (alam mo na 'to e) sa Pinoy Dream Academy, ang so far latest popular singing contest na ginanap sa bansa through television. ang iTam Dream Academy ay isang "prestihiyosong" pagkakataon para maipamalas ng mga mag-aaral ng east-asia ang talento nila sa pagkanta. siyempre, kung may talent ka, at kung may tapang ka, hindi ka lang sa banyo kakanta. ilabas mo! ang iTam Dream Academy, sana, e hindi hanggang "dream" lang.

simula ng palabas - may patikim sa audience. pinalabas 'yung 3-day audition para sa mga gustong sumali. kung sinusubaybayan mo 'yung startruck o american idol, nahahawig 'yung tinutukoy ko sa "first part" - salaan ng contestant portion. titignan kung sino 'yung karapat-dapat. ganun din dito. at tulad ng inaasahan, hiyawan at kantiyawan sa bawat mukha ng kasaling ipinakita. salusalong reaksyon mula sa iba-ibang sumali. nakakatawa naman kasi talaga eh...lalo na 'yung mga pumapalpak simula pa lang.

sa huli, may siyam na nasala, siyam na napili. isa doon ang kaklase ko (actually dalawa, 'yung isa, kaklase ko din pero irreg...).

******************************************

IV. the 9 finalists' intro performance

after nung audition film (na pwedeng i-submit sa indieplug dahil pwedeng-pwede 'yung maging short film), naglabasan ngayon 'yung siyam na kalahok. parang pang-tv talaga! hinahanap ko nga si dingdong dantes eh. o kaya si sitti, o si oprah, o si arnold clavio. wala sila.

nung lumabas 'yung siyam na finalists, may kasamang mga dancers, 'yung iba kumanta, 'yung iba sumayaw. hindi sabay-sabay kumanta 'yung siyam. ibig sabihin, hindi ganun kasapat 'yung pondo ng east-asia para makabili ng siyam na mikropono! :P

sigawan sa audience! and saya! "overwhelming"! kala mo mga pugante ng ozone disco...mga spectators sa old roman coliseum. hindi ko lang alam kung ano 'yung kinanta at sinayawan nung siyam na finalists. basta happy and energetic song 'yun. natural! hindi ka magpapakanta ng "unchained melody" bilang opening ng isang final singing showdown... kailangan, energetic - 'yung bungad pa lang, magugustuhan na ng audience. sana nga "boom-tarat" na lang 'yung pinakanta eh...


"sow-shall animoal!!!"~ everizza castro, (english-fluent[?] anti-social of tondo, manila)

******************************************

V. the jennifer lee show

a. ang kikay

kanina, nakaranas ako ng JLS o jennifer lee syndrome. ngayon, oras na yata para makapanood ng isa pang JLS o jennifer lee show. mukha kasing pinagpahinga muna 'yung siyam sa backstage (o pinaligo muna) para sa showdown proper. at para 'di kami mainip, tinawag na nung tatlong hosts (isang lalaki, isang babae, at isang bading - pinapakita ng east-asia ang pantay na tingin nila masa) 'yung special guest para sa araw na 'yun - "ladies and gentlement, JENNIFER LEEEEEEE!!!!". ang galing nung program planner! sinigurado niyang 'di kami maiinip!!! :)

jennifer lee, age unknwon, female. 'di ko alam kung saan siya graduate. ang alam ko lang, taga-east asia 'yung utol niya at ka-batch pa ni kuya. sinabi ko 'yun kay jerome sa pag-asang hindi niya 'yun alam. pasikat ako siyempre! pero no room for boastfulness... "oo...coach nga namin sa badminton 'yung kapatid niya eh!", pagpapahiya niya sa akin.

hindi ko alam ang ibang mga pelikula ni j.lee. isa lang ang napanood kong pelikula niya - ilusyon. bata pa. kikay. cute. long hair. hindi ko siya crush. at hindi ko siya naging crush nung hapon na 'yun. apektado lang ako ng JLS dahil naandun na 'yung pagkakataong makamayan siya, makapagpa-picture kasama siya, at kung suswertehin e maka-kiss pa, pero ang tanging nagawa ko lang eh makawayan siya nang 'di pa nakatingin sa akin, ngumanga, at mainggit sa mga estudyanteng may digicam, may cellphone na may camera, at may kapal ng mukha.

nagsalita na siya gamit ang boses niyang tunog-kikay na tunog-pampalambing na tunog-batang nanghihingi ng kendi. cute. bawat syllables yata na bigkasin niya hinihiyawan ng mga estudyante... ewan ko ba. ganun talaga siguro 'yung mga (lalaking) audience kapag sexy young actress 'yung guest. siyempre nga naman, magmumukha yata akong tanga kung tumili din ako nung hapong nakapagpa-picture ako with kc montero!

"hello...kumusta po sa inyo...ako po si ____________________ (state her full name)...blah blah blah. kumusta kayo FEU-east asia college?!!! ay ang swerte ko naman dito ako nagguest sa inyo. ang ganda ko. sexy. mayaman na. habulin ng mga bata-pa-manyak-na na estudyante...blha blah blah blah..." :P

'yun 'yung bating panimula niya. pabati talaga. hindi nauubusan ng boses 'yung mga audience na nagchi-cheer dahil cheerful na cheerful sila. hanggang sa dumako na si j.lee sa "katawan ng liham". main dish! so much for appetizers!

kumanta siya ng "sayaw kikay" habang sumasayaw ng "sayaw kikay". ayos 'di ba? normally, what we see is someone singing "basketbol" while dancing to the tune of "pandesal". pero iba 'tong si j.lee! kumanta ng sayaw kikay habang sumasayaw sa parehong kanta/tugtog! mahirap 'yun!

at eto na ang masayang parte - bumaba ng entablado si j.lee! lalo ngayong dumagundong sa auditorium. parang nakita ko nga sa loob 'yung mga hurado sa kagaganap lang na NBA slam dunk contest na nagtaas ng score na limang perfect 10! mtrcb na lang ang kulang! 'yun siguro 'yung parte nung palabas na for teen-agers only - bawal sa sobrang bata dahil baka sila mamulat agad sa reyalidad, at ganundin sa mga lolo dahil posible silang atakihin sa puso.

sa auditorium, walang bouncers, at isang security guard lang ang MASWERTENG nakabuntot kay j.lee habang dinudumog ito ng mga estudyanteng magpipicture, magpapaicture, hahawak sa kamay, aakbay, hahalik, at iba pang "less than the act of rape" na maiisip mo. e nagpapahalik naman kasi si j.lee. bigla-bigla ngang lalapitan 'yung isang nakaupo, sabay itatanong, "ikaw kuya - gusto mo ng kiss?" abaý kahit bading magpapakalalaki kapag ganun!

hindi ko alam...kanya-kanyang sigaw na 'yung nangingibabaw. kahit mga security pinapayagan nang magkagulo sa loob. awa ng Diyos walang stampede. sabi ko kay jerome "'tol buti hindi naging prutas 'to'ng si j.lee...kundi kanina pa 'to lamog!".

tapos na 'yung kanta. umakyat na rin siya nung stage. nung mga oras na 'yun, isa lang ang kumakanta sa isip ko - "akin ka na lang". jealous acts! selfishness! BAD BAD BAD!


"BAD! ANG SAMA MO!!"
~ mimi

******************************************

b. underneath her clothes - bulaklak (totoo naman 'di ba?)

pag-akyat sa stage, nagtawag ng isang lalaki na sasama sa kanya sa states este sa stage for her next magic. volunteer. alin lang sa tatlo ang paiiralin mo sa pagkakataong ito - (1) tapang, (2) paghanga at pagmamahal, (3) libog.

may nagtangkang dalawa, pero obviuosly nauna 'yung nauna. 'yun e dahil hindi pwedeng mauna 'yung pangalawa. 'yung nauna e 'yung isa sa siyam na finalists na noon e may dala pang flowers. nag-abala pa. nag-dangwa pa! pero dahil sa sportsmanship na ipinakita nung nahuling isa pa, kumiss na lang siya kay j.lee bilang pabuya. twice pa! (dahil doon, narealize kong ayoko nang humalik sa parehong pisngi ni j.lee...or i'll end up kissing with guys!).

'yung lalaking pinaakyat niya sa stage ang gagamitin niya ngayong "props" para next song niya - shakira's "underneath your clothes". as she sings, siyempre may flirty acts. 'yung tipong, iaakbay niya 'yung kamay ni boy sa braso niya. tapos, bigla siyang aalis, pasusunurin itong si boy. tapos, magho-holding hands sila, etc..etc.. (pronounced as "ek-ek").

"underneath your clothes...la la la la story...there's the man i chose...la la la la horny...", she sings.

sabi ko kay jerome, "ano bang meron underneath her clothes? 'di na lang kasi ipakita!!". (doon ko napagtanto ang tunay na pagiging kaibigan ni jerome - dahil wala akong katabi sa kaliwa hanggang nung oras na 'yun, siya lang ang nakakausap ko).

then, i heard mimi saying on my mind, "ang sama mo talaga! BALIW!!!"

nung matapos 'yung kanta niya. 'di ko alam kung pagod na siya. pumasok na ngayon 'yung hosts na may dala nang nang plaque of appreciation. pero dahil sa request ng tao na "we want more!!!", napakanta uli si j.lee. balik ng backstage 'yung hosts. pahiya konti. konti lang.

for the last piece, kumbaga, dessert, kumanta siya ng "bulaklak" ng viva hot babes. pero there's nothing much in it na. siguro narealize na nung audience na ngalay na rin 'yung vocal chords nila. pero 'yun 'yung akala ko! nagulat ako, bumaba uli siya ng stage - and guest what, sa side nung kinauupuan ko siya bumagtas! ang saya!

malapit lang ako sa unahan, so poisibleng makamayan ko siya. pero inunahan ako ng takot. naalala kong wala akong cellphone na may camera. wala rin akong digicam. baka balahurain ako ng mga estudyanteng nakapila. kaya siguro ginusto na lang nung puwet ko na umupo na lang. maski paa ko pinigilan akong tumayo. pero hindi pa tapos ang laban - naiisip mo ba ang naiisip ko b1? sa palagay ko nga b2!

wala akong katabi sa kaliwa! bakante 'yung limang upuan sa kaliwa ko! si j.lee, 3 to 5 steps away from my seat, kinawayan ko, tumingin siya! YES! TUMINGIN SIYA!! the god is answering my prayers! sabay turo sa upuan sa kaliwa ko, senyas na nagsasabing "tabi tayo...please..." pero nung time na 'yun, sa iba na siya nakatingin! and the god took the glory away. 'yun 'yung time na narealize ko na i was praying to the wrong god. the wrong god took the glory away, but the true God just simply kept me away from the temptation! amen po ba mga kapanalig??!!


"bibigyan sana kita ng popcorn but you make me deadma. kung ganyan pala'ng ugali mo, edna, i'll make you dead na..."
~ itchyworms, 'wala nang pwedeng magmahal sa'yo kundi ako (the stalker song)'


her show ended there. masaya, oo. akyat na siya ng entablado. ginawaran na ng plaque of appreciation. tuloy na tuloy na. wala nang "we want more". pero bago siya tuluyang magpaalam, nagpasalamat na siya, at sinabi na may kapatid nga daw siya sa engineering (graduate na). at bilang pahabol, "bilhin niyo po 'yung album namin..."

sabi na nga ba e! magpa-plug din ng album! sa lagay hindi pa nauubos 'yung album nila na may "basketbol"? o ibang album na 'yun? a basta! since tapos na ang maliligayang sandali, no space for their album. hindi ako ganun ka-adik, o lulong sa ipinagbabawal na musika ayon sa batas ng tenga, puso, at kaluluwa ko.

******************************************


(di pa ta-post)



: D



******************************************

mumunting sulit na pagsusulit


I. Feeling the Banks. kumpletuhin ang mga nawawalang bahagi ng nabanggit na linya ng kanta/pangungusap. piliin ang sagot mula sa pagpipilian. pwedeng mag-imbento ng sariling sagot mula sa pagpipilian.

1. "this is so silly...it's all just because of _________" ~ 'replete'

a. you
b. prospero pichay
c. sandwich

2. "dumilim ang paligid. may __________ sa pangalan ko..." ~ 'spoliarium'

a. tumawag
b. umamoy
c. iba nang may-ari

3. "_______________" ~ 'sayaw-kikay'

a. papaparapapapa.....papapa!
b. lalalalalaaaa....lalalalalaaaaaa...
c. hmm...bop! dipdopbaboobop...doobeedopbaboobop!

4. "bibigyan sana kita ng _______ but you make me deadma!" ~ 'stalker song'

a. house & lot
b. maraming anak
c. popcorn

5. "akin ka na lang! (jennifer lee...) iingatan ko ang ____ mo!" ~ 'akin ka na lang'

a. puso
b. nguso
c. suso (snail)


II. Pagpipilit. piliting sagutan ang mga sumusunod sa abot ng makakaya. h'wag pilitin kung hindi kaya.

1. state the law of impenetrability in 5 seconds. 3...2...1... finish or not proceed to question # 2.
2. kailangan ba talagang lumuha kapag aawitin ang "bayang magiliw"? pangatwiranan.
3. sino-sino ang mga sumusunod: laro, gulay, plaman, bagay? magbigay ng akmang pangalan para sa kanila.
4. bakit itinutulad sa kalabaw ang mga estudyante ng FEU at FEU-EAC?
5. ano ang pagkakaiba ng naunang JLS sa ikalawang JLS? may ikatlo pa kaya?
6. paano ipinapakita ng EAC ang pagkakapantay-pantay ng masa?
7. bakit mahirap awitin ang "sayaw-kikay" habang sinasayawan ito, kumpara sa mas madaling pag-awit sa "basketbol" habang sumasayaw ng "pandesal"?
8. bakit ipinagbabawal sa mga sobrang bata at sobrang tanda ang JLS?
9. anong meron ünderneath your clothes"? pwedeng patingin?
10. magbigay ng pagkakataon kung saan mas nauna 'yung pangalawa kaysa sa una.


TERM PROJECT

Pagsasadula. Bumuo ng miyembro na may tig-lilimang pangkat at isadula ang mga pangyayaring nakapaloob sa:

A. Invocation
B. Flag Ceremoany
C. iTam Dream Academy Audition Film
D. iTam Dream Academy final 9's intro performance (TIP: pwede kayong mag-maiba-taya dito para malaman kung sinong kakanta/sasayaw/iiyak)
E. Jennifer Lee Show



******************************************








--peso--

20070310

spo1: magkano eleben?

have you watched the "fight" last night? probably not.

depende siguro kung isa ka sa (more or equal to) sampung pasahero nung jeep na sinasakyan ko kagabi. o pwede rin kung ikaw ' yung driver nung jeep. o kaya kung ikaw ' yung isa sa dalawang lasing/pulis (daw, ayon sa kanila) na sumakay sa jeep.

kung none of the above, pero ini-insist mong napanood mo ' yung laban kagabi, it's either ikaw ang diyos, guardian angel, o anino ko.

***********************************

siguro 7:00 or 7:30 nun. pauwi na ako from school. sa blumentritt ako nun. sumakay ako ng jeepp. hindi ako nag-e-fx. mahal eh. 30 sa fx, 14 lang sa jeep. sanay naman akong pagpawisan, mainitan, at makipagsiksikan.

wala namang nangyari nung nasa blumentritt ako. pero pagliko sa bonifacio ave, sa may laloma, meron.

may pumara, dalawa. lalaki pareho. hindi pa lolo pero gurang na. halatang lulong sa bisyo. 'yung naunang sumakay (na may hawak pang yosi), inaalalayan 'yung kasama niya. "o, o, o...nangangapa ka pa...", sabi niya sa kasama niyang parang tulog na lang na naglalakad. sabay hithit ng yosi, buga. e puno pa naman ng pasahero ' yung jeep. ang masama, katabi ko pa! dun kasi ako sa likod ng driver nakaupo. malayo pa kasi ako e.

from this point of moment, tatawagin nating "spo1" 'yung mamang may yosi na tumabi sa akin. "spo2" naman 'yung kasama niya na sa tapat niya umupo.

maya-maya, bandang mayon, nagbayad na si spo1. beinte. sabi niya "eleben". sa eleven daw siya bababa. bigla siyang pinigil ni spo2. para bang sinasabing "hwag ka na magbayad...HIK!". sabay sinabi ni spo2 sa driver na "baesa, baesa".

sumagot si manong. "baesa? e wala ka pa ngang inaabot!" (sa tonong malakas na boses. banshee.)

maya-maya, inabot uli ni spo1 'yung bente kay manong driver. "eleben" daw. hindi na siya pinigil ni spo2 sa puntong 'yun. tulog na yata sa kalasingan. inabot ni manong driver 'yung bayad, sabay sinuklian siya ng sais. (laloma to eleventh avenue: P7.00)

at eto na ang simula ng palabas.

*****

spo1: magkano eleben? ha? magkano eleben?
manong driver (md): syete.
spo1: magkano?
md: syete.
spo1: magkano? magkano eleben? magkano?
md: syete!

(sa loob-loob ko: magkano eleven? e di eleven! sinabi mo na nga eh!)

spo1: magkano?
md: SYETE NGA!
spo1: galit ka? ha? bakit ka sumisigaw?
md: e hindi mo naririnig eh kanina ko pa sinasabing syete eh!
spo1: galit ka? GALIT KA?! saan ako sumakay?
md: laloma.
spo1: saan ako sumakay?!
md: LA-LO-MA!

(sa loob-loob ko: L-A-L-O-M-A. LALOMA. BOW!)

spo1: bakit ka sumisigaw?! ha?!
md: e hindi mo nga naririnig eh! kanina pa ako paulit-ulit dito! gago ka pala e!
spo1: ANO?! GALIT KA?! e PULIS AKO E! (sabay labas ng ID. kulay green, na parang temporary ID namin sa east-asia. may kasama pa yatang resibo. pinakita ' yung ID kay manong driver. nagising na si spo2 sa kalasingan.)

spo1: ano? galit ka? GALIT KA?
md: .
spo1: ano?!
md: ..
spo1: galit ka? lakas ng loob mo ah!
md: ...
md: e kanina pa ako paulit-ulit dito eh, ang kulit niyo eh!
spo1: e bakit nagmura ka?! minura mo ko!
spo2: aba'y tarantado ka ah! (sabay binatukan si manong driver)
md: di naman masake-et! di naman masake-et! (joke lang!)
md: (tuloy lang sa biyahe)
spo1: bakit mo ko minura?!
md: hindi kita minumura! kahit itanong mo pa sa mga pasahero ko, 'di kita minumura!

(sa loob-loob ko: ULOL! NAGMURA KA NARINIG KO!)

spo1: anong hindi?! minura mo ako eh! sabi mo gago ako!
spo2: tarantado ka a! putang-ina mo! ihinto mo ' yang saskyan. diyan sa presinto!

(since traffic, bumaba ' yung dalawang babae sa unahan. natakot.)

md: o? san kayo pupunta?
girls: bababa na lang ho kami...
md: hindi...halikayo! sakay, sakay... akong bahala!

(sumakay uli 'yung dalawa. tuloy ang ligaya!)

spo2: tarantado ka ah! kapal ng mukha mo! ihinto mo diyan! hinto mo!
md: wala pa...camachile pa susunod na presinto!
sp01: o sige...ihinto mo na diyan...
spo2: putang, ang yaba mo ah!
spo1: ihinto mo na diyaaaan! sa maaay preshintoh!!
md: wala pa! camachile pa! eleben lang kayo!
big boy passenger: boss, eighth lang ha.
md: ayun 'yung eighth (sabay turo sa kalye - eighth avenue. bumaba na si bigboy passenger)
spo1: ihinto mo sabi! para makilatis natin 'yang driver na yan...minumura mo ko ha!
spo2: tarantado ka ah!

(mula sa kaliwang bulsa, dinukot ko 'yung nagbibigatan kong barya. kumuha ako ng siyete pesos. wala na sa loob ko na sais lang dapat ang ibabayad ko. balak ko nang bumaba sa eleventh avenue. 'di ko ma-take 'yung ibang pangyayari. murahan. nasa pagitan pa man din ako nung dalawang matapang na mama. at kung pulis nga 'yung dalawang senglot, sa loob-loob ko, 'pag may baril 'to, aktwal akong makakakita ng binitay. 'di ko na kaya. bababa na ako.)

cute na pasahero: boss bayad o. para na.

(hindi na pinigil nung driver 'yung cute na pasahero. nagbayad naman na eh)

md: (hininto 'yung jeep) o sige.
spo1: ihinto mo diyan sabeee! sa may preshinthoh!
spo2: tharanthadoh kah! HIK!

*****

nakalimutan kong sabihin na from the start of the show, itatago natin 'yung pangalan ko sa "cute na pasahero". para sa seguridad ng buhay ko.

at bumaba na nga 'yung cute na pasahero. hindi sa takot, buit na 'yung sigurado. mahirap na.

nung makababa na ako. walang gaanong jeep na dumadaan sa 11th ave. biyaheng bayan. puro PUC. kaya natagalan akong sumakay noon. pero bago 'yun, inisp ko kung ano kaya 'yung posibleng mangyari dun sa jeep na kanina lang eh lulan ako.

magkabarilan? pwede. paano kung hindi nagbibiro 'yung dalawang patola na 'yun? deadly. pwedeng magkadamayan ng ibang inosenteng pasahero. nung oras na 'yun, palibahasa e malayo 'yung ibang pasahero sa mga nag-aaway, 'di kaya masyado silang kampante? 'di kaya sila nakaramdam ng konting pangamba? 'yung dalawang mama, ano kaya laman nung isip nila nung oras na lango sila? pulis nga kaya sila? si manong driver, bakit siya matapang? ganun na ba siya kasanay? lumalaban? pwede siyang mamatay dun 'di ba?

naisip ko rin na "teka...'di ba sa 11th ave. din bababa 'yung dalawang patola?"

at tumama ang hinala ko. maya maya, bumaba na rin 'yung dalawa. hindi ko alam kung paano sila napababa nung driver. siguro sinabi niya na may ipis sa loob ng jeep niya. effective 'yun.

at kahit na nakababa na 'yung dalawa, hinahabol pa ni spo2 'yung driver. dinuduro niya. "putang inä mo!!!", sabi niya na parang normal na lang sa mundong 'to.

medyo natakot, na baka makita ako't mapagdiskitahan, dahil nga lasing, medyo lumayo ako sa gawi kung saan sila papunta. umakyat sila ng tulay. goodluck na lang sa mga makukursunadahan nila.

ako, nag-abang ng jeep. matagal din. buti nakatiyempo ako ng isang may bakante pa sa unahan. dun na ako sumakay.

sampung piso hanggang alfred mula 11th ave. imbes na katorse, naka-disi-syete ako. ayus lang. buhay naman ako. safe pa.

***********************************

earlier that morning...

around 11 am to 1 pm. STECRIT subject. boring ang discussion, naghalungkat ako ng buhok ko at nakatagpo ako ng santambak na balakubak.

sabi ni val na katabi ko, "uy! nanaginip ako...ang dami ko daw balakubak. wala naman! tapos ikaw pala maraming balakubak ngayon!"

sa loob-loob ko, "ano ako salamin? ibinanda mo sa akin 'yung panaginip mo?"

later that night...

around 5 to 7 pm. last subject. ALGRTHM. umuwi nang maaga si val. wala na raw siyang gagawin sa subject eh. sabi niya, "napanaginipan ko din na naholdap ako. bahala na. hindi pa nga ako pinauuwi ng nanay ko eh. pero inaantok na ako. bahala na kung ano'ng mangyari".

sa loob-loob ko, "kung 'yung balakubak mo sa akin napunta, malamang ako 'yung tinutukoy mo sa panaginip mo. pero h'wag naman sana..."

and the shit happened as i went home. kind-a-bad. but not exactly. quite, and good thing, not even almost.





ingat sa pag-uwi.

pangit din ang magagandang gabi.

***********************************

mumunting sulit na pagsusulit

I. multiple choose. piliin ang tama o maling sagot. pwedeng multiple ang sagot. tama o mali?

1. magkano ang ticket kung gusto mong manood ng pasahero at driver na nagbabangayan?

a. P1,000 (sulit. 12 rounds)
b. P5.oo (general admission nga lang)
c. libre

2. anong biyahe ng unang jeep na nasakyan ko pauwi?

a. laloma
b. 11th avenue
c. presinto

3. ano naman ang biyahe ng pangalawang jeep na nasakyan ko pauwi?

a. tama
b. mali
c. depende sa panahon

4. anong magagandang/magagalang na pananalita ang pinagsasabi ng maaanghang na bunganga nung driver at dalawang pulis patola?

a. "gago! kanina pa ako paulit-ulit dito!"
b. "putang-ina mo! ihinto mo diyan sa may presinto!"
c. "now arriving at north edsa station. thank you for using MRT."

5. anong kaugalian ang ipinakita ni manong driver?

a. katapangan
b. dedikasyon sa trabaho
c. pagsisinungaling (hindi daw siya nagmura!)

6. anong kaugalian naman ang ipinakita ni spo1?

a. kakulitan
b. pagiging burara sa kalinisan sa katawan (hindi naglilinis ng tenga
c. paggamit ng posisyon sa batas para manakot

7. e kay spo2?

a. pagiging mabuting kaibigan
b. pagtulog sa jeep na hindi naman dapat lugar-tulugan
c. pagiging mabisyo

8. dapat bang tularan silang tatlo? iboboto mo ba sila sa darating na eleksyon?

a. ayoko
b. huwag!
c. hindi.

9. cute ba talaga 'yung pasaherong bumaba dahil sa takot?

a. oo.
b. sang-ayon ako sa deskripsiyon niya.
c. crush ko siya.

10. upang makaiwas sa mga insidenteng tulad nito na talaga namang nakakakaba, ano ang pinakamagandang gawin?

a. magpasundo na lang kay mama/papa/bebeh.
b. maglakad na lang pauwi para walang makasabay na tarantado sa jeep.
c. h'wag nang umuwi. magpabukas na lang sa eskwelahan.


BONUS (10 pts.)
saang palabas sa tv pwedeng i-feature ang katotohanan sa likod ng mga panaginip ni val?

a. "kung walang knowledge, walang power!"
b. "verum est! totoo ba ito?!"
c. "bibliya ang sasagot! itanong mo! kay soriano!"



lahat ng sagot ay ipadala sa bobongp3so@yahoo.com o kaya ay i-post as comment.

kung nakornihan ka sa mga tanong, hayaan mo na. makikisagot ka na nga lang eh...

***********************************









--peso--

20070306

iTam Dream Academy

/*i'm trying to experiment something (about who reads my works)...i don't know if this would work all the time. read on and you'll see...*/



march 03, 2007, saturday

napilitan akong pumunta sa auditorium ng FEU kahit na ayoko. 'yun e para manood ng iTam Dream Academy final showdown at suportahan 'yung kaklase kong "nagtrip" na sumali. baka manalo e. pero sigurado akong trip niya lang 'yun dahil sa pagkakakilala ko sa kanya, 'di naman talaga siya kumakanta sa harap ng madla. pareho kaming adik sa kwerdas ng gitara pero sa harap lang ng pader kami kumakanta. pero hanga ako sa naging "tripping" niya nung mabalitaan kong pasok siya sa final 9. 'yun siguro 'yung pagkakaiba namin - mas matapang ang apog niya.

tulad ng sinabi ko, napilitan lang ako. dalawa pa dapat 'yung klase namin pero balita ko, kinansela na pareho para makapanood 'yung buong klase at makapgbigay ng suporta - moral man o kantiyaw. dapat nga hindi ako a-attend (kasama nung iba ko pang kaklaseng puro mga "anti-social" din kagaya ko) dahil mas trip naming magklase na lang (hindi dahil sa nerd o geek o authistic kami; takot lang talaga kami sa tao). pero nung kumalat 'yung balita na 'yung ticket namin 'yung ipapakita sa dlawang prof next meeting para magsilbing attendance, we have no choice. walang no choice.

to cut it short, we enjoyed it anyway. masaya din naman. our social attitude just always won't go. at eto 'yung (as) detailed (as i could tell) na kwento about that event...

******************************************

before the show and the jennifer lee syndrome (JLS)

from 1-3 pm, break ko, inubos ko lang sa pagkain at complab sa building namin. alas-tres pa naman 'yung tampok na variety show kaya nag-internet muna ako, sinusulit 'yung binayaran nung enrolment. at bilang kapalit dahil sinamahan niya akong kumain sa labas (kahit nakakain na daw siya), sinamahan ko na rin 'yung kaklase ko dahil magrereview daw siya sa comlab (about SQL). may midterm exam kasi siya 3:00. so obviously, 'di siya makakapanood nung variety show.

around 2:30, nag-log-out na ako. tinamad na ako eh. wala kasi akong makuhang info tungkol sa bandang "keltscross". rare. pero instead of going with the queue outside the auditorium, hinintay ko na rin 'yung mga kaklase kong anti-socials para sabay-sabay na kami. 'yun e ginawa ko for 30 minutes. maigsi lang 'yung 30 minutes. swear. tumayo ka lang sa labas ng comlab na parang batang yagit. kunwari naghihintay ka ng tirang pagkain. tapos dadaan-daanan ka lang. ginawa ko 'yun for 30 minutes. hindi ako tinamad.

after 30 minutes, nakaraos din. bumaba na kaming lima, na noon e pare-pareho din palang naka-academic uniform (dahil tuwing sabado, hindi required, pero pwedeng suutin 'yung black college polo shirt ng east asia; karamihan o above 90% ng students suot 'yun 'pag sabado; wala kaming lima nun - anti-social).

nasa baba na kami ng auditorium. few steps away from the stardom (ulol). ako 'tong si tanga, palinga-linga kung saan-saan. bigla na lang akong tinapik nung kaklase ko (jerome) sabay sabing:

"'iel kilala mo 'yun?", sabay turo dun sa babaeng nakaputing pang-itaas, maikling paldang pang-kikay, maganda 'yung likod, na paakyat na ng auditorium. sa loob-loob ko, "hindi estudyante 'to, gwardiyado eh..." tsaka 'di papapasukin basta 'yung ganun magsuot. actually, sa suot niyang 'yun, at nasa tuktok na siya nung hagdan pauntang auditorium, i'm about to see heaven dahil nasa ibaba ako nung hagdan. malabo lang talaga 'yung mata ko kahit naka-antipara na.

"hindi eh...hindi ko nakita 'yung mukha eh... sino ba 'yun?", sabi ko na may halong panghihinayang dahil malabo 'yung mata ko.

"si jennifer lee... (lee... lee... jennifer... lee...)", sabi niya, na umeko pa sa pandinig ko. at lalo akong naghinayang dahil si jenifer lee 'yung napalampas ko!

"si jennifer lee??! guest sa show??!!!", sabi ng konsensya kong naghihinayang sa sarili kong malabong mata.

then i checked and secured everything:

ticket? check! siguradong makakapasok ako! makikita ko si jennifer lee!
free memory space? secured! nakapagbura ako ng laman ng utak since tapos na lahat ng midterm ko. i'll have a room in my mind for her!
sabay linis ng salamin...wala mang vitamin a, a possibility of seeing clearer is there.
cellphone? yup, cellphone is fine, pero para saan?
with camera? may camera ba 'yung cellphone mo? oh sIhT! 5510?! with camera?!!!
ok ok...i understand. e digicam? naknamputcha! pano ko makukuhanan ng alaala si jennifer lee??!!!

and from that moment of realization, i learned my lesson - mag-ipon. pambili ng digicam.(hint: sa venta5, magaganda 'yung binebenta, mura pa! digicam for Php5,000)

pero bago ako nag-walk-out/nagbigti sa panghihinayang at frustation, nagkasundo kaming umakyat na. baka daw maubusan ng upuan.

umakyat na kami. sa entrance, pinalbas 'yung ticket, tatatakan daw. tapos, nanduon na 'yung mga kaklase kong pare-parehong miyembro ng isang club, kaya sila 'yung naatasang mag-ushers. bago pumasok sa loob ng auditorium, kinapkapan na ako nung guard. may sinabi siya pero 'di ko pinansin. kinapkapan 'yung bulsa ko, nakapa niya 'yung cellphone kong mabigat (5510, WALANG camera). may sinasabi talaga 'yung guard sa akin pero who cares? pero ayaw akong papasukin kahit nakapkapan na ako. hanggang naulinigan ko 'yung sinasabi niya. pinapabuksan pala 'yung bag ko para ma-inspect. SOP nga pala 'yun. how i forgot! buti walang ibang nakapila sa likod kundi 'yung ibang ka-anti-social ko lang.

binuksan ko 'yung bag ko, and i let manong inspect it. sa bag ko may burn magazine, lagi kong dala para lalagyan nung mga bond papers and documents na hindi dapat malukot. medyo siniyasat niya 'yun nung makapa 'yung mag. kinabahan ako. akala ko ipagbabawal 'yun kung hindi si jennifer lee 'yung cover girl. buti pinalampas. then, SHOTSHING!!! i'm on there... nung una, napilitan lang akong manood for the sake of not losing the attendance. finally, i thanked the instance na "napilitan lang ako...". ok na, kahit masama pa rin ang loob dahil walang camera ang 5510 ko.

pero hindi ko alam kung bakit wala 'yung atensyon ko sa sinasabi ng gurad nung ini-inspect niya ako. gayong 96% ng good-citizenship ko eh automatic akong nagbubukas ng bag at nagpapakapkap (nagpapahipo) for security inspections.it's mysterious. i believe jennifer lee brought the viral infection.




"With a taste of poison paradise, I’m addicted to you. Don’t you know that you’re toxic?"
~ britney spears, 'toxic'

******************************************


(to be containude)


:D




******************************************

mumunting sulit na pagsusulit

I. vocal-bulary. ibigay ang kahulugan o ilarawan ang mga sumusunod:

1) iTam Dream Academy
2) anti-social
3) JLS
4) nokia 5510
5) venta5


II. enumeration. enumarate mo. enumaration.

1) sintomas ng JLS (tatlo, pwede ring lima)
2) mga kilala mong anti-social
3) tatak ng digicam


III. questions for discussion. sagutin mo lang.

1) normal ba ang maginganti-social? sang-ayon ka ba sa existence nila sa mundo?
2) gaano na ba kasikat si jennifer lee?
3) bakit nanghihinayang ang may-akda sa cellphone niyang walang camera?
4) ipaliwanag kung gaano kalaki ang "96% good-citizenship".


takda: mag-research tungkol sa bandang "keltscross"



lahat ng inyong sagot ay pwedeng i-post sa comments o kaya ay ipadala sa bobongp3so@yahoo.com.

first time ko magbigay ng quiz...sorry kung mahaba.

******************************************






--peso--