20051217

tri

beer
itchyworms
noon time show


nais kong magpakalasing
dahil wala ka na
nakatingin sa salamin
at nag-iisa

nakatanim pa rin ang gumamelang
binalik mo sa 'kin nang tayo ay maghiwalay
ito'y katulad ng damdamin ko
kahit buhusan mo ng beer ayaw pang mamatay

giliw, h'wag mo sanang limutin
ang mga araw na hindi sana naglaho
mga anak at bahay nating pinaplano
lahat ng ito'y nawala nung iniwan mo 'ko
kaya ngayon...

ibuhos na ang beer sa aking lalamunan
upang malunod na ang puso kong nahihirapan
bawat patak, anong sarap!
ano ba talagang mas gusto ko ---
ang beer na 'to o ang pag-ibig mo?

nais kong magpakasabog
dahil olats ako
kahit ano hihithitin
kahit tambutso

kukuha 'ko ng beer at ipapakulo
sa kaldero't lalanghapin ang usok nito
lahat ay aking gagawin
upang hindi ko na isiping nag-iisa na ako

ibuhos na ang beer sa aking lalamunan
upang malunod na ang puso kong nahihirapan
bawat patak, anong sarap!ano ba talagang mas gusto ko ---
ang beer na 'to o ang pag-ibig mo?

(beerhouse instrumental)

giliw, h'wag mo sanang limutin
ang mga araw na hindi sana naglaho
mga anak at bahay nating pinaplano
lahat ng ito'y nawala nung iniwan mo 'ko
kaya ngayon...

ibuhos na ang beer sa aking lalamunan
upang malunod na ang puso kong nahihirapan
bawat patak, anong sarap!
ano ba talagang mas gusto ko ---

ang beer na 'to --- ang beer na 'to ---
ang beer na 'to o ang pag-ibig mo?

20051212

tu


love team
itchyworms
noon time show


'di naman talaga tayo magsinta
pero gusto nila kahit ayaw mo
bagay raw tayo

'di naman totoo mga yakap mo
pang-eksena lamang 'to
'di mo lang alam

na nababaliw na ako sa iyo
'di ko na yata kaya 'to
ang aking lihim na pakay
ay ang lahat nang ito'y gawing tunay

sana h'wag mo 'kong sisihin
kung 'di ko kayang pigilin
sabi mo na mahal mo 'ko
ngunit 'di naman seryoso

sana, magkasingkulay
ang drama at tunay na buhay ko
ang tanging pag-asa ko
ay nasa tambalang ito

sinungaling ka
kapag may tao ay nilalambing mo 'ko
pero 'pag wala, ang sama-sama

turing mo sa 'kin ay parang hangin
bitin na bitin
'di nila alam

na sa dulo ng tagpo
'di na patok mga linya ko
nag-iiba ang 'yong asta
hanggang sa susunod na eksena

sana h'wag mo 'kong sisihin
kung 'di ko kayang pigilin
sabi mo na mahal mo 'ko
ngunit 'di naman seryoso

sana, magkasingkulay
ang drama at tunay na buhay ko
ang tanging pag-asa ko
ay nasa tambalang ito

UEMJ: inferred comment

this was sent to me by my bro...in his digested message in pupil groups.


walang permiso 'to mula kay aprelle...buti na lang walang bumabasa sa mga ivinavandal ko sa pader na 'to...


-----------------

Message: 18
Date: Wed, 23 Nov 2005 10:53:57 -0000
From: "MaHaL aKo Ni Diego MaPa" <aprelle88@yahoo.com>
Subject: OT: Tribute to Eraserheads


UltraelectromagneticJAM

Sa November 29, sa UP Theater, iho-hold ang album launch ngUltraelectromagneticjam, ang Eraserheads tribute album na pinroduceng Jam88.3 in coordination with Sony and BMG.
Matagal na akong naghihintay na magkaroon ng tribute album para saEraserheads dahil ang laki talaga ng naging contribution nila sa OPM.


Pero habang nakikita ko ang lineup ng artists at ang kanilang mgakakantahin, nadidismaya ako. Ang magic ng Eraserheads ay ginawanilang popular ang alternative na tunog. E bakit naman pinuno ng mgapop artists na pakyut ang tribute album na ito?


LOOKS GOOD

Syempre meron namang redeeming qualities ang album naito:

Alkohol ng Radioactive Sago Project - astig ito. Can't wait hearingLourd De Veyra's monotonous poetry and improvisation mixing with theLemon - Marcus composition.

Spoliarium ng Imago - bagay na bagay, with Aia de Leon's etherealvoice.

Maling Akala ng Brownman Revival - siyempre narinig na naman natinito at alam natin na ok na ok. Bago pa man ito nirelease na single,napaindak na ako sa kantang ito sa UP Fair noong 2004.

Superproxy ni FrancisM - sana remix version, at hindi full band, paramas kaiba. Kung magbabanda man, sana kasing-astig nung mga panahon nasina Noel Mendez pa yung kasama ni FrancisM sa tugtog.

Huwag Kang Matakot ng Orange ang Lemons - sa wakas, may kantanggaling sa Natin99. Perfect fit pa ang banda sa kanta.

Tikman ang Langit ng Sugarfree - kumain tuloy ako sa Burger Machinenung isang araw.

Ang Huling El Bimbo ni Rico J. Puno - hands down, kahit di ko panarinig, tiyak na the best single in this album. Kung sino mannakaisip nito, henyo ka!!!


LOOKS HO-HUM

Overdrive ni Barbie Alamalbis - teka, promotional effort ba ito ng Warner Music para sumikat ang kanilang stable of artists?

Pare Ko ng Sponge Cola - ok lang. Hindi bagay yung kanta sa kakanta.

Huwag Mo Nang Itanong ng MYMP - para ka lang nag-request sa kahit anong banda sa Padi's Point pag ganito. Ok lang siguro...

Torpedo ni Isha - ah...sino ito?


LOOKS BAD

With a Smile ng South Border - anong nangyayari pag finufuse angisang classic love song ng isang classic na Pinoy rock band at isangR&B band? Just think of 214 as revived by Luke Mijares. Oh, Lord, why ohwhy?!!!

Magasin ni Paolo Santos - siyet, ok naman si Paolo santos wag lang sakantang ito. Parang hindi ko kakayaning seryosohin.

Alapaap ng 6CycleMind - no comment.

Ligaya ni Kitchie Nadal - para kang nakikinig ng Ligayang kinakanta habang nauubusan ng hininga.


WON'T EVEN TOUCH WITH A TEN FOOT POLE


Hard To Believe ng Cueshe - putang-ina. Ang taong nag-isip namaglagay ng mapopormang pakyut na poseur na rock band kuno na showband naman talaga na hindi marunong tumugtog sa isang Eraserheadstribute ay hindi nakakaintindi kung ano ang ibig sabihin ng musika ngEraserheads.



----------------------------------------