20050629

NASA COM LAB AKO!!!!!!!!!!!!!!!

ASTEGGG!!!!!!!!!!!!!!!!

kasalukuyan ako ngayong nasa comlab ng iskul namin!!!

eh katatapos ko lang mag-hands-on,...free internet daw!!!

but...i wonder why...hindi ako makapunta sa fhm.com...hehe

20050623

WALANG KWENTANG POST SA ISANG WALANG KWENTANG BLOG

ang sarap nga palang gumawa ng blog 'no???

malaya ka kasi pagdating dito. lahat ng gusto mong sabihin, i-post, isalaysay, ikwento, ibulgar, o kung ano pa man, pwede! wala naman kasing pwedeng pumigil sa kalayaan sa pagpapahayag ng isang tao. at 'yun nga ang isang purpose ng bibig.

wala naman na akong pakialam kung may magco-comment dito sa mga ipinost ko. mas ok nga kung wala eh. wala lang naman. natutuwa lang ako kapag nakikita ko yung mga posts kong walang kwenta sa internet. at least, naka-experience gumawa ng site - kahit sa anyo ng isang simpleng "blogsite".

mmm...sige...para sa kapakanan ng lahat ng aksidenteng mapapdaan dito, para saan nga ba ang blogsite na 'to???

----------------

ang miimtaba.blogspot.com o mimitaba.tk ay isang blogsite na ginawa ni peso, isang bobongpinoy (bahala ka na kung ililiteral mo). under ako ng impluwensya ni bob ong (see: bobongpinoy.com or join: groups.yahoo.com/bobongpinoy). pero mas higit ang impluwensiya ng musikang pinoy sa buhay ko.

rakista ba ako??? hindi. ayokong ipahayag ang sarili ko bilang isang "rakista" o "rocker". ayoko ng hip-hop, pero hindi nangangahulugang rakista ako. sabi kasi ni kuya echo singson, gitarista ng bandang boldstar:

oo nga naman - listen to all types of music. wala ka dapat kinikilingan. opm music is all ours. wala ka dapat i-phase out o todo-kamuhian. be flexible, ika nga. since he said that, i realized that we must really appreciate every music we hear because it's art and it's life.

ngayon, may kaugnayan ba ang musika o si bob ong man lang sa bolg na 'to???

---------------------------------

can i use the word "nonsense"??? oo. walang kwenta ang blog na 'to. ang pagkakapadpad mo rito ay isang aksidente. hinipan ka lang ng search engine na ginagamit mo papunta dito. pero wala ka talagang sadya sa blogsite na 'to dahil wala rin naman sadya sa sambayanan ang blog na 'to. ginawa ko 'to dahil trip ko lang...at wala nang iba pang dahilan!















ano...may kwenta ba 'yung post ko???

20050603

tsk tsk tsk...nakakahiya ako...

haha

tawang tawa ako. tawang tawa talaga ako! hiyang hiya pa!


around 6:00 or 6:30 this morning, nagha-hang yung pc. so i keep on restarting it...

while restarting and while the computer operates scandisk to itself, i opened the tv. that time, dahil wala kaming cable, mtv channel 41 lang ang merong palabas. yung ibang channel, nagpapalabas pa ng mga puting langgam na nagcoconcert.

mmm...palabas sa mtv, RISING STAR! idol ko - orange and lemons. pinalabas yung video nung "hanggang kailan".

so i called my bestfriend. alam ko kasi, trip niya rin yung orange and lemons kahit na sa mga oras na iyon eh alam kong mas trip niya na yung hale.

i called her. after a couple of ring, may sumagot. hindi ko alam kung mama niya o sister niya. sabi ko (in a polite manner):

"hello. good moring po (nakangiti pa ako niyan). pwede po ba kay ----- (for privacy)----???"

and she replied (politely???):

"ang aga-aga. natutulog pa! (exactly as it was)"

and i replied to her reply:

"ah tulog pa po. sige po. thank you!"


hindi ko alam kung bakit ako nagpasalamat. parang dapat kong sabihin eh "sorry" 'di ba?

-------------------

naisip ko lang, paano kung magising na yung bf ko at ikinuwento sa kanya nung nakausap ko yung pangyayari?

ano kaya sasabihin nun???

lintek na yan! tawag nang tawag sa 'yo! araw-araw nang tumatawag yun 'di ba? hindi pa nakukuntento! ang aga-aga tumatawag na! parang walang magawang magaling ah!

eh mommy/ate kasi po...

hinde! wag mo na yung patatawagin yun dito ha!

and what if my bestfriend told me not to call her anymore???

tanga ko lang. oo nga namn. ang aga-aga pa, nang-iistorbo na ako ng mga mamamayang ayaw paistorbo.

hay...nakakahiya. wala tuloy akong mukhang maihaharap sa bestfriend ko...ni boses na maipaparinig man lang sa kanya...

-------------------------

lesson/moral: tumawag ka na sa lasing, h'wag lang sa BAGONG GISING!

unang araw...


ang nakaraan...

sino nga ba si mimi? bakit sa kanya nakapangalan ang blog na 'to???

---------------------------------------

kanina lang nagsimula ang unang araw ng pasok ko sa college. ibang klase. ibang klase (inulit). ibang-iba sa high school. kung sa pangingibang-bansa, naculture-shock ako sa unang tapak ko sa kolehiyo.

bakit kakaiba? oo, tulad ng dati, maghapon ang pasok ko kanina - 7:00 am - 3:45 pm. pero hindi yun ang kakaiba.

kung paramihan ng subjects kada araw, mas marami nung high school ako. nung high school kasi ako, about 7-8 subjects or more or less per day (huh?). ngayong college, 3 subjects per day. pero, 2 hours kada subject. straight. pero sa tingin ko, maigsi pa yun. sisiw pa. kaya hindi pa rin yun yung kakaiba.

bakit nga kakaiba?

wala lang. namangha lang ako sa vacant time namin. kung noong high school, eh binibigyan kami ng dalawang tigte-trenta minutos na break after 2 to 3 subjects (which i both spend through sleeping), ngayon naman eh binibigyan na kami ng isa - oo, isa lang - isang umaatikabong na 2-hour vacant! hindi ko alam kung luma na 'to para sa mga dun sa mga lumang college students. pero para sa akin na first time nakatuntong sa isang regular college class, wow!

hindi sa "wow" na pagkamangha. kakaiba lang ang dating sa akin. actually, more than 2 hours nga yun eh - 2 hours and 30 minutes. yung 30 minutes, inubos na lang namin nung bago kung friend na ampogi-pogi (lol) doon sa karinderya para sa lunch. tapos, balik kami sa building para...para...tumambay!

opo, 2 hours kaming tumambay at nagpanis ng laway. nanghihinayang nga ako sa kapogian niya. kulang na lang eh agnasin ng panahon dun sa pagkakaupo namin sa hagdan. ang init pa! supposed to be kasi, dun kami sa room namin tatambay. dalawa air-con dun eh. kaso, may nagkaklaseng ibang klase. tsk, tsk, ibang klase! kung nung high school eh solo namin ang room, at teritoryo namin yun for 10 months, ngayon naman eh may ka-share na kami. kung anong course, di ko na alam.

---------------------------------------

mmm...may pito akong subject sa ngayon. every mondays and thursdays, 7:00 am to 3:45 pm, meron akong english, values at history. every tuesdays and fridays, 9:15 am to 6:00 pm, meron naman akong math, at dalawang "unknwon subjects" or "yet-to-know-what-those-subjects-are". every sundays, 1:00 to 3:00 pm, nstp. yung sabado at miyerkules, 48 hours, pahinga ko. oras ko yun para matulog, umidlip, at matulog - mga schedules na mahihirapan akong sundin sa dami ng gawain dito sa bahay.

every subject's interval, kung hindi pa yung "long-break", merong at least 15 minutes pahinga. baka nga naman daw kasi terror yung prof mo for the 2-hour subject, e bibigyan ka naman daw nila ng pahinga para habulin yung kaluluwa at hininga mong sa mga oras na iyon eh maaaring nagpapahostage na kay kamatayan. kanina, yung mga 15-minute breaks namin, ginugugol namin kakaihi sa cr. kakaiba kasi sa room eh. tulad nga ng nabasa mo na sa itaas, dalawa ang air-con sa room. malamig at maginaw. hindi cool - COLD! hindi ko alam kung malabo na nga ang salamin ko, pero, parang nag-eevolve na nga sa isang polar bear yung isang kaklase ko.

---------------------------------------

mmm...masarap ituloy ang kwento. kundi lang masakit sa kamay. oo nga pala, nung lunes pa 'to. masakit na yung kamay ko. ewan ko kung bakit. pilay hangin, pilay-ugat, o pilay-buto, ewan. basta, masakit. lalo na 'pag natatagalan sa pagta-type.

hindi ko alam kung kelan uli ako makakapag-post. pakiramdam ko eh iba ang buhay pag kolehiyo. mas seryoso. palagay ko eh kailangan kong i-manage ang oras ko wisely (binoto ko siya nung eleksiyon. peksman!).

sa susunod na post ko, hopefully, maikekwento ko yung mga first impresiions ko sa bawat subject na natunghayan ko. tsaka, baka maboring ka na, pwede ko ring ibahin na lang yung topic. pwedeng tungkol sa...I LOVE YOU VIRUS! pihado ako 'di mo alam 'yun.

tsaka...'yung tanong...kung sino si mimi...kung bakit sa kanya 'to nakapangalan...at kung mataba ba siya, hintay lang. pag gradutae ko 4 years from now. hopefully.

and hopefully, sa sususnod na pagbisita ko sa blog ko...may comment na... mukhang ako lang yata ang nagbabasa ng mga sarili kong posts eh. hehe.

----------------------------

ooops...guys, also check this out: http://5theven.tk <---it's my brother's blog...

20050602

SUNS, rumesbak! PISTONS, umamanos!

hindi ako dyaryo. wala lang akong maisip pang magandang i-post.

sa ngayon, sinusubaybayan ko ang mga pangyayaring nagaganap sa western at eastern conference finals ng NBA. sa kanluran, tres na ang san antonio spurs kontra phoenix suns na may isang panalo pa lang. at sa silangan naman, may tigdo-dos nang panalo ang miami heat at detroit pistons. boto ako sa suns at pistons. pero sa palagay ko, laglag ang suns sa spurs. sa kaso naman nung heat, anak sila ng anghit! ayoko silang manalo. payag akong manalo sila kapag nakapag 3-points si Shaq. ewan ko ba. basta. log on to www.nba.com na lang for more details.

---------------------------------------

june 1 ngayon, may pasok na ako bukas. unang araw ko yun sa kolehiyo. hindi ko tuloy alam kung paano ako makakapanood ng NBA live telecast sa RPN 9.

and speaking of pasukan, back to school na nga na naman. hindi ko alam kung bakit maaga ang pasukan namin. pero oks lang dahil excited ako kahit papaano. iba kapag naglelevel-up.nakakatakot sa una, pero kapag palapit nang palapit, nakaka-excite din.

sa buong barkadahan nga namin, ako ang may pinakamaagang pasok. yung iba, sa 6 pa, sa 13, sa 14, pero ako, bukas na. si mimi, sa 13 pa. hindi ko na alam kung ano ang course niya. ayaw niyang sabihin eh. kanina, kausap ko lang siya sa phone. as usual, pinilit ko siyang sabihin sa akin kung ano ang course niya. pero as usual din, hindi niya sinabi.

nung high school pa ako, IT daw ang course niya. inpotek. kaya nga ako naengganyong mag-CS dahil sa kanya. tapos, mag-iiba din pala siya ng course. pero oks lang. no regrets.

ngayon, nag-aalangan tuloy akong i-post 'to sa blogsite ko. 1st post ko pa naman, mukhang lovelife agad ang pupuntahan.

---------------------------------------

btw, ang blog site na 'to eh hindi for my love life. h'wag niyo akong sisisihin kung kiligin kayo. wala akong intensiyon ng kung ano pa man. ang gusto ko lang - magkwento.

kwentuhan lang, wala namang masama, ika nga ni ebe dancel.

pero sino si mimi at bakit sa kanya ko ipinangalan 'tong site na 'to???

saka ko na sasabihin, full house na eh. nonood pa ako...hehe.