20060828
philman
tinuldukan na noong sabado (august 26) ang isa sa mga subjects ko para sa term na 'to.
ito ay dahil trimestral ang takbo ng east-asia at finals week na namin sa a-trenta hanggang a-dos ng setyembre. maigsing thirteen weeks lang namin pinakikisamahan ang mga nagiging subjects namin - makabuluhan man, maganda, boring, walang kwenta, at kung anu-ano pa. pero sa lahat yata ng naging subjects ko dito sa FEU-EAC so far, and hopefully sa lahat ng magiging subject ko pa, siguro PHILMAN (philosophy of man) yung PINAKA kakaiba sa lahat. kumbaga sa high school, yun yung subject na tinake ko kay ma'am kath.
two hours ang philman namin. dahil last day na nga nung sabado, sabi ni sir red, irereview na lang daw kami para sa finals. madali lang naman daw yung finals. multiple choice. kailangan lang namin kilalaning mabuti ang mga taong naidiscuss na namin, at alaming mabuti kung ano man ang mga contribution/s nila sa field of philosophy. objective type. kakaiba nga eh. kasi ang quizzes niya, essay. pero sa finals, multiple choice!
so review. review. nothing new. new siguro yung ibang mga names na nabanggit nung araw na 'yun dahil hindi siguro ako nakinig nung araw na diniscuss yun.
after nung review, siguro mga 15 minutes na lang ang nalalabi bago kami idismiss, tinanong niya kami: "is there anything else you would like me to do? sa inyo ko lang 'yan tinanong, ha. sa section niyo lang."
sigawan sa klase: "kwatro! kwatro!"
tapos, inexplain niya sa amin: "kwatro? blahblahblahblahblahyadayadayadayada.... (mahaba yung explanation, idederetso ko na sa point niya) .... 4 is just a number. if you get philman just for the sake of passing the subject, passing the course, i think you're missing out the whole point."
oo nga naman. may mga estudyante nga kasing ginagawang isang matinding pangangailangan ang "pagpasa" sa mga subjects kahit minsan hindi naman dapat, o di kaya, hindi naman dapat "pagpasa" lang. sa kabilang banda, marami rin namang masyadong "ipinagwawalang bahala" ang subjects nila, kahit gaano man ito kasimple, sa pag-aakalang hindi nila ito kailangan. oo, nag-aaral ka para pumasa, AT matuto. kailangan mong piliting pumasa dahil sayang nga naman yung perang ginastos mo sa pag-eenrol sa subject na yun. pero sabi na rin nugn prof ko, iba ang alam mo sa natutunan mo. "what you know is different from what you learned."
*********************************
ok naman ang 1st impression ko sa philman nung 1st meeting nung june. mukha namang hindi boring dahil sinabi na agad nung prof ko na "buhay ng tao" ang topic sa subject na 'to. pero dumarating yung times na wala ka talagang magagawa kundi mapapikit sa antok everytime philman namin. hindi kasalanan nung subject, kundi dahil nakasked ang philman namin after lunch break. noon time show!
may mga panahon din na habang nagdidiscuss, naiintindihan mo at nakakapagreflect ka pa sa buhay buhay mo. tapos, maya maya, pagkatapos nung subject, makakalimutan mo lahat ng tinuro. hindi ko alam kung bakit. pero kapag ganun, sigurado ako sa sarili kong NAINTINDIHAN ko ang mga idiniscuss nung prof dahil mawala man ito sa isip ko, alam kong naaalala ko uli ito kapag dumating yung tamang pagkakataon na magagamit ko na 'to. siguro gifted ako kaya ganun. yung iba kasi, naiintindihan lang yung lesson on that moment of discussion. after the subject, wala na, at hindi na uli nila maaalala.
*********************************
actually, yung final 15 minutes namin sa philman, kung tutuusin, matagal pa yun dahil iba yung feeling kapag nakikinig ka sa mga pahuling salitang pinapabaon sa amin nung prof ko.
actually, nakailang tanong din si kan-kan kay sir. eversince kasi, matanong na siya. ang lupet ng utak niya. sabi ni sir nung nagtataas na naman ng kamay si kan-kan: "mr. turno, maraming-maraming salamat sa'yo! alam mo bang ikaw ang isa sa mga pinaka nagbibigay-buhay sa subject na 'to? kasi philman tayo eh. UTAK ang pagaganahin mo. para saan pa kung hindi ka magtatanong, kung hindi ka mag-iisip."
hindi eksakto 'yun, pero ganun ang point of view niya. oo nga naman. naisip ko, kung hindi ko gagamitin ang utak ko, sino ang gagamit nito?
*********************************
tanong ni kan-kan nung 1st philman meeting: "sir, how do i make my own proverbs?"
sagot sa kanya nung prof ko: "there are two ways - an easy one and a difficult one. which do you want first?"
"whatever suits you, sir."
"ok. yung mahirap, you sum up your life. ang isang taong nakakapagbigay ng magandang proverb (quote) eh yung karaniwang malapit nang mamatay. yung mas madaling paraan, you copy."
tanong ni kan-kan nung last philman meeting naman namin: "sir, anong proverb po ba ang maiiwan niyo sa amin?"
sagot ni prof: "what doesn't kill you makes you strong."
hindi ko na naintindihan o maalala kung ano yung explanatioin niya dun. hindi ko rin alam kung sino nagsabi niyan. pero sa tingin ko, gusto niyang sabihin na hanggat buhay ang tao, sige lang nang sige. 'di mahalaga kung madali o mahirap ang pagdadaanan, basta hindi mo ito ikamamatay, tuloy lang. dahil ganun ang buhay. what does not kill you makes you strong. lalakas ka pa. red bull!
*********************************
nagtaas na naman ng kamay si kan-kan: "sir, ano po ba sa tingin niyo yung naicontribute niyo sa field ng philosophy?"
prof: "siguro, yung naicontribute ko sa philosophy, yung napapag-isip ko kayo nang malalim. kapag napapaisip ko yung mga estudyante ko, ayos na sa akin yun."
hindi ko alam kung bakit ko binobold face lahat nung sinabi nung prof ko.
anyway, sinabi niya rin sa amin kung ano talaga ang dapat na main goal ng isang teacher. years from now, kapag graduate na raw kami ng east asia, dapat daw mas matalino na kami sa mga naging prof namin. dahil kung hindi, educatuon has failed. example na lang, si plato, naging mas matalino kay socrates dahil magaling magutro si socrates. si aristotle, naging mas matalino kay plato dahil magaling magturo si plato. lahat ng naging matalino ay dahil sa may naging guro silang matalino din. ako, hindi kasing talino ni aristotle, pero cute naman.
*********************************
actually, may gusto rin akong itanong kay sir pero tila yata nawalan ako ng tiyempo kaya hindi ko na rin naitanong sa kanya. gusto ko lang sana malaman na kung may isang parte siya ng buhay niya na gusto niyang balikan para baguhin, ano yun. kung meron man. tipong tanong ni tado yung tanong ko, pero may sarili akong sagot ako sa tanong ko.
gusto kong bumalik sa 1st meeting ng philman. kung alam ko lang na ganito kasaya yung buong oras at buong term na inispend namin sa subject na 'to, nagdala sana ako ng video cam at kinuhanan ko lahat ng two-hour sessions namin eversince. ok lang bumili nang bumili ng bala, kahit mahal. it's worth it!
narealize kong kapag papanoorin ko lahat ng naging discussions namin, para akong nanonood ng isinapelikulang libro ni mitch albom na "tuesdays with morrie." hindi ko pa nababasa 'yung libro pero base sa mga quotes na nabasa ko sa internet na galing sa librong 'yun, mukhang hindi ko ito panghihinayangan once nabili ko na. tama, kung nairecord ko lahat nung philman sessions namin, pwede ko itong icompile at pamagatang "wednesdays and saturdays with reden." ayos! tapos, recto agad! mabenta 'to! yummy...
*********************************
nung huli, may apat na bagay siyang ipinabaon sa amin, ngunit naisip kong ang apat na ito ay hindi pala mga bagay. "the most important things in life aren't things" ~ allan agdan, the catalysts yearbook.
una: be open.
bilang isang taong buhay, maging bukas ka sa lahat ng pangyayaring dadaan sa buhay mo. hwag mong ifilter. may iba na ayaw sa malungkot at masamang pangyayari. tumatakas sila. pero kapag ganun ka, nangangahulugan lang na hindi mo naiintindihan ang buhay. hindi naman sinabing kamkamin mo lahat ng malas sa mundo. pero kapag nakahanda kang tanggapin ang lahat, doon mo maiintindihan kung bakit ka nabuhay. h'wag kang mapili. h'wag puro swerte. h'wag kang maghanap ng madali dahil baka matulad ka sa sinapit ko (oops! this is another story!). h'wag kang maghanap ng madali dahil kusa silang darating sa buhay mo. be open.
pangalawa: be critical.
hindi ibig sabihin na maging anti ka sa lahat. mag-isip ka. be a critical thinker. hindi lahat ng pumapasok sa isip mo dapat laging tama. h'wag kang oo nang oo. tignan mo si mimi, ayaw pang umoo kaya hanggang ngayon, hindi pa kami. critical thinker kasi si mimi. pag-isipan mo lahat. para saan pa't may isip ka kung utak lang ang ginagamit mo? namnamin mo lahat ng nakita mo, lahat ng narinig mo, lahat ng sinabi sa'yo, lahat ng nakain mo, lahat ng naamoy mo, lahat ng naramdaman mo, lahat ng nangyari sa'yo. mag-isip ka. sabi nga ni dong abay, "hindi ko sasabihin ang iniisip, sa halip ay iisipin ang sasabihin."
pangatlo: have an intellectual honesty. (salamat kay aiza dahil pinaalala niya sa akin 'tong pangatlong "word of wisdom" ni sir)
hindi lang sa pangongopya ng gawa ng iba, at pagpe-plagiarize ng lathala ng iba. kapag hindi mo alma, h'wag kang magmarunong. magtanong ka. sabi ng the mongols sa kantang 'bakit nga ba?', "masama bang magtanong? masama bang magtanong? masama bang magtanong?" hindi masamang magtanong. hindi masamang maging ignorante. ang masama, 'yung mamatay kang ignorante. hindi lahat ng bagay na nalaman mo na eh kaya nang sagutin lahat ng tanong mo. kahit nga ako may tanong sa pagkato ko eh. bakla ba ako?
pang-apat: love yourself.
madali lang daw magmahal ng iba. lalo na sa mundong 'to na punong-puno ng tao. pero dahil nag-iisa ka lang sa mundong 'to, ang mahalin ang sarili ay minsan, ang PINAKAMAHIRAP gawin habang nabubuhay ka pa. kung kaya mong irespeto, mahalin, at bigyang halaga ang iba, dapat kaya mo ring ibigay sa sarili mo ang higit pa sa naibigay mo sa iba. kapag kaya mo nang mahalin ang sarili mo, saka mo lang mararamdaman yung tunay na pagmamahal ng naibibigya mo sa iba. at the same time, saka mo pa lang mararamdaman yung kapanatagan sa loob mo. hindi ko sinabing kapag naramdaman mo yung kapanatagan sa loob mo, mamamatay ka na. pero minsan, ganun nga yun. bakla ba ako?
*********************************
hindi madaling gawin yung apat na iniwan niya. bilang isang nilalang na buhay, hindi mo masasabing "human being" ka na nga dahil hindi ka pa ganap na tao. kailangan mo munang mamatay para masabing "buo" yung naging buhay mo. kapag nadaanan mo na lahat - pagsilang hanggang kamatayan - human being ka na. sa ngayon, "human becoming" pa lang daw tayo. sabi yun ni kan-kan. ewan ko. hindi ko alam. sisihin niyo siya. bakla ba ako?
sa huli, idinugtong ni sir sa apat niyang pabaon yung payong "have a sense of humor". totoo yun. eversince, komedyante si sir. idinadaan niya lahat sa tawa. walang masama sa pagtawa basta hindi tumatalsik ang laway mo. tawanan mo ang lahat. hindi ka dadamayan ng mundo kung iiyak ka. actually, flattered ako nung last meeting dahil sa isang pangyayari: nagbitaw siya ng joke. ako lang ang natawa. sabi niya, ''yan na naman, tumatawa na naman si ariel. ako binibilang ko kung ilang tawa ang nagagawa nito kada meeting." yun ay dahil mababaw na malalim ang joke niya at ako lang ang nakaintindi. kapag nakikita niya raw akong tumawa, nararamdaman niyang may kabuluhan yung sinasabi niya. hindi kaya nakakabakla ang tawa ko?
*********************************
nung high school, natagpuan ko si bob ong sa katauhan ng pag-iisip ni ma'am kath. ngayong kolehiyo, natagpuan ko si bob ong sa katauhan ng mas higit na pag-iisp at pagpapatawa ni sir red. astig! wala akong masabi! wala akong tsansang mapapirmahan kay bob ong yung limang libro ko. sana kay sir red ko na lang pinapirmahan.
oo nga pala, pasensya na sa mga bumabasa nito, hindi eksakto yung karamihan sa mga itinype ko sa loob nung double quotes (" ... "). wala naman kasi akong tapre recorder man lang. pero i think i'm not missing the whole point naman. ewan ko.
sa ngayon, babush sa philman. hindi sa walang kwenta yung ibang subject, o walang kwenta yung philman. iba lang talaga yung subject na philosophy. babush as of now...habang ang eskwelahan eh bounded ng tuition fees, miscellaneous fees, at course syllabus, ang philman, para sa iba ay habambuhay na isang subject, lang. ngunit, hindi para sa akin, at sa mga nakakaintindi.
"death ends lfe, not a relationship"
~ mitch albom, "tuesdays with morrie"
--peso--
*********************************
p.s.......
MEEYOW... (update)
sabi ko sa previous post ko, dalawa na lang ang pusa ko - si bakleng at si muting.
ngayon, mukhang si bakleng na lang.
magpapakain ako ng pusa kaninang umaga, hindi na sumisipot si muting kahit anong tawag ko. naalala kong may malaking preparation na ginagawa ang kapitbahay dahil binyag yata nung isang bata sa kanila. sabi ko sa erpats ko, kapag hindi pa lumitaw si muting hanggang mamayang gabi, alam na namin ang ang ibig sabihin nun - tinapon o pinulutan.
"ba't sila'y nag-iinumang masaya? bakit sa lupa magulo?"
~ bamboo, "hudas"
20060820
meeyow...
para sa mga sumusunod:
mingming
bakleng
kutim
muting (the first)
muting (the reincarnated)
taba
brown
pute
igos
bukne
ma. kutim
wiw
...at sa mga isinilang, namatay, pinatay, kinain, umalis, iniligaw, nakabalik, at itinapon muli nang hindi man lamang nailibing o napangalanan...
alam kong hindi niyo 'to mababasa kailanman, ni malalamang para sa inyo 'to. pero kapag oras ko na, gusto ko kasama ko kayong lahat na mga alaga ko...
**************************
nung isang araw, habang nasa taas pa nagrereview yung utol ko, katabi ko si wiw. sigaw siya nang sigaw sa labas gamit ang maliit niyang tinig. wala na kasi siyang kalaro sa labas. wala na yung nanay niya, wala na rin yung mga kapatid niya. yung kumupkop sa kanya, hindi niya naman tunay na ina. wala rin itong gatas na maipadede kay wiw kaya iniwan na rin niya ang kawawang ulila nitong mga huling araw. kaya naisipan kong ipasok na lang muna siya dito sa loob.
**************************
Genesis 1: 24-27
Then God said, "Let the earth bring forth living creatures after their kind: cattle and creeping things and beasts of the earth after their kind"; and it was so.
God made the beasts of the earth after their kind, and the cattle after their kind, and everything that creeps on the ground after its kind; and God saw that it was good.
Then God said, "Let Us make man in Our image, according to Our likeness; and let them rule over the fish of the sea and over the birds of the sky and over the cattle and over all the earth, and over every creeping thing that creeps on the earth."
God created man in His own image, in the image of God He created him; male and female He created them.
**************************
siguro dahil sa magkahalong lungkot at galit kaya ko 'to ginagawa. lungkot, dahil sa tinagal nang panahong napamahal na sa amin ang mga mumunting kasama na para sa iba e mga "perwisyong nilalang", e gayon naman ang pagsalakay ng mga "tarantadong nilalang" na gagawin ang lahat ubusin lang ang mga alagang araw-araw naming pinakakain. galit naman, dahil may mga tarantadong nilalang sa mundo. mga nilalang na ang tawag natin ay "tao".
bago tayo, unang ginawa ng Diyos ang hayop. ayon sa bible, pagkagawa niya sa mga hayop sa dagat, himpapawid at lupa, "God saw that it was good". tapos, naisip niyang gawin ang tao sa dahilang "and let them rule over the fish of the sea and over the birds of the sky and over the cattle and over all the earth, and over every creeping thing that creeps on the earth."
kung iisipin, bantay lang pala tayo ng mga "tunay" Niyang nilalang. security guard. pero bilang paunang sahod, binigyan niya tayo nito (nakaturo ako sa sentido ko). kasi ang sabi Niya, "Let Us make man in Our image, according to Our likeness." siguro yun ang ipinag-iba natin sa mga hayop - ang pagkakaroon ng mas mataas na lebel at kakayahan sa pag-isip, ang pagkakaroon ng kakayahan sa paggawa ng mabuti man o masama, base sa pansariling desisyon, at ang pagkakaroon ng kamalayan sa mga nangyayari sa paligid niya na dahilan para pagbesehan ng mga desisyon at mga isasagwa.
hindi ko lang talaga lubos maisip kung bakit nagagawa ng ibang tao ang manira ng buhay (take note ha, "buhay", hindi "bagay") ng ibang nilalang - hayop man o halaman o kalikasan. e ano kung hindi tao ang pusa? sa lagay natural lang pala sa mga pusa ang iligaw dahil siaym naman kuno ang buhay nito? gusto kong ulitin: buhay na nilalang. kahit ano pa 'yan, may buhay 'yan. ang sabi nila, ang pagkitil daw sa sariling buhay ang pinakamalaking kasalanan. ayoko yatang maniwala dun. kitilin mo na buhay mo, h'wag ka lang mandamay. wala na ngang kamuwang-muwang ang mga hayop sa mundo tapos walang anu-ano mo ring pawawalan ng buhay, magpakamatay ka na lang, kapatid!
hindi mo naiintindihan.
**************************
kaaanak lang ni kutim ng limang kuting ilang linggo na ang nakakaraan. maganda naman ang color combination nung lima - isang puti, dalawang dilaw, isang kakulay nung ina (itim, puti, dilaw, kaya "ma. kutim" ang ibininyag ko), at isang itim na itim. (nakakatuwa dahil first time naming nagkaroon ng pusang itim na itim. bad luck daw ang black. gayunpaman, stick kami sa "black is beautiful".) isa si wiw sa dalawang dilaw. wiw and ipinangalan sa kanya ng kuya ko dahil wala kaming ibang naririnig dito kundi mahihinang "wiw! wiw! wiw!".
sa lahat ng naging anak ni kutim, itong batch na 'to ang talagang binigyan niya ng "lubos" na pag-aalaga. dati, kapag nanganak siya, hindi niya gaano inaalagaan kaya namamatay agad. minsan nga, siya pa ang kumakain sa sariling anak. kaya nga lalo kaming natutuwa sa inahing dating perwisyo sa sariling anak kapag nakikita naming maya't maya umuupo sa kahong kinalalagyan ng mga anak para magpa-breast feeding sa kanila.
pero kung kailan naman marunong nang mag-alaga si kutim ng mga "zerglings", tsaka pa dumating ang isang araw na bigla na lang siyang nawala. base sa kwento dati ng isang kapit-bahay na kamag-anak na rin, isinasakay daw sa taxi nung kapitbahay yung ibang pusa namin tapos itinatapon sa kung saan kaya hindi na nakakabalik. pero minsan nga, ikinuwento rin sa amin ng nanay ko na yung "medyo lolo" ko (asawa kapatid ng lola ko kaya medyo lolo ko lang siya) daw ang nagtatapon nung ibang pusa namin, especially yung mga kuting. so yun nga, nawala na si kutim at mukhang hindi na natandaan pa ang daan pabalik. dapat siguro pinangalanan ko siyang "gretel" 'no?
nung nawala si kutim, naiwan yung lima niyang anak na noon eh nagsisimula pa lang maglakad at makakita dahil dalawang linggo pa lang ang mga ito sa mundo. sinubukan kong timplahan ng gatas at pakainin pero hindi pa nila kaya. gusto pa yata ipag-take-out ko pa sila ng pizza hut! dalawang araw pagkaalis nung ina, namatay yung pinakamaliit sa kanilang lima - yung kulay puti.
sinubukang kupkupin nung isa naming pusa (muting, the reincarnated) yung apat na natitira. akala siguro anak niya. pero dahil hindi naman niya yun talaga anak, wala siyang gatas na maibigay kaya namatay di yung dalawa - isang dilaw at yung impeng-negrong pusa. natira yung dalawang masigla-sigla - si ma. kutim at si wiw.
ilang araw matapos, nawala si ma. kutim. base sa isang saksi na itatago natin sa pangalang "ponga", nung papasok daw ito sa gate namin, bigala daw itong kinuha nung "medyo lolo" ko. tapos, lumabas nung gate ng compund namin. hinabol daw niya ito pero malayo na raw nung nakita niya yung "medyo lolo" ko. naalala ko yung kwento sa akin ni nanay na siya nga raw minsan yung nagtatapon nung mga kuting at pusa. pero wala akong maalala sa kwento ni nanay na yung "medyo lolo" ko eh myembro pala yata Philippine Walkathon 1955.
wala na rin si ma. kutim at ni minsan eh hindi ko narinig ang huni nito kapag dumadaan ako sa mga bakanteng lote malapit sa amin. naiwan si wiw na nag-iisa. ang masaklap, nagising yata sa katotohanan si muting na hindi nga niya anak si wiw (kahit magkakulay sila) kaya hindi na rin niya ito tinatabihan o dinidilaan para matanggalan ng muta sa iba't ibang bahagi ng katawan. kaya kapag naririnig namin si wiw na ngumingiyaw sa labas, pinapapasok na namin at sa loob namin binibigyan ng century tuna at chessboard para kumain at maglaro. peste nga lang nung isang gabi, tumae siya sa loob. minsan, nakakadala. pero nakakaawa rin. at sa loob ko, mas lamang yung nahuli.
kahapon pag-uwi ko, patay na si wiw.
(backgroud music: Orange and Lemons - heaven Knows (This Angel Has Flown))
**************************
kung magpapakwento ka pa, marami akong pwedeng ilahad tungkol sa mga buhay-buhay nga mga naging alaga namin. pero sa tingin ko hindi ko na kailangang magkwento pa nang marami para lang sabihin kung ano talaga ang pakay ko sa sinusulat kong 'to.
nalaman kong marami na talaga ang masasamang tao sa mundong 'to. nabuhay sila pero hindi nila alam ang tunay na kahulugan ng "buhay". wala ako o kaming nalalamang atraso sa kanila o sa pamilya nil o sa mga naging alaga nila. sa buong Nomar 1, proud akong sabihin na role model ang pamilya namin kahit hindi kami pulitiko o aktibo sa kung ano man ang pagdiriwang na ganapin di to.wala akong matandaang may tinarantado ako sa mga alaga nila - manok man o aso o pusa o kahit polar bear pa nandiyan. minsan, sila-sila ang nagtatapon nung sarili nilang alagang pusa, which is ok lang dahil kanila yun. pero ang pakialaman mo at itapon/iligaw/patayin/pulutanin ang hindi sa iyo, lalo na't pag-aari at pinakamamahal ng kapitbahay mo ay, sa tingin ko, isang malaking katunayan na nabuhay ang tao nang hindi niya nalalaman ang tunay na dahilan at kahuluigan ng buhay.
dati masakit. sobra. pero habang tumatagal, nasasanay na rin kami. pero anak nag puta, namihasa ang mga tado! kung sa bundok na walang pinag-aralan ang mga tao eh hindi nila basta basta pinapatay ang mga hayop kung walang matinding dahilan, bakit ganito sa isang sibilisadong pamayanang mulat sa mga tamang aral e patuloy sila sa pagkuha ng buhay na pag-aari ng iba? sana man lang kasi nagpaalam muna sa amin at sabihin ang lahat ng reklamo nila, baka siguro pumayag pa kami sa binabalak nilang itapon na yung mga alaga namin. ayos lang yun kesa yung kapag oras na para pakainin yung mga alaga mo, tsaka mo sila hahanapin at tatawagin nang walang humpay na hindi man lang nalalamang wala na pala sila.
siguro kung binigyan nila kami ng dahilan at SAPAT na dahilan para itapon ang mga alaga namin, hindi siguro kami magkakaroon ng hinanakit at kaunting sama ng loob sa kanila. bakit, nakapatay ba ng tao ang pusa namin? nakasunog ba ng bahay si kutim? masakit bang mang-apak ng paa si muting? nakakabingi ba ang huni ni wiw? dahil kung simpleng pagnanakaw lang naman ng galunggong sa mesa at pagtae sa bakuran nila ang mga kasalanan ng mga pusa namin, hindi kaya madali naman 'tong pag-usapan, o 'di kaya'y palipasin na lang dahil kung iisipin nilang may mga isip, ang pusa ay hayop (lang), at nilikha na hindi kasintalino nating mga tao?
kung susumahin ang lahat ng mga naging pusa namin, siguro humigit-kumulang isangdaan na sila. at kung iisipin, kami ang may alaga ng mga yun. ibig sabihin, sa isang araw, sa amin lang sila MAS nakalagi. ibig sabihin pa nun, sa amin sila MAS nakakakain, sa amin sila MAS nakakanakaw ng pagkain, sa amin sila MAS tumatae, at sa amin sila MAS nakakaperwisyo. alam niyo bang talagang bumibili pa kami ng tinapa para lang ipaulam sa pusa? alam niyo bang kung wala kaming mga pusa, eh mas makakatipid kami sa gastos sa bigas dahil kada meal namin, pinapakain din namin sila nang tatlong bese sa isang araw? alam niyo bang hindi lang sa bakuran namin dumumi ang mga pusa namin kundi gayundin sa loob? pero ni minsan, hindi namin naisip na itapon ang mga hayop na "perwisyo" sa buhay namin. hindi ko maunawaan kung ano ang nasa isip nung mga taong marunong pa sa mga may-ari.
ngayong dalwa na lang ang pusa namin - si bakleng at si muting - sa tingin ko hindi na kami magkakaroon pa ng mga alagang galing sa lahi ni mingming. marami kaming mamimiss lalo na kung oras na rin nilang dalawa. kinder 2 yata 'yung utol kong bunso nung dumating sa amin si mingming (tagapagkalat ng lagim) mula sa hindi namin alam kung saan. ngayon, 1st year high school na ang utol ko at dadalawa na lang ang descendants ng magiting na lola. si bakleng, lalaki kaya paano magkakaanak? si muting, babae nga pero "abnormal" naman ang pagkapusa kaya paano ito magkakaanak? (abnormal si muting dahil hindi normal ang laki nito kumpara sa ibang pusa. nanganak siya dati pero fetus lang ang lumabas. abno talaga.)
sabi siguro nila, perwisyo ang mga alaga namin kaya napilitin silang itapon ang mga 'to. pero para sa akin, mukhang sila ang hayop at ang mga pusa namin ang tao. oo, naiisip ko talagang mas salot pa sila sa mga linsiyak na hayop na 'yan. at ngayon, alam ko na ang pakiramdam ni sensui ng ghost fighter kaya mas ginusto niyang aniban ang mga halimaw kesa sa mga tao.
hindi tao, hindi hayop, hindi bagay. hindi na yun importante basta marunong kang magpahalaga ng sa'yo at ng sa iba.
--peso--
puntahan mo 'to: http://i86.photobucket.com/albums/k94/mimitaba/meeeyow/ <--- litrato 'yan ng mga pusa ko...
20060803
a while ago + last sunday
reminder: ginawa ko 'to ng august 1, naipost ko ng august 3 due to some technical/pictorial problems, at ngayon ko pinahihintulutang basahin mo.

"haaay...salamat!" - reiman gesmundo, wickermoss guitarist
****************************
"what does the caveman, what does the caveman, what does the caveman do?"
- itchyworms, "caveman do"
****************************
nakanamputch di ako nakapasok kanina! masama pakiramdam ko.
nagising naman ako nang maaga. handa akong pumasok dahil 1st subject ko is p.e. at may practical exam kami sa arnis. ipinagtahi pa naman ako ng pinakamamahal kong nanay ng lalagyan ng arnis mula sa mga lipas na itim na maong nung katatapos lang na gabi at excited akong ipakita yun sa mga kaklase ko (parang bata). nang bigalng...kumalam ang sikmura ko. oo, daily morning routine ko ang pagbabawas (which is a normal habit, body function), pero itong kaninang umaga na naramdaman ko, i felt it's so uncontrollable. pwedeng lumabas at tumulo anumang oras. and so it happened as what i expected. LU ZAO TAI ME!<---not a chinese phrase. pasintabi po sa mga kumakain!
nagdiatabs ako. pero iba ang sakit na gumuguhit sa sikmura. may sapi ang intestine ko. 5:30 ako dapat umaalis para makapagpraktis pa sa practical. e pucha ala-sais na! pinakiramdaman ko muna ang sarili ko. nakaupo. sabi ko sa sarili ko, "letse, mahirap 'to." kinuha ko na lang yung cel, at tinext yung klasm8 q na hindi ko itatago sa pangalang Aiza dahil Aiza talaga ang pangalan niya: "ei, bka d muna aq pmsok ng p.e. skit tyan q e. pede b pktnong kay sir kung pede nxt mting mgprctcal? tnx." at nagreply siya ng "pede". awa ng diyos!
mga 7:00 na yata nung nakita ko yung sarili ko sa sofa namin na nakaupo at nakatulog na pala kakapakiramdam sa nararamdaman kong karamdaman. sabi ng nanay ko, h'wag na muna ako pumasok ng 1st subject, punta raw kami sa doktor. e di nagpunta kami. hindi naman malayo. isang tricycle lang at konting lakad. at habang naglalakad, putcha! ang daming lusaw na tae ang nagkalat sa kalye! kaninong aso kaya may gawa nun? kala mo galing sa akin 'no? ganundin nung nasa doctor's compund na kami - puro lusaw na tae rin ng mga askal. naisip ko na lang na masamang pangitain ang mga yun, senyales na 'di na muna talaga ako dapat pumasok sa araw na yun.
and so, hindi nga ako pumasok. binigyan na lang ako ng doktor ng gamot bilang tanda ng kanyang "malasakit" sa pasyente. tatlong klase yun, tiglilima. 3x a day. P500 LANG daw. sa presyo pa lang, magaling ka na! salamat sa malasakit ni doktora.
****************************
"bigla na lang nangyari kahit 'di ko pa nasabi na mahal pala kita."
- itchyworms, "bituwin"
****************************
pero ang dahilan ko sa pagpopost eh hindi yun. gusto ko lang kasi magpost uli ng mga pictures dito regarding dun sa pinuntahan ko sa sm north edsa last sunday. it was an mtv pilipinas 2006 event, at tumugtog ang wickermoss. and it so happened na may kopya ako nung album nila kaya nagpapirma na rin ako.
4:00 daw yung oras ng tugtog nila, pero ala-sais namin sila nakitang nasa backstage pa at nagrerelax. oras pinoy talaga basta nasa pilipinas ka. pero hindi naman namin ininjan. naandun na kami, so hinintay na naming tumugtog at matapos tumugtog yung banda.
after that, punta uling backstage, kwentuhan, tsika. tinawag ko si kuya reiman gesmundo (guitars). "kuya, pa-sign lang ng album!" at natawa ako sa reply niya: "hay...salamat!". that time, that day, i noticed na ako lang ang nagpapirma ng album. so ganun lang naman, picture taking. wala namang gaanong istorya. siguro dahil tinatamad na rin ako magtype.
tinanong ko na rin si roger alcantara (bass) kung tutugtog yung urbandub sa gig na yun dahil kasama ko yung pinsan kong udub fanatic na magpapapirma rin. hindi niya raw alam. hindi niya raw napansin yung udub sa listahan nung tutugtog. nakita niya raw, cueshe. at sabay-sabay kaming nagsitawa.
mabait yung banda. open sila sa mga listener, fans at nagpapasign, kahit nga dun sa mga kabataang tambay na poser na napadaan lang. nung nagpapasign ako kay kuya reiman, may mga lumpit na kabataan, de hikaw, "posers" ang dating, i don't know how many. sabi nila kay kuya reimz, though not exactly: "kuya paapir namn dyan!. idol na idol namin yung wickermoss eh!". edi pinaunlakan naman ni kuya reimz dahil wala namang masama 'di ba? kung nagtitrip lang yung mga youngsters na 'yun, wala na kaming pakialam. basta, it shows na hindi namimili yung banda ng ngingitian.
unfortunately, hindi ko nakausap si kuya leo barrite (drums) dahil mukhang masama pakiramdam niya nung araw na yun. pero i bet masarap silang kasama, kausap, kainuman, kajamingan. may picture din kami ni ate deo advincula (vocals).
nung huli, babay na. wala na raw silang gig na susunod. pahinga muna. e pagod na rin akong magtype, pahinga muna.
yung mga photos, here goes (don't worry konti lang 'to):
****************************

--> a shot after signing my album

---> me and kuya aris (my cousin) at the side of the stage, while watching wickermoss performing

---> me and wickermoss. yung natakpan is kuya reiman, the guitarist. sori kuya reimz!

---> me and ate deo advincula (voacls)

---> it's roger, the bassist, signing my album.

---> with roger rocking hands; mukha akong may sapi... :P

---> this time with aris

---> champ tan and roll martinez of hale :p
****************************
by that time na nagsialisan na ang banda, nakita ko si kc montero dahil mtv nga yung host nung event. marami ang pumipicture sa kanyang kababaihan gamit ang camera-bearing-cellphones nila. sabi ko sa pinsan ko, "pucha, wala tayong cellphone!. pero 'di bale!" hindi pwedeng wala kaming kuha ni papa kc montero! ano nangyari?
heto:
****************************

---> girls all around taking picture at papa kc so he looks everywhere.
.
..
...
....
.....
......
.......
........
.........
..........
.........
........
.......
......
.....
....
...
..
.
but it isn't over yet...
here's my favorite photo of that day!

: )
blessed be the day!
****************************
--peso--
(hoping more to come...)
potahbuckshet!
anak ng toklay! ayaw mag-upload ng blogger! namimili ng picture!
peste...hindi naman pwedeng hindi kumpleto ang ilalagay kong picture!
sabi ng kaibigan ko: "pare, gumawa ka ng account sa photobucket. sobrang helpful!"
sabi ng kapatid kong 6 years younger than me: "itag mo na lang gamit photobucket."
sabi ng photobucket mismo: "Photobucket provides free video and photo sharing. Easily host and link your images and videos to social networks, auction sites, blogs, and message boards. Photobucket is reliable and very easy to use. Give it a try!"
at sabi nilang tatlo: "It's for FREE!"
ano pa nga bang magagawa ko...
***
wala akong cellphone, kuntento ako sa telepono. wala akong friendster, wala akong multiply, wala akong ringo, pero marami akong invitation mula sa kanila. hindi rin ako nagwa-ym (chat) at itinigil ko na rin ang IRC dahil sa mga umaatakeng trojan.
sinabi ko sa sarili kong kuntento na ako sa yahoo! mail at yahoo! groups hanggang matagpuan ko ang blogger. ok fine! pangarap kong magkaroon ng website e. pero since mismong html na puhunan mo sa paggawa ng website e hindi tinuro ni sir danny nung high school, tinikman ko ang blogger.com. bingo! blogsite is a website. "it's my house, and i don't care what you think of me", sabi ng itchyworms sa kantang "happy house".
ngayong may tatlong bisyo na ako sa pag-iinternet, isang malaking hamon o TOPAK ang umaabala - namimili ang blogger ng picture na ia-upload ko! alam kong may limitation ang total size na pwede mong iupload, pero 'yung pamimili nung photos na mailalagay, parang hindi ko yata 'yun nabasa sa "blogger FAQ's" (read as "fak kyus").
pano bang namimili yung pinagsasasabi ko?
ganito: may inapload ako, succesful! pero walang picture nung inapload ko ang lumabas sa edit page o sa preview page o sa mismong blogpage ko. sinubukan ko uli...aba'y gumana naman sa ibang picture! tapos, ayaw na naman sa isa, ayaw dun sa isa, tapos, pwede na uli sa isa pa! it's like magic!
***
kaya ngayon, mukhang no choice. kelangan ko na yata talagang gumawa ng photobuckshet account. whew! another dependent account! actualy meron na ako, pero wala pang laman.
nung una, ayokong gumawa ng account kasi may mga nabibisita akong blogs/webs na may mga pictures na nakalink sa photobucket. e tinamad akong i-click yung link. bakit na lang kasi hindi ilagay dun sa mismong page 'yung mga litrato 'di ba? kung audio o video downloads, pwede pa. pero kung pwede namn sa site mo 'yung photos, why not? nakakatamad! naisip ko ngayonng dalawa lang ang nagbabasa blog ko - si migs na number 1 fan ko, at si taba na bestfriend ko. kung katulad ko rin silang tamad magbukas ng link, wala nang magbabasa sa blog ko! (which is totoo namang mukhang walang nagbabasa sa blog ko!)
pero kung gaano man kahaba yung nabasa mong talata sa taas, nalaman ko ngayon ngayon lang na mali pala ang pagkakaintindi ko sa photobucket. dahil base sa kapatid kong 6 years younger sa akin, photobucket ang magiging "host" ng photo mo. oo, nakalink sa kanila yung photo, pero sa actual blog mo, may picture na palang nakalagay! ganon pala yun! ayoko na lang kasing burahin yung inimbento kong kwento sa taas..sayang naman yung pagod ko kakatype.
***
so ngayon, i have no choice. binabalaan kita. kung galit ka sa photobucket, pasensya na pero this is the only way by which i can show you ALL the pictures i want to share. kung may mga posts man akong nangangailangan ng maraming litrato, gagamit ako ng potahbucket, este, photobuckshet, este, photobucket pala.
at sa'yo, photobucket, welcome!
--peso--
peste...hindi naman pwedeng hindi kumpleto ang ilalagay kong picture!
sabi ng kaibigan ko: "pare, gumawa ka ng account sa photobucket. sobrang helpful!"
sabi ng kapatid kong 6 years younger than me: "itag mo na lang gamit photobucket."
sabi ng photobucket mismo: "Photobucket provides free video and photo sharing. Easily host and link your images and videos to social networks, auction sites, blogs, and message boards. Photobucket is reliable and very easy to use. Give it a try!"
at sabi nilang tatlo: "It's for FREE!"
ano pa nga bang magagawa ko...
***
wala akong cellphone, kuntento ako sa telepono. wala akong friendster, wala akong multiply, wala akong ringo, pero marami akong invitation mula sa kanila. hindi rin ako nagwa-ym (chat) at itinigil ko na rin ang IRC dahil sa mga umaatakeng trojan.
sinabi ko sa sarili kong kuntento na ako sa yahoo! mail at yahoo! groups hanggang matagpuan ko ang blogger. ok fine! pangarap kong magkaroon ng website e. pero since mismong html na puhunan mo sa paggawa ng website e hindi tinuro ni sir danny nung high school, tinikman ko ang blogger.com. bingo! blogsite is a website. "it's my house, and i don't care what you think of me", sabi ng itchyworms sa kantang "happy house".
ngayong may tatlong bisyo na ako sa pag-iinternet, isang malaking hamon o TOPAK ang umaabala - namimili ang blogger ng picture na ia-upload ko! alam kong may limitation ang total size na pwede mong iupload, pero 'yung pamimili nung photos na mailalagay, parang hindi ko yata 'yun nabasa sa "blogger FAQ's" (read as "fak kyus").
pano bang namimili yung pinagsasasabi ko?
ganito: may inapload ako, succesful! pero walang picture nung inapload ko ang lumabas sa edit page o sa preview page o sa mismong blogpage ko. sinubukan ko uli...aba'y gumana naman sa ibang picture! tapos, ayaw na naman sa isa, ayaw dun sa isa, tapos, pwede na uli sa isa pa! it's like magic!
***
kaya ngayon, mukhang no choice. kelangan ko na yata talagang gumawa ng photobuckshet account. whew! another dependent account! actualy meron na ako, pero wala pang laman.
nung una, ayokong gumawa ng account kasi may mga nabibisita akong blogs/webs na may mga pictures na nakalink sa photobucket. e tinamad akong i-click yung link. bakit na lang kasi hindi ilagay dun sa mismong page 'yung mga litrato 'di ba? kung audio o video downloads, pwede pa. pero kung pwede namn sa site mo 'yung photos, why not? nakakatamad! naisip ko ngayonng dalawa lang ang nagbabasa blog ko - si migs na number 1 fan ko, at si taba na bestfriend ko. kung katulad ko rin silang tamad magbukas ng link, wala nang magbabasa sa blog ko! (which is totoo namang mukhang walang nagbabasa sa blog ko!)
pero kung gaano man kahaba yung nabasa mong talata sa taas, nalaman ko ngayon ngayon lang na mali pala ang pagkakaintindi ko sa photobucket. dahil base sa kapatid kong 6 years younger sa akin, photobucket ang magiging "host" ng photo mo. oo, nakalink sa kanila yung photo, pero sa actual blog mo, may picture na palang nakalagay! ganon pala yun! ayoko na lang kasing burahin yung inimbento kong kwento sa taas..sayang naman yung pagod ko kakatype.
***
so ngayon, i have no choice. binabalaan kita. kung galit ka sa photobucket, pasensya na pero this is the only way by which i can show you ALL the pictures i want to share. kung may mga posts man akong nangangailangan ng maraming litrato, gagamit ako ng potahbucket, este, photobuckshet, este, photobucket pala.
at sa'yo, photobucket, welcome!
--peso--


