20070123

isang biyahe ng buhay...

kumusta friends? pasko pa pala huling post ko...panahon pa ni turbo man.

anyway... wala lang. ýung titulo, walang kinalaman kung bumiyahe ako o naglakbay sa mga karagatan o himpapawid. hindi ako nangibang-bansa o nag-mall tour. hindi ako nagroad trip o nag-ikot sa buong pilipinas. hindi ako nag-ala "run forrest! run!"

"isang biyahe ng buhay" - subtitle kasi 'yan ng isang indie film na pinanood ko kagabi: Sitak. kabibili ko lang nun nung linggo. hindi na ako nakatiis kaya pinanood ko na. marami nga akong choices dun e - roomboy, mga pusang gala, sarong banggi, anak ni brocka, at exodus. at ngayong "nasakyan" ko na ang sitak, namumroblema na ako ngayon kung ano na ang susunod kong bibilhin kapag nagawi uli ako sa mga video stores. siyempre, problema din ang pag-iipon.

*********************************************

Sitak (Isang Biyahe nf Buhay)

Starring:

Gerry Cornejo - main cast (natural! alangan namang unahin ko pangalan nung mga extra!). ginampanan niya yung role na "Jack".
Chanda Romero - asawa ni Jack.
Lou Veloso - paring kinumpisalan ni Jack.
Reno Romero - hindi sigurado, pero siya YATA 'yung papable na anak na ni Jack.
Jam Rodriguez - ýung babaeng anak ni Jack na nabuntis dahil na-rape. (pero hindi pinakita yung rape scene...daya)

nandoon din sina:

Valerie Tan - kilala mo siya? siya 'yung kasama ni Ivan Mayrina sa "Sapulso" every monday night sa Qtv. sa kwento, isa siya sa pasahero. Valerie Roxas 'yata ýung pagkakakilanlan sa kanya.
At marami pang ibang hindi ko kilala...

summary? ikukwento ko pa ba? h'wag na! mahaba eh... kung may tsansa kang makakita ng bala nito, bilhin mo na. pero please, h'wag sanang pirata dahil HINDI WORTH PANOORIN ANG MGA PINIRATANG INDIE/ART FILMS. MANIWALA KA SA AKIN. KAHIT NGAYON LANG.

tsaka kung avid fan ka ng Cinema one sa cable tv, malamang hindi mo rin 'to pinalampas.

*********************************************

matagal (na hindi naman talaga) na rin akong/kaming nag-iipon ng mga indie films. 'yung mga una, budget ng nanay ko. pero nung katagalan, ako na rin ang nag-ipon. medyo nagsasawa na rin kasi ako mangolekta ng mga OPM idie albums dahil parami na sila nang parami, at palabas na nang palabas. 'yung iba naman nauuwi lang sa pagiging pogi rock o emo para lang bumenta. (example: "@#*&^()").

naalala ko tuloy ýung sabi nung prof kong bahista ng bandang 'wanda': "good music does not always come with a tag price". 'di ko alam kung ano ang kauganayn nun sa pogi rock.

besides, sarado na rin ýung tower records sa sm north edsa. closed na raw nung tinawagan ko. hindi ililipat ng location. malamang nalugi. eh kasi ako lang yata ang bumibili dun eh. ang mamahal pa ng mga albums nila dahil may patong. tsaka siguro nakarma yung "matangkad" na security pumuna sa akin dati (see previous posts regarding this story).

balik sa topic... sabi ko nga marami-rami na rin akong mga bala ng indie films. pero none of them is subjected to hiring. gusto ko may kapalit na ibang bala na hindi ko pa napapanood, na indie din, na hindi pirata. paborito ko sa lahat - Big Time, starring itchyworms bassist Kelvin Yu as cool henchman.

ang maganda sa kalakaran ng movie industry ngayon, naglalabasan na talaga ang mga indie films - from cinemas to vcd/dvd copies. nagsimula yata ýun nung unti-unti tayong manalo gamit ang mga pamatong "ang pagdadalaga ni maximo oliveros" at "kubrador".

*********************************************

to give you a glimpse of sitak... (ganito talaga ako... nag-che-change topic nang walang sabi-sabi)

kwento ýun ng isang lalaking nasisante sa trabaho. ginusto niyang magpakamatay, pero lahat ng sinubukan niyang paraan e naudlot lang. in short. hindi siya makapagpakamatay. hanggang nung last attempt niya, naka-encounter siya ng tao - isang taxi driver - na nagbigay sa kanya ng ideya kung ano ang isa sa mga pinakakarumal-dumal na paraan ng pagkamatay sa pilipinas - ang pagtatrabaho bilang taxi driver.

so nag-taxi driver siya, sa pag-iisip nang "e ano kung mamatay? ok lang!". hanggang isang gabi, dumating ang pagkakataon na pwede pa na siyang mamatay (thru hold-up ano pa ba?!), pero sa mga hindi inaasahang pangyayari eh hindi siya napatay ng holdaper, sa halip ay natulungan pa niya ang holdaper na 'yun para magbagumbayan este magbagongbuhay. bigo pa rin siya sa plano niya.

pero oks lang 'yun...nung time na dumarami na kasi ang pasahero niya (na karamihan eh mga problemado)...nadiskubre niyang hindi pala siya ang may-aari ng pinakamabigat na problema sa mundo, dahilan para magpakamatay siya. sa halip...tinulungan niya na lang ang bawat problemadong pasahero sa pamamagitan ng mga pagpapayo niya. psychiatrist. psychologist. call center.

pero sa huli...sa katapusan...matapos ang mistulang nalalabing "misyon" niya sa buhay, namatay din siya. tapos ang kwento!

paano namatay si jack?

*********************************************

bakit ko gusto ang 'sitak'?

malupet ang kwento. simple. applicable sa lhat ang pangyayari. kung ano ang mapapanood mo sa sitak, ganun ang posibleng mangyari sa buhay mo. 'yun e dahil inilarawan sa kwento kung gaano pwedeng maging kaigsi, kahaba, kawalang-kabuluhan, kapakipakinabang sa iba, kasaya at kalungkot ang buhay ng isang tao.

ganun kasi ang buhay. hindi ka sigurado. para ka ding bumabiyahe. para kang nagro-road trip. pwedeng magka-road accident. pwedeng magkaroon ka ng mga pasahero o mga makikisakay lang. bawat biyahe mo, hindi mo mana alam ang pupuntahan, eh siguradong may mga lugar kang mararating hindi mo man ito alam. may stopover. mafa-flat ang gulong. may tollgate. may taeng magugulungan. may masasagasaan. may ganito at may ganito din.

(alam kong marami ka nang narinig tungkol sa pagkukumpara ng buhay ng tao sa isang "biyahe". ikaw na ang bahalang mag-isip ng iba. alam kong naiintindihan mo ang sinasabi ko.)

ganun lang kasimple. dahil sa unang kita sa palabas...parang wala lang. pero kung iisipin... "ganun nga lang pala talaga ang buhay".




"if life is so short"
~ the moffats, if life is so short

*********************************************

sitak vs. sa north diversion road

"sa north diversion road" (starring john arcilla and irma adlawan) is another indie film na 97% ng mapapanood mo eh road trip din. hindi ko maialis ang koneksyon nito sa sitak. pero ano nga ba ang pagkakaiba at pagkakapareho?

ang sa north diversion road (SNDR) ay tumatalakay sa "infidelity" o kawalan ng katapatan sa taong minamahal mo. kwento ang SNDR ng isang mag-asawa kung saan ang lalaki ay may mga naiisip na "malulungkot" na pangyayari sa buhay-mag-asawa habang binabagtas niya ang isang mahabang daan kung saan iba-ibang posibilidad ng buhay ang nakikita niya. malungkot dahil "infidelity" nga. 'yung tipong "bakit kailangang mangyari 'yun? kailangan ba talagang magtaksil? ano ang pagmamahal?". in short. love story ang SNDR.

ang pagkakahawig ng SNDR sa sitak ay ang pagtalakay sa buhay ng tao. naipakita ito sa sitak sa anyo ng pagbiabiyahe o pagtataxi. naipakita naman ito sa SNDR sa pamamagitan ng isang mahabang daanan - ang north diversion road.

parang daan...isang mahabang daan. ganun ang buhay 'di ba? iba-ibang exit. parang north diversion road. kapag nakarating ka na sa isang exit, akala mo 'yun na ang dulo. hindi pa pala. may mahahaba pa palang daanan mula doon, patungo sa kung saan-saan pa...



"walang katapusan...walang katapusan!"
~ join the club, isang minuto sa buhay ko

*********************************************

sitak vs. magnifico

matapos ang pagkukumpara sa "buhay" at "kalye", iba naman ngayon... hindi ko rin kasi maiwasang maipagkumpara ang sitak sa "magnifico" (starring jiro manio, lorna tolentino, albert martinez). now, this has something to do with the "mission" of man.


simple lang...sa parehong pelikula, parehong namatay sila jack at magnifico. 'yun e pagkatapos nilang magampanan 'yung misyon nila sa buhay - matapos matulungan ang iba. matapos ang lahat. ganun lang pala ang ending. dedo.


pero may pagkakaiba din 'yung dalawang films na 'yun, kung ang pagbabasehan eh 'yung reaksyon ng nanay ko pagkatapos nung palabas.

magnifico
"ay ang lungkot naman. namatay siya. marami pa naman siyang natulungan!"

sitak
"o? ano'ng nangyari? namatay?! nalason siya?! ay ang pangit ng ending!"


'yun na 'yun.



"natapos na ang lahat..."
~ hale, kung wala ka

*********************************************

ngayon...

iniimbitahan kitang panoorin ang "sitak". kung may tsansa kang makabili ng kopya...sasabihin ko sa 'yo, worth bilhin ang pelikulang 'to.

'wag mong bilhin 'yung ilusyon (starring yul servo and jaycee parker). oo, maganda 'yung kwento nun...pero humaba lang 'yung palabas dahil sa maya't mayang bed scenes nila yul at jaycee.



sitak. isang biyahe ng buhay.

sakay lang!







--peso--