note: mukhang masyadong late ang post ko na 'to. pero wala 'tong kaugnayan sa pagkapanalo ng "pambansang kamao" laban kay oscar larrios ng mexico.
************************************************
ilan na nga ba ang comercials ni manny pacquiao?
simula ng masunud-sunod niya ang panalo laban sa mga Mehikanong manununtok, dumagsa na ang mga offers ng iba't ibang companies kay pacman para mag-endorse ng mga produkto nila. kaya sa bawat telebisyong panooran mo, hindi pwedeng hindi ka makakita ng patalastas, featuring manny pacquiao. kahit music industry nga pinasok na rin niya eh. at may pelikula pa siya ngayon! napanood mo na ba 'yun? (hindi nga lang siya ang gumanap!)
to mention some of the products/company names he used to endorse:
mcdonalds
san miguel beer
smart all-day tixting
exped/darlington socks
magnolia prishmelk and strawberry ice cream (pacman sheik)
dolly tuna
extreme magic sing
alaxan
circulan
no fear
datu puti
at dadami pa yan!
naisip ko lang, paano kaya kung kunin din si pacman ng trust (no. 1 quality condom) para mag-endorso ng produkto nila. imagine mo si pacquiao sa actual commercial, imbes na suot ang gloves, eh trust condom ang nasa magkabilang kamao niya. sabay sabing:
"Dipinsa! Proteksyon (syon...syon...syon...)!!
Suntok! Aperkat! Bawal ang hidbat (bat...bat...bat...)!!!
Oooops...hitting bilu da belt!!!
Right blow! Left Blow! JAB (jab...jab...job...job...)!!!
Trust kundom! Trust me!!!!"
okey sa orayt! talo ang frenzy!!!
pero hindi naman masama ang ideya ko. kung magkakatotoo 'to, pwede pa siyang makatulong sa bansa sa pagpopromote ng family planning! o-ha! role model ng bayan!!
tapos, sa katapusan nung commercial, meron pa siyng punchline na:
"Basta boxer - sweet lover!"
--peso--
(gago talaga ako)


