namimiss ko na rin 'tong blog na 'to... sa dahilang hindi na ako nagpopost ng 'di sumasala sa panahon, dahilan para maboring sa paulit-ulit na nababasa ko dito...
kung nagrereklamo siguro 'tong blog na 'to matagal na 'tong naghanap ng ibang amo. o kaya nagpadala ng e-mail sa akin na nagsasabing i-delete ko na lang kung 'di ko ma-update.
pero kung ganun man, isa lang masasabi ko: TANG ORANGE H'WAG MO 'KONG PANGUNAHAN! :p
****************************************
tambak na rin kasing usapan ang gumugulo sa utak ko - mga balak, plano, drawing na hanggang doon na lang. pero alam kong hindi naman ako nag-iisa. marami rin naman ang mga katulad ko (o kaya mas grabe pa nga sa akin) na nag-create ng blog nila 2 years ago at hanggang ngayon e first and latest post pa rin ang mababasa mo. :D
pero wala akong magagawa. meron...pero hindi ko magawa-gawa. mahirap pagsabayin ang mga mas prayoridad mo. tulad ng paglalaro ng minesweeper.
****************************************
alam mo namang maraming ginagawa. ganun talaga. wala nang ibang dahilan. hindi sa tinatamad. talagang hindi lang mapagtuunan ng pansin. maraming ginagawa. at marami na rin palang nangyari...
> case study sa algorithm - to be submitted by this week. wala pa akong documentation. puro programs pa lang...pero hindi pa lahat nasosolve ang problem. kulang pa ng isa. tungkol sa infix to postfix, infix to prefix, at infix to binary tree.
> database - yeps...gagawan pa ng database ang english resource center ng school. may kagrupo ako dito at mas marunong siya sa akin pero TANG ORANGE...hari ng "madali lang 'yun! basta bigyan niyo ako ng lahat na kakailanganin sa pupupupupupu...". hari din ng "sus! kaya 'yan!". pero hari naman ng procrastination ata kapag bukas na ang pasahan, magkakamot kapag aapurahin ko. PUTRIStination!
> lumipas na ang 214 na puno ako ng pangamba sa utak dahilan sa kung anu-anong hakahaka man o totoo. sinabi ko sa sarili kong may gusto akong gawin na may kaugnayan sa araw na 'yun na gagawin ko sa ibang araw, pero hindi ko din nagawa... sa dami ng ginagawa... mabuti hindi ako nangako. or else pwede na akong kumandidato.
> foo fighters - skin and bones. compilation ng live recordings ng foo fighters - may isa na naman akong cd at foreign pa! treat ng tita ko galing japan. pinapili ako ng cd...siyempre 'yung hindi ko na basta mabibili! foreign na!
> bridge for P50. sale. walang bumibili eh. binili ko na rin. P250 talaga 'yun. 'yun nga lang, may basag na 'yung case.
> ginebra, PBA latest champion. punyemas na san miguel beer! sayang... ningas kugon! dapat 'di na nila pinaglaro si ildefonso dahil nung 1st 2 games, hindi siya naglaro pero nanalo 'yung SMB. buti hindi ako pumusta. may araw ka din caguioa!
> love team nakalabas na! ang ganda nung video! nakakaiyak... :( nababakla tuloy ako kay gerald! ;p
whew...
****************************************
well hopefully, hoping not to loose a hope...
kapag nakalibre ako...ibubuhos ko na lahat. talagang marami lang iniisip. marami lang ginagawa. nakapikit na alng akong nag-type para kunwari may silbi 'tong ginagawa ko...na sa totoo e para lang madetect ng blogger na ginagamit nga 'yung account na inilaan nila sa akin.
why struggle to create a better post? i think this is betterer.
dedicated for all my readers, composed of:
10% - wanderers
20% - mimi
70% - ako
--peso--


