20060409

________ is such a lonely word

honesty is the best policy...lumang kasabihan...totoo...pero sana totoo nga.

because sometimes, mas masarap pang paniwalaan yung lyrics ng isang kanta ni billy joel - "honesty is such a lonely word. everyone is so untrue"


nakalulungkot talaga


-----------------------------------------------------------------------


kahapon lang, sabado, it was the third day of our final examinations. physics at filipino ang nakaisked.

alam ko nang the other night, lahat kami puspusan sa pagrereview lalo pa't mahirap talaga ang physics at hindi open formula ang exam. kung ako nga, sobrang pagod (at dahil tamad talaga magreview), sabado na nang madaling araw nung magreview ako, nung kabisaduhin ko yung mga formulas, nung gawan ko ng pattern yung formulas para di ako mahirapan sa pagrerecall, at kung anu-ano pang kodigong isinulat sa isipan para siguradong ako lang ang makakabasa kapag oras na ng exam.

7:00 am. oras na ng exam. kapag exam, expect mong hindi yung prof mo yung magpo-proctor sa exam niyo. yung nagproctor, prof namin last term sa programming (na itatago na lang natin sa pangalang "waybi"). mmm...inhinyero si waybi. walang kaso kung isang inhiyero ang magtuturo ng programming, as long as kaya niyang iparating sa estudyante yung dapat malaman ng estudyante. ang pinakaayaw ko lang sa kanya - tamad. tamad siya magturo. ewan ko ba. isa pa, meron din siyang ugali na hindi ko alma kung ano'n tawag. basta, kunsintidor siya in a sense na mawawalan ng dignidad yung mga taong kinukunsinti niya (ewan ko kung nawalan ng dignidad yung mga taong tinutukoy ko). ultimong midterm exam last term, pinopost sa yahoo groups. pag nakita namin yun, alam na namin ang sagot di pa man!

pero eto nga, siya ang bantay. biglang distribute ang exam papers. ilang page lang naman. test I at test II na parehong multiple choice. test I, physics concepts, 2 points each. test II, problem solving, 3 points naman per each. pero lahat ng examination papers, bago yung pinaka exam proper, meron doong "pledge of ", isang pledge na english kung saan ang isinasaad ay yung tungkol sa pagigng matapat ng isang estudyante habang sumasagot siya ng examination. pipirmahan nga yun nung estudyante eh. pero ang alam ko, hindi ka naman ifo-force kung ayaw mo yung basahin o pirmahan. nasasayo naman kung may kabuluhan yung quote na nabasa mo kanina sa itaas.

pagkabigay ni waybi ng papel, sabay sabi sa amin tungkol dun sa mga corrections. tapos, may sinabi pa siya na hindi ko maintindihan dahil ingles. may nagtanong kung pwedeng open formula kahit sinabi na nung pinakaprof namin na hindi open formula - bakasakali.

aba! PWEDE! kapag siya daw yung nasa harap, pwede! since siya yung proctor, pwede!

eh kung open notes? aba! do anything you want na lang! as long as hindi maingay!

at nagsimula na ang piyesta! bulong dito, bulong doon. tanong dito, tanong doon. turo dito, turo doon. may tumutubong sungay dito, may tumutubong sungay doon. ako hindi ko na kaya ang ingay at sabihan ng sagot kaya mula sa pagkakaupo ko sa sulok, hindi ako sumigaw ng "TAMMMAAA NAAAAA!!!!". nagsh-"SSSSHHHH!!!!!!!" lang ako. maingay eh! hindi ako makaconcentrate.

basta ang lama ko, laganap na ang dayaan. may anomalya na. nagkakagulo ang pamayanan dahil sa pinasimulan ng tarantadong pinuno! ang gulo nila. lakaran, bulgar na kopyahan! gusto kong magmayabang na ako lang ang hindi kasali. pinirmahan ko yung kasunduang hindi ako mangongopya, at totoo ako sa sarili ko't ginawa ko. wala nga namang bayad kung mangongopya ka. pero ano'ng pabuya ang matatanggap ko dun? sayang lang yung paggising ko nang madaling araw at pag-ukit ng kodigo sa utak kung ako mismo, sasali sa dayaan. (thanks to my parents sa pagpapalaki sa akin nang ganito)

nakita ko na lang ang sarili kong hirap na hirap dun sa ibang tanong sa exam, hanggang sa nag-mini-mini-may-nimo na lang ako ng sagot. mahirap eh! eh hindi pa naituro yung iba. siguro tatlong test I at dalawang test II yung pure hula lang. kung susumahin, 12 points ang posibleng mawala agad sa akin. ayokong magpakabanal. pero lalong ayokong magpakademonyo.

nung nasagutan ko na lahat ng tanong (salamat dun sa mini-mini-may-nimo na natutunan ko dun sa mga kalaro ko nung bata pa ako), sabay pasa nung papel. pagkapasa ko nung papel, sabay alis ni waybi. putcha ako na lang pala ang hinihintay. balik sa upuan. nakatingin sa akin yung dalawa kong kaklase. malungkot yung tingin eh. hmmm...medyo na sesense ko na kung bakit. lumapit ako sabay sabing "kunsintidor din si gago eh 'no? kung ako lang ang Diyos, wala pang araw ng paghuhukom sinunog ko na siya sa impiyerno." hindi sila kumibo, tama ang hinala ko. nakunsensiya? na-elib ba sa akin? ewan.

sabi nung isa kong kaklaseng lumapit din, "ang galing mo 'tol! ang pogi pa!". sabi ko, "sus! nasa sa inyo naman yun eh. wala na ako diyan sa mga ginawa niyo. kayo 'yan. tsaka h'wag na nating pag-usapan yun. tapos na 'yun. baka tubuan pa ako ng halo sa inyo." kung hindi sana nila ginawa yung hindi nila dapat ginawa, e 'di sana hindi nila ako nakita. bagkus, sarili nila yung nakita nila, at pinuri pa sana sila ng konsensya nila.

after nung exam, masaya ako. proud ako sa sarili ko. masaya ako dahil naging iba ako sa kanila. i had always dreamed of being a unique person, at napatunayan ko yun kahapon. pare-pareho lang sila. ako, ni isang kaibigan, walang nag-alok ng sagot dahil alam nila kung anong klaseng tao ako. at ang maganda dun, ako mismo eh hindi nanghingi ng isang formula man lang. pero sila, inalok lang nung demonyo, bumigay naman! natukso! gusto kasi nila, pumasa! ambabaw para mangopya ka! iniisip ko nun, mali kung mali. sagot ko yun eh. ayokong pakinabangan ang sagot nung iba dahil sila ang umisip nun. ewan ko kung sapat ang bitamina nila sa utak para maisip nila yun. mahirap bang gumawa ng totoo? bakit nga kaya?

68. _________ is the best policy

a. perseverance
b. happiness
c. love
d. honesty

kung ganito ang tanong sa exam, no choices needed. "malaki ka na. kaya mo na 'yan!" - i used to say that to mimi, and she gets angry. alam ng isang taong ilampung taong nang nabubuhay sa paaralan na mali ang mangopya. at alam kong alam niya ang iba pang maling hindi dapat ginagawa. masarap nga ang bawal. pero pag bawal, bawal. bakit kaya hindi nila matanto ang laman ng isip at puso ko, at ng mga taong nakakaintindi sa mga pinagsasasabi ko?

yes. letter d is the answer. it was such a lonely word!

basta ako...hehe. :)

masaya ako dahil meron akong isang dahilan man lang para hindi tuluyang maging abo sa impyerno.





--peso--